Nagkuwentuhan kaming muli at nang mapagod ay inabala na ang mga sarili sa kanya-kanyang cellphone. Nasa gazebo kami that time with our fruit shakes and cake.
"Paki-explain nga po sa akin kung bakit kayo may mga ka-chat. Tapos, ako wala?" Reklamo ni Dionne na nakatingin sa akin.
"May asawa ako." Simpleng sagot ko sabay pakita sa profile ni Saul.
Tumingin naman siya kay Cleofe.
"Hindi ako naghahabol sa lalaking iba ang hinahabol."
Napasimangot siya at bumaling kay Ivana.
"Hindi ko kasi ipinaglalaban yong taong una pa lang, sumuko na."
And lastly, she faced Jem, "Dahil ang ex, ex na. Hanap ka na ng next." Napalabi si Dionne sa mga sinabi namin. Ewan ko ba dito. Hindi mabitawan ang kumag niyang ex. Kagandang dalaga. Katanga naman. Napailing ako.
"Kapag ako nakapag move-on sa ex ko, friendship over na." Pananakot niya na tinawanan lang namin.
"Para mo na ding sinabing pagtiisan ka namin forever."
"Pag ako-"
"Ma'am." tawag ni Yaya Sinang na pumutol sa sasabihin ni Dionne. "May naghahanap po kay Miss Dionne."
"Lalaki po?" Tanong agad ni Dionne na ikinalingon namin sa kanya.
"Asa..." We said in chorus.
"Babae po, Ma'am." sagot ni Yaya.
"Maganda, ate?" Tanong muli ni Dionne. Napakunot-noo na lang kami.
"Opo, Miss Dionne." Tinignan namin siya. Yong tinging nanghihingi ng paliwanag. Tinaasan lang niya kami ng kilay.
"Papasukin niyo ho, manang." Bilin ko. Tumango si Yaya Sinang at umalis na.
"Ang ja-judger niyo!" Reklamo ni Dionne nang makita kung paano namin siya tignan.
"Tomboy ka na?" Tanong ni Ivana.
"Matatanggap naman namin." Dagdag ni Jem.
"Basta, walang talo-talo." Paalala naman ni Cleofe.
"Ganda kayo?" Napipikong banat ni Dionne sa amin.
Nang bumalik si Yaya Sinang, kasama niya ang isang simple ngunit magandang babae na nakasuot ng faded jeans at black na t-shirt. Her face void of make up. Her hair in a messy bun.
She looks familiar. Inalala ko pa kung saan ko siya unang nakita. And a memory flashed through my mind in an instant. "It's you, the future educator!"
Nagpaalam na si Yaya Sinang at ang babaeng bagong dating ay pinaupo namin sa tabi ni Dionne.
She's unsmiling, serious, and a bit silent.
"Magkakilala kayo?" Tanong nilang lahat sa akin? So, I told them about that incident at the gym noong nagkaroon ng kaunting event para kay Professor Aguirre.
"What's your name?"
"Who are you?"
"What are you doing here?"
"Why are you looking for me?"
Sabay-sabay kaming nagtanong sa kanya. Mas lalo siyang nagmukhang masungit nang mapakunot siya ng noo. There's something in her that we share in common. I know, she's one of us! She didn't answer any one of us except Dionne.
"I need your help." Diretso niyang sagot kay Dionne. Natigilan kaming apat at napatingin na lamang sa kanila.
"Tell us your name, first." Sabad ni Cleofe. Mukhang hindi niya gusto ang aming unexpected guest.
"Ladyma."
"Ladyma what?" Cleofe probed.
"Lady Marionette Romero." Saad niya na tila napipilitan pa
She's a mystery to me. Up until now. Tapos, bigla na lang siyang nagpakita sa amin, asking for Dionne's help who doesn't even know her.
"Why do you need my help?"
"Are you seriously gonna believe her? Paano kung scam 'to?" Cleofe questioned. And I agree with her. Minsan na din akong naniwala sa kanya, at ano ang napala ko? I was misled by the truth. Pero siya naman ang rason kung bakit nakilala ko sina Tatay Xenon at kung paano ako napadpad sa church, di ba?
"I don't need you to believe me. I only need Dionne's help." Diretso niyang sgot.
"What kind of help?" Tanong ni Dionne na nagsawalang kibo sa babala ni Cleofe. But knowing Cleofe, hindi siya nagpapigil.
"I need you to find someone-"
"Sino ka ba sa akala mo para utusan lang si Dionne na maghanap ng isang taong-"
"Shut it! I know about your secret. I know about Coleen, your-"
"Damn you!" Napatayo si Cleofe. Nagulat kami sa pagsigaw niya. This is the first time we ever saw her lose control. Nawala yong poise na iniingatan niya.
"Who are you?" Hinaklit na niya ang braso ni Lady -something- at nakatayo na silang dalawa. Nagsusukatan ng titig.
The atmosphere became hostile. I was about to mediate when Dionne told me to stay put. Siya ang pumagitna sa dalawa. Ngunit hindi natinag ang kahit isa man sa kanila. Inalis ni Lady ang kamay ni Cleofe na nakahawak sa braso niya at isa-isa niya kaming tinitigan.
I am about to stand to pacify them when she speaks.
"You're pregnant. Don't stress yourself." Paalala niya sa akin. But, what the hell! How did she know?
"You're pregnant?" Sabay-sabay pang tanong ng mga kaibigan ko na tila trinaydor ko sila.
"I never told anyone yet, sasabihin ko pa lang sana." Paliwanag ko. As for this lady in front of us, I don't know how she finds out. Magsasalita pa sana sila nang muling itong magsalita. Now looking at Ivana.
"I know what you do when no one is around. You can never hide it forever."
"The hell!" Ivana reacted with shock all over her face.
"And you..." sabi niya kay Jem. "How long are you going to pretend?" Nakipagtitigan lang si Jem dito at hindi nagpatinag.
"How about you? You still want that ex of yours?" Baling niyto kay Dionne.
Hindi nagsalita si Dionne sa sinabi nito.
Walang isa sa amin ang nagsalita. Nang makabawi si Cleofe, she regained her poise like a queen who can't be moved.
"Who are you, really?" Muling tanong ni Cleofe sa mahina ngunit madiing tinig.
"I am someone you don't want to mess with."
Napataas ang kilay ng mga kaibigan ko. Samantalang ako ay napangiti sa sinabi niya. I don't know her. But I think she really needs help. I don't sense any danger from her. Para man lang makapagpasalamat ako sa kanya sa tulong na nagawa niya sa akin noon.
I am willing to befriend and help her with what I can. Dinig ko ang pag-uusap ni Ladyma at ni Dionne nang tumunog ang message alert tone ng phone ko. When I look at my screen, nakita ko ang mensahe ni Saul sa akin.
Mister: Missing you already...
That made my day. I replied bago ko ibinalik ang atensiyon sa mga kaibigan kong nagtatawanan na. See? May mga sapi, right? Kanina nag-aaway-away. Tapos ngayon, okay na?
Napatingin ako kay Ladyma at sa problemang dala-dala niya. Well, life doesn't end with happy endings just like most of the stories in books and movies. While people live, they get into trouble and difficulties. And we, despite our special abilities, is no exemption. Ang advantage ko lang, I have my partner in life to make the burden lighter.
The reality is we exist with purposes. And helping a friend is one of those reasons. So life continues. It goes on. It never ends here. As long as we breathe, the struggle continues. But I will always remember what Jesus said in the book of John chapter 16 verse 33.
"I have told you these things, so that in me you may have peace. In this world, you will have trouble. But take heart! I have overcome the world."
♥