CHASE POV
Nakatingin lang ako sa papel na naglalaman ng tatlong hilera ng mga numero. Nakakatawang isipin na numero lang sila pero maaaring mabago ang buhay ko depende sa anong gagawin ko sa kanila.
Letseng Captain 'yan. Siya ang pinuntahan ko para maliwanagan tapos dingdagan lang niya ang mga gumugulo sa 'kin. Kahit kailan pahirap siya sa buhay ko.
Ilang araw ko nang pinag-iisipan kung ide-decode ko ba ang mga numero. Gusto ko pero natatakot naman ako.
"Ano 'to?" Naupo si Ellie sa harap ko at tiningnan ang papel. "Codes sa bahay ni Captain? He gave it to you? Naks naman! Level up na kayo?"
I gave her a flat face.
Natawa naman siya. "Ang sungit talaga. Paano uusad ang ship ko kung ganyan ka?"
"Bakit hindi mo tanungin mo ang best friend mo?" I heaved a sigh.
"Hindi naman kasi uusad kung siya lang."
"At hindi rin uusad kung ako lang."
"How sure are you na ikaw lang?" Then she gave me a mysterious smile.
Lalong sumakit ang ulo ko. "Bakit ba napa-cryptic niyong magkapatid?"
"Dahil lahat ng bagay pinaghihirapan." Bumukas ang pinto ng apartment at niluwal si Captain. Naupo ito sa tabi ko.
Great! Silang dalawa na ngayon, baka mauna pa akong mapunta ng mental kaysa kina Kaiden.
"Sabi ng babaeng mahal mo, lahat ng bagay na pinaghihirapan, mas pinapahalagahan natin. At 'pag mas pinapahalagahan natin ang isang bagay, hindi tayo papayag na basta na lang ito mawala sa atin. Kaya paghirapan mo para sa susunod hindi ka agad sumusuko."
"Hindi nga ako sumuko." Giit ko.
He just gave me fake smile.
"Wait, ano naman kinalaman ng mga codes mo sa bahay sa pagsuko nito?" Turo ni Ellie sa 'kin.
"I asked him to solve it...kapalit ng impormasyon tungkol kay Yesha.
"Ohhhh..." Namilog ang mga mata ni Ellie then she gave me a flat face. "Hindi ka niya bibigyan."
I rolled my eyes.
"That person is Captain Dylan Seoh." Turo niya sa kapatid. "Hindi—"
"Wala na bang ibang clue maliban sa pangalan ng tanginang 'yan?"
Ellie laughed so hard while Captain made a face.
"Takte!" Pinunasan nito ang gilid ng mata niya. "Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ganyan na kayo sa isa't isa. Dati, parang laging gusto niyong magpatayin eh."
"We still do," sagot ko.
"Hindi rin. Para na kayong mag-best friends. Ayieee!" Pang-aasar niya.
Umiling na lang ako. "So, ano nga, wala na bang ibang clue?"
Sasagot sana si Ellie pero sumabad si Captain. "Bawal humingi ng tulong. Solve it by yourself."
We entered into a staring contest.
"Seryoso ka ba?" I asked him.
"Mukha ba akong nagbibiro? Kasasabi ko lang na paghirapan mo, di ba?"
"Combine his two personalities, Captain and Dylan. Captain is serious, strict and clever, Dylan is carefree, childish and crazy. Captain makes everything hard but Dylan will show you that it's actually not." Napatingin kami sa dumating.
Yesha sat beside Captain and took the paper from the table. She held it, faced me and locked her gaze on me. "Ganito na kayo ka-close ni Captain?" she asked me. "Na handa siyang ibigay sa 'yo ang mga impormasyon ko?"
Matutuwa sana ako na kinakausap niya ako but hell, may panunumbat sa boses nito. She obviously doesn't approve of what I'm about to do.
She also faced Captain and gave him a deadly stare. "Ito na lang ba ang katumbas ng mga impormasyon ko? A series of numbers?"
Napalunok si Captain. Lumayo rin ito ng upo at nag-isang linya ang mga labi.
Nang hindi sumagot si Captain, binalik nito ang tingin sa 'kin. "I already gave you the clues you're asking for. Solve it if that what makes you happy." Dinabog nito ang papel pabalik sa mesa saka lumabas na ulit ng apartment.
Sumipol si Ellie. "Tsk... tsk... tsk... Lagot! Galit si Yesha." Pananakot niya sa amin tapos mapang-asar itong tumawa. "Leader ng Chasers," turo niya sa akin. "Captain ng sandatahan," turo naman niya sa kapatid. "Pero parehong tiklop sa isang Yesha Destiny. Bagay nga kayong mag-best friends." Tumayo ito at tinapik ang balikat namin. "Good luck, leader and captain."
Paglabas ni Ellie, binato ako ni Captain ng throw pillow. "Kasalanan mo 'to eh!"
"Anong ako?!" Binato ko rin siya, dalawang magkasunod.
"Tatatlong code lang 'yan, hindi mo pa ma-memorize? Nakita tuloy niya!"
"Nakakahiya naman! Sino bang may idea ng mga code na 'yan!"
"Bakit? Sino bang may gusto ng mga impormasyon? 'Pag tuluyang nagalit sa 'kin ang prinsesa ko, ipapa-asassinate talaga kita sa sandatahan ko!!"
"Ah gano'n? Pwes bago mo pa magawa 'yan, papatayin na kita." Kumuha ako ng isa pang throw pillow at tinakpan ang mukha niya. "Letse ka! Galit pa nga siya sa 'kin, nadagdagan na naman!!"
Nagkumahog siyang alisin ang unan sa mukha niya. Syempre, hindi ako pumayag hanggang sa tadyakan niya ako sa sikmura.
Nabitiwan ko ang unan at napahawak sa tiyan. "Tangina ka talaga." Hirap na ani ko. Naupo muna ako saglit at ilang beses huminga nang malalim.
"Ako pa ang tangina pagkatapos mong pagtangkaan ang buhay ko? Pasalamat ka nga hindi ko pa tinatawagan ang sandatahan ko para paulanan ka ng pana! Walang may karapatan na gawin sa akin ang mga pinaggagawa mo, Alcantara!"
"Ahhh talaga? At sa tingin mo may karapatan ka rin gawin sa akin ang mg pinaggagawa mo? Pasalamat ka wala akong sandatahan!"
"Paano ka magkakaroon ka no'n eh hindi ka naman isa sa amin!" He stuck his tongue out.
I scoffed, I stood up at gave him a serious look. "'Pag nagkatuluyan kami ni Yesha, magiging isa na ako sa inyo... At sinisigurado kong mangyayari 'yon."
He fell silent and just stared. Nawala na ang mapang-asar at makulit na aura nito. His face became blank, at hindi ko na siya mabasa.
He was just standing in front of me, staring.
Gumapang ulit ang kaba sa sistema ko.
Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nagsalita. "I need actions, Alcantara, not empty words."
And with that, lumabas na rin siya ng apartment.
CAPTAIN POV
Katatapos ko lang mag-report kay Rekx. Nagtaka pa nga ito na napaaga raw ang uwi ko.
Sinabi kong may kailangan akong gawin dito. At 'yon ay puntahan si Yuri.
Hinaplos ko ang lapida nito. Agad namasa ang mga mata ko. Masakit pa rin hanggang ngayon.
Nag-indian seat ako sa mismong puntod niya. "Mahigit anim na taon ka nang nakahimlay diyan. Pero 'yong sakit sa puso ko hindi nababawasan. Hindi ko pa rin matanggap na nandiyan ka." Nilabanan ko ang pagbagsak ng mga luha ko. "Napapadalas pagdalaw mo sa panaginip ko ah. Miss mo na ako no?" Tukso ko sa kanya. "Bakit ba naman kasi ang aga mo akong iniwan. Pakshet! Ang lakas makabading." Tawa ko pero umalpas ang mga luhang pilit kong pinipigilan. "May mangyayari ba, best friend? Iba eh. Iba ang nararamdaman ko sa pagdalaw mo sa panaginip ko. Magsalita ka kaya no? Huwag puro ngiti. Feeling mo kinagwapo mo 'yon? Tangina ka! Mas gwapo pa rin ako sa 'yo."
Pinunasan ko ang mga luha at huminga nang malalim. "'Pag ako dumadalaw sa 'yo, umiiyak ako. Samantalang 'pag ikaw dumalaw sa panaginip ko, nakangiti ka? Tanginang 'yan. Hanggang diyan sa kabilang buhay siraulo ka? Magbago ka na nga! Mamaya itakwil ka nila diyan. Tapos ibalik ka nila rito." Mahinang dagdag ko at napatungo na lang nang maramdaman ang muling pagkarera ng mga luha ko.
"Kaya ayoko pumupunta sa 'yo eh pinapaiyak mo ako." Muli kong hinaplos ang lapida niya. "Masaya ka naman diyan, di ba? You deserve to be happy pagkatapos ng lahat ng ginawa mo para sa amin. Akong bahala sa mga naiwan mo kaya maging masaya ka lang lagi ha?
"Mabigat ang pinagdadaanan ng prinsesa mo ngayon but I'm already on it. You don't have to worry about anything. Nangako ako sa 'yo, di ba? Hindi ko siya pababayaan, Captain Yuri. That's a promise made by your warrior and your best friend."
Tumayo ako at naglakad-lakad. "May isa pang dahilan bakit pinuntahan kita. Narinig mo ba ang sinabi ni Chase? He intends to marry your princess." I heaved heavily and faced his tomb again. "Tama ba 'tong daan na tinatahak ko? Kasi...gusto ko pa rin siyang ilibing nang buhay eh. Pero 'yon nga dalaw ka nang dalaw sa panaginip ko at iba ang nararamdaman ko. Seryoso, iba talaga eh. Isa ka pang tangina eh. Pareho kayo ni Alcantara."
"Are you talking about Chase Alcantara?"
Nanigas ako sa boses na narinig ko. Potek! Gusto kong kaltukan ang sarili. Bakit ba naman kasi 'pag pumupunta ako rito kinakausap ko lagi ang puntod ni Yuri na parang siya talaga ang kausap ko.
At namumura ko siya. Kahit naman no'ng buhay pa siya. We curse each other but we were never offended.
'Yon nga lang bawal kasing pagsalitaan si Yuri nang gano'n. But Yuri never followed that rule and insisted that we shouldn't.
Kung paano raw ako sa iba, dapat gano'n din ako sa kanya kundi itatakwil niya ako. Kaya nakasanayan ko na.
"Rehayna..." yukod ko at minura ulit si Yuri sa isip. Kasalanan niya 'to eh. Sinanay niya ako.
"It's okay, Captain." Ngiti niya pag-angat ko ng tingin. "You're talking to your best friend, not Captain Yuri. I know you curse each other."
"Sorry, Rehayna. Nasanay lang." Pasalamat na lang ako at napakamauwanain nito.
She laughed a bit and traced Yuri's name with her index finger. "So, what's with Chase that you're talking about with Yuri?"
Hindi ako nakasagot agad kaya lumingon ito sa akin. "You don't want to tell me? Would you rather that Yuri answers you?"
Ako naman ang bahagyang natawa. "Maganda nga po siguro kung masasagot pa niya ako pero hindi na."
"Kaya nga tinatanong kita. Malay mo masagot ko."
I sighed again. "Chase wants to marry Yesha."
She gave me a quizzical look. "Sorry, I don't get it. I mean... I don't see anything wrong with that."
My mouth fell open. It took me a few seconds to understand her statement. "You... like him for her?"
Excitement danced in her eyes. "I just don't like him, I approve of him for her. He is Rykhus. I believe he is."
My eyes darted to Yuri's tomb. That fast? I asked him in my mind.
ADRIEL POV
I watched as Aziel spends time with Chasers in their cafe.
Since our mama died, ngayon ko lang ulit siya nakitang tumatawa at nakikipagkatuwaan sa ibang tao.
Happiness radiated all over his body. Halos hindi ko na makita ang kapatid kong puno ng poot ang puso.
"Bakit ba dito tayo sa cafe na 'to kumakain?" Inis na tanong ni Zeke.
"Why? Their food is great!" Kit commented and continued eating the pork barbecue. "Kung magrereklamo ka, isakto mo naman sa inaakto mo." Turo nito sa plato ni Zeke.
Zeke's plate is almost empty. Ang bilis nga nitong naubos eh.
Hindi ko na lang sila pinansin at tiningnan muli ang kapatid ko.
He's doing a great job. Pati mga kaibigan ni Yesha, kinaibigan niya. At buong Chasers pa.
And to my surprise, another person joined in their table.
And I want to give my brother a pat on the back.
"Little brother!" Captain Dylan gave him a brotherly hug.
Little brother, huh?
"Kuya Dylan..."
My lips parted at what my brother called him.
Fvck! You're my little brother, not his.
But heck! I want to give him another pat on the back.
Si Yesha lang ang sinabi kong kunin niya ang loob pero pati ang sa Captain nila nakuha niya.
I continued watching them. Lahat pala sila little brother ang tingin sa kanya.
Hindi na rin nawala ang mga ngiti ni Aziel. I can tell that he is genuinely happy. Especially when Yesha approached them and gave him a milktea. Aziel said thank you and Yesha gave him a warm smile.
After a couple of minutes, tapos na kaming kumaing magkakaibigan.
Tumayo na kami at sakto namang napalingon sa amin ang Chasers pati na ang kapatid ko.
Masamang tumingin ang Chasers sa amin but didn't do anything. Nang mapansin iyon ni Dylan, lumingon din siya sa gawi namin at nangunot ang noo niya.
"Bakit?" Tanong niya sa Chasers. "Kilala niyo sila?"
"Huwag niyo na pansinin," sagot ni Chase.
Nilabas ko ang phone at nag-text saka tumingin sa kapatid ko. Pasimpleng tumango naman ito.
Pinauna ko na muna sina Kit at Zeke at hinintay si Aziel sa likod ng cafe.
Ilang minuto lang ay dumating na rin ito. "Having fun?" I asked him.
"Kuya... I am just doing what you asked me to."
"Good. Buti nang malinaw, Aziel. Huwag kang papaloko sa kanila. For all you know, umaarte rin lang sila, tulad mo. They are not your friends, they are enemies. Especially that woman."
Hinawakan ko ang balikat niya at diniinan iyon."This is an advice and a warning, Aziel. Don't get side tracked."
"I won't, kuya."
"See that woman?" Tukoy ko kay Yesha na naglalakad papunta sa direksyon namin. "That woman killed our mother."
"I know, kuya. And she will pay hundredfold for it." Matigas niyang sagot.
Naglakad na ako paalis at nang matapat ako sa kanya, nagsalita siya. "Huwag mo na ulit lalapitan ang kapatid ko," banta nito.
Ako ang kapatid niya, hindi ikaw.
CHASE POV
"By the way class..." kuha ni sir Dela Cruz sa atensyon namin bago matapos ang klase. "Your project will be different this sem. Napag-usapan na namin ito ng pang profs niyo. It will be an office internship, same with your practicum. You will need a company to work for and submit reports based sa mga ginawa at natutunan niyo. There are suggested companies by the school but it's still your preference kung saan niyo gusto."
Bianca raised her hand. "My dad is the President of Yeri Hotel. Pwede po bang doon ako kahit siya ang President?"
"Yes, pwede pa rin. Yeri Hotel is actually the school's top choice. Aside from marami kayo matutunan do'n, they will also give allowance to deserving interns. At 'pag nagustuhan nila ang performance niyo, they will absorb you right after graduation. 'Yon nga lang, I heard the owner is strict. Once you signed as their intern, hindi ka na pwedeng lumipat unless mapapirma mo ang mismong may-ari. And the owner rarely goes there."
"That's fine, I'm sure I won't backout," Bianca confidently stated.
"Then great. Other details about the project will be given once finalized na ang lahat. For now, hanap na kayo ng company na gusto niyo. I know some of you have businesses of your own or your family but I suggest going to other company para naman mas marami kayong exposure. Get out of your comfort zone. That's just my two cents, it's still up to you. Dismiss."
"Bianca, pwede rin ba kami sa business niyo?" asked Aldrin.
"Sure, I'll tell my dad."
"'Yon!"
Nakiusap na rin ang iba pa naming kaklase. Kilala naman kasi talaga ang Yeri. Kung ang school nga, ito ang top choice, malamang pati kaming mga estudyante.
"By the way," kuha ulit ni sir ng atensyon namin bago siya lumabas. "As I said, Yeri is strict. You have to pass their interview first."
"Ayon lang..." komento ng iba sa amin.
"Don't worry guys. I'll talk to my dad para magkakasama tayo. He's the President afterall. Wala naman silang magagawa 'pag inutos niya."
"Yon!!" everyone rejoiced.
"How about you, Yesh? Saan ka mag-intern?" Aziel asked her.
"Yeri." She simply answered.
"Sana ako rin." Bumagsak ang mga balikat nito.
Yesha faced her. "Eh di do'n ka rin para magkasama tayo. Saka mag-apply ka ro'n sa may allowance. Makakatulong 'yon sa 'yo."
"Oo nga no!" Bigla siyang nabuhayan.
"As if..." sabad ni Bianca. "Do I need to repeat that may dad is the President?" Makahulugang dagdag nito.
Muling bumagsak ang balikat ni Aziel. But Yesha just shrugged.
Tumayo na ako at tumigil sa harap ni Bianca. "Your dad is just the President. Be careful who you threaten. Baka magsisi ka."
Sikat ang Yeri but that woman your threatening is Yesha Vera. Isang pitik lang niya, babagsak ang pinagmamalaki mong Yeri Hotel.
I don't even know why she has to take an internship considering her hotels in Cebu alone.
Binagsak ko muna ang mga papel na hawak ko sa study table ko at pumikit. Sumandal din ako at hinilot ang pagitan ng dalawang mata.
I decided to solve the codes and hell ang sakit sa ulo. I researched about different number codes like ASCII, Binary, Atbash, A1Z26 at marami pa pero hindi ko pa rin makuha.
Paulit-ulit akong nag-solve gamit ang iba't ibang number codes at paulit-ulit na sinasabi ang binigay na clue ni Yesha pero wala pa rin talaga.
I can't even consider it as a clue. Paanong napunta sa numbers ang personalities ng tanginang iyon?
Pagkakaintindi ko, mukha lang siyang mahirap pero ang totoo madali lang.
Fvck! Kung madali lang bakit ang sakit na ng ulo ko?
Napag-isipan kong ipahinga muna ang utak. Ilang oras na rin na ito ang inaatupag ko.
Ipinatong ko ang mga kamay sa mesa at ginawang unan ang mga iyon. I closed my eyes and let my mind rest.
Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako at naalimpungatan lang nang maramdaman ang malamig na hangin galing sa labas.
Base sa direksyon ng hangin, nagmula ito sa veranda ng kwarto ko.
Magmumulat na sana ako para isara iyon ngunit naaalala kong hindi ko binuksan iyon simula nang dumating ako.
Fvck! Not again!
Naramdaman kong may tao sa likod ko.
I instantly became alert.
But then... That scent...
I know that scent.
Nawala na ang kabang lumukob sa akin at lihim akong napangiti.
Saglit lang, naramdaman ko na ang hininga niya sa mukha ko. I know she's just an inch away from my face.
At gusto kong magreklamo nang umalis siya. Parang naglakad ito papunta sa cabinets.
I slowly opened my eyes a bit to peek what she's doing. She's just looking at the pictures on the shelves next to the cabinets.
Nang maramdaman kong haharap na ulit siya, pumikit ulit ako.
Wala naman akong naramdaman na na nasa tabi ko ulit siya so I peeked again.
Nakaupo na siya sa gilid ng kama ko at hawak ang frame mula sa side table ko na naglalaman ng picture naming dalawa.
A picture taken on our quiet place. We were smiling and staring lovingly at each other on that picture.
Pareho naming paborito ang picture na iyon.
Ilang minuto na pero nakatingin pa rin siya ro'n. Hindi ko naman makita ang reaksyon niya dahil nakatalikod ito sa gawi ko.
Then I heard her sigh. "Why do you still have this picture?" she asked. Akala ko alam niyang gising ako but I guess she's talking to my picture. "Naka-display pa talaga rito. Mamaya may makakita nito. Makakapatay ako 'pag nangyari 'yon." Binalik nito ang frame sa mesa at tumayo kaya pumikit na ulit ako.
Saglit lang naramdaman ko na ang kumot na bumalot sa likuran ko. And damn I tried really hard not to smile.
Gusto ko pang malaman kung anong gagawin niya.
Naramdaman kong sumandal ito sa study table ko at kinuha ang mga papel mula roon.
"Tinuloy mo pala talaga 'to. Hindi ka pa rin nagbabago. Ang tigas pa rin ng ulo mo at hindi ka pa rin sumusunod sa akin. Di ba sabi ko huwag kang manghihimasok sa mga bagay na wala kang pakialam lalo na at may kinalaman sa 'kin? Kaya ka nagiging green flag eh," sermon niya.
Hindi ko pinagsisihang naging green flag ako. Dahil isa 'yon sa mga patunay na mahal mo ako.
At kahit paulit-ulit, manghihimasok pa rin ako sa lahat ng bagay na may kinalaman sa 'yo. Dahil lahat ng may kinalaman sa 'yo, may pakialam ako.
Binaba nito ang mga papel.
"Buti na lang hindi ka na green flag."
Hindi na? Bakit?
Marahang hinaplos nito ang buhok ko.
This time, naglalaban na ang isip at puso ko kung magmumulat ba ako o hindi.
Gusto ng puso kong magmulat na at ikulong siya sa mga bisig ko at huwag nang pauwiin. Na dito na lang siya. Na akin na lang siya.
Pero kumukontra ang isip ko, sinasabing oras na malaman niyang gising ako, aalis siya.
Muli ay naramdaman ko ang pagtama ng hininga niya sa mukha ko, specifically on my lips.
And damn resisting to kiss her is killing me!
Nasa kwarto ko siya at isang dangkal lang ang pagitan ng mga labi namin pero...
This is pure torture!
Lalo na nang lumayo na ulit siya.
"Ano bang impormasyon ang gusto mong malaman?"
Kumabog ang dibdib ko.
"Ako na ang magbibigay sa 'yo." Seryosong dagdag niya.
Unti-unting bumalik ang kaba sa sistema ko. I don't like her tone of voice.
Parang ikakasira ko nga ang impormasyong malalaman ko.
"Anong impormasyon ba ang ipinangako ni Captain sa 'yo?"
Ilang segundong hindi siya nagsalita. Akala ko nga umalis na siya pero nang pakiramdaman kong mabuti ang paligid nando'n pa rin naman siya.
"Close na kayo ni Captain no? Nagkukuwentuhan rin ba kayo? Anong mga kinukwento niya sa 'yo? Did he tell you that he likes Lucas for me?"
He did. Lantaran pa nga eh. Wala man lang pasintabi. Gano'n kawalanghiya ang Captain niyo.
"Well let me te you something too. Rehayna likes you for me. Ano bang nangyari no'ng kinuha ka niya at gustong-gusto ka niya?"
She gave me a red box. Shet! Muntik ko nang makalimutan ang tungkol do'n.
"But... did Captain also tell you who got Rekx's approval?"
Pakiramdaman ko tumigil ang mundo. Muntik na akong mapabalikwas.
"I don't know if you can hear me pero sana hindi." There was a hint of sadness in her voice.
Natatakot ako sa sasabihin niya pero gusto ko ring marinig.
"Captain did. He has Rekx's approval. At oo ko na lang ang hinihintay nila."
It's like a lightning struck my heart.
Pakiramdaman ko, napaglaruan na naman ako ng isang Captain Dylan Seoh!
Damn that man to the pits of hell!
Muli itong lumapit at mukha ko naman ang hinaplos. "Stop now, Chase. Stop until I'm back home."
Hinuli ko ang kamay niya.
I slowly stood up in front of her and locked my eyes on her.
Her eyes widened. She stepped backwards but I pulled her.
"I don't care if he has Rekx's approval. Do you think that will stop me? It won't." Madiin kong saad.
In a swift move I pinned her on my bed. "You're in my room." I gave her a knowing smile.
Panic flashed in her eyes.
I looked intently at her.
She tried to break free but I pinned her harder and leaned closer.
Worry is now all over her face.
"Sa tingin mo ba hahayaan kitang basta na lang umalis sa kwarto ko?"
Bumilis ang paghinga nito.
"You are mine, my Yesha. Only mine."
And with that, I crashed my lips on hers.
***
Thank you for reading!
See you next chapter