Chapter 31
Lara's POV
"Saan ka galing?"
Seryoso syang nakatayo sa tabi ng bintana at alam kong nakita nya akong bumaba sa sasakyan na gamit ng driver ng mga Laffiel, since kita mula sa bintana ko ang labas ng bahay namin.
Wala na ring sense kung mag sisinungaling pa ako kung saan talaga ako galing. "Pumunta ako sa bahay ni Lucas,"
Mabilis na nag bago ang ekspresyon nya mula sa pagiging seryoso napaltan iyon ng galit. Mabilis din syang nakalapit sakin at mahigpit na hinawakan ang braso ko.
"Pa ano ba, nasasaktan ako," pilit kong inaalis ang kamay nya pero lalo lang humihigpit iyon, bakit ba ganito ang reaksyon nya, talaga bang tama ang iniisip ko tungkol sa kanya?
"Bakit ka pumunta sa lugar na yon?"
"Wala akong alam na maling dahilan kung bakit hindi ako pwedeng pumunta roon. Bitiwan mo na ako pa, bakit mo ba to ginagawa?" patuloy ko paring sinusubukan na tanggalin ang kamay nya, nag sisimula nang mamuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Samantalang ang mga mata nya ay puno lang ng galit na hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling.
"Hindi ka dapat nalapit sa pamilyang iyon Lara, hindi mo sila lubos na kilala, kapag ipinag patuloy mo pa ang pag lapit sa lalaking iyon, pati ikaw madadamay. Mamamatay tao sila, pati inosenteng tao pinapatay nila kaya wag kang mag tiwala sa kanila, tandaan mo yan, lumayo ka na sa lalaking yon." Pag kasabi nya non ay binitawan nya na ako, kumikirot ang bandang hinawakan nya pero hindi ko na iyon pinansin dahil nakatingin lang ako ng diretso sa kanya.
"bakit mo ba nasasabi yan papa? Bakit ba nag kakaganyan ka na? simula nung nag balik ka ibang iba ka na, ano ba talagang nangyari sayo? Anong nangyari sayo sa loob ng limang taon para mag kaganyan ka?" sa pag kakataong to, ako naman ang humawak sa kanya pero hindi katulad nung ginawa nya, malumanay kong hinawakan ang kamay nya at diretso ko syang tinignan sa mga mata.
"Pa, please sabihin mo na sakin kung anong nangyayari sayo, gulong gulo na ako at ayokong pati ikaw pag dudahan ko," mali ako, dahil simula nung mag kita kami ulit may pag dududa na ako sa kanya.
Inalis nya ang mga kamay ko sa kamay nya at diretso ring tumingin sakin. "Malalaman mo rin ang lahat," nagsimula syang mag lakad at bago sya tuluyang makalabas ng kwarto ko ay may sinabi pa sya ulit na lalong dumagdag sa mga tanong na nasa isip ko.
"Maraming pangyayari ang nakakapag pabago sa mga tao Lara, lahat pwedeng mag bago, pero ako gagawin ko ang lahat mapanagot lang ang mga taong dahilan ng pag babago ko, gagawin ko ang lahat mapag bayad lang sila sa kung anong nangyari sakin kaya ako nag kaganito."
Pag kasabi nya non ay tuluyan na syang lumabas ng kwarto at nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa ngayon ay nakasarado nang pintuan.
Pinunsan ko ang tumulong luha sa mukha ko at umupo sa kama. Tama nga ako sa loob ng limang taon hindi biro ang pinag daanan nya sa kamay ng mga Lazaro. Kaya sya nag kakaganito ay dahil sa mga pinag daan nya, binago na sya ng panahon at wala man lang akong kaalam alam tungkol doon.
Walang buhay kong hinalungkat ang bag ko para mahanap ang cellphone kong tumutunog, kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang natawag, agad ko nang sinagot iyon.
"Hello?"
"..."
Biglang umusbong ang iba't ibang emosyon sa loob ko lalo na nung nakita kong unknown number nanaman ang natawag.
"Lucas," hindi ko alam kung baliw ba ang tawag sa taong naiyak pero nakangiti.
"..."
"Please mag salita ka naman," kung makikita lang ako ni papa sigurado akong tuluyan na syang magagalit sakin, lalo pa at katatapos nya lang ako balaan tungkol sa mga Laffiel. Sorry pa, pero mahal ko si Lucas at may kailangan syang malaman, meron din akong gustong malaman tungkol sa kanya.
"..."
"Lucas, please nasaan ka ba? Bakit mo ba to ginagawa? Please sabihi---"
"I miss you,"
"I miss you too,"
"..."
"Kelan ka ba babalik?"
"..."
"Lucas, babalik ka pa naman diba?"
"..."
"Pag katapos ng mga problemang to, babalik pa naman tayo sa dati diba?"
"..."
"Mag salita ka naman dyan,"
"..."
"Para na akong baliw dito," mapait akong tumawa, para na nga akong tanga rito dahil salita ako ng salita kahit wala namang kumakausap sakin.
"Hindi ko na tatanungin kung bakit mo to ginagawa, kasi ako mismo ang aalam non kahit hindi mo sabihin. Simula magising ako sa hospital hinahanap na kita, pero wala ka. Sa bawat pag daan ng mga oras hindi pwedeng hindi kita maiisip. Hindi kita macontact, hindi ko rin makita ang mga tauhan mo, hindi ka nag pakita sakin sa bahay ni Chadler at wala ka rin sa bahay mo nung pumunta ako dyan kanina. Nakita ko pa tuloy ang tatay mo, sobrang natakot ako Lucas, pero dahil wala ka kailangan kong mag paka tatag. Gusto kong magalit sayo dahil sa ginagawa mo pero hindi ko magawa. Alam ko kasing may rason ka kaya mo yan ginagawa,"
Gusto kong magalit sa kanya dahil sinasarili nya ang problema kahit pwede naman naming pag tulungang lutasin, lalo pa at konektado ako sa pag hihirap nya. Hindi naman nya kailangang lumayo sakin, hangggat maaari iintindihin ko sya kahit ano pang maging dahilan nya kaya hindi naman nya talaga kailangang lumayo sakin.
"Shhh... wag ka na umiyak Lucas, tahan na, mag kikita pa naman tayo diba? O baka hindi na?"
Parang may bumabara sa lalamunan ko at parang may pumipiga sa puso ko maisip ko palang na hindi na kami mag kikita. Nag uunahan na ring tumulo ang mga luha ko, umiiyak nanaman sya, lagi nalang ng dahil sakin.
"Ganon ba kalaki at kagulo yung pinag daraanan mo para mangyari yon? Kung mangyayari man yon, mahal parin kita lucas, mahal na mahal. Kung naguguluhan ka sa gagawin o magiging desisyon mo, sundin mo kung ano talaga yung gusto mo at kailangan mong gawin. Mafia boss ka Lucas, may mga bagay na kailangan mong gawin kahit mahirap. May mga bagay na kailangan mong gawin kahit makakasakit ka pa ng ibang tao. May mga bagay kang ipinag lalaban na dapat hanggang sa huli papanindigan mo. Bago mo ko makilala may mga obligasyon ka na, mga gawaing hindi mo pwedeng talikuran, kaya hanggang ngayon kung meron kang kinakailangang gawin, huwag kang mag dalawang isip na gawin yon. Kahit pa kasama ako sa mga masasaktan."
Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti kahit hindi naman nya nakikita, kung masasaktan man ako sa magiging desisyon nya okay lang, tatanggapin ko kung anong mga mangyayari, hindi ko man alam kung anong kailangan nyang gawin pero susubukan ko paring intindihin.
"Masyado ng random yung mga sinasabi ko, hindi ko kasi talaga alam yung mga sasabihin ko, gusto ko lang mapatagal yung tawag kasi sobrang namimiss na kita. Kaso imbes na boses mo na nag sasalita yung naririnig ko, pag iyak mo yung nangingibabaw. Tahan na Lucas, kahit anong maging desisyon mo tatanggapin ko. Mahal parin kita, mamahalin parin kita."
Ako na ang tumapos sa tawag nung marinig kong may kumakaluskos sa labas ng pinto ko sensyales na merong tao roon.
Kendra's POV
"Kuya,"
As usual, when you enter his room fragments of glass, broken furniture and scattered books will be the first one to greet you. The second one will be the cracks in the wall and some traces of blood. His room is a total mess, everyone who can see it will all agree that a broken man is living here.
"Kuya Konrad,"
Dahan dahan syang nag angat ng ulo mula sa pag kakatungo, nakaupo sya sa sahig at nakasandal sa pader. Katulad ng lagi nyang pwesto tuwing makikita ko sya rito sa bahay nung mga araw na kaka alam lang nya ng mga totoong nangyari.
Bago ako lumapit sa kanya kumuha muna ako ng isang malinis na towel at binasa iyon, hindi ko alam kung may reseba ba syang blood o kung ano at kahit gabi gabi syang duguan ay hindi parin sya maubusan ng dugo.
Tumingin sya sakin at ngumiti, baliw ba ang tawag doon kapag nakangiti ang isang tao pero may tumutulong luha sa mga mata nila, kasi kung oo, baliw na talaga si kuya.
"Don't smile if you're not happy kuya, smile is a sign of happiness and I can clearly see that you are not happy."
Sabi ko sa kanya nung makaupo ako sa harap nya, inabot ko yung kamay nya at sinimulang punasan iyon. Wala nang nakakagulat sa itsura nya, magulong buhok, duguan ang kamay at may mga bahid din ng dugo ang puti nyang v neck shirt.
"You know me too well,"
Sagot nya habang nakatingin lang sa screen ng cellphone nya na ang lock screen ay picture nila ni Lara, parehas silang nakatawa at may hawak na doll, kung hindi ako nag kakamali ay sa amusement park kinuhanan iyon.
"What happened? You got drunk and called her again, do you?"
Lagi namang ganun ang ginagawa nya, mag lalasing at biglang tatawagan si Lara. Hindi naman sya nag sasalita at pinapakinggan lang ang boses ni Lara. Pag katapos nun ay iinom nanaman sya at mag wawala, hindi ko na nga mabilang kung ilang beses syang nag palit ng cellphone dahil lagi nalang nyang itinatapon iyon.
"What can I do? I miss her so much,"
Ang huling beses na nakita ko syang ganito ay nung mamatay si mommy. Natatakot ako na mag bago nanaman sya tulad ng dati.
Isa sa dahilan kung bakit gusto ko si Lara para sa kanya ay dahil kitang kita kong masaya sya sa kanya, si Lara ang nag pabalik sa kanya.
"Kuya,"
Pinunasan ko ang luha nya, strangely i find it admirable when a man cries for the person they love, It feels like they are not scared to show their feelings for their woman and I believe that they don't care what other people might say about them.
"She knows that there is something going on but she restrain herself from asking question about it. She knows that I have responsibilities that I am obligated to do. But she doesn't know that to fulfill my duties my only choices are to kill or to be killed."
Nasabi na sakin ni daddy na galing nga raw dito si Lara kanina, bakit kung kelan umalis si kuya roon pa sya pumunta, edi sana nag kita na sila.
People might think that killing someone and surviving is easy for him because his a mafia boss, a leader of a well known organization and a powerful man that can manipulate or control someone if he wants to, well that is sometimes right and sometimes wrong. Why? 'cause killing someone requires so much planning but if it's needed he can kill easily, surviving is harder than expected because almost everyday someone is trying to kill him, every single day.
Tulad nga ng sinabi ko naka dipende sa mga pangyayari ang kadalian ng pag patay, pero kung yung taong matagal mo nang gustong patayin, natuklasan mong mahalaga pala para sa taong mahal mo, ibang usapan na iyon and that is the reason why he's acting like this.
"Sabi nya gawin ko raw yung kailangan kong gawin kahit isa sya sa masasaktan, sabi nya mamahalin parin nya ako kahit anong maging desisyon ko. Ganun parin kaya ang sasabihin nya kapag nalaman nyang kailangan kong patayin ang tatay nya?"
Mapait syang tumawa at tumingin sakin. Ang dahilan kung bakit nahihirapan sya sa sitwasyon nyang ito ay dahil nalaman nyang ang tatay pala ng taong minamahal nya, ang syang matagal na nyang gustong pag higantihan.
Nung gabi na dinala nila sa hospital si Lara dahil sa natamo nitong tama, agad na umuwi si kuya kahit may tama rin sya at doon namin nalaman ang lahat.
FLASHBACK
Kanina pa ako palakad lakad dito sa living room kakahintay kay kuya, kung hindi pa sinabi sakin ni Nikolas na susugod sila kuya sa kampo ng mga Lazaro hindi ko pa malalaman.
Kinakabahan ako, paano kung mapahamak sya, sana mailigtas nila si Lara.
Sira parin ang kalahati ng bahay dahil sa naganap na pag sugod, pero buti nalang at hindi buong bahay ang nasira.
"Kuya, oh my gosh, w-what happened to you?"
Nung may narinig akong tumigil na sasakyan sa labas ay agad kong binuksan ang pinto, nakita ko si kuya na bumababa ng sasakyan nya. Agad akong tumakbo papunta sa kanya at tinignan kung anong nangyari dahil wala ata syang balak na sagutin ang tanong ko.
"Are you okay? Gun shots again, si Lara? Nailigtas nyo ba sya?" pag kasabi ko nun ay doon ko lang nakuha ang atensyon nya, doon ko lang din napag masdan ang mukha nya, he cried. Don't tell me,
"No, no, no, I know she's alright. Let's go kailangan mong magamot. Tatawagan ko si doc,"
Hindi ko alam kung anong nangyari kay Lara, pero kapatid ko si kuya at kailangan din nyang magamot.
"I'm okay, where is dad?"
Lagi nya nalang sinasabing okay sya kahit hindi, kahit sinabi nya yon tinawagan ko parin si doc para pumunta rito.
"Office,"
Akala ko ay didiretso na sya sa office ni daddy pero pumunta muna sya sa kwarto nya kaya sinundan ko sya doon. Naguguluhan na ako sa kinikilos nya, hindi ba dapat kasama nya si Lara ngayon?
Pag karating ko sa kawarto nya ay agad akong napatalikod nung makita ko kung anong ginagawa nya, part din ako ng mafia pero hindi ako sanay sa mga madugong gawain.
Nakita kong nakahubad ang pang itaas nya at may telang nakalagay sa bibig nya habang sya mismo ang nag aalis ng balang bumaon sa katawan nya. Rinig na rinig ko ang daing nya, hinihingal sya at pinipilit na huwag sumigaw.
"Kuya,"
Nakatalikod lang ako sa kanya hanggang sa marinig kong naka hinga na sya ng mahulawag.
"Bakit mo ba ginawa iyon? Tinawagan ko na si doc diba?" lumapit ako sa kanya at ako na mismo ang nag lagay ng bandage sa sugat nya.
"M-mababaw lang naman kaya okay lang ako," mababaw pero kitang kita mong nanghihina na sya, kumuha ako ng damit at towel sa closet nya at mabilis na pinasuot sa kanya ang damit, pinunasan ko naman ang pawis sa mukha nya dala ng ginawa nya kanina.
Hindi ba mas nakakamatay yung ginawa nya?
Pag kabihis nya ay may kinuha sya sa drawer nya at lumabas na ng kwarto, mabilis ko syang sinundan nung nakita ko kung ano iyon.
Nasa likod lang nya ako habang papunta sya sa office ni daddy, hindi ko magawang awatin sya dahil alam kong galit sya, pag kapasok na pag kapasok palang nya sa office ay tinutok na nya agad ang baril nya kay dad.
"Kuya, what the hell are you doing?"
Lalapitan ko na sana sya pero sinenyasan ako ni daddy na huwag ng lumapit.
"Ano ang iyong kailangan Konrad?" tanong nya na parang hindi man lang naapektuhan sa ginawa ni kuya, nag salin pa sya ng alak sa basong nasa harapan nya at ininom iyon.
"Gusto kong sabihin mo sakin ang mga nalalaman mo, alam kong alam mo ang totoo kaya mo nasabi sakin ang mga bagay na iyon nung gabing sinugod nila tayo rito."
Hindi sumagot si dad pero itinaas nya ang basong hawak nya tanda na gusto nyang mag patuloy lang si kuya.
"Sabihin mo sakin kung anong totoong nangyari five years ago, gusto kong malaman lahat lahat, bakit sinasabi ng mga Lazaro na ikaw ang pumatay sa nanay nila?..."
Tumigil sya sa pag tatanong at parang may iniisip na mahalaga,
"Bakit hawak ng mga Lazaro ang tatay ni Lara?"
b-buhay ang tatay ni Lara? Yung tatay nyang namatay daw dahil sa aksidente? Bakit sya mapupunta sa panig ng mga Lazaro?
Umayos ng upo si daddy at diretsong tumingin kay kuya.
"Binalot ka ng galit mo anak kaya hindi mo napag tuunan ng pansin ang mga maliliit na detalye sa paligid mo, ako'y nag hihintay lamang ng tamang pag kakataon para sabihin sa iyo ang totoo. Kaya mo bang tanggapin kung anong malalaman mo? Paano na ang iniibig mong binibini? Handa ka bang mamili? si Lara parin kaya ang iyong pipiliin?"
"W-what do you mean?"
Kitang kita ko kung paano lumambot ang ekspresyon ni kuya dahil lang sa pag kakabanggit ng pangalan ni Lara,
"Tiyak akong masasaktan sya sa kung ano mang pipiliin mo, gusto mo parin bang malaman ang katotohanan?"
"Fuck, sabihin mo nalang sakin ang lahat at wag ka ng mag paligoy ligoy pa." mas lalong humigpit ang hawak nya sa baril na hanggang nagyon ay nakatutok parin kay dad.
Hindi naman pinansin ni daddy ang galit ni kuya at sumandal lang sa upuan nya, maya maya lang din ay nag salita na sya.
"Ang ina ni Lara na si Clara ay matalik na kaibigan ng iyong ina, bago pa man kami mag kakilala ay mag kaibigian na silang dalawa. Naunang mag karoon ng nobyo si Clara na walang iba kung hindi si David ang tatay ni Lara, dahil kay David nakilala ni Clara at ni Sheryln si Sanya na naging kaibigan din nila. Si Sanya ay ang nanay ng batang Lazaro na walang iba kung hindi si Sinister."
Napatakip ako sa bibig dahil sa gulat, mag kakakilala ang mga magulang namin at mag kakaibigan pa. Ang panig na kalaban namin ay dati palang kaibigan ng mommy namin. Mukhang nagulat din si kuya dahil dahan dahan nyang ibinaba ang hawak nyang baril at nakatingin lang kay daddy.
"Nag tatrabaho sa mga Lazaro si David at nang ikasal si Sanya kay Cyrus Lazaro, nahikayat si Clara na mag trabaho rin sa ilalim ng mga Lazaro. Sa panahon na iyon alam na rin nila ang pag katao ng mga ito, nag trabaho si David bilang reaper at si Clara bilang isang scientist, habang si Sherlyn naman na nahiwalay sa kanila ay ako ang napangasawa. Lumipas ang panahon pero nanatili ang pag kakaibigan nila, tahimik lamang ang naging pamumuhay ng lahat, hindi maiiwasan ang hidwaan ng dalawang panig ng organisasyon ngunit walang malalang nangyayari. Hanggang sa lumago ng lumago ang Laffiel, naiwan ang mga Lazaro sa baba kaya't hindi naiwasang mabahiran ng inggit ang mabuting samahan ng dalawang mafia, inasam nilang makuha ang mataas na pwesto kaya gumawa sila ng hakbang na nag simula ng lahat."
"Limang taon na ang nakalilipas ipinag utos ni Cyrus ang pag patay kay Sherlyn sa paniniwalang iyon lamang ang makakapag pabagsak saakin. Nalaman iyon ni Clara kaya't kinumbinsi nya si Sanya na kausapin ang asawa para itigil ang pinapagawa nito. Dahil sa matalik nilang kaibigan si Sherlyn ginawa nila ang makakaya nila para mapigilan ang plano ngunit wala parin silang nagawa. Buo ang pasya ni Cyrus sa ipinapagawa nya, isang gabi kumilos na ang tauhan nya sa pag aakalang si Sherlyn lamang ang sakay ng sasakyang gamit ng inyong ina, ginawa nya ang pag patay. Binaril nya ang gulong ng sasakyan ni Sherlyn at dahil sa madulas na kalsada dala ng ulan, sumalpok ang sasakyan sa isang malaking puno at sumabog."
Ang kaninang gulat ay napaltan na ng sakit dahil sa patuloy na pag babalik ng alala ng pag kawala ni mommy, ganun pala ang nangyari sa kanya, kahit minsan ay hindi sinabi samin ni daddy ang totoong nangyrai ng gabing iyon.
"Kailangan ko ng putulin ang aking pag kukwent---"
"Ituloy mo, hindi ko pa naririnig ang gusto kong marinig." pinutol ni kuya ang kung ano mang sasabihin ni dad, hindi naman sya umangal at pinag patuloy nalang ang pag kukwento.
"Mabilis kaming nakarating sa pinangyarihan ng insidente at doon namin nalaman na hindi lang si Sherlyn ang sakay ng sasakyan. Kasama nya ang kanyang mga kaibigan na si Clara at Sanya, walang kaalam alam ang taong gumawa non na tatlo pala ang sakay ng sasakyan. Dahil sa galit ay sinugod ko ang kampo ng mga Lazaro at doon nilabanan si Cyrus para ipag higanti ang iyong ina, hindi totoong wala akong ginawa Konrad, pinatay ko si Cyrus kahit alam kong nawalan din sya ngunit hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung hindi nya ipinag utos na gawin iyon. Hindi mo ba itatanong kung anong koneksyon ni David sa mga nangyari?"
"Tell me,"
"Sya ang taong gumawa ng pag patay Konrad, ang tatay ng taong minamahal mo ang syang pumatay sa pinaka mamahal mong ina."
Namayani sa loob ng kwarto ang katahimikan, walang nag sasalita ni sino man samin. Bumalot sakin ang gulat, sakit, lungkot at pati narin ang galit. Walang masamang ginawa ang mga mag kakaibigan pero bakit kailangan nilang mamatay at sa kamay pa ng taong pinag katiwalaan nila.
"No, no, tell me mali lang ang pag kakaintindi ko, no, no!"
"Kuya!"
Mabilis akong kumilos at humarang sa harap nya at hinawakan ang baril nyang pinaputok nya sa gawi ni daddy, tumama iyon sa basong nasa mesa at buti nalang hindi mismo kay dad tumama. Kinuha ko ang baril nya at itinapon iyon sa sahig.
"Iyon ang katotohanan Konrad, sa pag aakalang isa lang ang nasa sasakyan pati ang sariling asawa at kaibigan ay napatay nya. Dahil hindi nya matanggap ang nangyari sinisi nya si Sherlyn at ang pamilya natin. Pati ang utak ng batang Lazaro ay nilason nya para mapaniwalang ako ang pumatay sa kanyang ina. Sa makatuwid ay si David ang may pinakamalaking pag kakamali, hindi ba at sinabi ko sayong ikaw na mismo ang lalayo sa babaeng iyon kapag nalaman mo ang totoo. Pinatay ng tatay nya ang nanay mo, ano ang gagawin mo ngayon Konrad?"
"Shut up! Shut the fuck up!"
Alam kong masasaktan nya si dad pero hindi ako, kaya niyakap ko sya ng mahigpit para mapigilan sya sa pag sugod kay daddy.
"Hindi ba't matagal mo nang gustong ipag higanti ang pag kamatay ng iyong ina, ngayong alam mo na ang totoo malaya ka nang gawin kung anong gusto mo, iyon nga lang ay kung makakapili ka ng ayos sa pagitan ng dalawang minamahal mo."
"Paano mo nalaman ang lahat ng ito?" ako na ang nag tanong dahil hindi lang naman si kuya ang may gustong malaman ang katotohanan.
Lumingon ako sa kanya habang yakap parin si kuya, ramdam na ramdam ko ang pag pipigil nya ng galit, ramdam ko rin ang nanginginig nyang katawan pero wala akong balak bitiwan sya hanggat hindi sya kumakalma, hindi sya makakaalis dahil hindi nya ako kayang saktan. Ipinangako nya kay mommy na iingatan nya ako at kahit na minsan hindi pa nya ako nasasaktan.
Nakita kong may tinawagan si dad sa telepono at maya maya lang ay pumasok si Sir Felix at may kasamang isang babae, ipinakilala sya samin ni dad at doon namin mas napatunayan na totoo ang mga sinabi nya. Totoo ngang ang tatay ng taong mahal ni kuya ay sya ring pumatay sa pinaka mamahal naming nanay.
End of Flashback
"Natatakot ako na kapag ginawa ko ang gusto ko tulad ng sinabi nya, sya naman ang mawawala sakin, mahal na mahal ko sya at ayokong mangyari yon."
Napangiti ako dahil sa sinabi nya, may kinatatakutan din pala ang taong katulad nya.
"You know kuya, one thing I admire about you is that you make decisions boldly, you don't hesitate to decide and you don't fear the danger it will cause. You have a clear vision in mind, you gained respect and trust from others because you encourage them to do and to be the best. You are a bold leader just like your name Konrad. Kapag hindi mo pa tinapos ang dapat tapusin mag papatuloy lang ang pag hihirap mo kuya, gawin mo ang alam mong mas makabubuti sa nakararami, saka mo na isipin ang iba pang mangyayari, just do what you usually do."
Pag kasabi ko sa kanya non ay hindi sya sumagot kaya tumayo na ako at aalis na sana kaso bigla nya akong hinila at niyakap nung makatayo rin sya.
"Thank you,"
Bumitaw sya sa pag kakayakap sakin at nag tungo na sa may pintuan,
"Where are you going?"
Humarap sya sakin pero hindi sya sumagot at binigyan nya lang ako ng isang ngiti bago umalis, isang ngiti na ngayon ko nalang ulit nakita, isang ngiti na punong puno ng sincerity.