My Cousin is a Mafia Boss

By pinkishrose02

12.8K 659 16

Sa edad na labing-pitong taong gulang, kasama na ni Eunice Delos Reyes sa iisang bubong ang pinsan n'yang si... More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
MY COUSIN IS A MAFIA BOSS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
LAST CHAPTER
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 16

315 24 0
By pinkishrose02

WILFREDO POV

“Anong balita sa pinag uutos ko sayo?” tanong ko kay Audrey na kararating lang.

“Nakilala ko na ang Eunice na sinasabi mo, maganda nga siya. Nasa Mansion siya ngayon ni Jio dahil sa pagkakaalam ko. Girlfriend na ni Jio si Eunice.” sagot ni Audrey.

“Basta sunduin mo lang ang lahat ng pinag uutos ko. Kung totoo nga na may relasyon sila Eunice at Jio, gawin mo lahat para sirain ang relasyon nila.

Ex ka ni Jio kaya alam kong madali mo lang magagawa ang pinag uutos ko.” seryosong pagkakasabi ko.

“Si Eunice ang kahinaan ni Jio, kung mawawala sakanya si Eunice sigurado akong magiging madali ang matalo siya.” dagdag ko pa.

After a week..

JIO POV

Kasalukuyan kong kausap ang mga tauhan ko dito sa mansion ng dumating si Audrey.

“Hi Jio.” nakangiting pagkakasabi ni Audrey.

“Sige na umalis na muna kayo.” utos ko sa mga tauhan ko.

“Audrey, anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Audrey.

“Binibista ka, tagal narin kasi natin 'di nagkakausap since we broke up.” nakangiting pagkakasabi ni Audrey saka umupo sa tabi ko.

“Honestly, I miss you.” dagdag pa ni Audrey saka hinawakan ang kamay ko.

EUNICE POV

Dadalhan ko sana si Jio ng favorite niyang carrot cake pero ng makita kong parang ang sweet sweet nila Jio at Audrey ay kaagad ko nabitawan ang dala ko dahilan para mabasag ang desert plate na pinaglalagyan ng carrot cake.

Kaagad ko naman itong pinulot, pero 'di sinasadya ay nahawakan ko ang bubog dahilan upang masugatan ako.
Kukuha sana ako ng tissue pero kaagad na itong inabot sakin ni Hector.

“Salamat.” nakayukong pagkakasabi ko saka kinuha ang tissue kay Hector.
“Ako na maglilinis niyan, gamutin mo na yang sugat mo.” seryosong pagkakasabi ni Hector sakin.

Agad ko nga ginamot ang sugat ko sa kwarto. Nilagyan ko saka nilagyan ng band aid.

Kinagabihan...

Patungo sana ako sa library sa loob ng mansion ng harangin ako ni Jio.

“Baka 2days ako hindi uuwe dito sa mansion, nagpapatulong kasi sakin si Audrey para sa bagong business niya.” seryosong pagkakasabi ni Jio sakin.

“Bakit mo sinasabi sakin yan? Edi umalis ka. Gusto wag kana umuwe dito.” mataray na pagkakasabi ko.
Aalis na sana ako ng mapansin ni Jio ang band aid sa daliri ko.

“Napano yan?” seryosong tanong niya.

“Wala ka ng pakialam.” mataray na sagot ko saka ako naglakad palayo.

“Kinakausap kita wag mo 'kong talikuran.” sambit niya, saka ako napatigil sa paglakad ko at nilingon siya.

“Wag mo na akong intindihin, kaya ko sarili ko. Maliit na sugat lang 'to, hindi ko naman ikakamatay 'to.” seryosong pagkakasabi ko saka tuluyan umalis.

——

“Nagpunta ka dito sa Library pero nakatulala ka lang d'yan, 'di ka naman nagbabasa.” sarcastic na pagkakasabi ni Hector.

“Ano ginagawa mo dito? Saka paano nalaman na nandito ako?” tanong ko.

“Nakita lang kita kanina na pumasok dito, nababasa ko rin sa mga mata mo na malungkot  ka kaya naisipan ko na sundan ka. Baka kasi kailangan mo ng makakausap.” seryosong pagkakasabi ni Hector saka siya umupo malapit sakin.

“Yung kamay mo? Ok na ba?” nag aalalang tanong niya.

“Oo, ok na.” nakangiting sambit ko.

“Bakit kasi hindi mo pa aminin kay boss na nagse-selos ka sa kanila ni Audrey.” seryosong tanong ni Hector.

“Anong aaminin ko? Hindi naman ako nagseselos.” pag deny ko.

“Kahit hindi mo aminin sakin, nahahalata ko sa bawat kilos mo.

Mahal mo rin si Boss, yun ang totoo.” nakangiting pagkakasabi ni Hector.
Panandalian naman ako natahimik sa sinabi niyang yun. Nagseselos nga ba talaga ako? Or nasanay lang kasi ako na for almost 9years walang ibang malapit na babae kay Jio kundi ako lang. Kaya ng bumalik ang ex niyang si Audrey ay sobrang naiinis ako.

Continue Reading

You'll Also Like

75.1K 2.3K 52
REIN ECHAVEZ -handa ka na bang pasukin ang buhay nerd? -tahimik -nobody -libro ang hawak Sila yung mga taong hindi gaano nakikipaghalobilo sa kanyang...
1.9M 54.5K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
28.5K 698 32
No matter what happens, you will always find your way back to the person who is meant to hold your heart. That's just the way it works. [Sequel of Th...
166K 6.4K 51
I wrote this story year 2016 so please bare with my childish writing style, errors, terms and etc. -a c h i e v e m e n t s- RANK 1- Symphoniah RANK...