Dedicated to: eowptz
For giving me a "glimpse of hope" para magsulat ulit :")
-
BETONG
Kanina pa nangangati ang pwet ko kakaupo at naiinis ako kase hindi ko makamot-kamot! Badtrip talaga.
Kainis naman kase tong si Yael nag-suggest na nga ako na bigla na lang akong papasok na parang mag-iintermission number tas sisigaw ako ng "SURPRISE BITCHES!", para bongga! Pero ayaw nya, edi wag! Pero syempre joke lang yun kase baka hospital talaga bagsak namin kapag kami nakita ni Lizelle "the babaeng amazona".
Pero kanina pa rin ako nagtataka eh, bakit kasama nila si Vien? Biggest question mark talaga yun sakin.
"Anong tinitingin-tingin mo? Napopogian ka sakin noh?!",
"Ulul",
"Sabihin mo lang pre magbibigay naman ako ng pictures ko. Pm ko na lang sayo yung pinakapogi tas iwallpaper mo na rin. Hiya ka pa eh",
"Tang%÷;× mo talaga Yael!",
"Wag ka sumigaw. Pag tayo nahuli--",
"Kelan ba kase tayo papasok? Kanina pa nangangati pwet ko eh. Akyatin na lang kase natin yang gate nila mukhang busy na silang lahat eh",
"Hayup talino mo talaga!",
"Alam ko, ikaw lang naman hindi eh",
"Sige akyatin mo na. Back up lang ako kapag hinabol ka ng aso",
"Anong ako lang?! Dalawa tayo!",
"Takot ako sa aso",
"Walang aso",
"Pano mo nalaman?",
"Kase kung may aso sila, dapat kanina pa tayo may narinig na tahol nung nagsipagdatingan yung mga kaklase nating babae tapos dapat makakarinig rin tayo ng pantawag sa aso. Di mo napansin yun?",
"Oo nga noh! Ang galing mo talaga Betong kalbo AHAHAHAHA!",
"Oh ikaw na mauna pumasok tutal ako nakapansin na walang aso",
"ANONG--AYOS KA AH! SABAY TAYO!",
"Hinaan mo boses mo",
"Ay oo nga pala. Sige ako na mauuna. Yare ka sakin kapag may aso pala tas hinabol ako",
"Makikipag-apir pa ko sa aso nila",
"Gag*",
"Sige na bilisan mo",
Dahan-dahan kaming naglakad ni Yael papunta sa gate ng bahay nila Lizelle. Tulad nga ng inaasahan, walang aso. Tangangers lang talaga tong si Yael dahil sa kaba.
Nang successful kaming makapasok sa gate, tinulak ako ng bwisit na si Yael para silipin raw ang bintana.
"Anong nakikita mo?",
"Walang tao. Nakapatay ilaw",
"Ha? Sigurado ka? Patingin nga!",
"Oh ano? Kala mo nagsisinungaling ako?",
"May party sila dapat diba? Sinasabi ko na nga ba may ginagawang kalokohan yang mga yan kaya ayaw isama tayong mga lalaki eh. Isusumbong ko yan sila sa--",
Nagulat ako ng bigla na lamang may tumakip sa bibig ko--mali, sa bibig naming dalawa ni Yael at kinaladkad kami sa isang madilim na parte ng bahay. Nagpupumiglas kaming dalawa pero buti na lang kaagad din kaming binitawan nito at iniupo sa sementadong sahig.
"SINO KA?!", halos pasigaw na tanong ko dito.
"Wag kang sumigaw kalbo, ako to si Lizelle!",
Nagbukas ito ng maliit na flashlight at itinapat sa mukha habang nagtatanggal ng facemask kaya nakahinga naman ako ng maluwag.
"Akala ko katapusan ko na eh", sabi ni Yael sa tabi ko.
"Matatapos ka talaga dahil sa panghihimasok nyo sa bahay namin ngayon. Diba sinabi ko na sainyo na wag kayong pupunta dito?!", galit na sabi nito.
"Eh gusto lang naman namin malaman kung ano--",
"Pero salamat ..", mahinang sabi ni Lizelle.
Nagkatinginan kami ni Yael at nagtaka.
"Anong salamat?",
"Kailangan ko ng tulong nyo. Sana matulungan nyo 'ko sa gagawin kong 'to",
"Gagawin? Bakit may nangyari ba? Eh diba may party kayong mga girls?" nagtatakang tanong dito ni Yael. Kahit ako naguguluhan rin.
"Kung yun ang iniisip nyo, nagkakamali kayo. Nakalagay sa peligro ang buhay ng mga kaklase nating babae ngayon dahil sa isang laro",
"LARO?", sabay pa naming tanong ni Yael.
"Oo, laro. At kasama rin si Callie sa laro na sya ring sinimulan ko .. isa akong .. napakawalang kwentang .. kaibigan ..", halos mag-crack na ang boses nya sa huling word na lumabas sa bibig nya.
Hindi ako magaling sa emotions pero nakaramdam ako ng awa at sincerity sa boses ni Lizelle. At hindi ko rin naman alam kung anong laro ba ang sinasabi nya. Anong laro ba kase yun?! Tsaka bakit nasa peligro buhay ng mga kaklase naming babae?! Hindi naman siguro part ng chainmail--oh shet!
"Liz",
"Ano?",
"May kinalaman ka ba sa chainmails?", seryosong tanong ko dito.
Natahimik ito ng ilang sandali at tanging yuko lang ang nagawa.
"Lizelle, magsabi ka ngayon ng totoo, ANONG KINALAMAN MO SA CHAINMAILS?!", this time napalakas na ang boses ko kaya inawat na 'ko ni Yael.
"Sorry .. sorry talaga ..", halos paiyak na sagot ni Lizelle at tinakpan na ang mukha nya.
"Watdapak Lizelle! Anong sorry?! Kaya ba pinagbawalan mo kaming mga lalaki makigulo sa party nyo ngayong gabi?! Tapos ngayon hihingi-hingi ka samin ng tulong para iligtas sila?",
"Betong hindi mo naiintindihan ..",
"Lizelle ano pang hindi ko naiintindihan ha?! hindi sapat yang sorry mo para ayusin lahat ng nangyaring kaguluhan sa school. Hindi sapat yang sorry mo para maibalik yung buhay ng estudyanteng namatay na STEM student. Hindi sapat yang sorry mo para ibalik yung dignidad na nawala kay Euri at don sa estudyanteng grade 10 student at sa lahat lahat pa ng gulong nangyari sa school! KAYA SANA AWARE KA NA HINDI IKAAAYOS NG LAHAT YANG SORRY MO AT WALA KANANG MAGAGAWA PA TUNGKOL SA BAGAY NA YUN!",
"Betong tama na, kumalma ka muna. Kaya nga humihingi tulong satin ngayon si Lizelle--",
"GO! SPILL THE PLAN. ANO BA KASENG PLANO YAN NA PARANG IKAAAYOS NG LAHAT?!",
"Sorry talaga--",
"Tama na sorry Lizelle. Narinig ko na. Sabihin mo na lang plano mo",
Oo ako yung tipo ng taong tatawa hanggat nakakatawa. Magpapatawa hanggat may nakakatawa pero enough is enough. Kahit sino naman magagalit at maiinis tungkol sa bagay na yun lalo na't may buhay na nawala at may dignidad na naapakan.
Bumuntong hininga muna sya ng malalim at pinahid ang mga luhang kanina pa ata tumulo sa mga mata nya bago sya muling nagsalita.
"Kahit galit ka sakin at kahit kinamumuhian nyo nako ngayon, salamat pa rin. Tatanawin ko tong malaking utang na loob kahit buhay ko pa kapalit", nagulat ako ng bigla nya kaming niyakap ni Yael. Hindi ko alam irireact sa mga ganito kaya hinayaan ko lang sya at ganun rin naman si Yael. Sa tingin ko nagalit at nainis rin sya sa nalaman nya pero tinatry nya lang kumalma kase mas lalo lang walang magandang mangyayari.
"Ano na yung plano?", walang buhay kong tanong.
Ningitian lang ako ni Lizelle ng pilit bago magsalita.
"Ganito ang plano ..",
-
LIZELLE
Mapanlinlang na maskarang nakangiti ang ibinungad ko sa babaeng kanina pa rinig na rinig ang napakalakas na halakhak mula sa maliit na tunnel na pinasukan ko. Isa ako sa pasimuno ng bagay na to kaya dapat panindigan ko.
"Ngayon bitch, mamili kana sa kanilang dalawa. Si Ralph na mahal na mahal ka at tinanggap pa rin ang madumi mong pagkatao at kalandiang taglay sa katawan o ang bitch na si Callie? SAGOT!",
Ilang segundo .. ilang segundo na ang lumilipas pero hindi pa rin sumasagot si Euri. Nanginginig lang ito at palipat-lipat ang tingin kay Callie at sa boyfriend nyang si Ralph na ngayo'y nakabusal ang bibig at may takip sa mata habang nakabody wrap at nakahiga sa mahabang metal na higaan kung saan karaniwang inihihiga ang mga bangkay sa morge. Nalipat naman ang tingin ko kay Callie na ngayo'y nakahiga rin sa metal na higaan at nakabody wrap katulad ng kay Ralph. Sa tabi niya ay ang isang payaso na nakamaskara at may hawak hawak na isang galong tubig. Oo, isang galong tubig, dahil ang tinapatan ng arrow sa malaking roleta ay BIBIG.
Lumapit ako sa payasong nasa tabi ni Callie at sinabihang ako na ang bahala at pumunta na lang sa isa nya pang kasama na nasa kabila at nakapwesto sa gawi ni Ralph.
Magtiwala ka ngayon sakin Callie, kahit ngayon na lang. Because this is what bestfriends are for nga diba? Pero ako, sinira ko yun. Niyurakan ko yun. At ito na lang ang huling bagay na magagawa ko para patunayan sayo ang salitang "ang matalik na magkaibigan, hindi nag-iiwanan"
"ISA!", sigaw ng babaeng kasama ko sa harapan habang kunwa'y prenteng tinititigan ang mga kuko nya sa daliri.
Nalipat ang tingin ko sa mga kaklase namin. Sa mga kaklase naming babae na wala ring magawa ngayon kundi humikbi na lang ng tahimik at panoorin ang nangyayaring paglalaro sa mga buhay nila ngayon. Mula sa ikaapat na palapag ng babasaging compartment, halos panawan na ng malay ang isang babaeng may tama ng baril sa balikat. Namumutla na ito at hindi na halos makapagsalita. At sa ikalimang compartment naman, ay isang kaklase ko ang wala nang malay at nagkalat na ang napakaraming dugo sa hinihigaan nitong salamin.
Tama nga si Betong .. na kahit anong sorry pa ang gawin ko, hindi nun maibabalik sa ayos ang lahat. Tanga na lang ang tatanggap ng sorry pagkatapos ng lahat ng ito.
"Hmmm matigas ka ah",
Dahan-dahang naglakad si Vien sa gawi ni Ralph at sya mismo ang umagaw ng galon sa isang payaso. Nakita ko namang mas lalong humikbi si Euri at nagmakaawang itigil na ang laro.
"Alam mo malanding bitch, napakasimple lang naman kase ng tanong sayo kanina tapos hindi mo pa sinagot ng tama tapos ngayon iiyakan mo 'ko?! ULUL! AHAHAHAHAHAHAHA!",
"Pakiusap itigil nyo na 'to! Wala akong nagawang kasalanan sa kahit na sino!",
"Blah blah blah blah blah! Sa tingin mo ganun ako katanga para maniwala sa sinabi mo? Pwes, bakit hindi mo nasagot ng tama ang tanong kanina kung sino ang nagpasimuno at nagkalat ng pambubully kay Vien Dixon noon--DALAWA! ANO SAGOT?! SINO SA KANILA ANG ILILIGTAS MO EURIDICE MALANDI?! WAG MO 'KONG ANTAYIN MAGBILANG NG TATLO DAHIL TUTULUYAN KO TALAGA TONG MAHAL NA MAHAL MONG BOYFRIEND--",
"SI CALLIE! SI CALLIE NA LANG! SI CALLIE NA LANG DAHIL AYOKONG MAWALA SAKIN SI RALPH!", humahagulgol na sabi ni Euri at napatakip sa mukha.
"Okay then, tutal mas masakit nga naman mawalan ng minamahal kesa yung mawalan ka ng kaibigan na pinaplastic mo lang naman",
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at di mapigilang manlaki ang mga mata ng magsimulang humakbang ang babaeng kasama ko sa gawi namin ni Callie. Nakaturo sya sa galong hawak-hawak ko at sumenyas na tanggalan na ng busal ang babaeng katabi ko ngayon.
Betong at Yael, umaasa ako sainyo ngayon.
Nang makalapit sya sa tabi ko, inagaw nya ang galon sa nanginginig kong kamay. Alam nya siguro na imposibleng magawa ko ang bagay na kailangan kong gawin.
"Ako nang gagawa para sayo. Panoorin mo kung pano mamatay ang anak ng babaeng pumatay sa kapatid natin", bulong nya sa akin.
Callie .. patawarin mo ko ..
Shit kase bakit napakatagal ni--
Just in! Bigla na lamang namatay ang lahat ng ilaw.
"SHIT ANONG NANGYAYARI?!", nanggigigil na sigaw ng kasama ko at inutusan ang dalawang payaso na kasama namin na samahan sya. Dumaan sila sa exit ng lugar na 'to.
Eto na, chance ko na to.
Dali-dali kong sinuot ang night vision goggles ko at madaling tinanggal ang mga strap na nakabalot kay Callie. Nanginginig pa ang mga kamay ko sa kakamadali dahil baka bigla na lang akong abutan ng baliw na kasama ko na gigil na gigil kumitil ng buhay ngayon.
"Callie magtiwala ka sakin. Tumakbo ka na", bulong ko dito ng mapakawalan ko na at matanggal ang busal at piring sa mata nya.
"Pero pano ka?!", bulong nito sakin.
"Shhh wag mo nakong alalahanin kaya ko na sarili ko", sabi ko at tinanggal ang night vision goggles ko at madaling isinuot sa kanya.
"Lizelle tumakas na tayo ..",
"Makinig ka, ito na lang ang tanging magagawa kong paraan para sa pagkakaibigan natin okay? Tumakas kana at iligtas mo ang sarili mo",
"Lizelle ..",
"Bilisan mo--",
"AHA! TRAYDOR!",
Nagulat ako ng bigla na lamang bumalik ang ilaw sa buong lugar at nasa likuran na ni Callie ang babaeng kasama ko. Nasa likuran nito si Yael na may putok na sa labi at hawak-hawak sa likuran ng isang payaso.
"Dissapointed ako sayo Lizelle. Ang akala ko pa naman parehas tayo ng nasa isip pero it came out na mukhang hindi, TALIAN SYA!",
"Wag mong gawin to Vien, parang awa mo na--", walang ano-ano'y hinila ng babaeng kasama ko ang buhok ni Callie at muling binusalan ang bibig nito tsaka kinaladkad pababa sa metal na higaan kaya naunang tumama ang balakang at likod nito sa sahig na konkreto.
Nagulat ako ng bigla akong hilahin ng isang payaso na nasa likuran ko at suntukin sa tyan kaya napayuko na lang ako sa sakit.
"Vien .. kapatid mo ko diba ..",
"Kapatid?! HUH! Baka nakalimutan mo kaagad na kakatraydor mo pa lang sakin ngayon! Die bitch! Magsama-sama kayo--shit! NANAMAN?!",
Muling namatay ang mga ilaw sa ikalawang pagkakataon.
Salamat Betong .. kung magtagumpay tayo ngayon sa plano, utang ko 'to sainyo kahit buhay ko man ang maging kapalit.
Halos sumakit naman ang tenga naming lahat ng isang malakas at mahabang static noise na nanggagaling sa nakapalibot na speaker sa kwartong 'to ang umalingawngaw. Pati ang payasong humahawak sa akin ay hindi alam ang gagawin kung tataliaan ba ako o hahawakan ang magkabila nyang tenga.
Bwisit ka kalbo, humanda ka sakin kapag ako nakalabas ng buhay dito. Yang semi kalbo mong buhok, magiging kalbo talaga.
After ng ilang segundong static noise, isang boses ng may edad na lalaki ang nagsalita.
"Hello, naririnig nyo ba 'ko?",
Hayup to, malamang!
"Kung naririnig nyo 'ko at ng host nyo ngayon, gusto ko lang sabihin na pakawalan mo na ang lahat ng bihag mo",
Nagtanggal naman ng maskara si Vien at isang mapanlinlang na ngiti ang sumilay mula roon.
"Talaga? Eh paano kung ayoko .. Betong kalbo. Tama ba 'ko?",
Shit ..
Paano nya nalamang ..
Napalingon ako kay Yael na halos bugbog sarado pero napailing lang sya.
Pero paanong ..
Shit hindi maganda 'to ..
"Anggaling nyong magsabwatan pero palpak naman. Tama ba 'ko traydor kong kapatid?",
Lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko. Paanong .. paano nya nalaman ang plano namin ..
"Hindi ako tanga traydor kong kapatid!", isang mahaba at malakas na halakhak ang pinakawalan nya. Kitang-kita ko ang malademonyong tinging ipinupukol nya sakin.
"Sige tumawa ka lang Vien pero .. sisiguraduhin kong hindi kana makakatawa sa susunod na makikita mo",
Sa isang pintuan, lumabas mula roon si mommy. May suot itong kwintas na itim na may mga maliliit na bilog na sinlaki ng holen at may maliit na box na nakatape sa tyan nya. Nanginginig ito at naiiyak habang untu-unting naglalakad papalapit kaya Vien.
"M-mom, p-panong .. ano yang nasa leeg at tyan nyo?!", nanginginig na tanong dito ni Vien.
Nanginginig din ang katawan ko sa nakikita.
Hindi pwede! ANONG KALOKOHAN TO?! WALA SA PLANO ANG PAGLALAGAY NG BOMBA SA KATAWAN NI MOMMY!
"PAKAWALAN NYO KO! PAKAWALAN NYO KO! TANG*%AAAA! WALA SA USAPAN NA MADADAMAY SI MOMMY BETONG! HAYUP KA!", pagpupumiglas ko sa payasong nakahawak sakin.
Nagulat ako at mas lalong pinanlakihan ng mata nang isang hagikhik lamang ang naging sagot nito sa akin.
Hindi .. hindi maaari ..
"Well, dito mag-uumpisa ang totoong laro",
Nanlamig ang buong pagkatao ko ng makitang bigla na lamang nag-umpisang magcountdown ang pulang timer na nakaattach sa tyan ni mommy.
Betong .. sino ka ba talaga?
- A -
Update for Chainmail is up!
Salamat sa mga naghintay at naghihintay. Lovelots! ♡
Ang Chainmail ay nasa edge na ng kanyang ending guysue so kapit lang! ♡