The Omnikinetic Heir

By KinesisTrainee

43K 3.1K 226

Most Impressive Rankings as of December 20, 2020 [#5: Kaibigan] January 10,2020 [#4: Kaibigan] Ash Keith Mend... More

Characters TOH C1-10
TOH Chapter 1. The Bad Parents
TOH Chapter 2: Behind the Walls
TOH Chapter 3: N?
TOH Chapter 4: The Transferring
TOH Chapter 5: Ayala Sibling
TOH Chapter 6: Trouble
TOH Chapter 7: Forgiven and Accomplished
TOH Chapter 8: Lock Screen
TOH Chapter 9: Mind Reading?
TOH Chapter 10: First Horsemen Part 1
Character 11-20
TOH Chapter 11: First Horsemen Part 2
TOH Chapter 12: Unexpected 4th Quarter
TOH Chapter 13: Opening Ceremony
TOH Chapter 14: Mind Barrier
TOH Chapter 15: My Accuma
TOH Chapter 16: Ice Younger Sister?
TOH Chapter 17: Meeting the SSC Members
TOH Chapter 18: Mutual Favorites
TOH Chapter 19: Challenging 1st Day Class
TOH Chapter 20: Golden Feather
TOH Chapter 21: Fearsome Disadvantage
TOH Chapter 22: Well Paid off
TOH Chapter 23: Where's Faith?
TOH Chapter 24: Personal Forgiveness
TOH Chapter 25: Another Ability?
TOH Chapter 27: Deceivable Flower
TOH Chapter 28: Cursed Flower
TOH Chapter 29: His Closeted Feelings
TOH Chapter 30: Curse and Cure
Characters TOH C31 - 40
TOH Chapter 31: Kiss Mark
TOH Chapter 32: Unlinked/Unconnected
TOH Chapter 33: Full of Glasses
TOH Chapter 34: Reunion in Reunion
TOH Chapter 35: Past of Truth
TOH Chapter 36: Maria and Blue
TOH Chapter 37: Selene and Gail
TOH Chapter 38: Phobias
TOH Chapter 39: Triggering Memory
TOH Chapter 40: Who's who?
TOH Chapter 41: The Power of Friendship
TOH CHAPTER 42: Egg-ceeding Expectation
TOH Chapter 43: Me? In the Past?!
Abilities Basis
TOH Chapter 44: Their POV's
TOH Chapter 45: Six Superior Siblings Part 1
TOH Chapter 46: Six Superior Siblings Part 2
TOH Chapter 47: Rare Case of Rainbow Roses
TOH Chapter 48: Awakened yet Uncontrolled

TOH Chapter 26: Real Condition; Revealed

595 53 1
By KinesisTrainee


Ash Keith POV✨

🧝


"Guys, hindi ba kayo nagugutom? Kanina pa'ko Tom Jones! Baka naman pwedeng maghanap muna tayo ng pagkain oh! I'm so hungry na talaga," biglang wika ni Eon na ikinatingin naming lahat sa pwesto niya.

"True ka diyan bakla! Meron naman ata kahit mga prutas man lang dito, diba?" sabat naman ni Faith.

Sa totoo lang, nagugutom na rin ako. Hindi lang ako umiimik dahil nakakahiya sa mga kasama ko pero the feeling is mutual naman pala. I think, kailangan ko ng humingi ng tulong kay Serena tutal may kakayahan naman siyang manipulahin ang lupa. Magbabasakali akong makahingi ng makakain.

"Sige, kaming tatlong lalaki na lang ang hahanap ng pagkain sa paligid. Maghintay na lang kayo rito para kung sakaling may mangyayari, may laban ang both sides," suhestiyon ni Gary.

"Eeh? Paano naman naming malalaman kong okay kayo at nasa mabuting kalagayan?" tanong ni Cynthia kay Gary.

Tumingin sakaniya si Gary pagkatapos ay may sinabi mentally.

"Naririnig mo ba'ko? Tumango ka kung oo!" - Gary's Mind to Faith's Mind

Mabilis din naman na tumango si Faith sakaniya pagkatapos ay ngumiti.

"We still going to use that ability of yours Ash for our connection to each other, okay lang ba?" tanong nito sa'kin.


Tumango naman ako bago sumagot.

"Okay lang Gary, walang problema," ngiting tugon ko rito.

"Just a piece of advice, kung mag-uusap kayo, voice it out orally para hindi kami madistract sa kwentuhan niyo telepathically, okay?!" paalala naman ni Erick sa amin.

Tumango naman kaming lahat bilang pagsang-ayon. Mabuti na lang talaga at hindi nila nababasa ang isip ng bawat isa, dahil hanggang exchanging of messages lang talaga ang kaya nilang gawin sa isip. Kase kung pati reading of minds, baka mag-awayan pa ang mga to'!Nagmukha tuloy akong wifi sa lagay ko. Hahahaha! Pero ayos lang!

"So, tara na boys! Huwag na natin paghintayin ang mga prinsesa natin!" sigaw naman ni Terrence sabay akbay kay Gary at Erick.

Napangisi naman ang dalawa sa tinuran ni Terrence.

"Sige, ingat kayo rito!" ngiting sabi ni Gary.

"Yeah! We'll come back shortly!" dugtong pa ni Erick.

Nakatalikod na ang tatlo at hahakbang pa lamang ang mga ito nang bigla silang tawagin ni Faith na nagpalingon muli sakanila.

"Hey, wait?!!!!!" sigaw nito sa tatlo.

"Bakit? May problema ba Faith?!" nag-aalalang tanong ni Gary.

"Hmmm......" nahihiyang tugon nito.

"Ano ba ateng! Spluk mo na nga yang gusto mo i-say! Nagugutom na us eh!" himutok naman ni Eon kay Faith.

Inirapan lang ito ni Faith pagkatapos ay muling humarap sa tatlo.

"Ahmm... totoo bang......
.
.
.
prinsesa niyo kami? Kase kung oo, kinikilig ako!! Wahhhhhhhhhhhhhh," saad nito sabay tili ng malakas.

Napangiti na lang ang lahat sa tinuran ni Faith dahil sa kalokohan ginagawa niya maliban na lang kay Eon na nakakunot-noong nakatingin sakaniya.

"Babaitang to! Yun lang pala sasabihin mo, inistorbo mo pa sila! Gora na boys, gutom na gutom na gutom na gutom na talaga us!" intrada naman ni Eon.

"Kung hindi ka na makatiis Baby Eon, you can eat me naman eh......alive!" sabi naman ni Gary na ikinatawa ng malakas ni Terrence, ikinasimangot ni Faith, na ikinanuot-noo namang muli ni Eon. Nakangiti lang naman si Cynthia at Celestina while poker face si Erick. Weird?!

"Boom!" biglang sigaw ni Terrence sabay tawa.

Pwede ba yung sinasabi ni Gary?! Canibal ba siya? Katakot naman to'!

"Eeeewww! Go na nga Kapre! Dami mo pang sini-say diyan! Tsupi! Tsupi!" pagpapaalis naman ni Eon kay Gary.

Tumawa na lang si Gary sa sinabi ni Eon.

"Sige! We have to go na para makarami! Tara na mga pre!" sabi bigla ni Erick sabay tapik sa balikat ni Terrence.

"Mag-iingat kayo!" sabi naman ni Cynthia sakanila.

Ngumiti naman ang tatlo pagkatapos ay tumalikod na upang tunguhin ang direksyon ng mga puno. Nang makaalis na ang tatlo ay ako naman ang nagpaalam para gawin na ang plano ko. Medyo, nanghihina na rin kase ako dahil sa gutom.

"Guys, ihi lang ako. Kanina pa kase to'. Hindi ko na mapigilan!" paalam ko sakanila.

"Frenny, gusto mo samahan kita?" tanong ni Eon sa'kin.

"Hindi na kailangan Eon, hindi naman ako lalayo atsaka mag-iingat naman ako! Sabihan ko na lang kayo pag kailangan ko ng tulong," nakangiting sabi ko sakaniya sabay tingin sakanilang lahat.

"Okay! Call us huh, if anything happens," sabi pa nito na ikinangiti ko.

Tinugunan ko naman ito ng ngiti pagkatapos ay tinalikuran na sila at naglakad na palayo.

Nakakita ako ng malaking puno kung saan ko pwedeng makausap si Serene. I really need her badly.

Nang maitago ko na ang aking sarili sa likod ng puno ay agad kong inilapit ang aking singsing sa'king bibig pagkatapos ay tinawag na si Serena ng pabulong.

"Come forth Serena: The Fairy Horsemen"

Nagliwanag ng dilaw ang aking singsing pagkatapos ay, lumipad ang liwanag sa aking harapan. After that, ay may nabuong dilaw rin na magic circle na naging dahilan upang lumabas mula rito si Serena na nakangiting lumilipad.

"Nagagalak akong nagkita muli tayo tagapag-mana. Marami akong sasabihin sa'yo!" pinaghalong kaba at ngiti nitong tanong sa'kin.

Bago sa'kin ang expression na pinapakita niya ah. May masama bang nangyari?

"Masaya rin ako at nagkita ulit tayo Serena ngunit tila taliwas ang sinasabi ng iyong dila sa sinasabi ng iyong mga mata? Ano ba ang iyong sasabihin?" nagtataka at puno ng curiosity kong tanong sakaniya. Huminga muna ito ng malalim pagkatapos ay tinitigan muna ako bago sumagot.

Nakaramdam ako ng kaba sakaniyang mga titig. Anong ibig ipahiwatig ng mga titig na iyon?

"Hindi lingid sa iyong kaalaman Ash, ay lagi kitang binabantayan gamit ang aking astral body. Nang dumating ang oras, na kayong lahat sa inyong klase at ang inyong guro ay pumasok sa entrada ng gubat ay naroon din ako. Nasaksihan ko rin ang taglay ng tapang na mayroon ang pito mo pang kasama, hindi katulad ng iba na nilamon ng takot at sobrang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili. Isang pangyayari ang nagpagulat sa inyong guro, pati na rin sa mga kaklase mong hindi sumubok kunin ang accumang pinili sila nang sila ay tuluyang makalabas. Sobra lang talaga akong nanghihinayang sa mga kaluluwang pipiliing mawala na lang sa mundo, o mananatili pa ring kumakapit sa pagkakataong may kukuha sakanila sa sentro ng kagubatan," malungkot na paliwanag nito sa'kin.

Ramdam ko ang dinadala niyang emosyon dahil kahit ako, ay ganun din ang nararamdaman pero still, hindi ko pa rin alam ang ibig niyang ipahiwatig.

"Hmmm..ano ba yung sinasabi mo Serena na nangyari matapos lumabas ng iba pa naming kaklase?" curios kong tanong sakaniya.

"Nang tuluyan na ngang nakalabas ang mga kaklase mo, pati na rin ang inyong guro, ay bigla na lang ang pagsara ng mataas na pintuang bakal, pati ang mga dingding na sinamahan pa ng matutulis na tinik ay nagtaasan din. Akala ng lahat ay hanggang dun lamang ang mangyayari ngunit hindi, dahil ikinulong ang buong kagubatan ng isang malaki at kulay lilalang doma (dome). Walang sinuman ang may kayang pumasok, kahit na ang Headmistress pati ang aking astral body. Buti na lang talaga at tinawag mo ako Ash para malaman mo ang nangyayari sa labas," nakangiti nitong turan.

Hinahanap ko ang aking dila  ngunit tila naputol na ito dahil hindi ako makapagsalita duloy ng sinabi ni Serena.

All this time, ay wala palang nanonood rito sa amin atsaka walang nagmomonitor. Pa-Paano na kami kung may mangyaring masama sa'min? Mga estudyante lang kami, tapos hindi pa kami ganun kasanay na gamitin ang aming grant.

"May sasabihin pa pala ako Ash," biglang sabi ni Serena na nagpagulat sa'kin ngunit tinugunan ko pa rin naman siya.

"A-a-ano yun Serena?" utal-utal kong tanong sakaniya.

"Sa tingin ko'y, ang alam niyo lang ay isang araw pa lamang kayong nandirito sa loob, ngunit nagkakamali kayo dahil tatlong araw na kayong hindi lumalabas sa gubat. May mga magulang sa labas at tatlong araw ng naghihintay sa labas dahil sa  sobra pag-aalala. Hindi ko nga alam kung kaninong magulang yung iyak ng iyak, pati ako ay napaiyak na rin dahil sa naalala ko bigla ang aking mga magulang," natatawang sagot nito.

Litong-lito na ako sa aking naririnig mula kay Serena. Una, total lockdown kaming walo dito sa loob ng gubat. Pangalawa, tatlong araw na pala kami rito, pero ang alam namin isang araw lang. Huli, iniisip ko kung pumunta ba ang parents ko sa'kin? Nag-alala man lang ba sila sa kalagayan ko ngayon o tuluyan na talaga nila akong pinabayaan?!

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking luha dahil sa mga negative thoughts na nabubuo sa isip ko. Lumapit sa'kin si Serena at pinunasan ang luha sa aking pisngi pagkatapos ay nginitian ako.

"Salamat Serena," nakangiting wika ko sakaniya.

"Walang anuman Ash!" ngiting tugon naman nito.

I need to be strong. Hindi ko ito sasabihin sa mga kasama ko para hindi na sila mag-alala. We are here for the accuma at gagawin namin ang lahat para makuha ng lahat ang pumili sakanila.

"Salamat din sa impormasyon Serena! Ngayon nama'y nais kong humingi ng pabor kong okay lang?" nahihiyang sabi ko sakaniya.

"Okay lang Ash! Kahit ano, hanggang sa abot ng aking makakaya!" nakangiti nitong tugon.

Magsasalita pa lang sana ang aking bibig ngunit nanunang magsalita ang aking sikmura. Napayuko na lang ako sa hiya dahil sa lakas ng pagkalam nito.

Narinig ko naman ang paghagikhik ni Serena na mas lalong ikinahiya ko.

"Mukhang alam ko na ang nais mong mangyayari Ash! Huwag kang mag-alala dahil madali lang gawan ng paraan yan," nakangiting wika nito sabay lipad papunta sa tapat ng punong pinagtataguan ko.

Ang pinuntahan niya ay itsura ng puno pero mini size lang to. Nagtataka lang ako, dahil parang kinausap niya muna ang maliit na puno bago lumipad sa ibabaw nito. Nang nasa ibabaw na siya ng puno ay, pinaliguan niya ito ng kulay dilaw na......... dust? Is that a pixie dust?.....Pero ang akala ko ay para lang ito sa paglipad?

Matapos niya itong paliguan ng yellow dust ay lumipad sa papunta sa'king tabi kung kaya't nawala ang atensyon ko sa maliit na puno.

"Tapos na Ash! Pwede ka ng mamitas ng prutas! Humingi na ako ng abiso diyan sa puno!" nakangiti nitong wika.

Ipinagtaka ko na naman ang kaniyang tinuran. Humingi siya ng abiso sa puno? Para saan pa? Hindi ba't Horsemen na siya kaya may access na siya dapat rito.

"Madaling basahin ang sinasabi ng iyong mukha Ash. Alam kong nagtataka ka kung bakit pa ako nagpaalam, gayong Horsemen naman na ako diba? Ang totoo niyan ay hindi ko kailanman nakalimutan ang pagiging fairy ko bago maging Horsemen. Bilang isang fairy, nirerespeto namin ang desisyon ng kalikasan katulad ng mga hayop, elemento, bulaklak, at maging ang puno. Humingi ako ng permiso sa puno  bilang paggalang at pananatili ng dugong fairy ko," nakangiting paliwanag niya sa'kin.

Sobra akong naantig sa sinabi niya kung kaya't hindi ko napigilang yakapin siya at isandal sa'king dibdib.

"Maraming salamat sa lahat Serena! Masaya akong naging parte ka ng malungkot kong buhay," nakangiti kong wika sakaniya.

Umalis naman siya sa pagkakayakap pagkatapos ay tiningnan ako ng nakangiti.

"Hindi malungkot ang buhay mo Ash! Manalig ka lang, dahil ang lahat ng nangyayari sa'yo ay may dahilan. Maging handa ka lamang!" wika nito na ikinangiti ko.

Nginitian ko naman ito bilang tugon.

"Ano pang hinihintay mo? Kumuha ka na dahil baka magtaka pa ang mga kasama mo!" sabi niya na ikinangiti kong muli.

Tumango naman ako pagkatapos ay agad na tinungo ang maliit na puno sa tapat namin. Kung kanina'y purong puno lang ito, ngayon naman'y hitik na ito sa prutas na apple. Yummy!!

Nang nasa tapat na ako ng maliit na puno ay ibinaba ko ang aking sarili paupo upang mapantayan ang mga prutas. Nakakatakam ang mga hinog na prutas na aking nakikita ngayon.

Agad ko naman pinitas ang lahat ng nakuha ko pero ang problema ko, paano ko'to bibitbitin.

Nag-isip ako ng pwedeng paraan. Luminga-linga ako sa paligid hanggang sa mapatingin ako sa aking polo.

Emergency naman to kaya ito na lang muna gagamitin kong lalagyan.

I unbutton my polo, pagkatapos ay tinanggal ko na ito sa aking katawan. Habang ginagawa ko iyon ay biglang nagsalita si Serena sa'king likuran.

"Anong ginagawa mo Ash?" may tono ng pagtataka ni Serena.

"Gagawin ko lang lalagyan tong polo ko. Labhan ko na lang paglabas namin dito," walang-tingin kong sabi rito.

"Pwede ka namang humingi ng tulong sa'kin Ash. Kaya kong gumawa ng bilao mula sa baging o kaya'y basket mula sa matigas na buli," suhestiyon naman ni Serena.

Napatingin naman ako sakaniya dahil sakaniyang sinabi habang tinatagtag ko na sa kabilang braso ang aking polo. Maganda ang offer niya pero marami na kasi siyang naitulong ngayon. Nahihiya na rin ako sakaniya kaya nginitian ko na lang siya bago sumagot.

"Hindi na Serena. Ang pagbigay mo ng impormasyon at pagbigay mo ng prutas ay sapat ng tulong Serena. Gusto ko namang kahit dito lang, may gawin ako sa sarili kong kaalaman," nakangit kong wika sakaniya at sakto ring tuluyan ko ng naalis ang aking polo.

"Mas lalo mo akong pinahanga Ash sa ipinapakita mo! Nasasabik na akong makita ka ng tatlo ko pang kasama sa four horsemen!" excited nitong wika.

"Mas nasasabik akong makita sila Serena," ngiting tugon ko sakaniya.

Hindi na ito umimik pa ngunit kita ko ang pagngiti nila. Ibinalik ko na lang muli ang aking paningin sa polo ko.

Sinimulan ko ng pagtatali-taliin ng mahigpit sa gitna ang apat na sulok ng polo hanggang sa okay na'to.

Isa-isa kong kinuha ang mga pinitas kong mansanas pagkatapos ay inilagay sa sentro ng polo ko. Mabuti na lang nagkasya ang 12 apples rito. Siguradong matutuwa ang aking mga kasamahan nito.

Kinalong ko na ito pagkatapos ay tumayo. Hinanap ng mata ko si Serena ngunit nagulat na lang ako ng makita ko siya sa tapat ng isa na namang puno. Napako ang tingin ko sa nasa tapat niya. Isang buwig ng hinog na saging na sobrang napatakam sa'king sikmura.

"Ash, kunin mo na rin ito para siguradong maibalik ang inyong lakas. Hangad ko ang inyong tagumpay sa pagkuha ng inyong accuma," nakangiting wika nito.

"Salamat talaga Serena! Alam kong sobra-sobra na ito ngunit hindi ko ito tatanggihan pa," ngiting tugon ko sakaniya.

"Kung wala ka ng ibang kailangan Ash ay maaari na ba akong magpahinga?" sabi nito sa'kin.

"Muli, maraming salamat sa tulong mo Serena. Maaari ka ng magpahinga," nakangiting wika ko sakaniya. Tumango naman siya pagkatapos ay ngumiti.

Pumikit siya at ilang sandali lamang ay may lumabas na kulay dilaw na magic circle sa paanan niya. Nagliwanag siya hanggang sa mawala ito.

Matapos niyang mawala ay kinuha ko ang isang buwig ng saging gamit ang aking kanang kamay samantalang mansanas ay kandong ko gamit ang kaliwang kamay. Hindi ko na rin ininda pa ang dumi sa aking puting sando shirt, Basta maibsan lamang ang gutom na nararamdaman naming lahat.

Nakangiti akong naglalakad patungo sa pwesto namin kanina ngunit napalitan ito ng pagtataka at pag-alala ng biglang may malakas na boses akong narinig sa isipan.

"Guys tulong!!! Si Gary nalason!!!!"

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
To be Continue 😘

✨✨✨✨✨

Update Information

Draft Started: Sept. 1, 2020
Draft Finished: Sept. 1, 2020
Word Count: 2547 words

✨✨✨✨✨

Your Votes and Comments are very much appreciated 👼❣️😉

Continue Reading

You'll Also Like

289K 6.1K 33
WATTPAD BOOKS EDITION You do magic once, and it sticks to you like glitter glue... When Johnny and his best friend, Alison, pass their summer holid...