MOTHER MOTHER I AM SICK

By RyandeLara07

52.2K 2.8K 963

Sapat na bang makatuluyan mo ang pinangarap mong makasama sa buhay para magtuloy-tuloy ang iyong kasiyahan? ... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
EPILOGUE

Chapter 33

738 37 17
By RyandeLara07


"A-ako na kukuha." wika ni Belle.

"Ako na. Pahingi na lang ako ng lalagyan." tugon ni Gascon na hindi inaalis ang pagkakatitig kay Belle.

"Dito ko na lang ilalagay." ang nalaglag na lalagyan ang tinutukoy ni Belle na hindi pa din binibitawan ni Gascon.

"Ako na lang para hindi ka na maabala." ani Gascon. "Ah, Belle may ibibigay nga pala 'ko sa 'yo." Mabilis itong may dinukot sa kanyang bulsa at iniabot 'yun kay Belle.

"Ano 'to?" sabay bitiw ng hawak nitong lalagyan upang tingnan ang maliit na kahong parihaba na iniabot ni Gascon.

"Buksan mo. Para sa 'yo talaga 'yan." ani Gascon.

Pagkabukas ni Belle ay napadilat ito ng bahagya pagkakita sa laman ng kahon. Isang gold bracelet na may dalawang puso na nakalawit sa kawitan nito.

"Para saan 'to? Gascon, ano na naman ba 'to?" mahinang saad ni Belle.

"Wala. Bigay ko lang sa 'yo. Wala namang ibang ibig sabihin 'yan. Saka binili ko talaga para sa 'yo 'yan. Kung gusto mong itapon ikaw ang bahala. Pero kung itatapon mo sana naman eh 'yung hindi ko nakikita." si Gascon.

"Mukhang mamahalin pa 'to. Sana sa nanay mo na lang binigay." si Belle.

"Maraming alahas si Nanay. Sige na tanggapin mo na. Masaya na 'ko kapag tinanggap mo 'yan." nakangiting sabi ni Gascon.

Pagbalik ng kanyang kwarto ay mabilis na naipadala ni Shakira kay Beyonce ang litrato ni Belle at ni Gascon. Lihim na nangiti si Beyonce. Nakaisip agad ito ng paraan upang mahuli ni Clifford ang ginagawa ng dalawa sa kusina.

"Ah Clifford mukhang ang tagal naman yata ni Mr. Buenafe. Sa Mount Everest pa ba kumuha ng yelo 'yun?" Pinakita pa ni Beyonce kay Clifford na naiinip siya sa pagbalik ni Gascon.

"Ah wait. Sige, puntahan ko na. Okay lang ba iwan kita sandali Ms. Beyonce?" ani Clifford.

"No problem Cliff." nakangiti namang tugon ni Beyonce.

Tumungo agad ng kusina si Clifford upang tingnan kung nakakuhs na ng yelo si Gascon. Napangisi naman si Beyonce pagtalikod ni Clifford.

Alam ni Apol na nasa kusina si Gascon. Naiisip niyang magkausap ito at si Belle. Sa kanyang pangambang makita ito ni Clifford at mag-isip ng hindi maganda, naisipan niya itong libangin panandali.

"Pards, iniwan mo si Ma'am sa labas?" bati niya agad dito.

"Puntahan ko lang si Mr. Buenafe, kukuha daw siya ng yelo eh wala pa hanggang ngayon." tugon ni  Clifford.

"Ah si Gascon, ano, nagkakwentuhan kasi kami saglit kaya kapupunta lang niya ng kusina."  naisip na dahilan ni Apol.

"Sige, sundan ko na." akma ng palakad si Clifford nang muling nagsalita si Apol.

"Pards oh. Tinitingnan ka ni Luna. Ang daldal na ng inaanak ko. Panay ang kwento, hindi naman kami magkaintindihan." tumawa pa si Apol.

"Hi baby. Daddy and mommy are busy. D'yan ka muna kay ninang ha." baling naman ni Clifford sa anak. "Sige punta na 'ko dito. Baka mainip si Beyonce."

"Pards, ako na kukuha. Harapin mo na lang si Ma'am sa labas." bahagyang humarang si Apol sa dadaanan ni Clifford.

"Ako na, mukhang enjoy n enjoy si Luna sa 'yo oh. Mamaya tulog na 'yan, kapag ganitong oras yan natutulog." ani Clifford.

"Bakit ba naman kasi napakatagal ni Gascon sa kusina." sabi ni Apol sa sarili. Naisipan niyang ilakad si Luna papuntang kusina upang unahan si Clifford.

Aktong isinasauli ni Belle ang ibinigay sa kanyang bracelet ni Gascon nang dumating si Apol. "Gascon, 'yung yelo daw. Ayan na si Sir." mabilis subalit mahinang sambit ni Apol.

Dahil sa pagkataranta sa sinabi ni Apol, ikinubli agad ni Belle ang hawak nitong kahon na may lamang bracelet. Tumalikod na si Gascon kay Belle upang puntahan nito ang refrigerator. Siyang pagdating naman ni Clifford.

"Mr Beunafe, natagalan ka yata." bungad agad nito.

"Ah, humingi pa 'ko ng lalagyan kay Belle Sir." tugon ni Gascon.

Hindi naman humarap si Belle at nanatili itong nakatuon sa lababo kahit dumating pa ang asawa. Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan kahit alam niyang wala naman silang masamang ginagawa ni Gascon.

"Sige Sir, susunod na 'ko." dugtong pa ni Gascon.

"Swertheart matagal ka pa ba d'yan?" baling ni Clifford sa asawa.

"M-matatapos na sweetheart. Bakit?" bahagyang lumingon si Belle.

"Si baby, mukhang inaantok na oh." saad ni Clifford.

"Naku Pards, ako na magpapatulog dito kay Luna." singit ni Apol.

Bahagyang tumawa si Clifford. "Mommy lang niya nakakapagpatulog diyan kay Luna. Masungit 'yang baby na 'yan eh." Bahagyang kumurot pa sa pisngi ni Luna si Clifford.

"Sige sweetheart. Saglit na lang 'to." hindi na lumingon si Belle nang sumagot ito.

Paglabas ni Clifford ng hardin ay naroon na si Gascon, maging si Shakira ay nakiharap din sa kanila.

Nairita ng bahagya si Beyonce nang hindi nangyari ang kanyang inaasahan. Naisip na lamang niya na marami pang pagkakataon na mangyari ang nais niya, kasabay pa nuon ay ang naiipon niyang mga pruweba sa inaakala nitong lihim na relasyon ni Gascon at Belle.

"Bakit ba ang tagal naman ni Gascon dito marsy? Baka mag-isip si Clifford ng kung ano  kaya inunahan ko na." turan ni Apol pagtalikod ni Clifford.

"Eh dating gawi. Kinakabahan na nga ako d'yan kay Gascon eh. Nagregalo pa ngayon. Bracelet, gold ha. Ayoko nga tanggapin, sinosoli ko nga eh, bigla ka lang dumating." sambit ni Belle.

"Ah talaga. Patingin nga." si Apol. Kinuha naman ni Belle at ipinakita 'yun sa kaibigan. "Wow ang ganda nga. Mukhang bagay sa 'kin ah." biro ni Apol.

"Ah sige marsy, sa 'yo na. Baka makita pa sa 'kin ni Clifford 'yan eh pagmulan pa ng away namin." wika ni Belle.

"Nagbibiro lang ako marsy. Eh mukhang mamahalin 'to eh." ani Apol.

"Hindi  ako nagbibiro, sige na sa 'yo na. Itago mo na at baka may makakita pa." giit ni Belle.

"Sure ka ha. Hindi ko talaga tatanggihan 'to. Lalo na ng Cebuana o M Lhuiller hindi ito tatanggihan, sa oras ng kagipitan." sabi ni Apol habang ipinamumulsa ang maliit na kahon.

Lumalaon ay nagiging mas masidhi ang pagnanasa ni Beyonce kay Clifford. Dumadalas din ang pagbibigay nito ng kung anu-anong bagay dito. Kung ano ang natutuklasan ni Shakira na hilig ni Clifford ay siya namang binibili at ibinibigay ni Beyonce dito.

Batid ni Clifford na mag-iisip ng hindi maganda si Belle kung sasabihin niya ang totoo na si Beyonce ang nagbibigay sa kanya ng mga bagong gamit na iniuuwi niya. Ganumpaman, hindi niya binibigyan ng ibang kahulugan ang mga ginagawa ni Beyonce.

Samantala, hindi naman susuko si Beyonce hangga't hindi napapasakanya si Clifford. Hindi siya nauubusan ng kanyang mga plano upang akitin si Clifford. Kulang na lang ay magpanty at bra siya upang mapansin siya ni   Clifford.

"Cliff, labas naman tayo tutal naman weekend bukas. Tagal ko na ding hindi nakakalabas. Saka wala ka naman yatang lakad tomorrow."  anyaya ni Beyonce na isa sa mga plano niya.

Bahagyang nag-isip si Clifford sa alok ni Beyonce. Subalit sa gitna ng pag-iisip nito at muling sumingit si  Beyonce.

"Cliff, ngayon lang ako magre-request sa 'yo. Alam mo naman ang lifestyle ko before, though tinalikuran ko na 'yun since nu'ng hinarap ko 'tong business natin, pero hindi naman siguro masama kung paminsan-minsan eh gawin ko. Even you, puro work na lang ba?" dugtong agad ni Beyonce.

"Hmm, pwede naman. Pero hindi ako pwedeng masyadong late. Maghihintay si Belle." tugon ni Clifford nang maisipan nitong umayon sa alok ni Beyonce.

"Okay. Pero hindi na siguro 'ko magdadala ng car, if it's okay with you?" ani Beyonce.

"It's okay. By the way, who's with us?" si Clifford.

Napaisip bigla si Beyonce. Nag-alala agad ito na kung ano ang isipin ni Clifford kung sila lamang dalawa ang lalakad.

"Ah, sige sasabihan ko si Apol saka si Mr. Buenafe." naisip agad na sagot ni Beyonce.

"It's gonna be fun. Sige, pero mag-dinner muna tayo kahit very light lang bago tayo mag-bar." ani Clifford.

Lumulundag sa tuwa ang puso ni Beyonce sa naging desisyon ni Clifford. Nasamahan pa ng pananabik sa maaaring mangyari sa kanilang paglabas.

"Apol,  kita tayo sa restroom now na." mensaheng ipinadala ni Beyonce sa sekretarya.

Pagkatanggap ni Apol ay agad naman itong nagtungo sa binanggit ng amo.

"Yes ma'am? Bakit po?" bungad agad ni Apol pagkakita sa amo.

"Apol, nagyayaya si Clifford lumabas later. Wala ka namang ibang lakad 'di ba? Saka 'yun naman ang hilig mo, 'yung mga libreng lakad." tugon ni Beyonce.

"Si Ma'am naman, eh saan daw ba ang punta?" si Apol.

"Very light dinner lang saka mag-bar. Kay Gascon ka na sumakay. Hindi na kasi 'ko magdadala ng kotse. Kausapin ko lang si Gascon. Okay na siguro 'tong simpleng ayos ko noh." ani Beyonce.

Dahil sa tinatamad si Apol na ayusan ang amo, umayon na lamang ito.

"Mas okay nga 'yan ma'am eh. Simplicity is beauty 'ika nga." aniya.

Hindi naman nainip si Beyonce at dumating na ang oras ng kanilang labasan sa opisina.

"Saan tayo kakain Beyonce?" tanong ni Clifford nang lulan na sila ng sasakyan.

"Ikaw bahala Cliff. Hindi naman ako masyadong kakain. Mahirap uminom ng maraming kinain. Nakakabunsol." tugon ni Beyonce.

Nakasunod naman ang sasakyan ni Gascon kasama si Apol kung saan man papunta sina Clifford at Beyonce. Isang restaurant sa Makati ang kanilang pinuntahan upang maghapunan. Matapos kumain ay nilandas na nila ang daan papuntang Timog avenue upang humanap naman ng bar na pag-iinuman.

"Bakit kaya lumayo pa tayo eh ang dami namang bar duon sa Makati." tanong ni Gascon kay Apol habang nakasunod pa din sila sa sasakyan ni Clifford.

"Ewan, baka naman sawa na si Sir duon. Baka gusto naman niyang maiba." tugon ni Apol.

"Bakit kaya naisipan ni Sir lumabas noh. Lumalabas din ba kayo Apol nuon nila Belle kasama si Sir Clifford?" si Gascon.

"Hmm, hindi eh. Eh paano namang makakalabas sa ganito si marsy eh kahit nu'ng simula pa lang nila ni Sir Clifford eh may alaga na agad siya. Kaya hindi naman yata na-experience ni marsy na i-date ni Sir eh." ani Apol.

"Hanggang ngayon Apol nanghihinayang pa din talaga 'ko. Hindi naman sa jina-judge ko 'yung pagsasama nila ni Sir Clifford, pero sa tingin ko kung kami ang nagkatuluyan, mas magiging masaya sa 'kin si Belle. Hindi 'yung palaging taong bahay lang siya. Buti nga ngayon pumapayat na siya eh. Hindi gaya nu'ng unang kita ko sa kanya. Hindi ko lang sinabi sa kanya kasi ayokong ma-conscious siya. Pero para sa 'kin naman, kahit ano pa katawan ng isang tao basta mahal mo, hindi na mahalaga kung seksi ba siya o hindi." patuloy ni Gascon.

"Naku Gascon, hayaan mo na 'yung marsy ko. Masaya 'yun. Saka ganyan talaga, ang pagsisisi nasa huli. Tanggapin mo na lang at nand'yan na. Malay mo mamaya may makilala ka na bago." saad ni Apol.

"Hindi ganu'n kadali 'yun Apol." naabuntong-hininga pa si Gascon bago nito iliko ang manibela ng kotse niya sa parking lot ng bar na hinintuan nila Clifford at Beyonce.

Comedy bar ang pinasukan ng apat. Lingid kina Gascon at Apol, si Beyonce ang pumili sa lugar na iyon para sa kanyang plano.

Nagsimula sila sa tig-iisang bote ng beer. May  mga stand-up comedian na nagtatanghal, kumakanta at nagpapatawa. Sinadya ni Beyonce na hindi gaanong mag-iinom, at panay naman ang order niya para kina Clifford at Apol.

Dahil sa masayang pagtatanghal, nalilibang si Clifford at hindi na nito namamalayan ang oras na dumadaan. Maging ang sunod-sunod na bote nitong beer ay hindi na nito mabilang. Inom naman ng inom si Apol sa bawat bote na ibinibigay sa kanya ni Beyonce.

Napuna ni Gascon ang ikinikilos ni Beyonce, nalingunan niya itong nakaktitig kay Clifford samantalang lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa nakakatawang nagtatanghal sa entablado. Maging ang pagbibigay ng sunod-sunod na bote ng beer ni Beyonce kay Clifford ay napansin din ni Gascon.

Samantala, nag-aalala naman si Belle dahil hatinggabi na ay hindi pa dumarating ang asawa nito. Sinubukan niyang tawagan ng ilang beses pero hindi nito sinasagot ang telepono. Hanggang sa nakatulugan na niya ang paghihintay.

Ala-una na ng madaling araw nang napuna ni Clifford na tumingin ng oras sa relo nito. Dahil sa tama ng alak, halos hindi na nito maaninaw ang tamang oras. Dinukot nito ang cellphone at nakita niya ang mga tawag ng asawa na hindi niya nasagot.

"Late na pala, i think we better go." sabi ni Clifford.

"Kaya mo ba Sir?" agap ni Gascon na normal pa din ang kilos.

"Yeah, i'm okay. Ihahatid ko pa si Ms. Beyonce sa kanila. Kaya ko pa naman." pilit itinutuwid ni Clifford ang pagsasalita.

Samantalang halos bumagsak na ang mga mata ni Apol,sa magkahalong antok at kalasingan.

"Mr. Buenafe, alam mo naman ang way kila Apol, right? Ikaw na bahala sa kanya ha. Gisingin mo na lang kapag nandu'n na kayo sa way nila." sabi ni Beyonce.

Sadyang pinauna ni Beyonce na umalis ang sasakyan ni Gascon kasama si Apol. Nang pasakay na si Clifford sa kanyang kotse ay nakaramdam ito ng matinding pagkahilo. Napahawak ito sa bubong ng kotse.

"Cliff, are you alright? Ako na lang mag-drive. Then magpasunod na lang siguro ako ng taxi  from your place." ani Beyonce.

"Okay lang ba Ms. Beyonce? Pasensya na ha. Nalibang ako, kakatawa kasi 'yung mga nag-perform.

Habang nagda-drive si Beyonce ay napuna niya ang pagpipigil ni Clifford na makatulog. Pasimple niyang nilakas pa ang aircon ng kotse upang tuluyan itong antukin at hindi nga nagtagal ay tuluyang nakatulog si Clifford habang nakasandal sa inuupuan nito.

Imbes na ihatid niya ito sa bahay, isang motel sa Pasig ang pinasukan ng sasakyan nito. Nagpatulong pa si Beyonce sa isang roomboy upang buhatin papasok ng kwarto si Clifford.

Pagkapasok ng kwarto ay hindi na nag-aksaya ng sandali si Beyonce. Hinubaran niya agad si Clifford ng suot nito at nang brief na lang natitira dito ay siya naman ang naghubad ng kanyang mga damit. Naisipan niyang maligo panandali habang walang malay na nakalatag ang katakam-takam na katawang pinapangarap niya.

Paglabas ng banyo ay wala ng saplot si Beyonce. Sumampa ito sa kama at kumubabaw agad sa katawan ni Clifford.

"This is it." sabi ni Beyonce sa sarili habang pinagmamasdang mabuti ang mukha ni Clifford. Marahan niyang inilapit ang mukha dito habang niyayapos niya ang mga pisngi at labi nito.






Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 23.3K 33
10,000-25,000 word counts. Started: March 12, 2020 Finished: June 20, 2020 Lex is a famous actor, but almost ruined his career because of his girlfri...
15.1K 301 23
Famous sa school campus crush what akesha want akesha gets.. paano kung biglang mawala lahat s isang iglap? kakayanin kaya niya? hangang saan aabot a...
42.6K 1K 106
Gaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appr...
20.1K 500 41
Mahirap yung napilitan ka lang s isang bagay lalo na kasal.. mahirap makisama s taong di mo mahal. Pero may kasabihan mas matindi ang pagmamahal kapa...