What If

By Ms_Jee

1.2K 92 3

Love that's NOT meant to be. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 7

66 4 1
By Ms_Jee

Si Chase may girlfriend na. Joke ba ito? Kung joke man ito hindi nakakatawa. Swear! Nakakaiyak kasi. Gusto kong magwala, gusto kong manapak, at gusto kong magbigti. Pero nakakahiya namang gumawa ng eksena dito na alam kong ikakahiya ko. Pinakalma ko ang sarili ko bago ako nagsalita. Ngumiti ako kahit ang totoo nasasaktan ako,ng sobra.

"Hi." Simpleng bati ko pero agad nya akong nilapitan saka niyakap. Nagkatinginan kami nila Mia at Leah. I hugged her back. "Nice to meet you, Marian." I said at kumalas sya sa akin.

"Hindi mo ba ako natatandaan?" She asked. "Ako ang may-ari ng notebook na napulot mo nung isang araw? Kumain pa tayo ng isaw nun."

"Ahhh..oo" Tangi kong naisagot. Sya nga yung girl. Small world! "Si Chase ang hinihintay mo nun?" She nodded. "Malihim talaga itong si Chase. Wala syang binabanggit na may girlfriend sya." Baling ko kay Chase na nasa tabi lang ni Marian.

"Para surprise!" He replied.

Nasurprise nga kami, lalo na ako! Lintek na notebook na yan. Paasa!!

"I heard a lot about you guys and finally na-meet ko na ang mga kaibigan ni Chase. Wala kasi akong masyadong friends na matatawag. Kaya sana maging friends din tayo lalo ka na Lilian." Marian said and they smiled at her. Pilit naman akong ngumiti kahit na magmukha akong bitter.

"Maiwan ko muna kayo dito, ha ipapakilala ko lang sya kay Mama." Pagpapaalam ni Chase. Sumunod kaming pumasok lahat sa sala nila.

Katabi ko si Mia, Leah at Erin sa sofa at halata sa kanila na nagaalala sila para sa akin.

"Lilian, ok ka lang ba?" Tanong ni Leah at Erin.

"Sabihin mo lang kung gusto mo ng umuwe at sasamahan kita." Mia said.

"Okay lang ako." I replied smiling. Yun nga yata ang pinaka-gamit ang ok lang ako kapag ayaw mong sabihin ang totoo mong nararamdaman. But deep inside of me, wasak na wasak ako. Emo ang peg!

"Magsabi ka lang, ha." Ginanap ni Mia ang kamay ko. Napansin naming bumalik na sila Chase at nakaakbay ito sa girlfriend nya. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko keri! Harap harapan pa talaga akong sinasaktan.

"Yanyan...." Tawag ni Tita.

"Po?" Sabay naming sagot ni Marian. Nagkatinginan kaming lahat.

"Yanyan din pala ang nickname ni Marian." Si Chase ang bumasag sa katanungang hindi namin maitanong. "Ma, sino ba tinatawag mo?"

"Si Lilian,Anak. Magpapatulong sana ako dito para ilabas ang mga hinanda ko."

"Sige, Tita." Akmang tatayo na sana ako ng magsalita si Marian.

"Pwede rin po bang tumulong ako? Hindi po ako sanay pero alam ko po gagawin ko." She asked smiling. Ngiti ng ngiti naman ang isang to.

"Tita, si Marian na lang po tutulong sainyo kasi kakanta pa pala ako dito." I said while browsing the songbook. Nakita kong pumasok si Marian at naiwan si Chase kasama namin.

"Ano bang kakantahin mo?" Chase asked. Ayoko sana syang sagutin pero kinalabit nya ako. "Hoy." Tawag nya uli. So, hoy na pala ngayon ang pangalan ko? Gusto kong itanong buti nakapagpigil ako.

"Ano... Pusong bato." Sagot ko habang hindi sya tinitignan.

"Seryoso?" He laughed.

"Teka, anong nakakatawa?" Kunot noo kung baling sa kanya. Saka ko sya tinaasan ng kilay. Nakakainis!

"Wala lang." He replied. "Bakit nilapag mo na?" Tanong nya ng nilapag ko ang songbook. Nawalan kasi ako ng gana.

"Ayoko na. Nagbago na ang isip ko." Sagot ko saka ako sumandal sa sofa nila.

"Bakit parang ang sungit mo yata ngayon?" Aba! Talagang nagtanong pa sya.

"Baka mayroon...." Sagot ni Ryan.

"May binili ba kayong alak? Kahit red horse lang." Pagiiba ko sa usapan.

"Gusto mo ba?" Katangahang tanong ni Chase.

"Hindi." I rolled my eyes. "Malamang, magtatanong pa ba ako kung hindi ko gusto?" Pabalang kong sagot.

"Lilian, kumain muna tayo bago tayo maginuman." Ryan said. Ewan ko kung gutom ba sya o talagang concerned. Sasagot pa sana ako nang pumasok sila Marian at Tita dala ang handa ni Chase. Kunwari may binabasa akong text habang nilalapag nila ang mga handa ni Chase.

"Mukhang masarap ang mga niluto nyo Tita. Amoy pa lang kasi nakakatakam na." Rinig kong sabi ni Marian.

Sus, parang straw din ito eh. Sipsip! Hindi ko mapigilang magisip ng masama sa kanya dahil naiinis talaga ako. Of all the people sya pa talaga, ang babaeng nakasalamuha ko nung araw na yun. At sya pala ang magiging kaagaw ko kay Chase!

"Sige kumain na kayo bago pa lumamig ang mga yan." Sabi ni Tita. Hindi na sana namin kakantahan si Chase ng birthday song pero mapilit itong nobya nyang hobby ang pagngiti. Oo na maganda na ang ngipin mong may bakod na kulay pink!

"Pwede ng kumain?" Tanong ko nang matapos kaming kumanta.

"Sige lang, Lilian. Alam ko namang gutom ka na eh." Tugon ni Chase.

Habang kumukuha ako ng shanghai nakita ko kung paano pagsilbihan ni Chase si Marian. Kulang na lang langgamin sila.

"Gusto mo ba ito?" Pagtatanong nya habang tinuturo ang tapioca.

"Sige." Sagot naman nya. "Lilian, masarap itong ginawang spaghetti ni Tita. Akin na yang plate mo at lalagyan ko para hindi ka na mahirapan." Pagaalok nya.

"Ah mamaya na lang siguro pagkatapos kong kainin lahat ng nandito sa plato ko." I lied.

"Okay sige." Ngumiti na naman sya.

Nakita kong sinubuan ni Chase si Marian ng spaghetti. Halos hindi ko malunok ang kinakain ko. Umiwas ako ng tingin dahil nagsisimula ng magblur ang paningin ko. Kinurap kurap ko ang mata ko para mawala ang namumuong mga luha saka ako tumingala.

"Lilian, gusto mo palit tayo ng pwesto?" Tanong ni Leah sa akin. Medyo mahina ang boses nya para hindi marinig ng iba. Katapat ko kasi ang couple kaya kitang kita ko ang kasweetan nila. Pumayag naman ako sa sinabi nya baka kasi kapag hindi ako makapagpigil ay babaha dito.

"Huwag mo na lang sila masyadong pansinin." Sabi naman ni Mia na nasa tabi ko.

"Ryan, pakiabot naman yung spaghetti?" Pakisuyo ko sakanya. Pero si Marian ang nangabot. "Salamat." I said and she smiled.

"Girl, aware kaya sya na ex ka ni Chase?" Pagtatanong ni Mia.

"Baka hindi. Tignan mo naman kung gaano sya kabait kay Lilian." Bulong ni Leah.

"Baka nagbait baitan lang siya." Sabi naman ni Erin.

"Huwag naman kayo ganyan. Baka talagang mabait sya." Sagot ko at sabay sabay nilang tinaas ang kilay nila.

Pinagmasdan ko si Chase habang kausap si Marian. Iba ang ngiti nya ngayon. Ganon din ang ngiti nya noong kami pa. May bahagi sa puso ko ang kumirot habang tinitignan syang masaya kapiling naman ng iba. Pasimple akong nagpahid ng luha sa gilid ng mata ko saka ako bumuntong hininga. Ang saklap naman, Lord.

"Are you crying, Lilian?" Hindi ko alam kong sino sakanila ang nagtanong.

"Ha? Hindi. May nakain kasi akong paminta eh allergic ako dun. Kapag nakakain ako nun napapaluha ako." Pagsisinungaling ko.

"Allergic ka sa paminta?" Nagtatakang tanong naman ni Chase. "Bakit hindi ko alam?"

"Kailangan ba talagang alam mo ang lahat, Chase?" Irita kong sagot. Hindi mo nga alam na nasasaktan ako ngayon. Tumulo na naman ang luha ko pero agad ko itong pinunasan. Inabot ni Marian ang panyo nya pero tinanggihan ko. "Sabi sainyo eh. May allergic ako sa paminta. Makapag banyo nga." Tumayo na ako saka dumiretso sa banyo. Agad akong naghilamos.

"Lilian, okay ka lang?" Tanong ni Marian sa labas. Ano ba naman ito. Sinundan pa talaga ako! "Lilian..."

"Oo. Naiihi kasi ako. Sige na bumalik ka na dun baka hinahanap ka na ni Chase." Tugon ko. Pinakiramdaman ko kung nandoon pa sya nilapit ko ang tenga ko sa pinto. "Siguro umalis na." Sabi ko sa sarili ko nang wala akong marinig.

Nagretouch ako saka uli ako lumabas. Nagpractice pa ako sa salamin kung paano ako ngingiti sa harap nila.

"Galingan mo naman Lilian umarte." Sabi ko sa sarili ko. Nang makita kong maayos na itsura ko nagpasya na akong lumabas. Laking gulat ko ng makita si Marian. "Anong ginagawa mo dito?"

"Hinihintay ka. Baka kasi anong mangyari sayo."

"Concerned ka naman masyado." Sabi ko saka ako ngumiti.

"Syempre kaibigan na rin kita. So, let's go?" She asked and I nodded. Natuon ang tingin nila sa amin habang papasok kami sa sala. Bumalik kami sa kanya kanya naming upuan. Pagkaupo ko hinila agad ako ni Mia saka bumulong.

"Hindi kaya type ka ni Marian? Sayo lang sya concerned. Natotomboy na yata sya."

"Baliw ka talaga, Mia. Tomboy agad hindi ba pwedeng mabait lang?" Natatawa kong tugon. Pinilit kong ngumiti.

"Lilian, kanta ka naman. Ako na pipili ha." Sabi ni Erin. Binigay nila sa akin ang mic at inabot ko naman ito. Pero gusto kong tumanggi ng marinig ko kung ano ang kakantahin ko. Naisip ko rin na gusto kong ibuhos lahat ng emosyon ko sa kantang ito kaya pumayag na ako. Gusto kong mabawasan ang sakit kahit konti lang.

"Bago ko kantahin yan pwede bang isang red horse muna?" I requested. Inabotan naman ako ni Ryan. "Thank you, ha, tol." Sabi ko.

"Bakit mo binigyan si Lilian ng red horse? Madaling malasing-"

"Huwag ka ng magalit Chase." Sabi ko habang nakangiti. Binigay ko sa kanya ang bote.

Now the parking lot is empty
Everyones gone someplace
I pick you up and in the trunk I've packed
A cooler and a 2-day suitcase

Pumikit ako habang kumakanta. Lahat ng nakaraan bumabalik sa aking isipan. Lahat ng masasaya naming alaala ni Chase.

Lahat lahat.

Cause theres a place we like to drive
Way out in the country
Five miles out of the city limit were singing
And your hands upon my knee

Kung paano nya ako pasayahin dati at kapag sumasapit ang monthsary namin hindi pwedeng wala syang gift na ibibigay. Kung paano nya ako alagaan. Kung paano nya ako mahalin ng higit pa sa inaakala ko.

So were okay
Were fine
Baby I'm here to stop you crying

Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko. Sunod sunod silang nagsilaglagan. Binaba ko ang mic dahil hindi ko na kaya.

Sobrang sakit na.

"Lilian..." Hindi ko alam kung sino ang nagsalita. Minulat ko ang mata ko ng dahan dahan. Una kong nakita si Chase. Ang nararamdaman ko na lang ngayon ay ang sakit sa katotohanang may iba na sya. Ang bawat paghikbi ko at bawat luhang dumadaloy sa pisngi ko.

"Sorry...guys... Ang emo ko tuloy." I smiled bitterly as I wiped my tears with the back of my hand. Kunwari tinignan ko ang relo ko. "Late na pala hindi ko tuloy namalayan. Kailangan....ko na palang...umuwe." Pahinto hinto ako sa pagsasalita dahil anytime iiyak na naman ako. "Saka huwag nyo na akong ihatid ha. Matanda na ako kaya keri ko na." Ngumiti ako. "Happy birthday ulit, Chase." Baling ko sa kanya.

Nakatingin lang sila lahat sa akin maging si Ryan na parang pakialam ay tahimik lang.

"Lilian..." Pagpipigil ni Mia sa akin.

"Hayaan mo muna ako, please." Sabi ko saka ako dali dali nagtungo sa pinto nila para buksan. Pagkalabas na pagkalabas ko ay tumulo na naman ang luha ko.

"Lilian!" Tawag nya. Napahinto ako dahil alam kong si Chase iyon. "Sandali..." Kasabay ng paglingon ko ay nagsilaglagan na naman ang mga luha ko.

Alam mo yung pakiramdam na ang lapit nya pero hindi ko kayang abutin dahil may nakahawak na sa kanyang iba dahil binitiwan ko sya.

"Chase...." Patakbo akong bumalik sakanya saka ko sya niyakap ng mahigpit.

Sa isang relasyon, mahirap kalaban ang jowang mahirap makamove-on. Sabi sa commercial ng Forevermore.

A/N
Pls listen to the music.

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 187K 34
Georgina is homeless and broke, and her ex-boyfriend came to her rescue by letting her temporarily stay in his house. But with the two of them living...