𝘒𝘢𝘣𝘢𝘯𝘢𝘵𝘢 21: 𝘠𝘰𝘶 𝘸𝘩𝘢𝘵?
𝙕𝘼𝙉𝙀.
"You What? I mean Ano ka ulit ng anak ko?" Eksaheradang tanong ni mommy na napatayo pa sa kaniyang kina-uupuan habang si daddy din ay napatayo din dahil ba naman sa sinabi ng babaeng kasama ko.
Pagkatapos kasi akong pagtripan nitong si devilla nagka-usap kami at may sinabi ito sakin na talagang kinasaya ko ng sobra.
"Ex-girlfriend po ako ni Sam" Nakangiting sabi ni Devilla sa dalawa napangiti din ako dahil naaamoy kong may magandang mangyayari sa pagbabalik ni devilla.
"Oh jusko , Bakit hindi namin alam na may una na palang na-girlfriend itong si Sam? Akala ko si Venus" napatampal pa si mommy sa kaniyang noo habang nakatingin kay devilla.
"Tama ba ang narinig ko kanina Iha? May anak kayo ni Sam?" eksena naman ni daddy habang pinapakalma si mommy na hindi din makapaniwala.
Napangiti ako ng palihim dahil nagugustuhan ko ang eksenang nakikita ko , Tama ang pagkakabasa niyo gays may anak si Sam at yan ang isa sa mga goodnews ngayong araw para sakin. Pangalawa mahal pa ni devilla si kuya Sam kaya sigurado akong gagamitin ni devilla ang anak nila makuha lang ulit si kuya Sam .
"Yes Sir , Three years old na po siya ngayon tsaka sorry kung ngayon lang ako nagpakita nagkaroon kasi ng maraming problema pero ngayong naayos na , Aayusin ko din po ang pamilya ko" Nakangiti pa ring sagot ni Devilla kaya gusto kong palakpakan ito dahil panigurado na talagang siya ang magiging dahilan kung bakit maghihiwalay sila Sam at Venus.
"Okay gusto kong makilala ang Apo ko , Dalhin mo siya dito bukas at bukas din maghaharap-harap tayo kasama si Sam" Desisyon ni daddy sabay baling ng tingin sakin para bang sinasabi nito sakin na Wag kang magkakamali psh.
"Hindi na nga po siya makapaghintay na makilala kayo at syempre ang tatay niya" Tumango-tango naman si mommy sa sinagot ni Devilla. Parang ayaw nito sa mga sinasabi ni devilla tsaka si daddy nakakunot pa ang noo.
"Ah Mommy daddy , Ihahatid ko na po si Devilla" Eksena ko sa mainit nilang usapan. Napatingin sakin si devilla tsaka ako tumingin sa mga magulang ko sabay itong napatango. Nagpaalam naman ng may paggalang si Devilla sa mga magulang ko.
Hayst dahil sa babaeng ito nagawa ko pang hindi kumain para lang masamahan siyang pumunta sa bahay namin at sabihing may anak sila ni kuya Sam pero okay na rin at least alam na ng mga magulang namin. Magiging lamat din yun sa relasyon nila ni Sam Hahaha.
Pagpasok namin sa loob ng sasakyan agad kong pinaandar ang makina tsaka na ito pinaharurot papunta sa condo unit ni devilla kung saan siya nakatira ngayon. mabilis lang naman ang biyahe nakarating kami agad sa condo nito.
"Anong gusto mo Coffee? Water? Jui-
"Hindi okay lang , Aalis na rin naman ako" Pilit na ngiti ko dito. Noon kasi ako lang ang nakaka alam nang relasyon nila ni kuya Sam dahil nga si kuya bawal pa mag Girlfriedn habang hindi pa siya nagtatapos pero ang labo din ng mga magulang ko pinakasal naman si Venus kay Kuya Sam.
"What? Aalis kana.. agad? Bakit hindi muna tayo.. magpa-init?" Napakurap ako ng sa isang iglap lang ay napalapit na ito sa pwesto ko kaya naman napa atras ako ng wala sa oras.
"H-ha? Hin--hindi na okay na I mean aalis na ak-
"Kalma ka nga lang diyan , para namang hindi natin ginawa ito dati" May pang-aakit nitong hinaplos haplos ang aking pisngi kaya naman tiningnan ko ito ng seryoso.
Ugh may aaminin ako sa inyo mga gays. Hindi lang lang basta-basta si devilla oo hindi ko siya minahal pero siya ang nagturo sakin kung paano paligayahin sa kama ang mga babae at oo siya ang naging Una ko. Pero safe naman dahil may proteksyon ako nung time na yun baka magtaka kayo at sakin niyo pa ipaako yung anak nila ni Sam.
"Uuwi na ako" may diing sabi ko dito para naman manahimik siya sa panlalandi sakin alam kona yang mga ganyang galawan.
Hindi kona ito hinintay na sumagot pa agad kong nilisan ang lugar na yun. Napahinga ako ng malalim kaming dalawa lang ang nakakaalam ni devilla sa nangyari samin alangan namang ipagkalat pa namin diba?.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay namin nila aphrodite ay agad kong napansin ang kadiliman ng loob ng bahay kaya naman nagtaka ako tsaka nagmamadaling pumasok sa loob. Hindi naman nagpapatay ng ilaw si Aphrodite. Baka nagtitipid kasi wala ng pambayad sa kuryente hahaha.
Umakyat ako sa taas kung nasaan ang kwarto namin pero pagbukas ko ng pinto wala akong nakitang Aphrodite kaya napakunot ang aking noo. Bumaba na lang ako para tingnan ito sa kusina pero wala rin sunod kong pinuntahan yung likod ng bahay pero wala rin.
"Gabi na ah? Bakit wala pa ang babaeng yun?" Bilis nga ng oras gabi na pala pero yung babaeng kasama ko wala pa dito sa bahay saan nanaman kaya pumunta yun?. Uy nag-aalala No way.
"Saan nanaman ba nagpunta yun? Hindi man lang ako tinext?" Na-iinis na rin ako dahil ngayon lang nangyari ito. Gabing-gabi na tapos wala pa siya sa bahay? Ano na lang sasabihin ng mga magulang niya? Na pinapabayaan ko ang anak nila.
Psh bahala siya kung saan man siya nagpunta wala akong pake. Pumasok ulit ako sa loob ng bahay tsaka na umakyat sa kwarto. Matutulog na ako.
Pagkahiga ko ay siya ring pagtunog ng cellphone ko kaya naman napabaling ang tingin ko dito. Sa palagay ko Alas Siete na ng gabi. Dinampot ko ang cellphone tsaka tiningnan kung sino ang nagtext.
Napalaki ang aking mga mata ng makita kong si Aphrodite ang nag text pero sa sinabi niya talaga nanlaki ang mga mata ko dahil magmula pa kanina ay hinihintay na ako nito na sunduin siya. Ibig sabihin nasa labas na siya ng university.
Agad akong napatayo saking hinihigaan ng mabasa ang text niya nagsuot ako ng Jacket tsaka patakbong lumabas para makasakay sa kotse.
"Anong nakain ng babaeng yun? Bakit hindi na lang umuwi baliw na ba siya?" Mukhang ako Ata ang nababaliw dahil kinakausap ko ang sarili ko habang nagmamaneho papunta sa University. Ilang saglit pa ay nakarating na ako saking pakay at agad na bumaba mula sa sasakyan.
Nagtaka ako dahil wala naman akong nakitang Aphrodite na naghihintay sakin pinagloloko ba niya ako? Psh sabi kasi niya sa text naghihintay siya sakin sa labas pero ngayong nandito na ako wala naman psh.
Akmang papasok na lang ulit sa kotse ng makarinig ako ng tawanan at may isang boses na nangingibabaw sa kanila. Boses ni Aphrodite.
Sinundan ko ang pinagmumulan ng Tawanan at parang apat na mga lalaki ito base sa mga boses nila.
"Sa wakas Masosolo na rin kita baby" sabi ng isang tinig pero pamilyar ang boses ng lalaking yun.
Parang umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo nang makita ko kung ano ang ginagawa nila kay Aphrodite. Wala na akong inaksayang panahon sinugod ko agad yung lalaki ng makita kong malapit na niyang halikan si Aphrodite.
"Sino kang gago ka?" Gigil na tanong nito habang tumatayo dahil natumba ito ng sinuntok ko sa mukha pero maagap siyang nasalo ng tatlo niyang kasama.
"Wag mo nang tanungin tsaka Itong babaeng ito sakin yan kaya wag mong papakialaman" Pinilit ko talagang pakalmahin ang sarili ko pero gusto kona itong patayin.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko malamig ang kaniyang mga kamay kaya naman kunot noo ko itong tiningnan.
"Okay lang ako Zane" Sabi nito pero kabaligtaran naman ang sinasabi ng kaniyang mga mata. Psh okay? Mukha ba siyang okay matapos siyang pagtripan ng apat.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. May gusto pa akong gawin sa mga ito. Tsaka yung sinuntok ko pamilyar talaga siya.
"Ang tapang mo ha! Lagi kana lang umeeksena" Sumenyas ito sa dalawa niyang kasama.
Sumugod ang mga ito ng sabay kaya naman hindi ko namalayang nasuntok pala ako nang isa pero nakaganti naman ako sa dalawa. Pareho na silang nakahandusay sa sahig.
"Psh Mukhang kulang pa kayo sa Vitamins , Sabihin niyo sa mga magulang niyo bilhan kayo" Nang-aasar na sabi ko sa kanila tsaka binalingan yung lalaki na mukhang nangunguna sa kanila.
"Echo kailangan na nating umalis hindi mo sinabing malakas pala yan" Mukhang natakot ang isa kaya naman wala nang nagawa yung sinasabi nitong Echo at umalis na lang.
Nang maka-alis na sila sunod kong binalingan ng tingin si Aphrodite.
"Tara na Umuwi na tayo" Mahinahong sabi ko tsaka lumapit dito para hawakan ang kamay niya. Wag na kayong magtaka okay? Maski ako hindi ko alam kung bakit hinawakan ko ang kamay nito.
Mukhang nagulat pa nga ito sa ginawa ko pero mag-iinarte paba siya? Tsaka ngayon ko lang kasi ginawa ang bagay na ito sa kaniya kaya nagulat talaga siya.
Wala akong narinig na sagot dito kaya naman nauna na akong maglakad habang hawak pa rin ang kamay niya.
Bigla na lang akong napangiti.
Ang sarap pala sa pakiramdam.
>>>>
Oh? Wag na pong magalit kay Zane dahil bumawi na po siya nyahahaha.
Ano sa palagay niyo? Tuloy-tuloy na ba? Lalayag naba ang APHROZANE?