Brothers Playlist (ON GOING)

By catsuboi

805 117 134

Gambling has been taken to a whole new different level when four random guys - Ganter, Zachary, Clark, and Ul... More

Brothers Playlist
CHAPTER 01: Excuses Made in Spain
CHAPTER 02: A Father
CHAPTER 03: The Risk in Gambling
CHAPTER 04: New Photographer
Chapter 05: One Hella Band
Special Chapter: Meet The Girls
Chapter 06: Keychain Girl
Chapter 07: Secrets
Chapter 09: Loser and the Kind
Chapter 10: Regrets
Bonus Chapter

Chapter 08: Headache

36 6 3
By catsuboi

Zia's POV

I'm so pissed! Kung kailan wala akong dala dalang payong saka naman umulan ng pagkalakas lakas.

Kasalanan 'to ng ulugok na 'yun eh! Kung hindi ko lang siguro siya nakita baka hindi ako minalas malas ngayon. Sabagay, kasalanan ko rin.

Why did I even approach him, by the way?!

"Hindi ka dapat nagpapaulan."

Napatigil ako sa pagtakbo against the rain. It felt like there was something on my feet that wouldn't let me keep myself from running-

Even though I already recognized whose voice was that.

Ayoko nga siyang lingunin eh.

"Hindi ka nag-apply sa agency para sundan ako, right?"

Now here I am, giving him a killer glare just like that.

"What are you, a God? And do I look like a dog to you, that would follow you around everywhere you go?"

"Zia. Seryosong sagot kasi."

Just hearing him say my name makes me wanna erase it from the entire universe. This guy is not just someone I will want to marry not even once. Just. No.

"Yaan na nga. Sa'n ba nakapark 'yung kotse mo? Para dun na lang kita ihatid. May kotse ka ba?"

He is nice but his words are a little offensive. I can tell na insensitive siya, obviously. But whatever.

"I don't have a car. Naglayas ako sa'min. That's all I'm gonna tell you."

Napatigil siya saglit but recovered from the shock immediately.

"Di ko inexpect na ganun pala talaga nangyari kagaya ng iniisip ko."

What?! He's thinking of me?!

"You're so creepy! What the hell?"

I can tell he scoffed kahit nakamask siya. "Wow! Kapal ng mukha neto. Gantihan lang 'yan mhen. Ganyan din naramdaman ko nung makita kita sa studio eh."

"Sa ganda kong 'to? Excuses. Kung ganito lang din itsura ng magkakagusto sa'yo, aba ang swerte mo naman!"

"Ang sweet nila!"

Napatigil kami sa pagtatalo nang mapansin naming pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa parking lot.

"Sweet daw natin?"

"Sweet natin your face." Mataray na pambabara ko agad sakanya. Hindi kaya siya bagay maging bf ko. Duh.

Ayun!

Sa pag-ikot ko ng paningin ay nakakita ako ng silungan kaya agad na akong pumunta do'n.

"Thanks sa pagpayong! Bye!" Hay that was a bit awkward.

Tinignan niya lang ako ng walang ekpresyon sa mukha niya saka siya nagtuloy tuloy ng lakad hanggang sa makalayo na siya.

Message sent.

To: Shayia

Um, shi.. I'm in trouble. Can you pick me up dito sa fairview?

Nakailang minuto na ang lumipas nang magtext ako sa best friend ko eh hindi pa rin natigil ang ulan. At wala pang kareply reply! Letse.

Ano nang gagawin ko uwing-uwi na ako huhu.

May tumigil namang sasakyan sa harapan ko kaya napaatras ako ng kaunti. Malay ko ba kung kidnappin ako!

"Hatid na kita?" Pagkababa ng bintana ng kotse napako ako sa kinatatayuan ko.

"W-why are you still here?"

"Sasabay ka o sasabay ka?" No choice na ako kaya bahala nang magkautang na loob ako sa lalaking 'to.

Binuksan ko 'yung pinto at naupo sa may passenger's seat.

Tahimik lang ang buong biyahe and I'm just fine with it. Nag-usap lang kami nung pinalocate niya address ko sa google map.

"Dito nalang." I calmly said. Lumingon naman siya sa'kin at may biglang inabot.

"Ikaw yung tipo ng babae na hindi magbibigay ng eksaktong address eh. Kailangan mo 'to kasi maglalakad ka pa, diba?"

Hindi ko madeny, I'm impressed. Ganun ba talaga ako ka-obvious?

Kinuha ko naman 'yung payong and gave him a small smile. "Thanks. I'll give it back to you sa studio."

And just like that, we parted ways. He took off his mask kanina sa loob. Gwapo nga talaga siya, but Idk why.. I don't find him attractive. Maybe because his face reminds me of my messed up family.

Monday na monday ang daming shoot ang gagawin. Ang masaklap magkakahiwalay na lugar pa. I packed my lunch and brought some biscuits.

Tumingin ako sa salamin to check my outfit once more and I decided to change it. From a dress, plain white loose shirt and ripped jeans ang sinuot ko. Nagponytail rin ako and put a little make up.

"Looking good, Zia!"

I smiled at ate Shana while I admired her outfit. Gosh, nakakainggit yung pagkaperfect ng body proportion niya.

She was wearing a white tank top and gray jogger pants paired with her adidas shoes. Yung hair niya hindi raw rebonded but it looked so soft.

"Hi, Zia." I greeted back Ulysses who was fixing his long hair. He's wearing a dark blue sweater and black pants. Cute ng slippers na suot suot niya kasi doraemon. Haha kung wala lang siyang gf, I would think he's gay.

Next in line was Zachary (who stared at me strangely idk why), Damon, then Ganter. One thing amazing about them, hindi sila nagsasabay sabay magsisulpot.

"Clark's not coming?" Damon asked the same thought I had in my head.

"He's got a shoot with one of our business partners. Pa-ilocos sila."

Hindi ko pala mababalik 'yung payong niya ngayon kung ganon.

"Who's his partner?"

"The popular girl from Yuzi Mag. Swerte right?"

"Tiffany? Hindi naman maganda 'yun sus." -Zach

Omg kung hindi lang ako nakapagpigil humahalakgak na ako.

Akala nila napakabait ng babaeng 'yun pero bruha ang ugali. My best friend was fired recently din like me dahil sa kaartehan non.

Swerte niya hindi ako 'yung naligaw na photographer sa agency nila kung hindi ipaparanas ko sakanya lahat ng klase ng kamalasan.

"Zia, breakfast?"

Nakakakilig talaga 'tong Damon na'to! Napakagentleman at bait. Huhu. Siya lang ang naiiba sa kanilang lima. Idk if he's single or not but, ayoko magbf ng super bait baka pag tumagal biglang magbago.

"Uy, ang sarap nito!" Pagpupuri ko sa carbonara na hinatag ni ate Shana. Proud siya kasi luto niya raw 'yun. Sana ol marunong magluto. Hanggang itlog hatdog lang ako e.

"Ayaw mo ba kaming kausap?"

Etong Zach na'to mala-Clark rin. Mild version ng pagkastraight forward nung isa. Ano naman kung ayaw ko pa kasi hindi pa naman ako komportable?

"Nag-aadjust pa 'yan, hayaan mo."

I thanked Ulysses via a small smile for saving me. Now I don't have to say anything. Siguro ang swerte ng gf nito sakanya. Ideal boyfriend eh.

"Get ready, guys! UP first stop natin."

I took a deep breath. This is it. Can't wait na mapatunayan ko na ang sarili ko sa parents ko.

Ganter's POV

"Grats, pre. Followers mo last week nasa 600k lang tapos ngayon mag 1m ka na. Magsisinger ka na ba nyan?"

Kunot-noo ko siyang sinagot. "Lul. Syempre hindi."

Ako, singer? Imposible 'yun.

"Nga pala finollow ka din ba nung Nostalj? Nafollowback na nila ako lahat."

Nananadya ba itong ungas na'to?

"Bakit si Aeriesa di ako finollow?" sagot ko sakanya.

"Ay bakit, close din ba kayo?"

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko close ba kayo?"

Ah talagang inulit niya pa. Napailing na lang ako.

"Kailangan ba 'yun?"

"Oo pre. Teka nga, bakit ka may pake dun eh kay Sidney ka naman nagkakagusto. Need mo ba approval ng bestfriend niya bago mo maligawan?"

"Tanga mo. Si Aeriesa gusto ko. Pero wala naman akong masamang pakay. Gusto ko lang kilalanin siya."

Natahimik siya at sakto namang nagsilabasan na sa studio sina ate. Isa isa na rin silang sumakay sa van. Nauna kami ni Zach sumakay dito kanina kasi hindi na kami nag-almusal.

Aeriesa followed you back.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat na napalitan din agad ng ngiti sa labi ko. Ganito pala pag may crush ka. Nakakakilig.

Chineck ko pa ulit sa followers ko kung andudun siya just to make sure.

"The fuck?!"

Napalingon sa'kin ang lahat maliban kay ate na nasigaw na nadidistract ko raw siya sa pagddrive niya.

"May problema ba pre?"

Hindi ko siya sinagot at umayos ako ng upo. Umakto nalang ako na parang walang nangyari.

Bakit niya ako inunfollow?!

To: aeriesa

Hey. What was that?

Hindi ako nagdalawang isip at pinindot ko na ang send. Maya-maya lang ay nagreply siya.

From: aeriesa

Huh? Pinagsasabi mo?

Patay malisya pa siya. Tsk! Bakit ba ang sungit sungit nito sakin di ko naman siya inaano.

To: aeriesa

Never mind. Where are you?

Mamumuti na lang ata ang uwak wala na akong reply na makukuha mula sa kanya.

Nakarating naman na kami sa UP kaya magdamag rin akong busy.

Maalala ko hindi ako nakapasok ng college kahit 1st year lang. Ganun din si Clark at Ulysses, tapos si Zach hanggang 2nd year. Si Damon ewan.

"Nakakamiss!"

Napalingon ako kay ate na nakapikit ngayon habang nakataas ang dalawa niyang kamay. Parang tanga lang amp.

"Graduate ka dito, ate?"

"Yes, Zia! Masscom!"

"Wow.. All in one!"

Pa'no kaya kung nag-aral ako? Sila? May balak ba kami? 4 months na lang matatapos na kontrata naming apat. Si Damon 6 months pa.

Sa totoo lang nakakasuya na rin magmodel. Boring talaga ng buhay ko.

Sa kalagitnaan ng pagseset up namin ng mga gagamitin nagvibrate ang phone ko.

From: aeriesa

:)

What the heck?! Napakasakit niya sa ulo!

Continue Reading

You'll Also Like

116K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...