Just Keep Running from Billio...

By JobelDestiny

243K 6.7K 783

The most successful business man, the multi-billionaire Callidon Wright had an announcement. Whoever finds hi... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
JKRFB

Chapter 47

2.6K 97 9
By JobelDestiny

XLVII- Recognition

Beryl's POV

"Callix," Hindi niya ako pinansin.

"Callixton," Ulit ko pero tumalikod na siya. Ang cute niya talaga, lalo na dahil suot niya ang maliit na uniform at ayos na ayos.

"Philip Callixton," Tawag ko pa pero hindi niya talaga ako pinapansin. Yumakap lang siya sa tatay niya.

Nagtatampo kasi siya sa akin, tuwing may klase ko na lang siya nakakasama at kapag hapon pero tinutulugan ko siya dahil nga ako ang bantay ni Harris kapag gabi. 'Yan ang resulta ng isang linggo na hindi ko siya katabi tuwing gabi. Nagtampo na nga.

Lumapit ako sa kaniya at kinakalabit siya. "Sorry na, baby. Promise kapag okay na si tito Harris mo tatabihan na kita. Huwag ka na magtampo kay mommy, ikaw na nga lang baby ko o." Paglalambing ko. Mukhang effective naman dahil humarap siya sa akin kaya napangiti ako. Nakanguso pa rin siya. Ang cute niya talaga, Calli na Calli ang itsura.

"Hey! I am your baby too," Reklamo ni Calli at parang nagtatampo pa. Kinurot ko ang pisngi niya.

"Huwag ka na sumabay," Bulong ko at muling hinarap si Callix na ngayon ay nagtataka ng nakatingin sa akin.

"What happened to tito Harris, mommy? Hindi po ba siya okay? Bakit po?" Sunod-sunod na tanong niya kaya naman napaharap ako kay Calli na ngayon ay nakahawak na sa batok niya na parang may nasabi akong hindi maganda.

"Hindi niya alam?" Gulat na tanong ko at tumango siya. Hindi ko rin naman nasabi 'yon kay Callix dahil ang alam ko ay alam na niya. Hindi pala sinabi ni Calli.

Mas madalas na nakakasama ni Calli si Callix ng mga nagdaan na araw. Siya ang nag-aasikaso kay Callix kapag papasok ito sa school, ihahatid muna niya si Callix sa school bago siya pumunta ng Manila para magtrabaho. Hindi ko na kasi nagagawa 'yon dahil dinadala ko na ang uniform ko at mga gamit para deretso na sa school. Pagkatapos ni Calli na ihatid si Callix, magtatrabaho siya ng saglit sa Manila tapos babyahe pabalik ng Pampanga para lang sunduin kami mga bandang tanghali. Hindi ko nga alam kung paano siya nakakapagtrabaho ng ganoon kabilis. Magbabantay pa siya tuwing hapon sa hospital at babalik sa gabi para may makasama si Callix sa bahay nila nanay Tess. Nakikita ko naman na masaya si Calli dahil kahit papaano raw ay nababawi niya ang mga taon na hindi niya nakasama si Callix.

Napalingon si Calli kay Callix bago ako sagutin. "Yeah, because I can't let my son feel what I feel. Ayaw ko na maranasan niya na bawat oras ay iniisip ko 'yung aksidente. He's too young for that but he also need to know. Besides, his condition was already fine. Go, tell him." Seryosong sabi niya kaya naman kinuha ko ang kamay ni Callix at pinaupo siya sa kama.

"Baby, did you know the car accident that we always see in drama?" Inosente siyang tumango.

"Yes mommy. Why po? Don't tell me that's what happened to tito Harris po?" Gulat at malungkot na tanong niya.

"Oo, 'yun nga ang nangyari sa kaniya. Hindi pa nga siya gumigising, one week na. Kaya mag-pray na lang tayo para sa kaniya." Pandederetso ko sa kaniya.

Napatingin ako kay Callix at ganoon na lang ang guilt na bumalot sa katawan ko ng makitang nangingilid na ang mga luha ni Callix. Nakasibi at agad na namula ang ilong. Paiyak na.

"Hala, bakit Callix?" Nag-aalalang tanong ko.

Biglang tumulo ang isang butil ng luha sa mata niya. "That's explain why I had a dream about him. He's carrying me and we are happy in my dreams. Tapos po malalaman ko po na naaksidente po siya. Mommy.." Humikbi na si Callix kaya mas nag-alala ako.

Dapat pala hindi ko na talaga sinabi. Pero dapat din niyang malaman ang nangyari kay Harris.  Hindi ko alam kung saan ako lulugar.

Umiling si Calli. "That's what I am talking about. He will be sad," Nag-aalala na ring sabi ni Calli saka tumabi sa tabi ni Callix.

Nakaupo kami sa gilid ng kama at nakapagitna sa amin si Callix. "Baby, don't be sad. Do you think your tito Harris will like that? Today is your recognition day and you'll be receiving many awards. He's still proud of you baby, don't be sad." Malambing na sabi ni Calli kay Callix at niyakap niya pa. Natawa ako, hindi ako sanay na ganito si Calli.

Pagkatapos ng yakapan nila ni Calli ay sumingit ako, kinuha ko siya at hinarap sa akin.

"Oo nga naman, Callixton. Huwag ka ng umiyak d'yan. 'Yun pa? Malakas mang-asar 'yon kaya malakas din siya. Tiwala lang, baby, gagaling 'yon." Sabi ko sa kaniya. Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa mata niya. He's still a baby, parang maliit at umiiyak na batang Calli. Magkamukhang-magkamukha talaga sila.

"Don't cry, Callixton. Magugulo ang ayos sa'yo ni daddy o," Pag-aalo ko sa kaniya. Huminto na rin ang pag-iyak niya ngunit nakanguso pa rin.

"Callix, smile na." Pero mas lalo lang siyang ngumuso. Nagtaka ako dahil do'n. Pati si Calli ay nagtaka na rin.

Bigla ay niyakap ako ni Callix ng mahigpit na mahigpit. Parang ayaw na niya akong pakawalan. Nagtaka ako sa ginawa niya na 'yon pero napangiti nalang.

"I'm sorry mommy, because I got mad at you. Hindi ko po alam na binabantayan niyo si tito Harris kaya wala po kayo tuwing gabi." Paghingi niya ng paumanhin. Ang boses niya ay punong-puno ng pagpapaumanhin.

Natawa ako. "Okay lang 'yon, Callix. Hindi mo naman alam na gano'n e. I am the one who should say sorry dahil wala si mommy sa tabi mo at nagtago ako sa'yo." Kumalas siya sa yakap ko kaya naman kinurot ko ang magkabila niyang pisngi.

"Kalimutan na nga natin 'yon. Congrats, Callixton! With high honor ang baby namin ni Calli," Paglalambing ko pa sa kaniya. Bumalik ang sigla sa mukha niya at napangiti. Lumabas ang isa ngunit malalim na dimple niya. Paanong hindi ko masasabi na carbon copy ni Calli si Callix? Pati dimple ay namana.

"Ako ang nagbuntis, ako ang nagluwal, at ako ang nag-aruga pero si Callidon pa rin ang kamukha. Ang daya naman, sana makabawi ako sa susunod."

"Ano po 'yun, mommy?" Nagtaka ako dahil sa tanong ni Callix.

Dinig ko ang pagtawa ni Calli na may halong pang-aasar. Teka nga, nasabi ko ba ng malakas?

Naiilang akong tumingin kay Calli. Nakita ko ang ngiti niya na sobrang lapad. Tumataas-taas ang mga kilay niya.

Nasabi ko 'yon ng malakas?!

Hinarap ko si Callix at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Don't be sad na okay? He will be okay, trust him. Sa ngayon ay umalis na tayo dahil male-late tayo." Paalala ko sa kaniya. Dahan-dahan siyang tumango sa akin.

"I trust him, mommy. He will be okay po." Unti-unti na siyang nagiging masaya ulit.

Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo. "Good. So let's go, my With High Honor baby," Pang-uuto ko pa na ikinangiti niya.

"You are the reason po why I got that award. Kayo po ni daddy ang inspirasyon ko," Proud na sabi niya.

"Really?" Tanong ni Calli sa kaniya. Nakangisi pa rin ang loko sa akin at hindi pa rin makamove on sa sinabi ko kanina.

Hindi ko naman sinasadya na masabi 'yon. Feeling 'to masyado.

"Really!" Masayang sabi ni Callix.

Nakipag-apir si Calli sa anak niya. "Don't worry, we have a gift for you, Callixton." Masayang pagbabalita ni Calli kaya naman mas napakunot ang noo ko.

"Ano po?" Excited na tanong ni Callix.

"After a year, you'll be having your little sister that will looks like your mo--" Pinilit ko siyang abutin at kinurot ang pisngi niya. Abnormal, kung ano-ano ang sinasabi.

"Kidding," Biglang bawi ni Calli habang kinukurot ko ang pisngi niya. Kaya naman binitawan ko na ang pisngi niya, baka mapunit.

"Little sister? Really?!" Masayang tanong ni Callix sa aming dalawa. Tinignan ko ng masama si Calli na ngayon ay nakangisi na naman. Kinuha ko na lang ang kamay ni Callix at hinila siya papalabas ng kwarto.

Tumawa ako ng peke. "Haha! Wala 'yon, Callix. Tara na? Excited na ko!" Sabi ko habang naglalakad kami pababa ng hagdanan.

Kahit malayo pa sa amin si Calli, na-unlock na niya ang kotse niya kaya pinapasok ko na si Callix. Bawat pag-uwi niya ay paiba-iba siya ng kotse tapos lahat ay magaganda. E 'di siya na ang mayaman.

Hindi pa ako nakakapasok dahil hinihintay ko siya na makalapit sa akin para sana sabay kaming papasok ng kotse pero pinagsisihan ko na. Sana hindi ko na lang siya hinintay at pumasok na agad. Wala pa man ay nang-aasar na ang ngiti niya.

"Do you know what, I can give you a baby and this time she will be like you. Trust me," Nang-aasar na sabi niya.

"Sira ulo ka ba? Wala naman akong sinasabi na gano'n! Imbento ka!" Inis na sabi ko pero hindi pa rin siya tumitigil sa pang-aasar.

Tumawa siya. "Ako ang nagbuntis, ako ang nagluwal, at ako ang nag-aruga pero si Callidon pa rin ang kamukha. Ang daya naman, sana makabawi ako sa susunod." Pati boses ko ay ginaya niya imbis na maasar ay natawa ako. Pinilit niya na maging malambing ang boses niya kaya para siyang bakla.

"Funny ka, haha! Tara na nga." Bahagya ko pang sinuntok ang braso niya at akmang bubuksan na ang pinto ng kotse pero pinigilan niya ang kamay ko.

"Wait," Sa boses niya ay parang may mali kaya naman napatigil ako.

"Bakit?"

"You look so hot in your uniform, damn." Biglang sabi niya kaya nainis ako.

Pinigil mo ako sa pagsakay ng kotse para lang sabihin ang mga bagay na alam ko naman?

"Eh ano naman? Share mo lang?"

Ngumisi siya. "Yeah, I share my lips with yours," Ganoon kabilis niya akong hinarap sa kaniya at binigyan ako ng halik. Ramdam ang pananabik do'n.

Agad din siyang bumitaw. "Callixton can see us, later na lang." Kinindatan niya ako at siya ang nagbukas ng pinto para sa akin.

"Get in, baby." Napabuntong hininga na lang ako na pumasok. Hindi na naman ako makapagsalita dahil masyadong mabilis ang tibok ng puso ko. Nang makasakay ako ay umikot siya para sumakay sa driver seat. Agad niyang kinuha ang kamay ko at nagdrive gamit ang isang kamay.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita si Callix na nagbabasa lang ng isang papel. Parang kinakabisado niya ang pang-closing prayer mamaya kung saan siya ang prayer leader. Hindi naman niya kailangan kabisaduhin 'yon.

Bahagya akong nagulat ng tumingin sa akin pabalik si Callix.

"Mommy, do you have a pen po?" Tanong niya sa akin.

Kinuha ko muna sa maliit kong bag ang ballpen at ibinigay sa kaniya. Nahirapan ako dahil hawak ni Calli ang isang kamay ko.

"Thank you mommy. I love you." Napangiti ako sa sinabi ni Callix. Hindi talaga niya pinagtatagal ang pagtatampo sa akin dahil naintindihan niya agad ako.

May isinulat siya sa papel na ipinagtaka ko pero hindi ko na lang pinansin at tinuon ang paningin sa daan.

Mabilis lang ang byahe dahil maaga pa at mabilis ang pagda-drive ni Calli. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa school. Inaya ko agad sila sa auditorium kung saan ginaganap ang mga events ng school katulad ng recognition.

Namangha ako sa ganda ng venue. Halatang pinagkagastusan ng sobra dahil napakaganda ng buong auditorium. Tama nga sila, ang pinakamagandang school sa bayan na ito ay ang Confidante Prime International School. Hindi nagkamali ang kung sino man na nagsabi no'n. Bawat event sa school ay talagang pinagkakagastusan, at ang buong pasilidad ng school ay sobrang ganda. Ang limang kumags ang nagmamay-ari nito, nakakaproud isipin.

"Baby," Biglang tawag ni Calli. Kaya napatigil kami sa paglalakad papunta sa pila ng mga estudyante at magulang. Pipila kasi sila Calli at Callix doon.

"Oh?"
"Why po?"

Sabay na sabi namin ni Callix kaya tinignan ko siya ng nagtataka saka lumipat ang tingin ko kay Calli.

"I was calling for Callixton, Beriana." Sabi niya kaya nakaramdam ako ng pagkakapahiya.

"Baby baby pa kasi, pwede namang Callix," Inis na sabi ko at natawa naman siya. Gusto niya talaga na palagi akong iniinis e.

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Calli sa kamay ko. "Don't be jealous, parehas ko kayong baby but this time I was calling for Callix." Nakangising sabi niya.

"Bakit ba kasi baby ka pa d'yan ng baby! Nakakalito kaya!"

"Okay, next time I will call you as my wife and Callix will remain as my baby." Nawala ang inis ko at ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Corny ang sinabi niya pero ganito ang epekto sa akin. Abnormal na rin yata ako.

"Callixton." Panimula ni Calli. Lumuhod pa siya para magkapantay sila.

"Bakit po?" Inosenteng tanong ni Callix.

"I am so proud of you, baby. Even if I wasn't with you for the past 7 years, you grow as a good and intelligent kid. I can't even explain how much I am proud to have you." Puno ng emosyon na sabi ni Calli. Pati tuloy ako ay nahawa. Niyakap niya si Callix at gumanti naman ang anak ko, napakasarap nilang pagmasdan.

"Thank you daddy because you still search for us. You didn't forget us and you are now here to be with us. I love you, daddy."

"I love you too, Callixton."

Sobrang lumambot ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Ramdam ko ang pagmamahal nila sa isa't-isa. Naiisip ko tuloy ang lahat ng paghihirap, sakit at pangungulila na pinagdaanan namin dahil patuloy kaming lumalaban, heto at masaya na kami. Kahit na sa kasalukuyan ay may pinagdadaanan pa kami ay alam ko naman na makakaya namin 'yon.

"Ang aga naman na dramahan 'yan." Napalingon ako sa nagsalita, si Cian pala. Naka semi-formal ang kumag, sobrang gwapo niya talaga. Oo nga pala, siya ang magsasalita mamaya bilang isa sa mga owners ng school.

Siguro mas masaya kung kumpleto kami, 'yung limang kumags, si Callix at ako. Kaso wala e, hanggang ngayon ay tulog pa rin 'yung isa at busy ang iba.

Tumayo si Calli at binati si Cian. Mukha pa nga'ng nag-aaway. Tumingin ako sa wrist watch ko, malapit ng magsimula. Napailing ako at sumingit na sakanila.

"Tama na nga 'yan. Cian, pumunta ka na sa backstage at kayo namang dalawa ay pumila na." Hinawakan ko sa kamay si Calli na hawak naman si Callix. Inihatid ko sila sa pila na kung nasaan ang awardees sa advisory class ko. Inubos ko ang ilang minuto sa pagbati sa mga magulang ng estudyante ko.

"Teacher Beryl, maraming salamat sa pagtuturo mo sa anak ko ha? Ang sabi niya sa akin ay hindi raw siya makakakuha ng awards kung hindi raw ikaw ang teacher niya. Salamat," Sabi ng isang parent sa akin. Para namang hinaplos ang puso ko.

"Salamat din po sa pagtitiwala sa akin, congrats po sa inyong dalawa," Bahagya ko pang kinurot ang pisngi ng estudyante ko na nakangiti sa akin.

"Teacher Beryl," Bigla ay tawag ni Daren.

"What?" Nagulat ako dahil ganoon kabilis napunta si Calli sa harap namin. Ano na naman ba 'to!

"Sir, aayain ko lang po si teacher Beryl sa upuan namin na mga teachers. No need to got jealous, sir Callidon." Magalang na sabi ni Daren.

"Good, but please drop the sir." Masungit na sabi ni Calli at muling bumalik sa pila. Anong nangyari do'n?

Sabay kaming umupo ni Daren sa lugar na kung saan naroon ang lahat ng teacher. Grade 1 hanggang grade 5 awardees ang nandito ngayon kaya marami ang tao.

Sa wakas ay nagsimula na rin. Nagsimula sa pagpasok ng lahat ng awardees kasama ang magulang nila. Nang sila Callix at Calli na ay nagvideo ako. Pasikreto silang nagpeace sign ng makita ako. Excited na kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na makaattend ako sa isang recognition bilang teacher. Natapos na ang pagkanta ng Lupang Hinirang at opening prayer ng isang grade 5 student.

"And for the opening remarks. Let's  welcome, Dr. Graciano Francis Arevallo. He's one of the owner of this school," Pumalakpak ako ngunit agad natigil dahil sa lakas ng tilian ng iba. Alam ko recognition 'to, hindi concert.

"Ang pogi naman niyan!"
"Tao pa ba yan? Bakit ganiyan ka-gwapo?!"
"Hala doctor daw! Ang pogi!"

Iba ang karisma ni Cian, yanig ang buong auditorium. Pati nga ang mga katabi ko na teachers ay kinikilig. Napailing ako at pinakinggan na lang ang mga sinasabi ni Cian. Napakaproffesional niyang magsalita, minsan ay napapahinto siya dahil sa mga tilian. Ano ba naman 'yan. Natagalan bago siya matapos sa pagsasalita. Marami pa ang mga importante at matataas na tao ang nagsalita bago dumako sa bigayan ng awards. Tumayo na ako at pumunta sa hagdanan ng stage. Ako ang mauuna sa lahat dahil grade 1 ang hawak ko.

"Let's all welcome Mrs. Beriana Lyne Perez-Wright to announce the awardees from grade 1." Malakas na palakpakan ang narinig ko pero nanatiling nakakunot ang noo ko.

Bakit nadagdagan ang apelido 'ko?

Tinignan ko si Calli na nasa upuan ng mga guardian, ayun siya at nakangisi na parang aso. Napaikot ang mata ko sa kaniya na ikinatawa niya. Malamang ay siya ang may pakana no'n. Pero 'pag talikod ko sa kaniya dahil aakyat na ako ng stage ay napangiti ako.

Beriana Lyne Perez-Wright?

Bagay.

"Good morning everyone, I am honored to present you our grade 1 awardees." Binuklat ko ang papel na naglalaman ng mga pangalan at tungkol sa mga awardees

Halos mapaos naman ako sa dami ng sinasabi ko, nakakatuwa at nakakaproud dahil halos lahat sa klase ko ay may matatanggap na karangalan. Kitang-kita ko kung gaano kasaya ang mga magulang at mga estudyante ko kapag naririnig mula sa akin ang tungkol sa kanila at sa mga makukuha nila. Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang nagsasalita. Dahil alam ko na nagawa ko ang gusto ko at natapos ko na ang isang school year. Proud ako sa mga estudyante ko at siguro pati na rin sa sarili ko.

Napakabilis matapos ng school year. Nabitin ako sa pagsasama namin pero alam ko na mas magiging tagumpay pa sila. Kaya mas pagbubutihin ko rin ang pagtuturo.

Kung hindi dahil sa kumags, hindi ako makakapasok bilang teacher sa CPIS. Lubos talaga ang pasasalamat ko sa kanila. Hindi ko matutupad ang matagal ko ng pinapangarap.

Mas lumawak ang ngiti ko ng mapatingin sa papel na binabasa ko. Ito na ang huling estudyante na tatawagin ko, si Callix.

Napatingin tuloy ako sa gilid ng stage. Ayun silang dalawa at nakatingin sa akin. Halatang sobrang excited ni Callix dahil medyo malikot siya bagaman hawak siya ni Calli. Tinignan ko naman si Calli, ngumiti siya sa akin. He mouthed a word that makes me smile.

'I love you'

Napailing ako at muling tumingin sa papel. Dahil naasikaso na ni Calli ang birth certificate ni Callix, nag-iba na ang apelido niya. Actually pati ang middle name niya ay naiba dahil ibinase ni Calli sa tunay 'kong pangalan.

"Wright, Philip Callixton G. With high honor," Napangiti ako ng bangitin 'yon. Nakita ko si Calli na nakahawak sa kamay ni Callix. Kinindatan ako ni Calli na ginantihan ko na lang ng ngiti.

"Callixton is a seven years old kid. His hobbies are singing and listening to musics. His parents are Phoenix Callidon Wright and myself, Lauren Jaime Garcia. He wants to be a Psychologist someday..." Tinignan ko si Calli na nakikipagkamay sa mga officials ng school tapos nung si Cian na ang kakamayan niya ay iniwasan niya ang kamay nito at kinuha ang mga medals ni Callix mula sa isang kamay niya. Binanggit ko na lang ang lahat ng matatanggap na awards ni Callix bago ako matawa sa mic. Siraulo talaga si Calli.

Isinabit lahat ni Calli ang mga medals kay Callix, pagkatapos no'n ay pinaharap sila ng photographer ng school para mapicture-an pero hindi umaayos si Calli.

"Beriana, come here." Dinig ko pang sabi niya. Tinignan ko 'yung dean namin at tumango siya bilang pagpayag. Binitawan ko ang mic at pumunta sa gitna ng stage para makasali sa picture.

"That's all. Thank you and congratulations." Pagtatapos ko para sa susunod na section ng grade 1.

Medyo natagalan bago natapos ang bigayan ng awards. Hindi ako nabored dahil kahit hindi ko estudyante ang mga nakakatanggap ay sobrang proud ako. Kaligayahan namin na mga teachers na makitang tagumpay ang aming mga estudyante.

Muling tinawag si Callix para sa closing prayer. Napangiti ako dahil sa liit niya, kailangan pa siyang bigyan ng maliit na upuan para makapantay ang mic. Nagsimula na siyang magdasal kaya napayuko ako. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko, sobrang nakakaproud si Callix. Napakagaling niya nagdeliver ng dasal at humahanga ako dahil siya ang mismong gumawa ng prayer na 'yon.

"We are hoping for Your guidance as we proceed to another journey, Bless us Lord, as we leave here today, to take Your passion with us." Hinihintay ko na magsalita ulit siya dahil namutawi ang katahimikan. Akala nga ng iba ay tapos na ang kaniyang dasal pero hindi pa pala.

"And Lord God, I also ask for the fast recovery of my tito Harris. Please heal him, we can't lost him. In Jesus name, Amen." Pagtatapos niya sa dasal.

'Yun pala ang dahilan kung bakit siya nanghiram ng ballpen. Dinagdagan niya ang prayer niya ng malaman ang nangyari kay Harris. Napakabait niya. Hindi ko akalain na isasama niya sa closing prayer 'yon kahit walang kinalaman sa recognition day.

Natapos ang recognition ceremony at marami na ang mga magulang na nasa stage para magpicture. Pero kami ay nandito sa garden ng school. Dito sila nagpipicture. Kasama na namin si Cian.

Habang nagpi-picture sila Callix, Calli at Cian ay binuksan ko ang cellphone ko at tinignan ang laman ng bank account ko. Balak ko kasing ipasyal ang dalawa na ako ang may sagot ng lahat. Ganoon na lang ang gulat ko dahil sa laki ng laman ng bank account ko.

Magtataka pa ba ako, si Alrin ang umasikaso nito nung mga panahon na nagtatago pa kami kay Calli. Malamang sa malamang sinabi niya kila mama at papa pati na rin kay Lux ang bank account ko kaya lumaki ng ganito ang laman.

Napangiti na lang ako. Iba talaga magmahal ang pamilya ko. Hindi ko tinutukoy ang paglalagay nila ng pera sa bank account ko, bawat araw talaga ay pinaparamdam nila sa akin kung gaano nila ako kamahal at napakasaya ko dahil do'n.

Mapapasyal ko na ang mag-ama ko. Saan ko kaya sila dadalhin? Kung ako kasi ay kahit sa streetfoods cart lang. Pero dahil recognition 'to ni Callix at dapat i-celebrate ay kailangan sa magandang lugar na hindi pa nila napupuntahan. Mahihirapan akong mag-isip nito. Mayaman si Calli at lahat ng lugar na nasa isip ko ay sigurado na napuntahan na niya.

Bahala na.

Tinignan ko sila at napangiti ng makita na nakasakay si Callix sa dalawang balikat ni Calli. Nakangiti na itinaas ni Callix ang medals niya at nakangisi lang si Calli sa camera habang hawak ang binti ni Callix para hindi mahulog mula sa balikat niya. Natawa ako kay Cian dahil nakasibangot siya at parang inip na inip. Ang dami na siguro nilang picture.

"Beriana, come here!" Biglang aya na naman Calli kaya naman lumapit na lang ako. Ibinaba na niya si Callix at binuhat na lang sabay akbay sa akin.

"Take this shot, Cian." Parang boss na utos ni Calli kay Cian. Mas lalong nainis ang mukha ni Cian dahil do'n. Palagi ko itong nasasabi pero bawat galaw talaga ni Cian ay gwapo siya.

"One, two, three. Smile!" Ngumiti ako ng matamis habang kinukuhanan kami ni Cian.

"Ano ba 'yan. Doctor ako at hindi photographer niyo." Inis na sabi niya.

"I don't care. Gagawin ko rin naman sa'yo ang ganiyan kapag nagkaanak ka na at asawa. Go, court Luxury and don't be a bitter man, doc." Pang-aasar ni Calli kay Cian na ikinagulat ko.

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Nababaliw ka na." Mas ipinagtaka ko ng makita na matawa si Cian sa pang-aasar ni Calli.

Inis na inis 'to kanina ha? Bakit tumatawa na ngayon?

Teka nga. Posible ba na may gusto na si Cian kay Lux? Pero hindi pa yata nakakamove on si Cian sa ex niya na namatay.

"Ang sinasabi ko ay manligaw ka na maraming babae ang nasa tabi tabi lang, doc. Hindi ka na bata, tumatanda ka na. So, court Luxury. Then I'll be your photographer too." Nakangising sabi ni Calli

Wala talaga siyang pinipili na asarin. Hindi pinalagpas si Cian.

Saka bakit niya tinutukso si Cian kay Lux? May alam ba si Calli tungkol sa paghanga ni Lux kay Cian?

Aba, bakit parang nagiging si kupido yata si Calli at parang pinapana niya si Cian kay Lux. Abnormal talaga!

Pero.. napangiti ako. Gusto ko 'yan.

"Haha! Si Luxury pala ang gusto mo, Cian ha?" Pang-aasar ko rin sa kaniya.

Inihagis ni Cian kay Calli ang cellphone at napahanga ako ng masalo 'yon ni Calli. Nanatili ang nang-aasar na ngisi niya kay Cian.

"Bagay na bagay nga kayo. Parehas na mahilig mang-asar. Aalis na ako, ipapahinga ko na lang ang katawan ko." Tumalikod siya sa amin pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-ngiti niya.

Nako, Lux! Magpalakas ka d'yan at mukhang hindi ka na muling masasaktan dahil sa nangyari sa inyo ni Calli. Mukhang magkakalove life ka na! Excited na akong maging bayaw si Cian!

"Trust me, he likes Luxury but he can't let go his feelings for Lyan. Let's wait for both of them. Look at this photo." Pinakita sa akin ni Calli ang magagandang pictures na kuha ni Cian. Sobrang cute ni Callix at ang gwapo naman ni Calli. Kitang-kita sa picture ang pagiging magkamukha nila. Parang yaya nga lang nila ako na tumabi sa kanila.

"Tara," Biglang sabi ko ng matapos ang pagtingin sa picture.

"Where?" Tanong ni Callix.

"Kahit saan niyo gusto." Ngumiti ako sa kanila.

"I want to go to the hospital, mommy." Malungkot na sabi ni Callix.

"Hala, hindi ko alam kung pwede ka do'n, Callix." Sabi ko sa kaniya.

"But I want to go there,"

"Okay, we will go there later. I will ask the permission of Cian. And for you, Beriana. Hindi tayo mamasyal."

Napatingin ako kay Calli at ganoon na lang ang pagtataka ko sa mga pinagsasabi niya.

"Bakit, ayaw mong mamasyal? Ngayon na nga lang e. Saka sagot ko naman ang lahat." Sabi ko sa kaniya.

"Ayaw ko." Maikli niyang sagot.

"Bakit na naman ha?" Inis na tanong ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin. "I'd rather to know the deeper of you, Beriana." Misteryoso niyang sagot sa akin na hindi ko naintindihan.

"Ano bang pinagsasabi mo?" May kinuha siya sa bulsa niya at inilabas ang isang kahita. Binuksan niya 'yon.

'Yung kwintas na beryl. 'Yun ang kwintas na ibinigay sa akin ni papa bago niya ako ipaampon.

Lumapit siya sa akin at pumunta sa likod ko. Naramdaman ko ang kwintas na nasa dibdib ko na. Sinuot niya sa akin ang kwintas

"Let's go to place where my Beriana Lyne was born. Are you ready to see the Ghals again, Beryl?" Tanong niya sa akin. Namuo ang mga luha sa gilid ng mata ko dahil sa sinabi niya.

Gusto niyang balikan ko ang lugar kung saan ako lumaki kasama siya at ni Callix. Makikita ko ulit ang pamilya ko sa Ghals.

"Calli.." Ramdam ko na may tumulong luha sa pisngi ko. Ganoon ako kasaya dahil sa sinabi niya.

"So, let's go?" Inilahad niya ang isang kamay niya. Nanginginig ko naman 'yong tinanggap.

He's the best man for me...

----

A/N

Happy 1k followers sa atin! I love you all! Sorry for the errors po, I hope you still like

Continue Reading

You'll Also Like

185K 6.6K 44
Salvatore Smith meets a woman with whom he shared few nights after loosing his wife. It was 12 years ago, she was way younger than him, from a diffe...
355K 13.5K 29
လူဆိုးကြီးနှင့်တစ်နှစ်စာအိမ်ထောင်ပြုရင်း တစ်ဘဝစာသိမ်းပိုက်ခံလိုက်ရသောအခါ လူဆိုးႀကီးႏွင့္တစ္ႏွစ္စာအိမ္ေထာင္ျပဳရင္း တစ္ဘဝစာသိမ္းပိုက္ခံလိုက္ရေသာအခါ
57.4K 2.1K 54
PROLOGUE #3 How long must I wait for you? - Cole Brian Evangelista and Desiree Jennielle Bartolome's story. Date Started: October 6, 2020 Date Finish...