Diary ng Bampirang Bungal ang...

By XamRed

24.7K 2.7K 2.4K

The GG Diaries #2 "Ako si Bambu, ang bampirang bungal. Nakakilala ng isang nilalang, sa itaas ng punong yakal... More

DIARY NI BAMBU [Completed]
Tinga Para sa Unang Kagat
BOKABULARYO'T BALARILA
Unang Kagat - Unang Sipsip
Unang Kagat - Ikalawang Sipsip
Unang Kagat - Ikatlong Sipsip
Unang Kagat - Ikaapat na Sipsip
Unang Kagat - Ikalimang Sipsip
Ikalawang Kagat - Unang Sipsip
Ikalawang Kagat - Ikalawang Sipsip
Ikalawang Kagat - Ikatlong Sipsip
Ikalawang Kagat - Ikaapat na Sipsip
Ikalawang Kagat - Ikalimang Sipsip
Ikatlong Kagat - Unang Sipsip
Ikatlong Kagat - Ikalawang Sipsip
Ikatlong Kagat - Ikatlong Sipsip
Ikatlong Kagat - Ikaapat na Sipsip
Ikatlong Kagat - Ikalimang Sipsip
Ikaapat na Kagat - Unang Sipsip
Ikaapat na Kagat - Ikalawang Sipsip
Ikaapat na Kagat - Ikatlong Sipsip
Ikaapat na Kagat - Ikaapat na Sipsip
Ikaapat na Kagat - Ikalimang Sipsip
Ikalimang Kagat - Unang Sipsip
Ikalimang Kagat - Ikalawang Sipsip
Ikalimang Kagat - Ikatlong Sipsip
Ikalimang Kagat - Ikaapat na Sipsip
Ikalimang Kagat - Ikalimang Sipsip
Tinga Para sa Ikaanim na Kagat
Ikaanim na Kagat - Unang Sipsip
Ikaanim na Kagat - Ikalawang Sipsip
Ikaanim na Kagat - Ikatlong Sipsip
Ikaanim na Kagat - Ikaapat na Sipsip
Ikaanim na Kagat - Ikalimang Sipsip
Ikapitong Kagat - Unang Sipsip
Ikapitong Kagat - Ikalawang Sipsip
Ikapitong Kagat - Ikatlong Sipsip
Ikapitong Kagat - Ikaapat na Sipsip
Ikapitong Kagat - Ikalimang Sipsip
Ikawalong Kagat - Unang Sipsip
Ikawalong Kagat - Ikalawang Sipsip
Ikawalong Kagat - Ikatlong Sipsip
Ikawalong Kagat - Ikaapat na Sipsip
Ikawalong Kagat - Ikalimang Sipsip
Ikasiyam na Kagat - Unang Sipsip
Ikasiyam na Kagat - Ikalawang Sipsip
Ikasiyam na Kagat - Ikatlong Sipsip
Ikasiyam na Kagat - Ikalimang Sipsip
Ikasampung Kagat - Unang Sipsip
Ikasampung Kagat - Ikalawang Sipsip
Ikasampung Kagat - Ikatlong Sipsip
Ikasampung Kagat - Ikaapat na Sipsip
Ikasampung Kagat - Ikalimang Sipsip
Huling Kagat - Unang Sipsip
Huling Kagat - Ikalawang Sipsip
Huling Kagat - Ikatlong Sipsip
Huling Kagat - Ikaapat na Sipsip
Huling Kagat - Ikalimang Sipsip
Huling Kagat - Huling Sipsip
Espesyal na Kagat at Sipsip
PASASALAMAT

Ikasiyam na Kagat - Ikaapat na Sipsip

126 23 16
By XamRed

"Ang galing, o... bareback, tingnan mo..." sambit ni Kapon, patuloy sa paghaplos ang kanyang palad sa alikabok na unti-unti niya nang napahid nang tuluyan, "Siguro simbolo 'to ng mga salamangkero, 'no? Ahas..." aniya pa sa marka ng ahas na nakikita sa espasyong walang larawan.

Walang ibang hugis ang aking mga matang mas lalong namilog sa gulat nang makita ang markang iyon na kapareha sa markang nakita ko na rin noon.

"Aw, ahas! Speaking of ahas, nasa'n na ba 'yon?" dinig kong sabi pa ni Kapon habang ako'y tahimik. "Hay, first time ko makakatikim ng dugo ng ahas... myghad Alma, kinakabahan ako!" Hawak niya na ngayon ang ahas na nahuli ko para sa kanya hanggang sa inabala niya na ang sarili sa pagsipsip ng dugo niyon.

Lumingon ako sa ibang direksyon pero dinig na dinig ko pa rin ang tunog ng kanyang labi habang marubdob na sinisipsip ang dugo ng ahas na kamamatay lang din kani-kanina.

"Tulala na naman!" Hinampas niya sa 'kin 'yong ahas dahilan para mapatingin ako sa kanya, "Bakit parang nakakita ka ng multo? Este ng ahas pala..." sabi niya't nang matawa'y nakita ko ang kanyang pangil na may bahid ng dugo.

Umiwas ako muli nang tingin at natahimik pero ang ginawa niya'y hinampas niya ulit ako no'ng ahas.

"Huy...!" sabi niya pa't dinudutdot, ipinagduduldulan sa mukha ko ang ahas.

Hinawi ko lang iyon palayo sa aking mukha at ibinalibag sa mukha niya. Muli kong itinuon ang tingin ko sa kawalan kasabay nang pagliliwaliw ng aking isipan.

"Ay, parang timang si kupal, ba't gan'yan mukha mo?" Lumapit sa 'kin si Kapon at iniharap niya ang mukha ko sa kanya.

Nang magkatitigan kami ay pilit kong binawi ang mukha ko't tumanaw sa iba.

"Huy!" Hinawakan niya ang balikat ko't walang humpay na niyanig ng kamay niyang naliligalig.

"Wala may naalala lang ako..." sambit ko't muling nabaon sa katahimikan, "bilisan mo nang kumain d'yan, ililigtas pa natin ang creampie ko..."

Tinaasan niya lang ako ng kilay at maliit na tango ang isinunod saka itinuloy ang pagkaing naantala dahil sa pag-aalala niya't pag-usisa sa 'kin.

Bawat pagnguya niya sa mga prutas na kinuha ko para sa kanya at sa bawat pagsipsip niya sa dugo no'ng ahas ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nalaman ngayong araw at maging kagabi. Gulong-gulo na ang isipan ko sa mga nangyayari pero nawala ang lahat ng iyon nang matapos na sa paglamon ang timawa kong bareback.

Sa kanyang pagdighay ay iyon na ang naging hudyat na kailangan na naming maghanda at ang unang hakbang naming gagawin ay . . .

"Kapon, sigurado ka ba sa ideya mong 'to?" tanong ko kay Kapon matapos naming gumapang pataas sa hukay. Nakakatang na sa ulo namin ang takip ng butas, noo lang namin ang nakaangat sa lupa gayundin ang aming mga mata kaya nakikita na namin bahagya ang labas pati na rin ang mga basurang bantay sa Porshugality.

"Oo, tiwala lang...!" agarang sagot ni Kapon na sa pakiwari ko ay nangangawit na rin sa pagkapit at pagsabit rito sa lupa. Kaunting-kaunti na lang ay maaari na siyang makabitiw at mapabayaan ang mga kukong nakatusok sa gilid ng lupa.

"Sige, tara... pagkabilang natin ng tatlo, sabay tayong tatalon, a!" dagling sabi ko at tinangu-tanguan siya sabay silip ulit sa nakaawang na takip. Hay, para kaming mga dagang sisilip-silip sa ilalim ng manhole.

Nagtinginan kami ni Kapon at kahit walang salita ay magkasabay kaming nagbilang sa isip, "Hana-Dalawa, Sam-Four, Cinco-Muttsu!"

At pagkabilang ng tatlo ay tumaob at bumaliktad ang nakatakip sa butas na napupuno ng dahon ng saluyot at malunggay dahil sa pagtalon namin ni Kapon.

Medyo napataas ang pagtalon ko kaya naman mas naunang lumapag si Kapon sa lupa kaysa sa 'kin.

Tumayo kaming dalawa at pagtaas namin ng aming mga tingin ay nasa harapan na namin ang mga Basurang Bantay ng Porshugality.

Wow, tamang-tama pala ang bagsak namin.

"Luh, bareback, pa'no 'yan? May espada nga pala sila! Wala tayong gan'yan!" Kumaripas kaagad ng takbo si Kapon at nagtago sa likuran ko, nagmistula siyang asong bahag ang buntot nang masilayan ang mga makakasagupa namin.

"Edi mang-aagaw!" Nilingon ko siya sabay sibat papunta sa dalawang Ninja Basura at gamit ang aking natatanging taglay na bilis ay naagaw ko ang armas ng dalawang mangmang.

"O, 'yan, mayro'n na rin tayo... LABAN!" sabi ko nang iabot ko kay Kapon ang espadang inagaw sa kaaway at nagsimula na akong sumugod.

"Ngi, 'di ako marunong gumamit nito!" dinig ko pang sabi ni Kapon na narimatse lang sa kinatatayuan niya.

"Hay, bahala ka! Kung gusto mong mabuhay lumaban ka!" sabi ko habang patuloy sa pakikipaghampasan ng espada sa bawat Ninja Basura na sumusugod sa 'kin.

Hanggang sa narinig ko na lang ang boses ni Kapon,

"HAA!"

"HAA!" Sumisigaw siya sa bawat wasiwas ng kanyang espada.

"YAH!" Nakikipaglaban siya habang nagsisisigaw.

"YAA... YAYAYA! OC DAWGS EKSBI!" sabi niya't napatingin ako sa kanya.

"Ay, iba pala 'yon." Natatawang sabi niya at nanlaki ang aking mga mata sa nakita.

"Kapon, sa likod mo!" sigaw ko sabay takbo papalapit sa kanya at inunahan ang Ninja Basurang tatapyas sa ulo niya. Hay, napakabagal niya kasing kumilos.

"Ano ba 'yan? Muntik ka na ro'n, 'di ka nag-iingat!" sigaw ko sa kanya at hinatak siya papalapit sa 'kin nang bigla niyang itaas ang kanyang espada na ikinagulat ko.

"O, 'yan... muntik ka na ring mapatay, 'di ka rin nag-iingat," sabi niya matapos ibaba ang espada at paglingon ko, isang Basura ang nakabulagta sa aking likuran.

Akala ko, ako ang sasaksakin ni Kapon ngunit hindi pala dahil may nagtangkang Basura sa akin nang hindi ko napapansin at kung hindi siya naunahan ng aking bareback ay malamang isa na akong malamig na bangkay.

"Wow, ha? Parang 'yon lang yata 'yong napatay mo," pabiro kong turang totoo rin naman. Isa lang ang napaslang niya samantalang ako'y inubos ko silang lahat.

"Ha? Ubos na?" ani Kapon, lumingon sa kaliwa't kanan, gulat na gulat nang walang makita kahit isang Ninja Basura.

"Patay na lahat?" sabi pa niya't ginalugad muli ang paligid. Nakita niya ang mga pugot na ulong nagkalat sa lupa.

"Luh, pa'no mo nagawa 'yon?" tanong niya sa 'kin nang ako'y balikan, namamangha.

"Ako lang 'to, Kapon..." ngising saad ko, "'wag kang humanga."

Natawa na lamang siya at ako'y inalayan nang mabagal ngunit matunog na mga palakpak. Masaya dahil naisagawa na namin ang unang hakbang--- ang paslangin ang mga hadlang sa Porshugality.

"Ang baho naman nito, amoy Basura!" sambit ni Kapon habang suot ang kasuotang kulay itim ng isa sa mga Ninja Basura'ng napaslang namin.

"Tiisin mo, mas madali tayong makakapasok sa Kastilyo kapag ganito ang suot natin..." sagot ko naman.

Patuloy kami sa paglundag at pagtakbo sa masukal na gubat. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko ang mga naganap kanina sa maikling tunggalian sa mga Basura. Kahit takot si Kapon ay nakipaglaban pa rin siya. Kahit hindi niya sinuot ang kwintas dahil pinili niyang makipaglaban ng patas sa mga Basura ay halatang siya pa rin ang dating bareback ko na mababa ang kompiyansa sa sarili.

Kaya naman kapag magkalayo kami ay naaalala ko rin siya dahil sa pagiging padalos-dalos at walang ingat niya sa laban. Pagkatapos ng pakikipagtunggali namin ay kaagad naming hinubaran ang isa sa mga Basura. Kinuha niya ang damit ng isa at hinubad ang kanya para iyon ang gamitin na damit. Gayundin naman ang ginawa ko. Isinuot namin ang suot ng mga Ninja Basura dahil kailangan naming mag-balat-kayo upang mapadali ang aming misyon.

Hindi niya naman nakalimutang isuot ang kanyang kwintas na hinubad bago kami umalis at ngayon ay kaunting-kaunti na lang, makakarating na kami sa aming patutunguhan.

Matapos malagpasan ang masukal na kagubatan, ang malawak na kabukiran sa gawing kaliwa at ang maunlad na bayan sa gawing kanan ay tinutungo na namin ngayon ang daan patungo sa tahanan ng aming mga pinuno.

Nasa harapan na kami ng Kastilyo at sariwang-sariwa pa sa alaala ko ang mga pangyayaring naganap dito noon ngunit ang mga alaalang gusto kong maalala ay hindi na magawang sumabit pa sa isipan ko. Marahil ang isa pang dahilan ay nakatuon ang isipan ko sa kung paano maililigtas ang aking creampie sa bingit ng kamatayan.

Madali kaming nakapasok sa tarangkahan at nakalampas sa bakod. Wala kaming kahirap-hirap na naglakad sa malawak na bulwagan at pook na pinagtitipunan kapag may mahalagang pangyayari o pagpupulong dahil akala ng mga Ninja Basura ay katulad nila kami. Napaniwala namin sila.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa harapan ng pintuan ng palasyo at nang papasok na kami ay hinarangan kami ng dalawang gwardiyang basurang nakaharang doon.

Tinanong nila kami kung bakit kami papasok. Nagkatinginan naman kami ni Kapon at para bang iniisip kung ano ang aming gagawin o sasabihin. Sinabi naming hinahanap kami ng Omelet pero hindi sila naniwala pero no'ng hinawakan ko sa balikat ang isang Basura at sinabi kong, "Sana papasukin ninyo kami" ay dali-daling tinanguan niya ang kasama niya at pinagbuksan na kami ng pinto.

Pagkapasok sa loob ay roon na namin sinimulang mag-ingat at ikubli ang aming mga presensiya. Si Kapon ang pinauna ko dahil siya ang nakaaalam ng lihim na piitan sa ilalim nitong Kastilyo kaya naman sinusundan ko lang siya. Ang bawat hakbang ng dalawang paa niya ang nagsisilbing gabay sa akin hanggang sa makarating na kami sa madilim na lugar at pababa pa rin kami nang pababa sa hagdanan. Ang tunog ng mga yapak namin ay umuugong sa paligid kaya naman minabuti naming gaanan ang pagtapak nang sa gayon ay hindi kami makalikha nang kahina-hinalang ingay.

"Ang mga sagabal sa plano ay dapat tinatanggalan ng ulo..."

Nagkatinginan kami ni Kapon nang marinig namin ang boses na iyon.

"Boses ng Omelet 'yon, a? Tara, bilisan natin!" sambit ni Kapon nang lingonin ako.

Continue Reading

You'll Also Like

412K 22.7K 31
Harper Esmeralda Gazellian
25.3M 730K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
21.5M 549K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
43.9K 1.5K 68
"Hoy Poste! ba't ang higante mo? nagjajakol ka noh?" "Kung naiinggit ka, edi magjakol ka din! turuan pa kita eh." 💌TXTZY Series #2: Soobin x Lia💌