Season of Love

By Itskayyiee

3.7K 435 452

Waiting for that season to see you again. More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Epilogue
THANK YOU

Chapter 39

55 9 0
By Itskayyiee

Still

Maraming nangyari simula ng matapos ang taong 'yon. Kahit na hindi ko siya nakita at nakasama para salubungin ang bagong taon, hindi pa rin nawawala ang pag-asang magkikita rin kami sa susunod.

Time is running so fast. Naging abala kami nila Monica sa kaniya-kaniyang OJT namin. Hindi kasi kami magkakapareho ng lugar na napasukan. Si Monica ay nagtrabaho sa company ng pamilya niya. Ako naman ay inoffer-an ng isang hotel sa Manila. Habang si Lora ay nasa tita niya sa Marikina.

Dahil sa layo ng lugar na pinapasukan ko, nakituloy ako sa apartment na nire-rentahan nila Ria. Simula kasi ng mag-third year silang apat, nagkasundo sila na umupa na lang ng apartment kesa sa dorm.

Mas malaya nga naman kapag apartment ang mayroon ka. Pwede ka magluto at magdala ng bisita. Hindi rin sila nililimitahan sa gamit na pwede nila dalhin. Binalak ko sanang magrenta rin ng apartment pero pinilit niya ako na tumira na lang sa kanila.

Malaki ang apartment nilang apat. May tatlong kwarto ito, ang isa ay solong kwarto ni Ria dahil siya lang naman ang babae. Ang pangalawa ay kwarto ng tatlong lalaki, at ang pangatlong kwarto ay ginawang study area.

"Anong lulutuin mo Chao? Pwede pa-request ng may sabaw na ulam?" Tanong sa akin ni Lloyd.

Every week ay may nakatoka kaming gawain sa bahay. This week ako ang tagaluto. Natutunan kong magluto simula ng tumira ako sa kanila. Nakakahiya nga naman kung nakikitira na nga ako tapos hindi pa ako marunong ng simpleng pagluluto.

"Sige, nilaga na lang ba?" Tanong ko sa kanila.

Bumalik ang closeness ko sa kanila lalo na at nagsisimula na ulit mag-usap si Ivan at Monica. Hindi pa rin naman daw sila nagkakabalikan sabi ng kaibigan ko, pero mukhang nagkakamabutihan ulit.

Ang sabi lang sa akin ni Monica, ayaw niyang madaliin ulit ang lahat tulad nung unang naging sila. Basta sa ngayon ay nag-uumpisa ulit sila sa relasyon nila. Naiinggit nga ako dahil mabuti pa sila ay nagka-ayos na, kami ni Paolo ay wala pa ring progress hanggang ngayon.

"Pwede na 'yon! Pa-damihan ng gulay Chao," request ni Ria habang nakatingin pa rin sa papel na binabasa.

Sa aming lima, ako ang may mas maluwag na time. After kasi ng shift ko sa hotel ginagawa ko lang ang paper works na isu-submit ko sa school tapos okay na. Sila kasi ang dami ng binabasa nila. Mas lalo ko tuloy na-appreciate ang matataas nilang grades dahil sa hirap ng pinag-aaralan nila.

Wala kaming pasok ngayon lahat, pero kaming tatlo lang nila Ria at Lloyd ang nasa bahay. Si Ivan at Jerik kasi ay may dinaluhang court hearing. Hindi naman raw 'yun sapilitan, talagang gusto lang nila manuod.

"Akala ko magkikita kayo nila Lora ngayon?" Tanong ni Ria sa akin habang naghihiwa ako ng sibuyas.

Tanaw mula sa kusina ang living area at nandun ngayon nakaupo sa sofa si Ria. Si Lloyd naman ay pumasok na ata sa study room dahil wala na siya sa pwesto niya kanina.

"Mamayang gabi na lang raw. Hanggang gabi ang duty ni Lora kaya inadjust namin ng after dinner," sagot ko naman.

Kahit na magkakalayo ang pinapasukan namin ngayon magkakaibigan, nagkikita pa rin naman kami tuwing nagpapasa ng papers sa school at kapag vacant day namin.

"Ah ganon ba, magdala ka na lang ng susi mo," sabi ni Ria na tinanguan ko lang.

Maraming naging pagbabago sa nakalipas na ilang buwan. Pero mabuti na lang at puro positive naman ang pagbabago na iyon. Naisip ko tuloy na maswerte ang pasok ng taon na ito sa akin. Hindi tulad ng last year at dulong buwan ng last last year.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng makita kong tumatawag si tita Sherly sa akin. Inabot ko ang cellphone ko habang hawak pa rin ang sadok.

"Tita? Napatawag po kayo?" Bati ko dahil hindi naman siya madalas tumawag sa akin.

"Chanilene!! May balita ako sa'yo!!" Masayang bungad ni tita sa akin.

Mukha ngang masaya siya dahil ang energetic ng boses niya at parang excited sa ik-kwentong balita. Napakunot ang nuo ko.

"Tungkol saan po?" Tanong ko naman bago hininaan ang apoy sa kalan.

"Mukhang may tao na sa bahay nung crush mo!!" Masayang sabi niya.

Napatulala ako sa narinig ko. Hindi makapaniwala sa narinig.

"Po?!" Gulat kong tanong sa kaniya.

Binaba ko na ang sandok na hawak ko at nag-focus na sa pakikipag-usap kay tita ngayon.

Nasa Pilipinas na ba ulit sila?! Dapat ba na umuwi na lang ako sa bahay ngayon?

"Napadaan ako kahapon sa bahay nila kumare, tapos nakita ko bukas ang ilaw nila. Nag-doorbell nga ako, kaso ibang babae ang lumabas," kwento ni tita.

Ibang babae ang lumabas? Binenta na ba nila ang bahay nila dito? Ibig ba sabihin nun hindi na sila babalik pa?

"Hindi ko alam kung baka katulong nila 'yon. Chinika ko kasi dahil hindi ko matiis. Kaso sabi niya pinapalinisan lang raw sa kanila yung bahay," sabi ni tita.

"Wala raw po yung may-ari? Wala ba siyang alam kung umuwi po yung mga nakatira dun?" Curious kong tanong.

Nakita kong curious na rin akong pinapanuod ni Ria ngayon. Tinanong niya pa kung tungkol saan ang usapan at bakit parang excited ako.

"Paolo," I mouthed para marealize niya.

Nanlaki ang mga mata niya ng magets ang sinabi ko. Tumayo na siya at mabilis na lumapit sa akin para malaman rin ang balita tungkol kay Paolo.

"Wala raw eh! Basta pinapalinisan lang. Eh ang naisip ko naman, baka uuwi na kaya pinapalinis. Kaya tinawagan kita para may balita ka," sabi ni tita.

Bumalik ang pag-asa sa puso ko. Baka nga tama si tita sa hula niya. Isang taon na rin naman ang nakalipas mula ng umalis sila, kaya baka nga uuwi na sila ngayon. Kasi bakit nila papalinisan yun diba? It's either ibebenta nila ang bahay, o uuwi sila. I'll accept the latter.

"Ah sige po balitaan niyo po ako kapag nakauwi na sila," sabi ko sa kaniya.

"Oo tawagan kita pag may napansin ako!" Sabi ni tita bago pinutol ang tawag.

"Ano raw balita? Uuwi na?" Tanong ni Ria sa akin pagbaba ko ng cellphone.

"Hindi pa ata. Pero may taong naglilinis raw ng bahay nila ngayon. Ang hula ni tita baka uuwi na raw kaya pinapalinisan," sabi ko sa kaniya.

Tumango si Ria kahit na medyo na disappoint. Sabagay ako rin, akala ko ay nakauwi na siya. Pero at least may balita na! After one year na walang kahit na ano, ngayon lang nagkabalita tungkol sa kanila..

"Sana nga tama ang tita mo. Dibale, kapag cinontact kami ni Kean ay sasabihan ka rin namin," sabi ni Ria sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at umasang malapit ko na rin makita ulit si Paolo.

Nang gabing 'yon ay masaya kong binalita kila Monica ang sinabi ni tita sa akin. Nasa condo niya kami ngayon malapit sa SM North. Hindi ko nga alam sa kaniya kung bakit kumuha pa siya ng condo niya gayong may apartment na siya. Lakas magwaldas talaga ng pera kahit kailan.

"Napakatagal naman kasi niyang si papa P! Ang hilig talaga magpaintay sa'yo! Pasalamat siya at kahintay-hintay siya," sabi ni Monica.

Natawa naman ako. Oo nga lagi na lang ako yung naghihintay sa kaniya. Ngayon ko lang na realize kung gaano ako ka-loyal ha! Simula grade 10 hanggang ngayong mag fo-fourth year na ako sa pasukan, aba tamang abang pa rin ako!

"Alam mo girl, baka nga bumalik na 'yon wala pa rin akong jowa eh!" Sabi naman ni Lora.

Nakaupo kami sa bar stool sa harap ng island counter at umiinom ng red wine. Sabi ni Monica classy bitches na raw kami ngayon, hindi na raw dapat uso sa amin ang empi.

"Sabi ko kasi sa'yo makipagdate ka na lang kay Harold, tutal lagi naman kayo ang magkasama," sabi ko naman sa kaniya.

Umirap siya at parang sawang-sawa na marinig ang suggestion namin ni Monica sa kaniya.

"Bestfriends nga lang kami non! Issue kayo eh, di naman kami talo," sabi niya tulad ng lagi niyang linya.

"Oh edi si Ethan na lang! Asan na ba yung kaibigan mo na 'yon Chanilene?" Asar ni Monica.

Simula nung araw na nagselos si Paolo kay Ethan, hindi ko na ulit siya kinausap. Hindi naman sa sineen ko siya or hindi ko nire-reply-an, actually siya nga ang umiwas. Siguro ay napansin niya rin ang tensyon ng araw na 'yon kaya siya na ang unang lumayo.

"Tagal-tagal na niyan Monica! Ayoko nga dun!" Inis na sabi ni Lora.

"Oh eh bakit affected ka pa rin hanggang ngayon?" Tawa ni Monica sa kaniya.

Kahit ata grumaduate kami at magkaroon ng sariling pamilya, hindi ata mawawala ang bangayan at asaran nilang dalawa. Pero ayos lang rin sa akin dahil nasanay rin ako sa ganon. Para bang hindi kumpleto at normal ang bonding naming tatlo kapag walang napipikon.

"Lakas ng loob mo mang-asar ha! Bakit may label na ba kayo ni Ivan?" Balik naman ni Lora.

"Wala! Eh ano naman? At least may ka-late night talk ako," sabi naman nung isa.

"Aray ha! Bakit pati ako nadadamay!" Sabi ko naman.

Natawa na lang kaming tatalo. I'm really lucky with my friends. Just like how my feelings for Paolo never change, my friendship with them stayed still.


Pagkatapos ng OJT namin na umabot hanggang summer, diretso na rin ang pasok namin bilang fourth year students. Sobrang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay first year kami nila Monica, tapos ngayon ay graduating na.

Naging abala kami sa school nila Lora. Ilan na lang ang subject namin ngayong taon, pero puro naman kami thesis. Sobrang nauubos na ang utak ko sa pag-iisip ng mga words na ita-type.

Ang mas pahirap pa kasi dito ay kung hindi by partner, individual naman ang paggawa. Tapos ang pipili pa ng magiging partner mo ay yung prof niyo.

Mula sa 40 students nung freshman year kami, nasa twenty-five na lang kami ngayon. Totoong may eviction na nagaganap habang patagal ng patagal. Yung iba ay hindi na kinaya ang stress na dulot ng pataas na pataas na year.

Say no to social life na rin kami ngayon. Kung dati-rati nagagawa naman namin basta may time management, ngayon wala na talaga. Kung wala na akong tulog kapag midterm at finals week namin dati, ngayon wala na talaga akong tulog kahit normal na araw lang naman. Buong taon ata akong puyat.

"Ano na sis! Masisiraan na ako ng bait dito!" Reklamo ni Monica.

Nasa bahay nila kami ngayon para gumawa ng kaniya-kaniya naming thesis. Hindi namin gusto yung napiling partner sa amin kaya nagpresinta kaming mag-individual tatlo.

"Bakit kasi tayo nag-aral sa research university? Parang tanga rin," sabi ko naman.

Hindi ako makapagreklamo sa dami ng gawain dahil ako naman pumili na mag-aral dito. Sino may kasalanan? Syempre ako rin! Dibale ilang buwan na lang naman at kekembot na rin ako ng nakatoga.

"Oh ayan para ganahan kayo," sabi ni Lora bago pinatugtog ang graduation march.

Para kaming mga baliw na nagso-sound trip ng graduation march tuwing busy kami sa paper works. Sabi nila motivation raw para hindi ka tamarin. Oo nga naman, ilang taon na nga ako nag-aaral eh, tapos last year na ito, susuko pa ba ako?

"May Christmas Break pa raw ba tayo? Baka mamaya niyan matulad ulit to sa sembreak natin na walang break. Napaka-unfair!" Reklamo ni Monica habang nagta-type.

Ewan ko ba, kung kailan ilan na lang ang subjects namin, tsaka naman kami mas lalo naging busy. Wala na nga kaming bakasyon nung third year, wala pa rin kaming sembreak ngayong November. Aba baka christmas break wala na rin?

"May Christmas break raw pero may online class nga lang," asar ni Lora.

Pucha wala atang katoliko sa mga prof namin eh. Hindi uso sa kanila ang pasko. Kahit ata naka-confine ka na sa ospital, basta deadline, deadline pa rin. Talagang made-dead ka na lang makapagpasa lang.

"Pagka-graduate natin magha-hibernate muna ako ng isang taon," sabi ni Monica.

Umabot na ng November pero wala pa rin naging balita tungkol sa pag-uwi nila Paolo dito sa Pilipinas. Inaabangan ko ulit ang simbang gabi ngayong taon kahit na wala naman kasiguraduhan kung makikita ko nga ba siya.

Tuwing nami-miss ko siya, iniisip ko na lang na baka sobrang busy niya rin ngayon. Ang mga kaibigan niya kasi ay busy para mag-review ngayon. Si Ria at Ivan kasi ay hindi na kinaya ang mag-keep up para sa deanslist, kaya naman todo review sila para makapasa sa philsat exam nila sa April.

Iniisip ko na baka sa panahon na ito ay busy rin si Paolo para sa exam niya. Hindi na siya pwede mag-run para sa cumlaude dahil sa nangyari nung second sem niya ng second year, kaya for sure magte-take rin siya ng philsat exam.

Matapos ang ilang linggong walang katapusang paper works, nabuhayan kami ng malaman na may Christmas break kami. Sobrang nakakatuwa dahil yung dalawang linggo na binigay sa amin ay malaking bagay na para makapagpahinga naman kami kahit saglit.

Hindi ako nakaattend ng limang araw na simbang gabi dahil may pasok pa rin ako ng mga araw na 'yon. Binalitaan naman ako ni mommy at tita na wala pa rin raw sila Paolo kaya hindi ko masyadong inisip. December 21 na ulit ako nakapunta.

Kahit alam ko na wala pa rin sila ay naghintay pa rin ako. Pangatlong taon ko na siya hindi kasama mag simbang gabi. Kung tutuusin, dapat nga ay naka-move on na ako sa kaniya dahil mahigit isang taon na rin mula ng mag-break kami, pero yung feelings ko para sa kaniya, nandito pa rin.

Possible pala talaga 'yun ano? Yung mahalin mo yung isang tao ng sobra-sobra kaya kahit ilang taon mo pa siya hindi makita, hindi pa rin nagbabago yung nararamdaman mo para sa kaniya.

Hindi ko rin naman binalak ni-minsan na mag-move on sa kaniya eh. Never niya sinabing hindi na niya ako mahal, kaya naman umaasa pa rin ako hanggang sa ngayon. Siguro kailangan ko rin kasi ng closure.

Iniisip ko rin na, siguro tuluyan ko lang siya makakalimutan kung masasabi niya sa akin sa harapan na hindi na niya ako mahal. Tingin ko dun lang ako susuko at matatauhan. Pero hangga't hindi ko siya nakikita, at hindi niya sinasabi sa akin na ayaw niya na sa akin, hindi ako mawawalan ng pag-asa.

"Mukhang malayo ang venue ng Christmas party natin ngayong taon ah! Tayo naman ang dadayo sa Quezon," rinig kong usapan nila mommy at tita Sherly after ng misa kanina.

Nakita ko nga rin sa gc ng pamilya na mukhang kila tita Ara naman gaganapin ang reunion ngayong taon. Ibig sabihin 'nun ay hindi ako makakapunta sa simbahan para icheck kung nandito siya sa pasko. Kaya naman yung nalalabing ilang araw bago matapos ang simbang gabi ay never akong aabsent.

"Iniisip ko kung magko-commute kami dahil may sira ang sasakyan," sabi ni tita.

"Sumabay na kayo sa amin! Maluwag naman ang sasakyan, bakit pa kayo magko-commute?," sabi naman ni mommy.

"Oo nga tol, para rin may kapalitan ako sa pagmamaneho," sabi naman ni daddy sa pinsan niya.

Hinayaan ko na sila magkwentuhan at inisip na lang ang mangyayari kung sakali. Sabagay, wala pa rin namang tao sa kanila. Okay lang siguro na ma-missed ko ang christmas eve mass ngayong taon, tutal hindi rin naman siya pupunta.

Isang araw bago ang bisperas ng pasko ay tumulak na kami pa-Quezon. Sayang nga at dalawang araw lang ang na-attend-an kong simbang gabi ngayong taon. Dibale, next year naman ay paniguradong marami na akong time para bumawi.

Like usual, masaya ang naging reunion ng pamilya. Dito na kami sa Quezon nagpalipas ng pasko hanggang bagong taon at umuwi lang bago ang pasukan namin.

I greeted him my Merry Christmas and Happy New Year like I always do. He's still not active on his social media, nothing new really happened. And as another year kicks in once again, new hope arrives for me. It's my second new year without him, but still my love for him remains.

Continue Reading

You'll Also Like

8.1K 581 48
Mikha, a fierce and disciplined bodyguard captain, and Aiah, her alluring ex-lover. Will Aiah's charms make Mikha crumble-or will Mikha finally see A...
105K 2.7K 77
One school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is...
3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
59.2K 2.7K 40
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...