Las Puta Ama: La Estrellas (U...

By Yssaamn

6.5K 231 461

Akala ni Amara, tama lang ang desisyon na ginawa niya para sa sitwasyon na kinakaharap niya, ito ang mas mada... More

La Estrellas
Prologue
La Estrellas 1
La Estrellas 2
La Estrellas 3
La Estrellas 4
La Estrellas 5
La Estrellas 6
La Estrellas 7
La Estrellas 8
La Estrellas 9
La Estrellas 10
La Estrellas 11
La Estrellas 12
La Estrellas 13
La Estrellas 14
La Estrellas 16
La Estrellas 17
La Estrellas 18
La Estrellas 19
La Estrellas 20
La Estrellas 21
La Estrellas 22
La Estrellas 23
La Estrellas 24
La Estrellas 25
La Estrellas 26
La Estrellas 27
La Estrellas 28
La Estrellas 29
La Estrellas 30
La Estrellas 31
La Estrellas 32
La Estrellas 33
La Estrellas 34
La Estrellas 35
La Estrellas 36

La Estrellas 15

109 4 7
By Yssaamn

Nagkwento agad ako kay Mateo kinabukasan. Sinabihan ko siya na hindi na pwedeng maulit pa yung nangyari kagabi at baka paghigpitan na talaga ako. 

"Kung gano'n, kailan ang susunod na punta natin sa likod ng Arbelaez?"

Ngumuso ako. Nilagay niya ang kamay niya sa kamay kong namamahinga sa kandungan ko. Inangatan ko siya ng tingin nang pisilin niya ang kamay ko.

"Uhh--siguro pagkatapos na lang nitong semester," sagot ko sa kaniya. Ilang linggo na lang ay patapos na ang unang markahan para sa unang semestre at hindi ako sigurado kung may ikakatuwa ako kapag nakita ko na ang grado ko. Pakiramdam ko may kulang, pakiramdam ko hindi sapat ang mga ginawa at ipinasa ko nitong huling buwan.

Tumangu-tango siya, hindi inaalis ang tingin sa akin. "Sige. May gagawin ka ba bukas?"

"Hindi ako sigurado," sagot ko sa kaniya nang may pag-aalinlangan. Bukas kasi ay didiretso kami sa library ni Dea, magbabasa kami saglit tungkol sa literatura. Hindi ko naman masabi kay Mateo dahil mas gusto ko ang sumama sa kaniya kaysa ang magbasa.

"Ikaw ba, may gagawin ka?" Ipinagsiklop ko ang kamay naming dalawa.

"Wala bukas pero sa susunod na araw mayroon."

Tumangu-tango ako. "Anong gagawin mo?"

"Inutusan ako ni papa," sagot niya at saka suminghal.

"Bakit? Ayaw mo bang sumunod sa papa mo?" Imposibleng nagdadalawang-isip si Mateo. Hinding-hindi siya aangal sa papa niya dahil hindi rin naman siya makahindi sa matanda, tulad nitong pag-aalaga at paghawak sa rancho at palayan nila. Alam kong hindi ito ang unang gusto ni Mateo pero dahil panganay siya at mabuti siyang anak, sinunod niya ang tatay niya.

"Hindi naman... Gusto niya kasing ilibot ko yung anak ng mayor sa bayan sa pangalawang kinatihan."

"I-ikaw ang maglilibot?"

Parang iniipit ang tyan ko nang tumango siya. "A-ano namang problema ro'n?" Inalis ko ang tingin sa kaniya.

"Hindi tayo magkakaroon ng oras para sa isa't isa--" aniya na parang bata. Aangal sana ako na bukas sana dahil parehas naman kaming walang gagawin pero kasi nagdadalawang-isip pa ako kung sasama ba ako kay Dea o hindi.

"Ayos lang naman 'yon. Marami pa namang araw, sa isang araw na lang tayo magkita," aniko at itinikom ang bibig.

Bahagya akong yumuko nang pumasok sa isip ko yung gabing makita ko sila sakay ng kabayo niya. Halos magta-tatlong buwan na rin iyon pero naaalala ko pa.

"W-wala naman kayong ibang gagawin 'di ba?"

Pinangunotan niya ako ng noo. "Anong ibang gagawin?"

"Ano--uhh--" Bakit ba gano'n ang tanong ko. "Tulad ng kakain sa labas nang kayo lang o kaya... o kaya ano--" Lumunok ako bago sabihing "Mangangabayo nang kayo lang." Tunog bitter ang tono ko na kinainisan ko. Malay ko kung sa pagsakay ng kabayo ay makuha nila ang loob ng isa't isa? Paano kung sa isang hawak lang bibigay na sila? Paano kung--

Ngumisi siya. "Ugh, kung ako sa'yo ginagawa mo na akong boyfriend mo."

Umawang ang bibig ko. "Kung magseselos ka ng ganiyan dahil wala kang kasiguraduhan--"

"May tiwala naman ako sa'yo," pagpuputol ko sa sinabi niya.

"Kung may tiwala ka, bakit ka nagtatanong kung may iba pa ba kaming gagawin, hmm?" bahagya niyang inabante ang taas na bahagi ng katawan niya palapit sa akin. Inabante niya rin ang paa niya para ikulong ang mga paa ko sa gitna ng hita niya.

"Ano--" Bumilis ang tibok ng puso ko. Saan ako kukuha ng sagot? "Uh--"

Humalakhak siya. "See? You're tense," tawa niya ulit.

"Hindi naman. Hindi lang ako mapanatag."

"Bakit?"

"Kasi---Maganda siya, mayaman, may pangalan yung pamilya niya, mayroong ipagmamalaki--"

"Maganda ka rin naman, mayaman ka sa pagmamahal, may pangalan din naman ang pamilya mo--may apelyido rin--" pagbibiro niya. "Saka kung tungkol naman sa ipagmamalaki, kaya naman kitang ipagmalaki kung bibigyan mo ako ng pagkakataon." Pinisil niya ulit ang kamay ko. "'Di ba?"

Tumangu-tango ako. Ilang saglit ay inangat niya ang kamay niya sa pisngi ko, maingat niya itong hinagkan bago ilapit ang mukha niya sa akin. Halos hininga niya na ang nalalanghap ko. Pumikit ako sa pag-aakalang may iba siyang gagawin. Idinilat ko ang mata ko nang maramdaman ang mainit niyang noo sa noo ko. Nakapikit siya habang marahang hinahaplos ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.

Dahan-dahan namang umangat ang gilid ng labi ko sa nakikita ko. Mukhang matigas pero ito lang pala ang ikalalambot niya.

Ipinikit ko ang mata ko sa biglaang pagtaas niya ng talukap ng mata niya. "I love you, Amara," bulong niya.

Ilang segundo kaming nanahimik, naghihintay yata siya ng isasagot ko habang ako rito ay kabang-kaba.  Ipinatong ko ang kamay sa kamay niyang nananahimik sa pisngi ko. "I...uhm--I love... you, Mateo."

Kinwento ko kay Dea ang unang sagutan namin ni Mateo ng I love you. Ito at sobra siyang natutuwa sa narinig, hindi magkumayaw sa inuupuan. 

Halos lumuwa ang mata niya nang magtanong siya. "Talaga?" 

Tinanguan ko siya habang ngiting-ngiti. "Oo." 

Bigla niya akong niyugyog sa tuwa. "Oh my gosh! Dalaga ka na! Oh my gosh, Amara! Hindi ko ine-expect na mag-a-i love you ka kay Mateo! Akala ko conservative ka masyado! Akala ko isang taon pa bago makuha ang matamis mong I love you." May papikit-pikit siya ng mata habang dinadamdam ang sinasabi niya. 

"Grabe ka talaga! Iba ka rin pala, ha? Nag-ano na rin ba kayo?"

Napaatras ako sa tanong niya. Anong ano? 

"Hindi ano ka ba!" nahinuha niya yata ang naiisip ko. Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. "Nag-kiss na ba kayo?" 

Agad ko siyang tinulak sa kawalang preno ng bibig niya. "Hoy, ano ka ba!" 

"Bakit? Nagtatanong lang naman." 

"Anong..." hininaan ko ang boses ko. "Anong kiss ka dyan? Maghunos-dili ka nga." 

"Hoy doon din naman ang punta ng mga ganyan-ganyan. Saka grade 12 naman na tayo, ako nga may first kiss na pero sa hindi ko inaasahang tao, ikaw pa kaya na may matandang manliligaw?" 

"Hindi namna ganoon katanda si Mateo--"

"What I mean is 'di ba yung mga nasa gano'ng edad, usually ang gusto nila physical touch, gusto laging nakayakap, nakahalik--" 

Siniko ko siya. "Iba si Mateo." 

"Paanong iba?" 

"Iba siya dahil hindi niya pa ako nahahawakan sa mga parteng naiisip mo. Maingat siya sa akin, para nga akong babasagin, eh. Malimit niya akong hawakan at kung hahalikan man ay sa noo, hindi sa labi." 

Natigilan siya at napanguso. Inalis ang tingin sa akin at tumingin sa kawalan. "Ang swerte mo naman... hays--" 

"Makakahanap ka rin--" 

Umirap siya sa hangin. "Hay nako! Nga pala, nag-I love you na kayo, boyfriend mo na?" 

Itinikom ko ang bibig ko at lumunok bago sabihing, "Hindi pa." 

"Hindi pa!? Eh bakit ka nag-I love you? Ano 'yon joke lang?" 

"M... M.U naman kami..." 

Bumuga siya ng hangin na puno ng pagkadismaya. "Alam mo... hindi ko alam bakit nag-settle ka sa M.U-M.U. na 'yan, eh, hindi naman bagay sa inyo ni Mateo. Ang kailangan mo, girl, the certainty, security and assurity. Hindi yung ganiyan!" pagalit niya. 

"Sigurado ka na ba sa kaniya?" 

"Oo naman..." 

"Oh, ayon naman pala, eh! Bakit hindi niyo pa siguraduhin yung relasyon niyo!"

Binigay ko na ang buong tiwala ko kay Dea. Napagtanto ko kasing mapagkakatiwalaan talaga siya. Noong una siguro nga at nagdadalawang-isip ako pero nito lang nang marealize ko na... kaibigan nga siya sa akin. Isa rin siguro sa dahilan ay yung kami lang dalawa ang laging magkasama at nag-uusap. 

Kaya ito at sa kaniya ako nagku-kwento nang mga bagay na gusto kong ilabas sa tuwa, sa kilig at sa selos.  

"Saan ang punta mo?" Tanong ni Dea sa gilid ko. Nagliligpit na kami ng gamit dahil tapos na ang klase namin.

Tulad nga ng napag-usapan namin ni Mateo kahapon, libre siya kaya siguradong nasa kubo na ang isang iyon, naghihintay sa pag-uwi ko. Hindi rin naman niya ako masusundo dahil ipinapagawa ang sasakyan niya. 

"Pwede bukas na lang tayo magbasa?" Taranta kong tanong sa kaniya. Aakyatin ko pa kasi si Kenzo para sabihan siyang sabay na lang sila ni Dea sa pag-uwi. Sabay naman talaga sila simula nang ihatid at sunduin ako ni Mateo. 

"Huh? Anong bukas? Eh bukas na yung test dito. Individual 'to baka nakakalimutan mo--"

"Didiretso na lang ako bukas ng umaga sa library para basahin yung libro ni--"

"Makapal 'yon, Amara."

"Kaya ko 'to, Dea. Kaya ko 'yon bukas."

Hindi na rin naman siya nakasagot sa akin dahil sa sinabi ko. Pinagkibitan niya lang ako ng balikat.

"Sabay kayo ni Dea sa pag-uwi?" Tanong ko kay Kenzo.

"Huh?"

"Mauuna na kasi ako."

"Saan ka naman pupunta?"

"Uuwi."

"Eh pauwi na rin naman ako."

"E'di walang kasabay si Dea?" Sana lang ay pumayag na siya at huwag ng pahabain pa ang pag-uusap namin.

"Nasaan ba siya? Saan raw siya didiretso?"

"Sa library," sagot ko.

Suminghal siya bago ako tinanguan. "Sige, didiretso na ako ro'n." Ayon! Buti na lang at hindi an siya nagpapilit pa.

"Salamat, Kenzo!" Buti at hindi siya umangal.

Nagmadali ako sa pag-uwi sa pag-aakalang baka naghihintay na si Mateo sa kubo pero nang silipin ko yung kubo ay wala siya ro'n. Nasaan na kaya 'yon? madalas ko pa namang abutan 'yon dito pagka-uwi ko. Baka naman sa pagmamadali ko ay napaaga ako.

"Saan ka?" Tanong ni nanay sa akin nang makitang palabas na ako ng bahay.

"Sa kubo ho," sagot ko bago suotin yung tsinelas.

"Sinong kasama mo?"

"Wala ho, magpapahangin lang." Tumangu-tango lang si nanay at saka pinabayaan na ako sa paglabas ko.

Humikab ako nang mahigit isang oras na ay wala pa rin siya. Masyado pa naman akong nasabik na umuwi para lang makita siya. Napag-isipan ko kasi kagabi na kung... sabihin ko na kaya na boyfriend ko na siya? Kasi nag-I love you siya tapos nag I love you ako pabalik. Saka para narin gumaan ang pag-iisip ko. Nag-usap na rin naman kami ni Dea, eh. 

Napipikit-pikit na ako nang makarinig ng ugong ng kotse, alam kong kay Mateo iyon dahil siya lang ang may kotse ritong gano'n ang tunog. Lumaki ang mata ko kasabay ng paghikab. Lumakas din ang hangin na nagpagulo sa buhok ko.

Ari-ariba akong bumaba sa kubo nang makitang lumabas si Mateo sa kotse niya. Akala ko ay didiretso siya rito ngunit pumihit siya sa kabilang pinto para ito naman ang buksan.

Bahagyang namilog ang bibig ko nang makitang lumabas sa sasakyan niya yung anak ng mayor sa bayan. "Akala ko bukas pa?" Tanong ko sa sarili kong naguluhan din sa sinabi ni Mateo.

Akala ko ba oras namin ngayon? Akala ko kami lang dalawa? kaya nga umuwi ako agad imbis na sumama sa pagrereview ni Dea. Kaya nga inuna kong pumunta at maghintay rito sa kubo dahil akala ko kami lang dalawa. Bakit kasamay niya... yung babaeng iyon?

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan nang makitang palapit na sila sa direksyon ko. Bahagay akong nangunot nang balingan ni Mateo yung anak ng mayor sa bayan. Tumango 'yong babae at bahagya pang natawa.

Naka-polo shirt si Mateo na talaga namang bumabagay sa kaniya. Kahit nasa 'di kalayuan, langhap ko na rito ang bango ng amoy niya base palang sa kaniyang itsura.

Hinigpitan ko ang pagkakakaipit sa hinliliit ko. Inalis ko sa kanila ang tingin ko at ipinasyang ibaba ang tingin sa pinagtatayuan ng kubo. Malalim pa rin ang pag-iisip ko sa nakikita ko.

"Yuh, yuh. I had it done. Do you like the view?" Rinig kong tanong ni Mateo sa kasama niya.

"I like it," maarte nitong sagot at saka mahinhing tumawa.

"Amara," tawag ni Mateo sa akin. Imbis na lingunin siya, pinulot ko ang bato sa lapag at inihagis ito sa malayo kasama ng inis ko sa babaeng kasama niya. 

"Amara," tawag niya ulit. 

Saglit akong nagkunwari na walang narinig at nang marinig ko ang habag nila palapit sa direksyon ko, bumuntong-hininga ako bago sila lingunin kasama ng buhok kong nakikisabay sa alon ng hangin. Malaki ang ngiti ko sa anak ng mayor samantalang itong si Mateo ay hindi ko mataasan ng tingin.

"Amara!" tawag ulit ni Mateo na hindi ko pinansin.

"Magandang hapon po," bati ko sa anak ng mayor. Nakuha ko pang lumapit sa kaniya ng isang talampakan. Bahagya siyang umatras na ultimo nandidiri sa akin.

Bumaba na ang araw at ilang minuto na lang ay aakyat na ang buwan. Unti-unti ng kumukulimlim, ilang oras kaya silang magkasama kanina at bakit ngayon lang sila nagpunta rito sa amin?

"Uhmm--" Dumikit siya kay Mateo at akma pang kakapit sa braso nito. "H-Hi?" Hindi siya sigurado.

"Siya yung kinu-kwento ko sa'yo. Yung anak ng puno ng magsasaka sa sakahan ni papa." Gano'n niya lang ako ipinakilala sa anak ng mayor? Yung anak ng puno ng magsasaka sa sakahan ng Don? Ahh.

"A--Ako si... Ako si Amara," pagpapakilala ko sa kaniya.

"I'm Viviane. Anak ng mayor sa bayan, kung kilala mo si Richard Cayetano, papa ko 'yon," aniya habang nag-aalangan kung ngingiti o mandidiri.

Sinong hindi makakakilala sa mayor sa bayan? Halos araw-araw 'yong nababalita rito sa amin. Paano ay buwan-buwan yatang bumibili ng lupa o 'di kaya ay may pinapaayos na kinainisan ng ilang taga-candelaria.

Tinignan niya ako mula paa pataas sa aking mukha. Lumunok ako nang kumunot ang noo niya habang nakatingin sa suot ko. Kumpara kasi ng sa'kin, ang kaniya ay masyadong sosyal. Naka-palda siya na parang palda ng mga estudyante rito, 'yon nga lang sa kaniya ay maiksi at hapit na croptop na bumagay naman sa hulma ng katawan niya.

Napansin niya yata ang pagtingin ko sa suot niya kaya napatingin din siya. "Oh, this shirt is from Gucci, if you haven't heard about it, it is an Italian luxury brand. This one is limited edition too," aniya kahit hindi ko naman tinatanong. Binigyan ko lang siya ng ngiti. "This skirt is from Gucci also. I don't really want to brag, just in case you want to know--"

"Viviane," saway ni Mateo sa kasama niya.

"My outfit costs 2,000 dollars. And if you convert it in peso, at least 100,000 pesos--"

"Viviane--"

"And my shoes is from--" Inangatan niya ang nakakuyom na si Mateo. "Mateo. Right? Mateo?"

Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagbaba niya ng tingin sa akin, tila ba hinihintay ang magiging reaksyon ko nang sabihin ni Viviane na sa kaniya galing ang sapatos na suot niya.

Inilapit niya pa ang mukha niya kay Mateo na nagpalunok sa akin. "Right, Mateo?"

Hindi sumagot si Mateo, hindi rin naman niya inalis ang tingin sa akin. Ibinaba ko ang tingin sa sapatos na suot niya. Maganda ang sapatos na suot niya, tingin pa lang ay mukhang daan-daang libo na. Espesyal yata sa kaniya kaya nabigyan niya ng ganoon.

Nanahimik kami ng ilang minuto bago ulit magsalita si Viviane. "In fairness, every places I've saw were so beautiful, even the tubigan, the farm, the ranch. I love them, Mateo," maarte nitong sinabi kay Mateo.

Hindi kumikibo sa tabi ng kasama niya. Ramdam ko ang mariin niyang pagtitig sa akin na hindi ko naman inaangatan. Gusto ko ng umalis sa harap nila, para lang akong tagapunas ng sapatos nilang dalawa rito at naghihintay sa utos ng prinsipe at prinsesa.

Bahagya lang akong yumuyuko at nilalaro ang daliri kapag hindi ako kinakausap.

"What do you like about this, Mateo?" tanong ni Viviane. Napa-angat ako ng tingin sa kaniya dahil sa tono ng pagtatanong niya, pati na rin sa pagkunot ng noo niya.

"What do you mean?" Sa wakas at nagsalita na ulit siya.

"Uhm--" Ngumuso si Viviane at mabilis na kinuha ang braso ni Mateo para hawakan. Umubo ako nang makitang pinisil niya pa ang braso ni Mateo bago ituloy ang sasabihin niya. "I don't find any of the things here special."

Hindi naman ako tanga pero palagay ko para sa'kin yung sinasabi niya ngayon. 

"May nadadaanan na rin naman tayong ganito. Why do we need to stay here? Can we just---go?"

Sinusubukan kong hindi iangat ang tingin kay Mateo. Hanggang dibdib lang niya ang nakikita ko dahil baka bumigay ako sa oras na makasalubong ko ang tingin niya.

"Can we go now, Mateo?" Niyuyugyog pa niya ang braso ni Mateo.

Kumamot ako sa noo para matunugan niya ang inis ko. Itinikom ko rin ang bibig ko at tumingin sa malayo.

"Viviane--"

"Please, Mateo. Umalis na tayo, sayang ang oras natin dito. Kakain pa tayo 'di ba?--"

"Patience, Viv--"

"Sabi ni tito bumalik na raw tayo before 6, right? It's almost sunset, oh." Inalis ko ang baling sa kanila at ngumisi nang tawagin niyang tito ang Don. Hinigit niya pa ang braso ni Mateo, wala na ngang espasyo ang dibdib niya at braso ni Mateo tapos hihigitin niya pa?

Lumunok ako bago mag-angat ng tingin kay Viviane. "Kung gano'n po... Mag-iingat po kayo, b-babalik na po ako sa loob." Pinilit kong ipakita ang ngiti kay Viviane kahit na parang tinutusok na ang dibdib ko sa nakikita ko.

B-bakit hindi man lang niya alisin yung kamay ni Viviane sa braso niya? Bakit hindi niya pagalitan yung babaeng 'yon? Saka bakit hindi niya ako ipakilalang nililigawan niya? K-kasi ba... M.U. lang kami? Saka bakit ang dami kong napapansin? Parang lahat ng kilos nila kalkulado ko. Ni hindi ko nag gustong tingnan silang dalawa pero ito at alam na alam ko ang bawat kilos nila. 

"Sandali, Amara," rinig kong sabi ni Mateo pero nagkunwari akong walang narinig at nagpatuloy lang sa paglakad.

"Amara," tawag niya ulit. Naglakad-takbo na ako at wala pang ilang segundo ay naabutan na niya ako. Hinigit niya ang kamay ko at marahas na iniharap sa kaniya.

"Amara!" May awtoridad niyang tawag sa akin.

Lumunok ako kahit na may malaking batong nakaharang sa lalamunan ko. Itinikom ko ang bibig ko. Inalis din ang tingin sa kaniya at pumikit-pikit, hindi naman ako pwedeng umiyak sa harap niya lalo na't kita ko sa bandang likod niya si Viviane na nakatayo sa 'di kalayuan habang nakasiklop ang braso sa dibdib.

"Naririnig mo ako pero hindi mo ako nililingon," may himig ng galit ang tono niya.

Hindi ako sumagot, bagkus ay naghintay lang sa sasabihin niya. "Bakit ayaw mo akong kausapin? bakit ayaw mo 'kong tignan?" Tanong niya habang sinusubukang habulin ang tingin ko.

Nagkibit ako ng balikat bilang sagot. "What is it?" hindi niya alam?

"Wala," walang emosyon kong sagot at saka hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"I won't let you escape--"

"Hindi mo alam?" Inirapan ko siya na pinagsisihan ko naman agad. Naku, bakit ko ginawa 'yon?

"I'm sorry, I didn't tell you beforehand. Akala ko ay bukas pa--"

Sinubukan kong kuhain ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Amara, I'm sorry. Hindi ko alam. Nagsabi rin ako kay papa na huwag muna ngayon kasi pupunta ako sa kubo. Sabi ko rin sa kaniya na abala ako pero pinagpilitan niya ako dahil papunta na raw si Viviane sa bahay."

Lumunok ulit ako. Hindi ba siya magsosorry kasi-- "I'm sorry if I kept you waiting. We were supposed to come here earlier pero ang dami niyang pasikot-sikot na gustong punatahan. Halos nakadalawang balik na nga kami, gusto ko na ring iliko rito sa inyo pero ang sabi niya mamaya na lang bago umuwi."

"And I intend to come here this late too 'cause I want you to know that I am with Viviane. Ayaw kong sa iba mo malaman na kasama ko ang anak ng mayor sa bayan. Ayaw kong manggaling sa ibang tao, ayaw kong manggaling sa chismis dahil natatakot akong magalit ka sa'kin."

Lumunok ako kahit barado ang lalamunan ko. Gusto kong magalit at mainis sa kaniya pero ito at hindi ko magawa dahil sa eksplanasyon na binigay niya. Dahan-dahan ko siyang tinanguan habang nakatingin sa kamay niyang mahigpit na nakakapit sa palapulsuhan ko. 

"Ano pa? Other things that bothers you? Mayroon pa ba?" Itinaas ko ang tingin sa kaniya nang magsalita siya nang malumanay. Ang tingin niya rin ay bahagyang lumambot.

Mayroon pa... Yung paghawak ba sa kaniya ni Viviane ay okay lang sa kaniya? Okay lang sa kaniyang nililingkisan ng kung sino-sino? Tapos kung anu-anong sinasabi sa akin pero wala naman siyang ginagawa.

"Wala na," sagot ko sa kaniya at saka umirap.

"Come on, Amara..."

"Wala na nga," pag-uulit ko.

"You've got teary-eyed tapos wala na? Anong wala?" Huh? B-basa na ba ang mata ko? Ang alam ko lang ay nag-iinit ang likod ng mata ko.

"Ano ba! Wala na nga! Bitawan mo na nga ako!"

"Hindi kita bibitawan--"

"Ang kulit mo naman, Senyor!"

"Come again? senyor?" Kumunot ang noo niya. "Who told you to call me that way?"

"Bitawan mo na lang ako--"

"No, I won't. Not unless you told me--"

"Wala na nga!" Pero binawi ko rin ito dahil sa paninikip ng dibdib. "Naiinis ako sa'yo!" sigaw ko sa kaniya. "Naiinis ako sa'yo kasi hindi na nga ako sumama kay Dea tapos ito pa ang maaabutan ko. Nasayang yung ilang oras kong nireview ko sana kaysa naghintay sa'yo, sa pag-asa ko na sa pag-uwi ko naghihintay ka sa kubo!"

Ramdam ko ang marahang panlalambot ng kamay niya kaya kinuha ko na itong tyansa para higitin ang kamay ko sa kaniya. Napanganga rin siya sa hindi inaasahang sinabi ko.

"Saka ayos lang ba sa'yong hinahawak-hawakan ka?" Tanong ko sa kaniya. "Ayos lang sa'yo na kaharap  mo ako habang nakalingkis sa'yo yung anak ng mayor 'yon?"

Saan ko ba nakukuha ang kapal ng mukhang sigaw-sigawan itong si Mateo? Naiinis ako at oo, may halong pagkagalit pero hindi ko naman inaasahan na masisigawan ko siya nang ganito. Ngayon pa lang ay nagsisisis na ako sa kung ano mang mangyayari pagkatapos ko siyang singhalan. 

"Amara--"

"Ayos lang sa'yo na kung anu-anong sinasabi sa'kin? Na walang espesyal na pangit naman daw?"

"Hindi naman para sa'yo 'yon--"

"Para sa'kin 'yon! Babae ako kaya alam ko yung takbo ng utak niya. Yung tingin niyang nangmamaliit na parang basura lang ako sa kaniya. Dagdag pa yung hindi ko alam kung iniinsulto niya ako o naawa sa'kin--"

"Amara kilala ko si Viviane--"

"Kilala mo pero hindi mo alam ang takbo ng utak? Saka kung makadikit sa'yo, boyfriend ka ba no'n?"

"Kasi kung oo, okay..." Bumuntong-hininga ako at tumalikod sa kaniya. Bahagya akong yumuko para pumasan ang luhang kumawala sa mata ko. Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Kung paano ako tignan ng Viviane na 'yon, gano'n din ako tignan ng lola niya. Ano bang masama sa mahirap? Ano bang mali sa paraan ng pananamit ko? May marumi ba sa mukha ko? Marumi ba akong tao?

Huminga ulit ako nang malalim at pinunasan ang luha. Saktong hinawakan niya ang braso ko para iharap sa kaniya.

"I'm sorry. Sasabihan ko si Viviane--"

"Huwag na... Ayos lang naman--" 

"Anong ayos? Matapos mo akong sigawan sasabihin mo sa'kin na ayos lang ang nararamdaman mo?" 

Hindi ako nakasagot dahil sa panlalambot, dagdag pa nang ihawak niya ang dalawa niyang kamay sa balikat ko at ilapit ang katawan ko sa kaniya para yakapin. 

Lalo pang tumulo ang luha ko nang aluin niya ako sa paraang paghagod sa likod ko. Akala ko ay magagalit siya sa akin dahil sa pagsigaw ko, akala ko magugulat siya sa mga sinabi ko at sasabihing ayaw na niya sa'kin dahil hindi naman niya ako ganito nakilala. 

"Shh. Amara, I'm sorry. I'm sorry... baby." 

Naramdaman ko ang paghalik niya sa bunbunan ko. "I'm sorry, Amara." Bulong iyon pero grabe ang epekto sa nararamdaman ko. "I'm sorry, baby." 

"I don't know but shouting at me, I find it funny, I find it... heartwarming." Saglit siyang natawa. "I never thought you can be this frustrated at me. Imbis na matahimik ako, natutuwa ako sa'yo." 

Dahan-dahan ko siyang inangatan ng tingin. Hindi malaman kung ano ang ibig sabihin niya sa sinasabi niya. 

"I love that you got angry, I love that you got frustrated with me. I love that you got jealous."

"Hindi ka rin naman siguro matutuwa kung may nakalingkis sa girlfriend mo?"

Bahagyang bumaba ang tingin niya sa akin. Umatras siya nang hindi makapaniwala sa narinig. "Bakit? Sinasagot mo na ba ako?"

Inilayo ko ang tingin sa kaniya at hinawi ang kamay niya bago tuluyang tumalikod at lakarin ang kahabaan ng tinatayuan ko at ng bahay namin.

Oo! Sinasagot na kita! Sinasagot na kita, Mateo Cabello Massimo! 

Thank you for reading my story! God Bless!

Continue Reading

You'll Also Like

192K 7.4K 39
What if the one courting the girl you have a crush on turns out to be the one you will also fall into? Yolo, a basketball athlete and architecture st...
432 66 34
A devoted fan of the band called Zetes made an effort just to be noticed by her idol name Paul, but Paul broke her heart. One day, she saw Chris that...
4M 88.3K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
1.8M 25.2K 47
Dice and Madisson