"Seyah, nandito kami sa mall malapit sa venue. We'll wait you here."
"Okay! Sige" pinatay ko na ang tawag at saka tinawag si Kyla.
"Kyla, ikaw na ang bahala dito ah?"
"Sige po, Madame CEO"
"Mag off ko narin for 1week. You deserve it. Spend time with your family and so on." I smiled.
"Pero madam--"
"Don't worry! May nakausap na ako para sa subtitute mo...and here" inabot ko ang sobre na may laman na pera.
"Treat your family. Ang dami mo ng nagawa saakin nung nasa europe tayo kaya alam kong deserve ka." unting-unting ngumiti sya at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Trabaho ko po iyon pero maraming salamat talaga dito at sa off na binigay nyo, Madame CEO." I smiled.
Kung naalala nyo, noon na intern pa ako nakakasama ko na si Kyla at nang maging CEO ako, sya ang pinili ko maging secretary.
Palabas palang ako ng venue ng tumawag si Tash.
"Papunta na a--"
"Seyah, si Xette..."
Agad ako nakaramdam ng kaba ng banggitin nha ang pangalan ng anak ko.
"Anong nangyari?"
"N-nawawala sya. Sor--" I end the call at binilisan tumakbo sa mall kahit naka heels ako.
*BEEP*
"HOY!"
Ang daming bumusina sa biglaan kong pagtawid pero hindi ko na iyon pinansin.
Agad ako lumapit kila Tashana ng makita ko sila at wala si Xette.
"Seyah" nanginginig nyamg banggit.
"Pinacheck mo na ba sa CCTV?"
"Oo, chinecheck parin nila. Naghahanap narin ang security."
"Bakit ba kasi naisipan mo dalhin ang mga bata dito?" hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Tumulong narin ako maghanap kay Xette, iniwan ko muna sila Tash sa security office.
"Miss may napansin ba kayong bata ma ganito ang itsura?" pinakita ko yung photo.
"Wala eh" tumango ako.
Nasapo ko na ang noo ko sa pag aalala. Pinipigilan ko ang sarili ko na maiyak. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa anak ko.
Natigil ako ng may marinig akong iyak ng bata. Sinundan ko iyon. At nakita ko na may batang nakaupo sa sulok na umiiyak.
"Xette" agad ko ito niyakap.
"Shush, baby. What happened?"
"I saw daddy. Sinundan ko sya pero hindi ko na nakita" He sniff. Nakaramdam ako bigla ng awa.
"Daddy is in the hospital, remember? Maybe it's not your daddy"
"Maybe. I'm sorry mommy" He cried.
"Sorry talaga, Seyah."
"Wala yon. Basta wag na maulit."
"Oo, promise inday. Kinabahan ako, kala mo dito na mag end ang friendship natin."
"Sige na. Mag ingat ka umuwi. Ako na bahala dito." sabi ko sakanya at ngumiti sya. Nagpaalam narin sya sa mga bata.
Habang nagdadrive ako pauwi, tumawag si mommy.
"Yes po?"
(Hija, kasama mo ba ang mga bata)
"MAMITA!" Sabay bigkas ng mga bata.
"Hi, kids. I miss you all"
"I miss you too, mamita" pareho-pareho nilang sabi.
(Hija, gusto ni papa na dito kayo maghapunan)
"Pero mommy, alam naman natin na hindi nila pwede makita sya. Ayok--"
(Wala sya dito, ang totoo nyan.... Pupunta syang Lucena)
Wala na ako nagawa. Mapilit si mommy at mga anak ko, kaya sa bahay ng sullivan na ako dumiretso.
"MGA APO" Sinalubong mga yakap ng mga anak ko ang kaninalang Mamita, Papita at Grandpa.
Mas masaya sana kung kumpleto kami.
"Omg! Mga pamangkin. Hi, ate Seyah"
"Hi, Xanayah." nakipag beso ako bago sya umupo sa upuan nya.
Napuno ng tawanan ang hapag kainan dahil sa mga bata. Maging si granpa ay sumisigla sa ginagawa ng mga bata.
"Promise me, mommy na hindi nila makikita ang daddy nila. Ayokong masaktan sila dahil lang sa hindi sila makilala bilang anak."
Si daddy na ang nagsalita. "Oo, hija. Makakaasa ka. Pasensya ulit." tumango ako at umalis na.
Iniwan ko muna ang mga bata sakanila. Marami rin ako aasikasuhin na papeles sa office.
"Ito na ba yung papers para sa itatayong building sa manila?"
"Yes, CEO. Naghihintay narin po sa site si Architect Sullivan and Engineer Fernandez."
"Sullivan?"
"Yes, CEO. Architect Xeno Sullivan."
Namilog ang mata ko sa sinabi ng sekretarya ko. Akala ko ba nasa Lucena sya?
Agad ko kinontak si mommy pero walang nasagot hanggang sa makarating kami sa site.
I saw Primo. Sobrang gumwapo sya at tumindig ang katawan. Hays tama na nga.
"Engineer Fernandez" I act like I didn't know him na ngayon lamg kami nagkita pero bakas sakanya na parang nag aalala saakin pero binigyan ko lang sya ng ngiti.
Lumingon ako kay Xeno para makipagkamay. Professionalism
"Nice meeting you, Mister Sullivan." tinanguan nya lang ako at kunot ang noo nya. Malayo sa Xenong nakasalubong ko.
Inexplain saakin ni Primo ang lahat ng mangyayari pero sa kalagitnaan non ay natigil kami ng makita namin na may sinisigawan si Xeno.
"I guess, alam mo na ang nangyari sakanya."
"Oo, ganyan ba sya lagi?"
"Yeah! He have a short temper. It's hard right? Nalaman kong may tatlo kayong anak." tumango ako.
"They didn't know about what happened to their father. Masasaktan lang sila" malungkot kong saad.
Nang matapos kami makapag usap, dumaan muna ako sa office tapos dumiretso ako sa bahay nila mommy para kunin ang mga bata dahil wala si Xeno sa Lucena.
Pagpasok ko palang ng gate, sinalubong ako ng mga bata na kakagaling lang sa kabilang bahay pero nangunot ang noo ko ng may makitang ako ng sugat.
"Anong nangyari dito?" tanong ko kay Xuwer. Chineck ko rin kung may sugat si Xette at Sevi. Meron din at namumula ito.
"Who did this? Tell me" ayaw sumagot ng mga bata kaya ang yaya nalang nito.
"Si Ma'am Alison po ang may gawa. Pasensya na po, hindi ko po nap---"
"Nasan sya?"
"Kasama po ni sir sa kwarto"
Agad ako nagtungo sa paakyat sa kwarto ni Xeno. Bawat hakbang ko, ang bigat ng pakiramdam ko. Ipinapagdasal ko na sana mali ang iniisip ko pag nakita sila.
Huminga ako ng malalim ng buksan ko ang pinto nasa ay hindi ko na binuksan pero mas nanaig ang pagiging ina ko.
"Paistorbo!"
Kaagad ko hinila si Alison mula sa kama at sinampal ito saka tindyakan. Nakita ko ang pag ngiwi nya sa sakit.
"AHH!"
"WHAT THE HELL ARE YOU DOING?"
Dinaklot ni Xeno ang kwelyo ko, nginitian ko lang sya ng nakakaloko.
"Isa ka pa." buong pwersa ko sya tinulak.
Lumapit ako ulit kay Alison habang prenteng nakahawak sa bulsa.
"Inuubos mo talaga pasensya ko no? Hinayaan na nga kita muna dumikit sa asawa ko pero pati ba naman anak ko, di mo pinalagpas?" dinaklot ko ang damit nya.
"O, baka naman gusto mo humimas na ng rehas? Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi kita nireport sa mga pulis. Gosh!" nakaramdam nanaman ako ng kulo sa dugo kaya sinampal-sampal ito ng paulit ulit hanggang sa maramdaman kong may humila saakin at tulakin ako.
Napangiwi ako ng tumama ang braso ko sa matulis na bagay kaya nagdugo ito. Masamang tinignan ko sya sa kanyang mata habang mahigpit ang pagkakahawak nya sa kwelyo ko.
"Hindi mo ba talaga ako maalala, Xeno?" lumabas na ang mga luha sa mata ko.
"Hanggang kailan mo ba ako hindi maaalala? AKO TO, SI SEYAH, ANG ASAWA MO! MAY ANAK TAYO XENO!" naramdaman ko ang pagluwag ng hawak nya.
"I don't know what you talking about."
Napahalakhak ako. "Paano mo nga naman maiintindihan, may amnesia ka. We had an car accident 5years ago." Dahan-dahan ako napabagsak sa sahig.
"Commatose ka almost 5years, right? I guess, alam mong na comma ka"
"You bitch. Shut up!" susugudin sana ako ni Alison ng pigilan sya ni Xeno.
"Get out! Hindi ko alam ang pinagsasabi mo."
"Sige pero tandaan mo lahat ng sinabi ko.." tumingin ako kay Alison
"Sa susunod na bigyan mo pa ako dahilan na tulad ng ganito, mag aagaw buhay kana."
Pagkalabas ko ng pinto, nasalubong ko ang magulang ni Xeno.
"Alam nyo po ba na pumupunta dito si Alison?" napayuko sila ng sabay. Nadismaya nanaman ako at kailangan ko intindihin.
Tumakbo ako pababa para kunin ang mga bata.
"Mom, why are you crying?"
"Napuwing lang ako nak." hanggang sa makarating kami ng hotel, tahimik ang mga bata.
"Goodnight to my princes. Sweet dream" they hugged me and kissed me.
"Mom, everything is gonna be fine." Sevi.
"He's right. Rest yourself from negativity" Xette.
"If you feel tired, you can rest mom. Problem is temporary." Xuwer.
Napangiti ako sa mga sinabi nila. "Kayo talaga, lalo nyo pinapaiyak ang mommy."
"Mommy!" sabay nilang bigkas. Pumasok narin sila sa kwarto nila at ito ako, sinunod ko nalang ang sinabi ng anak ko.
The next day...
"I'm the wife of Xeno Cy Sullivan." nakipagkamay saakin ang doctor na may hawal kay Xeno noon.
"Doctor Chua. What can I do for you? Xeno is okay? Bumalik na ba ang memorya nya?" agad ako pinangunutan ng noo ng sabihin iyon.
"Anong ibig nyo pong sabihin?"
"What I mean is, bumalik na ba ang memorya nya? It's been 8months. So, I expecting na okay na sya."
"8 months? I-im sorry, doc. Wala kasi ako dito ng mga panahon na comma ang asawa ko. About his case dapat ba bumalik na ang memorya nya? Pero hindi pa doc" namuo ang gulat ng doctor sa sinabi nya.
This can't be.