"WHAT are you talking about?"
"Hindi mo alam?" gulat na tanong ni Sky sa dalaga.
Umiling si Nicole.
"Nang ayaw mong sagutin ang mga text at tawag ko noon, pumunta ako sa inyo. Ang mommy mo ang kinausap ko. I told her everything about us. I told her I was in love with you. We loved each other. Na may relasyon tayo."
Huminto siya. Naninikip ang dibdib niya kapag naalala ang mga sinabi ng mom nito sa kaniya noon.
"Ginawa mo yun?" di makapaniwalang tanong ng dalaga.
"Oo, dahil gusto kong patunayan sa'yo na gaano ako ka seryoso sayo. At ang sagot ng mommy mo? Wala raw tayong relasyon. Ikaw raw mismo ang nagsabi sa kaniya na wala tayong relasyon. At sinabi niyang hinding-hindi niya papayagan ang anak niyang magkaroon ng karelasyon na kagaya ko."
Natigilan si Nicole. Hindi makapaniwala sa mga narinig mula kay Sky.
"Ayaw kong maniwala noon. Pero pinatunayan mo sa akin after mo mag-message."
Tumingin si Sky sa dalaga. "Sinabi mong ayaw mo nang ipagpatuloy pa ang relasyon natin. Na hindi mo kayang ipakilala ako sa mga magulang mo bilang girlfriend mo. Dahil hindi nila ako matatanggap."
"Sky, dahil—"
"Huwag, Nik, huwag. Hindi ko pa yata kayang marinig ang paliwanag mo. Duwag ako, oo, pero ayaw ko munang masaktan na naman. Tama na muna na andito ka sa tabi ko ngayon."
"I need to ask you something too," anang dalaga.
Ngunit hindi na nagawang sumagot ni Sky nang may dumating na motorsiklo at sakay si Andy.
"Sky, niabot sila Gray. Gisundan taka dinhi kay kita ko sa agi sa motor." (Sky, dumating sila Gray. Sinundan kita rito kasi nakita ko ang bakas ng motorsiklo mo.) anito pagkahinto ilang metro ang layo sa kanila.
"Kailangan na nating bumalik sa bahay," aniya sa dalaga.
Walang magawa si Nicole kundi sumunod rito. Ang dami pa niyang gustong itanong rito. Ang dami pang mga bagay ang hindi niya pa alam at hindi siguradong sagot.
Wala silang imikan habang pabalik ng farmhouse. Ang saya pa nila kanina, bigla na lamang nagkalamigan.
---
NASA mukha ni Gray ang pagkagulat nang makita ang angkas ni Sky. Nagtatanong ang mga mata nito nang tingnan siya.
"Nik, remember Gray?" tanong niya sa dalaga nang pareho na silang nakaharap sa kaibigan.
"Yes, I remember her," sagot ng dalaga.
"Kumusta, Nik?" tanong ni Gray sabay abot ng palad sa dalaga.
"I'm fine. How about you?" anang dalaga nang tanggapin ang palad nito.
"I'm great, Nik."
"What are you doing here?" tanong ng dalaga.
"Oh, I own the farm. Not me actually, it belongs to my parents."
Napatango-tango si Nicole. "I saw your latest video. You were great. Congrats, Gray."
"Thank you, Nik. I didn't know you were following me," ani Gray sabay kindat sa dalaga.
Natawa si Nicole. "Everyone knows about you, Gray. Why don't you come and visit our music company? Maybe we can talk about business."
Nanlaki ang mga mata ni Gray. "Wow, that's awesome, Nik. Please, tell me you're not kidding."
Tumawa si Nicole. "Of course I'm not kidding."
"Can we talk about that inside? I'm so excited now," ani Gray.
Tumikhim si Sky para ipaalam sa mga ito na nasa harap rin siya.
Natawa si Gray sa mukha niyang hindi natutuwa. Nagpaalam naman si Nicole na magshower muna.
Tinapik siya ni Gray sa likod nang makapasok na nang bahay si Nicole. "Anong ibig sabihin noon?" tanong agad nito.
"Hindi ko alam kung coincidence or destiny. Bigla na lamang siyang parang magic na bumalik sa buhay ko," aniya.
"Are you guys back together?"
Nagkibit-balikat si Sky. "Parang ganun na nga, pero ang dami pa naming kailangang pag-usapan. Mga bagay na akala ko handa na akong harapin. Pero naduduwag akong tanggapin."
"Ang tagal niyong nagkalayo. Mahal mo pa ba?"
Tumango si Sky. "Alam mo naman na walang nagbago eh. Mahal na mahal ko pa siya."
"Kung ganun, ano pa ba ang dapat mong hintayin? Huwag mo ng sayangin yung pagkakataon, Sky. Ayusin niyo kung anuman ang mga dapat ayusin. Mag-usap kayo. At huwag ka matakot. Mas matakot ka kung mawala uli sa iyo ang babaeng mahal mo."
Ngumiti si Sky. "Salamat, bro. Pero teka, ikaw lang mag-isa?" naalala niyang tanong.
"Hinihintay ko sila Kyden. May dinaanan yata kaya ang tagal."
---
PAGKAPASOK ni Nicole sa kwarto, tamang-tama namang tumunog ang mobile phone niya. Inilagay niya sa speaker ang call habang pinapatuyo ng tuwalya ang basang buhok.
"Hay salamat, may sumagot na rin," bungad agad ng boses ni Loisa.
"Mabuti nga may signal," sagot niya.
"So what happened?" boses ni Eliza.
"Nothing happened," sagot niya.
"Liar!" sigaw ni Patricia.
"Sasabihin ko sa inyo pag nakabalik na ako," aniya.
"Sabihin mo mamaya pagdating namin," ani Loisa.
Natigilan ang dalaga. "Are you guys coming?" gulat niyang tanong.
"Yes, we are," sagot ni Patty.
"But the wedding—"
"We still have four days, Nik. Gusto ko rin makita ang pinagtataguan ni Sky," ani Loisa.
Napailing na lamang siya. "How about Toni and Alex?" tanong niya.
"May lagnat si Xander kaya need nila magpaiwan," sagot ni Eliza.
"Hindi ba kayo makapaghintay na bumalik kami?"
"Ahh, Nikki. Gusto mo lang solohin si Sky," ani Loisa.
She rolled her eyes. "See you soon, Nik. And we have brought a lot of wine," pahabol ni Loisa.
"Need na naman yata naming lasingin si Sky," ani Patty.
Natawa si Nicole. "No need na, guys," aniya, saka kagat labing umamin. "May nangyari na last night."
Napatakip siya sa tenga sa lakas ng tilian ng tatlo sa kabilang linya. "Details later, details later," ani Loisa.
Napapailing na nangingiting pinatayni Nicole ang tawag.
Nag-apply siya ng light makeup at nag-ayos ng buhok. Suot ang short at white crop top, she was happy with her simple looks pagharap niya ng salamin.
Hindi na nakakahiya sa kaibigan ni Sky at sa mismong kay Sky.
May narinig siyang sasakyang huminto sa tapat ng bahay.
"Ang bilis naman nila," aniya sa akalang ang mga kaibigan ang dumating.
Lumabas siya agad ng kwarto.
Nakangiti pa siya nang lumabas ng bahay na agad ring nawala nang makita ang babaeng bumaba ng sasakyan.
"Sky!" sigaw nito na napakalaki ng ngiti nang patakbong lumapit kay Sky.
Parang binagsakan ng langit at lupa si Nicole nang salubungin ito ni Sky na nakangiti at nakabukas na ang mga braso para tanggapin ang yakap ng babae.
Parang may sumaksak sa puso niya. Deja vu? Bakit kailangang paulit-ulit niyang maranasan ang ganitong sakit?
Nakatingin siya sa mga ito. Mahigpit na nagyayakapan. Si Sky, abot tenga ang ngiti habang nakakulong sa mga bisig nito ang babaeng sinumpa niyang hinding-hindi niya mapapatawad kahit kailan.
SARAH.