DARCY DEL JACINTO
'Tatlo sila?! ' yan yung paulit-ulit kong itinatanong sa sarili ko. Pero napakaimposible naman kasi nun. Baka namamalik-mata lang ako kanina o kaya baka dala ng inis ko sa kanya nakakakita na ako ng kung anu-ano.
Gabi na at kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko. Nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko at nakita ko yung mga star na nakaguhit dito. Ito yung ginawa nina Mama at Papa para sa'kin noong magkasama pa sila. Naalala ko nanaman tuloy yung mga araw na masasaya kaming apat nina Mama, Papa at Kuya.
Biglaan akong nalungkot sa mga nalala ko."I miss you Papa." Bulong ko sa sarili ko habang nakayakap ako ng mahigpit sa isa sa mga unan ko. Hindi ko napansin na may mga luha na pala na bumababa galing sa'king mga mata. Basang-basa ang unan ko sa dami ng luha na inilabas ko.
Maya-maya pa ay nag-ring yung phone ko.Sinilip ko para tignan sino ang tumatawag at 'Unknown Number' lang ang nakalagay. Kinuha ko yung phone ko, inilapat sa aking tenga at sinagot. "Hello? Sino po ito? "
"Uy Frenny mabuti sumagot ka!" Masigla niyang bati sa kabilang linya.
'Si Guine? Eh paano,saan at kanino niya nakuha yung number ko' tanong ko sa sarili ko. "Hi Guine, saan mo nakuha number ko? " Pagtataka kong tanong sa kanya.
Naririnig ko yung tawa niya sa kabilang linya,yung tawa bang parang may masamang balak. "Sa Kuya mo. "
"Sa Kuya ko?" Gulat kong tanong. Bakit naman ibibigay ni Kuya yung number ko sa taong hindi pa niya nakikilala? At saka paano niya kilala si Kuya?
"Yup. Nakita ko siya kaninang nakatambay sa school canteen nung pauwi na'ko. " Paliwanag niya.
Pero kung nasa canteen si Kuya kanina ibig sabihin wala siya sa PE class niya at ibig sabihin din nun na nag cutting class siya. Nakakainis naman yung mokong na yun, pinag-antay pa'ko ng halos kalahating oras tapos nakatambay lang pala siya sa canteen.
Isa ko pang ipinagtataka ay paano nalaman ni Guine na magkapatid kami ni Kuya Daryl? Kinakain na'ko ng curiosity ko kaya tinanong ko na lang. "Ah Frenny, paano mo nalaman na kapatid ko si Kuya Daryl? "
"Ano ka ba Fren, sikat yung Kuya mo sa basketball. Siya yung laging MVP sa team ng school na pinanggalingan mo." Sagot niya pero hindi pa rin nun sinasagot yung tanong ko na kung paano niya nalaman na magkapatid kami. "Since sikat yung Kuya mo, kilalang-kilala yung pangalan niya na Daryl Del Jacinto, hindi ba't parehas kayong may D-A-R sa pangalan niyo at parehas pa kayo Del Jacinto ang apelyido. Hindi pa ba obvious na related kayo sa isa't isa?" Dagdag pa niya.
May point nanaman si Guine dun. Obvious naman sa pangalan pa lang namin ay magkapatid na kami.Iisipin nga ng iba na pang-kambal yung pangalan namin. "Ah ganun? So bakit ka napatawag Fren? "Wala na'kong ibang masabi kaya nagtanong na lang ako.
"Wala lang,gusto lang kita mas lalong makilala. " Pa-cute na sabi niya.
Natouch naman ako sa sinabi niya. Wala na talaga akong ipinagtataka kung bakit ko siya naging ganun kagaan ang pakiramdam ko sa kanya kanina. "Eto naman wag kang ganyan, kung lalaki lang ako baka niligawan na kita kanina pa. " Pagbibiro ko sa kanya.
Natawa naman siya sa sinabi ko. "Ay oo nga pala Fren may naalala ako!"
"Ano yun? " Pagtataka kong tanong sa kanya.
"Bukas di'ba yung P.E. natin? " Tanong nito.
Agad ko namang sinagot na, "Oo, bakit? "
"Kasi nalaman ko kanina na pagsasamahin daw yung Sections HE-A, HE-B at HE-C sa klase sa gym. " Paliwanag niya na ikinagulat ko.
Bumangon na'ko sa pagkakahiga at naupo na lamang sa kama ko habang hawak pa rin yung unan na iniyakan ko. "Huh? Pwede ba yun? "
"Ay hindi hindi joke lang yun. " Sarkastiko niyang pagkakasabi. "Mangyayare na nga bukas eh. Saka Fren kailangan daw may groups of 3 tayo kasi yung tatlong yun ang magsasama-sama para sa mga activities at exercises." Dagdag na paliwanag niya. "Since dalawa na tayo maghahanap pa tayo ng isa. "
"Sino naman yung gusto mong makasama natin? "
"Ayaw mo ba dun sa gwapong Brex na nakaupo sa likod? " Tanong niya na ikinabigla ko kasi out of all our classmates yun pa yung naisip niyang isama.
Nakasimangot ako habang kinakausap si Guine kasi alam ko namang hindi din naman niya ako makikita. "Sa kanya mo itanong yan, bahala na lang kung ayaw niya. " Medyo mataray kong pagkakasabi.
"Uy si Frenny may gusto kay nerdy gwapo! " Pang-aasar nito sa'kin.
Napairap na lang tuloy ako sa sinabi niya. "No way! " Yun lang ang tangi kong sinagot.Naririnig ko nanamang tumatawa si Guine sa kabilang linya kaya napapout ako sa inis. "Hate ko yung mga ganung klaseng lalaki. "
"Well, the more you hate the more you love. " Sabi niya at sinabayan nanaman ito ng isang napakalakas na halakhak.
Napapadalawang isip tuloy ako kay Guine kasi kanina pa nang-aasar. Pero ganun naman talaga yung tunay na magkakaibigan,nag-aasaran.
"Anyways Fren Goodnight na." Pagpapaalam niya sa'kin.
"Goodnight Fren, sweet dreams and see you tomorrow." Bawi kong pamamaalam sa kanya.
In-end na ni Guine ang tawag at ako naman unti-unti na'kong dinadapuan ng antok. Maya-maya ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
***
"Hoy Darce Gising! " Eto nanaman tayo e. "Darcy...Gising na...." Pilit na panggigising nito sa'kin. Naramdaman ko ang nakalapat niyang kamay sa balikat ko at inaabangan ang susunod niyang gagawin.
At nangyari nga ang inaasahan ko. Niyuyugyog nanaman ako ng mokong na yun. Binigla ko ang pagbangon ko dahilan para mauntog ako sa kanya.
Hindi ko ininda yung sakit ng pagkakaumpog ko kay Kuya kasi mas nangibabaw yung pagkainis ko sa kanya. "Kuya naman e, kahit kailan talaga panira ka ng tulog. " Pagrereklamo ko dito at ibinato ko sa kanya ang unan ko na may design na Cinderella at sabay tumalikod sa kanya.
Tinawanan lang ako ni Kuya,dahilan para mas lalo akong mainis sa kanya. "Bumangon ka na nga dyan,may P.E. kayo ngayun kay Sir Zack diba? "
Hinarap ko siya ng naka kibit-balikat. "Oo Bakit? " masungit kong pagsagot sa Kuya kong baliw.
"Kahapon kasi nagalit yun kasi nalate kami ng 5 minutes sa klase niya.Lagot ka pag yun nagalit sayo.Nako!" Babala ni Kuya sa'kin.
Tumayo na'ko at kinuha yung twalya ko sa closet at tinungo ang daan palabas ng kwarto ko sabay sinarahan ko ng pinto si Kuya. Medyo natawa ako sa ginawa ko.
Kahit na ganun kami kalakas mag-asaran ni Kuya ay alam kong mahal na mahal ako nun at ganun din ako sa kanya. Kahit na mokong yung isang yun ay love na love ko yun at walang ibang tao ang makakatanggal nun sa'min.
***
Nakadating na kami ni Kuya sa labas ng school campus at bumaba na'ko mula sa asul na kotse namin. "Bye na mokong mauuna na'ko. " Paalam ko sa Kuya ko at naglakad na patungo sa school gym.
Medyo may kalayuan ang lalakarin mula sa main buildings patungo sa gym.Madami din kasing facilities sa school namin tulad ng greenhouse, mini-theatre, computer laboratory at iba pa.
Maraming estudyante ang papatungo din sa gym tulad ko. Mga estudyante siguro sila sa HE-B or HE-C. Lahat naman sila ay nakasuot ng P.E. uniform namin na may school logo sa gitna at sa likod nito naka-imprenta ang school year namin.
Bigla akong may maramdaman na humawak sa'kin. Tinignan ko kung sino ito at nakita ko ang kaibigan kong si Guine na may masiglang ngiti sa kanyang mukha. "Hello Frenny." Bungad na bati nito.
"Hello din sa kalog kong kaibian. " Nginitian ko siya at binunot ko sa bulsa ko ang isang pack ng chewing gum at iniabot ko sa kanya.Kumuha siya ng isa at sinimulan na itong nguyain. Naupo kami sa isang bench na nasa ilalim ng isang malaking puno ng mangga.
"So Frenny, napag-isipan mo na ba sino ang isasama natin para sa trio na activity? " Tanong niya habang patuloy na nginunguya ang chewing gum na ibinigay ko.
Napakamot ako sa ulo ko at sinabing, "Hindi pa nga eh. "
Napapout ng muka si Guine at nag kibit-balikat. "Ayaw mo kasi kay Kuya gwapo nerd. " Pacute na sabi nito.
Natawa naman ako sa inaasal ni Guine. Para siyang bata na hindi napagbigyan sa gusto niyang gawin. Hindi nagtagal ay napansin ni Guine na tinatawanan ko siya at napatanong, "Anong nakakatawa? Huhu. " Tanong neto sabay nagkukunwaring umiiyak.
"Wala lang,kasi nakakatawa yung mukha mo pag nagpapacute. " Natatawa kong sabi dito. "Tapos napansin ko din na puro si Brix yung binabanggit mo, siguro may gusto ka dun no? " Pangangantsaw ko kay Guine na dahilan para magpa-baby face sa'kin.
"A-Ah wala kaya! " Nauutal nitong pagtanggi. "Baka nga ikaw yung may gusto dun e. " Pagbabalik niya ng asar sa'kin.
Binigyan ko siya ng isang nang-aasar na ngiti, "Aysus tatanggi ka pa. Pwede mo naman sabihin sa'kin yung totoo. " Pagtuloy ko ng pangangantsaw sa kanya sabay marahang sinisiko ang braso niya.
Inirapan ako nito at bakas na bakas sa mukha niya ang pamumula. Agad niyang hinawakan ang mga pisngi niya at naramdaman niya siguro na nag-iinit ang mga ito dahilan para mas lalo pa siyang mamula sa hiya.
Maya-maya'y nakita ko ang isang lalaki na papalapit sa'min at kasama niya si Brix. "Mauna na'ko sayo pre, sumasama kasi yung pakiramdam ko dito. " Pagpaparinig nito.
At alam kong ako ang pinariringgan nung bipolar na yun.Kung meron mang dapat sumama ang pakiramdam dito,ako yun. Nakakasama ng pakiramdam yung makita yung pagmumukha niya. Nakakainis, siya pa yung may ganang magparinig.
Tumango na lang ang kasama niyang lalaki at umalis na rin sa wakas yung bipolar. "Wag niyo na lang pansinin yun si Brax, bad boy kasi eh. " saad niya ng nakangiti.
'Teka Brax?' Tanong ko sa sarili ko. Kahapon ang banggit ni Miss Q,Brex. Tapos ang pakilala niya sakin ay Brix. Ano ba talaga pangalan niya?
Bakit ko pa nga ba siya iniisip eh galit nga ako sa kanya. Wala na akong pake kung Baliw o Bingot pa yung pangalan niya.
Napansin siguro ni Guine na malayo na naman yung iniisip ko kaya siya na lang ang sumagot sa lalaki. "Walang problema yun, etong kasama ko lang naman yung naiilang sa kaibigan mo." Pang-aasar nanaman ni Guine sa'kin.
Tinitigan ko siya ng masama at nagkibit-balikat. Pinagtawanan lang ako nung dalawang yun.
"Ako nga pala si Lewis Villaflor, kaklase niyo din ako sa HE-A." Pagpapakilala nito. "Wag na kayong magpakilala sa'kin I already know both of you. Darcy and Guinevere." dagdag niya.
Katulad ko ay nagtataka din si Guine kasi hindi pa namin siya nakita kahapon."Weh kaklase ka namin? Eh bakit hind kita nakita nung nag introduce yourself kahapon. " Takang tanong niya sabay tinaasan ng kilay.
"A-Ano kasi e. Nagcutting ako kahapon para hindi ako makapag introduce. " Natatawang sagot neto at napahawak sa batok niya.
Hindi makapaniwala si Guine sa sinabi ni Lewis.Ako naman, wala na'kong pake kasi parang normal na din yun sa ibang High School student.
"Buang ka!First day na first day nagcutting ka agad. " Sagot ni Guine sabay binatukan si Lewis. Walang pake si Guine kahit ngayun lang sila nagkakilala.
Nagulat si Lewis sa ginawa ng kaibigan ko at ako naman natatawa na lang sa kanilang dalawa. Natawa na lang din si Lewis. "Baliw tong babaeng to ah,sakit mambatok. May lahing Mulan ka ba?"
Napaisip naman si Guine sa sinabi niya. "Anong pinagsasabi mo dyan? Anong lahing-Mulan. "
"Ano ba yan, ambobo naman. Kababae mong tao hindi mo kilala si Mulan.Lahing-Mulan ka kasi babae ka tapos may pagkamaangas kang dating. " Sagot neto kay Guine.
Biglang tumalas yung pagkakatitig ni Guine kay Lewis. Sa sobrang tulis akala mo mahihiwa ka sa sobrang talas ng pagkakatingin niya. "Nabobo pa nga. " inis na sabi nito sabay pinaghahampas si Lewis sa balikat.
Nagaacting si Lewis na kunware nasasaktan siya sa ginagawa ni Guine kahit hindi. "Aray ko, aray. " Boses bata niyang pagkakasabi. "May lahing Mulan ka talaga. " Pang-aasar nanaman nito sa kanya.
Tinigilan na ni Guine ang paghahampas kay Lewis at inirapan siya tsaka tumalikod. "Ano bang kailangan mo sa'min ha? " Inis na tanong niya.
Medyo natatawa pa rin siya kay Fren pero sumagot din. "Gusto ko sanang tanungin kayo kung pwede ko ba kayo makasama sa grupo ng P.E."
Agad-agad naman akong tumango. "Oo naman." Nakangiti kong tugon sa kanya.
Tinilakod kami ni Guine at sa mga mata niya nakikita ko na hindi siya pumapayag. "Hindi pwede!" sigaw ni Guine.
Nilapitan siya ni Lewis at hinawakan sa magkabilang balikat. "Sige na po Guine, please. " Pagmamakaawa nito at tinignan siya na may baby eyes.
Tinignan ako ni Guine at ginamit niya ang mga mata niya para ituro si Lewis.Alam ko na ano ang gusto niyang ipahiwatig at tinanguan ko na lang siya bilang pag-oo sa kanya.
"Fine, fine, fine." Pagsang-ayon na din niya sa wakas. "Pero hindi ko to ginawa para sayo. Ginawa ko to para kay Frenny. " Sabay turo sa kanya gamit ang hintuturo niya.
Tuwang-tuwa naman si Lewis na akala mo bata na nanalo ng stuff toy sa perya. "Thank you,Thank you. " Pagpapasalamat nito sabay niyakap si Guine.
Agad naman niyang tinanggal ang kamay ni Lewis sa pagkakayakap sa kanya. "Don't touch me! " Maarte niyang pagkakasabi.
Natawa na lang kami sa kanya. Napasilip ako sa oras ko at...
Ihinarap ko sa kanilang dalawa ang cellphone ko para makita nila ang oras. "Late na tayo ng 5 minites! " Natataranta kong pagkakasabi.
Nakita ko na medyo kinakabahan na din sila kaya walang salitang tumayo kami ni Guine sa pagkakaupo at tumakbo na kami papuntang gym.
Naalala ko tuloy bigla yung sinabi ni Kuya kanina.Ano kaya yung ipaparusa sa'min ni Sir Zack? Ipapagpush-up kaya kami ng isang-daang beses? Papalinisin kaya niya kami ng inidoro ng school? Or maybe worst, baka ipatalsik niya kami sa school.
Natataranta na'ko hanggang sa marating namin ang double door ng gym. Walang pagaalinlangang binuksan ko yun ng malakas dahilan para magingay ito. Nakita ko ang isang lalaking teacher na nagsisimula na yatang magdiscuss at mga kaklase namin kasama pa ang ibang estudyante na sa pagkakaalam ko ay ang sections HE-B at HE-C.
Dahan-dahan kaming tatlo na lumapit kay Sir Zack ng nakatungo. Alam ko kasi na sobra siyang magagalit dahil late kami. "Oh, so the three of you must be Ms. Bartolome, Del Jacinto and Mr. Villaflor? "
Tumango lamang kami at hindi na tinignan pa sa mata ang guro. Nakita ko din na pinagtitinginan kami ng mga kaklase namin at iba pang mga estudyante.
"Well since it's your first day sa'kin, Hindi ko masyadong palalain ang parusa niyo. " Wala pa ring umiimik sa'ming tatlo at inaantay kung ano pa ang sasabihin ni Sir Zack. "I want you to find the Argustin's then bring them here to me. " Medyo gumaan yung pakiramdam ko nung malaman kong papahanapin lang niya kami ng estudyante. "Then after all your class, the 6 of you will be having a 1 hour detention in my faculty."
Napaangat ang ulo ko sa sinabi ni Sir,dahilan para makita ko siya mata sa mata. Nakadikit ang dalawa niyang kamay sa bewang niya at magkadikit ang dalawa niyang mga kilay. Nakakatakot siya bilang isang guro.
"Now go! And I'll see you later in detention. " Galit na pagkakasabi nito at tumingala na din ang dalawa at tinungo na namin ang daan palabas.
"Grabe yun Fren, nakakatakot magalit si Sir. " Nangnginig na sabi ni Guine.
Pumunta sa gitna namin si Lewis at inilapit sa mga ulo namin ang ulo niya na para bang may ibubulong. "Bakla kasi yun." Natatawa niyang sabi at tinignan namin siya pareho ni Guine.
Natawa na lang din kami sa sinabi niya at patuloy na nilalakad ang mahabang hallway.
Nakalimutan ko kung sino ang pinapahanap ni Sir sa'min kaya tinanong ko sila. "Sino nga pala ang hahanapin natin? "
Hinarap ako ni Lewis at ipinatong ang kamay niya sa kaliwa kong balikat. "Yung mga Argustin. "
"Sino naman yun? " tanong ko ulit.
"Hindi mo na ba agad kilala yung lalaki na kasama ko kanina. Si Brax Argustin yun. " saad niya.
Narinig ko nanaman yung bwiset na pangalan nung Brix, Brax, Brex na yun. Papalit-palit na nga ng ugali. Pati pangalan paiba-iba din.
Medyo matatagalan yata kami sa paghahanap sa Brix na yun kasi sa sobrang laki ng school kaya nakaisip ako ng plano. "Maghiwa-hiwalay tayo sa paghahanap para mas mabilis natin siyang mahahanap. "
Tumango na lang yung dalawa bilang pagsang-ayon sa plano ko. "Ako na magchecheck sa greenhouse tsaka sa tyatro. " pagpresenta ni Lewis.
"Ako na dun sa dalawang main building. Baka kasi nasa room lang din siya. " saad ni Guine.
"Sige sige,ako na pupunta sa mga locker rooms." At dun ay naghiwa-hiwalay na kami.
Pumunta ako sa locker room ng mga babae para silipin yun. Walang katao-tao at narealize ko. "Bakit naman ako dito sa locker room ng babae nagchecheck eh lalaki ang hinahanap ko. " napa-facepalm ako sa katangahan ko.
Lumabas ako mula sa girls locker room at nakita ko sa tapat nito ang isa pang double door na may sign sa itaas na nagsasabing 'Boys Locker Room'. Mabuti na lamang at nasa tapat lang yun kasi napapagod na'ko kakahanap sa kanya.
Binuksan ko ang double door ng kwarto at nagulat ako sa nakita ko.
"Isa, Dalawa, Tatlo? "
Tatlong Brix ang nakikita ko! Confused pa'rin akong nakatingin sa kanila,tinitignan ko kung totoo ba itong nakita ko. Nakatingin din sila sa'kin na parang nakakita ng multo.
Medyo nahilo ako sa nakita ko,bumagsak ako sa sahig at hinimatay.
Nagising na lang ako sa isang kwarto na may ilaw na nasa ibabaw ko. Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama at nakita ko nanaman sila. Yung isa nakaupo sa tabi ko, yung isa kalmadong nakikinig sa tugtog habang nakatingin sa'kin, yung isa naman nakasandal sa pader.
"Panaginip lang ito, panaginip lang ito. " paulit-ulit kong sabi sa sarili ko at sinasampal ko ang sarili ko ng malakas. Nung naramdaman ko yung sakit ng pagsampal ko dun ko napagtanto na hindi pala ito panaginip.
"Hindi ka nananaginip. " sabi nung isa sa mga Brix.
"Darcy,all you're seeing is real. Triplets kami. Ako si Brix, yung nakaupo dun si Brex at yung nakasandal si Brax. " Paliwanag niya sa'kin.
"Triplets pala sila!? "