Andrea? Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko na ngayon. Ngumiti ako rito at hinaplos ko ang mapulang pisnge nito. Ayoko pabigatin ang nararamdaman niya kaya ito lang kaya kong maitutolong sakanya.
"Ashley hindi kasi ako yung tinatawag mong andrea, but i can assist you here sa hotel" Ngiting wika ko rito.
"You look like her, that's impossible! You are Andrea! " nagsimula itong maguluhan ang tangin kong ginawa ay yinakap ko ito ng mahigpit.
"Shhh, Ashley you will be fine okey! You will be fine." Alo ko rito
"Ashley come on, magpahinga kana muna" kumalas ako sa pagkakayakap ko dun sa Ashley, ngumiti muna ako sakanya bago siya maglakad kasama nong tumawag sakanya lalake siguro asawa or boyfriend niya yun.
"Hey" napalingon naman ako kay brian.
"I just feel sorry for her. Hindi ko alam kung ano pwede ko gawin to erase her pain"
"Don't worry, later you can check her naman, for now lets eat okey" He smile at me.
Siguro tama nga si brian. Umupo ako sa harapan ni brian. Habang kumakain kame hindi mawala sa isip ko si ashley. Feeling ko sobra siyang nasasaktan, best friend niya si andrea tapos wala ito.
"Here, kumain ka ng marami kala mo walang nag rereport sakin na late ka na daw minsan kumain. Tss sinabihan na kita maissie kumain ka sa tamang oras, kahit hindi ka nga mag trabaho dito ano ka ba naman!"
"I'm okey brian, para sa gantong paraan mapagpasalamat ako sainyo ni stacy" sabay ngiti ko rito.
"Yeah yeah whatever!" Sabay kuha nito ng pagkain saka nilagyan plato ko. Napairap nalang ako rito.
Ng matapos kame kumain, bumalik na ako sa kusina. Nag luto ulit ako, pa minsan minsan ako ang nag hahatid ng pagkain sa costumer mga alas-kwatro ng hapon nag paalam sakin si brian na babalik na sa oxeana hotel. Bago makaalis daming bilin, hindi bilin para alagaan o asikasuhin ng maayos yung hotel niya kundi sakin kesyo wag pabayaan ang sarili. See same sila ni stacy ng ugali. Kung sa bagay magkapatid e.
Alas-otso ng gabi umakyat na ako sa hotel room na tinutuluyan ko. Pagka pasok ko ng kwarto kaagad ko kinuha ang tuwalya tyaka pumunta sa banyo para maligo. Ilang oras ang lumipas lumabas na ako kumuha ng damit na pantulog saka pinupunasan ang buhok ko ng tuwalya. Napakunot noo ako ng may sunod sunod na kumakatok sa kwarto.
"Teka sandale!" Sigaw ko
Pagkabukas ko ng pintuan bumungad sakin ang maraming tao sa labas. Napakunot ako ng noo sakanila.
"Shit!"
"What the fuck!"
"Is this a joke guys right? I SAID RIGHT!" Yung lalaking moreno at kulay golden brown ang buhok ang nagsalita naman.
"See, i told you the flirty andrea is here and shes with a man kanina!" Napatingin ako sa babaeng nag salita.
"You again?"
"Yeah, tss" sabay irap nito.
"Wait, may irereport ba kayo kaya kayo pumunta dito? Alas otso na ng gabi o!" Inis kong wika sa mga taong nasa labas ng kwarto ko.
"See, thats andrea treat us!" Sabay irap ule nito. Ito babaeng to punong puno na ako.
"Wait, ikaw ha kanina kapa! Isa pang dada makakatikim ka sakin! Ano ba talaga pinunta niyo dito? Andrea kayo ng andrea! The fuck! im not andrea!" Inis na wika ko.
"Sorry pero okey lang ba na samahan mo kame sa baba? Bonfire?" Napatingin naman ako sa lalaking nag salita siya yung lalake tumawag kay ashley kanina.
"Lucas by the way" nilahad niya ang kamay nito, tinanggap ko naman ito.
"Okey, pero itong babaeng to ilayo niyo sakin baka mamaya lumanding na kamao ko sakanya!" Gigil na wika ko. " Sige na mauna na kayo susunod ako. May kukunin lang ako" sabi ko
Kinuha ko lang susi saka lumabas na ng kwarto. Nagulat nalang ako ng may tao sa labas. Matangkad, mestiso, matipuno ang kanyang katawan, at hindi ko ito nakita kanina. Sino siya?
"Exucuse me sir? Is there anything that i can do for you?" I ask him
"Andrea, long time no see" he said with his low voice.
"Sir nag kakamali kayo, maissie po pangalan ko. Hindi ko alam bakit niyo ko tinatawag na andrea e maissie nga pangalan ko." Iritang wika ko. Nanlake nalang ang mata ko ng bigla niya ako halikan agad ko itong tinulak.
"Seriously?" Sabay sinampal ko ito.
"Nevermind" Saka ito tumalikod paalis.
"Weird" Magnanakaw ng halik tas aalis ng ganun ganun lang!
Pagkababa ko, saka ako pumunta sa place kung saan andun yung mga taong nag request na bumaba ako.
"Excuse me? Now im here please sabihin niyo na kailangan niyo. May trabaho pa ako bukas" tanging nasabi ko nalang, medyo tinatamaan na ako ng antok siguro sa pagod.
"What is your name?" Tanong nong lalakeng may hawak na hotdog na nasa stick.
"Maissie Quinn A-arcilla" Sagot ko rito
"Birthday?" Tanong ng babae na meron kukay berdeng buhok, meztisa ito. Inshort maganda.
"T-eka bat ganyan mga tanong niyo? Ano ba talaga kailangan niyo sakin?" Inis kong tanong sa kanila
"We want to know you better, or nagsisinungaling ka lang talaga na talagang ikaw si andrea!" Napapikit ako ng mariin sa babaeng nag salita. Tss, pag ako napuno na dito susuntukin ko na to.
"February 8" Bigla naman ako napaatras ng sabay sabay sila nanlake ang mata.
"Shit! Wag niyo ko takutin ang weird niyo lalo kamo!" Natatakot na wika ko.
"Kakambal ka niya?" Sabi nong boy
"Impossible naman yun, wala naman sinasabi si andrea satin!" Then sagot naman nong girl. Hays ewan sa dami ba nila ngayon sa harapan ko sino ba naman hindi maguguluhan.
"Grabe ikaw andrea ha lakas ng pakulo mo ah!" Sabay sila nag tawanan. Eh?
"Shes not andrea" napalingon ako sa lalaking nag salita mula sa likod ko. Teka siya yung nakausap ko sa taas kanina nong paglabas ko ng hotel room yung ng agaw ng halik!
"Axel"
"Wag niyo na kulitin yung tao, mas kilala ko si andrea kesa sainyo kaya tantanan niyo na siya" Sabay lumapit ito dun sa nag ngangalang lucas saka kumuha ng beer at walang sabi sabi na nilagok iyon.
"So pwede na ako magpahinga? Ok then, enjoy!" Tumalikod na ako sakanila at nag lakad papasok ng hotel ng bigla may humawak sa braso ko.
"Hi, im sorry kanina" o si ashley
"Ano kaba okey lang!" Ngiting wika ko rito.
"Actually hanggang bukas lang kame dito, can i stay with you tonight. I just want to bond with you kesa sa kanila na nakakasawa na mga pagmumukha." Natawa nalang ako sa sinabi nito.
"Sure" pag akyat namin sa kwarto ko, kumuha ako ng drinks saka nilahad iyon sakanya. Nasa sala kame dalawa.
"Seryoso, pineapple juice? HAHAHA!" Sabay tawa neto. Anong mali dun
"Eh? Bakit masarap kaya to" sabay nguso ko
"Hindi ka nga si andrea" tumayo ito at nagtungo sa ref "Again! Seriously, chocolates drink! Hahaha layo mo talaga kay andrea!"
"Wait eh ano ba iniinom nong andrea?" Tanong ko sa kanya.
"Alak, ayaw niya mga ganyan" agad nitong sagot. Napakamot nalang ako sa batok ko bago ako muling magsalita.
"Ahh kaya, ahm ashely pwede ba ako mag tanong about kay andrea? Totoo ba na kamukha ko siya?" takang tanong ko rito, si ashley naman ay ngiti naman itong tumabi uli sakin sa sofa. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa neto at may kinalikot dun saka hinarap sakin.
"Shit" nanlaki ang mata ko, kamukhang kamukha ko nga siya!
"See kahit kame ay nagulat din, sorry about kanina ha lalo dun sa inasta ni carla" malambing na wika ni ashley.
"Ano kaba okey lang, carla pala pangalan non. Pero wait" zinoom ko ang picture, may ilang pagkakaiba kame lalo sa mukha, ako may nunal sa may bandang ibaba ng kanang mata ko tapos siya ay ang nunal niya ay sa gilid ng labi niya sa baba. Ang kulay ng labi nito ay nude pink dahil sa suot na lipstick samantalang ako ay hindi nag lalagay ng ganun. Siya ay may kulay itim na mahabang buhok na unat at ang akin ay maikli na wavy ang buhok at kulay brown.
"May pagkakahawig nga kayo, pero alam mo ba masakit sa part ko? Yung bestfriend ko hindi man lang sinabi na may kambal siya." Nakatungong wika nito
"Wait kambal? Ako? Impossible, only child lang ako ni mommy at daddy, tyaka hindi porke same birthday at magkamukha ay kambal na hahaha, malay mo double ganger lang. joke" pag papagaan sa loob nito.
Kahit ako din naguguluhan. Hindi ko alam pero dinaan ko nalang sa biro. Sino ka ba andrea, bakit magkahawig tayo, i mean magkamukha. Kambal ba talaga kita?
"Kung sa bagay" sabay inom nito ng alak.
"Hmm, medyo inaantok na ako ashley, ikaw ba dito ka ba matutulog?"
"Hindi dun ako sa kwarto ko, sige na matulog kana. By the way thank you ha" tumayo ito saka yinakap ako. Sinamahan ko siya palabas ng kwarto at nagpaalam na ito.
"Nakakapagod na araw! Mm" sabay hilata ko sa kama.
Kinabukasan maaga ako nagising, ginawa ko ang morning routine ko. Ang suot ko ngayon ay naka black short ako saka plain white na v-neck t-sirt naman ako. Kinuha ko yung cellphone ko na chinarge ko bago maligo nasa 87% okey na to. Nag suklay lang ako ng buhok saka kinuha ang susi saka lumabas ng kwarto. Habang nag lalakad ako sa pasilyo nakita ko si jossie may kausap sa telepono, tatawagin ko na sana ito para batiin ng magandang umaga ng marinig ko ang pangalan ko.
"Si miss maissie po ay naka focus lang po sa pagtrabaho dito maam stacy. Yun lang po ginagawa niya po dito. Pero maam, — opo wala pong napunta dito kahit si sir marco. Si sir brian lang po talaga napunta dito." Napakunot noo naman ako sa nadinig ko. Stacy? Bakit ako pinaguusapan nila?
"Opo binabantayan ko si miss para sa plano po niyo maam para kay sir richard, yes maam—." Mas lalong nanlake ang mata ko. Akala ko ba tutulungan niya ako magtago? Pero mukhang naka plano na lahat. Kaya dahan akong tumalikod at pumunta sa kabilang elavator para yun ang gamitin ko.
Kinakabahan ako, stacy kaibigan kita pero trinaydor mo ako pareho kayo ni daddy. Tangina hirap pati bestfriend at tatay ko kaya ako ibalik sa gagong yun!
Hindi ko akalaing ganito ang gagawin mo sakin stacy, akala ko ba mapag kakatiwalaan kita? Akala ko ba hindi mo ako hahayaang mapunta sakanila? Nangako ka sakin stacy!
Dali ako pumunta sa parking lot para dun lumabas pag sa main gate ng hotel kasi hindi ako makakalabas dun dahil for sure pinagbawalan na ni stacy na huwag ako palabasin.
Tarantang taranta ako, hindi ko alam kung saan ba dadaan palabas. Napatakip nalang ako sa bibig ko ng marinig ko ang hikbi ko, patakbo na sana ako sa kabila ng biglang may bumusina sakin na kotse. Inaantay ko na tumalsik ako sa pagkatayo ko pero ilang segundo na lumipas ni wala akong naramdamang sakit na nasagasaan ako kaya unti ko inangat ang mukha ko at nakita ko ang lalake na papalapit sakin. Hindi ko alam gagawin ko nanginginig ako sobra sa takot.
hanggang sa unting unti dumilim na ang mga paningin ko at nawalan na ako ng malay.