^√^√^√^}}{{^√^√^√^
Tulala akong naglalakad papasok ng room namin, hindi ko alam kung swerte nabang matatawag dahil may isang bagay akong meron na nagligtas sakin at nagpa-late kahit papaano ng mismong oras ng pagpatay sakin, ganito pala ang feeling kapag may taning na, iyong mismong alam mong mamamtay ka or worst papatayin ka, malungkot kong pinagmasdan ang buong unibersidad na pinapasukan ko, gusto kong magsisi dahil hindi ko manlang masyadong na appreciate ang ganda nitong buong paaralan noon, ngayon wala pa man ngunit pakiramdam ko parang mamimiss ko ito, nakakalungkot na kung kelan ako mawawala sa mundo saka ko palang makikita ang ganda ng buhay, at isa pa ang nagiisang best friend ko, mamimiss ko siya sobra siya nalang ang meron ako, napaiktad ako ng may humampas sakin sa likod ko, napalingon ako sa likod at ayon ang mataray at nakataas na kilay na mukha ng best friend ko
" Mamimiss kita Kurdapya! Ingatan mo lagi ang sarili mo Pauline Antoinette Topong, mahal na mahal kita Pat. " Mangiyak ngiyak kong sabi habang binabanggit ang totoo niyang pangalan, napahagulgol ako habang yakap siya kaya naramdaman ko ng matigilan siya, hinampas niya ako ulit sa Balikat
" Hoy Anyang! Anung drama yan Kabit! " Naluluha na ding tanong niya, bahagya akong natawa, ako ang nageemote pero inagaw niya nalang bigla ang spotlight! Siya lang ang meron ako, pwede ko naman sabihin sa kanya ang problema ko pero ayaw ko siyang madamay baka balikan pa siya ng Damonyo kung sakali ayaw kong magyari yun okey ng ako nalang, umiling ako habang nakangiti, hinawakan ko ang kamay niya
" Tara libre kita, kain tayo? Mag absent nalang tayo san mo gusto? " Nilagay niya ang hintuturo sa sentido akmang nagiisip, naramdaman ko ang cp ko sa bulsa ko na nanginginig, kinuha ko to at tinignan, nangunot ang noo ko? Unknown Caller? Ini-slide ko agad ang answer
" Hello? " Bungad ko, sa una ay huni lang ata ng aircon o ng tawag ang naririnig ko sa kabilang linya, walang nagsasalita kaya naman inulit ko lang ang tanong, tatlong beses akong nag "hello" ng nag "hello" kainis!
" Use my card at all my expense, be my guest take all the privilege " Malamig at maikli niyang sabi, nangunot ang noo ko, pamilyar ang boses niya at hindi ko mapaliwanag ang kakaibang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pamilyar niyang boses, nanlaki ang mga mata ko
" Mr. Salvatore? " Mahina ngunit nanginginig ang boses na tanong ko, hindi ako sigurado pero ramdam ko sinasabi ng puso kong si Damonyo iyon! Ah ewan!
" Three days from now expect my call, go to spa, use my card, you can treat your friends its fine! I don't want a hairy meal! " And then the line went dead, nangunot ang noo ko at napatingin sa screen ng cp, hairy? Saka lang ngsink in sakin ang sinabi niya mga sampung minuto matapos ang tawag, agad akong pinamulahan sa mukha ng maalala ko ang pagpapak niya "doon" 3 days from now? Dapat ay natatakot na ako kasi iyon na ang katapusan ko! Sinentenstahan nako pero bakit feeling ko ay excited pa ako! Gaga ka talaga Anyang! Ang landii mo! Sigaw ng isang bahagi ng isip ko, dapat malungkot ako at umiiyak! Pero bakit ako nakangiti bwisit! Halos magpapadyak ako sa sobrang inis sa sarili ko, wala sa loob na napahalungkat ako sa bag ko at iyon nga! Hawak ko na sa kamay ang isang black na card kaya pala iniwan niya! Akala ko nakalimutan lang, agad nawala sa kamay ko ang kard, tinaas pa ito ng magaling kong kaibigan sa ere habang lumuluwa ang mga mata
" Anu ba Kurdapya! " Angil ko, nanlalaki pa din ang mga mata niya habang lumilingon sakin na kala mo may stiff neck
" Walanya ka Anyang! Saan mo nakuha to Kabit! Kainino mo ito ninakaw! Jusko Sky is the limit ang card na ito! " Namamanghang sabi niya, ganun? Well mamamatay na din lang ako bakit pa lilimitahan ang sarili ko, kinuha ko ang kamay niya at hinila, " sorry mr. Damonyo mukhang masasaid ka ngayon " nakangiti kong sabi sa isip, sumakay agad kami sa taxi at nagpahatid sa mall
" Kurdapya shopping tayo! Bilhin natin lahat lahat ng gusto natin! " Nagniningning ang mga mata niya habang niyaya ko siya sa kung saan saan, namamangha siyang sumunod sa lahat ng puntahan namin! Imbes magmukmok dahil may taning na ako! Nevermind! Naisip kong bumili ng lahat ng mga kailangan sa isang bahay! Oh well sabi ko naman masasaid ang Damonyo! Kahit man lang ito noh! Atleast kahit patayin niya ako naranasan ko ito!
" Tara Pat samahan mo akong bumili ng mga appliances " Nakangiti kong sabi, sunod-sunod siyang tumango, nagpunta nga kami doon, nagtingin-tingin ako ng sofa set at TV, DVD, King Size bed, Ref, wallpapers, curtains at ilang mga display, nang okey na ay nagpunta na ako sa casher inabot ko ang black card
" May I know your name ma'am " Magalang na tanong ng babae, mukha siyang nagdududa, nangunot ang noo ko, paktay! Baka hindi ko pwedeng gamitin dito pero hinayaan ako ni Damonyo na gamitin ito diba?
" Marian dimagiba " Si Kurdapya na ang sumagot
" May problema ba miss? " Tanong ko, lumipat ang tingin niya sakin mula sa monitor ng pc sa harap niya
" I'll just check if your name is on the list ma'am " Sagot niya
" List saan miss? " Tanong ko
" This is an anvantage card ma'am need ng store I-confirm mula sa holder kung accredited sa inyo ang card, it's under the card's policy po, the card is unlimited but privilege is high kaya for security purposes po " Sagot nito, kaya tumango ako
" One last moment ma'am do you have an valid identification card? " Muling sabi ng casher, nagtataka ko namang inabot ang School ID ko, nakita ko naman na ngumiti ito, saka inabot pabalik ang ID, nakangiti niyang pinunch sa monitor ang mga nabili namin, nang lumabas ang receipt ay inabot nito iyon sakin saka may pina fill upan kung gusto ko daw bang ideliver nalang sa bahay
" Does my name written in the list? " Tanong ko, tumango ang casher
" Yes ma'am, under Mr. Damon Rouge Salvatore " Nanlaki ang mga mata ko baka gamit talaga niya ito sa mga babae niya
" May I ask kung ilan kaming Benificiary? " Nakangiting tanong ko
" Nothing to worry ma'am kayo lang po ang accredited " Nakangiti din nitong sagot, lalong nangunot ang noo ko, nang matapos ay lumabas na kami ng shop, nilagay ko sa bag ang resibo at ang kard ni Damonyo, niyaya ko si Pat sa isang salon nagpagupit ako at nagpakulay ng buhok kung anu ang ginawa sakin ay ganun din ang kay Pat, nagpa facial at Derma kami at nag pa footspa pati ang mga kuko namin ay pinagawa namin pagtapos ay naisip ko na ding mag pa wax sobrang sakit pala nun halos dinig sa buong floor ang hiyaw ko, jusko muntik pa akong magback out pero hindi pumayag ang attendant, nang matapos halos hindi ako makatayo sobrang sakit, natatawa si Pat ng lumabas ako hindi kasi siya pumayag kaya naghintay nalang siya, kung anung nagyari sa kabilang shop ay ganun din dito sa salon pero ID ko nalang ang binigay ko at ung card mas napabilis na ngayon, nang lumabas kami sa salon parang ibang Anyang na ang naglalakad papunta sa mga botique, jusko feeling ko ang ganda ganda ko, ang dating hanggang bewang na buhok ko naging hanggang balikat nalang plus ang dating brown na wavy naging green na straight si Kurdapya naman ay nagpa-unat din ng buhok at nagpakulay lang ng brown, nagsukat at nagsukat kami at nagkukuha ng mga damit, niyaya ko pa siya sa isang Malp store at binilhan ko siya ng bagong phone na latest, nakakapagtaka lang ng kunin at ipunch ng casher ang item parang bigla itong nagmadali, babagal-bagal kasi ito kanina, pagkatapos namin sa store ay pumunta naman kami sa auto shop at nagtingin tingin ng sasakyan
" Kurdapya gusto mo ng kotse? " Tanong ko, lulubusin kona talaga minsan lang to atleast mapapasaya ko ang nag-iisang kaibigan ko na hindi ako iniwan, masakit man pero ako ang mang-iiwan sa kanya, nagningning ang mga mata niya
" Gusto ko sana pero alam mo naman na mas trip ko ang motor " Sagot niya kaya hinila ko na siya sa bilihan ng motor, pumili siya ng black mio soul napailing ako pwede naman ung mas mahal pa pero okey na daw iyon, 70,000 one payment ang kinuha ko at doon ko din kinuha sa kard na binigay ni damon matapos mafill upan ang delivery info, hinila ko si Pat sa jewelry shop bumili kami ng friendship platinum bracelet, isa iyong susi at lock ang design, sakin ang lock at sa kanya ang key ang ganda, gusto ko pa sana siyang ibili ng set pero tumanggi siya hindi daw siya mahilig sa ganun, nakakita akong ng mga keychains at mga pins sa isang store kaya bumili ako ng isang wallet design na keychain maliit lang iyon at iyon talaga ang nakaagaw ng paningin ko, naalala ko agad siya ng makita ko iyon, " Wallet Walker " Napangiti ako sa naisip ko, binili ko iyon mula sa pera ko pampalubag-loob kay Damonyo masaya kaming naghiwalay ni Pat, nang maihatid siya ng taxi sa kanila at maiwan akong magisa ay bumalik ang lungkot ko, 2 days nalang napayuko ako at hindi ko maiwasang mapaluha, napabuntong hininga ako
" So? You spend almost half a million in one day? " Naningas ako sa malamig na boses na iyon, napatingin ako sa driver ganun nalang ang gulat ko ng masalo ko ang malamig na titig niya sa rear view mirror ng kotse! D*ng hindi ko napansin na hindi pala taxi ang nasakyan namin! It was a fr*king sedan for f*cking sake!
∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆
August,17,2020 - 11:57 PM (EDITED)
-LND