MERRY CHRITSMAS TO ALL!!!
ROUND 021: Loud's POV
Hindi ko rin alam kung bakit kinikilig ako sa kanya mula kanina. Masarap pa lang marinig ang mga cheesy lines mula sa taong mahal mo. Teka lang, what did I conclude? Mahal ko? Mahal ko nga ba sya?
*******
Abala na ang lahat sa graduation. Tapos na rin ang lahat sa kanya-kayang mga thesis at reports nila. Nagkaroon kami ng Graduation Ball Party, para may time pa raw kami sa mga memorable things. Bumuntong hininga na naman ako, narinig yata ni kuya na katapat ko dito sa dining at busy kate-text sa mga girls nya, Playboy talaga, kung nandito siguro ako at kasama ni kuya, hindi lalaking chickboy ang lalaking ito.
"O, anong mukha yan? san ba gawa yan? Pakibulsa wala akong panahong manlait."
"Tse! Ewan ko sayo." saka ko pa sya inirapan
"May problema ba sis?" Ibinaba nya ang hawak nyang cellphone saka seryosong tumingin sakin.
"Kuya, ano ba yung graduation ball?" sa totoo lang wala akong idea kung anong meron dun at kung ano ang ginagawa dun. Ni hindi ko nga naranasang sumali sa mga JS prom nights dahil di naman uso sa Davao yun noon. Sana lang matinong sagot ang ibigay ni kuya.
"Graduation Ball ay isang party sa mga gagaraduates, every year ginagawa nila yun, just like JS prom nights, may mga dance and eat events. Pero sa atin pwedeng magcostume."
"Ganun?" Akalain mong matinong sagot ang nareceived ko, nagdududa tuloy ako sa mga sinabi nya.
"Oo, magsuot nga ako ng Super man costume eh." Siguro nga totoo nga ang sinabi nya.
"Si Nakashima kaya, ano kayang isusuot nya?" Tawagan ko kaya sya?
"Ang alam ko, Mickey Mouse costume ang susuotin nya. Bat di ka mag Minnie Mouse, para partner kayo.
"Sige kuya."Magandang idea nga yon.
Sinunod ko si kuya, kaya two days before the graduation ball, pinaghandaan ko na ang susuotin ko. Sabi din ni kuya mas maganda daw kung wala akong ibang pagsabihan para walang manggaya at para surprise.
"Hmm.. I was wondering what will be Nakashima look in the party?" At sila rin ang bandang tutugtog ng music na gagamitin sa Party.
A night before, magkatext na kami ni Nakashima, nagpasya kaming sa Fountain Hall sa loob ng School kami magkita.
"Wow, ang cute naman ng daga." Narinig kong sabi ng isang babae habang narito pa ako sa loob ng kotse.
"Mickey mouse ako." Sumagot naman si Nakashima.
Tanaw ko na agad si Nakashima, na medyo balak pa atang makipag away sa kausap nya. Lumapit na rin ako, I saw him sitting on the tiled end of the fountain.
"Tigress, ikaw ba yan?"
"Oo, tara na." But he was hesitating to stand, di nya rin siguro gusto ang suot nya, ako rin naaalibadbaran, mabuti na lang at hindi mascot ang nakita kong custome, mabigat panigurado sa katawan yun, hinanap ko ang kausap kanina ni Nakashima, pero parang hanging nawala sa paningin ko, baka pumasok na rin sa loob.
Nakahawak ang kamay ni Nakashima sa kamay ko habang naglalakad kami papasok sa Stadium Hall, doon daw madalas ginaganap ang mga Party, stage playing, movie making at kung anu-ano pa.
Napakapit ang kamay ko sa braso ni Nakashima, pagbukas ng malaking pinto ng hall
"Whoa! Looks like we invite a guest." Nagkatinginan kami pareho ni Nakashima nang mapansin namin ang mga tao sa loob, they are enjoying the scene and they are starting to laugh at the two of us. Why they are all same in wears?
"A guest joker." Narinig kong sabi nung isa pa.
Nanlalaki ang mga mata namin ni Nakashima, nung mapansin namin ang lahat ng naroroon, gusto kong kumaripas ng takbo o kaya ay ibaon ang sarili ko sa sahig dahil sa kahihiyang ito. They are bought wearing formal gowns and americano's while kami ni Nakashima ang tanging naiiba sa lugar na yun.
"Nakashima, ba't tayo lang ang naiiba?" Bumulong ako sa tenga nya.
"Ewan ko. Ang sabi ni Zar custome party daw ang tema ngayon." Iyon din ang sinabi sakin ni kuya.
Natawag ng attention ko ang paglapit ni Kuya na pumapalakpak pa.
"Aba, you too are great partners. Bagay na bagay."
"Ikaw.." Nangigigil na susugurin sana ni Nakashima si kuya, pero pinigilan ko sya, katulad nya napahiya rin siguro sya, at di naman ako papayag na saktan nya si kuya nang ganun ganun lang.
"Leave it to me." sabi ko sa kanya, gusto kong ako ang sasapak sa lokong kuya ko.
"Tsk! Mukhang napagdikistahan kayo nung dalawang sira ulong yun." Sabi ni Sake na nakasalamin pa rin but this time, wala na syang hawak na libro.
Nagtawanan ang mga naroon. Lalong nag init ang ulo ko pati ang pisngi ko.
"Hoy kuya, hindi pa tayo tapos!" Ngali-ngaling sinugod ko si kuya at
BOGSH!
Isang suntok sa mukha nya ang ginawa ko, na dahilan para hindi pumantay ang tindig nya.
"Ouch! Ang tigas ng mukha ni kuya." Bulong ko sa ere.
"Okay ka lang." Nag aalalang tanong ni Nakashima na mabilis na nakalapit sa akin.
"Kahit kuya pa kita, hindi ko mapapalampas ang ginawa mo. That suite your ass!" Tumahimik ang paligid agad kong hinila palabas ng pintuan si Nakashima.
Hapong-hapo kaming nakarating malayo na sa Stadium Hall. At naupo sa isang kanto para magpahinga.
"Ang galing mo ah." Napatingin ako sa kanya, nakangiti sya at wala na ang suot nyang mascot head ng mickey mouse.
"Tsk! Sira ulo talaga yun, nakapagtatakang naging kapatid ko ang animal na yun. Imagine, niloko nya tayo, pati pa yung bwisit na Zar na yun ginatungan ka rin."
"Ganun talaga ang ugali ng mga yun, partner nya si Zar, di ko lang akalaing pati ako nadala." Tumawa sya ng mapakla at biglang nawalan ng ngiti ang mata nya. "Kahit sinong matipuhan nun, kayang kaya nyang pagtripan at manipulahin para paglaruan. They can easily manipulate people and their lives specially love life. Kaya isang malaking pagkakamali ang naging kapatid mo talaga ang mokong na yun."
"So, paano na toh? Wala ng party, walang music, walang dance."
"Sinong may sabi?" Dumukot si Nakashima sa bulsa ng suot nya. Akala ko naman kung ano yung kukunin nya.
"Cellphone?" Iyon lang pala.
"Yup. We'll dance tonight." Napangiti ako sa idea na yun ni Nakashima. He open his phone at hindi pala music lang dahil instrumental ang p-in-lay nya.
"I will sing it for you. Come on take my hand" I did what he says.
"Am I real, do the words I speak before you, make you feel. That my love I have for you see no ending.." Isinampay ko ang mga kamay ko sa balikat nya at tiningnan sya sa mata.
"But if you lookin to my eyes and you should know, that there's nothing here to doubt nothing to fear. You can lay your questions if you love me.." Tama hindi naman yung music, dance o event ang
nagpapasaya sa amin, kundi yung makasama yung taong mahalaga sayo. Yung taong hindi mo inaasahang maging parte ng buhay mo.
"The world could die and everything may lie 'coz time may pass but rather than will last, I'll be by your side.."
This time, ipinatong ko na ang baba ko sa balikat nya at nakahapit na rin sya na nakayakap sakin until the songs continue.
Kahit lagi kaming nagbabangayan, nag aasaran, nagiismiran, at nghahampasan, sya pa rin ang taong nagpapangiti sakin ng ganito.
All I want is to be with him, kaysarap pa lang kayakap ng halimaw na ito. Kahit pa halimaw ang ugali nya, na sa tingin ko ay di ko na mababago. Even he's rude, hard and mean to everbody I will always love this attitude, hindi naman mahalaga kung ano ang nakaraan nya, at kung bakit sya ganyan, the important is inside his heart.
"Suki desu" (I like you.)
Nabigla yata sya sa sinabi ko kaya humiwalay sya ng yakap sa akin. "Did I hear right?" Paglilinaw pa nya.
"Yes." Nahihiyang sagot ko.
"So, that means sinasagot mo na ako?"
"Hindi pa. May napansin ka bang Yes sa sinabi kong Japanese. I just response to your word."
Bumuntong hininga sya sa sinabi ko. "Akala ko naman tayo na."
"Wag ka munang umasa, we still have three more months." Ayaw ko namang sumuko agad sya.
Napansin ko yung bitbit ng kamay nya, nailbas nya siguro yun kanina habang magkayakap kami. It was the same box I saw the day I left him.
"Hanggang dito ba naman dala mo pa rin yan?"
"Umaasa kasi akong baka sakaling sagutin mo na ako ngayon."
"Agad-agad? Hindi ba pwedeng getting to know each other muna." Pero ang totoo, I knew him already, pakipot lang talaga ako.
"Nakatira ka na nga sa bahay ko at labas-masok ka sa kwarto ko, getting to know each other pa. Okupado mo na pati ang puso ko. Pwede na ba kitang maging girlfriend?. Darn! Tigress, not again.."
******
For the Nth time, tinakbuhan ko na naman sya. "Sorry, Nakashima" Hindi ko pa masasagot ang tanong nya, gusto ko kasi siguradong-sigurado na ako, kaya pinagtaguan at umalis uli ako.
Natatakot akong masaktan at natatakot din akong makasakit. Dahil pagpumasok ka sa isang relasyon, you have to take all the unwanted barriers, like LQ, misunderstanding and trust.
The next day is our free day. hindi ako lumabas ng kwarto, I turn off even my phone. Gusto ko lang magmukmok, wala rin kasi akong mukhang ihaharap kapag nagkita kami.
Kung hindi pa siguro ako nakaramdam ng gutom, di ko maiisip na lumabas para bumaba at kumain.
"Tsk! Magpapadeliver na lang siguro ako." I open the Ref at dinampot ang nakaboteng juice at agad sinara din iyon, kamuntik ko ng mabitiwan ang hawak ko nang marinig ko ang boses ni Kuya.
He's with someone, his bandmate-bestfriend. Agad akong nagkubli sa pader para magtago at hinihintay na lampasan nila ang kinalalagyan ko.
"Manhid ba yang kapatid mo? Patay na patay na nga sa kanya si Yuen"
"Zar, relax, baka takot lang magmahal si Loudy."
"As you can see Excel, sa inuman hindi na natin maaaya si Yuen, wala tuloy laman ang Zar Bar ko, walang magagandang chikababes. Pati cutting classes hindi na nya nagagawa. At yung hatred places natin, favourite na nyang tambayan ngayon —library."
"Oo nga. Idagdag mo pa na hindi na sya nakikipag basag ulo. Dati naman reding-ready sya sa sa Rambol at trouble."
"Plus, ngayon lang umiwas sa chicks at nagmamaldito pa."
"He was terribly falling to my sister." Nakita kong umiling iling pa si kuya na sobrang nanghihinayang, ang sarap hampasin ng hawak kong bote, diba dapat matuwa pa sila at nagtitino ang leader nila. "Aha! We should get back the old Yuen."
"What?"
"Yes, humanap tayo ng hot chicks na hindi nya talaga matatanggihan at ikulong natin sa kwarto tapos hintayin natin kung papatulan pa rin sya ni Yuen."
"Tama, saka natin papuntahin si Aloudia." Dagdag nung Zar.
"What do you think on my bright idea?"
Saka sila lumampas. Abat—kuya ko ba talaga yun? Gusto pa kaming pag awayin ni Nakashima. Kailangan pala mabalaan ko sya.
Paalis na sana ako sa pinagkukublihan ko nang maisip kong ano nga ba ang pakialam ko, we are just friends, kung gagawa man sila ng dahilan para ikainis ko o para pagselosin ako, what should I care?
Hindi naman ako napakaling manatili lang sa bahay, nakakabagot rin pala kaya lumabas na rin ako ng bahay at inaya si Rejean na mamasyal, pupuntahan ko na lang ang bahay nya para ako na ang susundo sa kanya. Kung di lang sana umalis ng bansa si Alice, may kausap pa sana ako, wala na sya rito simula nung lumipat ako sa bahay nila Nakashima, wala na rin akong contact sa kanya.
"Hey, you are Yuen."
"Pwede bang magpapicture kasama ka?"
Lalabas na rin sana ako ng main door nang marinig ko ang mga boses na yun at nakita kong nakaupo sa gilid si Nakashima kausap ang dalawang babae.
Pinagbigyan naman nya yung dalawang babae at kinuha nya ang I-phone nito, nagulat ako nang sa halip na kuhanan nya ang mga ito at ngumiti sa camera, ihagis ba naman nya ito.
"Oh, my Gawd! Why did you do that?"
"You bitches, get lost! Maligo muna kayo." Singhal ni Nakashima sa dalawa.
"How dare you!" Pagkadampot nito sa sariling phone nagmamadaling umalis roon ang dalawa.
Grabe, ibig sabihin, kanina pa pala sya nandito. How long he stays and waits here? Bat di man lang nya naisipang magdoorbell eh narito naman sina kuya at si Zar kanina. Dapat ko ba syang lapitan? Ano naman ang sasabihin ko? May dapat nga ba akong sabihin?
Alangan namang..
"Uy, Nakashima, ang galing mo, you're so rude, pero pinilit mo talagang wag matukso." Tsk! Ba't ko naman gagawin yun? Lalo lang lalaki ang ego nun, manigas sya.
"Tigress, I'm sorry, kung hindi ka pa talaga ready, hindi na lang kita pipilitin." Napalingon ako at muling sumilip, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Tigress, wag mo na akong iwasan, di ka ba naaawa sa akin, please.. Argh! Ang pangit naman. Ito na lang, Tigress, nangangako ako na magbabago kahit pa tingin mo hindi ko kaya, pipilitin ko—Argh! Ano ba! Why I can't do even a single line."
Napabuntong hininga ako at nakahinga ng maluwang, nagmomonologue lang pala ang loko akala ko nakita na nya ako. Why he needs to change? Para bang lahat yun sa akin? Hindi ko naman sinasabi yun ah, at hindi ko rin hinihinging gawin nya yun.
Nang tumawag ako sa bahay nila ni Rejean para sana puntahan sya para makapamasyal kami at makapag isip hindi na natuloy, dahil nakabantay sa labas ng bahay namin si Nakashima, kaya napirmi na lang ako sa kwarto. Nakakainis..
Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako nang magmulat ako ng mata at mapatingin sa wall clock, pasado alas nuebe na pala, hindi ko na naramdaman ang gutom. Tumayo ako at nagpunta sa terrace na pinto lang ang pagitan sa kwarto ko dito sa itaas.
Maraming stars ang kalangitan. "One, two, three, four.. hindi na kayang bilangin ng mga daliri." Sabi ni Nakashima, kapag maraming stars, hindi daw uulan kinabukasan. Kapag walang stars, tiyak uulan. Ano na kayang ginagawa ni Nakashima ngayon? Dahil tuloy sa stars naalala ko sya.
"Pshh! Ang daming lamok." Napayuko ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na yun. He is still here. Hanggang kailan ba sya aalis roon? Gusto nya talaga akong makita at hindi sya sumusuko hanggang sa hindi pa rin nya maririnig ang word na BASTED. How consistent.
Naalala kong wala pala sina kuya ngayon, dahil may gig daw sila ng mga bandmates nya, eh bakit iniwanan pa nya dito ang Monster na ito? Dapat ko ba syang papasukin? Ah, alam ko na.
I pick my phone and dialled the Nakashima residences at si ate Irma na katulong nila ang nakasagot, yung sosyalerang maarteng katulong nila, na feeling mayaman at maganda, dibdib lang naman ang malaki at hindi ang height.
"Hello, nandiyan ba si Tita Xana? Pakisabing si Loud po ito."
"Madam, may tawag po kayo, Loud daw po." Bastos!, di man lang nagsabi ng 'sandali, ibibigay ko'. Feeling lan talaga ang Bruha.
Narinig ko na ang boses ni Tita sa receiver. "Tita, Hello, si Nakashima—"
"Ha? Ano nangyari? Bakit? Hindi—" Histerikal na sagot agad ni Tita.
"Tita, easy, wala pa, sasabihin ko pa lang na pakisundo sa harapan ng bahay namin si Nakashima. Hindi pa sya kumakain. Nasa labas pa rin sya hanggang ngayon, pakitali nyo po kung kinakailangan, basta ban po sya dito."
"Nag away ba kayo? Sorry sa panghihimasok ah."
"Please Tita.. saka na po ako magpapaliwanag sa inyo."
Ibinaba ko na rin ang phone ko at naghintay nang susundo sa kanya. And after half an hour, may narinig akong humintong sasakyan sa tapat ng bahay namin, at naroon na nga ang driver nila. SInusundo na sya.
"Tigress, alam kong tinawagan mo ang Mommy ko. Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako kinakausap! Please! Tigress!"
"I'm sorry Nakashima, it's not yet the time."
"Young Master, tayo na po" Narinig kong inaaya na syna ng Driver nila.
"Ano ba! Bitiwan nyo nga ako! Sandali! Sinabi ng bitiwan nyo ako!" Nakita ko pang nagpupumiglas sya, mabuti na lang bouncer ang pinadala ni Tita para sapilitang ipasok sa kotse si Nakashima. Nakaalis na rin sa wakas ang sasakyan nila, matatahimik na ako, nag aalala rin kasi ako dahil di pa sya kumakain.
Hindi din naman ako masyadong nakatulog, naiisip ko pa rin sya. Kung magagalit sya sa akin, mas gusto ko pa iyon. Ayaw kong mapahamak sya nang dahil sa akin.
May pasok na kinabukasan, at ilang araw na lang mula ngayon ang graduation sayang naman kung hindi pa ako papasok, magkita man kami ni Nakashima, kaya ko pa naman syang iwasan. May sarili na rin akong driver na bigay ng Daddy, medyo nag aadjust pa ako sa pagiging mayaman, ang hirap rin pala.
Nang makarating ako sa hallway, dinig na dinig ang ingay na nagmumula malapit sa bulletin board, nag uumpukan at nagkakagulo sila sa nakapaskil na di ko rin alam kung ano iyon. Lumapit na rin ako at nakipagsiksikan, nakipagbalyahan at nakipagbungguan hanggang sa makarating ako sa katapat at nanlalaki ang mga mata ko sa nakita kong nakapaskil—ang pictures namin ni Nakashima during the Christmas Ball. Kumunot ang noo ko, sino kaya ang lapastangang nagpost ng picture namin na kuha nang pumasok kaming nakacustome sa Stadium Hall at ginagawa nilang katatawanan, may caption pa na hastagfeelingcostumeparty. Bwiset!
"Sis, ang cute nyo dyan noh, parang stuff toys." Naramdaman kong may braso nang nakasampay sa balikat ko, hindi ko na kailangang hulaan dahil boses pa lang nabwisit na ako.
"Aray sis!Tama na!" Di na ako nakapagpigil, pinilipit ko ang braso nya, saka ko padabog na hinatak yung mga pictures para punitin saka ako nag walk out. Nakita na rin kaya yun ni Nakashima? Ano kayang reaction nya? Bwisit na kuya toh, mas mainam pa yatang di ko sya nakilala as my kuya dahil walang nangyayaring pambubuli. Grr!