DANCE..DANCE..
Ellaina's POV....
I dance the music..... Ganito ko na pala pinanabikan ang night life sa L.A. i sway...and dancing like a pro. Mabini kong iginewang ang balakang habang nakataas ang kamay sa ere at nakapikit. Yeah ang saya.. Wala akong pakialam kung malasing ako dahil kasama ko naman ang kapatid ko na ngayon ay nagpapakalunod sa alak habang pinapanood akong magsayaw... Hanep ang ganda ng bar na yon at malapit lang sa MU. Meron naman pala non bakit di ko manlang nalaman ang tungkol don?
Sumayaw ako ng sumayaw hanggang pagpawisan. Nakatitig lang ako kay Azzer. Seryoso kase ang mukha nya. Tsskk talagang apektado ito sa Danica na yon, sya lang eh, ayaw pa nyang ipatumba sakin. Sabagay kawawa anak nila pag pinatay ko si Danica, saka kapatid yon ni Jarred ,hmmm ..
"Ellaina bakit ang harot ng sayaw mo ha?" Lasing pero matibay parin si Azzer .
Nilapitan ko sya at hinila para sumayaw sa gitna.
"C'mon Azzer, sumayaw ka rin " sabi ko at hinila sya sa gitna kung saan maraming nagsasayaw na magkakapareha.
"Hoy hindi ako marunong magsayaw!" Tanggi nito at tangkang babalik sa table namin pero pinigilan ko sya.
"Sumayaw ka para mawala ang lungkot mo, promised !" Sabi kopa.
Kumunot ang noo nito at tila naiinis sa kakulitan ko pero sinayawan ko na ang kapatid. Gumiling ako sa kanya habang nangaakit ang tingin dito . Natawa tuloy ito.
"Wag mong sasayawan si Jarred ng ganyan,ha?" Pagkuway sabi nya.
"Oo na gago ka talaga, c'mon Azzer " giling ko ulit.napatingala sya sa kakulitan ko pero nang tumingin sakin ay nakangiti na ito.
"Ganito ba?" Tanong nya saka iginiling ang matigas na baywang na ikinahagikgik ko ng malakas.
Hanggang sabay na nga kaming sumayaw. Nakita kong kahit papano ay nabawasan ang bigat sa dibdib nito.
Ngunit sa gitna ng pagsasayaw namin ay nakita ko si Adam, naroon sya sa sulok ng mesa at nakatingin sa amin.as in sa akin. Mukang kanina pa nya ako pinagmamasdan. Shit... Baka isumbong ako nito kay Traviz. Inirapan ko sya at di nalang pinansin. Problema ko pa nga pala yon, nakikipaglandian ako kay Jarred while being in a relationship with Traviz. Tskk..hindi dapat malaman ni Traviz ang ginawa namin ni Jarred.
Kapwa kami pAwisan ni Azzerdon ng bumalik sa table namin at uminom ulit.
"Saya no?" Nakangiti kong tanong sa kapatid. Tumango lang ito at nilaklak ang alak nya.
"Ellaina wag na wag kang pupunta sa lugar nato ng di ako kasama o si Jarred ha? Mababastos ka lang dito sa uri ng sayaw mo!" Pasupladong sabi nya.
"Oo ah" pabalang na sagot ko. Nakalimutan yata ng kapatid ko na dati akong assassin at pumapatay ng tao. Subukan lang nila ng makatikim sila ng aking palaso.
"Oh cheers na, kakabwisit ka " sabi nito, nakipag cheers ako sa kapatid. Sasabihin ko sana dito na nakita ko si Adam pero nagpasya akong wag nalang. Di naman na yon importante.
Ilang saglit pa ay lango na kaming lumabas ng bar. Hindi na kayang mag- drive ng kapatid ko kaya napilitan akong magmaneho.
"Oi seryoso ka? Kaya mong mag drive?" Mabuway na tanong ni Azzer. Sobrang hilo na ito sa nainom . Ako kase ay konti lang ang alak na ininom pero sapat na para ikahilo ko yon .
"Oo naman wag kang magalala Azzerdon, hanggat ako ang kasama mo ay nasa mabuting kamay ka" sabi ko pa saka sya tinulungang magkabit ng seatbelt. Amoy alak na ito kainis ang bango pa rin ah..
"Maldita ka pag nabangga ang kotse ko yari sakin yang 2 million mo na bigay ni Jarred" banta nya habang nakapikit.
"Ai bakit me ganon? Ikaw na nga dinadamayan ko tskk" sabi ko bago ini start ang kotse nya.
"Ellaina d-drive carefully baby!" Aniya at inayos ang sandal sa upuan.
Baby?? Naalala ko tuloy si Traviz.
Hmm miss kona din yon. Sya lagi ang kasama ko sa mga ganitong pagkakataon eh..kaya lang kase busy sya eh.
Napabuntong hininga ako at saka pinaandar na ang sasakyan . Pinilit kong wag mapapikit dahil tiyak na maaaksidente kami pag ganon.
"D-danica lintik ka, sayang lang ang perang ginastos ko sayo, "
Napapalingon ako kay Azzer dahil nagsasalita ito ng kung ano-ano habang nakapikit. Napapatawa ako ..mukang lasing na lasing na ito kaya sinakyan ko sya.
"Oo nga Danica bayaran mo lahat ng perang ginastos ng kapatid ko!" Malakas ko ding sabi habang nagda drive.
"Yeah, sunugin ko lahat ng bag at sapatos mo sa kwarto, bwisit ka talaga Danica...Danica!!!"
Nabingi ako sa sigaw ni Azzer.
"Oo nga Danica akin nalang ang mga bag at sapatos mo!" Sigaw ko din na ikinamulat nya. Pinitik nya ako sa tenga. "Aray!!"
"Hoy kay Danica yon ha, magpabili ka sa Jarred mo o kaya kay Traviz, sapakin kita dyan eh" aniya.
Hala lasing na di pa mauto.
"Holy shit ang sakit,fuck shit !" Sabi na naman nito.tumawa ako.
"Fuck shit Azzerdon, fuck this shitty life yeah!" Ngisi kopa . May paghampas pa ako sa manibela . Ang saya eh..
"Yeah, im loving a woman na itinatago ang anak sakin.,damn you Danica!"
"Yeah, im in a relationship with Traviz and yet nakikipag kiss ako kay Jarred. Shit lang talaga this life!" Reklamo ko din na ikinatingin na naman nya.
"Anong sabi mo Ellaina?" Galit nyang tanong.
"Ha? Ano ba yon?" Dahil nataranta ako at medyo hilo pa sa alak na nainom ay diko napansin na napatabi na ang kotse.
"Ellaina maldita impaktita ka talaga na may tatlong sungay!!!!!"
Yon ang sigaw ni Azzer bago ko naibangga ang kotse nya sa isang puno.
"Shit muntik na tayo don!" Sabi kong nahilo sa lakas ng bangga mabuti nalang at nakaseat belt kami.
"E-Ellaina anong ginawa mo sa kotse ko?" Inis na tanong ni Azzer.
Sabay pa kaming lumabas sa kotse at nakita naming pisngot na ang unahan non .
"Oopps sorry" hagikgik ko. Ang sama ng tingin sakin ni Azzer.
"Muntik na tayong mamatay tapos sorry ka lang dyan,? Hoy Ellaina hindi ako kagaya nila Jarred at Traviz na nagtatapon ng pera ha? Bayaran mo yan!" Sabi nya.
"Oo na letse ka! Inaantok ako sa sermon mo" sabi ko saka nahiga sa ibabaw ng unahan ng sasakyan na nabangga ang puno. Hilong -hilo ako ah. Naka pants naman ako eh dahil ayaw ni Azzer na mag skirt ako.
Sumunod din ito at nahiga , dahil malaki ang katawan nya ay kalahati lang ang nagkasya don.
"Ellaina bakit ka nakipaghalikan na naman kay Jarred? Dapat makipag break ka muna don sa isa bago ka lumandi sa iba" aniya.
I sighed.
"I can't do that. " malungkot kong. Sabi.
"What? Bakit naman?" Baling nya.
"Ayokong malungkot si Traviz pag nakipag hiwalay ako. He's important to me."
Napabangon si Azzer at nilingon ako.
"Eh pano si Jarred ha? Kayong mga babae ang hilig nyong magpahirap saming mga lalaki.."
"We just kissed, wala lang yon," sagot ko na ikinahalakhak nya.nainis na naman ako.
"Wala lang yon?wala lang sayo si bayaw? Eh bakit ka muntik ng pumatay ng babaeng lumapit sa kanya ha?" Buska nito at pinisil ang pisngi ko.
"Arayy...." Daing ko.
"Yari ka kay Jarred. Hindi kana makakawala don kaya kung ayaw mong malatigo ulit ay makipag break kana agad kay Traviz."
"Ha? Anong latigo? Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noo kong tanong .
"Ah wala yon, " iwas nito .saka muling nahiga sa tabi ko.
Nagkibit balikat nalang ako.
"Azzer bakit ba kayo naghiwalay ni Danica?" Curious kong tanong. Nakita kong parang naluluha na naman sya.
"Because of my stupidity, i fucked her friend, akala ko sya yon putangina.." Sigaw nya saka pumatak muli ang luha.
Sinuntok ko sya sa balikat.
"Eh ikaw naman pala ang gago eh, tapos magagalit ka pa dyan na itinago nya ang anak nyo ? Ikaw naman pala ang tanga dyan, pinairal mo ang kalibugan mo" inis kong sabi.
"I know but at least pinakinggan manlang sana nya ang paliwanag ko, ang tagal na nyang umalis at wala na yata syang balak bumalik sa akin...tangina talaga Danica!!!!!!" Sigaw pa nya sa pangalan nito.
"Ano nang gagawin mo ngayon?"
I asked. Diko alam kung maaawa pa ako dito o maiinis. Para kaseng mas deserved nung Danica ang awa ko. Biro mo nakaya nyang mamuhay magisa na malayo sa asawa at may anak pa ha??grabe.. Ako nga pera lang namo mroblema na.
"Hindi ko pa alam,.. Kailangan kong magplano kung paano syang pababalikin dito."
" ayyyii support kita dyan Azzer." Kinikilig kong sabi. Inirapan nya ako.
"Mula ngayon kuya na ang itawag mo sakin, wala kang galang!" Angil nito.
"Sige na nga kuya Azzer, parang ang bantot, bigyan mo ako ng pera ha?" Niyakap ko pa ang braso nito.
"Ano? Ellaina pera na naman? Aanhin mo ba ang pera ha?" Inis nitong tanong.
"Gusto ko kaseng yumaman,kagaya ni Imarie ang yaman pala non" labi ko.
"Ha? Bakit mo naman nasabi?"
"Kase me mana sya kay Joven"
Ngumisi ito at napailing .
"Ang gagong yon, patay na itinatali pa si Imarie sa kanya!" Sabi nyang umiiling -iling.
"What do you mean?" Taka kong tanong.
"Kase may kondisyon ang mana na yon ng kaibigan mo, bawal syang magasawa, kaya once na mag-asawa si Imarie ,mawawala lahat ng yon sa kanya at magbabayad pa sya ng bilyong halaga" ani Azzer.
"W-what? Anong klaseng mana yon?" Di makapaniwalang reakasyon ko.
"Oh diba ganong kagago ang kuya ni Jarred? Hayop na yon ang agang kinuha ni san diego"
"Tanga baka san pedro" binatukan ko to. Ang tanga eh.
"Whatever! Kaya wag kang maiinggit don, pera lang yon kayang -kaya mong magkaron non huthutan mo lang si Jarred...joke!" Ngisi nito.
Joke pero tumatak sa isip ko.hmmm..
Maya-maya lang ay nag ring ang phone nito sa bulsa. Ipinikit ko naman ang mata sa antok.
"Oh speaking of The devil, hoy natawag si Jarred" kinuhit nya ako sa braso. Napadilat ako ng mata.
"Wag mong sagutin" mahinang utos ko.
"Gaga ka talaga di ako na naman masusuntok non" sabi nya saka sinagot ang tawag sa kabila ng pagpigil ko.
"Hello?"
Napapikit ako sa inis kay Azzer. Kung di lang ako inaantok ay nasapak kona naman to.
Azzerdon's POV..
"Where are you? Nakita mo ba si Ellaina? Wala sya sa resthouse baka kung ano na naman ang ginawa ng kapatid mo"
Nailayo ko ng bahagya ang phone ko sa tenga. Nakakatakot ang tono ni Jarred. Nawala yata ang pagkalasing ko. Pero ng maalala si Danica ay nainis ako sa lalaki. Malaki ang kasalanan nito kaya nawala si Danica sa akin. Kaya dapat takutin ko to ng kabahan naman. Hindi yung ako lang ang nasasaktan dahil sa kapatid nya.
"Kasama ko sya" sabi ko.
"W-what?gabi na ah asan kayo ? Umuwi na kayo Azzer san ba kayo galing" bulyaw nito. Napangisi ako. Sa sasabihin ko ay mababaliw sya.
"Naaksidente kami dito sa mala-------"
"Fuck you Azzerdon!"
Ha? Ano kaya yon di pa nga tapos ang sasabihin ko. Tiningnan ko ang kapatid na nakahiga. Parang nakatulog na to ah. Hinaplos ko ang pisngi nya .aba tulog na nga. Hahahaha ... Jarred ano? Takbo .. Maghanap ka ..
Ikinumot ko ang suot na jacket kay Ellaina. Nakatulog na nga ang luka-luka. Nahihilo pa ako sa alak na nainom at parang gusto kong isuka lahat yon.
Nang bigla ay isang kotse ang pumarada sa tabi ng kalsada. Napangisi ako.. Kotse yun ni Jarred. Bumaba ito at mabilis ang hakbang na nilapitan kami.
"What happen?"
Sa liwanag nang ilaw ng mga sasakyan ay nakita ko ang takot na mukha ng kaibigan. Muntik na akong magtawa ng makita ang reaksyon nito ng makita ang kotse kong nayupi sa puno.pagkuway nanginginig na nilapitan si Ellaina.
"Hayop ka Azzerdon, anong nangyari ha,?" Puno ng galit at pagaalalang tanong ni jArred. Kinalong ang ulo ng dalaga. "Ellaina? Oh god anong nangyari sa kanya Azzerdon?" Sigaw nito sakin.
Nagising tuloy ang kapatid.
"Hmmmm Jarred?" Inaantok na sabi ni Ellaina.
"L-lasing ka?" Di makapaniwalang tanong nito saka ako binalingan ng matalim na titig. "Uminom kayo ha?" Tanong nya sa akin saka binitiwan si Ellaina at sinuntok ako... Pucha masakit na nga ang puso ko pasasakitin pa ang mukha ko. Nang maalala ang galit ko sa kapatid nya ay sinuntok kona rin sya ah.
Ellaina's POV..
Nagising ng tuluyan ang diwa ko ng makita ang pagsusuntukan ng dalawang lalaki. Hilong-hilo na ako sa antok at parang babaligtad na ang sikmura ko. Tapos ito pa sila nagaaway?
"Gago ka Azzerdon, ikaw pa ang nagturo ng bar na yon kay Ellaina" asik nya.
"Mas gago ka, dahil sayo nawala sakin si Danica" sigaw din ni Azzer. Natigilan si Jarred. Kumunot ang noo.
"Yan na naman ang ipinagpuputok ng butse mo? Akala ko ba naintindihan mona ha? Bakit ayan kana naman ngayon?" Tanong ni Jarred sa kapatid.
"Dahil masakit parin hayop nato, kung ilayo ko rin kaya sayo ang kapatid ko ha?"
Umiyak na naman si Azzer. Naiiyak narin tuloy ako.
"Azzerdon" si Jarred.
"We have a son Jarred at yang tanga mong kapatid itinago sa akin...she has a gut na magmodelo gaga sya ako lang dapat ang makakakita sa legs nya fuckshit talaga!" Napaluhod ito at umiyak ng umiyak.
Nabigla naman si Jarred. Di inaasahan ang maririnig kay Azzer. Napapapikit na ako sa drama ng dalawa.diko maintindihan ang pinaguusapan nila. Baka naman isa sa kanila ang bakla ah .
"A-azzer get up!" Pagkuway seryosong lapit ni Jarred sa kaibigan.
"I hate her Jarred...lintik lang ang gagawin ko sa kanya pag nakita ko sya.." Gigil na sabi ni Azzer. Tinapik ito sa balikat ni Jarred.
"Get up, magisip tayo ng paraan kung paano sya mapapauwi dito"
"Paano?uuwi paba yon kung maganda na ang buhay non don?"
"Trust me, uuwi yon, mahal ka non kaya uuwi yon"
"Sabi mo yan ha?"
"Yeah"
Ilang saglit pa sila sa ganong ayos bago tumayo ang dalawa at nilapitan ako ni Jarred.
"Uuwi na tayo Ellaina" sabi nya sa akin.
"J-jarred " umiikot ang matang sambit ko sa pangalan nya. Saka sinukahan ang dibdib nya.