Pag-uwi ko ng bahay namin agad na dumiretso ako sa kwarto ko at naligo. After ko maligo nag-blower agad ako ng aking buhok ng biglang tumunog ang cellphone ko agad kung sinagot ito ng hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag doon. Pero I think It's Kyleigh.
"Hello, Oh! ano na naman yun kyleigh? Hindi ako sinundo ni Cedric kanina kung yun ang itatanong mo okay" Sabi ko ng walang gana.
"Hi Marga It's me Cedric, Did I disturb you?" sabi n'ya parang hindi pinansin kung ano ang mga nasabi ko.
Shet! Si Cedric pala to, parang tanga naman ako dapat pala tiningnan ko muna kung sino yung tumawag bago ko sagutin. Kung ano-ano tuloy pinagsasabi ko. Shet Margarette nabisto kana ayan Patay ka.
"Ah hindi naman! Why did you call pala?" tanong ko.
" Wala naman, I just want to check you lang btw, What did you say kanina umasa ka na susunduin kita? " tanong sakin ni cedric.
"Ha? No No, I thought kasi na si Kyleigh yung tumawag kaya inunahan ko na s'ya kaya yun yung mga nasabi ko. Sorry!" sabi ko.
"It's okay! Balak ko din naman na sunduin ka kanina kaso busy ako. Ginawa ko kasi project ko. Bukas sunduin kita sa inyo if that's okay with you?" sabi n'ya.
What the fuck? Ano bang pinagsasabi nito? Alam n'ya ba bahay namin? Alam ko mga ganitong lalaki hatid hatid pakitang tao akala mo Goodboy tapos kapag nahulog kana iiwan ka nalang bigla hay naku! Kahit crush ko' to si Cedric hindi naman ako marupok gaya na iba na bibigay agad.
" No wag na, I mean may naghahatid naman sakin papuntang school yung driver namin. Tsaka may pasok kadin bukas diba? Baka malate ka' pa kapag hinatid mo'ako." sabi ko.
" Alright! Is that what you want? Okay then! For now just rest and Goodnight Margarette Anne Sleepwell." sabi n'ya agad at pinatay ang linya.
Wala naman akong nasabi na mali ah? Bakit ganun sinabi n'ya nagtampo ba s'ya? Kasi ayokong magpasundo sa kanya? Ang babaw naman nun. Bakit pinatay n'ya agad ang linya? Hindi pa nga ako nakapag Goodnight sa kanya hmp! Kupal! Ofcourse gusto ko magpasundo no, kaso alam mo yun nakakahiya tapos hindi pa alam ng family ko about dito. Kailangan muna sa Umpisa magpakipot no. hmp! Hindi mo'ako madadaan sa mga ganyan ganyan Cedric Sammuel.
Tapos alas diyes palang nag "Goodnight" na s'ya aba ang aga naman nun. Bahala na basta ayokong magpasundo siguro tsaka na. Kapag nag kamabutihan na kami. Sa ngayon kasi masyadong maaga pa tsaka ambilis n'ya naman.
Balak ko sanang bumaba at kumuha ng pagkain sa kusina namin kasi nagugutom ako. Kaso natatakot akong bumaba kasi It's already 10:45pm. Pero Hindi na mapigilan ng tyan ko lumabas ako ng kwarto ko at dahan dahan naglakad kaso may narinig akong ungol sa kabilang kwarto. Fucking shit here we go again.
"Sa kwarto yun ni kuya JL tangina? Ano Nag Me'make love na naman sila ni ate Colline? Alam kung hindi na bago sakin to, na' nakakarinig ng ganyan ungol ilang beses ng ganito everynight hindi ba sila napapagod? Bahala nalang kayo sa buhay nyo. Nilagpasan ko nalang ang kwarto ni kuya JL kasi maririnig mo talaga kung ano ang ginagawa ng dalawa. Ang ingay putcha.
Habang nasa kusina ako naisip kung magluto nalang ng bacon with egg kasi gusto ko kanin kakainin ko, hindi ko alam bakit bigla nalang akong nagutom. Nagulat akong ng may anino banda sa cr sa kusina namin malapit doon. Kumuha agad ako ng sandok para yun ang pang po'pukpok ko ng biglang lumitaw ang katawan n'ya. Tangina! si nanay Milly lang pala. Buti hindi ko nahampas ng sadok putcha.
"Jusko kang bata ka bakit may sandok kang dala? Ipapalo mo ba sakin yan? Bakit parang gulat na gulat ka naman sakin?" Sabi ni nanay Milly.
"Nay kasi akala ko multo buti po hindi kita nahampas sorry po." Sabi ko naparang bata.
"Ano bang ginagawa mo dito? Gabina't nandito kapadin sa kusina?"
"Nagugutom po kasi ako Nay, magluluto sana ako ng bacon with egg kaso I don't know how to cook po ." sabi ko.
"Jsq kang bata ka buti at' hindi mo'ako nahampas. Osiya! Ako ng bahala dito umupo ka nalang doon sa lamesa at paghahain kita. Atsaka ano pala dito natulog ngayon ang Ate Colline mo Kasama siya dito kanina pag Dinner namin. Bakit pala wala ka?" Tanong ni Nanay Milly sakin.
"Nakatulog po agad ako pag uwi pagod po kasi sa School." Pagdadahilan ko kay nanay Milly. Pero ang totoo wala talaga akong gana nun kaya hindi ako sumabay sa kanila pag dinner kanina.
"Osiya! Ayan na pagkain mo. Pagkatapos mo d'yan iwan mo nalang ang mga kubyertos na pinagkain mo sa lababo at ako ng bahala maghugas sa mga yan bukas. Kumain ka nalang ng mabuti Margaretta at ako'y matutulog na. Pagkatapos mo d'yan matulog kana din ha. Goodnight!" Sabi ni nanay at dumiretso na sa kwarto n'ya.
Habang kumain ako mag isa. Naiisip ko yung sinabi ni Cedric sakin kanina na gusto n'ya daw akong sunduin. So it means he knows kung saan ako nakatira. Hmp! What a Stalker na patago. Naiisip ko din si Kuya JL and Ate C I know na it's normal na they make love pero sana naman once a week. Wag araw araw pati hapon sinagad e arghh. Tangina? Bakit ko ba naiisip mga yun? Erase Erase.
Natapos na akong kumain at nilagay ko nalang ang mga kubyertos sa lababo kasi sabi ni Nanay s'ya nadaw ang maghuhugas ng mga yun kaya sinunod ko nalang. I know how to hugas naman but nanay Milly said na s'ya na edi s'ya na.
Umakyat na agad ako at dumeretso sa aking kwarto at nag toothbrush muna and nag skincare bago matulog. Himala wala ng ingay tapos na ata ang cine. Damn Margarette bakit yan laman ng utak mo? Damn it. Mabalis akong nagtakip ng kumot ang pinikit na aking mga mata para agad na makatulog.
Nagising nalang ako kinabukasan sa aking alarm Clock na It's already 6:30am. Agad akong kumilos at dumiretso sa Cr para maligo. After ko maligo agad na nagbihis ako at Inayos lahat ng gamit ko. Hindi na ako ng blower kasi wala ng oras nag lagay nalang ako ng konting tint lang at blush on sa mukha ko para maayos ako tingnan.
Habang pababa ako ng hagdan namin napansin ko na may lalaki doon sa lamesa na kausap nila mom and dad also my kuya's walang bago every breakfast sabay sabay kaming kumain lahat. Nang nasa malapitan na ako napansin ko kung sino ang kausap nila Tangina? Si Cedric kausap nila mommy? Wtf is he doing here?
"Nandito na pala dad si Marga, Goodmorning Hija!"sabi ni mommy sabay halik sa pisnge ko. Agad namang napatingin si Cedric sa'amin ni mommy.
"Shit! Sabi ko sa isip ko. Ano bang ginagawa n'ya dito nakakainis naman siya sabing wag na akong sunduin eh! Hmp! Tigas ulo yari ka sakin mamaya. Tsaka hindi ko pa nalalabhan yung Jacket and T-shirt n'ya na pinahiram sakin kung yun ang ipinunta n'ya dito. Kung gusto na nya kunin dapat tenext n'ya nalang ako hindi yung pupunta pa dito sa bahay namin.
"Anak hindi mo sinabi kaibigan mo pala itong si Sammuel." Sabi ni dad sakin.
"You know him dad?" tanong ko kay dad.
"Oo naman Hija matagal na bakit parang nagulat ka ata? Is he your boyfriend?" dad ask me.
"What? Ofcourse not. I mean No dad. He's my Friend okay. And also malelate na ako sa class ko dad Malapit na mag 7am dapat before 7:30 nasa room na po ako." Sabi ko ng wala sa mood. Agad na tumingin ako kay Cedric at tumayo naman ito.
"Nasabi nga samin ni Sammuel Hija na Magkaibigan daw kayo, atsaka kanina pa kita kinakatok sa kwarto mo hindi ka nagigising ang aga pumunta ni Sammuel dito para sunduin ka' daw Next time baby wag ganyan ha okay? Be on time." Mom said.
Nginitian ko nalang si mommy. Agad na nagsalita si Cedric. Para matapos na ang usapan. Buti kahit papaano may nagawa tong matino. Kung hindi kanina pa ako binara dito ni mommy.
"Ah! Mauna na po kami tita/tito and kuya's ako na po maghahatid kay Margarette sa School n'ya. Salamat po sa breakfast" nakangiting sabi ni Cedric sa pamilya ko.
"Sige bro ingat kayo. Ingatan mo kapatid namin ha! Prinsesa namin yan dito pag yan pinaiyak mo magtago kana agad. " Sabi ni kuya JL na nakatingin padin ito kay Cedric.
Tiningnan ko ng masama si kuya JL agad namang tumawa lang ito.
"Akong bahala dito mga kuya, iingatan ko'tong Prinsesa nyo" sabi ni cedric at nag highfive pa sa dalawa kung kuya. (Feeling close to amp) sabi ko sa isip ko.
"Osiya! Mag ingat kayo ni Sammuel Hija, Be careful sa pag da'drive Sammuel." Sabay kiss sakin ni mom.
Halikana sabi ko kay Cedric agad na hinawakan ko ang kamay n'ya at kinalakad palabas ng bahay namin.