Kiss or Slap

By penpayne

72.2K 2.3K 492

"H-hi," mahinhin kong sinabi at ipinakita ang hawak na cellphone. "Mecho, uhh.. ...kiss or slap?" Nag-palpita... More

Kiss or Slap
Prologue
A
B
C
D
E
F
G
I
J
K
L
M
N
Ñ
Ng
O
P
Q
R
S
T
U
V
W
X
Y
Z
Wakas
Extra-Extra Lang
.
Hello!

H

2.2K 74 22
By penpayne

___________________Chapter H

"Matagal pa ba iyong sundo mo?"

Ang tahimik niya eh. Kanina pa kami rito sa tapat ng main gate ng school namin, ni hindi siya kumibo simula noong makalabas kami.

Akala nila sa loob ay umuwi na kami ni Mecho. Supposedly, maiinteroga na naman siya ni Mrs. Nishida, kung hindi ko lang siya hinila paalis doon. Ipagpapabukas na lang siguro dahil akala nila ay umuwi na.

"Ang sakit ng ulo ko," he said suddenly.

"Ha? Bakit? T-Teka."

Luminga-linga ako sa paligid at nakakita ng pwedeng mauupuan sa gilid. Inakay ko siya at doon kami naupo.

Idinampi ko ang palad ko sa kanyang noo. Malay mo, 'di ba...nakakabigay pala ng sakit ang sobra-sobrang pagkagalit.

"Wala akong sakit," mataman niyang sinabi at kinuha iyong kamay ko.

Hinawakan niya iyon habang isinasandal ang ulo sa balikat ko.

"Sandal ako, ah," pagpapaalam niya. "Ang bigat ng pakiramdam ko."

"You were so mad..." nagdadalawang-isip kong sinabi. "Nakakatakot ka kapag galit."

"Natakot ba kita?" He asked. He moved closer to me at 'saka ako hinapit sa baywang. Ipinulupot niya rin ang mga braso roon!

Tinapik ko ang kanyang kamay ngunit hindi siya natinag, instead, he tightened his sideway hug.

"Hoy! Tsansing ka, ah?"

"Nilalamig ako. Body heat lang," paliwanag niya.

"Nilalamig ka, e nakasweatshirt ka?" Pinanliitan ko siya ng mata.

"Porque nakasweatshirt, hindi na lalamigin?" He countered.

Kung sa bagay.

"Nga pala...kanino mo nalaman?" Humina ang boses ko dahil sa kaba.

"Doesn't matter." Umayos siya ng upo at mas inilapit ang katawan sa akin. Isiniksik niya pa ang mukha niya sa leeg ko.

His hot breath sent shivers down my spine. Nakikiliti ako, literal at parang kinukuryente.

"But, you know...you have the rights to get angry at her." Umpisa ko. "When you love her and yet—"

"Hindi ko siya mahal." Agap niya. "I just simply hate cheaters. That's all."

"Bakit naman? Besides the fact that they are cheaters, ano pa?"

"Bakit ba ang dami mong tanong?" Reklamo niya. "Ang bango mo. Ano'ng pabango mo?" Pag-iiba niya ng usapan.

"Wala. Mumurahin iyan. Galing sa tianggehan."

"Pahingi ako."

"Ano'ng pahingi? Mas mabango ka nga, eh. Ano ba iyong pabango mo?"

"Ewan. Roman numerals pangalan. Nakakatamad intindihin. Basta pabango." Mas lalo niyang isiniksik ang mukha sa leeg ko.

Nanigas ako sa ginawa niya. I know I should complain dahil hindi dapat ganito. Pero hindi ko ginawa!

"Shit. Wala na akong girlfriend, pwede na siguro kitang landiin palagi?"

Pabiro ko siyang hinampas sa braso. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang kanyang sundo. Dumaan siya sa bahay dahil kailangan kong gamutin ang kanyang sugatang kamao. Grabe naman kasi mauntok. Pati bungo mabibitak!

Tinanong ko na rin sa kanya kung bakit ayaw niya pang dumiretso pauwi, ngunit nanatili lamang siyang tahimik. Mukhang ayaw ding sagutin iyon o pag-usapan.

"Aray ko naman, dahan-dahan." Reklamo niya nang dinampihan ko ng bulak ang kanyang sugat.

"Magdadahan-dahan naman ako, ah?" Hinipan ko iyong huling dampi ko.

"Masakit pa rin. Akin na kamay mo."

I rolled my eyes and gave him my hands. He intertwined our fingers and grinned at me. Napawi na lamang iyon nang bigla kong diinan ang tulak ng bulak na may alcohol.

Hindi na rin naman siya nagreklamo pa. Kapag dinidiinan ko ang pagkakadampi ng bulak ay hinihigpitan na lamang niya ang pagkakahawak sa aking kamay.

"I feel bad for that guy. Nadislocate mo yata ang bungo niya," wika ko habang inuumpisahan ng linisan ang isa niya pang kamay.

"Don't feel bad. Kahit mapatay ko siya, hindi ako magi-guilty."

"Ganoon mo ba kamahal si Tyra para makapanakit ka nang todo?" I nervously laughed.

"I told you, I don't love her." Agap niyang muli. "I just hate cheaters."

"Bakit nga?!" Pinanliitan ko siya ng mga mata.

Mataman niya akong tinignan. Kanina ko pa 'yon tinatanong, lagi niyang nililihis ang usapan. Mas lalo tuloy hindi naja-justify 'yung sinabi niyang hindi niya talaga mahal si Tyra.

"My Mom cheated on my Dad." Mabilis niyang sinabi. "Happy?"

"I'm sorry." Agap ko naman at tiningala siya.

Hindi siya nagsalita at tinagilid na lamang ang kanyang mukha. I finished doing first aid on his scratched hands, and after that, iniligpit ko na iyong mga ginamit ko.

Tahimik kami buong oras. Na-guilty ako at na-trigger na baka 'pag nagsalita ako, may masabi na naman akong hindi maganda o ikao-offend niya ulit.

"My Dad died because my Mom cheated on him. I was eight years old when that happened."

I trailed off, nilingon ko siya.

"Hindi mo na kailangang i-kwento kung hindi ka kumportable." I said softly. Nagi-guilty dahil panay ang panguusisa ko sa kanya kanina.

"I won't talk unless I am not comfortable," kinuha niya ang aking kaliwang kamay at hinila paupo sa kanyang hita. Pinulupot niyang muli ang kanyang mga braso sa aking baywang at hindi na ako nakaangal pa. "Ang bango ng perfume mo. Can I borrow it? It's addicting."

Pakiramdam ko, dini-distract niya na lang ako para mawala 'yung usapan. Parang ewan, he opened up, tapos biglang urong ulit.

"Paano ko makukuha kung nakayakap ka sa akin?" I awkwardly said.

"Mamaya na," aniya, he renewed the hug, siniksik niya pa ang kanyang mukha sa aking leeg. "Wanna hear more about my family?"

I blushed profusely.

"Hindi n—"

"My Mom remarried after two years. At may nabuo noong nagsama na sila. It was a girl, and she is three years old now. I hate my current family. I hate my step dad, and I hate my mom for cheating. Kung hindi sana siya nanlalaki, e'di sana buhay pa si Dad."

"Everything happens for a reason, Mecho."

"If that is true. Then, why can't I find the reason why my Dad died? Hanggang ngayon, bangungot pa rin sa akin iyon. Lalo na noong nalaman kong may iba si Tyra. Hindi ko siya mahal, oo. Pero iyong katotohanang nanlalaki siya habang kami ay binuhay iyong galit ko."

I pursed my lips. Ayaw sumabat dahil mukhang sincere siya sa mga sinasabi. Mas humigpit ang kanyang pagkakayakap sa akin. He pushed me closer to him.

He heaved a sigh, almost sounding sleepy and grumpy on my neck. It sent shivers down my spine, parang dinaluyan ng kuryente ang aking mga ugat sa katawan. Hindi naman ako giniginaw pero nagsitayuan ang aking mga balahibo.

"Nababaliw na yata ako. I am not usually sincere towards a person. It's surprising that you can make me say the things that I hide deep inside my heart."

It is wholesome to know how nice a person is on first sight. But it is more wholesome to know how pure that person is at second sight. Realizing that he is not just like an ordinary person you kept on seeing the same every day.

Kaya naman pala hindi umaawat sila Yeji at Duval kanina. Dahil mukhang alam din nila ang pinagmumulan ng galit ni Mecho. Not just because Mecho is unstoppable, but also dramatically hurt towards the idea. I didn't know.

Kinabukasan ay kinausap nga si Meco ni Mrs. Nishida. Muntikan pa nga raw ipatawag ang guardians niya. Mabuti na lang at napigilan. This time, he was suspended for the whole week. At may warning note na rin siya galing kay Mrs. Nishida.

Isang violation pa raw ay mae-expel na siya.

"Amuyin mo 'ko, ambango ko." Mayabang niyang sinabi sa akin.

Talagang pinuntahan niya pa ako rito sa classroom ko para lang ipagmayabang na ginamit niya iyong pabango ko.

I gave him my perfume yesterday. Kinulit-kulit niya pa talaga ako para roon.

"Magkaamoy na tayo," ngumisi siya sa akin. He held my head, iginiya niya iyon palapit sa kanya. "Amuyin mo kasi."

"Alam ko na ang amoy niyan," iniwas ako ng katawan ko sa kanya dahil sa nararamdamang pagkailang.

"Malay mo mas mabanguhan ka kapag ako ang gumamit," mayabang niyang utas.

Umiling na lang ako at sinunod ang sinabi niya. Hinayaan ko siyang higitin ang aking ulo palapit sa kanyang dibdib dahil hanggang doon lang lebel ko sa kanya, ang tangkad kasi.

It was unusual to smell it from him, though. Pero tama siya, iba ang dating kapag siya ang gumamit noong mumurahing pabango.

Hindi ko na sinabi at baka lumaki ang ulo.

"P're, amuyin mo 'ko, ang bango ko." Pagmamayabang niya pa kay Yeji na kasalukuyang hinihintay matapos makipagchikahan sa akin si Mecho.

Yeji looked bored again; with his hair down, casually worn uniform, and earphones plucked on his both ears.

"Kanina mo pa sinasabi 'yan," Yeji rolled his eyes.

Sumunod na araw ay hindi na nakapasok pa si Mecho. He was suspended for a week. Ayon sa kanya, wala raw siyang magawa sa bahay nila kun'di maunod sa Netflix at magwork out. Aside from that, he kept on updating me through text message. Minsan ay tinatadtad niya ako kapag nasa klase at nagrereklamo dahil ang bagal ko raw mag-reply.

"Bored ka na naman ba?" Natatawa kong tanong noong tumawag siya sa akin. Lunch break.

"Oo. Tapos na ba klase mo?" Inaantok ang kanyang tono mula sa kabilang linya.

"Yup."

"Kumain ka na? Ano'ng kakainin mo? Sino'ng kasama mong kakain?"

Tumawa ako sa rami ng tanong niya. "Dami mong tanong."

Unang araw pa lang noon ng kanyang pagkasuspinde ay panay na ang reklamo niya. Minsan ay tinatadtad niya pa ako ng kanyang wacky selfies sa messenger. Bored na bored na nga talaga.

"Hindi raw makakasali iyong side chic ni Tyra sa Holiday Season ng basketball," panibagong balita naman ngayon ang dala ni Jandra. "Basag ata 'yung bungo."

"Hindi ba sila magsasampa ng kaso laban kay Mecho?" Kinabahan ako sa sariling tanong.

"Sabi ni Tyra, huwag na," nagkibit siya ng balikat. "Kasalaan niya rin naman iyon kaya dapat lang."

Para naman akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi sa akin ni Jandra. Mabuti na lang.

Bigla siyang may inginuso sa pintuan ng classroom, nang nilingon ko iyon ay agad kong nakita si Keith doon; nakapamulsa at nakasalampak ang earphones sa kanyang magkabilang tainga.

Nagpaalam ako kay Jandra na panay ang ngisi sa akin at kulang na lang ay tumili-tili.

Nang makalabas ako ay kinawayan ko siy habang nakangiting lumalapit.

His eyes is duller than before. Mukha rin siyang matamlay at walang gana. His aura is not also normally grumpy. May kakaiba yata sa kanya ngayon.

I raised both of my eyebrows at him.

"May proble—"

Humakbang siya palapit sa akin at yumuko. Ipinatong niya ang kanyang noo sa aking kanang balikat at dumukdok doon na parang umiiyak na bata habang ang dalawang kamay ay nanatili lamang sa kanyang bulsa.

Hindi ako nakagalaw agad at napakurap-kurap pa sa gulat.

"Let me stay like this for a while. Please."

I pursed my lips while still wearibg the wondering face. Nanigas ako habang nakasandal ang kanyang noo sa aking balikat; pakiramdam ko, kahit kaunting ko lang ay hindi dapat.

"What is it, Keith?" I patted his head like a concerned Mom to her son.

Hindi siya nagsalita pero ramdam ko na agad ang bigat ng pakiramdam niya. He seemed tired and drained. I didn't thought, a day like this would come... that I am going to see him like this.

Napanguso ako at hindi nagtagal ay nakapag-adjust na rin sa ayos naming dalawa. I lifted both of my arms and held his back.

"It's okay. Just let it all out," hinaplos ko ang kanyang likod gamit ang dalawang palad. "I'm here."

People understand silence and emotions. I was so delighted dahil ako ang nilapitan niya gayong may dinaramdam siya. It only means he trusts me.

"Are you okay now?" I asked softly nang tumuwid na siya ng tayo.

Unang dumapo ang aking mga paningin sa kanyang mukha, at labis na hinaplos ang puso ko nang makakita ako ng luhang hindi kakapalang umagos sa kanyang makikinang na pisngi.

Agad kong hinugot ang panyo sa aking bulsa na hindi ko naman ginagamit at lumapit sa kanya.

Tiningala ko siya at humawak sa kanyang balikat. Sumunod naman siya nang parang isang bata at bahagyang nag-squat para lang mapagpantay ang aming mga tangkad.

My face didn't hide my concern, I didn't hide it, in the first place.

There I continued to wipe his tears. We were both silent. Hindi ko na rin inalintana pa ang lapit ng aming mga mukha. I like Keith...and seeing him like this just..breaks my heart too you know.

Nakatitig lamang siya sa akin habang abala ako sa pagpupunas. Kumikislap ang kanyang mga mata habang pinapanuod ako, at nakikita ko roon ang sarili ko.

"Keith, hindi na talaga kailangan. May bike naman ako, eh." Nagkamot ako ng aking batok dahil kanina pa kami nagtatalo kung ihahatid niya ba ako o hindi.

Eh, nakakahiya naman kasi! Isasakay pa niya ako sa kotse nila tapos iiwan ko na naman iyong bisikleta ko rito sa school.

"If you are going to walk. Then, I'll walk with you," pagmamatigas niya.

Jusko. Ang cute niya kahit kagagaling niya lang sa pag-iyak. On the other hand, walking together is a great idea, huh?

Pumayag akong maglakad kaming dalawa dahil gusto ko pa siyang makasama nang matagal. Panigurado namang sumusunod iyong sundo niya sa amin ngayon.

"Bakit ka nga pala malungkot kanina? Ayaw mo bang sabihin?" Napanguso ako.

Hindi ko naman gustong tanungin iyon pero masyado kaming tahimik habang naglalakad.

"Just...a little problem."

"Little, pero umiyak ka?" Biro ko na lang upang maibsan ang nararamdamang pagkailang. "Paano pa kaya kapag bigger problem na?"

"Isha." Tawag niyang bigla sa akin.

Napahinto siya sa paglalakad at hinarap ako. Napasunod tuloy ako sa kanyang ginawa.

Kumikislap pa rin iyong mga mata niya, at mayroong parte sa kanyang maamong mukha ang madilim dahil sa sinag ng papalubog na araw.

"I...I don't think you'd understand," he said. "I don't want to tell you. Because I don't think you'd understand."

"Ito naman. Binibiro lang kita. Masyado kang tahimik," ngumiti ako. "It's okay. Your facade is enough for me to understand. If a person have a problem; either they tell you or what, the first aid to that is to send comfort. Don't worry, Keith. Hindi mo kailangang sabihin sa akin para maintindihan ko."

Then, suddenly, Mecho appeared in my head. Iyong mga sinabi niya.


“It's surprising that you can make me say the things that I hide deep inside my heart.

Aish! Maybe I am just over thinking this. Ayaw ko na namang baliwin ang sarili ko kakaisip. Hindi na nga ako pinatulog noong nahuli ko si Tyra at iyong side chic niya, e.

Panibagong umaga na naman noong naabutan ko ko si Jandra na nakadukdok sa kanyang upuan.

"Hoy, may problema ka rin?" Natatawa kong sinabi at pabiro hinampas ang kanyang braso.

"Shit, Isha." Biglang niyang inangat ang ulo at una kong napansin ang kanyang malalalim na eyebags.

Natawa ako sa hitsura niya at inismiran niya naman ako kaagad.

"Nagpuyat ka ba? Bakit? Bago iyan, ah. Hindi ka naman nagpupuyat parati," naupo ako sa kanyang tabi.

Hinarap niya ako agad at handang-handa na siyang magkwento.

"Teka." Dinungaw ko ang cellphone ko at nakakita ng text ni Mecho roon.

Mecho: Namimiss na kita.

Mecho: Gusto kitang makita.

Mecho: Mamayang uwian sunduin kita.

"Mamaya na nga muna iyang si Mecho!" Inagaw ni Jandra sa akin ang cellphone ko at itinabi muna iyon.

"So, ano na nga?" Nagtaas ako ng kilay.

"Guess what?" Inilapit niya ang kanyang mukha. "Naglalandian na kami ni Yeji!"

Parang nagpalpitate ang kilay ko sa narinig. Naglalandian sila ni Yeji? E mukhang hindi naman interesado si Yeji sa paglalandi?

"Seryoso ka ba?"

"Oo nga!"

Ipinakita niya pa sa akin ang mga DM nila sa isa't-isa. Yeji was even sending some pictures to her.

"Nag-late night talks kami kagabi!" Hagikgik niya. "But wait, there's more!"

Napangisi ako. "Ano?"

"Si Duval din."

"What the? Nilalandi mo silang dalawa?!" Hindi ko na-kontrol ang sasabihin.

"Hindi, tanga. Bakit? Wala namang namamagitan sa amin kaya pwedeng lumandi sa iba."

Ngumuso ako. "Pero mag-tropa sila. Ano na lang ang iisipin nila?"

"Ikaw nga dalawa rin sa'yo, eh," panunukso niya.

Umirap ako sa kanya. Ang petiks niya, ha! Paano kung nahulog si Duval at Yeji sa kanya? Tapos napapagitnaan siya. Then a time comes...

"Hoy, paano kung papiliin ka? Si Duval ba o si Yeji?"

"Ba't ako pipili. Eh landian lang iyong sa amin!" Pinanliitan niya ako ng mga mata. "Ikaw? Paano 'pag pinapili ka? Si Mecho o Keith?"

Talagang alam niya kung paano ako asarin. Naghalumbaba ako at hindi binigyang pansin iyong sinabi niya.

"Kunwari. Nanligaw sa'yo si Keith, pero umamin din si Mecho sa'yo. Sino—"

"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre kung sino iyong gusto ko ang pipiliin ko."

"Oh? E'di si Keith?"

Napatigil ako sa sinabi niya. Mas pinanliitan niya pa ako ng mga mata na parang may mali siyang sinabi.

I like Keith, alright?! Unang-una pa lang, si Keith na ang gusto ko.

Inirapan ko si Jandra at inismiran. Alam niya naman kung sino ang gusto ko. And what's with that? That's juat a simple question with an obvious answer! That's no big deal!

Naputol na lamang iyon nang mag-ring ang cellphone ko.

Inagaw ko iyon sa kanya, sabay tayo at sinagot ang tawag.

"Mecho. Bakit?"

And I realized... did the tables turned already?

Continue Reading

You'll Also Like

934K 34.5K 39
When your nightmare turns out as your reality is the most terrifying event that you will imagine in your whole life. Can you survive when you know t...
5.7M 354K 76
[To Be PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"
2.5M 72.7K 28
The Young Master got into kidnapping incident followed by a car accident, a hit and run. After having trauma to the eye due to the accident, he becam...