Naglalakad ako sa kalye papuntang bahay namin nang madtnan ko ang isang anino. Anino ng isang tao. Gabi na mga 9pm at pauwi na ako. Wala na masyadong tao sa paligid.
Kaya nagtaka ako nang makita ang taong iyon. Naglakad ako ng mahina para makita kung sino yun. Agad naman lumaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang lalake sa daan,
NA WALANG SUOT.
AS IN NAKED.
"NO!!!! MY INOSENT EYES!!!!" Bulalas ko.
Napalingon sakin ang lalake at walang ekspresyon ang mukha niya. Unti-unti siyang lumapit sakin at mas nakita ko ang katawan niya.
Maganda naman ito pero hindi pwede!!!! Never ba akong nakakita ng itlog ng ibabg lalake!!!! Norway!
Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa bahay. Hindi ko naman naramdaman na hinahabol niya ako. Pagpasok sa gate ay sobrang bilis ng takbo ng puso ko at hinihingal ako.
Nagpalabas ako ng buntong hininga ng lingonin ko yung labas ng gate namin at wala yung lalakeng nakita ko sa kalye.
"Ay palaka!"
Napasigaw ako ng makita ko yung lalake na diretsong nakatingin ngayon sa mga mata ko.
DUG.DUG.
WTF?
Napatingin siya sakin at lumapit. Napaatras ako sa paglapit niya. Hanggang maabot ko na ang likod ng gate. Napasandal doon.
Pinagmasdan niya naman ang itsura ko. Simula sa mata, pababa sa ilong at napatingin siya sa labi ko.
At dahil don tinulak ko siya.
"MANYAK!"
At tumalikod ako. Pero hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sakanya. Biglaan yon at naramdaman ko na lang ang labi ko sa labi niya.
POTEK????
Agad kong inalis yun at sinampal siya. Pumasok na ako sa bahay at sinarado yun. Pero nabigla ako ng nakita ko siya sa sala at tumitingin sa mga gamit.
"HOY! SINONG NAGSABI SAYO NA PWEDE KANG PUMASON DITO? ALAM MO BA NA ILLEGAL ANG GINAWA MO? TRESPASSING KA!! WALA KA NA NGANG DAMIT AT LUMAPIT KA PA SA ISANG BABAENG MATINO! TAPOS HINALIKAN MO PA KO-"
Hindi ko pa napatapos ang sinabi ko dahil lumingon siya sakin at sabay tingin sa labi ko. Napatalikod na lang ako at pumunta sa kwarto.
Nahihibang na ba yung lalakeng yun? O kakalabas lang sa mental? Kinuha kk ang damit ni daddy na luma at lumabas sa kwarto sabay bigay ko sakanya ng damit.
Tiningnan niya naman ako nang nagtataka.
"Suotin mo yan, baka kung ano pa ang sabihin ng mga tao na may kasama akong lalake dito sa bahay na walang damit."
Taka pa rin siyang tumingin sakin. Pipi ba siya? Alam ko namang mag sign language eh kaya nag sign language ako sakanya at kinuha niya naman ang damit. So pipi nga siya?
Hinintay ko siyang lumabas at pinaupo sa harapan ko. Tinanong ko siya kung pipi siya sa sign language pero di siya sumagot. Tinanong ko rin ang pangalan niya pero wala pa rin siyang sagot.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sakanya na binuka ang bibig ko.
Hindi pa rin siya nagsasalita. Tumingin lang siya nang diretso sakin. Napa buntong hininga ako.
"Hahayaan kitang matulog sa gabi dito pero umalis ka na pagdating ng umaga"
Hindi rin siya nag react. Walang ekspresyon ang mukha niya. Hinila ko siya para makatayo pero hindi ko siya kaya. Sobrang bigat niya.
Tinuro ko sakanya ang guest room at sumunod naman siya sakin.
Kinabukasan maaga akong nagising dahil may trabaho pa ako. Pero nagulat ako nang makitang maraming masasarap na pagkain ang nakahain sa mesa.
Nandoon ang lalake sa isang silya at umiinom ng kape. Hindi naman siya siguro baliw dahil wala namn siyang ginawa dito. Ang pagkakita ko lang sakanya na walang damit ang pinagtataka ko.
"Ikaw nagluto nito?" tanong ko.
Di naman niya ako nilingon at patuloy pa ring umiinom ng kape. Di ko na rin siya pinansin at kumain na lang. Pero nagulat ako dahil sobrang sarap ng pagkain.
Siya ba talaga ang nagluto nito? Di ko na lang yun pinansin at pumasok na lang sa trabaho.
*3 Days Later*
Napauwi ako sa bahay na sobranh pagod dahil nag overall ako. Pero nagulat ako nang makita si Arcky (bestfriend ko) na tumatawa sa harapan ni Mr. Naked Guy.
"Arcky?" takang tanonv ko sakanya.
"Oh Lliane, bat parang gulat na gulat ka? Hindi naman to ang unang bese na nag trespassing ako sa bahay mo."
Actually nag aalala ako, baka kase may sinabi o ginawang mali si Mr. Naked Guy. Hindi pa naman siya nagsasalita.
"Hindi mo naman sinabing may boyfriend ka."
"Boyfriend?"
"Oo" natatawang sinabi niya.
"Sinong may sabi?"
"Sino pa ba naman? Eh syempre si Timothy."
"Sinong boyfriend ko?"
"Ano ba? Wag kang magmaang maangan. Sinabi na ni Timothy sakin na boyfriend mo siya" sabay turo kay Mr. Naked Guy. Napatingin naman ako sakanya nang nagtataka.
"Ang bilis mo naman makalimot babe"
WTF? BABE?
Napanganga ako. So sa lahat pa ng cs na meron 'babe' pa ang naisip niya? Gago ba siya?
"Ah eh Hindi ko kasi gustong pinagsasabi ang relasyon namin hehe." kunyaring tugon ko.
"Tss, nako nako Lliane bestfriend mo kaya ako. Kaya aalis na ako para hindi masayang ang oras niyo sakin para lang sa gagawin niyo."
"Anong gagawin?"
"Of course what couple usually do."
Napatingin naman ako ng masama sakanya. Nag peace sign lang siya sakin at lumbas na ng bahay. Napatingin ako ng galit kay Timothy/Mr. Naked Guy.
Hinayaan ko siyang tumira dito ng panandalian dahil masarap ang mga luto niya. At mas nakakatulog ako ng matagal dahil di na ako bumangon ng umaga para lang magluto.
"May pangalan ka pala Timothy. At kailan ka pa nakapagsalita aber?"
"Kahapon lang" diretsong sagot niya.
"Kahapon?"
"Oo. Mula nong napadpad ako sa tahanan mo parati na akong nanoood ng ganyan" sabay turo sa tv.
"Paano mo naiintidihan yan?"
"Sign language"
"Sign language?"
Napabuhtong hininga siya.
"Hindi ako taga rito."
Napanganga ako. Anong sabi niya?
"Mula ako sa ibang planeta. Pero pareho lang tayong tao. Magkaiba lang ang lengwahe. Nagsasalita kami gamit ang aming katawan at kayo naman gamit ang mga baba. Pero mas matatalino kami sainyo."
"Ibig sabihin ba non may super powers ka?"
Napatango siya.
"Ibig sabihin mo, lahat ng ginawa mo alam mo?"
"Oo"
"Eh bakit wala kang damit?"
"Dahil hindi kami nagdadamit sa planeta namin"
"Eh bakit mo ko hinalikan"
"Dahil gusto kita"
DUG.DUG
"G-gusto?"
"Oo"
"P-panong gusto? Eh unang bese mo lang na nakita ako eh"
"Dahil nga mas matatalino kami sainyo. Isang beses pa lang na nakita namin ang isang tao, malalaman na namin agad kung gusti namin ito."
Nagulat ako at hindi makapagsalita.
"Sa mga oras na yun, inaakit ako ng iyong mapupulang labi. At sinasabi naman ng puso ko na gusto kita. Sana paniwalaan mo yun"
Saka siya lunapit sakin at hinayaan ko lang na dumapo ang labi niya sa labi ko.
*3 Months later*
Pagkauwi ko sa bahay nakita ko agad na patay ang mga ilaw. Kinabahan ako bigla. Baka kase kukunin na si Timothy ng mga kasama niya.
Ayaw kong mawala siya sakin, lalo na ngayon na mahal ko siya, at mahal niya ko.
Tumakbo ako papasok ng bahay at binuksan ang ilaw. Pero nagulat ako nang tumambad ang mga pulang rosas na para bang direksyon.
Sinunod ko ang mga rosas hanggang maabot ko ang balcony ng kwarto ko. Agad konv nakita sa baba si Timothy na may bitbit na gitara.
(Now playing: Magkabilang Mundo)
"Magkalayong agwat
Gagawin ang lahat
Mapasa'yo lang ang
Pag-ibig na alay sa'yo ang awit na 'to
Ay awit ko sa'yo
Sana ay madama
Magkabila man ang ating mundo"
Naramdaman ko na lang ang matinding kilig sakin. Ngayon ko lang nalaman na maganda pala ang boses ni Timothy.
"Kahit nasan ka man
Hindi ka papalitan
Nag iisa ka lang
Kahit na langit ka at lupa ako ang bituin ay aking dadamhin
Pag naiisip ka sabay kayong nagniningning"
Alam kong tinutukoy niya ang pag iibigan namin. Na hindi man kami pareho ng mundo, patuloy pa rin ang relasyon namin.
"Dito ay umaga at dyan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat aking hapunan
Ay iyong umagahan
Ngunit kahit na anong mangyari
Balang araw ay makakapiling ka
Hihintayin kita
Kahit nasan kapa di ako mawawala
Kahit na may dumating pa dito lang ako
Iibig sa'yo hangga't nandyan ka pa
Hangga't wala ka pang iba
Dito ay umaga at dyan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat aking hapunan
Ay iyong umagahan
Ngunit kahit na anong mangyari
Balang araw ay makakapiling ka
Dito ay umaga at dyan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat aking hapunan
Ay iyong umagahan
Ngunit kahit na anong mangyari dito ay umaga at dyan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat aking hapunan
Ay iyong umagahan
Ngunit kahit na anong mangyari
Balang araw ay makakapiling ka"
Nagulat ako nang tumalon siya papunta sa balcony. Oo nga pala may superpowers tong mahal ko.
"Hindi man ako tagarito, alam ko namang ikaw ang iniibig ng puso ko."
Napangiti ako sa tugon niya.
"Lliane will you be my girlfriend?"
"YES!" malakas na sigaw ko.
*2 months Later*
Napauwi ako sa bahay galing sa trabaho pero nagulat ako nang wala si Timothy dito.
Inikot ko ang buong bahay pero wala talaga siya. Nakarandam ako ng kaba at takot. Kaba na baka nakita na siya ng kasamahan niya, at takot na mawala siya sakin.
Pero mah nakita akong maliit na papel sa ref. Nanginginig ang kamay ko nang hablutin ko iyon.
'Sa pinakamahal kong Lliane,
Mahal kita at alam mo yun. Pero tapos na ang misyon ko dito. Nalulungkot ako dahil kailangan kitang iwan. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako dito. Tandaan mo lang na mahal na mahal na mahal kita.
Nagmamahal,
Timothy'
Agad akong kumaripas ng takbo papalabas ng bahay. Hindi ko alam kung maabutan ko pa sila pero dapat man lang ay may gawin ako.
Inikot ko na ang lugar na pwede noyang puntahan pero nabigo lang ako. Hingal na hingal ako nang maalala ko kung saan ko siya unang nakita.
Kumaripas akong tumakbo papunta sa kalye na yun at biglang umaliwas ang mukha ko. Nandito sa harap ko si Timothy.
Agad naman akong napayakap sa kanya at ganon rin siya.
"Akala ko iniwan mo ko" naiiyak na sabi ko.
Pero hindi siya sumagot.
"Timothy?" tanong ko at kumaliwas na yakap namin.
Nakita ko kung paanong pumatak ang luha niya.
"I'm sorry Lliane, pero iiwanan na kita."
Agad akong napaluhod sakanya.
"Please wag mo namang gawin sakin to oh."
Pinatayo niya ako pero pumiglas ako. Pero mas malakas siya kaya napatayo niya ako.
"Alam ko misyon ko ang dapat kong inatupag dito at Hindi ang pag-iibigan natin, pero wala akong pagsisisi"
At hinwakan niya ang pisnge ko.
"Sa maikling panahon na nakasama kita, minahal kita ng sobra. At ganun rin ang ginawa mo kaya wala na akong mahihiling na iba. Kung pwede lanv hindi ako aalis dito, pero hindi pwede eh. Pero tandaan mo mahal na mahal kita. Kaya susubukan kong makabalik dito. Pero hindi ko maipapangako. Maaring mamatay na ako bukas o sa susunod na linggo. Kaya Hindi ko talaga maipapangako sayo. Iiba ang mundo natin, iiba rin tayong tao, iiba rin ang nakasanayan, pero ang puso natin para sa Isa't isa ay iisa."
Sabay halik sa labi ko. Magaan lang yon pero randam mo talaga ang pagmanahal niya sakin. At ganun rin ako sakanya.
"Paalam mahal ko"
At tuluyan na siyang sumama sa kasamahan niya. Hinayaan ko lang na lumabas sa mata ko ang luha ko.
Ngayon naiintidihan ko na ang sinasabi nila.
"𝑷𝒊𝒏𝒂𝒈𝒕𝒂𝒈𝒑𝒐 𝒍𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒑𝒆𝒓𝒐 𝒅𝒊 𝒕𝒊𝒏𝒂𝒅𝒉𝒂𝒏𝒂".