Destroy thy FALLEN GAME

By TheSizzlingPrince

11.7K 1.7K 2.3K

Unlike Your Ordinary Game. Witness the Annual Game. Seven Encomium. Seven Divert Groups. ONE WAR. ONE BLOOD... More

Destroy thy FALLEN GAME
Prologue
Map of Destruiy Eren
Chapter 1: The Focus
Chapter 2: The Sweeping
Chapter 3: The Combat
Chapter 4: Heart Desires
Chapter 5: The Power
Chapter 6: Wars to Come
Chapter 7: Flare-Up Sports
Chapter 8: The Gemstone
Chapter 9: The Detective
Chapter 10: The Case
Chapter 12: The Bloody Death
Chapter 13: The Media
Chapter 14: Small Reunion
Chapter 15: Shi no Kage
Chapter 16: As his Brother
Chapter 17: The Attention
Chapter 18: RSU
Chapter 19: Solve This Case
Chapter 20: Imperium
Chapter 21: The Plan
Chapter 22: The Ex-Convict

Chapter 11: The News

400 67 98
By TheSizzlingPrince



Chapter 11:

The News



W I N T E R

Naalarma ang lahat sa naging balita sa TV ngayon. Usap-usapan sa lahat ng mga social media, tv network, news paper, radyo, at sa buong school ang nangyari raw na pamamaril sa isang mamahaling restaurant na sinasabing marami raw ang namatay at nakasama raw sa mga napahamak ang sinasabing sikat na basket bolista ng RSU na hindi ko tanda ang pangalan, basta Eros, Aros, basta Bloody Mere ang apelyido.

Iyon lang natatandaan ko.


Pero bago pa man ang nangyaring insidenteng iyon ay may nangyari raw na panlalason sa isang sikat na basket bolista na si Justin Hermano kasamahan daw ito ni Aros ba? Aba, ewan, as if I care with those famous persons on TV they're not even worth my time.


Sorry but not sorry.


Masyado akong abala sa paghahabol ng deadlines ng mga pasahan ko para sa walang katapusan na pa-project ng mga MINORS na nag fefeeling MAJOR.



Kasalukuyan akong papunta ngayon sa klase ko nang maabutan ko ang umiiyak na si Alexis dito sa hallway habang hawak ang phone niya at nakasalpak sa teynga niya ang sariling earphone.


Mukhang hindi niya napansin ang presensya ko dahil sa abala siya sa pinanonood niya dyan sa phone niya at talagang apektado siya, ah.


Ano ba kasi iyong pinapanood niya?


"Hoy, Alexis! Nyare sa'yo?" Pamumuna ko. Nagulantang naman si Alexis at mukhang hindi niya expected na makikita niya ako rito.


"Mayyygasssh, Winsher! Nakakaloka ke nemen! Para ka nang shi Shane, laging kabute." Natawa na lamang ako sa naging reaksyon niya.


"Ano nangyayari sa'yo? Bakit ka umiiyak?"


Nagpunas siya ng kanyang naluluhang mga mata sabay sumingot. At hindi ko inaasahan na hahagulgol siya ng iyak ngayon sabay niyapos niya ako ng yakap. Nanlaki mga mata ko sa ginawa niya.


Ano ba kasi nangyayari sa babaeng ito?


"Uy, uy, Alexis! Okay ka lang ba? May nangyari ba sa'yo?"


Hinawakan ko ang kapwang braso ni Alexis at tiningnan siyang mabuti, nanlambot ang puso ko habang pinagmamasdan ko ang namumula niyang mukha sa kaiiyak. Nakakaawa siyang tingnan. Even I really wanna know what happened to her but I let her cry na muna.


"Magsalita ka lang if okay ka na beh." Saad ko habang hinihimas ko likuran niya.


Hindi rin maiwasang kumirot ang puso ko kahit sa hindi malinaw na kadahilanan ni Alexis, basta nakikita ko lang siya naaapektuhan sa kahit na anong bagay ay apektado na rin ako.


"Eh kashi naman, Winsher! Si-shi! Huhuhu..." Suminga na muna siya sa hawak na panyo bago muling nagsalita.


"Shi-shi papa Justin na love na love ko, nalashon daw ta'sh ngayon confined sha ospital wala pang balita kung kamushta na shiya. I'm worried shick na! Ta'sh may nangyari pang mashama kay baby Aerosh ko! Hindi ko na kinakaya ituuu!"


Hindi ko sure kung ano ba dapat ko maramdaman ngayon lalo nang marinig ko ang dahilan nang pag-iyak niya, kung matatawa ba ako kay Alexis dahil sa sobrang concerned siya sa mga taong hindi naman alam na nag eexist pala siya sa mundong ito. O, dapat bang maawa ako gayoong nandito siya at iyak na iyak siya kahit hindi naman dapat.


Hays. Alexis... you really are a fangirl.


Pero mas pinili kong samahan siya sa nararamdaman niya ngayon.


"Shhh. Oks lang 'yan Alexis. Siguro naman magiging okay lang sila. You don't have to be worry, tiyak naman magiging maayos ang lahat. Sikat naman sila, so maraming mag papray na aayos din sila." Pananahan ko kay Alexis.


Bahagya akong sumilip sa phone niya at doon ko lang napansin na nanonood pala siya ng balita.


"Kahit na ba! Nakuuu. Shinashabi ko na nga ba, e! Kaya hindi maganda talaga ang Flare-Up Sportsh chu-chu na 'yan, e! Feeling ko talaga noon na may mangyayaring ganito, hindi nga ako nagkamali." Nagtaka naman ako sa mga sinabi ni Alexis ngayon.


"Ano naman kinalaman ng Flare-Up sa nangyari sa kanila?"


"Dahil besh. Malamang, e, sha kinaiinggitan shila ng ibang mga grupo. Sa kagushtuhan nilang mapabagshak ang magaling na basketball team ng RSU, e, ito na lamang paraan nila." Nanlaki naman mga mata ko sa naging conclusion ni Alexis sa kaganapan ngayon sa RSU.


Bigla naman ako natigilan at napaisip sa binitawan niyang kataga.


Napalunok ako at nag isip ng mabuti. Hindi kaya na tama nga si Alexis? Na kaya siguro nangyari iyon sa basketball team ng RSU, e, dahil sa gusto ng ibang kalaban na mabawasan ang mga maaari nilang makatunggali lalo pa't alam naman ng lahat kung gaano kagagaling itong partido ng RSU especially in terms of basketball?


Possible ba na sa kagustuhan nilang manalo sa Annual Game ay kailangan nilang gawin ang mga dirty works tulad nito upang maging advantageous sila pagdating sa taunang palaro?


Pero sa kabila ng lahat ng mga ideyang sumasang ayon sa naging konklusyon ni Alexis, ay mayroon pa ring parte sa akin na tutol naman dito. "Grabe naman iyang naiisip mo, Alexis. Baka naman hindi tungkol sa Annual Game ang nangyaring insidente. Baka may iba pang dahilan."


Tulad nga nang sabi ko, people always like to jump to a conclusion which might be shallow and there is no authentic or verified evidence to prove that idea.



"Besh? Imposhible nemen nah nagkataon ang lahat. Dahil," muling gumuhit ang luha niya sa kanyang pisngi. Talagang crush niya itong mga taong binabanggit niya ah. 

"Da-dahil kashi, e! Bakit shabay, shabay shilang dalawang bashket bolishta ng partidong RSU ang need mapahamak lalo pa't alam naman natin na poshible shilang makashama sha darating na Annual Game? Malaking kawalan ito sha RSU. Malamang sa malamang. Nakita mo naman laro nila 'di ba?"

Huminga ako nang malalim bago ko siya sinagot.



"Una, Alexis. Busy ako nitong mga nakaraang araw kaya naman hindi ko talaga alam ano ang kinalabasan ng laro sa Flare-Up Sports, so, wala akong ideya kung paano sila mag laro, pero binabase ko naman sa mga naririnig ko na magagaling nga sila. Iyon lang alam ko. Pero kasi, Alexis, pangalawa, baka kasi naman nagkataon lang ang lahat. Sa ngayon, maghintay na lamang tayo ng mga susunod na ibabalita. 'Wag na tayo mangialam, sapat na, oo nga iniidolo mo sila, pero may sarili rin tayong buhay na need i-prioritize." Mahaba kong litanya.

Nag buntong naman ng hininga si Alexis at mukhang napaisip sa lahat ng mga sinabi ko.


"Shiguro tama ka nga, besh. Pero kashi hindi ko lang talaga maiwashang mag alala, eshpecially isha sa mga labbbss ko ay napahamak. Nakuuu. Ano kaya mangyayari sha RSU ngayon?"


Umiling na lamang ako saka binigyan na lang nang pagtatapos usapan naming dalawa.

"Hindi natin alam, Alexis. But, even you are right, let's say sige tama ka na maaaring may kinalaman nga ang Annual Game sa insidente, pero ano naman pake natin 'di ba? Wala naman mawawala sa 'tin. Ipagdasal na lang natin na sa ngayon ay nawa maging okay lang ang lahat." Ngumiti ako sa kanya upang malubagan na siya ng loob.




"The reason why I hate spotlight, Alexis. Because for a moment, you were like a moth you love the heat of the fire, but once it touches you it would burn your entire body and get the life out of you." Dagdag ko pa na agad naman nagpatingala sa akin ng tingin ni Alexis. Napatango siya dahil do'n.


Ano man ang nangyari sa koponan ng RSU, tama man ng hinuha si Alexis ukol doon sa insidente, hindi pa rin makakailang tama ang mga sinabi sa akin noon ni Ate. Maaaring isa na ring halimbawa itong insidente ngayon sa mga sinabi niya sa akin noon.


Spotlight won't make you any better, that's what my Ate used to say. And, I thank her for that.




***

Nasa loob kami ngayon ng classroom ni Alexis, habang hinihintay ang kasunod naming klase. Nagtaka naman ako dahil malapit nang mag time pero wala pa ring ibang tao, bukod sa aming tatlo na nandito sa loob.


Ako, si Alexis na katabi ko na abala sa pag scroll sa harapan ng phone niya at si Diana na nasa harapan nakaupo, hindi pa rin pinapansin ang gawi naming dalawa dahil mas pinag tutuunan niya kasi ng pansin ang iniinom na soft drinks in can na hindi ko alam kung anong klase.


"Wow, naman dish besh!" Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Alexis dito sa tabi ko na kanina pang tahimik. "Grabe naman dish! Tiyak may panlaban na us sa ibang bansa. Hihihi. Me sho exshayted!" Nagtaka ako kung bakit.


"Anong meron?"


"Eh kashi naman ang Chemical Dept. Pro Team, nag releashed shila ng new invented na energy drink, oh!" Masaya niyang saad sabay pakita sa 'kin ng litrato ng isang soft drinks in can na nakalagay sa mesa at nasa likuran nito ang mga mukhang estudyante ng Chem Department habang nakasuot sila ng lab gown, facial masks, at gloves.


Tiningnan ko naman mabuti ang soft drinks in can na ito at saka ko lamang narealize na may kamukha ito. Doon ko lang naalala nang sumilip ng bahagya ang mata ko sa dereksyon ni Diana sa harapan habang hawak ang soft drinks in can na 'to.


Kulay blue ito at may simpleng tatak ang sariling pangalan. Ngunit nakakaagaw ng pansin ang mantra ng soft drinks in can na 'to.

LIVED:

We drink to re-lived.


"Amayshing, right? Ang gagaling shalaga ng Chem Dept. Pro Team, ano? Nakuuu. Proud na rin me kashi nabalitaan ko na ang team talaga ni Medussa Yang Min ang ipapadala ng school natin sa Brazil." Tatango-tangong saad ni Alexis.


Hindi naiwasang kumunot noo ko dahil doon. "Anong meron sa Brazil?"


Why I am being so outdated all this time? Gosh.


"Hala, shesa! Hello!? Universal Youth Amateur and Aspiring Young Scientist Organization in Brazil lang naman, Winsher. Anukaba sesha limot mo na?"


Bigla naman ako napatango dahil do'n.


Kung hindi ako nagkakamali ay iyong tinutukoy na organization ni Alexis ay isang event na kung saan ipepresenta ng mga aspiring young generation of future scientist ang kanilang mga likhang imbensyon na makatutulong para sa progresibong mundo.


Ang UYAAYSOB ay isang event na kasabayan sa Annual Game na inululunsad sa Brazil. Isa itong uri ng Science Fair na ang mga kalahok ay nagmula pa sa iba't-ibang bahagi ng mundo.


At isa talagang karangalan hindi lamang sa isang partikular na institusyon kungdi maski sa buong bansa ang makabilang sa event na ito, dahil sa mga mabibigat na titulo at karangalan na maiuuwe ng representatives para sa bansa.



At masasabi kong napaka suwerte ng grupo nina Medussa Yang Min na ma i-present ang aming school sa Brazil, dahil ang alam ko isa or dalawang representative teams lamang ang naipapadala ng aming bansa doon. Pero madalas isa lang.


And, feeling ko sa taong ito masuwerte talaga ang school pa namin ang napiling mag representa sa Brazil bagay na makapag bibigay puntos para sa aming eskuwelahan.


Doon pa lang sa ideya na makasama sila sa Brazil ay proud na ako sa kanila kahit hindi pa sila nananalo.


Maganda siguro iyang imbensyon nila bagay na dahilan kaya sila ay napili bilang representative ng aming bansa, kahit hindi pa malinaw sa akin ang kabuang detalye kung ano ba nagagawa ng energy drink na iyan.


"Ah, so, ang school pala natin ang representative sa darating na event na 'yan? Wow! We're lucky knowing na laging RSU pinadadala roon." Komento ko.


"Ah, hashktually, for dish year kashama pa rin ang RSU. Kasho ang knows ko lang ay hindi team, e, ang ipapadala." Nagulat ako sa sinabi ni Alexis.


"Paanong hindi team? Solo you mean ba? Mag isa lang? 'Di ba, by team naman lagi iyan kasi sobrang hirap kaya gumawa ng imbensyon kung mag isa ka lang. Imposible naman na, in a short span of time ay makalilikha ka ng imbensyon lalo kung wala kang kasama."


"Ewan ko rin, besh. Kashi ash I scrolled to their page ng RSU para maki balita shana sha ganaps do'n. Napanshin ko since noong nagkaroon ng issue na barilan sha resto na nakashama ang mga baby ko sa mga biktima, e bigla nilang dinown ang system ng mga list of participants ng Flare-up Sports, pero bago pa man mag-down iyon nabasa ko sa isang school article nila na galing daw sa Senior Highschool ang representative nila for UYAAYSOB." Mahabang paliwanag ni Alexis.

"Maaari kaya shiguro nila dinown ang system upang maprotektahan ang mga participants ng Flare-up Sports at hindi na maulit pa ang mga nangyari noon sa reshto. Kaya hindi ko na double check kung tama ba na isang tao lamang ipapadala nila sa Brazil at hindi team." Dagdag niya pa.

Tumango ako sa mga sinabi ni Alexis.


Dahan-dahang nag-sink in lahat ng mga sinabi sa akin ni Alexis at hindi ko maiwasang mamangha sa ideya pa lang na isang tao lamang ang ipapadala ng RSU sa Brazil gayoong by team talaga usually ginagawa iyon, at isa pa, ang lalong nagpamangha sa akin ay hindi college ang ipapadala nila. Kungdi, isang Senior Highschool!


Wow as in wow lang!


"Woah! Amazing lang, beh! As in. Grabe pala talaga ang RSU, ano? Super gagaling nila kahit saang larangan kaya hindi natin sila mahigitan, e. O, maski ng ibang school. Grabe naman kung sakali tama ka na isa lamang na representative ang ipapadala nila sa Brazil. Grabe lang, as in." I even clapped on air just to show how amazed I was because of that.


Wala na talaga ako masabi sa mga nag-aaral sa RSU. Ano pa kaya ang maaaring wala sa kanila na meron kami? Kasi halos lahat yata ay nasa sa kanila na, e! As in. Gosh! They are really elite in everything!


"Wait, may natatandaan ka ba na, well, name noong ipapadala ng RSU sa Brazil?" Tanong ko kay Alexis even I know naman useless lang kasi hindi ko rin naman makikilala not until ibalita na siya sa TV pagdating do'n sa Brazil.


"Ah, wait." Tumingala si Alexis waring nag iisip. "Ah, yehesh! Tama! Nabasha ko sha article din kasho 'Sy' lang naalala ko, e." Sagot niya na nagpa kunot ng noo ko.


"C? As in, cat?" Paglilinaw ko.


"Adik! Sy, S-Y. Apelyido niya lang naalala ko. Hirap kasi bigkasin pangalan niya."


Tumango na lamang ako at kahit iyon lamang apelyidong ibinigay sa akin ni Alexis ay sapat na para tumaas ang tingin ko para kay Sy, kung sino man siya.




***

05:40 PM.

Nandito kaming dalawa ni Alexis sa may storage room. Nag-message kasi si Cecile sa aming Group Chat kahapon na need namin siya tulungan na kunin ang mga box na ito at ilipat sa kabilang storage room malapit sa parking lot para madali lamang mailagay sa van na dadalhin sa RSU.


"I AM SHO EKSHAYTED NA TALAGAAA!" Kanina pa panay sabi ni Alexis dito sa tabi ko na excited na raw siya para sa darating na preparation month which is next week na nga, dahil sa paggaganapan ito sa RSU.


"Eh ikaw ba Winsher? Hindi ka ba excited for next week?" Maligalig na tanong sa akin ni Alexis. "Most eshpecially raming guwapo raw do'n! Hihihi. Makikita ko na rin sa wakas in pershon mga iniidolo ko!" Sabi na, e. Napairap na lamang ako sa ere.


Hays, Alexis, you really are a fangirl.


"Uy, sumagot ka naman." Sabay sundot niya sa 'king tagiliran.


"Alexis, kung kaguwapuhan lamang pag uusapan natin marami rito sa Brittany. Ba't need ko pa maghanap sa RSU?"


"Iba pa rin ang mga nasha RSU, ano! Mga mukhang artishta do'n. At shaka ibang level mga kuguwapuhan nila do'n—"


"Pano'ng ibang level!? Iyong tipo bang mukha na silang alien sa kaibahan nila sa iba!? Nakakaloka ah!" Nagulat ako sa taong pumutol sa sasabihin sana ni Alexis nang sumulpot na naman sa kung saan si Shane.

The 'kabute' ever.


"Hala, Shane!? 'Kaw ba iyan!?"


"HINDI. Bunshin no Justu ko lang 'to mabakod na ngipin."


"Hep, that is enough. Let's put na these boxes to its stroller and pushed it up to another storage room." Syempre ang nag iisang kaibigan namin na may lakas ng loob lamang sa amin na humarap kay Shane ay ang walang iba na si Cecile na kapapasok lamang dito sa storage room.


"Whatever," Pag-irap at paghalukipkip na turan ni Shane kay Cecile. "May mga janitor naman na puwede utusan ay kung bakit tayo pa need talaga magtulak ng stroller papunta sa kabilang building."


"Yes, I called maintenance workers na to help us with these boxes. But for me to make sure its safety I need to divide ourselves to accompany each maintenance workers—"


"Tang-na naman, Cecile! Anong sinasabi mong 'divide ourselves'!? Anong akala mo sa katawan natin? Detachable? Di-tanggal? Di-hati? Ganern!?"


"GAGA! Don't take it literally! What I mean is hatiin ang mga sarili natin—"


"AYT! Iyon nga! Tinagalog mo lang, e! Tanga!"


"No, she only mean na hatiin group natin upang mag accompany sa bawat janitor upang masiguro ang kaligtasan ng mga laman ng boxes." Ako na lamang tumapos sa usapan nilang dalawa upang hindi na sila mag bangayan lang dyan mag damag.


"Iyon ang malinaw hindi puro kaartehan sinasabi mo Cecile." Ang naging mean na komento na lang ni Shane.


"Whatever. And, please. Do mind to say 'maintenance workers' not 'janitor." Maarte na saad ni Cecile na syempre kaagarang binuweltahan ni Shane.


"Leche! Arte mo! Janitor, katulong, manlalampaso ng sahig, iisa lang iyon! Dami mong hanash! Para kang si Alexis."


"Halah! Ba't ako nashama dyan!? Nanahimik na nga lang ako rito, e." Nakangusong tutol ni Alexis kay Shane.


Shane just hissed and rolled her eyes at Alexis in respond.


"Ewan ko sa'yo, Shane. You're only wasting our time let's pack this up na nga para pagdating ng mga maintenance workers ay maitulak na 'to papunta sa kabilang storage room." Shane only mimicked Cecile words and did not say anything after.



So, iyon nga aming mga ginawa. Ibinaba namin ang mga box mula sa lagayan nito upang madali na lamang mailagay sa stroller. Patuloy pa rin bangayan nina Shane at Cecile hanggang sa dumating na ang mga janitor na dala, dala ang mga stroller.


Nagtulong-tulong kami na maipatong ang mga box sa stroller at kagaya nga nang napag usapan ay hahatiin namin ang aming grupo upang mabantayan ang kaligtasan ng mga box.


Ako ang naunang lumabas na nakasunod lamang sa likuran ko si Alexis. Limang janitor ang kasama naming nagtutulak ng stroller papunta sa kabilang building. Si Cecile ay naiwan sa loob dahil dinodouble check pa ang ibang naiwang boxes.


Saka ko lamang napansin ang kalalabas na si Shane na nakahalukipkip habang nakabuntot doon sa lalaking janitor na tulak, tulak ang stroller. Take note ah, wala siyang kahit ni-isang stroller na tinutulak 'di gaya namin ni Alexis pero panay talak siya dyan.


"Ano ba iyan Kuya! Ang kupad mo naman. Ang laki, laki ng katawan mo pero hirap na hirap ka sa pagtulak dyan? Like, hello! May gulong ang kariton, remembah?"


Bahagya akong sumilip sa gawi no'ng tinarayan ni Shane na lalaking janitor, at kahit na sa estado ng buhay niyang iyan ay hindi makakailang may kakisigan at itsura siyang taglay.


"Miss, maganda ka sana kaso pangit lang ang ugali mo. Ay, hindi, pangit ka talaga." Nagulantang ako sa naging asta no'ng lalaki laban kay Shane. No man has cross Shane's line.


"ANONG SINABI MO!?" Humarang si Shane sa harapan no'ng kariton dahilan kaya kapwa silang tumigil sa pag usad.


"Oh-oh." Ang naging reaksyon na lang ni Alexis sa nangyayari sa pagitan nina Shane at iyong lalaking janitor.


"Naku, pabayaan na lang natin silang dalawa." Sabi ko na lang kay Alexis. Ayaw ko rin kasi na gabehin kami pareho ng dahil lamang sa mga walang saysay na bagay na nag uudlot sa amin na matapos gawin ito. "Need na natin tapusin ito, malapit na mag 06:00."


"Ayt, oo nga besh! May klashe pa pala ako ng 07:30 PM." Bigla naman ako natigilan do'n.

Saka ko lang naalala na may klase pala si Alexis ngayong araw dahilan kaya pala nag adjust kami ng oras ng aming kitaan sa storage room kanina. Major pa man din iyon ang alam ko.




Natagumpayan nga namin na mailipat ang mga box sa kabilang building. At noong time na nakarating na si Cecile dito sa storage room ay kaagad na kaming nagpaalam ni Alexis. Binalak ko kasing samahan si Alexis sa room niya tutal naman na tapos na ako sa lahat ng mga klase ko, gusto ko muna tumambay rito sa school at sabay na kami umuwe ni Alexis mamaya.


Nawala ang balakin ko na ayaw ko gabehin ah.


Hindi nakawala sa akin ng pansin si Shane sa tabi na nakabusangot ang mukha habang diring-diri na nakasilip sa gawi no'ng lalaking janitor na nakangiti lamang sa akin no'ng time na tumingin ako sa kanya.


Tumango na lamang ako sabay tinuro si Shane. Tumingin naman iyong lalaki kay Shane, dahilan kaya umiwas ng tingin si Shane. Nagkibit na lamang ng balikat iyong lalaki sabay nagpatuloy sa naudlot niyang ginagawa.


Hindi ko tuloy naiwasang mapaisip kung ano nangyari sa dalawa matapos noong engkuwentro kanina.




Noong naihatid ko si Alexis sa room niya nagpaalam na muna ako sa kanya na tatambay lang ako sa library, at mamayang uwean niya ay sabay na kami uuwe.


Binaybay ko ang daan papunta sa library. At kapansin-pansin sa kapaligiran na wala nang gaanong estudyante sa ganitong oras.


Bahagya ako natigilan sa paglalakad dahil sa may nararamdaman akong kakaiba sa paligid. Nagpalinga-linga ako subalit wala naman akong napansing kakaiba. Pero hindi maialis lang sa akin itong nadarama ko na wari bang may nakasunod sa 'kin.


At sa hindi inaasahan ay bigla na lang ako nanlamig dito sa kinatatayuan ko. Napalunok ako at naisipan nang umusad at binilisan ang paglalakad patungo sa library.


Lumiko na ako roon sa isang hallway hanggang sa liliko na ulit ako sa isa pa dahil malapit iyon sa library nang...


"SHEMAY! AHH-RAY!" Sa hindi inaasahang pangyayari ay may nakabangga ako! At talagang sumaktong tumilapon sa damit ko ang kung ano man niyang hawak na inumin!


Fudge! Sobrang sakit ng dibdib ko! Iyon kasi unang tumama sa kung sino man nakabangga ko.


Napapikit ako sa sobrang sakit. Hindi ko alam kung ilang segundo ba ang lumipas matapos ang nangyari basta sa ngayon iniinda ko pa rin ang sakit ng dibdib ko!


Nagtaka naman ako dahil para bang walang reaksyon ang kung sino mang bumangga sa akin kaya naisipan ko na dumilat. At noong sinilip ko kung sino ay nagulat ako na si Diana pala nakabangga ko at mas nangilabot ako dahil naka deretsyong tingin siya sa akin. Iyong klase ng tingin na tumatagos sa laman, buto't kaluluwa!


Teka, anong problema niya? Ba't ganyan siya tumingin?


Napansin ko ang klase ng inumin na tumilapon sa damit ko at doon ko lang nalaman na iyong Lived na energy drink pala iyon.


Hanggang ngayon, iyon pa rin iniinom niya?


Napalunok ako nang ilang beses dahil hindi pa rin siya bumibitaw ng tingin sa akin at sobrang creepy talaga to the point na natatakot na ako rito sa kinatatayuan ko.


Wala man lang ba talaga siyang reaksyon at mananatiling pipi dyan? Shemay naman oo.


Tumikhim ako upang maipagpag ang nadarama kong takot at mismo ako na ang nagsalita. "Sorry, hindi ko sadya." Though kapwa naman kaming may kasalanan.


Pero ang mas nagulantang ako sa sunod niyang ginawa ay ang pagdampot muli noong Lived can sa sahig sabay tapon sa mukha ko!


TAKTENG IYAN! What the hell is wrong with her!?


Kaagad ko hinawakan kamay niya at tahasan siyang tiningnan nang deretsyo dahil sa inis. Buset! Ba't niya iyon ginawa!?


"Problema mo sa 'kin!? Inaano kita!?"


Is the hell wrong with this girl? The last time I knew I did not do anything to her and besides we're not even that close enough to have a convo with each other. Ngayon lang, then, ito pa ang nangyari.

Kaagad niya binawi ang kamay niya at lalong hindi ko inasahan ang malutong niyang sampal sa akin dahilan para literal na humawi mukha ko sa kanan. Shemayyy!


Hinarap ko muli siya habang hawak ang mukha ko. Hindi ko alam ano ba dapat ko maramdaman sa mga oras na ito lalo pa't nanatili lamang siyang tuod dyan sa kanyang kinatatayuan.


Nakakainis na nakakapagtaka na nakakagulat dahil sa una, hindi ko siya ganoon kilala lalo naman siya sa akin dahil classmate lang kami sa isang subject!


Pangalawa, anong karapatan niyang sampalin ako gayoong wala naman siyang malinaw na kadahilanan upang gawin iyon sa akin?


Pangatlo, kapwa kaming may kasalanan, siya dahil sa nabangga niya ako at natapunan niya damit ko, at ako dahil lang sa nabangga ko siya.


Gusto ko mainis pero mas nangibabaw sa akin ang magtaka. The hell!



"Uy, Diana! Anong problema mo sa akin? Inano kita!? Ba't nanampal ka at tinapunan ako no'ng can!? Kung galit ka dahil sa nabangga kita, sorry, pero hindi sapat na rason na sampalin mo ako dahil do'n." Pero isang malaking shemay lang dahil sa tumalikod siya't tumakbo papalayo sa akin habang naiwan akong nakabagsak ang panga sa sahig.



At sa gitna nang katahimikan na iyon ay bigla na lamang akong may narinig na flash ng camera sa kung saan.

Continue Reading

You'll Also Like

402K 26.2K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...