Ms. Mataray Meets The Casanov...

By ncljrn

3.2K 109 6

Ano kayang mangyayari kung si Ms.Mataray meets The Casanova? :)... More

MMMTC 1 ♡ The Cassanova
MMMTC 3 ♡ Bitch&Slut
MMMTC 4 ♡ Condo
MMMTC 5 ♡ Spy
MMMTC 6 ♡ Welcome Back
MMMTC 7 ♡ Kiss
MMMTC 8 ♡ Lai
MMMTC 9 ♡ Heartbeat
MMMTC 10 ♡ Ate Chels
MMMTC 11 ♡ Janessa & Krista Dez
MMMTC 12 ♡ Cold
MMMTC 13 ♡ Talk
MMMTC 14 ♡ Casanova
MMMTC 15 ♡ Flight
MMMTC 16 ♡ Mark
Author's Note
MMMTC 17 ♡ Chloebitch
MMMTC 18 ♡ Start
MMMTC 19 ♡ Talia
MMMTC 20 ♡ Flashback I
MMMTC 21 ♡ Flashback II
MMMTC 22 ♡ Mark & Talia
MMMTC 23 ♡ Friends
MMMTC 24 ♡ Goodbye
MMMTC 25 ♡ He's Leaving
MMMTC 26 ♡ After 1 year
MMMTC 27 ♡ Karl?
MMMTC 28 ♡ Jealous
MMMTC 29 ♡ Fiancé
MMMTC 30 ♡ Truth

MMMTC 2 ♡ How?

200 4 0
By ncljrn

Karl POV

" Cassanova ka. " at umalis na.

H-how? Paano niya nalaman 'yun?

Nung una palang nagtataka na ako sa'kanya. Lalo na nung nagtanungan kami.

Paano rin niya nalaman na Cassanova ako? Baka alam niya rin ang dahilan. Hindi pwede! Sino kaya ang maaaring nagsabi kay Claire? Tch!

Tch! Kung ikaw may alam sakin. Kailangan ako rin may alam sa'yo. Get Ready Claire. Hinahamon mo ako!

Perez Residence

" Hi! Karl. " sabi ni Mom at yumakap sakin. " Hi Mom. " bati ko.

" Kamusta ang pagiging boyfriend? " tch. " Mom, Paano niya nalaman na Cassanova ako? "

" Di ko alam. Hayaan mo aalamin ko " sabi ni Mom at tinapik pa ang balikat ko. " Thankyou Mom. "

" Tara, let's eat. " aya ni Mom.

" Dad, meron po ba kayong contact number ng Lolo ni Claire? "

" Yes. Mamaya ibibigay ko sa'yo. "

Yes! Akala mo sakin Claire?

Hello po.

[ Oh, karl. Napatawag ka? ]

Si Claire po?

[ Naku! Karl, tulog na yun. ]

Ah ganun po ba? Pwede ko po bang malaman ang tungkol sa'kanya?

[ Ay! Sa Mom mo, ibinigay ko sakanya. Naka sulat sa isang papel Karl. O sha, ibababa ko na itoh. Matutulog na ako, ikaw rin. ]

Dahan-dahan kong pinasok ang kwarto nila Mom at Dad. Maingat akong naghahanap sa mga papel na nakakalat dito sa table nila Mom and Dad.

May nakaagaw atensyon sakin na isang papel na nakatupi at may nakalagay na From: Mr.Garcia

Eto na ba yun? Kaya kinuha ko yun at nagmadaling pumunta sa kwarto ko. Humanda ka Claire! Masyadong mahaba pero kailangan kong matapos at basahin.

Academy

Haha. Claire Angel, naaawa ako 'sayo. Madami ka palang pinagdaanan! Excited na akong makita ka. Nasaan ka na ba kasi?

Saan ba siya mahilig tumambay? Garden? Makapunta na nga lang.

Nandito nga siya, masyado pa kasing maaga e. " Hi Claire. " bati ko.

Nginitian niya lang ako. Sige ngitian mo lang ako. Mamaya ako naman ang ngingiti Claire. " Kailan ko makikita si Alden? " sabay ngiti ko. " Mamaya. " boring niyang sagot.

" Pag nakita ko ba siya kailangan kitang hawakan o akbayan? " tumango lang siya. " Bakit? Mahal mo parin ba siya? " nakangiting sambit ko.

Tinaasan naman niya ako nang kilay. " Asa ka. Hindi naman ako desperada gaya ng iba. Wag 'mo kong itulad "

" Bat 'kailangan nating ipaalam sa'kanya na magjowa tayo? "

" Aish! Para tigilan na niya ako. Paulit ulit ka! Naiinis na ako. Bat kaba kasi nandito? "

" Kamusta na yung Ate Chloe mo? " bibiglain kita Claire. Gaya nang sabi ko nagulat nga siya pero naka-recover agad. " Pake ko sa'kanya? At isa pa wag mo nga siyang matawag tawag na Ate! Kung ayaw mong tadyakan ko yang ano mo. " napipikon na siya.

" Gawa. "

Ngumiti siya nang malawak at tingnan ako. Kaya nginitian ko rin siya! Kaya niya kaya? Tch. " Ahhhh! " sigaw ko.

Tch. Ginawa nga niya! Pake ko? " Marami na akong alam sa'yo Claire. " kaya napahinto siya.

" Pake ko? " aniya at iniwan na naman ako. Bat parang wala siyang pake kung alam ko na? Tingin ko may tinatago pang iba si Claire. Aalamin ko 'yun.

Balak ko pang asarin yung girlfriend ko kaya naglibot muna ako. Para na din mahanap ko siya.

" Bro. "

" Alden? Hi Bro! "

Nagyakapan kami yung yakapan ng mga lalaki. Di ako bading ha! " Balita ko, ikaw yung boyfriend ng mahal ko? "

Anong sasabihin ko? Hindi pwedeng sabihin kong hindi talaga kami. Tch, bahala na.

" Oo. " kapiranggot kong sagot.

Lumungkot yung aura ng mukha ni Alden. Kaya pala sabi ko sounds familiar. Si Alden ay childhood bestfriend ko. Wala kasi kami dalawa na kapatid kaya turing namin kami na ang magkapatid.

Ngumiti nalang siya sakin. " Ang tanga ko kasi bro. " sabi pa niya.

" Ano ba kasing nangyari? " tanong ko. " Masyado kasi akong naniwala sa ate chloe niya. "

" Kaya bro, ingatan mo yung mahal ko ah? Isusuko ko nalang siya sayo kaysa naman sa iba pa siya mapunta. Talaga kasing matindi ang galit niya sakin. Mahal na mahal ko yun bro. "

Potek. Ang drama ni Alden. " Maging cassanova ka kaya? "

Binatukan naman niya ako. " Potek ka. Ikaw na lang. Yan nga ang dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Claire e. "

" Bro. Cassanova ako! " oh, shoot! Bat ko yun sinabi?

Nagulat siya gaya ko. " Makipagbreak ka kay Claire. " matigas na sabi niya sakin.

" Why would i? " nagtatakang tanong ko. " Cassanova ka. Bro, ibig sabihin laruan lang para sayo si Claire. Hindi ako papayag na masaktan ulit siya Bro. "

Tch. Bat ba kasi ako nadulas? " Alden talaga. Syempre, joke lang. Masyado ka kasing nagdradrama diyan. Mahal ko kaya si Claire. Kalma kalang. " sana makalusot.

" Kapag nagdradrama ako wag kang magjoke. "

Naglakad lakad pa kami dahil masyado pang maaga para sa unang klase. " Mahilig din si Claire sa dessert? Lalo na sa Ice Cream? " tanong ko.

" Oo. Teka bro, di mo alam? Ikaw tong boyfriend niya ah. "

Tch! Ano nang gagawin ko? " A-ah, ano kasi bro. Ayaw na niya ng ice cream simula ata nung naghiwalay kayo. Naiinis siya sakin kapag binibigyan ko siya ng ice cream. Di ko kasi alam e. "

" Galit talaga siya sakin. " rinig kong bulong ni Alden.

" Bro. Ingatan mo si claire ha? Mahal na mahal ko parin kasi siya e. " sabi sakin ni alden. Kaya tumango nalang ako.

Nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan ng may nabangga ako. " Minsan tumingin tingin ka sa dinadaanan mo. " sino toh? Woah.

Sexy siya ah. Maganda pati. " Uyy, ikaw yung boyfriend ni Claire Slut diba? "

" Wag mo ngang matawag tawag si Claire na slut. Ikaw yun Jenny! " sigaw ni Alden.

" Haha. Mahal mo pa rin si Claire? Kawawa ka naman. Masyado ka kasing nauto ni Chloe at isa pa nakipag ano ka sakin. Well, sa sexy ko kasing ito walang hindi papatol sakin. "

" Kasalanan ko yun. At alam ko yun Jenny! Kaya wag ka ng magulo! "

" Hi Karl! Hindi kita type kaya wala akong time makipag-landian sayo. Mas bet ko parin si Alden e. Pero infairness, maganda ang ipinalit ni Claire ah. "

Umalis yung Jenny na may ngiti sa labi. " Bro. Grabe ka ah! " biro ko.

" Lasing ako nun. Masyado kasi akong gago! Kasalanan ko to e. Kung hindi sana ako nagpakagago noon edi sana masaya na kami ngayon. "

Mas masaya kasi maging Cassanova bro. Ano bang alam ko sa pag-ibig nayan? Edi sana kung landian yan ang dami ko nang sinabi.

Well, cassanova nga ako pero di ako nangunguha ng virginity ng isang babae. Di ako ganun na klaseng cassanova.

" Bro. Andyan na si Claire " bulong sakin ni Alden.

Ngumiti ulit ako. " Hi babylove! " haha.

" Babylove? Kailan pa tayo nagtawagan ng babylove? "

" Highblood ka naman masyado babylove. "

" Arghh! I hate you! " at hinila ako. Nakita ko naman ang pagtitig saamin ni Alden.

" Ah, babylove. Siya nga pala si Alden yung sinasabi ko sayong childhood best friend ko. Siya 'yun. "

Kinurot naman niya yung braso ko. " Pake ko? " aniya.

" Claire. " sambit ni Alden.

" Umalis na tayo dito Karl. " matigas na sabi niya. " Kawawa naman si Alden. Mamaya sama natin siya sa lunch ha? Baby love? "

" Ugh! Fine! " nagwalk out na siya. " Oh bro. Mamayang lunch see you. "

**

" Oh, talaga? Hahaha. "

" Oo bro. "

" Disgusting. " maarteng sabi ni Claire. " Babylove naman. Ngayon ko na lang nakasama ulit si Alden e. Namiss ko lang yung tao. Hayaan mo mamaya lalambingin kita okay? " haha! Potek.

" Argghh! Idiot "

" Grabe ka naman babyloves! Ang sama mo sakin. Ako? Idiot? E bat mahal mo ako? Ikaw talaga babyloves oh. "

Pinanlakihan niya ako ng mata. " Damn you! "

" Haha. Bad yan babyloves, baka maturn off sayo si Alden oh. "

" So? Pake ko ba? Edi maturn off. Buti nga ako pananalita lang. Eh yang Alden mo, dinaig pa ang Cassanova. Sa sobrang kalandian. "

Umalis si Claire dahil sa inis niya. " bro, pagsyagaan mo na yung babyloves ko ah? "

Ngumiti siya. " Ok lang. Kasalanan ko naman e. "

Continue Reading

You'll Also Like

16.8M 210K 31
Mars Ochoco wishes for nothing but to have her treasured first kiss with her crush, Ezekiel Bautista. Just as she thought her chance finally came, he...