Slow

By Mnemosyne548

11 0 0

Nothing will never be like before. More

Prolugue
Part 1: Trouble
Part 2: Payback
Part 3: Lost
Part 4: Forget
Part 6: Hostage
Part 7: Devil
Part 8: Miracle
Part 9: Understand
Part 10: Capture

Part 5: Hidden

1 0 0
By Mnemosyne548


Kimberly's Pov

Sana mapatawad ko daw siya sa gagawin niyan? Bakit ano ba-

Nabigla ako nang halikan niya ako sa labi. Hindi ko alam ang gagawin ko. Totoong hinahalikan niya ako ngayon at hindi ko alam pero napapikit nalang din ako. Hinalikan ko din siya pabalik.

Tila nabigla din siya nang gawin ko yun at maski ako ay nabigla din sa sarili ko. Hinawakan niya ako sa bewang at mas lalong lumalim ang pagkakahalik niya sakin. Mababaliw na ako sa ginagawa niya sakin.

Nagulat nalang ako nang bigla tumigil at lumayo sakin. Tiningnan niya ako na parang na guilty siya sa paghalik niya sakin. Tumalikod lang siya at sumakay na agad sa kotse niya. Umalis siya, iniwan niya akong nakatayo at nakatingin lang sa kawalan.

Napahawak ako sa labi ko. Totoo bang hinalikan niya ako at hinalikan ko din siya pabalik. Pano ko nagawa yun? AT BAKIT NIYA AKO HINALIKAN?!

Pero bakit ang pamilyar sa pakiramdam. Nangyari na ba toh? Aissh.. Ewan hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko pero dapat hindi niya parin ginawa yun!! Sino ba siya ha?!!!

"Bwiset kang abnoy kaaaaa!!! " bulalas ko. "Wag lang talaga kitang makikita ulit sinasabi ko sayoooo!!!" alam ko wala nang sense tong pag sigaw sigaw ko dito kase umalis na siya. Di na niya ako maririnig at isa pa paniguradong hindi na ulit kami magkikita nun. Subukan lang talaga niya magpakita sakin.

Nakasimangot akong bumalik sa bahay. Hindi ko talaga bakit nagagalit ako. Eh humalik din naman ako sa kanya. Kung di pa nga siya lumayo siguro hanggang ngayon naghahalikan parin kami dun sa gitna nang kalsada. Pero.. Arggh... Iniisip ko ba talaga yun? Na ganun katagal niya ako hahalikan. Aissssh hindi ko na siya maalis sa isip ko!!! Siguro kaya talaga ako naiinis sa kanya, dahil first kiss ko yun at dahil nagawa niyang halikan ko din siya pabalik kahit ayaw koooo!!!


"Oh nak, bat nakasimangot ka diyan? At pulang pula yang mukha mo, may nangyari ba? " tanong ni mama sakin. Napatigil ako sa pagiisip at napatingin sa kanya. Pero teka namumula?

"Ha? Ah... A-ano w-wala ma! Ano lang.. " wala akong maisip na sasabihin. Bigla ko lang ulit naiisip yung halikan namin at mas lalo lang naginit ang mukha ko.

"Oh anak, bakit? " nagaalalang sabi sakin ni mama at lumapit sakin. Sinapo niya ang noo at leeg ko. "Nilalagnat ka ba ha? Anong masakit sayo? " tanong niya.

"Ah hindi ma ayos lang ako, siguro dahil lang toh sa pagod kanina. Hehehehe" sagot ko sa kanya. Tumango naman siya sakin.

"Oh sige magpahinga ka na doon at uminom nang gamot. " bilin niya.

"Hindi na ma, ayos lang naman talaga ako. Itutulog ko lang po toh. " sabi ko at lumapit sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi. "Goodnight mama." at umakyat na sa kwarto ko.

"Sige nak. Goodnight. " tugon niya at bumalik na ulit sa kusina para maglinis.

Sana nga bukas paggising ko matanggal na isip ko yung eksena na nangyari kanina. Pumasok na ako sa kwarto. Naghubad ako nang damit at pumasok sa cr.

"Will you forgive me for what I'm going to do? "

"Aissssh, bakit ba hindi kita matanggal sa isipan ko? " naiinis kong sambit sa sarili. Habang nagshoshower kase ako biglang pumasok sa isip ko yung paghalik niya sakin. Yung labi niya hanggang ngayon ramdam ko parin. Napahawak ulit ako sa labi ko. Hindi ko alam, pero parang nalulungkot ako na ewan.

Aissh, ewan. Tinapat ko nalang ang mukha ko sa shower, para naman mahimasmasan ako.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako at humiga na sa kama. Parang napakaimposible ata na makalimutan ko yung nangyari kanina. Napikit palang kase ako, yung mukha niya na agad yung nakikita ko. Aisssh hindi ako makatulog. Napatingala nalang ako at tinitigan ang kisame.

Bakit ba ganun yung pakiramdam ko kanina? Parang pamilyar yung pakiramdam, parang ang tagal ko nang hindi ulit ito naramdaman. Nagisip ako nang mga nangyari na sakin noon, siguro noong mga kabataan ko. Pero wala akong maisip na kahit ano.

Biglang sumakit ang ulo ko kaya napabangon ako at napagpasyahang bumaba sa kusina para uminom nang tubig. Mukhang hindi pa naakyat si mama, hindi ko pa kase narinig kanina yung pagbukas sara nung pinto nang kwarto nila papa eh.

Pababa palang ako nang hagdan nang biglang may narinig akong sumigaw.

"AAAAAHHHHHHHH. " si mama. Nawindang ako at dali daling bumaba.

"Anong ginagawa mo dito?! " sigaw ni papa. Napahinto ako ng makarinig ako nang putok ng baril.
Si papa, anong ginawa nila sa kanila.

Nakarating na ako sa baba at nakitang may tatlong lalaki sa loob. Anong ginagawa nila dito? Gabi na at sarado na ang karinderya. Bakit may mga hawak silang baril at kutsilyo. Napatingin sila saking lahat.

"Anong ginagawa niyo?! " sigaw ko sa kanila.

"Siya ba?! " tanong nang isa sa kanila. May hawak siyang kutsilyo at may nakasabit ding baril sa katawan niya.

"Oo siya nga yun! Dalhin daw siya sa kanya nang walang kagalos galos. " sagot naman nang katabi niya sa kanya na may hawak na pistol.

Napatingin ako kila mama at papa na nasa lapag. Walang malay si papa samantalang may tama naman si papa sa braso niya.

"Wag niyong sasaktan ang anak namin!!! Tumakbo ka na Kim!!! Takbo!! " sigaw ni papa sakin. Hinawakan niya yung paa nang isa sa kanila na papalapit sakin. Pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Iniisip ko si Lia pano ang kapatid ko, sana hindi siya magising. Kahit ako nalang ang kunin nila, wag lang nilang sasaktan ang pamilya ko.

"Heh!! Manahimik ka nga!!! " sigaw nung taong hinahawakan ni papa sa paa. Sinipa siya nito at napadaing si papa sa sakit.

Nanood lang ako sa ginagawa nila sa mga magulang ko. Pinagsisipa niya si papa nang paulit ulit. Hindi ba niya nakikita na hindi na nga siya makalaban sa kanila. Anong karapatan nilang saktan ang pamilya ko.

"Kung ako sayo sasama ka nalang samin nang matiwasay para wala nang masaktan pa sa kanila!! " sigaw nang isa sakin na pinagpatuloy ang paglalakad palapit sakin.

"W-wag!! Kim t-tumakbo ka na!! " sigaw ni papa nang buong lakas niya.

Nabigla nalang ako nang sinipa ulit siya nang malakas at napasuka siya nang dugo. Biglang nawalan nang malay si papa dahil doon.

"Diba sabi ko manahimik ka na!" sigaw niya. Nagdilim nalang ang paningin ko nang tutukan niya si papa ng baril.

"Sumama ka na samin! " sabi sakin nung lalaki nang makalapit na siya sakin at hinawakan ako sa braso.

Hinawakan ko siya nang mahigpit sa braso at pinilipit ito.

"Aarggh.. " napadaing siya sakit. Sinubukan niya akong ambahan nang saksak, pero mabilis kong nahawakan ang kabilang braso niya habang di parin binibitawan yung isang kamay niya.

Inuntog ko ang ulo ko sa ulo niya at pinatid siya. Nang matumba siya kinuha ko sa kanya ang hawak niyang kutsilyo at binato sa kasama niyang nakatutuktok ang baril kay papa. Tumama ang kutsilyo sa ulo niya at napabulagtad siya. Kinuha ko naman ang baril nang kasama nila na lumapit sakin kanina at naglakad palapit sa isang natitira pa.

"Anong ginawa mo sa mga kasama ko?! " bulalas nung isa pa sa kanila na mukhang gulat na gulat sa ginawa ko. Napapaatras siya habang papalapit na ako sa kanya.

Mukhang hindi niya pa alam kung anong gagawin niya. Patuloy paring akong naglakad papunta sa kanya na blangko lang ang ekspresyon sa mukha ko. Hindi ko na alam kung sino ako ngayon, basta ang gusto ko lang mapatay silang lahat.

Sinubukan niya akong paputukan, pero mukhang wala pang lamang bala ang dala niyang baril. Humintk ako sa harapan niya habang natataranta siyang kumukuha nang bala sa bulsa niya at inilalagay sa baril niya.

Dahan dahan kong iniangat ang hawak kong baril sa isang kamay habang nakatingin sa kanya. Nang matapos na niyang malagyan nang bala ang baril niya. Nakatutok na sa sintido niya ang mahabang baril na hawak ko.


Pinagbabaril ko siya hanggang sa mapuno ng butas ang buong katawan niya. Wala akong emosyon, hindi ko alam kung bakit. Pinapanood ko lang ang katawan niyang pinagbabaril ko habang ang dugo niya'y gumagapang na sa mga paanan ko.


Puno na rin ang damit ko nang dugo niya na umabot narin sa mukha ko. Pero wala akong pakealam.

"Ate? " napalingon ako sa nagsalita. Si Lia. Tila nahimasmasan ako at bumalik sa reyalidad.

Gulat na gulat niya akong tiningnan. Napatingin rin ako sa sarili ko na may bahid nang dugo ang buong kasuotan at kamay. Binitawan ko ang hawak kong baril at sinubukang lumapit sa kanya pero mukhang natakot siya sakin. Tiningnan niya sila mama at papa.

"Ma! Pa!! Ate?! Anong ginawa mo? " takot na takot niyang tanong sakin.

"M-mali ang iniisip mo Lia. " sabi ko sa kanya. Habang sinusubukang lumapit sa kanya.

"T-tatawag ako nang pulis! " mangiyak ngiyak at takot niyang sabi. Papaakyat na sana siya nang tawagin ko siya ulit.

"Sandali Lia-" pero di ko na natuloy pa ang sasabihin ko. Hindi ko napansin yung isa sa kanila na may hawak na pistol.

"Aaaaahhhhhhhh!!! "

Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari. Ang tanging naalala ko nalang ay ang pagsigaw ni Lia at sunod sunod na putok nang baril.





"Kia, gising na baka malate ka pa sa school. " sabi ng mama ni kia.

"But I don't want to. " sagot naman ng batang si Kia. Nagtalukbong ulit siya nang kumot at tumalikod sa mama niya.

"Come on, sige pag hindi ka pa bumangon, I will tickle you. " sabi nang mommg niya at sinimulan na nga siya nitong kilitiin.

"Mommy nooo.. Hahaha stop... Mommy.. Hahaha.. Pleaseee.. Okay okay. " natatawang sabi ni Kia habang pinipigilan ang mommy niyang kilitiin siya.

"What did you say? I didn't hear you. " sagot naman ng mommy niya at patuloy parin siya nitong kiniliti.

"Hahahaha...please stop... I'll get up now... Mommy" paguulit niya. Huminto naman ang mommy niya sa pagkikiliti sa kanya at binuhat siya.

"Mwuaaah, okay sweetie. Buti nalang bumangon ka na, you know why? Daddy will bring you to school today. " pagpapaalam sa kanya ng mommy niya.

"Really, yeheeeey. " tuwang tuwa naman si Kia sa sinabi sa kanya nang mommy niya. Ibig sabihin kase nun makakasama niya yung daddy niya ngayon.

Pero naudlot ang katuwaan nilang mag-ina nang may marinig silang putok nang baril sa labas. Binaba siya nang kanyang ina sa kama niya.

"Kiana, wait here okay. " bilin nang mommy niya sa kanya. Pumunta naman ang mommy niya sa may bintana niya at may sinilip.

May sunod sunod ulit na putok nang baril sa labas ang narinig nilang mag-ina. Lumapit naman sa kanya agad ang mommy niya. Halatang natatakot ito, pero hindi niya ipinakita sa anak.

"K-kia baby, you remember the hideout that daddy made you? " tanong sa kanya ng ina.

Tumango naman ang walang kamuang muang na si Kiana sa Ina.

"Y-you go there and hide o-okay. Don't come out until mommy comes and find you. " bilin sa kanya nang ina.

Narinig nila sa labas ang malakas na pagbukas nang pinto sa sala nila. Nakapasok na sa loob ang mga armadong lalaki sa bahay nila.

"Why mommy? A-and what is that? I'm scared. " naiiyak na sabi nang anak.

"D-don't be, okay. Because we are just going to play hide and seek. F-for now, si mommy muna ang magcocount at m-mag-hahanap sayo okay. " Binuhat niya ang anak at ipinasok sa loob nang kabinet kung nasaan ang hideout na para sa kanya.
"Now go hide inside there, m-make sure I won't find you. " sabi nang kanyang mommy at isinara na ang pinto nang kabinet.

"1" bilang nang mommy niya. Dali dali namang nagtago agad si Kiana sa loob nang kabinet at binuksan ang isa pang secret door papunta sa kanyang hideout. Sinigurado niya ding natakpan at pinto nang mga damit niyang nakasabit para di malaman nang mommy niya.

"2" rinig parin niyang bilang nang kanyang ina.

"3" Bumaba siya sa hagdan nun at binuksan pa ulit ang pinto na nandoon. Nilock niya ang pinto, dahil pakiramdam niya may hindi tamang nangyayari ngayon sa loob nang bahay nila.

"Anong kailangan niyo? Bakit kayo nandito?! " narinig niyang sabi nang papa niya.

"Alam mo kung anong pinunta namin dito Othmar! Asan ang asawa mo?! " sigaw na sagot sa kanya nang lalaki.

"Anong kailangan mo Aadil? " tanong naman ng mama niya dun sa lalaki habang nababa nang hagdan.

"Zita, alam mo kung anong pinapakuha samin dito ng kapatid mo! " sagot naman nung Aadil sa kanya.

Dahil asa loob lang talaga nang staircase ang hideout ni Kiana, sinubukan niyang sumilip sa mga butas na nandoon. Bubuksan niya lamang ito at makikita na kung ano ang nangyayari sa loob ng sala nila.

Pagsilip niya sa loob ng sala nila, kasabay nito ay ang pagputok nang baril. Nakita niyang napabulagtad ang papa niya sa sala nila. Pinagbabaril siya ni Aadil.

"Othmar!! " sigaw nang mama niya. Pero bago pa man makalapit si Zita sa kanya asawa hinawakan na agad siya sa leeg ni Aadil. "Aackk.. "

"Sumama ka na samin Zita at wag ka nang maglaban!! " sabi ni Aadil habang hawak sa leeg si Zita.

"Ayoko, sumama sayo Aadil. Dahil hinding hindi kita pakakasalan!! " sigaw ng mama niya.

"Kung ganun, sapilitan ko nalang kukunin sayo kung anong gusto ko. " sabi ni Aadil at hinawakan sa bewang si Zita habang pilit na hinahalikan ito sa leeg.

"Bitawan mo ko!!! B-bitaw! " pagpupumiglas ni Zita. Nang makakawala siya sa bisig ni Addil, agad agad siyang nanakbo sa hagdanan.

Naabutan naman siya ni Aadil at hinila sa paanan. Natumba naman si Zita at napahiga sa may hagdan. Kaya agad agad siya hinawakan sa magkabilang braso ni Aadil at pilit ulit siyang hinalikan.

"Sakin ka lang Zita, akin ka lang!! " sambit ni Aadil. Sobrang lapit naman itong nakikitang lahat ni Kiana sa likod nang hagdanan. Hindi nga lang siya makita nang lahat, pero pilit niyang sinusubukang pigilan ang mga hikbi niya habang naririnig lahat ang ungol at hinagpis nang kanya ina.

"Tama na Aadil... Tama na!! " bulalas nang kanyang mommy. Hindi niya alam kung anong gagawin. Wala siyang magawa kungdi panoodin lang lahat.

Nang matapos si Aadil sa kanyang ina, pinagbabaril niya rin ito tulad nang ginawa nito sa kanyang ama.

Napaupo sa sulok ang batang si Kiana, habang tumutulo ang dugo nang kanyang ina sa loob ng hagdanan kung nasaan siya nakatago.

"Wala sa kanya yung sinasabi ni Arcadius." sabi ni Aadil habang nagsusuot nang kanyang pantalon. Napanood lahat nang kanyang mga kasamang armadong lalaki kung anong pinaggagawa niya sa mga magulang ni Kiana.

"Halughugin ang bahay!! Malamang nasa bata yun!! Hanapin niyo! " utos niya sa mga kasama.

Sinimulan namang halughugin ang buong bahay nila para hanapin siya. Natakip nalang siya nang mahigpit sa kanyang bibig nang makitang gumagalaw ang doorknob nang pintuang pinagtataguan niya.

"K-kid? " rinig niyang sabi nung nasa kabilang pinto. Boses nang isang batang lalaki. "Don't worry I'm here to rescue you. " sabi nito.

Hindi niya alam kung bakit pero pinagkatiwalaan niya ang batang ito at binuksan ang pinto.

"Let's go, we better hurry up before they catch us. " sabi nito at hinigit siya sa braso. Lumabas sila nang closet at nakitang sa loob nang kwarto niya ay may lubid papunta sa taas nang kisame nila.

"I'll climb first then pull you up okay. " sabi nito. Napatango naman kaagad siya sa bata habang naakyat sa kama niya at inaabot ang lubid.

Narinig nilang may mga yabag sa labas nang kwarto niya at mukhang papasok ito sa loob. Palapit nang palapit ang mga yabag at palakas nang palakas ang tunog nito.

"Come on, take my hand. " sabi nang bata. Kaya dali dali siyang umakyat sa kanyang kama at kinuha ang kamay nito. Hinila naman siya agad nito pataas, kinuha ang taling ginamit nila at sinara ang takip nito.

Pagbukas nila sa loob nang kwarto ni Kiana wala na sila doon.

Nakalabas sila sa bahay nila at dali daling natakbo sa loob gubat. Hindi nila alam kung saan sila pupunta basta sinusundan niya lamang sa pagtakbo ang batang tumulong sa kanya. Hindi nila alam na may nakakita pala sa kanila at hinahabol na sila ngayon sa loob nang gubat.

"Huli ka! " sabi nang isang lalaking may hawak sa kamay niya. Mukhang hindi siya napansin nang batang lalaki at patuloy lamang sa pagtakbo.

"Let go of me!! Noo.. " pagpupumiglas nang batang si Kiana. Nagulat nalang siya nang biglang natumba ang lalaki at meron na itong kutsilyo sa ulo.
"Wh-what did you do? " tanong niya sa batang lalaki. Pero mukhang hindi siya nito napansin.

Lumapit ito sa lalaking nakabulagtad. Tinanggal ang kutsilyo na nakatarak sa ulo nito at saka pinagsasaksak ulit.

"YOU DON'T DESERVE TO LIVE YOU PIECE OF SHIT!! " sigaw nito habang pinagsasaksak ang lalaki.

Gulat na gulat niyang tiningnan ang batang lalaki, puno nang dugo ang kamay nito at damit. Hindi siya makapagsalita o maawat man lang ang bata sa ginagawa niya.

Nagulat nalang siya nang may biglang sumulpot na lalaki at sinipa ang bata

"Anong ginawa mo sa kapatid ko?! " sigaw nito. Dinaganan nito ang batang lalaki at sinakal. "Bakit mo siya pinatay?!" nabitawan nang bata ang hawak niyang kutsilyo at halos di na siya makahinga.

"Help! Fight! " impit na sabi nito kay Kiana.

"No! " sagot ni kiana sa kanya. Hindi niya alam kung anong gagawin. Ayaw niyang mamatay ang batang lalaki, pero hindi niya kayang lumaban.

"Fight! T-that's your o-only way t-to l-live.." nanghihinang sabi nito at tuluyan nang bumagsak ang kamay niya sa lupa.

Tila bumalik naman sa alaala niya ang nangyari sa mga magulang niya at mukhang masasaksihan ulit niya ito. May mamatay ulit na tao sa harap niya at wala nanaman siyang magagawa para mapigilan ito, dahil mahina siya. Hindi siya lumaban kaya namatay ang mga magulang niya, mahina siya kaya kailangan pa siyang protektahan nang mga ito at mamatay para sa kanya.

Nagdilim ang paningin niya at tanging nasa isip niya lang ay lumaban. Dahil yun lang ang paraan para maging malakas siya. Yun lang ang paraan para mabuhay siya.

Lumapit siya sa lalaki na sumasakal sa bata, hindi nito napansin ang presensya niya. Kaya pinulot niya ang kutsilyo na nasa gilid nito. Hinawakan niya ito sa buhok, tiningala ang ulo at ginilitan sa leeg. Blangkong ekspresyon lang ang makikita sa mukha niya habang ginagawa iyon, hindi na siya yung batang kiana na nasa loob nang hideout ngayon.

●●●

Continue Reading

You'll Also Like

52.3K 4.4K 30
๐‘จ๐’ˆ๐’‚๐’“ ๐’•๐’– ๐‘บ๐’‰๐’Š๐’— ๐’•๐’๐’‰ ๐’Ž๐’†๐’Š๐’ ๐‘บ๐’‰๐’‚๐’Œ๐’•๐’Š, ๐‘ป๐’– ๐‘น๐’‚๐’Ž ๐’•๐’๐’‰ ๐’Ž๐’†๐’Š๐’ ๐‘บ๐’Š๐’•๐’‚, ๐‘ป๐’– ๐‘ฒ๐’“๐’–๐’”๐’‰๐’ ๐’•๐’๐’‰ ๐’Ž๐’†๐’Š๐’ ๐‘น๐’‚๐’…๐’‰๐’‚ ๐’ƒ๐’‚๐’ ๐’‹๐’‚๏ฟฝ...
1.1M 25.9K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
312K 15.9K 62
โœ”๏ธุงู„ุฑูˆุงูŠุฉ ู…ูƒุชู…ู„ุฉ โœ”๏ธุงู„ุฑูˆุงูŠุฉ ู…ุชุฑุฌู…ุฉ โœ”๏ธุชู… ุงุฎุฐ ุงุฐู† ุงู„ูƒุงุชุจุฉ โœ”๏ธุญู‚ูˆู‚ ุงู„ุชุฑุฌู…ุฉ ู„ูŠ ูŠุจุญุซ ุงู„ุฃุจ ุงู„ุงุนุฒุจ ุฌูŠูˆู† ุฌูˆู†ุบูƒูˆูƒ ุนู† ู…ุฑุจูŠุฉ ู„ุทูู„ุชูŠู‡ ุงู„ุตุบูŠุฑุชูŠู†ุŒ ุญูŠุซ ูƒุงู†ุชุง ูŠุนุงู†ูŠุงู†...
MIRACLE By Ara

Teen Fiction

296K 10.8K 44
"My mother named me Miracle, but I am anything but a miracle in her and our family's life. I am a mistake. I am a product of a heinous crime." Miracl...