Love at its Greatest (Love Se...

By FGirlWriter

523K 17.8K 2.7K

Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pag-ibig na kinakalimutan na ng mundo? Written ©️ 2020 More

Le Début
Prologue: When is love the greatest?
Chapter 1: City of Love
Chapter 2: Changing Love
Chapter 3: Unacknowledged Love
Chapter 4: Persistent Love
Chapter 5: To be Loved, Love
Chapter 6: Returning Love
Chapter 7: Bruised Love
Chapter 8: Benevolent Love
Chapter 10: Beautiful Love
Chapter 11: Love and Intrigues
Chapter 12: Love and Secrets
Chapter 13: Love and Lies
Chapter 14: Love and Reputation
Chapter 15: Love and Revelations
Chapter 16: Love and Home
Chapter 17: Love and Doubts
Chapter 18: Love and Exposition
Chapter 19: Love and Chances
Chapter 20: Love and Strength
Chapter 21: Your Love Restores Me
Chapter 22: My Love Trusts in You
Chapter 23: Your Love Chose Me
Chapter 24: My Love Begins With You
Chapter 25: Your Love Never Fails
Epilogue: Love at its Greatest

Chapter 9: Tainted Love

10K 468 65
By FGirlWriter

Chapter 9: Tainted Love

SIGURO hindi lang sanay si Terrence at idagdag pang madalas niyang napapanaginipan ang asawa...

So, on the day of his birthday, his body was craving for a physical intimacy he can only share with his wife...

But Eunice was far away. He had to control himself.

Pagkagising pa lang ni Terrence ay dumiretso na agad siya sa banyo at binuksan ang malamig na shower.

Inhale....

Exhale...

Inhale...

Exhale...

Ilang beses niya nang nararamdaman ang pangangailangan ng katawan. Oo, normal iyon sa isang lalaki.

But the big question is how should a Christian respond in this kind of situation?

Bago umalis si Eunice papuntang Paris ay nangako sila sa isa't isa. They will keep their marriage pure--in the sense that while they are still away from each other, they won't touch themselves. They won't do any sex on chat, on phone, even on video calls.

If others find it hard, well it is PAINFULLY HARD!

But, it's possible.

Mahirap, pero kaya.

Kaya naman binilisan ni Terrence ang pagligo. Somehow, his body cooled down. Mabilis siyang kumilos para walang oras ang temptasyon na mahabol siya.

Once he's all dressed up for work, Terrence prayed and rebuke any worldly temptations.

And always, always accompany prayer with action.

Gusto ni Terrence lumayo sa kahit anong pagkakataon na magiging mag-isa lang siya at bumigay sa temptasyon.

After all, being a real Christian does not stop on what you do in public. One of the biggest test as a man of God is what you do during your private times.

So, he will keep himself working and make his body physically active every time that the spirit of lust is lurking around Terrence. He should not be alone.

Sexual desires can't control you if you know how to control your own mind and body. Laging doon nagkakamali si Terrence noong kabataan niya kaya't natuto na siya.

After praying, he just needs to pour out his energy and attention in doing something else.

Inhale...

Exhale...

God, thank you for another year in my life. Give me wisdom. Fill me with the Holy Spirit. Let me offer you something that is truly pleasing in Your eyes.

Inhale...

Exhale...

Agad na dumiretso si Terrence sa construction site. He treated and joined the workers for breakfast. He blessed the food, he prayed for them. Pagkatapos siyang kantahan ay tila walang hanggan ang mga pagbati sa kanya.

"Happy birthday, Sir! Sana po maging pastor kayo," biro ng kanilang foreman, na sinundan pa ng ibang tauhan.

"Engineer! Bakit hindi po kayo mag-pastor?"

He chuckled. "Puwede na ba?"

"Puwedeng-puwede, Sir Terrence!"

Nakipagkuwentuhan at biruan pa si Terrence sa ilang trabahador. Pagkatapos ng kainan ay masipag na bumalik ng trabaho ang mga ito.

Terrence inspected the progress of the construction, the materials, the manpower...

Wala pang kalahating araw ay tatlong issue sa site ang nagawa na din niyang ayusin.

"Birthday na birthday mo at masyado kang bibo," Dale teased and offered a handshake. "Happy 30th, dude."

Ngumisi si Terrence at tinanggap ang pagbati nito. "Salamat, salamat."

His friend tapped his back. "Hinay-hinay lang sa trabaho, engineer. Binati ka na ni Eunice?"

"Through text message. Mamaya pa kami magkakausap pagkatapos ng mga trabaho namin."

Terrence's eyes roamed around the site. Tinitignan niya kung saan pa siya puwedeng makatulong.

"This is your first birthday without her, right?"

He nodded, involuntarily. Tumatagatak ang pawis sa noo niya at ramdam niya ring basa na ng pawis ang dibdib at likod niya. Kanina pa siya nakababad sa araw.

Uncomfortable, but it helped him to reduce his longing desire to make love with his wife. Ilang linggo na lang naman bago siya bumisita sa Paris. Kaya pang hintayin ni Terrence iyon.

No need for masturbation. He maybe a man, but he won't be the normal and typical one anymore. He would be different, not just for Eunice, but for being a follower of Christ, as well.

"Is this your way of coping up?" makahulugang tanong ni Dale. Alam niyang nakukuha agad siya nito. Maliban sa parehas silang lalaki na magkasama mula kolehiyo, parehas din silang Kristiyano.

Tinanggal niya ang hardhat at tumitig sa malayo. "I need to since we know how our flesh is weak," sagot niya.

Tumango-tango ito. May itinuro. "Kung kailangan mo pang magpapawis, baka gusto mong mag-supervise sa pagbubuhos ng semento sa fourth floor."

He tapped Dale's shoulder. "Buti talaga at ikaw ang nandito, hindi ang mga pinsan kong loko-loko."

Natawa lang ito. Siguradong ibang payo ang ibibigay sa kanya ng mga pinsan niya. Mabuti nang naninihimik ang mga iyon sa Monte Amor.

Sinuot na ulit ni Terrence ang hard-hat at umakyat ng fourth floor. Para siyang naligo sa sariling pawis pagkatapos ng iba pang trabaho na tinulong niya—nagbuhat ng hollow blocks, tumulong maglapat ng semento, at pati yata ang mga gumagawa ng tubo, ginagawa niya kahit hindi naman niya trabaho.

Nang lumapit sa kanya si Dale ay tawang-tawa ito sa itsura niya. "Sana pala sinabi mong magta-trabahador ka ngayon para hindi ka naka-polo shirt at slacks."

Tatlong bote ng malamig na tubig ang tinungga ni Terrence. Pagkatapos ay biglang kumalam ang sikmura niya.

He missed lunch!

"Anong oras na?" tanong niya sa kaibigan.

"Alas-dos."

Pinunasan niya ang pawisang noo at leeg. "I need to go. Susunduin ko si Cyla sa school at may dadaanan lang ako sa opisina."

"Go ahead. Enjoy the remaining hours of your birthday with your family. Ako nang bahala dito."

Nagpasalamat siya sa kaibigan. Pumunta siya ng banyo—naghugas ng kamay at naghilamos. Sa sasakyan ay pinunasan niya ang pawis sa dibdib at likod. Pagkatapos ay nagpalit ng panibagong polo-shirt.

Pagsundo niya sa anak ay umiwas ito ng yakap at halik sa kanya. "Papa! You stink!"

Natawa si Terrence at inamoy ang sarili. Kahit pala nagpalit na siya ng damit at nalamigan na ng aircon, amoy pawis at araw pa rin siya.

Napatakip ng ilong si Cyla at lumipat sa backseat. "It's your birthday, Papa. You should take a bath!"

Napakamot siya sa ulo. Nakakahiya naman sa anak niya kung kakain sila sa labas at mabahong tatay ang kasama nito.

"I made a reservation for us at a resto. Hmm..." He calculated the time. Hindi na sila makakadaan sa bahay para makaligo pa siya. "I'll just take a bath in my office," aniya dahil kailangan niya talagang dumaan sa opisina.

He has to check up on Minnah. At kung kumusta ito sa trabaho bilang sekretarya niya. Isang linggo na nang tinanggap niya ang babae sa trabaho. She was thankful...

She's still cheerful and fun to talk with.

But Minnah was different now. Totally, different.

"Okay, Papa. I'll wait for you at your office. Take a loooongbath!" Cyla teased and giggled. "Even Mommy Eunice won't kiss you if you smell like that, Papa!"

Nakipagtawanan na lang si Terrence sa anak. Ang nasa isip niya na lang ngayon ay ang pagse-celebrate kasama si Cyla at sariling mga magulang niya mamaya. Makakapag-usap na rin sila ni Eunice pagkatapos ng ilang araw na wala silang video call. Pulos palitan lang sila ng chat messages nang mga nakaraang araw.

Pagdating sa opisina ay tahimik na nagta-trabaho si Minnah sa harap ng computer nito.

"Good afternoon," bati niya rito.

Agad itong napataas ng tingin. "Terrence!" Lumaki ang mga ngiti. "Nandito ka na pala..." Pagkuwa'y bumaba ang mga mata kay Cyla. "Hi, Cyla."

"Hello, Miss Minnah," his daughter politely greeted back.

Hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ng anak. "Have you attended the admin meeting today?" he asked Minnah.

Tumango ito. "Katatapos ko lang i-send sa email mo ang mga napag-usapan. Pati ang schedule mo para bukas, na-send ko na rin sa email. Wala ka nang kailangang problemahin."

Terrence nodded. "That's great. Thank you, Minnah." Inilabas niya ang cellphone. "Can you hold this for a while? May ilang tumatawag sa'king business affiliates at hindi ko pa nasasagot. Kung sakaling tumawag ulit, pakisabi na babalikan ko ang tawag nila bukas."

"Papa will take a shower because he stinks!" Cyla laughed.

Kinurot niya sa magkabilang pisngi ang anak. "You don't have to say that, darling..."

Natawa din si Minnah. "Ikaw pala 'yung naaamoy ko. Akala ko, guni-guni ko lang," anito at kinuha ang phone niya. "I'll take care of your calls."

"Thanks."

Tumakbo na si Cyla sa loob ng pribado niyang opisina. Agad itong umupo sa swivel chair at pinaikot-ikot ang upuan.

Terrence locked the door for the security of his daughter. Then, he turned on the flat-screen TV mounted on the one side of the wall to keep her entertained.

"Wait for me here, Cyla Therese. Don't go anywhere without me." Inabot niya dito ang remote ng TV.

"Okie dokie, Papa!"

May private shower ang bawat executive office at may mga spare clothes din doon si Terrence. Mabuti na lang.

Naligo siya at siniguradong magiging mabango naman siya sa harap ng anak at mga magulang mamaya.

Maybe, it just took him ten minutes or less. Then, another five minutes to dry himself and wear a good set of clothes.

Bigla siyang napahinto sa harap ng salamin habang nagsusuot ng damit. Si Eunice pa ang naglagay ng mga spare clothes niya dito sa opisina. And his wife has a good sense of fashion, ito ang nagterno-terno ng mga damit at tinuruan din siya nito paanong mag-mix and match. Pati ang ilang pabango doon ay si Eunice ang namili.

Napangiti na lang siya at nagwisik ng pabango na paborito ni Eunice para sa kanya.

Paglabas niya ng banyo ay sinalubong siya ng malambing na yakap ng anak.

"Yey! You're mabango already, Papa!" Sininghot pa siya nito. "I love you!"

Binuhat niya ito. "Mahal mo lang ako kapag mabango ako?"

"Yes!" she teased. His daughter's innocent laughter filled his office when he tickled her.

Paglabas nila ng opisina ay naghahanda na rin si Minnah sa pag-uwi. She's busy putting things inside her bag.

"Anyone called?" he asked her.

Napalingon ito at ngumiti. Ibinalik nito ang phone sa kanya. Agad niya naman iyong inilagay sa bulsa ng suot na pantalon.

"Your wife called."

Biglang natigilan si Terrence. "Eunice called?" paninigurado niya pa. Isn't she working at this hour?

Tumango ito. "Five minutes ago? Ang sabi ko ay naliligo ka pa... sa personal shower ng office mo." May naging iba sa ngiti nito na hindi mauri ni Terrence. "She wants you to call her back."

Tumango lang siya. "Didn't you mention I was with Cyla?"

"Oh. Nakalimutan ko." She sounded sorry and bit her lower lip. "Hindi ko nasabi. Nako, pasensya na, Terrence. Hindi rin kasi siya nagtanong. Basta pagkasabi kong nasa shower ka, nagbilin at nagpaalam na siya kaagad."

"Don't worry about it. I'll just call her back. Thanks, Minnah. Mauuna na kami."

"Happy birthday, Terrence. Enjoy your day." Kumaway ito kay Cyla. "Bye, Cyla! Have fun!"

"Bye, Miss Minnah! You take care."

Sa kotse ay nasa passenger seat si Cyla. Habang nagsi-seatbelt ang anak ay kinabit niya ang earpod sa tainga at mabilis na kinonekta sa phone niya. He hastily dialed her wife's overseas number.

Tatlong tunog ng ring at sumagot na ito.

"Baby—"

"So, tapos ka nang mag-shower?" bungad nito sa masungit na tono.

It's weird but, hearing her voice—whatever her mood or tone, made Terrence breathe more freely. His body became more relaxed. At kahit mahaba-habang pagpapaliwanag ang kailangan niyang gawin, kumakabog ang puso niya sa saya.

"I missed you, too, Eunice."

"Hi, Mommy Eunice! I miss you, too!"

"I-is that Cyla...?" Natunaw agad ang iritasyon sa tinig nito.

"I'm with her. Cyla's waiting in the office the whole time while I was taking a quick shower..."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. In the mention of his daughter's name, Eunice already knew what Terrence was up to.

♥♥♥

ONE WEEK after Terrence's birthday, Eunice was already stretched at work. Kung kailan ang asawa niya na ang may maiibigay na oras, at saka naman siya ang naging pinaka-abala.

"Dalawang linggo na lang, dalawang linggo na lang..." bulong ni Eunice sa sarili habang nagtatahi ng pattern.

Dalawang linggo na lang at magkikita na ulit sila ni Terrence. Effective pa rin ang vacation leave niya kahit abala na ang team nila para sa fashion show. Madame Lilou even offered her to extend it to three weeks, the whole time Terrence will be in Paris. Para daw masulit nilang mag-asawa ang mga araw na magkasama. At para makaipon daw siya ng maraming inspirasyon pagbalik niya sa pag-aasikaso ng designs para sa London fashion show.

"Addie's supposed to be reporting for work today. Right, Eunice?" tanong ni Soleil habang ina-adjust ang sukat ng isang gown.

Napakurap siya at napaangat ng tingin dito. Oo nga, ano? "Hindi ba pumasok si Addie?" she asked in French. May hinanda pa naman sila para dito.

Umiling ito. "She was not answering my calls, too. I'm a little bit worried."

Ibinaba ni Eunice ang ginagawa at saka hinugot ang sariling cellphone. She called Addie. Diretso agad sa voicemail ang tawag.

"Hindi ko nga rin nakakausap si Addie during her suspension."

"Hindi din siya nagre-reply sa group chat natin."

Eunice checked their GC. Oo nga! Ngayon niya lang napansin! Napahilot siya sa noo. Masyado siyang pre-occupied these days... Kahit nga ang quiet time niya ay umiikli. Pati ang bible reading, minamadali niya. Nagkukulang din siya sa routine niya sa pag-e-exercise.

"Let's go to Addie's apartment after work?" aya niya kay Soleil.

Tumango ito. "I was about to say that. Dalhin na lang natin ang surprise natin sa kanya."

Eunice agreed, and she prayed inside her mind. Sana maayos lang ang lahat kay Addie.

Galit pa rin ba ito kina Claudine? Or nagkasakit ba ito? Tinamad pumasok?

She tried to get her focus back to work. Nagtagumpay naman si Eunice. Nagpapabilis din ng oras kung abala, kaya't pagkatapos ng trabaho ay agad silang umalis ni Soleil.

Addie's apartment is in the 4th arrondissement. They took a cab since it's drizzling that afternoon. Dala ni Eunice ang mga lobo at si Soleil ay bitbit ang red velvet cake na paborito ni Addie. Iyon dapat ang pang-welcome back nila dito kung pumasok lang ito kanina.

Ang ambon ay naging malakas na ulan. Naipit sila sa kaunting traffic. Nahaharangan ng mga itim na ulap ang maliwanag na langit, kaya't medyo madilim nang makarating sila sa apartment ng kaibigan.

"I'll pay the cab," Soleil said. "You go ahead."

Bumaba si Eunice ng sasakyan at tumakbo sa masisilungang gate ng apartment. She rang the doorbell to her apartment. Walang sumasagot. Pinindot niya iyon nang pinindot. May kung anong umahong kaba sa dibdib ni Eunice

"She's not answering?" Soleil asked.

Sinubukang buksan ni Eunice ang main door. "It's open!" Hindi na siya nag-isip at agad na pumasok.

"Eunice, wait!"

Tinakbo niya paakyat ang second floor at sa pinakadulong pasilyo ang apartment ni Addie.

Hindi maayos ang pagkakasara ng pinto! Agad siyang pumasok at napasinghap sa nabungaran!

Magulo ang buong apartment ng kaibigan na parang dinaanan ng kung anong delubyo! May basag na mga pinggan... bagsak ang ilang furnitures... magulo ang mga upuan...

"Addie?" tawag niya sa kaibigan. "Addie?!"

"What happened here?!" gulilat si Soleil pagkapasok nito.

Binitiwan ni Eunice ang mga hawak na lobo at tinakbo ang kuwarto ni Addie...

"Addie!" Nangilabot siya nang makita ang kaibigan sa ibabaw ng kama, yakap-yakap ang sarili... hubo't hubad...

Punong-puno ng pasa ang buong katawan nito!

"Sol, call an ambulance! Call the police!" sigaw niya at saka mabilis na nilapitan si Addie.

Napasigaw si Soleil sa gulat nang makita rin nito si Addie. "Oh, la vache!" Nagmamadaling kinuha nito ang telepono at tumawag ng tulong.

"N-No, p-please..." Addie suddenly whispered, her voice broke. Gising ito!

Nag-angat ito ng mukha... at puno rin ng mga sariwa at nangingitim nang mga pasa!

"Sinong may gawa sa'yo nito?" Eunice broke down in tears. "S-Si Caelan ba?!"

Addie cried. "Please, p-please... I l-love him. H-He was j-just d-drunk..."

At saka lang napagdugtong-dugtong ni Eunice ang lahat! Mula nang maging boyfriend nito si Caelan ay saka nag-umpisa maglitawan ang ilang pasa sa katawan ni Addie...

Nang nakilala niya ang lalaki ay sumama ang pakiramdam niya...

Eunice have sensed it!

"Kailan ka pa niya b-binubugbog?" Awang-awa siya sa nakikita niyang itsura ng kaibigan ngayon... "Addie, this is not love!"

Nanghihinang umiling ito. Pumikit tumagos ang bagong mga luha. "H-Hindi mo n-naiintindihan... M-Mahal ako ni Caelan..." Humagulgol na ito. "H-Huwag niyo siyang isusumbong s-sa p-pulis... Eunice, p-please... Hindi ba, dapat m-magpatawad? Habaan ang p-pasensya sa mga taong hindi kayang ibigay iyon? M-Magtiis?"

"Addie, hindi ganito! Hindi ganito!" napasigaw na si Eunice sa pinaghalong-halong emosyon sa dibdib. Kumuha siya ng kumot at tinakluban ang kaibigan. "Addie, h-hindi sa g-ganito..."

"Bakit, E-Eunice? Bakit hindi p-puwede kay C-Caelan? Huwag k-kayong tumawag ng pulis! Problema naming dalawa ito! K-Kami ang aayos nito!"

Bumangon ito, umigik sa sakit ng katawan. Pagkatapos ay itinulak siya nito nang malakas. "Umalis na kayo ni Soleil! Umalis na kayo! Umalis na kayo bago bumalik si Caelan! Parang awa niyo na, umalis na kayo... Please..."

"H-hindi ka namin iiwan, Addie!"

"The ambulance is coming!" ani Soleil. "The police, too!"

"No!" Nagsimula magwala si Addie. "No, no! C-Caelan will leave me... No!"

"Addie, calm down—"

Napasigaw si Soleil nang malakas na sampalin ni Addie si Eunice. Dahil hindi niya inaasahan ang ginawa ng kaibigan, nawalan siya ng baleens at malakas na tumama ang ulo niya sa dulo ng bedside table.

Natumba si Eunice sa sahig at mabilis siyang nahilo, nagdilim ang buong paligid.

Sa pagmulat niya ulit ng mga mata ay nasa loob siya ng ambulansya... Si Soleil ay nasa tabi niya.

Bigla siyang napabalikwas ng bangon, kasabay nang naramdamang kirot sa likod ng ulo. Pagkasapo niya ay may benda doon. Pero hindi iyon ang nasa isip niya ngayon.

"W-Where's A-Addie?"

Soleil looked scared. "S-Sumama siya kay Caelan sa pulis..." Pagkatapos ay humagulgol ito. "H-hinuli ng mga pulis si Caelan. Galit na galit si Addie... Hindi niya na daw tayo mga kaibigan, Eunice. From now on, she does not want to see us anymore."

Napayuko si Eunice. Kinagat niya ang ibabang labi at pinigil ang mga luha.

I can't understand... Lord God, I don't understand...

Maya-maya'y tinawag sila ni Soleil ng isang pulis para hingan ng statement.

Tumanggi si Soleil dahil sa takot. Pero hindi si Eunice. Sumama siya sa presinto at pinaliwanag ang lahat ng nakita niya sa apartment ni Addie.

Nagpasalamat ang pulis sa kanyang kooperasyon pagkatapos. Hinatid din siya ng maayos at ligtas sa sarili niyang apartment.

The next day, Eunice found out that Addie denied Caelan's abuse.

Ayon sa pulis na nakausap niya, itinanggi ni Addie na ang boyfriend nito ang nambugbog dito. Wala daw kinalaman si Caelan sa mga pasa nito. At napaaway lang daw si Addie at pinagtulungan ng isang grupo sa isang night club.

Hindi nagsasalita ang mga kapitbahay ni Addie. O walang kayang magpatunay na nakita mismo si Caelan na binubugbog ang girlfriend nito.

Sa huli, hindi kinulong si Caelan. Sumama rito si Addie.

Eunice tried to reach out to her friend. She's still in the peak of her emotions. Hindi niya gustong makulong sa ganoong relasyon ang kaibigan niya...

Lagi siya nitong binababaan ng telepono. Kaya nagpadala na lang siya ng text message rito...

Adelie, I don't want to end our friendship like this. Please, talk to us.

You don't need Caelan in your life, Addie. No true love can taint our body with violence! Kung natatakot ka, nandito kami ni Soleil. Kakampi mo kami. Mahal ka namin. Hindi tunay na pag-ibig at saya ang ibinibigay sa'yo ni Caelan. Please, Addie, open your eyes. This is not the kind of love you must endure!

Addie, God loves you so much. He does not want you to be with someone like Caelan. He knows your worth, and you don't deserve this! No women deserve this!

Leave Caelan. He does not truly love you. Adelie, listen to me... Please... I don't want you hurt, again.

Eunice sent the message. Humiga siya sa sariling kama at nagdasal nang paulit-ulit.

Hindi na maayos ang mga pagdadasal niya, naghahalo-halo ang mga salita, paulit-ulit, nawawala... pero alam niyang naiintindihan ng Diyos ang iyak ng puso niya para sa kaibigan.

Parang wala sa sarili si Eunice. Hindi niya pa kayang ipaalam kay Terrence ang nangyari. Nagpalusot muna siyang may ginagawa sa trabaho kaya hindi pa muna makakatawag. But even in the office, Eunice can't concentrate. Parehas silang hindi makausap nang maayos ni Soleil. Mabuti na lang at marunong kumilos ang team nila.

Nakailang dasal na si Eunice, pero hindi pa rin kumakalma ang isip at puso niya. She was desperately calling to God...

Tumunog ang cellphone niya. Napadilat siya at nakitang nag-reply sa text si Addie!

Agad niyang binuksan iyon... para lang masaktan sa mga sinabi ng kaibigan...

You know what, Eunice? Maybe Claudine's right all along.

You're a hypocrite!

You always talk about forgiveness, patience, and love. To give it to other people, pero kay Caelan, hindi puwede?

You said, that true love sees the good in people, and can endure until the person will also believe in love because of our sacrifices...

Pero ako, bawal kong ibigay kay Caelan ang ganoong klaseng pagmamahal?

You always talk about not judging other people and give grace to them, but you are judging Caelan now!

Pasensya na, ha? Na hindi ako kasing BANAL mo. That Caelan is not like Terrence. Na hindi kami kasing banal katulad ng relasyon niyo ng asawa mo.

I thought love and mercy is for everyone? Bakit sa'yo, selective? O ganoon talaga sa Diyos niyo?

You know why it's hard to fully depend on God? Because of people like you, Eunice.

Inconsistent.

Wala ka pa rin palang pinagbago.

HYPOCRITE!

Eunice burst into tears. Nagsimulang manginig ang buo niyang katawan. She can almost hear her own heart being torn to pieces...

Parang ibinalik siya sa panahon na lagi na lang siyang nasasaktan...

She loves her friend so much, she prayed for Addie, she cared for her deeply...

Mabilis niyang tinawagan ang asawa. Hindi niya na kaya ang sakit sa dibdib. Hindi niya na kaya...

"Eunice, baby?" pagsagot agad nito.

"T-Terrence, p-please come here..."

Tuluyan na siyang ginapi ng sakit at bigat ng loob. Her spirit sank. Doubts and fears started to attack her successfully.

Hindi niya 'to kaya...

"I n-need you here, Terrence," she selfishly cried. "Please! Please, come here!"


***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

350K 19.4K 33
2nd Book of Valleroso Series. Cypress Olivier Valleroso. Written©️2022
1.4M 53.7K 41
Kim Talavera has feelings for Lake Ongpauco. The problem? They're one-sided because he likes her best friend... or so she thought. *** Kim Talavera...
130K 3.5K 56
(Castillo Series II) How can you save two persons at the same time if you're only a mere human being?
248K 14.9K 33
3rd Book of Valleroso Series. Archimedes Valleroso.