THEODORE'S POV:
Matapos yung pangyayari sa hallway between me and brandon agad na kaming pumunta sa susunod naming subject which is philosophy. Pero bago muna kami pumunta ni Belle dun eh pupunta na muna kami ng clinic para humingi ng gamot sa nurse. Habang nag lalakad eh nakapag isip ako ng malalim sa philosophy, Di ko rin bet tong subject na to kasi masyadong deep at yung mga sinasabi ng mga prof. na tungkol sa mga sinabi ng mga philosophers at teachings nila di ko makomprehend ahahahaha. Bobo talaga ako sa philosophy well siguro di ko lang pinag tutuunan kasi ayun nag fofocus ako tignan na nahihirapan ako sa subject na yan pero ayun laban lang para makagraduate na dito sa hell of a school na to.
Matapos ng malalim kong pag iisip tungkol ay bigla akong nawala sa thoughts ko kasi biglang hinawakan ni Belle yung likod ko di naman niya pinalo or what hinawakan lang niya, sa pag hawak niya eh biglang kumirot HAHAHAHAHA.
"Belle what the hell! Ansakit teh!" Pag rereklamo ko sa kanya at natawa naman tong demonyitang humawak sa likod ko Hahahaha. Sometimes ewan ko ba kung natutuwa tong masaktan ako. HAHAHAHAHA.
"Theooo naman kasi eh tulala ka nanaman kasi na nag lalakad. Ano ba iniisip mo likod mo or what kwento ka naman." Sambit ni belle sa akin.
"HAI! Pero di mo kaylangan hapakin yung likod ko ng slight haa at Well ayun I was wondering about sa Philosophy, bakit parang wala pa din akong nagegets dun like okay naman grades ko kahit di kalakihan pero ayun go lang Hahahahah" sabi ko sa kanyang natatawa. At agad naman siyang nasurprise sa sa sinabi ko.
"LAH! Babe naman oh! panggap ka eh malaki kaya scores mo dun tapos malaki din grade mo dun keme mo haaaa! At ayun sorry sa likod mo babe" Sambit ni belle sa akin na di naniniwala sa struggle ko sa philosophy.
"Its okay basta wag mo na ulitin and Well wala naman akong problema sa scores like ayun sa natutunan lang ganyan ganun. Parang wala akong natutunan dun Hahahah" sabi ko kai Belle at parang nagets naman niya point ko.
"Akooo din same din babe sa mathematics! Haiii jusko sakit ulo ko diyan hai nako....pero ayun laban lang." Sabi ni belle with confidence kahit na mai pag aalinlangan hahahah grabe.
"Grabe teh ha diyan na ako di naniniwala na nahihirapan ka sa math. HAHAHAHAHA" sabi ko sa kanya.
"Hala eh totoo naman kasi eh! Kaya ko bang i memorise yang mga formulas na yan? HAHAHAHAHA." Sabi ni belle sa akin para i prove struggle niya sa mathematics.
Habang nag tatalo kami ng masaya sa mga struggling subject namin ay ayun nakarating na kami sa clinic at di pa kami late sa philosophy since maaga kami na dismiss. Ng pumasok na kami sa clinic agad.
Agad naman naming nakita yung nurse sa clinic na si ms. Claire na nag eentertain pa ng pasyente at kinakausap pa ito. Ayun ng matapos niyang kausapin ang pasyente ay agad na itong umalis sa clinic at napansin na kami agad ng nurse.
"Hello mga nakshies! What can I do for yaaaah!" Sagot sa amin ni ms. Claire ng pa bakla. Well babae naman yung nurse namin dito kaso ayun nga well known kasi siya sa school namin na ayun sa salita at kilos pabakla. Kita niyo naman ngayon pa verbal pa lang yan ha. Hahahahaha.
"Oh ano ganap niyo dito? Masakit ba ang ulo bawal yan dito nakshie yoko ng may nag iistay dito sa clinic sasakit sakitan para di maka attend ng klase! Makakatikim yan ng palo sa pwet! Pak!" Sabi sa amin ni ms. Clair ng pabiro at kami'y natatawa sa sinasabi niya.
"Di mamsh nandito kami para pa check yung likod nitong sa bff ko. Hai napasugod kasi sa gulo first thing in the morning monshie ayun masakit likod." Sabi sa ni belle sa kanya. Grabe belle ha nasabay ka kay ms. Claire ahahahhaha.
"Oh log in ka muna dito nak tapos talikod ka sa akin habang nag lolog in ka jan sa logbook check ko likod mo at ikad din nakshie mag log in ka jan kasi sinamahan mo tong bff mo dito para mag pa check up. Okay nak lift ko na damit mo ha to see kung mai something." Sabi sa amin ni ms claire habang ako naman ay nakatalikod at nag lolog in sa logbook.
Ng matapos akong mag log in at binigay kai belle ang ballpen narinig ko hiyaw nitong si ms. Claire na gulat na gulat.
"Jusko nakshie, DIOS MIO! anyare sa likod mo bakla!???" Gulat na gulat na sinabi ni ms. Claire.
"Bakit mamsh anyare ba matignan nga." Sabi ni belle habang tapos na pumirma sa logbook. Ako din kinakabahan ako, anyare ba sa likod ko? Ng tinignan ni belle ang likod ko ito din ay nagulat sa nakita niya.
"Theo grabe ang lala ng likod mo" sabi sa akin ni belle na gulat at malungkot at ako'y di na makapag timpi at agad na nag tanong sa ano ba meron sa likod ko. GAD! Nakakapatay sa susepense to ah.
"Anyare ba ms. Claire? Anyare sa likod ko" sambit ko sa kaniya.
"Theo merong malaking pasa sa likod mo. Para kang binugbog ng boksingero(boxer) sa likod mo. Namumula sa maga. Halika punta ka muna dito sa salamin para makita mo."
Ginawa ko sinabi ni ms. Claire at inangat damit ko at nakita ang namumula masyadong pasa sa likod ko. Grabe naman pag tapon ni brandon sa akin sa locker nag kapasa talaga. Shit! Kaylangan maitago ko to sa pamilya ko. Ayoko silang I worry. Ayoko bigyan ng stress mama ko...jusko naman.
"Nakshie dahil ba yan sa brandon na yan? Jusko ha lagi kang nqsasabit jan sa gulo ng batang yan. Umiwas iwas ka." Sabi sa akin ni ms. Claire at alam ko yung siansabi niya. Alam na alam ko.
Bukod sa magandang reputasyon na nabubulong about kai Brandon mai mga negatibo na umaalingasaw din sa kanya. Isa na dito yung wag mong aawayin siya o mga tropa niya kasi pag nakaaway mo impyerno mararanasan mo and fuck isa ako dun sa mga taong inaaoakan niya kahit wala namang ginagawa.
"Nakshie alam ko na isa din ako sa di makakatulong sa iyo. Kasi baka maapektuhan trabaho ko. Mai pagka sa diablo yang batang yan. Pero matutulungan kita na malunasan yang sakit sa likod mo." Sabi sa akin ni ms claire although na sad ako sa part na wala siyang magagawang aksyon sa bullying na yun pero meron siyang maitutulong sa pag gagamot ng mga natatanggap ko kai brandon at sa tropa niya.
"Sige ms. Claire. Okay lang yun ayoko din naman umabot to sa mama ko. Ayoko siyang ma stress" sabi ko kai ms. Claire at agad na niya akong binigyan ng gamot at remedyo sa problema ko. Napansin ko na awang awa at nalulungkot sa akin si belle.
Agad namang pumunta sa likod ko si ms. Claire para pahiran ako ng ointment.
"Sigurado ka ba jan theo....ang dehado naman natin dito eh na ginaganyan ka nila" sambit sa akin ni belle. Oo belle sad pero I just can't.
"Oo belle....ayoko istressin mama ko. Mai scholarship ako dito sa school na to. Ayoko lang mawala to at ayoko din mastress si mama kasi mai problema kami financially sorry belle I hope na sana maintindihan moko...." sabi ko sa kanya. At nakikita ko a ring sad siya pero kumakalma na siya.
"Okay theo as you say so....nandito lang ako para sayo" sabi ni belle sa akin at natuwa naman ako sa kanya na payag siya kahit alam niyang mali.
"Okay nakshie, okay na ako sa likod mo okay? Drink alaksan ganyan ha?" Sabi sa akin ni ms. Claire pagkabigay ng gamot sa akin.
"Opo ms claire, salamat po sa tulong at sa gamot" sabi ko sa kanya at ako'y nginitian nito, agad na kaming pumunta ni belle para sa susunod na klase at umalis sa clinic.
Habang nag lalakad kami ni belle papuntang clinic ay agad na muna n nag salita si belle sa akin habang nag lalakad kami.
"Theo, rerespetuhin ko desisyon mo na ayaw mong malaman to ng mama at papa mo pero nandito lang ako poprotektahan kita laban sa gagong yun. Promise." Sabi sa akin ni belle ng mai tapang at lakas sa boses niya. Ng sinabi niya yun ay agad napanatag qng kaloob looban ko....
"Salamat belle at sobrang thankful ako na meron akong gagita na kaibigan na tulad mo Hahahah!" Sabi ko sa kanya at agad naman na ngumiti ito sa akin. Sobrang thankful ako kasi mai kaibigam ako na ganito na mabuti ang kalooban. Hayaan mo bell susuklian ko ito ng taos pusong katapatan sa iyo bilang kaibigan mo. Hehehehe.
At matapos na iyon ay agad na kaming pumunta sa susunod naming klase which is philosphy.
________________________________
*Timeskip lunch time*
Matapos yung nakakabaliw na session namin sa philosophy ay agad na kaming lumabas ni belle sa klase at di namin nakita tong si Brandon at mga tropa niya na umaligid sa klase nag practice siguro ng basketball or nag cutting dalawa lang dun pwedeng gawin non. Tsk. After ng klase namin sa philosophy ay agad na kaming lumabas ni belle. Pagkalabas namin ni Belle sa klase ay agad naming napansin na yung jowa nitong si Eugene ay nag hihintay sa labas. Balak sana namin ni belle na sunduin yan ngayon at after nun punta na kami canteen para kain.
"Oh himala na una ka ata pangga! Heheheh." sabi nito ni belle sa kasintahan niya.
"Eh maaga nag end klase namin eh kaninang 10 mins pa ako nag hihintay dito kayo din maaga ha? HAHAHAH" Banat namin nito ni Eugene kay Belle at pota kinikilig ang bruha. At ayun hinayaan ko na lang ang dalawa na mag chikahan at agad namang chinat yung baby ko. Hehehe. Kala niyo lang kayo lang sweet jan. Kami din kaya laso di kami nakakapag kita pero buti na kang mai chat! Ehehhehehe.
Agad ko ng inopen cp ko at tinext agad sa MeetFriends app yung baby ko. Hehehehe. Agad kong inopen account ko at chinat na ito.
CUTIEBUNNY: HIIIII POOO HEHEHEHE. MUSTA NAMAN PO KAYO JAN HEHEHEHE. KAKATAPOS LANG NG KLASEEE KOOO! IKAAW MUSTA NAAAA?
After kong tinext yun sa kanya ay nag hintay muna ako ikang minuto para mag chat siya. Baka siguro busy muna siya kasi klase eh. Ahahaha. Haii gusto ko na mag meet dun 1 year na din kami eh baka siguro this time kaylangan na namin mag meet! Kaso nahihiya pa ako. I need to gather some coursge bago ko gawin to baka mamaya 1 year of relationship namin ma ano lang sa wala. Haiist. Nabali ako sa pag iiisp ko ng bigkang mag ring yung cp ko. At ayun nag chat na nga pinaka hihintay ko.
MISTERHANDSOMEX: Hi baby! Musta na you. Ito kakatapos ko lang practice eh. Tinawag kasi kami ng buong team for basketball practice! Ehhehehe.
Awww kaya naman pala pero sana all nag baabsketball. Agad ko namang nireplyan tong kumag na to ehehehe.
CUTIEBUNNY: SUS! Baka naman nag chicks ka lang jan baby ko. Hmph ayoko pa naman sa babaero!
MISTERHANDSOMEX: WOW! grabe di naman ako ganun grabe tooo. Sayong sayo nga to eh. Grabe siya. HAHAHAHA. Sayong sayo lang tooo. Tatampo naman tong baby ko. Pero seryoso namiss kita at ayun mah practice kami sa basketball. Ehehehe pawis na pawis nga ako eh. Ikaw musta ka naman jan?
CUTIEBUNNY: hai ayun stressed sa klase sa subjects ganyan pero laban lang.
Di ko pwede sabihin sa kanya yung mga nangyayari sa akin sa school....haiii. nahihiya ako ayoko siya mag alala lalo na malayo pa kami sa isa't isa. Haiij babe kung kaya ko lang talaga maipakilala sarili ko sayo. Para maipag tanggol moko dito sa impyernong skwelahan na to. Yawa.
MISTERHANDSOMEX: baka naman binubully ka pa jan. Ano ba pangalan ng school mo? Susugurin ko yang mga nang aaway sayo.
Matapos ko mabasa yun ay kinain ako sa kilig sa mga sinabi niya sa akin. Shocks! Self kumalma ka nga jan para kang tanga! Agad ko namang nireplyan itong mokong na to.
CUTIEBUNNY: itong gagong to! Pinapakilig moko halikan kita jaaan eh!
HAHAHAHAHAHAH
MISTERHANDSOMEX: YIEEE! HAHAHAHA YIEEUT! AHAHAHAHAH
gagu to hahahaha eut talaga. Naipasok niya pa yun ha pota to Hahahaha hai nako...habang pinapakilig moko misterhandsomeX mas lumalakas loob ko na makipag kita sayo. Haii.
CUTIEBUNNY: BABE? papunta akong canteen sa school namin para kumain. Ikaw? Kqkain ka na bq ngayon o klase mo pa ba?
MISTERHANDSOMEX: oo babe same mamaya pa klase namin after lunch. Kain muna ako dito ehehehehe!
CUTIEBUNNY: Mai baon ka ba jan ha? Dapat mai baon kaaa baby para masustansya maganda home cooked na pagkain.
MISTERHANDSOMEX: hm ayun nakalimutan eh gawin. Hai ayun bibili na lang ako sa canteen dito sa school namin ng pagkain. Para mabusog ako after nung pasakit nq practice na yun.
CUTUEBUNNY: Osige baby basta kain ka jan ng maayos ha. Gusto ko busog ka at maayos ka jan nakakakain jan. Lamon lang ha my cute cute baby na gwapooo na!
MISTERHANDSOMEX: yie ikaw din po minamahal ko. Kain ka na jan po. Ehehehehehe. Labyuuu.
CUTIEBUNNY: love youuu more!
After ng text ko sa kanya ay nakarating na kaming tatlo sa canteen at nag hanap ng table na mauupuan. At mai nakita kaming tqvle malapit sa bintana na kita qng magandang view ng buong school. Awww hehehe cute naman ng pangga ko. Sanaaaaa kasama ko siyang nakain ngayon haiii!
Agad na akong umopo dito sa table na napili naming tatlo at agad na umopo. Ako naman ay nag relax at stretching habang nakaupo.
"Theo alam ko masakit likod mo kaya ayun kami na lang bibili ng ulam mo ni eugene" sambit sa akin ni belle at agad naman na umagree si eugene sa kanya. At ako naman ay agad nabigla sa sinabi nilang dalawa.
"Hoyyyy grabeeee nakakahiya wag na sasama na ako sa inyo sa pila" sabi ko sa kanila pero di sila convince. YAWA hahahahah.
"Oo nga Theo kami na lang stay ka na lang dito. Nakwento na sa akin ni Belle. Wag ka na mahiya we will go na para umorder ng lunch kasama sayo hehehehe." sambit sa akin ni eugene.
"Kaya nga theo stay ka nq lang dito at bantay lang sa table okaaay basta her ka lang treat na namin pagkain mo ayun. Hahahaha." Sambit sa akin ni belle. Grabeeee! Swerte ko sa inyooo sana all talaga mai mga kaibigan na ganito. Mababait na nga charitable pa Hahahahaha.
"Osige na nga kayong dalawa, dito na lang ako" at umaggree na nga ako sa kanila at nag stay sa table haabqng yung dalawa ay nag lakad papunta sa canteen line para umorder ng pagkain at ayun nag lambingan pota. Sana all!
Hai nakaka inggit talaga. Sana ganyan din kami ni MisterhandsomeX. Sana lang talaga. Haiii kung meron lang takaga akong lakas ng loob na mag pakita sa kanya di yung nag tatago ako sa meetfriends app. Haiii. Genuine naman love ko at sa kanya din totoo naman love niya lara sa akin pero takot ko lang talaga umiibabaw para lang mahadlangan pagkikita namin.
Kasi di pa niya alam na lalaki ako. At ayun ang kinakakatakot ko. Haiiiiii Shet namang buhay to oh.
Matapos ng malalim kong pag iiisip ay agad ng nakabalik ang dalawa dala dala yung pagkain naming tatlo, kai Belle naman ay fried chicken qnd spaghetti, kai eugene naman is pizza at fries na jumbo sa akin naman ay carbonara with donut. Yuuuum!
Agad ko naman silang binigyan ng pasasalamat at genuine kong ngiti ehhehehehe.
Matapos nming kumain ay agad na kaming pumunta sa respective classes namin kasi struct yung teacher namin ni Belle na pumunta na agad sa world communication at kaylangan namin pumunta dun ASAP! Kung hindi ay mapapatalsik kami sa klase kapag mai late.
At kumalipas na kami ng takbo papuntang room naming dalawa. Kahit na busog na busog pa kami sa kinain namin.
________________________________
*TIMESKIP AFTER CLASSES*
"And Class you are now dismiss GET OUT OF THE CLASSROOM! pag mai nahuli madededuct ang scores ng 5 points!" Hiyaw ng terror naming teacher sa Gen mathematics na si Mr. Valdez at lahat ng estudyante sa room including me and Belle ay kumalipqs ng takbo. Grabe nakaka buhay ng loob yung sinabi niya Hahahaha.
Ng matapos na yung remaining classes namin at mga hellish na activities at side quizes na ginawa namin ni belle ay agad na kaming umalis. Mas lalo kaming na stress kasi buong MWF namin pang huli namin is GEN. MATHEMATICS. At grabe nakakapota yung prof namin strict and ayaw ng palpak kaylangan bongga scores namin dun kaya nambabagsak din yun. Haist! Pero buti na lang natapos namin ni belle yung pinapagawa niya sa klase at naka alis kami ng mabilis sa klase iya dhail sa pag babanta niya na i dededuct yung scores namin sa quiz kanina.
Habang nag lalakad na kami ni Belle pauwi sa hallway nandun naman na sa main entrance nag hihintay yung jowa niya na si eugene.
"Belle jowa mo kumakaway" sambit ko sa kanya at biglang na focus si belle sa pag hahanap.
"Saan babe?!" Nag hahanap habang sinabi ni belle sa akin. At ako namna ay na eentertain sa reaksyon niya at agad ko ng tinuro.
"AYUN TEH, oh jowa mo na sa main entrance kumakaway" sabi ko sa kanya. At agad naman itong napatitig sa kanya patungong main entrance. Kumaway naman ito pabalik ng makita na niya si Eugene.
Ng makalapit na kami kay eugene at agad naman kaming nag hello to each other habang ito naman si belle Ay lovey dovey sa kanyang baby boy Hahahah. Kinausap ako ni Eugene about sa pangyayari sa entrep subject namin.
"Narinig ko kai Brandon partners daw kayo sa Entrep. sub niya. Gusto mo samahan kita habang nagawa kayo ng project nio?" Sabi ni eugene sa akin. Oh my ghosshhh sana alll! Hahahaha.
"Ako din babe! Sasamahan kita dagdag body guard okaaay?" Sambit sa akin ni belle pero mai ka partner siya eh. Hai kaylangan ko harapin mag isa si brandon. Takte di naman pwede na gawin kong bodyguard yung dalawa.
"Haiii gusto ko man peroooo, nooo need thanks. Ikaw belle di ka pwede okay my partner ka dins a entrep at sayo eugene di naman pwede yun nakakahiya na sibra baka mai ganap ka pa non" sabi ko sa kanila at agad naman silang nag tinginan sa isa't isa at parehas na nagsalita.
"PERO-" Sambit nilang sabay pero pinigilan ko na.
"No neeed kaya ko sarili ko mabilis ako tumakbo remember!?" sambit ko sa kanila to assure them.
"Pero di ka na makakatakbo pag sinakal ka na!" Sabi sa akin ni belle ng paseryoso. OO I knooow pero I haaave to do this aloone perhaps time na siguro apra maging independent for once sa protection.
"Okay lang belle basta tatakbo ako sayo pag nag kagaguhan na." Sabi ko sa kanya at agad naman tong unagree tong bruha sa akin na pagalit. Parang bata na nag tatampo HAHAHAHAH.
At agad na kaming nag lakad patungo sa labas ng gates ng school.
Nakarating na kami sa parking lot kung saan palabas din sa school grounds.
Habang nag lalakad ako ay nakita ko sina brandon kasama yung tropa niya at si magda pati din yung mga alipores niya nag sasayahan mai hwak na coke ewan ko victory party ata nila or what
Habang papaalis na tingin ko sa kanila ay nabigla ako sa nakita ko ng biglang hinalikan bigla ni Magda si Brandon sa labi niya. At grabeee nabiglaaa ako sa nakita ko kasama non ay nag hiyawan yung mga taong nakapalibot sa kanilang dalawa.
'I GUESS na Jowa plaa ni Brandon si Magda at di totoo yung chismis na fling lang niya si magda. Well that concludes the rumour itself' pag iisip ko sa sarili ko habang nag lalakad and it seems na di ata napansin nina belle at eugene yung nangyari kasi busy sila sa isa't isa.
Nakarating na kami sa parking place ng pinag parkingan ng sasakyan ni eugene. At ayun agad binuksan ni belle yung pintuan sa front right at si eugene naman sa front left bilang driver. Pero di ako sasama sa kanila kasi alam kong mag dedate yan.
"Di kasasabay sa amin theoooo hahatid ka namin babe!" Sabi sa akin ni belle
At tumungo naman si Eugene bilang agreement sa sinabi ni Belle.
"Jusko di na commute na lang ako sa jeep okay lang akooo, tsaka alam ko na mag dedate pa kayong dalawaaa Hahahaha have fuuun!" Sabi kos a kanila na natutuwa habang nag lalakad palayo.
"Awww sige theo pero next time sama ka na namin haaa? Para hatid ka namin okay?" Sabi sa akin ni eugene at agad namn akong tumungo at nag salita.
"Sige sige bukas pwede na ahahahha"
At agad na nag lakad palayo sa kanila habang nakaway at nag sasabi ng goodbye sa kanila. At ang dalawa naman ay ganun din ang ginawa at agad ng sumakay sa kotse at pumunta papunta sa asan man date nila.
Haiii wish ko sana nagagawa ko din yan thou. Kasama si MisterhandsomeX kaso takot nanaman pinapairal ko. Can't blame myself kasi takot mareject pero ayun I hope na maging matapang ako.
Agad na akong naka alis sa school grounds at sumakay ng jeep papunta sa amin. Habang nasa jeep ay agad kong kinuha cellphone ko at inopen ito habang nakaupo na sa jeep pawuong bahay. Pag open ko ay marami akong messages na natanggap galing kay MisterhandsomeX agad ko naman itong binasa.
MISTERHANDSOMEX: Baabe! Alam ko buys ka jan sana kumain ka na ng tanghalian mo ha. Hehehehe. Tapos an ako kumain eheheh nag rice ako dami nga eh with chicken para masarap ang kain.
Chat sa akin ito ni MISTERHANDSOMEX nung lunch time at agad ko namang binasa yung iabng messages
MISTERHANDSOMEX: BABYYY BUNNY KO SANA KUMAIN KA NA JAN PUNTA NA KO SA KLASE KO PAPATAYIN NA AKO NG PROF KO. AYOKO PA NQMAN PUMASOK KASI DI KO GUSTO TONG SUBJECT PERO KAYLANGAN KASI DEAD AKO KAI MAMA. HEHEHEHEHE GOODLUCK SAYO!
awww pero yawa Kaylangan namin pag usapan tong dalawa ni MISTERHANDSOMEX na lagi tong nalelate gaguuu tooo late pala lagi lagi skksksksksk. At agad na binasa pa ang ibang messages.
MISTERHANDSOMEX: HELLO BABE. Di na ako nakapasok kasi ayun mai practice kami ulit hai pero ayun okay naman prac namin sana ikaw okay ka lang jan.
MISTERHANDSOMEX: HI BABE. MAI BASKETBALL MATCH KAMI NG SCHOOL HAHAHAH AYUN SANA MAPANOOD MOKO NGAYON AAAH. AYUN DI NA AKO NAKAPASOK SA LAST SUB. KASI MATCH NA NAMIN YUN SANA DI KA NAG CUCUTTING TULAD KO BABY HAHAHAHAH.
MISTERHANDSOMEX: baby I looove youuuu gusto na kitang makasama. Haiii wag ka na sana mahiyaaa mahal mo naman akooo eh. Kakatapos lang ng match namin eheheh. Sana nakita mo paano ko naipanalo sa skills ko yung team namin ehehehe. Love youuu.
MISTERHANDSOMEX: BABY I love youu. Miss na kita chat ka ha pag nasa bahay ka na inform moko.
Aww....ang sweet naman nitong mokong na to. Medyo na sad lang ako sa second to the last message pero ayun haiii. Bakit pa ba kasi ako nahihiya eh....kaylangan ko na siguro planuhin tong plano ko na pag kikita namin.
After kong basahin messages niya ay agad ko namang inoff CP ko para tignan yung dinadaanan namin at nakita koo na palubog na ang araw. Haiii ang ganda ng sunset. Sana kasing ganda ko din yan.
________________________________
*TIMESKIP NASA BAHAY NA*
Matapos kung sumakay ng troc patungo sa bahay namin ay safely naka arrive ako ng maayos at nasa haraoan na ako ng bahay namin. As usual maraming mga bata ang nasa labas nag eenjoy at nag laalro habang yung mga nakakatanda na lalaki nag tatambay inuman at yung mga babae din na matatanda chismisan as usual.
Agad ko namang inopen ang gate at pumasok sa loob. Ng nakapasok na ako ay agad na akong inabangan ni Yaya ada, nung papunta na ako sa kanya ay agad naman akong nag mano sa kanya bilang respeto at bilang trato ko sa kanya na kapamilya na din. Tiannggal ko na sapatos ko at agad namang kinuha uto ni yaya para i ayos.
"Nak meron ng mga damit pamalit sa higaan mo sa taas ng kwarto mo ako na nag ayos nun" sabi ni yaya ada sa akin at agad naman akong natuwa at sumaya sa sinabi niya.
"Salamat yaya ah. Di ka napapagod sa akinc sambit ko sa kanyang nag papasalamat. At agad naman akong nginitian nito.
"Siyempre ikaw pa para ko na kayong pamilya ng mama at lola mo. Para na din kitang anak. Oh sige na nak mag bihis ka na sa itaas." Sambit ni yaya ada sa akin at ako naman ay naantig sa mga sinabi niya. Grabe yaya ada ang sweet mo talaga.
Si yaya qda kasi wala na siyang pamilya at nung mga mid 20's niya ayun kinuha siyang katulong ng lola amelia ko at mag ka edad lang sina mama nung kinuha siya at ever since nun ayun matatag na niya kaming pinag sisilbihan. Tanging gusto lang niya eh makita kaming masaya, malusog at maginhawa habang pinag sisilbihan kami. Matapos nun ay nagsalita naman ako pabalik sa kanya.
"Sige yaya ada aakyat na ako si mama nanjan na ba?" Tanong ko sa kanya.
"Wala pa naman nak. Pero mamayang mga 6 uuwi na yun." Sabi sa akin.
"Sige yaya ada aakyat na ako sa taas, salamat nga oala sa damit yaya ha. Love you po!" Sambit ko sa kanya at agad naman itong natuwa sa sinabi ko.
"Ikaw din anak hehehe. Walang anuman."binigyan ako ng ngi yaya ada at Ako naman ay agad ng umakyat sa taas para mag bihis.
Ng naka akyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto ko aya gad na akong humiga at nakita ang pamalit na damit na hinanda sa akin ni yaya ada.
Ng ako na ay naka higa ay agad akong napaisip.
Kahit na ganun trato ng mga tao sa akin sa school, mag sisikap parin ako para sa kinabukasan ko ag para sa pamilya ko. Wag lang mawala yung pamilya na pinaka mamahal ko.
Pero kahit ganun nag papasalamat pa din ako sa mga tang sumusoporta sa akin, pamilya ko, si belle at si eugene. Haiii Im glad na nanjan sila. Kung hindi baka siguro nag tangka na akong mag pakamatay sa nangyayating tratuhan sa akin sa skwelahan.
Sambit ko sa aking sarili habang kinuha ang cellphone sa bag at inopen ito para i chat si MISTERHANDSOMEX na nakauwi na ako.
Kaylangan ko na siguro mag pakatatag at planuhin ang gagawin. Sa pagkikita namin ng mahal ko. Kaylangan kong maging handa. Kung tatanggapin ba ako o hindi. Yun lamang.
At agad na itong chinat. Habang naka higa.
CUTIEBUNNY: BABY I'M HOME!
THE END