Unexpected

By YoUniqueCornx

3.8K 594 198

Si Ayannry o mas kilala bilang Ayann ay isang normal at tipikal na gay. Mahilig siya sa mga girly na bagay. A... More

Prologue
Unexpected 1
Unexpected 2
Unexpected 3
Unexpected 4
Unexpected 5
Unexpected 6
Unexpected 7
Unexpected 8
Unexpected 9
Unexpected 10
Unexpected 11
Unexpected 12
Unexepected 13
Unexpected 14
Unexpected 15
Unexpected 16
Unexpected 17
Unexpected 18
Unexpected 19
Unexpected 20
Unexpected 21
Unexpected 22
Unexpected 23
Unexpected 24
Unexpected 25
Unexpected 26
Unexpected 27
Unexpected 28
Unexpected 29
Unexpected 30
Unexpected 31
Unexpected 32
Unexpected 33
Unexpected 34
Unexpected 35
Unexpected 36
Unexpected 38
Unexpected 39
Unexpected 40
Unexpected 41
Unexpected 42
Unexpected 43
Unexpected 44
Unexpected 45
Unexpected 46
Unexpected 47
Unexpected 48
Unexpected 49
Unexpected 50
Unexpected 51
Epilogue
Author's Note

Unexpected 37

36 9 0
By YoUniqueCornx


Kheean's POV

Maaga pa lang ay nasa labas na ako ng bahay nila Ayann. Para saan? Kundi sunduin siya. At ang isa namang iyon ay tagal tagal lumabas ng bahay nila. Hindi naman sa nagrereklamo ako ah. Halos araw-araw ko naman na itong ginagawa pero sadyang makupad talaga kumilos ang isang iyon. Kung tutuusin nga ay hindi ko naman siya kailangan talagang sundin dahil unang-una ay kaya naman niya at pangalawa meron na akong kailangan talagang sunduin na special someone kaso ayaw din naman nitong magpasundo kaya naman tinutupad ko na lang ang pangako ko kay Ayann na susunduin ko siya at ihahahtid palagi para na din mabantayan lalo na't may nambubully na naman sa kanya. Ayoko ko kasing makitang nasasaktan na naman siya gaya nung una ko siyang makita nung mga bata kami. Pero do't get me wrong. Wala akong feelings para kay Ayann. I only see him as my younger brother or sister kung ano mang gusto niya. Special siya sa akin pero may tao nang nagmamay-ari ng pusoko at hindi si Ayann iyon. And speaking of that little devil,nakita ko nang lumabas si Ayann ng bahay nila kaya naman inistart ko na agad ang makina.

"Ang bagal-bagal mo talagang gumalaw kahit kalian"sabi ko sa kanya nang makasakay na siya sa kotse ko. Nagsimula na din akong magmaneho nang maikabit niya na ang seatbelt niya.

"Hoy ang bilis na kaya ng pagkilos ko no. Tsaka masyado ka lang talagang maaga dumating. Ano bang nakain mo ngayon at maaga kang pumasok?"tanong ni Ayann sa akin. Tama nga siya,masyado akong maagang umalis ng bahay naming ngayon. Ewan ko nga ba kung bakit. Siguro ganito talaga kapag inspirado. Nakss naman.

"Wala trip ko lang"sagot ko sa kanya. Hindi na siya sumagot, sa halip ay tahimik na lang siyang nakikinig sa music sa cellphone niya habang suot suot ang earphones niya.

"Salamat sa paghatid"sabi sa akin ni Ayann at tsaka bumaba na ng kotse ko.

'Himala nagpasalamat'

Nagpaiwan muna ako sa loob ng kotse ko. Naalala kop ala na iyong pinakaterror kong teacher ang first subject naming ngayon, kaya naman napagdesisyunan kong manatili na lang muna sa loob ng kotse ko. Bale mamayang second subject na ako papasok total hindi naman ako mapapansi ng teacher na iyon. Don't judge me,okay? Hindi ako nagbubulakbol. Sadyang nakakawalang gana lang talagang pasukan ang teacher na iyon. Sino ba namang gaganahang makiniig sa teacher na pagkapasok pa lang ay ramdam mo nang galit. Hindi man lang marunong bumati pabalik. Hindi ngumingiti at parang ang laki-laki ng galit at problema sa mundo. At higit sa lahat at ang pinaka-ayaw ko sa kanya ay kapag nagkamali ka ng sagot sa tanong niya,ipapahiya ka niya sa buong klase. Sige nga? Sinong gaganahang pumasok kapag ganyang ang teacher. Lumabas na lang ako ng kotse at pumunta sa malapit na coffee shop dito sa eskuwelahan naming at doon na lang muna ako magpapalipas ng oras.

Ring..... Ring....

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Nakatulog pala ako ditto sa coffe shop. Kinuha ko ang cellphone ko at agad akong napangiti ng makita ko kung kaninong pangalan ang nakaflash sa cellphone ko.

Baby Sky is calling....

Nakangiti kong kinuha nag cellphone ko at sinagot ang tawag.

"Hello Baby"nakangiting kong sabi.

"Nasaan ka?"agad na tanong ni Sky sa akin.

"Nasa coffe shop sa labas ng school. Bakit? Miss mo na ba ako?"nang-aasar na sabi ko sa kanya.

"Wag muna ngayon Kheean. Asan si Ayann?"tanong niya sa akin.

"Huh?Pumasok na siya ah"sabi ko.

"Wala pa siya dito Kheean. Mag sesecond subject na at wala pa din. Imposible ding umabsent iyon dahil wala iyon sa ugali ni Ayann"sabi niya. Agad naman akong kinabahan sa sinabi niya. May nangyari na naman ba kay Ayann?

"Pero imposible yun. Hinatid ko siya at nauna pa siyang pumasok sa akin sa school. Di kaya may nangyari na naman sa kanya?"

"Ewan ko. Hahanapin namin siya habang wala pa yung next subject namin. At ikaw naman pumasok ka na. Second subject na oh. Di ka na naman pumasok ng first subject mo. Kapag talaga yang grades mo mababa,bahala ka na sa buhay mo"panenermon sa akin ni Sky.

"Hehehe I love you Baby"sabi ko sa kanya.

"Tss pumasok ka na"sabi niya at pinatay na ang call.

'Tss hindi man lang nag-I love you,too. Hmmp'

Siguro nagtataka kayo kung bakit ganoon kami mag-uusap ni Sky. Kami na kasi. As in, In a relationship. Gaano katagal? Mag-iisang buwan na din. Masyadong mabilis ang mga nangyari,basta ang naalala ko lang ay umamin siya sa akin at umamin din ako sa kanya. Sobrang saya ko pa nga noon. Matagal na kasi akong may gusto sa kanya. I'm not a gay, okay? I'm just gay for Sky. Noong una nga ay ang akala niya ay si Ayann ang gusto ko kaya naman na nagulat siya nang sabihin kong gusto ko din siya. At iyon naging kami at walang ligawang naganap. Ayaw niya din muang ipaalam sa mga kaibigan niya at inirerspeto ko iyon. Hays saka ko na ikukwento ang buong detalye dahil may kailangan pa akong hanapin.

Pumasok na ako sa loob ng school. Hindi ako nahirapang pumasok kahit na late na ako dahil kaclose ko naman ang guard. Paakyat na sana ako ng building naming nang makatanggap ako ng message mula kay Sky na nasa clinic daw si Ayann.

'Tss. Sana naman ay walang nangyari sa iyo Ayann'

Ayann's POV

Nanghihina kong iminulat ang mata ko. Bumungad sa akin ang puting kisame ng isang kwarto na hindi ko man lang kung anong kwarto iyon. Hirap man,pinilit kong inikot ang paningin ko sa palibot ng kwarto kung nasaan ako at doon ko nakita ang mga kaibigan kong nakapalibot sa akin at bakas sa kanila ang pag-aalala. Sinubukan kong bumanog kahit nahihilo ako. Tinulungan na lang ako ni Kate. Pansin ko din na parang basa ang suot suot kong uniform.

"Asan ako?" tanong ko sa kanila.

"Nasa clinic ka teh. Dinala ka dito ni Abraham"sagot ni Sky sa akin.

Sandali akong natigilan. "Si Abraham? Dinala niya ako dito?"tanong ko ulit.

"Oo teh. At wag ka munang kiligin dahil ang pangit mong tingnan"pang-aasar sa akin ni Jim kaya inirapan ko na lang siya.

"Oo nga the. Si Abraham ang nagdala sayo dito. Ano bang nangyari?"tanong ni Jin.

"Oo nga teh. Alalang-alala nga iyon nung pumunta sa classroom para sabihing na sa clinic ka. Ano ba kasing nangyari"tanong ni Kyla.

KAhit masakit ang ulo ko dala ng pagkahilo,pinilit kong alalahananin ang nangyari pagpasok ko sa school.

Flashback....

"Salamat sa paghatid"sabi ko kay Kheean at bumaba na ng kotse niya dahil nasa school na kami. Diretso na kaagad akong naglakad papuntang building namin pagkapasok na pagkapasok ko sa school. Paakyat na sana ako sa floor namin nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Buti na lang ay may malapit na CR kaya naman agad akong pumasok doon at diretso sa isang cubicle para umihi. Nang matapos na ako,lumabas na ako ng cubicle at may naabutan akong mga baklang nagmamake up sa harap ng malaking salamin. At kung mamalasin,sila yung mga sumampal sa akin kahapon.

"Oh what we have here? Uhm the ambitious gay? Hahahaha"sabi nang leader-leaderan nila. Siya rin yung sumampal sa akin kahapon. Nagtawanan naman kaagad ang mga kasama niya.

'Ay so feeling nila mean girls na sila nyan? Tch'

Hindi ko na lang sila pinansin at diretso na sana ako sa paglabas ng CR ng harangin ako ng mga alipores niya.

"Uh-huh. Not so fast"nagtataray na sabi na naman niya.

"Ano bang kailangan niyo huh? Wala akong oras para sa inyo"sabi ko at sinubukang lumabas nang CR kaso hinawakan ako ng dalawang alipores niya sa magkabilang braso.

'Don't tell me sasampalin na naman niya ako? Wala na bang bago?'

"Bring him here girls. Ngayon makakatikim ka na. Kala mo ligtas ka na porket tinulungan ka kahapon ni Jeremiah??"sabi niya at dinala ako ng mga alipores niya malapit sa kaniya.

'Ano daw? Girls? Jusko lakas mangarap ng mga to ah. Pare-parehas lang kaming him no! Hindi puwedeng ako lang ang him dito!!'

"Anong gagawin nyo?" tanong ko sa kanila nang makitang nilapit nila ako doon sa pinagbabanlawan ng janitor ng map. At gaya ng hinala ko,nilublob nila ako sa tubig na pinagbanlawan ng map.

'Yak!! Kadiri!! Pag ako talaga nakalaya sa inyo,humanda kayo!!'

"Ano?? Gising ka na ba sa katotohanang hindi ka magugustuhan ni Jeremiah?" tanong niya.

"Ano bang pinagsasabi niyo? Sino ba naman kasing nagsabi sa inyo na gusto ako ni Jeremiah? Ayan kasi paniwala kayo ng paniwala sa mga chismis"sabi ko sa kanila.

"Abat sumasagot ka pa ah"sabi niya at sinampal niya ako. "Ang sabihin mo pasimpleng landi ka lang talaga. Una si Abraham tapos ngayon si Jeremiah/ Don't tell me,isusunod mo si Isaiah. Oh dream on! Well bago pa mangyari iyon,gigisingin ka na naming sa kahibangan mo. Girls ilublob ulit yan"sabi niya at ganoon nga ang ginawa sa akin. This time mas matagal na at parang sinasadya na nila akong lunurin. SInusubukan kong magpumiglas sa kanila pero hindi ko magawa. Hindi na din ako makahinga ng maayos sa ilalim ng tubig kaya unti-unti na din akong nawawalan ng lakas para pumiglas. Bago ako tuluyang mawalan ng hininga at malunod,naramdaman ko na lang na may humila sa akin sa tuibg.

"Ayann!! Ayos ka lang ba?" kahit malabo na ang paningin ko alam kong si Abraham iyon. Pasimple niya din akong tinatapik. Iyon ang huli kong naalala bago tuluyang mawalan ng malay.

End of flashback...

"Ano?!! Ginawa nila iyon? Sumosobra na talaga sila!"sabi ni Kyla pagkatapos kong magkuwento sa kanila.

"Kailangan na na natin itong ireport Ayann. You can't say no anymore. You've promised to me na kapag may nangyari ulit,irereport mo na ito"sabi niya kaya napatango-tango na lag ako sa kanya kahit ang totoo ay nag-aalinlangan akong magreport.

"Miss,asan po yung dinala ditong estudyante na si Ayannry San Agustin?"nangibabaw ang boses ni Kheean.

"Andito kami Kheean?"tawag ni Sky dito habang nakahawi ang puting kurtina. Bale yung clinic kasi namin ay parang emergency room sa mga ospital na may mga kama at kurtina na nagdedevide sa mga ito.

Lumapit ito sa amin. Kitang-kita ko na sumulyap muna siya kay Sky bago ako tingnan.

'Naku talaga tong dalawang to! Sila ba? Kailan pa?? Ang fishy lang talaga'

"Oh kamusta ka? Anong nangyari sa'yo?"nag-aalalang tanong nito sa akin.

Kinuwento ko sa kanya ang nagyari sa akin at kaagad naman akong nakatanggap ng batok mula sa kanya.

"Ayan! Daan daan pa kasi sa CR. Puwede naman kasi dumiretso na lang ng classroom"panenermon niya sa akin.

"At anong gusto mo? Pigilan ko yung ihi ko,huh? Edi nagka-UTI ako"sagot ko dito.

"Aba't sumasagot ka pa ah"sabi niya at bigla niya akong inipit sa braso niya at ginulo-gulo ang buhok ko.

'"Ano ba Kheean!! Bitawan mo nga ako!!"sabi ko habang hinahampas siya.

"Oh tama na yan Kheean. Kakagising lang niyang si Ayann"saway sa kanya ni Sky at agad din niya akong binitawan.

Sabay-sabay kaming nagkatinginan ng mga kaibigan ko at napataas ng kilay.

'Oh di'ba? Kahit sila nakakasense na may something fishy sa dalawa'

"Hala recess na pala. Tara recess na tayo. Diyan ka na lang muna Ayann. Bibilhan ka na lang naming ng pagkain"mayamaya ay sabi ni Kyla.

"No. Okay naman na ako. Sasama na lang ako"sabi ko.

"Sure ka ba?"tanong ni Jim.

"Oo teh. Tsaka nagugutom na din ako eh"sabi ko at tumayo na sa kama at nakita kong ang dumi-dumi ko. Malamang galing to dun sa tubig na pinaglubluban sa akin. Bigla naman akong nandiri ng maalala ko yung nangyari kanina.

'Argh!!! Ang itim pa naman nung tubig!! Yak!!'

"Ay ang dumi ko pala"sabi ko.

"Ay di'ba obvious teh?"sabi ni Jim sa akin.

"Ay nga pala. May iniwang set ng uniform si Abraham. Oh magpalit ka na"sabi sa akin ni Kate ang iniabot sa akin ang isang paper bag na naglalaman ng uniform.

"Galing kay Abraham to?"hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo teh. At huwag ka nang kiligin diyan. Magpalit ka na. Gutom ka na di'ba? Magbihis ka na. Pangit mong kiligin"sabi sa akin ni Sky. Inirapan ko muna siya bago ako pumasok ng CR para magbihis.

Habang nagbibihis ako,hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Eh kasi naman,sino bang hindi mapapangiti at kikiligin kung malalaman mong nag-aalala sa iyo yung crush mo. Yiee!! Tapos yung mukha niya kanina noong nakita niya ako,sobrang nag-aalala. OMG!! May feelings na din kaya siya akin?? OMG talaga!!!

"Ang tagal mo naman magbihis. Tingnan mo nauna na sila Sky at Kheean sa canteen."sabi sa akin ni Kyla nang makalabas ako ng CR.

"Hayaan mo na. At least magkakamoment yung dalawa"sabi ko sa kanila.

"So pansin mo din pala?"tanong ni Kate.

"Oo naman noh"sabi ko.

Nagpasalamat muna kami sa nurse na nag-asikaso sa akin bago kami lumabas ng clinic.

"Naku lang talaga,huwag magpapakita sa akin yang mga gumawa sa iyo niyan. Papaulanan ko ng sampal yan"sabi ni Jim habang naglalakad kami papuntang canteen.

"Count me in my dear twinnie. Sa iyo ang kaliwang pisngi at akin naman ang kanan. Dapat siya ang magkakaroon ng pinakamapulang pisngi dito sa buong campus"sabi naman ng kambal niyang si Jin at nag-appear pa ang dalawa.

"Napakawarfreak niyo namang kambal. Hindi naman ganun kalala yung nangyari sa akin"suway ko sa kanila.

"Ano??!! Di pa yun katindi? Tingnan mo nga yung itsura mo kanina. Ang dungis dungis mo. At tsaka kung makikita mo lang yung mukha ni Abraham kanina nung pinuntahan kami. Alaalang-alala siya na kala mo ay nasa 50-50 situation ka na"sabi sa akin ni Kyla.

"Talaga? Nag-aalala siya sa akin? Sa tingin niyo kaya may feelings siya sa akin? Kasi ako feeling ko eh"sabi ko sa kanila.

"Ay ewan ko sa iyo teh. Napasukan ata ng tubig iyang utak mo eh"sabi sa akin ni Jim.

"Oo nga teh. Alam mo gutom lang iyan.Bilisan mo na lang maglakad nang makarating na tayo sa canteen at dahil nagugutom na din ako"sabi ni Jin at nauna nang maglakad. Sumunod naman sa kanya sina Jim at Kyla.

"Alam mo Ayann,feel ko tama yung feels mo about kay Abraham?"sabi sa akin ni Kate.

"Weh? Sa tingin mo may feelings din siya sa akin?"tanong ko.

"Oo. Kung makikita mo lang kung itsura niya kanina. Alalang-alala na para bang yung pinakagusto niyang tao ay napahamak. Which is totoo nga na napahamak ka kaya naman sana ireport na natin ito mamaya Ayann" sabi ni Kate.

"Oo Kate. Irereport na natin toh mamaya"paninigurado ko sa kanya.

"Buti naman. Tara na nga at nang makakain na tayo. Baka mamaya eh enjoy na sa moment yung si Sky at Kheean"sabi ni Kate.

"Ay oo nga. I smell something fishy talaga sa dalawang iyon eh"sabi ko.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang makarating ng canteen.

"Himala Kheean,sumabay ka sa aming magrecess ngayon. Eh hindi ka naman nagrerecess di'ba?"biglang tanong ni Kyla kay Kheean. Andito na kami sa canteen at kumakain ng recess.

"Gusto ko lang magrecess at para na rin mabantayan si Ayann"sagot ni Kheean.

"Sus huwag nga ako Kheean. Daanin mo pa ako fake care mo sa akin sus. Baka kasi may dahilan na para sumama ka nadin sa amin magrecess,hindi ba Sky?"sabi ko at siniksik ko siya palapit kay Kheean. Bale kaming tatlo ang magkakatabi at nasa gitna namin ni Kheean si Sky.

"Oh ba't napunta sa akin ang tanong?"nagtatakang sabi ni Sky.

"Naku ayaw pa kasing magsipag-amin"mayamaya ay bulog ni Jin.

"True pashowbiz pa"sabi naman ni Jim at nag-apir pa ang kambal.

"Hoy mga bakla kung meron mang dapat umamin ditto sa atin,hindi ako yun. Kundi kayong kambal. Kala niyo hindi ko kayo nakita nung kambal na AJ at JJ sa mall kahapon. Anong ginagawa niyo doon?"sabi ni Sky sa kambal kaya naman sa kambal napunta ang tingin naming magkakaibigan.

"Ay oo nga. Nakita ko kahapon yung IG stories nung kambal iyon eh. So dating na pala kayo? Parang kalian lang eh hate niyo yun sila ah"panunukso ni Kate.

"Huh? Pinagsasabi niyo? Kami dating? No way!!"sabi sa amin ni Jim.

"Oo nga. Tsaka inaya lang kami kahapon nung kambal na kumain sa mall. That's it. Nothing more,nothing less"sabi naman ni Jin.

"Eh ba't naman kayo sumama?"tanong ko.

"Well wala namang masama doon ah. We know them naman eh"sabi ni Jim.

"Oo nga. Tsaka inaya lang naman nila kami to celebrate the success nung sinulat nila para sa Inter-High last week"pagpupumilit ni Jin.

"Yeah we know but our point is you hate them right?"nang-aasar na tanong ni Kyla.

"Eh sa libre eh. Tatanggi pa ba kami?"pagdadahilan ni Jim.

"Oo nga. Tsaka people change noh! Tingnan mo yang si Kheean. Di naman sumasama iyan kapag nagrerecess tayo eh. Pero ngayon,tingnan niyo! Asan siya? Nasa tabi ni Sky"sabi ni Jin at itinuro pa si Kheean.

"Oh ba't nasali ako?'nagtatakang tanong ni Kheean.

"Kheean please answer us honestly. Is there something between about you and Sky?"tanong ni Kate.

"Kayo ba?"dugtong ni Kyla.

"Kailan pa?"gatong ni Jin.

"Paano nangyari yun?"tanong ni Jim.

"Mga bakla paano makakasagot si Kheean niya eh sunod sunod yung mga tanong niyo. Kaloka kayo"singhal ko sa kanila. "So Kheean,bilang childhood friends tayo, I'm hoping na sasabihin mo sa akin yung totoo. Kayo ba?"tanong ko kay Kheean.

Sasagot na sana si Kheean kaso inunahan siya ni Sky.

"Magkaibigan lang kami. Ano ba yang pinag-iisip niyo. Magkaibigan lang kami,okay"sabi ni Sky. Kitang kita ko kung paano nagging malungkot yung mga mata ni Kheean dahil sa sinabi ni Sky.

'Ouch. Mukhang nahurt siya doon ah. Mukhang may kailangan talaga akong malaman. Si Kheean na nga lang tatanungin ko mamaya'

"Eh bat ikaw ang sumagot? Ikaw ba si Kheean"sabi sa kanya ni Kate at doon na naman nag-umpisa ang asaran.

Natigil lang sila sa pag-aasaran nang mapansing naglalakad papalapit sa table namin si Abraham at hindi lang siya nag-iisa. Kasunod niya ang mga pinsan niya kaya naman pansin ko din na halos lahat ng estudyante dito sa canteen at nakatingin sa amin.

"Hi Ayann"bati nito sa akin nang makalapit na sa amin.

"Hi Abraham"nahihiyang bati ko pabalik. Hindi nakatakas mula sa paningin ko ang patagong paghagikgik ng mga kaibigan ko.

"Are you already okay?. Sorry kung hindi na ako nakabalik. Bigla na kasi akong pinapasok ng teacher natin"sabi sa akin ni Abraham.

"Naku wala iyon. Dapat nga ako yung magsorry kasi hindi ka tuloy nakapasok ng first subject dahil sa akin"sabi ko.

"Wala iyon,ano ka ba? By the way okay ka na ba talaga?"tanong niya ulit.

"Ah oo. Salamat sa pagdala sa akin sa clinic ah. Tsaka thank you din sa uniform"sabi ko.

"You're welcome. Nareport mo na ba ito sa guidance?"tanong niya.

"Hindi pa eh. Mamaya kapag natapos na kaming kumain,pupunta kaming guidance"sabi ko.

"Can I come?"tanong niya.

"Sige"sagot ko.

"Hi Ayann. Okay ka na ba? Dinala ka daw sa clinic sabi ni Abraham"tanong sa akin ni Jeremiah.

"Naku okay na ako. Thank you sa concern"sabi ko sa kanya.

"Sorry pala ah. Siguro kung hindi dahil sa akin,hindi mangyayari yan sa iyo"paghingi niya ng tawad sa akin.

"Naku!, ano ka ba? Wala ka namang kasalanan eh. Masyado lang talagang maissue yung ibang estudyante dito sa school"sabi ko.

"Still I'm sorry"sabi niya. Doon ko lang din napansin si Isaiah sa likuran niya.

"What? Kailangan pa ba kitang tanungin kung okay ka na eh mukhang okay na okay ka na nga eh. Laki na nga ng ngiti mo kay Abraham eh"sabi sa akin ni Isaiah nang mapansing niyang nakatingin ako sa kanya.

"Ah.. Eh. Nareport mo na ba ito sa guidance?'tanong sa akin ni Jeremiah.

"Ah pupunta kami pagkatapos ng recess"sabi ko. Nakita ko pang siniko ni Isaiah si Jeremiah sa kadahilanang di ko alam.

'Masyado talagang mapanakit to'

"Puwede ba kaming sumama"tanong niya at kaagad naman akong tumago.

Nang matapos na kaming kumain ng recess,napagpasiyahan na naming pumunta sa guidance office. Hindi na sumama si Kheean dahil may kailangan pa daw siyang gawin para sa next subject nila. Nang makarating kami sa guidance office agad naming sinabi ang kailangan naming sabihin. Ikinuwento ko ang nangyari sa akin ngayong araw pati na rin yung mga nakaraan pang nangyari simula nang maissue ako kay Abraham. Tumayo bilang witness si Abraham na siyang nagpalambot ng puso ko. Ehh kasi naman ihhh.

"Ano Mr. San Agustin? Bakit ngayon mo lang ito sinabi?"gulat na sabi sa akin ng guidance counselor namin.

"Kasi po Miss akala ko hindi na mauulit yung ginawa nila sa akin kahapon kaya hinayaan ko na lang. Kaso nangyari iyong kanina"sabi ko.

"My god! I really can't believe this is happening. You know naman na we don't tolerate this kind of misbehavior in our school kaya naman can you give us the name of those who did this to you"

"Ahm Miss, actually pumunta lang po talaga ako dito para ipaalam iyong nangyari. Wala na po akong balak na magfile pa ng case kasi ayoko na ng gulo"sabi ko sa guidance counselor.

"Are you sure about this?"tanong niya.

"Opo Miss. And favor lang po, sana wag niyo na itong ipaalam kay mama. Ayoko na ho kasing mag-alala pa siya"sabi ko.

"Are you sure about this Mr.San Agustin?"tanong niya sa akin.

"Yes po Miss"sagot ko.

"Well kung iyon ang gusto mo. But if ever na maulit ito,kailangan na nilang maparusahan. Understood?"

"Opo Miss. Makakaasa kayo na sasabihin kop o sa inyo kapag naulit na ito"sabi ko.

"Okay you can leave now"sabi ng guidance counselor kaya naman lumabas na kami ni Abraham. Kaming dalawa lang ang pumasok dahil bawal ang sobrang daming tao sa guidance office lalo na't kapag hindi naman involve sa case yung mga papasok. Tanging mga kaibigan ko nalang doon at wala na ang magpinsang Cross.

"Thank you sa pagsama ah"sabi k okay Abraham.

"Oh sure no problem. Kapag may kailangan ka don't hesitate to tell me. Oh sige mauna na ako dahil may dadaanan pa ako sa SSG Office. Ingat ka"sabi nito sa akin.

"Sige see you na lang sa classroom"sabi ko at umalis na siya. Kumaway pa siya sa akin habang naglalakad papalayo.

"Ay sus. Todo ngiti si bakla. Oh anong naganap sa loob?"tanong sa akin ni Sky na kakalapit lang sa akin. Kasunod niya ang mga kaibigan ko.

Kinuwento ko sa kanila ang napagusapan naming sa loob. "Sure ka na ba diyan Ayann?"tanong ni Kate sa nagging decision ko.

"Oo naman teh. Tsaka may isa pang bagay na sure na ako"nakangitikong sabi sa kanila habang naglalakad pabalik ng classroom.

"Ano yun?"saby-sabay na tanong nila.

"Aamin na ako bukas kay Abraham"nakangiti kong sagot.

"ANO??!!"sabay-sabay nilang sigaw sa akin.

'Aray naman. Yung eardrums ko!! OA naman 'tong mga 'to kung makasigaw. May mali ba sa sinabi ko?'

Continue Reading

You'll Also Like

401K 26.2K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
8.2M 485K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
28.3M 714K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...