Dear Diary, Makaka-move on ba...

By jemmybeans

27.9K 442 255

It took me a while to get him; I had to go through a lot of heartbreaks. It took me a while to make him love... More

One
Two
Three
Five
Six
Seven
Eight (I)
Eight (II)
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three (R)
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Finale

Four

1.2K 12 14
By jemmybeans

"We've all at some point in our life encountered that feeling of secretly liking someone, secretly having your eyes on them, secretly wishing they knew, but deep inside you were afraid of what the outcome would be. So you kept it unnoticed. Kept it hidden, locked inside, just hoping that maybe one day that moment would finally come when they would notice you."

-Telisa McLaughlin

* * *
Dear Diary,

Haaaay grabe. Nakakabusog. Ang dami daming dalang pagkain nung tita ko. May party daw kasi yung anak nung boss nila, kaya ayun ang dami daw pag kain. Eh iilan lang naman daw sila kapag night shift kaya ayun, nag uwi sya ng food. Ang dami nga eh. May carbonara, menudo tapos may fried chicken lollipops then yung black forest na cake. Madami pang iba. Dalawang supot ba naman na punong puno ng tupperware yung dala! Malamang mabubusog ako.

Nakakatuwa nga tong si tita eh. Alam daw nya na mag s-stay up ako Friday daw. Kapag friday kasi, dito sila sa bahay natutulog. Si tita Janine, tito Gary, tsaka yung dalawa kong cute na cute at maliliit na pinsan. Si Mae na napaka fashionista tsaka si Christian na mas bata. Ang cu-cute nila, sobra! Super close kami nyang si Mae. Dyan ako nag kwekwento minsan eh. Tapos napaka selosa nya. Kapag mas kinakausap ko si Christian, nag tatampo sakin. Pati si Nikki, pinag seselosan nya. xD Ang cutiiiiiie!!!

Ang bait bait sakin nun ni tita. Parang sya na yung second mommy ko. Lagi nya ko pinag tatanggol kay mommy noon kapag pinapagalitan ako ni mommy. Minsan nga nag selos na din si mommy eh kasi panay tita Janine daw ako nung bata ako. XD

Engineer yan si tita pati na din si tito Gary. Ang cute nga eh kasi mag ka office mates sila. So kahit nag tratrabaho sila, mag kasama pa din sila. How sweet diba! <3

Kaya dapat ganyan din kami ni Paolo my loves pag lumaki na kami. Magiging ganun kaya kami? Okay lang siguro na hindi na kami mag kasama sa isang kumpanya pero gusto ko yung malapit lang. Yun bang kapag lunch na naming dalawa eh susunduin nya ako dun sa office ko. Ughhhh :"") ano ba yan diary. Kinikilig tuloy ako >///<

Dapat kase matutulog na ako, kaso nga lang etong si Mae pinagalitan pa ako. Sabi ba naman wag daw muna ako matulog dahil hindi daw ako matutunawan. 10 palang yun ha!! Tapos sya pa yung parang ate ko. XD Sabi nga ni mommy mas responsable pa daw si Mae kesa sakin. Hindi kaya! -.-

Kaya ayun, wala naman ako magawa kasi tulog na si Nikki kaya nag sulat nalang ako. Tsaka i kw-kwento ko pa nga pala yung nangyari kanina. :">

Siguro mga alas quatro na nung tumawag sakin si Nikki. Sabi nya may bagong playground daw dun sa kabilang village tas puntahan namin. Eh syempre ako naman, pinagalitan ko sya kasi gising na pala sya tapos di man lang nya ako tinawagan. -.- Yun pala kakagising lang din daw nya. Musta naman diba. Alas quatro nagigising, HUWAW. -.-

So ayun, sinabi ko na sa kanya yung nang yari tsaka yung eyeball namin ni Paolo my loves mamaya. Tapos biglang kinilig ba naman ang bruha! Sabi nya it's finally happening na daw! Lokaret tong babaeng toh, mas kinilig pa kesa sakin. Tapos ayun sabi nya pupunta daw sya sa bahay bago daw kami mag kita para maayusan daw nya ako ng konti. Syempre payag naman ako. Kailangan ko mag paganda para sa prinsipe ko noh! <3

Nung nasa bahay na sya, alam mo ba kung ano yung gusto nyang gawin sa buhok ko? KULUTIN DAW.

Ano, prom lang ang peg? -.-

Etong galunggong na toh, kung di ko lang mahal tong gaga na toh, sinapak ko na toh. Tas ayun, pinilian nalang nya ako ng damit. Pero alam mo ba kung anong damit yung gusto nyang ipasuot sakin?

BESTIDA.

Ano, abay lang ang peg? -.-

Sabi ko nga sa kanya nandito ba sya para tulungan ako or gaguhin lang ako. Tumawa naman ang bruha. Dapat daw kasi first impression lasts.

Oo nga noh.

First impression lasts.

Mga 5:45 na siguro nun nung lumabas na kami sa bahay ni Nikki. Nandun lang kami sa labas, nakasandal lang kami dun sa kotse namin. Sabi ko kase sa kanya, hintayin muna namin sya na pumunta dun sa puno bago ako lumapit. Eh tapat lang naman nung bahay yung basketball court, kaya kitang kita namin.

5:58 PM
"Jessica, pumunta ka na dun. Parating na yun."

5:59PM
"Wag ka nang lumandi, pumunta ka na dun. Kaartehan mo pa eh."

Ayoko kasi talaga munang pumunta na wala sya. Kasi, pano pag hindi sya pumunta diba? Edi nag mukha lang akong tanga dun? Naka straight pa naman yung buhok ko ng bahagya tapos wala lang. Edi sayang lang diba.

Nakatingin ako sa cellphone ko, itetext ko na sana si Paolo my loves kung nasan na sya kaso biglang siniko ni Nikki yung tagiliran ko.

"Naglalakad na, Ayun na sya! Pumunta ka na, go! Dali!"

Tapos ayun, nakita ko na nga na nag lalakad na yung baby loves ko papunta dun sa puno. Edi syempre ako naman nag start na ko mag lakad. Sobrang bagal ko mag lakad kasi, nararamdaman ko nanaman yug heart ko na pakabog kabog.

Mga 15 steps nalang siguro tapos nandun na ako nung makita ko na...

Na...

Na...

Na...

Yung mga bangus at hipon na haliparot, umupo doon bigla sa ilalim nung puno ng mangga. :(

Saktong sakto naman na nakadating dun sa puno si Paolo my loves. </3

Wala na, yung mga haliparot nanaman na yun yung makakausap sa kanya.

Wala na. :(

Bumalik nalang ako sa bahay. Nung pag dating ko, may telescope na gamit si Nikki tapos binatukan ko sya. Nagulat naman yung bruha.

"Oh, bat nandito ka na? Sino yung kausap nun? Mukha lang nya nakikita ko eh, natakpan ng mga plants yung iba."

"Wala na, naunahan ako nung mga bangus."

"Ambagal mo kaseng gaga ka eh. Ang dami mo pang arte. Hindi pwede yan, halika dito."

Hinila ni Nikki yung wrists ko tapos naglakad sya papunta dun sa puno. Ang higpit nung pag kakahawak nya sa kin kaya hindi na ko makawala. Ano ba yan, baka kung ano pang gawin nun diba? T-T Kinabahan talaga ako nun kasi baka gumawa ng scandalo tong si Nikki, eh napaka war freak pa naman neto. Huhu, sana wag. TToTT

Nung nakadating na kami dun sa puno, nakatitig lang talaga ako sa kanya. Hindi ako makapag salita. Kahit na gustuhin ko man, wala eh. Di ko alam kung anong sasabihin ko, gusto ko lang talaga syang tignan. Ang pogi pogi pa din nya. Tapos naka white na v neck lang sya tsaka pantalon pero... ang lakas ng dating nya. Parang ang bango bango pa nya.

Yung mga asungot naman, nakatingin samin ni Nikki. Tatlo kasi sila eh.

Si Bangus. -.-

Si Asungot. -.-

Tsaka yung nagbigay nung tubig kay Paolo my loves.

Si Hipon. =__________________=

Nakatitig lang kasi ako sa mukha ni Paolo my loves kaya hindi ko napansin na nag sh-shake hands pala sila. Oh no, pano kung akala ni Paolo, si Hipon ako? Hindi pwede. T-T

Nakatitig lang sila samin, tapos si Nikki naman, walang ginagawa. Gusto ko nalang talaga sana bumalik kasi sobrang awkward na talaga. :| Kaso biglang tumingin sakin si Paolo my loves.

Nag ka titigan kami.

Our eyes met. :''''>

Kahit na anong iwas yung gawin ko, hindi ko magawa. Parang naka lock lang yung mga mata ko sa mata nya. It's like glued to his eyes. v-v Hanggang sa nag salita na si Nikki.

"Hello, Ikaw siguro si Paolo. Eto nga pala si Jessica." Tinignan ako ni Nikki tapos tinignan ko din sya. Tumango naman sya, yun bang parang sinasabi nya na mag salita na ako.

"H-hi. Nice to meet you."

Yan lang nasabi ko. Then ngumiti nalang ako.

Tapos...

Tapos....

Tapos......

Tapos he held out his hand towards me!!!! :''> OH MY GAD DIARY. Gusto nyang hawakan ko yung kamay nya. Tinignan ko ulit sya, tapos naka smile lang din sya. Shi-nake ko naman yung hand nya. Grabe, nahawakan ko yung kamay nya. Ang laki laki nung kamay nya. Ang lambot lambot pa. Siguro hindi naghuhugas toh ng pinggan sa bahay nila o kaya nag lalaba. Parang sakop na sakop nya yung kamay ko. Sabi na nga ba meant to be talaga kami neto. :''> <3

"Hi Jessica, Nice to meet you too." Putcha. Mabuti nalang at hindi ako ice cream dahil kung hindi, matutunaw ako sa harap nya. Tuwing sinasabi nya yung pangalan ko, may parang kumikiliti sa tyan ko. Yun pala paroparo lang. Tapos nag salita pa sya.

"Kaya pala sabi ko parang iba yung boses nya." Tumingin sya dun kay hipon. "Tinanong ko kasi kung sya si Jessica tapos sabi nya oo daw."

WHAT. A. BITCH.

Parang napahiya naman si hipon kaya tumayo na sya. Tumatawa pa ang bruha. Buti nga sa kanya at napahiya pa.

"Joke lang yun noh. I'm Jasmin." Tapos binigay nya ulit yung kamay nya. Tinignan lang sya ni Paolo my loves tapos sabi nya:

"Paolo, like I said before."

Yun lang. Tapos naka poker face pa sya. Shet ang suplado. o-o

Tapos tumingin na ulit sya sakin then yung poker face nya naging smile.

"Tara, lakad lakad muna tayo."

PUTARAGES. Gusto nyang lumakad lakad kami. UGHHH. May gusto din sakin toh, jusmio. Halatang halata naman sa kanya noh. He craves my presence. He craves me. ;)

Kunwari lang toh, pero na love at first sight sakin toh. ;D

Tinignan naman ako ni Nikki. And because we're bestfriends, we can communicate with just our eyes. Alam kong tinatanong nya kung kaya ko ba na kaming dalawa lang ni Paolo. Inisip ko naman na isa ako sa pinaka awkward na tao dito sa buong mundo kaya I need someone para hindi sya ma awkwardan samin.

Naglakad lakad kami sa buong village. Ako sa gitna nilang dalawa ni Nikki. Grabe, naaamoy ko yung pabango nya habang nag lalakad lakad kami. Ang bango bango nya, ang sarap nakawin nung damit nya tapos gawing punda ng unan. Ugh.

So much awkward silence na talaga kaya buti nalang at nag salita na naman si Nikki.

Buti nalang talaga I have her. I wouldn't know what to do without her.

"Uy ang sassy mo dun kanina Paolo ha. Ang taray taray mo sa girl kanina. Bad yun." Pa joke na sinabi nya. Kilala ko yang si Nikki, sa totoo lang sayang saya pa yan kasi napahiya si hipon. XD

"Ah, hindi ah. Ayoko lang kasi talaga ng mga liars." Sabay tingin nya sakin tapos naka ngiti pa. Is he teasing me. Napatingin lang tuloy ako sa ground. Si Nikki naman sinisiko siko ako sa tagiliran.

"S-sorry ah. Kase... ewan ko ba. Basta sorry."

Hindi ko talaga masabi yung rason ko na nahihiya ako sa kanya. Na parang naiilang pa ako sa kanya. Pero yung sinabi nya after nun. Potek na kumpleto yung buong gabi ko dahil dun. :'''>

"Okay lang yun. Mas maganda ka naman sa inexpect ko eh."

PUTCHA DIARY. HINDI TALAGA KINAYA NUNG OVARIES KO YUN. I FELT THEM FALL. IMAGININ MO BA NAMAN. SINABIHAN NYA AKO NG MAGANDA.

Maganda daw ako.

More than he expected.

PUTEK DIARY. :'''''''> <3

Medyo awkward pa din yung nangyari after nun kasi nga kaka meet lang namin pero okay lang kasi nandun naman si Nikki. Eh ang daldal daldal pa naman nun kaya okay na din, kasi lagi kaming may napag uusapan. Nag ikot ikot lang kami tapos bumili kami dun sa may fishballan. Tapos parehas kami na matamis lang yunng gusto. Eto kasing si Nikki lahat ng sawsawan, nilalagay nya. Lokaret yun eh.

Then nalaman ko din na 18 na pala sya, tapos second year college na sya sa UST. Yes, mag kaka abot pa din kami sa college next year! :'>

Kakalipat lang din daw pala nila dito. Mga three months pa lang daw. Sa Makati daw sila nakatira dati. Hindi ko na tinanong kung bakit sila lumipat. Masyado na kong nosey pag tinanong ko yun. Tapos yun nga daw yung kapatid nya daw na si Patrick, 16 naman daw. Parehas pala kami. Si Nikki kase mas bata sakin. Parehas naman kaming 1998, pero she's 2 months younger than me and for some reason, third year palang sya.

Basta, kung ano ano lang pinag uusapan namin. Maya maya schools pag uusapan namin tapos biglang mapupunta sa dogs, then napunta sa mga basketball players. Pauwi na kasi kami nun nung napag usapan namin yung mga players dito sa Maclure Village.

"Kilala mo ba yung number 58 dun sa team 5?"

Ah, si chimpanzee yun. Eto talagang si Nikki oh, kating kati malaman kung ano yung pangalan nung chimpanzee nya.

"58? Ah, si Mike yun. Baket? Crush mo? Unang naging kaibigan ko yun dito eh, mabait yun."

"Oh? Ang cute cute nya kasi eh." Nag blush pa si gaga.

Yun yung topic namin hanggang sa makauwi na tong si Nikki. Yung bahay kase nila yung unang nadaanan namin kaya sya na yung naunang umuwi. Edi kaming dalawa yung naglalakad. Potek, awkward nanaman. Ganito siguro talaga pag may gusto ka sa isang tao. Nakaka shete. Sabi ko sa kanya mauna na sya eh kaso he insisted na sumama sakin kasi gusto pa daw nya maglakad lakad.

Nako, mga palusot netong mokong na 'to. Crush din ako neto, kunwari pa to. ;)

Nung nakarating na kami sa bahay namin, si mommy nandun sa porch namin. Nakaupo tapos pa nood nood lang sa court. Kahit wala kasing liga, may mga nag lalaro pa din dun sa court.

Bago umalis si Paolo my loves, sabi nya...

sabi nya...

ehhhh :""> sabi nya...

"Nood tayo ng liga sa sunday ah. Text text nalang mamaya." Tapos nag smile sya sakin. :''>

Potek uminit nanaman yung buong mukha ko. >////<

Nung pag pasok ko naman sa bahay, si mommy naka taas yung kilay sakin tapos alam mo yung mukha na nag tataray tarayan pero joke lang? Ganun yung facial expression nya.

"Nak, sino yun? Boyfriend mo?"

I just took a deep breath and smiled at her confidently.

"Malapit na mommy, malapit na." ;'''>

HAAAAY. SANA SUNDAY NA T-T

Alis na muna ako diary, gusto makipag laro ni Mae eh. Goodnight! :*

- Jessica, pinaka maswerteng gaga today. ;)

Continue Reading

You'll Also Like

27.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
195K 7.5K 39
What if the one courting the girl you have a crush on turns out to be the one you will also fall into? Yolo, a basketball athlete and architecture st...
636K 11.2K 65
An innocent girl unexpectedly seduces her boss even though she doesn't know.
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...