CHAPTER XXIII.
BREATHLESS si Sasa habang karga siya ni Giu ng bridal style. Mabilis itong tumatakbo palampas sa mga puno.
" Hold on more Cara. " Mas napahawak pa siya ng mahigpit ng tumalon si Giu mula sa isang puno papunta sa isa. "Phew~ That's awesome."
Masaya ito at nagliliwanag ang mga mata. Iyon ang napapansin niya habang nakatitig siya kay Giu at ng bigla itong napatingin sa kanya ay naalarma siya at lumuwag ang hawak niya sa leeg nito. Ibinaling niya agad ang kanyang mukha sa likuran pata iiwas ang mga mata sa lalaki.
"Hold me tighter Sasa. I might lose it." Naibalik niya ang tingin sa lalaki na siyang nagsabi nun. He is breathless too , napapagod na kaya ang lalaki?
"If you're tired you can let go of me." Malamlam ang mata na tinignan siya nito.
"Never. Never again." Gusto pa sana niyang isipin ang sinabi nito pero nakarating sa sila sa kanyang inn. Gawa sa kahoy ang mga inn at tabi- tabi ang mga bahay kaya halos mabali ag leeg ng mga kapitbahay niya na hindi naman niya kilala.
Pero sikat si Giu kaya marahil ay kilala ng mga ito ang binata.
"Y- you can let go of me now Giu." Nahihiya niyang sabi. Magdadalawang minuto na kasi pero nasa mga braso pa rin siya ng binata.
"Just open the door." Utos nito.
"Kaya nga ibaba mo ako para mabuksan ko ang pinto." Sabi niya but the man is stubborn. Napalunok tuloy siya ng ngumisi ito. Pisti ang gwapo ni Giu habang nakangiti at nasa ilalim ng snow.
" I don't wanna let you go --" Nakangiti nitong sabi na waring iniinis siya. Nawala na nga ang inis niya sa lalaki kanina pero binabalik naman nito.
"Giu ano ba!" Iginalaw galaw niya ang mga binti para bitawan siya nito. Nakakahiya na kaya ang posisyon nila at nakikita pa niyang napapailing nalang ang mga viewers na kapitbahay niya.
"You two should go inside." Sabat ng malamig na boses na iyon. Commanding na para bang tatay ito at may nakitang kasamang lalaki ang anak kaya napalingon siya.
"T- Tristan." Humihikab ang twelve years old niyang anak- anakan at nakapameywang sa hamba ng pintuan.
"It's cold outside." Sabi niya at nagmamadaling tumayo sa sariling paa. Hindi niya masulyapan si Giu dahil nahihiya siya sa scene na iyon. "Pumasok ka na Trist."
Nag- shrugged ang little monster niya at pumasok. Napabuntong hininga nalang tuloy siya. Tiyak kasi na mahaba- habang paliwanagan iyon. Tsk. Hindi man humihingi ng explanation sa kanya ang bata ay gusto niyang sabihin na wala lang ang ginawa ni Giu.
Tinulungan lang siya nitong makauwi agad.
"Go away now Giu. Umuwi ka na." Hindi tumitingin sa lalaki na sabi niya. Tumalima naman ang lalaki at naglakad.
"Goodby--" Napataas ang kanyang mukha dito ng hawakan nito ang ibaba ng kanyang mukha at pinatunghay siya.
"There's no goodbye for us instead I will be back." Kung gaano kabilis itong tumakbo ay ganun rin kabilis na nanakawan siya nito ng halik. Halik sa pisngi.
Hindi man pang siya nakaalma dahil wala na ang lalaki. He run and jump to houses and trees. Napakagaling.
She can jump from houses to pero taas patungong baba but vampires like him can jump from bottom to top at vice versa.
Teka ano ba iyang iniisip niya. Ipinilig niya ang ulo at tinignan ang paligid. Parang nag- grand entrance lang sila ni Giu dahil lahat ng camera este mata mapa- babae, lalaki at matanda man ay nasa kanila na ngayon ay nasa kanya nalang dahil umalis na si Giu. Dapi- dali siyang pumasok sa loob ng kanyang inn dahil sa hiya. Good thing she's leaving tomorrow pa- Norte. Isang malalim na hininga ang kanyang ginawa at inayos ang sarili.
"Tristan?" Tawag niya sa kanyang little monster.
"Yes Mamí?" Mukhang nasa kusina ito kaya pumunta siya doon. At again nakita na naman niya ang kanyang anak na kumakain ng Lumpia in a weird way pero mukhang ganado naman ito kaya pinabayaan nalang niya.
"About what you saw lit---" Nag- angat ito sa kanya ng tingin. Seryoso ang mga mata kaya napalunok tuloy siya.
"Do you like him?" Mistulang parang ama niya ang kanyang kaharap ngayon na taliwas naman sa realidad. Because the one who's asking ay isang bata pero nevertheless ay hindi niya alam kung paano sagutin.
"Ahm. I don't know." Hindi niya alam kung gusto pa rin ba niya ang binata basta ang alam niya ay magkaibigan sila ni Giu. Nag- shrugged ito at nagpatuloy sa pagkain.
"I like that man. He's good for you." Sabi nito na ikinabungisngis niya. Lumapit siya sa anak at ginulo ang buhok nito.
"Ikaw talaga. Kung ano- ano ang naiisip mo." Pinisil niya ang matangos nitong ilong. Sigurado na kapag lumaki ang batang ito ay magiging habulin ng mga she- wolfs and half bloods.
He has a commanding aura na nakuha niya sa amang si Robin Woollard na isang Alpha. Tristan is dominant and she can see that he'll be a great leader someday too. Kaya nga pinasama ito sa kaniya ni Grandmy so that he could learn things by experiencing it. Hindi iyong itinuturo lang ni Magu sa Council.
"I'm serious. I can see that he'll be a good husband to you. You'll have a wonderful family together." Nakayuko nitong sabi but she knows better. Minsan na nitong sinabi na kapag may nanligaw sa kanyang nilalang sa Hearth ay susuportahan nito and he will plead him na tanggapin ito sa kanilang pamilya. Pero hindi naman niya hahayaan na aabot sa puntong iyon.
Umupo siya sa tabi ni Tristan at yinakap ito bago hinalikan sa ulo. Narinig niya itong humikbi.
"P- pwede bang kapag naging mag-asawa kayo ay sa inyo pa rin ako? Please Mamí?" Parang nilamutak ang puso niya ng makita ang luhaan nitong mata. "You're my only family."
Mas hinigpitan pa niya ang yakap dito bago pinalis ang luha sa mata ng kanyang anak. Kahit adopted lang si Tristan ay mahal na mahal niya ito na parang sa kanya.
"Little one, how many times do I have to tell you na hindi ko hahayaan na mawala ka sa piling ko. Anak kita kahit hindi ka galing saakin. Mahal kita dahil ikaw ang panganay ko. And I'm sure kung mag-aasawa man ako ay tatanggapin ka niya. You don't have to beg for your place in my family dahil kasali ka doon. You have a big space. Walang family kung wala ka baby ko." Madamdamin niyang saad.
Tumango ang bata habang hilam pa rin sa luha ang mga mata.
"Don't over think too much. I- enjoy mo lang ang kabataan mo anak hmm? Si Mamí na ang bahala." Isang tango pa uli ang binigay nito sa kanya bago yumakap kaya nanggigil tuloy niyang pinugpog ng halik ang ulo nito.
"My little monster is really sweet." Nakangiti niyang sabi.
Nakasandal ang ulo nito sa kanyang balikat at nakatago ang mukha sa kanyang leeg. Nakangiti siyang nagangat ng tingin at doon niya lang napansin ang babaeng kanina pa pala nila kasama.
"I know you'll be a good mother." Nakangiting sabi nito. She is wearing a white dress at pamilyar sa kanya ang mukha ng babae.
"Sino ka?" Oddly, dahil wala naman siyang maramdaman na kaba habang nakatitig sa mga mata nito kaya alam niyang hindi panganib ang dala n babae.
Isa pa parang nakita na niya ito noon. Miyembro ba ito ng council? Marahil.
"I'm Luna." Napatango nalang siya. Wala siyang kilalang 'Luna' ang pangalan. "I'm one of the council."
Mas napanatag siya. Katulad ni Grandmy ang aura ng babaeng ito na mahaba ang alon- along buhok, matangos ang ilong, magandang hugis ng labi, may medyo heart shaped face at makapal ang kilay.
"B- bakit po kayo naparito?" She bowed her head. Nakatulog ata si Tristan sa bisig niya dahil hindi na gumagalaw at malalim na ang paghinga ng bata.
"Kami. Bakit kami naparito? Ang dapat na tanong Sasa." Sa sinabi ng babae ay biglang bumaba sa hagdanan ang isang babae na may katandaan na, nakasuot ng dilaw na damit, may red lipstick sa labi at nakasuot ng glasses. She still looks sophisticated kahit na naglalakad at nasa maliit na bahay lang.
"Grandmy Lucia." Sambit niya sa pangalan nito.
"Suna or Grandmy Lucia and I have something for you to do Sasa." Sabi ni Ms. Luna. She looks older than her kaya kailangan niyang galangin.
"What is it?" Tanong niya sa dalawa.
"Have you heard of this?" Kinuha niya ang magazine na iniabot ni Grandmy Lucia sa kanya.
"It says isang pagsalakay ng mga blackguards ang nangyayari sa Norte." Sabi ni Ms. Lunna.
"Papunta naman po talaga ako doon bukas." She said. Tumayo siya at inilagay muna sa upuan si Tristan at ipinatong ang ulo nito sa lamesa.
"Alam namin but we want you to work with someone." Napakunot ang kanyang noo.
"Sino po?" Ngayon pa lang siya binigyan ng makakatrabaho ng Council. Bukod kasi kay Beanca at Tristan, minsan sila Norse at Dylan ay wala na siyang kilala na may kinalaman sa council.
"Mayor Giu Norman Almodovar." Sambit ni Grandmy Lucia.
" B- bakit?" Tanong niya. Pwede naman siyang kumilos ng mag-isa at hanapin ang mga blackguards na iyon basta hahayaan lang siya ni Giu.
"I mean ... What kind of 'katrabaho' ko ba siya? Gaya ba ng Alpha na bibigyan ako ng access sa mga files?" Nakakunot ang noo na tanong niya.
"No Sasa. Kasama mo siya sa pagha- hunt ng rouges at blackguards sa Norte." Sabi ni Ms. Luna Umahon ang pagtutol sa kanyang puso.
"No Grandmy. Alam natin kung gaano ka delikado iyan. Paano kung... Kung matulad siya kay Alba? Grandmy." Ungot niya pero nagkatinginan lang ito at si Ms. Luna.
"He offered his services Sasa. Isa pa it's his job too. Lalo pa't siya na ngayon ang namamahala sa halos buong kalupaan ng Norte. He's known as the Vampire Mayor. Kahit nga Woollards ay may utang sa kanya." Paliwanag ni Ms. Luna.
"Bu- but." Hindi niya kayang makitang masaktan si Giu kaya ayaw niyang makasama ito sa pagha- hunt. Meron kasi sa isa sa mga karanasan niya na madugo. Akala nga niya ay iyon na ang katapusan niya but she survived.
Paano kung tulad noon ay mawala din si Giu sa pamilyang Almodovar?
"Huwag kang mag-aalala hija. I know he's equipped by knowledge, skills and strength." Sabi ni Grandmy Lucia.
"No Grandmy. Pasensya na pero gagawin ko ito ng mag-isa. Nakaya ko naman sa nakalipas na limang taon, ano ang nagbago ngayon?" Sabi niya.
"Ang nagbago ay meron na silang mas malakas na pwersa. Almost half of the population of rogues at blackguards ay nasa Norte Sasa." Kumunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ni Grandmy.
"H- how? How did it happen? Maraming malalakas sa North. Even the present at past Alpha ay kayang- kaya ang lakas ng mga Rouges at blackguards na iyon." Sabi niya.
"Nope Sasa. Noon siguro na hindi pa naging hangal at taksil ang dating Alpha ng Woollard's pack." Sabi ni Ms. Luna.
"Dating Alpha? Si Mr. Robin?" Tumango ang dalawang miyembro ng Council kaya napatingin tuloy siya kay Tristan. This kid's father.
"Nakioag- alyansa siya sa mga bandido, rouges at blackguards. Binigyan niya ng kapirasong lupa sa Norte and funded them." Sabi ni Grandmy Lucia ng malungkot.
"B- bakit?"
"Para magamit niya sa hangad niya na sakupin ang apat na lupain sa Hearth. Nakipagalyansa nga siya kay Mordecai pero nabigo siya. Ngayon ay hindi mapaalis ni Giu ang mga nilalang na iyon dahil madadamay ang mga civilians na nasa North territory and we all know na maraming Normalites doon. Of worse comes to Worst ay talagang kawawa ang kalahi mo hija." Sabi naman ni Ms. Luna.
Sa North Territory kasi ay mayroong 10% pure wolf and that is the Woollard's Family,30% ay mga werewolves na half breed ( Sila iyong mga Halfblood na dominante ang skills ng pagiging wolf keysa sa isa pa nilang lahi), 30% ay Normalites ( kumpara sa mga Normalites sa East, South, Centro at West na ay nasa North ang halos buong populasyon ng Normalites) and lastly the 30% ay sa mga half breed vampires. ( Sila ang pinamumunuan ni Giu. There vampire skills are more dominant naman sa isa pa.)
Ang Norte kasi ang may pinakamalawak na lupain sa Hearth kaya hindi talaga madaling siyasatin ang lugar na iyon. Kumpara nga sa South na pugad ng Demons at ni Mordecai ay mas delikado pa ang Norte.
"I will do my best to protect them pero I want Giu out of this mess." Desididong sabi niya.
Sabay na napailing at bumuntong hininga ang dalawang miyembro ng Council na nasa harapan niya.
"I'm sorry hija but we already accepted it." Malungkot na sabi ni Grandmy.
"B- but---"
"You can't do anything about it Sasa." Napalingon siya sa bigla nalang sumabat na panlalaki na boses. It's Giu na nakaupo na sa isang upuan na nasa hapagkainan.
"Giu!" Mabagsik niyang tawag sa lalaki. Malakas ang boses niya kaya nagalala siya na baka nagising si Tristan pero malalim pa rin at nakayuko pa rin ito sa mesa.
"Iiwan muna namin kayo lovers." At bigla na lamang nawala sa kanyang paningin ang mga miyembro ng council. Nagbabaga ang mga mata na sinugod niya si Giu.
"Bakit ka sumang- ayon na tumulong saakin? It's my fight!" Sabi niya. Nakita niyang nagbago ang itsura ni Giu at hinawakan ang kanyang kamay.
"It's my fight too. North is my home, my territory and our land." Parang magkalevel lang ang galit nila. Siguro nagalit ito sa kanya pero siya ay galit sa sitwasyon at hindi sa lalaki.
"Paano kung mawala ka na naman? Paano kung malaman na naman ng mga magulang mo? They already hated me for bringing death to their youngest kaya please Giu utang na loob huwag mo ng idamay ang sarili mo saakin." Nanghihina niya sabi pero hindi ang lalaki. Nagbabaga ang mga titig nito sa kanya at parang may nasabi siyang mali dahilan para ipinid siya nito sa dingding.
"Look at me Sasa." Hindi siya sumunod sa utos nito. Pinanatili niya ang tingin sa dibdib ng lalaki. "Don't move."
Namalayan niya na lang na kinarga siya ni Giu habang nakapinid pa rin sa dingding. Shocked is visible in her eyes.
"Kung hindi ka titingin sa akin ay gagawa at gagawa ako ng paraan para makita mo ako. Ako at ako lang ang titignan ng mga matang iyan Sasa." Parang tambol sa lakas ng kabog ang kanyang puso at halos lumabas na iyon sa pinaglalagyan.
"Bi- tawan mo ako Giu may pinaguusapan tayo." May tubig na nahuhulog mula sa ulo patungo sa mukha ng binata. Marahil ay dahil natutunaw ang niyebe na nasa buhok nito. Napalunok tuloy siya habang sinusundan ito ng tingin.
"No." Mas idiniin pa siya ni Giu sa dingding na kanyang ikinasinghap. Damang- dama niya ang tiyan ng binata at nakakahiya na nakatayo ito sa pagitan ng kanyang hita dahil nga karga siya ng binatang bampira. "You'll look at me first. Look at me Sasa and don't you dare na iiwas iyan saakin."
Halos ibuka niya na ng pinakamalaki ang kanyang mga mata para tumigil na sa kakasalita ang binata. Para kasing nahihirapan siyang huminga sa sinasabi nito at parang may kumikiliti sa kanyang tiyan.
"You can't say No Sasa. Sasama ako sayo kahit sa ilalim pa ng lupa." Mabangis nitong sabi.
"Pero hindi ako papayag Giu. Hindi ako papayag na matulad ka kay Alberto---" Nakita niyang may dumaan na galit sa mukha nito.
"Hindi ba sinabi ko na saiyo ang ginawa ni Albert? Bakit sinisisi mo pa rin ang sarili mo?" Hindi nakabulyaw ang lalaki pero malakas ang boses nito na dumadagundong sa sulok ng bahay at ang tono nito ay nangangaral.
"Dahil binding hindi ako maniniwala sayo. Alberto would never do it to me!" Malakas niyang sabi sa binata.
"You trust him that much?" Natawa ito ng sarkastiko at akala niya ay binitawan na siya nito pero mas humigpit ang hawak nito sa kanya. Magkapantay pa rin ang kanilang mukha at mga mata.
"Yes." Nahihirapan na bulong niya. Gusto niyang bitawan na siya ni Giu pero tila walang plano ang binata.
"P*tcha!" Medyo nagpanting ang tenga niya sa mura nito. Nakatingin ang binata sa pader na nasa tabi niya habang nagmumura at tumingin ulit sa kanya.
"Sabihin mo nga Sasa , do you trust me?" Tanong nito sa kanya na mabilis niyang tinanguan. Hindi naman nagbago ang trust niya sa binata, mula noon hanggang ngayon.
"Say it louder Sasa, do you trust me?". Utos nito.
" Yes Giu."
"Nag-aalala ka ba sa kalagayan ko?" Tanong nito.
"Yes Giu."
"Sa tingin mo ba malakas ako?" Tumango siya. Sobrang lakas.
"Yes Giu."
"Now, can I kiss you?"
"Yes Giu." Teka lang. Ano?! Bago pa niya maanalyze ang kanyang sinabi ay may isang malamig at malambot na labi na ang nag-crash landing sa kanyang nguso.
A/N: Iyan kasi 'Yes Giu' pa more. Alam naman natin na on the move si Koyang Bampira natin. Ayan tuloy naging halikan ang "Look into my eyes." Sa susunod huwag titingin sa mga mata ng bampira , nakakaakit at nakakawala sa katinuan. Hahaha.
Thank you for reading. Lovelots 💜