The Orions

By MataNgJelRi

10K 678 201

If Samson has Delilah and Superman has kryptonite.. I, Kaori Vega Orion has Jillian Estella Portia. THIS IS A... More

INTRODUCTION
1
2
3
4
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21

5

408 34 7
By MataNgJelRi

Ilang araw din ang lumipas ng hindi nagpapakita sa akin si Kaori. Mabuti din yun dahil di ko masikmura ang makita siya.

Sa Mansion ng Orion pa rin ako nakatira. May driver siya na kinuha para maghatid sundo sa akin. Si Kuya Miranda. Mabait si Kuya kaya kahit gusto ko siyang takasan ay di ko magawa dahil siguradong siya ang mananagot kay Kaori.

Hindi rin ako pinabayaan ng mga kasambahay nila. Masasarap na pagkain hinahanda nila palagi para sa akin.

Hindi ko rin nakikita si Kurt. Balita ko ay na-Ospital daw ito dahil sa bugbog na natamo nya. Gustohin ko mang dalawin siya ay mahigpit na pinagbawal kay Kuya Miranda na palapitin ako kay Kurt.

"Ashley!!" masayang bati ko kay Ash ng makita ko siyang pumasok ulit sa klase namin..

"Estella!" nakangiti siyang lumapit sakin..

"Bakit ngayon ka lang ulit nagpakita sakin?" kakamot kamot naman sya sa batok nya

"Pinalipat ni Vega schedule ko.."

"Baliw talaga yun!" di ko mapigilang komento.. Naiinis pa rin ako sa kanya

Tinitigan naman ako ni Ashley na parang di makapaniwala sa sinabi ko..

"Di mo naman paparating sa kanya na sinabihan ko syang baliw diba?" natatawa naman siyang tumango.

"Pero mabait yun si Vega." pagtatanggol nya sa pinsan nya

"Saan banda dun? Sinaktan ako nun." napabuntong hininga naman sya

"May pagka bayolente lang yun pero mabait naman yun at maalaga. Baka nahihiya lang sayo kaya di nya alam paano ka ita-trato." nahiya pa sya sa lagay na yun? Tsk

Pero sa totoo lang kahit naiinis ako sa kanya.. Namimiss ko siya.
Ewan ko ba nababaliw na rin ata ako at hinahanap hanap ko nakakatakot nyang boses.

"Sinaktan ka ba nya Ash? Nung huli nating kita binulyawan ka niya.." nag-aalala kong tanong

"Hindi naman. Sumunod naman agad ako sa kanya. Yun lang naman gusto nya, basta susundin mo siya wala kayong magiging problema" napabuntong hininga naman ako..

"Anong mga alam mo tungkol kay Kaori?"

"Malihim siya. Ang alam ko kasama sya sa trahedya ng namatay ang mga magulang nya pero di namin yun napag-uusapan dahil nagka-Trauma dahil dun si Vega. Tsaka matagal niya ng sinasabi na may crush daw sya na taga Orion, di niya lang nilalapitan kasi daw nahihiya siya. Nagpapatulong nga siya kay Lyra kung paano lalapitan iyon kaso wala naman ata siyang sinunod sa sinabi ni Lyra.." medyo nakaramdam ako ng selos ng malaman kong may matagal na palang crush si Kaori dito sa Orion. Sino naman kaya yun?

"Kilala mo sino Crush nya?" tinignan naman ako ni Ashley na parang di makapaniwala..

"Seriously?! Hindi pa ba halata?" nilahad ni Ashley sa harap ko ang kanyang kamay at winasiwas sa muka ko..

"Ikaw yun. Ikaw lang po Jillian Estella Portia."

Nanlaki ang mata ko na di makapaniwala. Talaga ba? Ako? Di naman nagtatagpo landas namin dito sa University. Paanong ako?

Naputolbang pag-iisip ko ng makarinig kami ng tilian sa labas ng classroom.
Nakaramdam ako ng pananabik.

The Orions

Sumilip si Ash sa pinanggalingan ng tili. Pasimple din akong sumilip pero nadismaya lang ako..

Wala dun ang taong hinahanap ng mata ko..

"Nasaan si Vega?" takang tanong sakin ni Ashley na kahit ako di ko alam.

Lumagpas lang sa gawi namin si Carina at Kyzha..

Muli kaming pumasok sa loob ng room.

Bakit kaya di nagpapakita sakin iyon?

"Nakakapagtakang di nila kasama si Vega" ani ni Ashley na tinitigan ko lang

Hanggang maka-uwi ay yun ang tumatakbo sa isip ko..

"Kuya Miranda" mahinang tawag ko sa driver..

"Bakit po Master?"

"N-nakita nyo po ba si K-kaori?" nahihiya kong tanong dito

"Si Master Vega? Ang sabi po ay mataas ang lagnat." nagkakasakit pala mga demonyo?

Pero nakaramdam ako ng konting awa sa narinig ko..

Pagbaba namin sa sasakyan ay agad akong sinalubong nila aling Celeste. Ang mayor doma dito..

"Master Estella." nakayukong salubong nito na yumuko din ako..

"Bakit po? Anong problema?" nag-aalalang tanong ko dahil halatang may pinoproblema ito.

"Si Master Vega po, ayaw kumain." edi, hayaan nyo mamatay. Kakain din yun kapag nagutom.

Gusto ko sanang iyon ang isagot ngunit bakas sa muka nito ang pag-aalala..

"Baka po sa inyo sumunod siya.. Ayaw nya rin magpahawak sa amin kaya di namin siya maasikaso" hays, kahit kelan pasaway.

"Sige po, ako ng bahala sa kanya.. Magbibihis lang ako" paalam ko kay Aling Celeste at ngumiti naman ito.

Pagkatapos magbihis ay agad kong pinuntahan si Kaori.
Nakita kong nanginginig sya sa lamig kaya agad kong pinatay ang aircon.

Nilalamig na siya di pa rin pinapatay ang Aircon

"Wag nyong patayin ang Aircon!" matigas na utos nito kahit nahihirapan na magsalita..

Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
Naupo ako sa tabi ng kama nya at kinapa ang noo nya.

Marahas nyang hinampas ang kamay ko ng di minumulat ang mata.

"Look at you.. Nanghihina ka na nagmamatigas ka pa rin" sa sinabi ko ay napadilat siya ng mata..

"Jelay.." mahina at nahihirapang tawag nya sa akin..

Akmang tatayo ako para kumuha ng bimpo at planggana ng hawakan niya pulsohan ko..

"Dito ka lang" nakapikit na saad nya

"Babalik ako. Kukuha lang ako ng pamlinis sa yo" umiling iling naman siya

"Dito ka lang" pilit nya pa rin pero pinilit kong tanggalin pagkakakapit nya sa akin tsaka tumayo..

"Dito ka lang! *cough *cough" di ko na siya pinansin tsaka kumuha ng mga gagamitin ko.

Hinanda ko na rin ang mga pamalit nya para di na ako aalis pagbumalik ako..

Pagbalik ko ay tahimik lang sya, nabawasan na siguro panlalamig nya din dahil patay na ang aircon.

"Master, pupunasan kita ha?" ungol lang narinig ko mula sa kanya kaya sinimulan ko na siyang punasan.

Mula sa kanyang muka.. Napaka amo ng muka nito na akala mo walang sungay kapag tulog.

Napaka ganda nya talaga.. Kahit ng mga bata kami ay gandang ganda na ako sa kanya, idagdag pa na napaka bait nito noon at malambing. Kabaliktaran ng Kaori ngayon..

Sunod ko pinunasan ang kanyang mga braso..
Hinubad ko ang pang-itaas nya.. Hindi na dapat ako nahihiya dahil nakita ko na ito pero nakaramdam pa rin ako ng pamumula ng kumaway sakin ang kanyang dibdib..

Tinanggal ko ang pananggalan dun para mas maging komportable siya.. Habang pinupunasan sya ay napansin ko naman ang Tattoo sa ibabang bahagi ng dibdib nya..

Para itong pana ngunit walang palaso..

Nang marealize ko kung ano itsura namin ngayon at pawisan pa ako dahil ang init na dito sa kwarto ay nagmadali na akong punasan siya at damitan..

Tinapos ko na rin pag punas sa kanya..

"Master, Kain ka na" ani ko ng dalhan agad kami ng pagkain ni Aling Celeste.

"Ayuko nyan. Gusto ko luto mo" e kung ipaligo ko kaya sayo itong sopas?! Napaka-arte.

Wala akong nagawa kundi mapabuntong hininga at ipagluto siya.

Akmang tatayo na ako ng hawakan nya ang kamay ko..

"Dito ka lang"

"Master, paano kita mapagluluto kung andito lang ako sa tabi mo?" medyo iritang tanong ko na

"Sige, wag ka ng magluto. Iyan na lang, subuan mo ko" utos niya sakin. Nag roll eyes na lang ako. Malakas loob ko kasi alam kong di nya makikita.

Mahaba ang pasensya ko pero ng dahil sa taong ito nasasagad.

Inayos ko pagkakaupo niya.. Magkatabi kaming nakaupo sa kama nya habang sinusubuan ko siya..

"Kumain ka rin" utos niya sa akin..

"Mamaya na ako kakain pagkatapos kitang pakainin" sagot ko naman sa kanya..

Kunot noong tumingon siya sakin

"Ang tigas tigas ng ulo mo. Kelan ka ba matutong sumunod sa akin?" hindi ako naka-imik sa sinabi niya..

"Kumain ka" kinuha nya sakin ang kutsara at akmang susubuan ako..

Nahihiya kong sinubo iyon..

Muka na agad syang malakas.. Iba talaga kapag mga demonyo, bilis maka recover.

"Feeling ko pinapatay mo ko sa isip mo" seryosong saad niya

"Hindi po master" nahihiyang sagot ko..

"Subuan mo na ako ulit. Nahihilo ako" muli siyang pumikit at sinandal ang ulo sa pader.

Wala ng muling nagsalita samin hanggang makatapos siyang makakain..

"Master, uminom po kayo ng gamot" maamong abot ko sa kanya ng gamot at baso ng tubig..

"Baka lason yan" i rolled my eyes sa sinabi nya..

"Nakita ko yun!" bulyaw nya sakin kaya nagplastik na lang ako ng ngiti.

"Sorry Master. Hindi po lason yan. Bioflu po iyan" magalang na sagot ko

Ininom niya naman ang gamot at muling nahiga..

Lalabas na sana ako ng pigilan niya na naman ako..

"Dito ka.. Matulog ka sa tabi ko." utos nya na tinapik tapik pa ang kama sa tabi niya..

Jusko naman.. Ang init init dito sa kwarto nya dahil patay ang Aircon.

At parang narinig nya na naman ang sinabi ko. Agad nyang kinuha ang remote ng aircon at binuksan ito..

"Halika na dito. Lalamigin ako kapag wala akong kayakap" agad akong napalunok ng isipin kong magyayakap kami..

"Bilisan mo Jelay!" muka naman siyang malakas na. Nabubulyawan nya na ulit ako. Pabebe lang.

"Hindi pa ako malakas. Nanghihina pa ako.. Halika na dito" padabog kong binaba ang hawak kong tray sa gilid na ilalabas ko sana..

"Nagdadabog ka?" mataray na tanong nya..

Umiling naman ako

"Hindi po master." sumilay ang magandang ngiti sa labi nya sa sinagot ko..

Iba talaga dating ng ngiti niya..

Naiinip niya akong hinintay sa kama. Nahihiya naman akong tumabi sa kanya..

Nahiga ako ng medyo malayo sa kanya at patalikod..
Naramdaman ko na lang ang yakap nya mula sa likod ko..

Ang init nya pa rin..

"Jelay, harap ka sakin" malambing na bulong nya sa tenga ko..
Dahan dahan akong humarap sa kanya.. Nasalubong ko naman ang kanyang mata..

Hazelnut Brown Eyes..

Napansin kong sa labi ko siya nakatingin..

Agad kong tinakpan ang labi ko pero agad nya rin inalis ang kamay kong nakatakip..

Unti unti niyang nilapit sa akin ang muka niya..
Napapikit lang ako habang naghihintay ng susunod na mangyayari.
Muli na naman naglapat ang mga labi namin pero iba ngayon..

It feels like an explosion of the best flavors in the universe all at once mingling together.

Marahan niya akong hinahalikan na di ko namalayang tinutugon ko..

I felt like i'm not in my own body anymore.

Napabalikwas ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto..
Namumula ang muka ko na siniksik sa may dibdib ni Kaori..

"Go Out!" malakas na bulyaw ni Kaori dito..

"Sorry Master, Sorry" rinig ko ang takot sa boses ng kung sino mang kasambahay ang pumasok dun.

"Kapag malakas na ako, i will fire her!!" galit na anunsyo ni Kaori.

"No. Don't do that." tutol ko sa kanya..

"I will." mariin na sagot nya sakin..

"Please, don't" pagmamakaawa ko.

Kahit di ko nakita ang muka nun ay sigurado akong nababalot na sya ng kaba ngayon..

"Okay, i won't" mahinang sagot ni Kaori at niyakap ako..

Nababaliw na talaga ako. Bakit ako nakakaramdam ng kakaibang tibok sa puso ko ngayon sa babaeng nakayakap sakin.

Sinaktan niya ako at binaboy pero ito ako at natutuwa sa yakap niya.

Marahil ay sa paglipas ng panahon ay di nawala ang paghanga ko dito.. Ngayon lang muli nahuhukay ang damdamin ko para sa kanya.

Nakatulog kaming nakasiksik ako sa kanya at nakayakap naman siya sakin.

Continue Reading

You'll Also Like

92.8K 3.1K 59
Aizlyn Montejo, she's the least well known in her group, a girl who has many insecurities when it comes to herself. her group of friends is famous i...
5.8K 237 21
I will love you til the end..
80.5K 2.9K 46
What if one day nagising ka na lang sa isang isla? Walang pagkain, walang cellphone, walang masisilungan, walang mahihingan ng tulong at walang iban...
8.7K 302 34
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...