Sa nagbabasa nito, thank you! :)
-----
*Next day*
Xander's P.O.V
Pagkatapos nung mga nangyari hindi ko na naitanong ang pangalan niya dahil sa nararamdaman ko noon. Ewan pero masasabi kong biglaan ang lahat. Alam kong bata pa ako para maramdaman yun. May damdamin din ako. Sana nga magkita kami ulit. At kung magkikita man kami, liligawan ko sya. Ewan ko rin ba kung bakit ang bait niya sa akin. 1st year pa kami nung mga oras na yun. Kaya malabong makilala ko pa ang mukha niya ngayon. May bangs siya dati, mababa ang buhok at naka salamin. Tingin ko lumipat na ng school yun. Sana bumalik sya dito.
Sobrang saya ko nung mga oras na yun, dahil siya ang unang taong nagpasaya sa akin ng di maipaliwag na dahilan. At nung mga oras na ang sakit sakit na ng mga sugat ko, diko yun naramdaman.
"Uyy, ano na naman ang iniisip mo kanina ka pa tulala dyan" nagulat naman ako kay Ashley na katabi ko lang, nag-aayos kami ngayon ng mga name ng students at kung ano ang booth ng bawat section. Okay narin ang issue about Courtney. Buti at di rin sya napagalitan ng ate nya. Alam kong mahal nya si Courtney at muntik ng mag-away si Gray at Carl kahapon. Buti naawat ko pa. Kasalanan din ni Gray.
"Wala, yung kaibigan ko"
"Ahh ganun ba, tulungan mo na nga ako dito'' bigla namang nag-iba ang mood nya. May nasabi ba ako? By partner kami ngayon, si Gray and Courtney, Chill at Carl at ako and si Ashley, asign kami ni Ashley ang magiging booth ng 1st year at si Gray naman at Courtney sa 2nd year at si Chill at Carl ang 3rd year at 4th year.Mas madami ang trabaho nila chill kesa sa amin.Yung iba namang officers ni chill,sila ang tutulong sa paggawa ng booth ng 1st,2nd and 3rd year kung anu man ang maiisip naming booth para sa kanila. Sa 4th year naman. Kami na ang bahala dun.
Nag start na kami ni Ashley mag-isip na booth sa 1st year. Minsan nagkakadibate din kami kasi gusto niya, hindi ko na man gusto. Nag aasaran at nagkakatuwaan din kami. Enjoy din pala syang kausap. Super corny ng joke nya. Pero may hindi ako maipaliwag sa sarili ko. Hindi ko alam ano ang bumabagabag sa isipan ko.
Courtney's P.O.V
We are all excused in all subject dahil mag-oorganize kami ngayon dahil malapit narin naman ang school fest. Pero malas talaga ako dahil si Gray na naman ang makakasama ko. Medyo naiirita rin ako sa kanya dahil kanina pa sya umaangal sa lahat na maiisip ko. Ang sarap iwan sa ere ang kumag na 'to eh.
"Mas maganda ang ang caffee bene sa 2-A" suggest ko.
"Pangit yun" kanina pa nasusunod ang gusto ng Gray na to ah. Tsk.
"Anong pangit? Eh mas pangit pa ang mukha mo no!" pag ganti ko naman sa mayabang na may topak na lalaking 'to.
"Ang sabihin mo sadyang gwapo lang talaga ako. Siguro nga may pagnanasa ka na sa akin dyan" kapal ng mukha nya ha. Parang encyclopedia.
"Isa pa Gray, isa pa at uupakan na talaga kita! Ugh" nanggigigil na talaga ako. Para kaming aso at pusa.
"Sige na nga, o ano naman ang sa 2-B?"
"Sa tingin ko mas bagay sa kanila ang haunted house yung mga horror at mga ghost, ano sa tingin mo?"
"Okay lang at may naisip ako sa 2-C"
"Ano?" sinulat ko naman yung mga napili namin.
"Cake shop" may naiisip din naman pala ang gray na 'to.
"Oo nga. Great idea. Maganda yun para naman makakain naman ako na cake during school fest hahaha" nomnom haha
"Glutton ka" may binulong sya. Diko narinig.
"What did you say?"
"Sabi ko oo nga. Kakain din ako nyan. Di lang ikaw kakain no"
"Ahh akala ko kasi may sinasabi ka dyan eh"
"Ano sa 2-D? Wala na akong maisip"
"May naisip naman ako sa 2-D" maganda ata ang naisip ko.
"Ano?"
"Ice cream house"
"Maganda rin yun" nagbigayan kami ng mga suggestion at salamat walang away na nangyari. Minsan mabait din naman tong gray na 'to di lang talaga halata. Okay nagpapasalamat po ako at walang world war III na nangyare.
Mukhang focus na focus sa ginagawa nila si Chill at Carl, minsan naglalambingan pa ang dalawa, hindi naman ako naapektuhan ngayon dahil medyo nakaka move on na ako sa kanya. Ang bilis no? Pero mali. Meron paron. Si Xander naman at si Ashley wala lang seryoso at minsan nakasimangot. Nagkainisan ata sila.
Dumating na din ang lunch time. Sabay sabay rin kaming kumain sa room daw na para lang sa amin? Sabi sa akin ni Carl. Pinagawa daw yun ng daddy ni Gray. May paganun ganun pa si Gray ha, kalerky. Papa's boy kaya yun? Bwahhahahahha.
Salamat naman at nung dismissal time na natapos din naming lahat.Kaya bukas na namin ipapaalam sa bawat class president ang mga booth ng section nila para makapag start na kaming gumawa ng booth bukas. Napagod din kaming lahat kaka arrange ng name ng students at ang mga booth nila.
"Salamat sa tulong niyo guys" pagpapasalamat naman ni Chill sa amin.
"Wala yun chill"- Ako
"Okay lang yun"- Ashley
"Basta ikaw"- Carl. Ayiee.
"Hatid na kita" pag-aayaya ni Carl kay Chill dahil uwian narin.
"Sige, mauna na kami sa inyo. Ingat kayo sa pag-uwi ha" sabi naman ni Chill at umalis na sila.
"Courtney hindi muna ako makakasabay sayo kasi may bibilhin pa ako sa mall" tumayo naman si Ashley sa kinauupuan niya. Nasa maliit na upuan kasi kami ngayon malapit sa gate.
"Ok lang yun pero samahan na kaya kita?" ayoko din umuwi ng mag-isa.
"Ahh wag na. Matatagal ata ako dun eh. Baka magabihan ka pa at alam kong napagod ka kaya mauna ka na ha? Sige na"
"Ah ganun ba. Osige basta ingat ka ha?"
"Yes po maam haha"
"Very good haha" loka loka talaga tong kaibigan ko.
"Ahh Ashley sabay na tayo, meron din kasi akong bibilhing new guitar" sabi naman ni Xander.Ayy? Ganern?
"Si-sige" nauutal na sabi ni Ashley. Umalis na din sila at ngayon kami lang dalawa ni Gray ang naiwan. Yung totoo po? Kami nanaman? Partner ko na ba 'to forever? Dyosko. Wala pa ako sa empyerno. Huhu.
"Aalis na ako, bye" agad namang umalis si Gray. Sino ang kasama kung uuwi? Tsk. Uuwi na lang ako mag-isa.
"Edi umalis ka, walang pumipigil sayo" nakasimangot kong sabi.
Nagderetso lang siyang umalis. Manhid ba siya? Haisst. Naglakad naman ako. So nasa likod naman niya ako.
"Teka sinusundan mo ba ako?"
"Ha? Sadyang magkaparehas lang tayo ng daan. Wag kang ano dyan" magkaparehas nga kami ng way papuntang bahay ko.
"Are you sure?"
"100% no" naglakad ako ng mabilis para malagpasan siya. Mag-aabang nalang ako ng taxi. Wala pa kasi yung driver sa bahay, sinamahan si ate mag grocery. Hay bakit wala masyadong taxi ngayon? Tinignan ko naman ang orasan ko and it's already 5:30pm. Bakit wala pang taxi? Tsk. Bakit palagi nalang akong minamalas pag kasama ko ang lalaki na 'to.
Ilang minuto narin akong naghintay ng taxi pero pag meron man. Puno naman. Hay buhay nga naman.
"Corney" nagulat naman ako sa tumawag sa akin pero parang diko naman pangalan yun ah? Corney kaso narinig ko. Sino yun?
"Corney" teka. Di kaya ako talaga yun? Wala namang ibang tao dito. Lumingon ako sa nagsalita. Si Gray pala.
"Ako ba tinatawag mo?"
"Hindi hindi. Sya siguro" tinuro nya ang puno malapit sa school. Hahahahahahahahaha marunong pala sya sa ganyang joke? Hahahahahaha para syang shokla dai haha.
"Ehem. Pero diko naman pangalan yun ah. Di ako yun"
"Corney na itatawag ko sayo. Mas cute pakinggan kesa sa Courtney" cute daw? Teka tama ba narinig ko? Cute? As in cute? *dug dug!" aray! Ano yung nakakabinging tunog?
"Bahala ka kung ano itawag mo sa akin. Teka, ano pala yun? Bakit? Hindi ka rin ba makauwi?"
"Makakauwi ako kahit anong oras pero mas trip kong mag bike ngayon, maaga pa naman e" may dala nga siyang bike na dalawa. May rentahan kasi ng bike malapit sa school. Tig bente isa. Wag niyang sabihing magba-bike din ako?
"Eh bakit dalawa yan?" sa puno yung isa Courtney. -___-
"Para sayo ang isa, mukhang di ka makakauwi e" himala at ang bait nya sa akin. May nakain siguro to eh.
"Ano kinain mo kanina?"
"Friedchiken"
"Wow. Araw-arawin mo ang pagkain nyan ha? Mukhang maganda ang epekto sayo hahaha"
"I changed my mind. Wag ka na magbike. Bahala ka dyan" nainis ata sya. Wait. "Sige na nga total matagal na akong di nakakapag bike. Akin na yan" namiss ko na ring mag bike. Ang bait niya ngayon ha. Nakakapanibago to the max.
Kinuha ko naman ang isang bike sa kamay niya at accidentally nahawakan ko naman ang kamay niya instead dun sa hawakan ng bike. Tss ang clumsy ko naman. Bigla ko namang inaalis agad ang kamay ko. Nakakahiya na, akala siguro nito may gusto ako sa kanya. Never ever.
"Tara na nga" sabi ko naman at nagsimula ng ipatakbo ang bike ko. The bike is great. May basket pa sa unahan. Ang gwapo naman ni Gray. Totoo rin naman na ang gwapo nya pero never ako magkakagusto sa kanya. Itaga mo sa semento yan. Naka sombrero siya. Ayy ano ba tong sinasabi ko. Wala akong sinabi. Wala akong sinabi. Wala wala.
Np: Baby were invincible- A rocket to the moon.
"I see you and I'm waiting to make to make my move
But I'm scared and I know that you got
Better things to do
I'll touch your hand and I'm wearing my heart on my sleeve
It's cliché I know but baby it's the price we pay
To get the things we've wanted and to get the things we've left behind
It's what you've wanted whatt you needed it want you've always dreamt about
Don't take another step,and don't breathe another breath
Unless you're coming back to me"
Hay nakaka enjoy namang mag bike.Iisa lang pala ang way namin ni Gray papuntang bahay. Habang nasa daan kami nagtanong siya bigla.
"Corney naranasan mo na bang masaktan?"nakakagulat sa nakakagulat ang tanong niya. Teka is he in love?
"Oo, nung namatay ang daddy ko" bike pa rin kami ng bike.
"Yun lang ba?"
"Oo, bakit mo naman naitanong?''
"Wala lang" tinignan ko naman ang mukha ni Gray at parang seryosong seryoso.
"I'm trusting you
And I'm taking the long way home
I'm leaving and it's not because of you
Will you just hold me tight and never let me go?
I know this whole things wrong
But baby were invincible"
Kaya sa pagtingin ko sa kanya, may naapakang malaking bato ang bike ko at natumba ako. Na slide ata ang gulong nito. Aray naman ang sakit ng siko ko. Siko ko kasi ang nag alalay sa pagtumba ko. Pati narin ang paa ko. Natumbahan din ng bike.
"Ayos ka lang Corney?" nag-aalala niyang tanong at tinulungan ako pero di ako makatayo. Ang sakit.
"Hindi ang sakit ng siko at paa ko" tinayo naman niya ako at inalalayan papunta sa maliit na upuan dun.
Pag-upo namin agad niya akong tinignan "Akin na ang paa mo"
"Wag na hindi naman masakit" nakakahiya kaya no.
"Anong hindi masakit? Eh bago mo lang sinabi na masakit yan" Ano ba ang problema ng lalaking 'to?
"Biro ko lang yun" nakakahiya. Ayoko. Baka mas lalo pa tong sumakit eh. Joke.
"Akin na yan" pinilt niyang kunin ang paa ko at yun nakuha nga niya.
Hinilot hilot niya ang paa ko. Oo medyo nawawala nga yung sakit pati narin ang siko ko. Manggagamot ba siya? Hahahaha natatawa lang ako sa kanya.
"Aray aray" sabi ko dahil sa sakit habang hinilot nya.
"Ssshhh. Malapit ng maalis. Just wait" pinagmasdan ko sya habang hinihilot ang paa ko. Ang gwapong nilalang nya. *dug dug!" Ugh. Nakakabingi na. Diko alam ano ang naririnig ko.
Patagal ng patagal ang paghilot niya at nawala nga yung sakit. Binaba ko na ang paa ko at umayos ng upo.
"Salamat gray"
"Wag kang magpasalamat sadyang mabait lang talaga ako"
"Di lang halata"
"Sabi nga nila don't judge the book by it's cover" oo nga naman.
"Ah pero para sa akin mabait ka. Akala ko nga dati ang yabang yabang mo pero hindi pala, akala ko dati ang suplado suplado mo at akala ko dati sobrang astig mo.pero lahat nun walang katotohanan"
"Baliw" medyo nagsnob sya. Bipolar neto.
"Polar polar"
"Polar?" nagtaka naman sya.
"Polar. Shortcut ng bipolar. Bipolar ka kase. Bagay sayo ang pangalan na polar hahaha. Hi polar!" pang-inis ko.
"Tara na nga Corney baka gabihin pa tayo dito" parang nag-iba ang aura niya sa sinabi ko pero totoo naman yun ah.
Pumunta naman ako sa bike ko pero hindi ko na makaya ipush ng paa ko ang bike para umandar dahil narin sa konting sakit na nararamdaman ko.
"Kaya mo pa ba Corney?" tanong naman ni Gray.
"A-h o-o oo kaya ko 'to"
I try to push and pull it pero hindi ko talaga kaya parang sumasakit ang paa ko pag iforce kong gawin.
"Aangkasin nalang kita" nagulat naman ako sa sinabi ni Gray.
"Ha?"
"Sabi ko aangkasin nalang kita parang hindi mo na kaya. Bingi ka pala"
"Di ako bingi" at may kasama pang asar ang tulong nya ha.
Wala naman akong nagawa kundi magpa angkas sa kanya. Amoy na amoy ko ang pabango niya sa likod.Ano ba ang sumapi sa akin at inaamoy amoy ko ang damit niya? -___- Stop it Courtney.
"Are you smelling me?" patay ka Courtney.
"Hindi no. Feeling mo" pag de deny ko.
''Eh bakit nakadikit ang mukha mo sa likod ko?" sabi niya ng walang lingon lingon. Natauhan naman ako sa sinabi niya. Nakadikit nga ang mukha ko sa likod niya. Nakakahiya. T.T
"Ayy sorry. Gusto ko kasing matulog" ayy ano bang palusot yun? Tsk. (@ @)
"Then bumaba ka na para makatulog ka na sa bahay niyo" ayy dumating na pala kami. Oo alam na niya ang bahay namin. Sinabi ko sa kanya nung isang araw.
"Ah oo nga hehe salamat pala" nakakahiya naman ang ginawa ko.
"Sige. Bye" then umalis na siya.
Umakyat na ako sa kwarto ko para matulog, wala akong ganang kumain.Mabait din pala si Gray sadyang mukha niya lang ang pagiging cold hearted guy. Sana palagi siyang maging ganyan. Mas maganda pa. Pero may dalawang tunog akong narinig at naramdaman kanina. Ano ibig sabihin nun?
-
Ano kaya ibig sabihin nun? Haha. Salamat sa pagbabasa. Keep reading guys. Labyu all. Mwa.
- Jeanie