I Wish You're Alive [COMPLETE...

By OldSoulBeauty

727 82 5

"In another life, you will be my girl. I love you Andrea Ysabelle." We never know who is the person that is... More

I Wish You're Alive
PROLOGUE
Heaven 1: Dress and Date
Heaven 2: Meet Adeline
Heaven 3: Accident
Heaven 4: Who Is Mystery Guy?
Heaven 5: Article
Heaven 6: Nightmare
Heaven 7: Lola Angel
Heaven 8: Nanay Airene's Birthday
Heaven 9: Adeline's Attitude
Heaven 10: Sorry
Heaven 11: Mystery of Lola Angel
Heaven 12: Baby
Heaven 13: The Admirers
Heaven 14: Timothy Yu
Heaven 16: Pa-fall
Heaven 17: Birthmark
Heaven 18: Confession
Heaven 19: With Someone
Heaven 20: Bracelet
Heaven 21: Why is She?
Heaven 22: Guess What, She's Betrayer
Heaven 23: Drop the Act
Heaven 24: Facing the Truth
Heaven 25: I'll Be Here For You
Heaven 26: Ferris Wheel
Heaven 27: Greatest Downfall
Heaven 28: I Will Stay
Heaven 29: Conflicts
Heaven 30: Her Side
Heaven 31: Special Dress
Heaven 32: Her Last Goodbye
Heaven 33: Unrecognized Guy
Heaven 34: Love and Hurt
Heaven 35: Almost Kiss
Heaven 36: When Her Heart Beats Again
Heaven 37: Unsaid Feelings
Heaven 38: He's Back
Heaven 39: Two Hearts Beat as One
Heaven 40: The Girl in His Dream
Heaven 41: Unexpected Encounters
Heaven 42: Special Place
Heaven 43: Necklace
Heaven 44: Kiss Under the Sunset
Heaven 45: Forbidden Love
Epilogue: My Angel
Author's Love Letter

Heaven 15: Baguio Trip

5 2 0
By OldSoulBeauty

"MAG-INGAT ka doon ha." paalala ni Nanay Airene.



"Nay, sa Baguio lang po ako pupunta at hindi sa Switzerland." pagbibiro ko.



Ngayon ang alis ko papuntang Baguio para sa 10th year anniversary pero sa Friday pa ang actual event. May nakareserve daw kasing condo unit para sa amin, good for one week. Sagot ng company lahat ng expenses kaya wala kaming kailangan alalahanin. May transpo din nga na maghahatid pero hindi na ako sumabay, masyado na silang marami du'n kaya solo flight ako at gagamitin ko ang kotse ko, naibalik na kasi ni Tim 'yun nakaraang araw. Para habang naghihintay ng Friday makagala muna ako mwahaha!



"Strawberry. Ehem." pagpaparinig ni Mommy.



"Extra money. Ehem." pagpaparinig ko din kaya natawa sila.




"Ay hindi na. Sige na umalis ka na." pagbibiro ni Mommy.



"Lahat kayo may pasalubong pagbalik ko. Pasasalubungan ko kayo ng dahon ng strawberry." nagtawanan ulit sila. "I have to go na po, baka matraffic ako." pagpapaalam ko at humalik na ako kay Mommy at Daddy.



"Take care, and enjoy." nakangiting sabi ni Daddy kaya tumango ako.



Hinatid na ako nila Daddy sa kotse ko. "Ingat ha, I love you." sabi ni Mommy.



"Yes po, ingat din po kayo dito. I love you too." sagot ko at sinimulan ng mag-drive. Akala mo sa Sahara Dessert ako pupunta eh sa Baguio lang naman. Pinicturan ko 'yung daan at pinost sa IG with a caption 'way to Baguio'. After 5 seconds nang ma-post ko nag-heart agad si Tim. Epal talaga 'to buti na lang naibalik niya 'yung kotse ko kaya nga lang may utang na loob ako sa kanya.



I received a call from Edward so I answered it. "Yes, why?"



"Kailan ka babalik?" he asked with his droopy voice.



"Nagda-drive pa lang ako papunta, kailan agad ako uuwi?"



"Tss." he only answered. OMG! Napikon ko ba siya? Achievement 'to ha?! "Kailan nga?"



"Bakit ba?" gusto kong siya naman ang maasar ko hahaha!



"Just answer me."



"Ewan! Edi next week pa." napairap na lang ako dahil parang ako ang naasar niya.



"Sige. Pasalubong ko ha."



"Kapal ha! May patago ka sa'kin?"



"Meron." sagot niya.



"Ano aber?"




"Puso ko yieeee!"



"Abnormal! Para kang babaeng may dalaw! Bipolar!"



"Nye, nye! Basta pasalubong ko. Love you!"



"Wala! Wala kang patago! Love you too."



"Ingat ka diyan ha." pag-papaalala niya.



"Ingat sila!" sabi ko at pinatay na ang tawag.



Inenjoy ko ang view ng dinadaanan ko. Alas-kwatro pa lang ngayon ng hapon. Nami-miss ko tuloy umuwi ng Laguna, college pa ang huling uwi namin at kasama noon si Adeline. Minsan nga sasabihin ko kila Mommy na bumisita doon.



Dinial ko ang number ni Jen dahil mas masaya kung kasama ko sila kaya lang hindi pwede. "Jenniceeeeee!"



"Ano ba 'yan, Ysa!" sagot niya dahil sa sigaw ko.



"Belle!" narinig kong tawag ni Ella.



"Ba't ba pinaghihiwalay niyo ang pangalan ko? Dami-dami niyong tawag sa'kin." reklamo ko dahil sa nickname nila sa akin.



"Pasalamat ka dalawa 'yang pangalan mo samantalang kami Jennice at Ellaine, tinipid diba?" ani Ella kaya natawa ako.



"Oh, sige na! Ysa/Belle/Ysabelle/Andrea/Ada. Lahat na itawag niyo hahaha!" tawa ko.



"Strawberry jam lang sapat na." hirit ni Jen. Tingnan mo 'to kanina ang sungit ngayon hihingi ng pasalubong!



"Real strawberries lang sa akin Belle." gatong ni Ella.



"Ayos kayo ha! Pumunta ako dito para sa anniversary hindi para pasalubungan ko kayo. Ang mahal kaya ng strawberry, pagbalik ko mag-street foods na lang tayo atleast 'yung fishball piso dalawa pa!"



"Kuripot mo!" singhal ni Ella.



"Wala kaya kayong patago." sabi ko.



"Mahal ka naman namin eh." pag-iinarte ni Jen kaya natawa ako. "Dapat sumama kami sa'yo pwede naman siguro kami sa unit mo pero hindi kami pupunta sa party."



"Kaya nga eh, wala akong kapalitan mag-drive, 8 hours pa naman."



"Mag-ingat ka sa pag-drive mo." ani Ella.



"Opo Lola. Bye na. Ingat din kayo diyan." pagpapaalam ko at pinatay na ang tawag.




HUMINTO muna ako sa isang kainan dahil nakaramdam ako ng gutom, 8pm na din kasi. Dalawang oras na lang malapit na ako sa Baguio. Ipinark ko muna ang kotse at pumasok na sa loob, madami din ang mga kumakain at the same time maganda din ang ambience ng lugar. Para itong bahay kubo dahil gawa sa kahoy ang dingding pati ang mga upuan at lamesa ay gawa din sa bamboo. Probinsya style talaga, pumila na ako sa may likod dahil self-service ito.



Kumuha ako ng bicol express at dalawang kanin. Hindi naman ako nagda-diet kaya ayos lang 'to, nakakapagod kaya ang biyahe. Pagtapos ko magbayad ay naupo na ako, nagdasal muna ako bago picturan 'yung loob ng kainan at 'yung pagkain ko. Pinost ko din sa IG ko at nag-selfie pa. Nakasuot ako ng beige na shirt at naka-tuck-in sa maong na shorts at white rubber shoes. Sayang wala sila Ella, kung kasama ko ang mga 'yun talagang hindi nila palalampasin na kumuha ng picture ng OOTD nila.



Habang kumakain ay nag-scroll lang ako sa IG nang biglang may nag-notif sa akin.



eduardoslvdr and 589 others liked your post.




ellalaine commented on your post.




Nakita ko na nag-comment si Ella ng 'sana all'. Sinundan naman ito nila Jen, Edward, Timothy, Mommy, Daddy, Adeline pati si Nanay Airene ha? At iba pang followers ko. Anong ka-sana-sana all sa post kong 'to? Pauso kasi 'tong si Ella eh! Tinapos ko na lang ang pagkain at lumabas na doon sa restaurant. In fairness ang sarap ng mga pagkain nila du'n. Babalik ako diyan kapag pumasyal ulit ako sa Baguio.




Nagpatuloy na ako sa pag-drive, buti na lang at hindi pa ako nakakaramdam ng antok dahil maaga akong nakatulog kagabi at tanghali na din akong nagising kanina. Nakinig na lang ulit ako ng music para di ako ma-bored.



I've been awake for a while now
You've got me feelin' like a child now
'Cause every time I see your bubbly face
I get the tingles in a silly place

It starts in my toes, and I crinkle my nose
Where ever it goes I always know
That you make me smile, please, stay for a while now
Just take your time wherever you go



Agad na bumungad sa akin ang receiving area, may couch, flat screen TV I think its 48 inches, at aircon. May isa ding kwarto sa gilid at sa kabilang side naman 'yung kitchen at dining area. Binuksan ko ang ref para uminom ng tubig, nakita kong puno din ang loob nito talagang hindi ako magugutom. Pumasok ako sa kwarto at inayos na ang mga gamit ko sa closet, malaki din 'tong kwarto. Sobrang yaman talaga ng Victory Pages Publishing, ilan kaming employees ang may tig-iisang unit at for one week pa kami magi-stay. Nilapat ko muna ang likod ko sa kama, at kinuha ang phone ko sa bag. Chinat ko si Mommy na nandito na ako at nag-send pa ng picture nitong kwarto.




From: Mommy

Take a rest na baby girl, bukas na tayo mag-usap. I love you.




To: Mommy

Okay, love you too!




Gusto ko ng matulog nakakapagod din palang walang kapalitan mag-drive tapos walong oras pa ang biyahe!



Napabangon ako nang may marinig akong nag-doorbell at sumilip ako sa peephole nakita ko si Charity na nakatayo sa labas.



"Hello, Andrea!" masayang bati niya sa'kin. Charity is one of my friend, naging scholarship beneficiary siya ni Daddy at nakapagtapos ng pag-aaral dahil du'n, ngayon nagse-share na din siya para sa mga bagong scholars.



"Charity!" nakangiti kong bati. "Come, inside."




Pumasok na kami sa loob at naupo sa couch. "Uhmm... you want juice, coffee..."



"No, I'm okay." nakangiti pa din siya.



"Ikaw pala 'yung pinadala sa area niyo. Paano mo pala nalaman na nandito na ako?"



"Yeah, I saw you at the lobby. Lumabas kasi ako saglit." napatango naman ako. "By the way, aayain sana kitang gumala dito sa Baguio habang hinihintay 'yung party sa friday."




"Sure, gusto ko din gumala kaya lang wala akong kasama. Buti na lang dumaan ka dito."



"Sige, mauna na ako. Magpahinga ka na." sabi niya ng nakangiti pa din, ang ganda din talaga nitong si Charity.



"Ah, sige." sagot ko. Hindi na ako matinong kausap dahil inaantok na ako. "Bukas pala, dito ka na mag-breakfast magluluto ako."




"Really? Sure, hindi na ako tatanggi." saad ni Charity hinatid ko na siya sa labas ng unit ko, wala na ding tao dito sa hallway malamang madaling araw na!



Hindi ko na kinaya ang pagod, nag-shower ako sandali at natulog na. Nag-alarm na lang ako para maaga akong magising at makapag-prepare, inaya ko pa naman si Charity.




"NYEMAS na alarm 'to ang sakit sa ulo! Babangon na nga eh!" reklamo ko dahil kanina pa alarm ng alarm ang cellphone ko.



Bumangon na ako at pumasok sa loob ng banyo para mag-ayos. Nagsuot lang ako ng blouse at shorts tsaka may cute na tsinelas dito kaya ginamit ko na din. Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang ref, kinuha ko 'yung bacon, eggs at sausage then prinito 'yon, nag-toast din ako ng tinapay, nagluto ako ng garlic rice at nakakapagod in fairness!



To: Cha

Good morning Cha, punta ka na dito.



I texted her and after a minute she replied.



From: Cha

I'm sorry Andrea, may importante akong gagawin ngayong umaga. May sinend kasing file sa akin and kailangan kong i-edit. Ngayong araw ko din kailangan ipasa.



Awtsss! Paano 'tong prinepare ko?




To: Cha

That's okay, next time na lang. Goodluck sa gagawin mo. :)



From: Cha

I'm really sorry talaga, promise next time babawi ako. Thank you.



"Kakainin ko lahat 'to?" tanong ko sa sarili ko.




"Ang sarap--- ay masarap ka!" napatalon ako ng pagharap ko ay bumungad sa akin ang pagmumukha ni Timothy ng nakangisi. "Para kang 'yung alarm ko kaninang umaga," sabi ko sa kanya.




"Bakit? Ako ba ang gumising sa natutulog mong puso?" banat na naman!



"Hindi... Kasi parehas kayong PUNYEMAS!" sigaw ko sa kanya. "Paano ka ba nakapasok dito? Ano bang ginagawa mo dito?!" naiirita kong tanong pero nakangisi pa rin siya!




"Tss. Hindi man lang ako binati ng good morning, sinigawan agad ako."



"Hayyy nakooo! Timothy pwede bang lumayas ka sa harap ko!" sigaw ko ulit.




"Okay lang sabi mo naman masarap ako eh." napapikit na lang ako at napasapo ng noo ko sa mga pinagsasabi nitong lalaking 'to!




"Timothy sabi ko diba lumabas ka na? Naiirita talaga ako sa'yo!"




"Grabe ka sa akin. Sa poging 'to maiirita ka? Chill, ang aga-aga nakasimangot ka." pinakalma ko ang sarili ko, baka sakaling mawala ang irita ko sa kanya.




Naupo ako sa stool at humarap sa mga prinepare kong pagkain. Nagulat ako ng abutan niya ako ng tubig. "Bakit maligamgam?" reklamo ko.




"Para dumaloy ng maayos ang dugo mo." paliwanag niya.



Napairap na lang ako at ininom na 'yun. Naupo naman siya sa tapat ko. "Paano ka nakapasok dito?"



"Nakabukas 'yung pinto." simpleng sabi niya. Napailing na lang ako, binuksan ko pala 'yun para makapasok si Charity. "Bakit nga ba nakabukas 'yun?"



"Si Charity kasi inaya kong mag-breakfast dito, eh nag-text siya sa akin na may kailangan siyang ipasa kaya hindi siya makakarating." paliwanag ko.




"Oh anong problema du'n?" tanong niya na parang nag-aalala.



"Sayang preparation ko," pero hindi naman ako galit kay Charity, nasasayangan lang ako sa preparation ko. Balak ko pa man din na mag-workout habang nandito ako tapos uubusin ko ang lahat ng 'to?



"Pwede namang tayo..." pinaningkitan ko siya ng mata. "Pwede namang tayo ang kumain niyang prinepare mo, hindi pa kasi ako tapos eh hehe." biglang tumiklop ang loko!




"Bakla," biglang sabi ko.




"Ako? Bakla?"



"Sabi ko 'baka' hindi mo magustuhan, hindi pa kasi ako tapos eh hehe." panggagaya ko sa kanya at in-emphasize pa 'yung 'baka'.



"Sus! Sabi mo nga masarap ako--- este 'yung niluto mo." sabi niya at tumayo para kumuha ng plato, nilagyan niya ng garlic rice at toasted bread 'yung isang plato at inilagay ito sa tapat ko. "Ikaw na ang kumuha ng ipapalaman mo, hindi ko alam ang gusto mo."




"Thank you." sabi ko at kumuha ng bacon. "Ano bang ginagawa mo dito?"



"Hmm?" tanong niya habang ngumunguya ng tinapay.



"Ibig kong sabihin, anong ginagawa mo dito kasi para lang 'to sa mga representative ng bawat areas."



"Right! Representative din ako." nakangiti niyang sabi at nawawala ang mata niya.




"Paano mo nalamang dito ang unit ko?" I curiously asked.



"Nakita ko si Charity na hinatid mo kagabi." he answered. "Marunong ka palang magluto. Ang sarap ha!" pagpuri niya sa prinepare ko.



"Ubusin mo 'yan ha." banta ko. Tumango siya sa akin at sumaludo pa.




Tuwang-tuwa ang loko sa mga niluto ko. Tss, akala ko masasayang 'yung effort ko. Bakit ba kasi hindi nakasama sila Jen at Ella, siguro tuwang-tuwa ang dalawang 'yun kung nandito.



"Bakit nga pala hindi ka sumabay sa transpo ng company?" tanong niya.



"Gusto kong mag-solo."




"Arte." bulong niya pero narinig ko. Pinarinig yata talaga sa akin eh.




"Maarte talaga ako." pag-depensa ko sa sarili ko.




Napailing na lang siya at mukhang ayaw niyang makipag-talo sa akin. "Tara, gala tayo!" masigla niyang sabi.



"Saan naman? Eh nakapangako sa akin si Charity."



"Edi dito sa Baguio, gusto mo sa Zambales kahit nandito tayo sa Baguio?" pangbabara niya kaya napairap ako. "Maraming ginagawa si Charity, hindi lahat ng pinapangako niya natutupad."



"At paano mo nasabi aber?"



"Niligawan ko 'yun eh." proud niyang sagot.



"Niligawan o nilandi?" diretsong tanong ko.



Napahawak siya sa dibdib niya at akala mo nasaktan talaga. "Ouch! Grabe mang-husga."



Ewan ko pero natawa ako. "Nasaktan ka kasi totoo. Truth hurts bro?" panggigisa ko sa kanya.




"Ikaw babae ka, ang harsh mo sa akin. Pag playboy lagi lang lumalandi ng babae? Nasasaktan din kaya kaming mga a-- playboy."



"Oh sige na, niligawan mo na kung niligawan. Kailan tayo gagala?" pagbabalik ko sa topic.




"Ngayon," sabi niya at tumayo na. "Nabusog ako ha, thank you." nagulat ako ng naubos namin lahat ng prinepare ko. Ang takaw ni Timothy!



"Ang takaw mo! Naubos lahat ng hinain ko!"



"Mas matakaw ka." sabi niya. "Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan." pagpresenta niya.



"No, ako na diyan." umiling siya at nginuso 'yung couch.



"Du'n ka na ako nang bahala dito." tumango na lang ako at hindi na nakipagtalo pa.



Pagtapos niya maghugas ng plato ay lumapit siya sa'kin. "Thank you sa breakfast kahit sinigawan mo ko." natatawa niyang sabi.



"Sorry, ikaw kasi eh. Pero you're welcome." sagot ko.



"Text me if you're done." kumunot ang noo ko. "Diba gagala tayo?"




"Ay seryoso pala 'yun." sabi ko.




"Oo naman! Text mo na lang ako ha? Thank you ulit." sabi niya at lumabas na sa condo ko. Nag-ayos na din ako para makagala na, mukhang masaya nga 'to.












~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Song: Bubbly by Colbie Caillat

Continue Reading

You'll Also Like

36.3K 706 46
A bunch of one-shot girlxgirl of you and Sabrina! I take requests, fluff (โค) Angst (๐Ÿ’”) smut (๐Ÿ’‹)
46.8K 3.6K 41
แž˜แŸ’แž›แŸ„แŸ‡แž˜แŸ‰แžถแž แŸ’แžœแŸ€ แž–แŸ’แžšแžถแž“แž“แžถแžšแžธแž”แŸ’แžŠแžผแžšแžŸแŸ’แžšแžธแžŠแžผแž…แž‡แžถแž”แŸ’แžŠแžผแžแŸ„แžขแžถแžœ แžแŸ‚แž€แŸแžแŸ’แžšแžผแžœแž˜แž€แž‡แžฝแž”แž‡แžถแž˜แžฝแž™แž“แžนแž„แž€แž˜แŸ’แž›แŸ„แŸ‡แžแžผแž…แž‚แžธแž˜ แžแŸแž แŸ’แž™แžปแž„ แž€แŸแž’แŸ’แžœแžพแžขแŸ„แž™แž“แžถแž™แž”แŸ’แžšแŸ‚แž‡แžถแž‡แžถแž”แŸ‹แžŸแŸ’แž“แŸแž แŸแž‚แŸแžŠแž€แž…แžทแžแŸ’แžแž˜แžทแž“แžšแžฝแž…แžแŸ’แžšแžนแž˜แž˜แžฝแž™แžšแžถแžแŸ’แžšแžธ...
842K 130K 82
(ูŠุง ุฅูŠู‡ุง ุงู„ู†ุงุณ ุฃุชู‚ูˆ ุงู„ู„ู‡ ุจุงู„ู†ุณุงุก ุงูˆุตูŠูƒู… ุจุงู„ู†ุณุงุก ุฎูŠุฑุงู‹) ู„ู… ูŠุณุชูˆุตูˆุง ุจู†ุง ุฎูŠุฑุงู‹ ูŠุง ุฑุณูˆู„ ุงู„ู„ู‡ ู„ู‚ุฏ ูƒุณุฑูˆ ุงู„ู‚ูˆุงุฑูŠุฑ ูˆุงู„ุงูุฆุฏุฉ
120K 6.6K 157
๐ญ๐ก๐ž ๐Ÿ๐ง๐ ๐›๐จ๐จ๐ค ๐จ๐Ÿ ๐ฌ๐ก๐จ๐ซ๐ญ ๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ๐š๐›๐จ๐ฎ๐ญ ๐จ๐ฅ๐ข๐ฏ๐ข๐š ๐ซ๐จ๐๐ซ๐ข๐ ๐จ ๐š๐ง๐ ๐ฒ/๐ง'๐ฌ ๐ฆ๐ž๐ž๐ญ-๐œ๐ฎ๐ญ๐ž๐ฌ/๐ฅ๐จ๐ฏ๐ž ๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๏ฟฝ...