"Can we visit her?" I asked him.
"Tomorrow na, love." he kissed my forehead. "You're tired, ako rin,"
I sighed as I nodded, well, wala naman akong magagawa, "Kumusta sya?" nauna syang tumayo saka nilahad ang kamay nito sa akin.
"I don't know," he still lend his hand on me so I accepted his hand.
"Maliligo lang ako, you should rest or continue, depende sa'yo," tinanguan ko lang sya saka naupo sa may isang gilid ng boxing ring saka pumikit sandali. Nagpahinga ako habang iniisip kung sinong lalaki yung nakatapatan ko ng baril, masyado nyang kilala ang pamilya ko, pati ang Lolo ko kilalang-kilala nya.
"Sino ba sya?"
"You'll know," dahan-dahan akong nagmulat at nakita ko ang Lolo ko. "Kanina ka pa po?" umiling sya saka pumasok sa boxing ring at inaya ako roon.
"Show me what you got," he should've hit me, but he stopped me with one hand even though I was looking at the side of the boxing ring. "Let's do this in three ways," he continued punching me forward as I dogde it all, I grinned as I defended Grandpa's punches.
"My turn," then I smiled.
I threw punches as he stopped me with his hands but we still continue, "Focus,"
I used my non-dominant hand to punch straight ahead to my Lolo, he almost lost his balance when I used a jab on him, using my dominant hand, I ran towards him and then punched him in the neck. Then, I stepped backward to knock him down and punched him in the stomach.
He got on his knees then I ran towards him then I put both my legs on his neck until he gave up while hitting the floor of the boxing ring.
"Sorry, Lolo," I bit my lower lip. "Did your Mom taught you that?" tanong nya na parang hindi pa naniniwala,
"Opo, noong eight years old ako," I chuckled.
"Woah," napalingon kami pareho kay Chance na tapos nang maligo, "Kumain na kayo?" umiling si Lolo sa tanong ni Chance sa kanya. Tinanguan ako ni Lolo saka nagpaalam at may pupuntahan pa raw sya.
"You always seized to amaze me," pinagdikit nya ang mga noo namin. Na-conscious ako ng maamoy ko sya, kaya lumayo ako at umiwas ng tingin sa kanya.
"Bakit?"
"Ang baho ko na,"
Tumingin ako sa kanya napakunot ang noo nya saka lumapit sa akin. I stilled as he sniffed my neck! Oh god?! "Hindi naman, mas amoy ko yung pabango mo," he said seriously.
"Okay," I chuckled.
Dumiretso akong kusina para uminom ng tubig saka naupo rin doon para magpahinga sumandale. "Let's rest,"
I sighed saka sumunod sa kanya. Pagkapasok ng pinag-tulugan namin ni Chance, dumiretso ako ng cr. "Oh shoot," napapikit ako saka tumingin sa may pinto.
"Chance!"
"Hmm?" huminga ako ng malalim saka pumikit, "Can you lend me clothes? Nakalimutan ko eh,"
Hindi sya sumagot kaya nagmulat ako saka tumingin sa may pintuan. "Lumabas na kaya ako?" bulong ko pa. "Hays, sige na nga," saktong pagkabukas ko nasa may pintuan si Chance. Nag-iwas sya ng tingin saka binigay sa akin yung damit.
"Uh.. thanks, akala ko umalis ka bigla," I smiled at him.
"Uh.. no. Kinuha kita ng damit," napakamot sya sa tip ng ilong nya habang nakatingin sa gilid, namumula na ang tenga nya napakagat ako sa labi ko, any minute I can burst into laughter kaya sinarado ko na ulit yung pinto. Pagkatapos kong magbihis, I did my night care routine saka lumabas ng cr. Nakita kong may kausap sa phone si Chance habang nakakunot ang noo nito.
From: Kylie Miracle
May sched na graduation. See you next week Monday 9am, don't forget oki? loveyou, love!
Nginitian ko si Chance ng tumingin sya sa may side ko, pinalapit nya ako sa kanya. "Bakit?" bulong ko.
He put his arms around my waist while his head is resting to my left shoulder. "Yeah, I'll see you tomorrow," pagod na sabi nito.
"Can I rest, please?" napahawak ako sa likod nito saka tumingin sa may bintana.
"Bye, then." tinanggal ko ang hawak nya sa akin saka hinawakan sya sa parehong balikat. "You, okay?" he smiled at me then gave me a peck in my lips. "Can we rest?" hinila nya ako sa may kama saka binaon ang mukha sa leeg ko.
"Hey.. the sun's going down," I whispered. Huminga sya roon saka niyakap ako ng mahigpit. "Can we sleep?" he whispered, tumango ako saka sinabayan sya sa paghiga sa kama. "Good night, love," he kissed my forehead then close his eyes.
Ang bilis nyang matulog. Tinitigan ko ang buong mukha nya, hinaplos ang pisngi nya saka ngumiti sa tulog na Chance, "I love you," I whispered.
Kinabukasan, nagising ako na walang katabi, paglingon ko sa side table may letter na naiwan doon. Napakunot ang noo ko saka napaayos ng upo habang hawak-hawak ang letter ni Chance sa side table.
'Good morning, love!
I'm on a morning jog, I'll see you when I get back, be ready we'll go to Grandmamita.
yours,
Chance.'
Napahilamos ako sa mukha ko saka tumulala ng ilang minuto bago kumilos. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ng sarili, nakabalik na si Chance. He kissed my cheek before entering the bathroom.
To: Kylie Miracle
I'll see you on Monday, take care, love! Good morning!
When Chance is ready, we take our leave. Tinignan nya muna ang safe house bago kami umalis, nilagay ko naman sa pareho kong paa ang revolver at pistol, tinitigan lang ako ni Chance and I winked at him saka kami umalis at pumuntang hospital.
"Ready?" I nodded saka nya binuksan ang pintuan kung saan ang room ng Lola nya. Nagulat kami ng tinapatan kami ng baril nang tao sa loob, nakapang-doctor na damit yung isa, samantalang yung isa, nakatapat kay Chance ang baril.
Hinawakan ni Chance ang pulsuhan ko saka ako tumingin doon sa lalaki, "Oh," binaba nya ang baril saka huminga ng malalim. "Sorry, akala ko si Maica ang kasama mong pumasok," ngumiti si Jarvis.
"Ha? Si Maica? Nandito na sya?" nagugulat na tanong ni Chance.
Tumango sya saka tumingin sa akin, "Hindi mo pa pala alam, pasensya," tiningnan ko si Chance, kumunot ang noo nito saka naglakad papalapit kay Jarvis.
"Ang alin?" ngumiti lang ito kay Chance.
"Alin ang hindi ko pa alam?" inis na tanong ni Chance kay Jarvis. "Na si Maica at ang girlfriend mong si Mikee ay iisa," napatingin kami sa Lola nya saka ito umupo ng ayos.
"Ayon ang gusto kong sabihin noon, pero na-ambush tayo." huminga ito ng malalim, "Jarvis, ako na rito," tinanguan sya nito saka tumingin muna sa akin bago sya lumabas ng kwarto.
"Kumusta po ang pakiramdam nyo?" tanong ko naman ng hindi agad nagsalita si Chance ng marinig nya yon mula sa bibig ng Lola nya. "Medyo ayos na ang pakiramdam ko, pinupuntahan ako ng Lolo mo para mas mabantayan ang seguridad," tumango ako saka ngumiti.
"May gusto po ba kayong kainin?" umiling ito.
"Paano nyo nalaman?" napatingin kaming pareho kay Chance, tumingin naman ito sa bintana kahit malayo ito sa kanya. "Chance..." tawag ko sa kanya.
Tinitigan nya lang ako, "Baka ma-stress Lola mo, wag muna kaya," mahinahong suggest ko saka kumunot ang noo nito.
"Ano? Naririnig mo ba ang sarili mo?" hindi ako agad nakapagsalita. "Si Maica! Matagal ko na pala syang kasama, pero hindi ko man lang alam! Tapos sasabihin mo na wag na muna?! Talaga, Jiara?!" nagugulat akong nagtaas ng tingin sa kanya.
"Pa-pasensya na, inaalala ko lang yung lagay ng Lola mo, la-lalabas muna ako," naglakad na ako palabas ng kwarto nito. Natutuliro akong tumingin sa mga tao paglabas ko ng kwarto.
Ako siguro ang mali ngayon, naupo ako sa labas ng room nito saka tumingin lang sa sahig ng hospital. Nagulat ako nung sigawan nya ako kanina, natakot ako bigla. Hindi ko kayang nasisigawan ako. Hindi ko alam kung paano makakabawi sa kanya kaya nag-stay nalang ako rito sa labas ng kwarto.
"Naririnig mo ba ang sarili mo?! Si Maica! Matagal ko na pala syang kasama, pero hindi ko man lang alam!"
"Tapos sasabihin mo na wag na muna?! Talaga, Jiara?!"
Napapikit ako ng marinig ko na naman yung sinabi nya sa akin, okay lang kung sa akin lang eh, pero naroon ang Lola nya. "Hey," napaangat ako ng tingin saka nginitian si Cameron.
"Musta?" tinabihan nya ako saka nilagay nya ang kamay nya sa balikat ko "Oh, iyak na," sumandal ako sa kanya, parang magic word ang mga salitang yon, bigla nalang akong naiyak nung sabihin nya yon.
"Ano bang ginawa ko?" bulong ko pa. "Mali na naman ba ako?" hinagod nya ang likod ko, nilabas nya ang phone nya saka nag-type roon, pero binaba nya rin agad pagkatapos saka nakinig lang sa mga hikbi ko.
"Anong nangyari, Ji?" napaangat ako ng tingin ng makita kong may hawak na happy meal yung nagtanong, "Cy.." binigay nya sa akin ang happy meal saka naupo sa tabi ni Cameron. "Papunta na si Kylie," bulong pa sa akin ni Cameron.
"Mas.." napabuga ako ng hininga, "Mas mahalaga si Maica," napapikit ako saka pinunasan ang mga luha kong hindi pa rin natatapos bumagsak.
"Natatakot ako.." bulong ko kay Cameron. Hindi sya nagsasalita pero hinawakan nya lang ang balikat ko. "Natatakot ako kasi.. masaktan na naman ako ng sobra.. pagod na ako, Cameron,"
"Shh," hinagod nya yung ang balikat ko, "Tara, labas tayo," hindi na ako nakasagot agad saka nya ako inalalayan papaalis ng hospital.
Pagbukas ng elevator, nakasalubong namin si Kylie kasama si Kyle, pare-pareho kaming lumabas ng hospital. Hindi sila nagsalita habang nakaupo kami pare-pareho sa bench sa labas ng hospital.
Napakunot ang noo ko saka tiningnan ang mga taong lumalabas-pasok sa loob ng hospital. Tumingin ako kila Cameron saka kinuha ang phone ko.
"Jarvis..."
[Alam ko na, pumasok sa kwarto nila. isama mo yang mga yan] huminga sya ng malalim, [May limang minuto lang kayo hindi ko kayang labanan lahat to] pinatay nya yung tawag saka ako tumayo.
"Tara," hindi sila kumilos pero nung tiningnan ko sila saka sila nagsitayo, "Pag sinabi kong takbo, tatakbo kayo, maliwanag?" napakunot ang noo nila pare-pareho kaming sumakay sa elevator at may dalawa roon.
"Kylie, dito ka sa tabi ko," nginitian ko sya.
"Bakit?" umiling lang ako sa kanya saka nginitian sya. Tinignan ko ang relo ko saka bumukas ang elevator at may pumasok pang isa. Napabuga ako ng hininga. "Kumusta kayo?" tinanguan ko lang si Kylie.
Isang floor na lang. Sinadya kong ilaglag ang pang-ipit ko sa buhok kinuha ko yon ng dahan-dahan pati ang revolver. Sakto pagtayo ko ay buumukas ang elevator, "Takbo!"
Siniko ko ang katabi ko saka binaril ang dalawang nasa likod, pagkatapos non, na-corner ako ng isa, kaya lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan saka sya binayagan. Buti nalang hindi pa nasasara yung elevator, dali-dali akong pumasok sa kwarto ng Lola ni Chance.
"Bitawan mo yan," napalingon ako sa likod ng makita kong may tatlong tao na tinututukan ang mga gilid ng ulo ni Jarvis, Chance at Kylie, samantalang ang isa pa nilang kamay ay may mga baril rin na nakatapat kay Kyle, Cameron, at Cyden.
Paglingon ko, may isang babae roon na nakatapat naman sa gitnang noo ng Queen Mother. Dahan-dahan kong binaba ang revolver habang nakatingin sa kanila, isa-isa. Napaayos ako ng tayo ng may magtutok din sa akin mula sa likod.
"Paano ba yan, talo ka na," bulong sa akin ng isang matandang babae.
Itinali nila ang mga kasama ko sa isang gilid samantalang ako ay bukod, katabi ang Queen Mother. "Kayong dalawa.." duro nito sa amin. "Inagaw nyo ang dapat sa akin.. sa pamilya ko!" tinutukan nya ako ng baril kaya napalaki ang mata ko.
Sya.. ang dapat magiging Queen Mother. Sya yung kinukwento noon ng Queen Mother sa amin ni Chance nung nakaraan. "Nangako ako sa sarili ko na kung hindi magiging ako, dapat yung nasa pamilya ko!" diniin nya sa noo ko ang hawak-hawak nyang baril.
"Pero, bigla ka ng dumating sa buhay ni Chance! Yung plano ko! Yung buhay na gusto ko para sa pamilya ko, nawala na parang bula nang dumating ka sa buhay nitong lalaking to!" nilingon at dinuro nya si Chance saka binalik sa Queen Mother ang tingin.
"Ako dapat ang nasa katayuan mo ngayon, ako!" Napapikit ang Queen Mother saka tinitigan ang kasamahan nya rati.
"Anong pakiramdam na sa ilang taong nabubuhay ka ang sarap sa pakiramdam na pinagsisilbihan ka?! Ang kapal ng mukha mo para pumunta sa pamamahay ko at kumustahin ako! Nagi-guilty ka ba sa mga panahong dapat ako ang Reyna at hindi ikaw?!" tumawa sya ng napakalakas saka bumaling sa akin.
"Anong masasabi mo, Crown Princess? Katulad ka rin nito," duro nya pa sa Queen Mother, "Mang-aagaw ng titulo!" binalik ko sa kanya ang tingin ko saka kinasa ang baril.
"Any last words?" ngumisi sya saka tinapat sa akin ang baril.
Tumingin ako kay Chance, "ya tebya lyublyu,"
---
:))
[References: https://www.mensjournal.com/health-fitness/workouts-for-boxers-5-routines-fighting-shape/]