MARIELLE
Pagkatapos ng pangyayaring yun pumunta na kami sa parking lot para makauwi nasa mansion wala na akong ganang pumasok pa matapos ng nangyari papasok pa ko?
Tsk.
Ayoko silang dalawa makita dahil ang nakakainis kaklase ko sila. Tsk. Buwesit. Makikita ko sila araw-araw. Nandito na kami sa mansion mukhang napagod ako ah pumunta na ako sa kuwarto ko sa taas nagbihis na ako ng damit at natulog kulang yata ang tulog ko kagabi kaya matutulog ulit ako ngayon.
Ehya Pov
Mukhang napagod si Queen nakaka-shocked ang nangyari ngayong araw. Hindi namin inaasahan ang pagpasok ni Francis sa exsena pumasok na din kami ni Daine sa kanya kanya naming kuwarto at mukhang natutulog si Queen ngayon nagbihis na din ako ng damit at pupunta ako sa training room.
Hindi naman kami papasok ngayon kaya ngayon makapag-practice na rin ako. Aayain ko na rin si Daine magtraining ngayon wala naman siya sigurong gagawin pumunta na ako sa kuwarto niya.
"Besh, magtraining tayo ngayon para makapag practice na rin tayo!" sigaw ko sa labas ng kanyang kuwarto binuksan niya na ang pinto bago mag salita.
"Sorry besh, hindi ako puwede ngayon pinapapunta ako nina Mommy at Daddy sa resto mamaya kasi may ipapakilala sila sakin at magiging fiancee ko daw. Kailangan ko talagang pumunta para ayawan ang sinasabi nila. Buwesit na araw to sira na nga ang kay Queen pati ang akin magiging sira. Tss" mahabang sagot niya
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Sige mukhang busy ka ngayon ako na lang mag-isa" sabi ko sa kanya habang tumatawa
"Bakit ka naman tumatawa? Para kang timang" sagot niya
"Eh, kasi mukhang magiging maganda ang araw mo ngayon imagine ma-memeet muna ang fiancee mo. Ako kaya kailan?" sagot ko sa kanya
"Ewan ko sayo ayoko kaya magpakasal sa taong hindi ko naman kilala at isa pa sa taong hindi ko mahal" sabi niya
"May point ka dun. Well, goodluck na lang sayo ang pagkakilala ko kasi kay Tito at Tita ay kapag nagdesisyon sila ay dapat sundin kaya malaking goodluck sayo, besh" sabi ko sa kanya
"Oo nga eh, dapat galingan ko ang pag-arte na hindi ko pa gusto magpakasal sa hindi ko kakilala at mahal" sagot naman niya
"Sige, besh pupunta na ako sa training room para makapagsimula na" sabi ko sa kanya
"Sige" sabi niya at nagtungo na ako sa training room para makapag-ensayo nandito sa loob ng kuwarto na ito ay ang mga gamit para sa pag-eensayo kompleto na lahat dito una kong enensayo ang katana pinatatamaan ko ang mga kahoy para magsilbi kong kaaway.
Sunod kong kinuha ay ang isang sword na hindi ordinaryo kapag tinamaan ka kahit isang daplis lang ay puwede kang mamatay kasi may lason ito katulad din ng katana may lason din mag-iisang oras na ko dito at pagod na ko ang mabuti pa kumain na muna ako gutom na rin kasi ako
Ano na bang oras?
Kinuha ko ang aking cellphone na nakalagay sa lamesa atsaka ko tiningnan ang oras 11:40 am na pala dalawang oras na pala akong nag-eensayo pumunta na ako ng kusina para maghanap ng makakain day-off ngayon ng kasambahay ni queen.
Ang kinuha kong pagkain ay isang fried chicken at rice, mango float, salad at ice cream at pumunta na ako sa sala para doon kumain habang kumakain ako ay dumating si daine na naka dress na may halong black at white ang kulay ng damit niya. Ang ganda bagay sa kanya.
"Besh mauna na ako at mukhang male-late pa ako doon kumain na rin ako kanina at ikaw na lang ang magsabi kay Queen na umalis ako ayoko kasi istorbohin ang pagtulog niya. Bye" sabi niya sa akin
"Sige, besh. Ingat ka, goodluck bagay sayo ang suot mo. Bye" ngiting sabi ko sa kanya at umalis na siya pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko.
Daine Pov
~~~Flashback~~~
Habang nagliligpit ako ng gamit ko ay may biglang tumawag sa cellphone ko kaya dali dali ko itong kinuha at sinagot si Mommy pala ang tumatawag.
"Hello. Mom, bakit ka po napatawag?" tanong ko
"Hija, pumunta ka mamaya sa paborito mong kainan may pakikilala kami ng Daddy mo sayo" sabi ni mom
"Sino po ba yun mom?" tanong ko
"Ang magiging fiancee mo hija, tiyak ako na magugustuhan mo siya napaka-guwapo ng mapapang-asawa mo hija. Anak siya ng best friend ko noong high school nagkita kami nung isang buwan" sabi ni Mom
Anong sabi ni Mom? Fiancee? Tss. Asawa agad? Ang lakas naman ng trip nina Mom at Dad ngayon. Tss.
"Ano po? Okay, lang po ba kayo? Ako binigyan niyo ng fiancee? I can't believe this" inis kong sabi
"It's for your own sake, hija"
For my own sake? Talaga ba? Tss.
"Mom, ayoko ko pa po mag-asawa at hinding-hindi ako mag papakasal sa hindi ko kilala at mahal" inis ko pa ring sabi
"No. It's final kailangan mong pumunta mamaya kapag nakita mo siya ay tiyak ako na kakainin mo lahat ng sinabi mo hija, para sayo naman lahat ng ginagawa namin hija, kaya magbihis ka at dapat dress 12pm sharp dapat nandoon kana" sabi ni Mom at bigla niyang binaba ang tawag. Hayts. Buwesit naman muntik ko na itapon ang cellphone ko hayts nakakainis naman talaga.
~~~End of Flashback~~~
Kaya ngayon nandito na ako sa loob ng kotse ko para magtungo doon kahit na sabihin pa nila na para sa akin ang ginagawa nila hindi ko pa rin tatanggapin ang magpakasal 12:50 pm na late na ako wala akong pakialam kung puwede nga hindi ako pumunta ginawa ko na. Nandito na ako sa labas ng restaurant time check 12:55 na and later 1 pm na.
I don't care pumasok na ako sa loob bago pa sumabog ang bunganga ni Mom natanaw ko na dito sina Mom at Dad may kasama pa silang babae at dalawang lalaki ang isang lalaki mukhang kasing edad ko lang habang ang babae at ang isang lalaki at ka edad nina Mom at Dad.
"Hi. Mom, Dad. Sorry late ako" sabi ko sa kanila at sabay halik sa mga pisngi nila nakita ko ang ka edad nina Mom at Dad habang ang kasing edad ko ay hindi ko makita ang mukha kasi nakatakip sa kanya ang menu ng restaurant na ito at may headset sa ulo.
"Hija, nandito kana pala. It's okay ang importante dumating ka. Btw sila pala si Victoria montecillo ang bestfriend ko at si Arnold montecillo ang kanyang asawa" sabi ni Mom
Tss. Wala akong pakialam.
"Hello, hija tita at tito na lang ang itawag mo sa amin" sabay na sabi ng mag-asawang Montecillo at nakangiti sila
"Hello po, tita/tito I'm Daine Perez" sabi ko sa kanila
"At ito naman ang anak namin na si Miguel Montecillo meet your fiancee hija" sabi naman sa akin ni tita. Tiningnan ko ang lalaki mukhang na gets naman nina tito at tita na hindi umimik ang kanilang anak kasi nakatingin sa menu at nakaheadset kinuha naman ni tito ang headset niya at tiningnan niya ako at nakita ko ang mukha niya lumaki ang mata ko sa gulat.
O.O
Nagulat kami pareho wait, what?
"Ikaw?" sabay na sabi naming dalawa
Bakit ba hindi ko naalala na magkaparehas sila ng pangalan at kapag minamalas ka nga naman talaga. It's him my fiancee. The hell? Tss. Sobrang nakakainis na.
"Hija, magkakilala kayo?" tanong ni Mom. Hindi ako sumagot tiningnan ko lang ng masakit si miguel.
"Mukhang magkakasundo ang mga anak natin kasi magkakilala naman pala sila" sabi ni tito
"Mom, Dad ayoko pong maging fiancee siya at magpakasal sa mang-aagaw na kagaya niya" sabi ko sa kanila
"At ayaw ko din po na magpakasal sa papansin na kagaya niya" sabi naman ni miguel at nagsmirk pa ang G*go. Buwesit ka talaga.
"Mukhang hindi maganda ang pagkikita nila" ngiting sabi ni mom
"Oo nga" sang-ayon naman ni tita
Hindi naman talaga.
"Mom/dad, Tito/tita kaklase ko po yan paanong hindi ko siya makikilala? At mang-aagaw pa. Tss" sabi ko sa kanila at nag-glare ako sa kanya.
Is this real?
Fiancee ko ang mang-aagaw na yun? Nakakainis. Sana isa lang itong masamang panaginip.
----------------
Unibiquety.