Uncontrollable Flame (Guineve...

By airaxddd

2.8K 160 18

. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 21

60 1 0
By airaxddd

Chapter 21



Litong lito ang mga kapatid ko dahil sa sinabi ko pero iniwan ko na silang ganoon. Maraming dahilan. Maraming dahilan kung bakit hindi kami pupwede ni Abrys.


Hindi ko na rin isinasatinig pa dahil alam kong pati ako'y masasaktan.


Katulad ng sinabi ni Abrys, dumating siya kinabukasan. Hindi pa ganoong kaayos ang pakiramdam ko pero kaya ko ng kumilos. Nagligpit ako dahil nakakahiya naman sa kaniya.



Saktong nanonood ako ng TV, dumating siya.


"Ate, alis na ako. Wala pa ba si prince charming mo–Oh! Nandito na pala si Kuya Abrys!"naiilang na tumawa si Maricar nang makita si Abrys na kakapasok lang.


Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang pagtawa dahil sa kahihiyan.



"Okay ka na pala rito. Aalis na ako kung gano'n."si Maricar kaya tumayo na ako.



Agad niya akong hinalikan sa pisngi. Kumaway siya kay Abrys na ngayon ay nagtatagal ng sapatos.



"Take care."kaswal na ani Abrys bago tuluyang umalis si Maricar.



'Tsaka ko lang napagtanto na kami nalang dalawa ang natitira dito sa bahay. Pumasok si Mariton at Marineth. Si Ate, nasa palengke. At... kakaalis lang ni Maricar.



Napuna ko kaagad ang dala niyang panibagong supot ng grocery. Napabusangot ako.


Palagi nalang siyang nagdadala ng grocery. Sa susunod, hindi ko na siya papapuntahin dito!


Nakuha niya kung para saan ang matalim na tingin ko sa kaniya pero tinawa niya lang 'yon. Binaba niya ang grocery sa ibaba ng mesa.


Pagtapos ay sinapo niya ang leeg ko. Halos matumba pa ako sa kinatatayuan dahil sa bigla niyang paghawak sa akin.



"You still have a fever."aniya pa. "Uminom ka na ba ng gamot?"tanong niya.


Tumango ako. "Pagaling na 'yan. Pinagpawisan na ako, e." Tinalikuran ko siya at naupo sa sahig para mapagpatuloy ang panonood ng TV.



Gumaya siya sa akin. Umupo siya sa tabi ko. Kumuha pa nga ng unan at pinatong sa kandungan niya habang nanonood.



Nilingon ko siya. Itong lalaki na 'to, sobrang komportable na rito sa bahay. Nilingon niya rin ako. Napuna ko kaagad ang namumula at basa niyang labi.


"Baka.. pagalitan ka naman ni Sir Zach at palagi kang nandito."sabi ko sa kaniya.


Gusto kong alamin ang iniisip niya. Bakit siya pumupunta pa rito? Bakit siya nag-aalala sa akin? Bakit niya ako palaging tinatawagan at tinetext? Para saan ang mga 'yon? Gusto ko mang malaman lahat ng sagot, pinagpaliban ko nalang muna.



"Nagagawa ko naman ang mga pinapagawa niya bago ako magtungo sayo rito."sagot naman niya.


Tumango ako. "Buti naman," Humarap ako sa TV.



Nanatili naman siyang nakatingin sa akin. "You free tomorrow?"


"B-Bakit?"tanong ko nang hindi siya nililingon.


"Pupunta ako ulit dito. Aalis ka ba bukas?"



Pupunta ulit siya bukas! Kumalabog ng husto ang puso ko dahil sa nalaman ko. Iniisip ko palang na gigising ako't maaabutan ko siya'y nagagalak na ako.


Tumango ako. "Dito lang ako ngayong linggo. 'Tsaka ko aalis next week para kumuha ng modules sa school."paliwanag ko naman.



Kung ganoon, pwede ko na siyang ipagbake ng cake! Pwedeng bukas bago siya dumating. Dapat mayroon na agad pagdating niya! Kaso... maggo-grocery pa ako.


Si Ate nalang kaya ang ipag grocery ko? Tama!

Nanatili kami sa loob ng bahay ni Abrys. Hindi rin naman nagtagal, dumating si Mariton at nakipag kulitan sa amin. Nang magtanghali, tuluyan ng nawala ang lagnat ko.



"Let me see," Sinapo ni Abrys ang noo ko at inosente ko naman siyang tiningnan. Napabuntong-hininga siya na para bang nabunutan ng tinik. "Wala na. 'Wag ka nalang muna kumilos para hindi ka mabinat-"



Hindi pa man niya natatapos nagtungo na ako sa bandang lababo para magsaing. "Maya-maya, darating na si Marineth. Gutom na 'yon-"


"Ano bang gagawin mo?"iritadong aniya. "Tigas talaga ng ulo,"bulong bulong pa niya at nakisiksik sa akin sa lababo. "Ako na ang gagawa! Ano bang gagawin?"


Mangha ko siyang tiningnan. Si Abrys Libral? Magsasaing? Natawa ako at umiling. "Hindi pwede. Hindi ka marunong."




Matalim niya akong tiningnan. "Hindi ako marunong pero kaya ko. Ano bang gagawin?"pangungulit niya.



Sige nga't turuan natin ang prinsipeng magsaing. Hinila ko ang upuan at doon ako naupo. Pinanood niya ako at naghintay ng sasabihin ko. Nginuso ko ang lagayan ng bigas 'tsaka ako humalukipkip at nanghahamon siyang tiningnan. "Magsaing ka."



Napakurap-kurap siya at napaawang ang labi na para bang gulat sa pagiging bossy ko. Manghang natawa siya at napailing. Umayos siya ng tayo at nilingon ang bigasan.



Binalik niya ang tingin sa akin. "Which cooking utensils I will use, Madam?"rinig na rinig ko ang sarkasmo sa boses niya.



Gusto kong humalakhak pero pinigilan ko ang sarili ko. Tiniklop ko ang aking labi at tinuro ang kaldero. Kinuha niya iyon at agad na nagtungo sa bigasan.



"May maliit na baso dyan. Apat na scoop ng bigas ang ilagay mo dyan sa kaldero."utos ko na parang donya. Nag dekwatro pa ako habang pinapanood siyang mabilis na ginawa ang inutos ko na para bang sanay na sanay na siya.



Ang fast learner naman ng isa na 'to! Hindi manlang nahihirapan!


Mabilis na tumayo siya at tiningnan ako para sa susunod na gagawin. "Linisan mo."utos ko. "Lagyan mo ng tubig tapos ganito ang paglilinis," Inangat ko sa ere ang kamay at dinemo ko kung paano lilinisan ang bigas.



Pinanood niya ang paggalaw ng kamay ko. Hawak niya sa kaliwang kamay ang kaldero na may bigas. Inangat niya ang kanang kamay sa ere at ginaya ang paggalaw ng kamay ko. "Like this?"natatawa niyang tanong.



Humalakhak ako at tumango-tango.



Sumipol siya. "This is a piece of cake."mayabang na aniya.



Tumalikod na siya sa akin habang ginagawa iyon. Pinanood ko ang paggalaw ng malapad at lalaking lalaki niyang likod habang ginagawa 'yon. Hindi talaga bagay sa kaniya ang ganitong mga gawain.


Pero bahala siya. At least sa mga panahon na magsasaing siya, maalala niya ako. Maiisip niyang, "Oh. Marigold is the one who taught me how to cook a rice." E'di may remembrance ako sa kaniya habambuhay.



Nang lingunin niya ako para sabihing tapos na niyang hugasan, tumayo ako at nangingiting tiningnan ang lababo.


Napaawang ang labi ko nang makitang walang tapon na bigas doon. Mangha ko siyang tiningnan.


Aasarin ko dapat siyang hindi siya maayos magtrabaho! Wala manlang kahit isang butil ng bigas ang nasayang!



"Bakit? Mali ba ang... ginawa ko?"inosenteng tanong niya.



Mangha pa rin ako sa kaniya. Talagang pinapahanga ako ng tao na 'to, ah. Pinilig ko ang ulo ko at tinaas ang aking kamay.



"Kita mo 'tong guhit na 'to," Dinuro ko ang guhit sa gitna ng aking gitnang daliri.



Nang tingnan ko siya'y nakatitig lang siya sa akin pero nang magtama ang mata namin ay 'tsaka niya binagsak ang tingin sa tinuturo ko.



Nagwala agad ang puso ko dahil doon. Tumikhim ako at hindi na ininda ang pag-alon ng kaba sa aking sistema.


"Ilalapat mo sa surface ng bigas itong daliri mo tapos dapat hanggang dito ang tubig."paliwanag ko at agad na bumalik sa pwesto.


Siya naman ay tiningnan ang daliri niya. Ang haba pala ng daliri niya. Napakurap-kurap ako. May naisip na kalaswaan pero agad ko ring inalis iyon sa utak ko.



Uminom nalang ako ng tubig at pinanood siyang gawin ang sinabi ko.



Well, tama nga siguro si Abrys Libral. Wala siyang hindi kayang gawin.


Nang ilagay niya sa stove ang kaldero, mayabang niya akong tiningnan. Akala yata'y tapos na.


"Babantayan mo 'yan. Kapag kumulo, titingnan mo kung kulang ba o sobra ang tubig."sambit ko.



Dahil sa sinabi ko, nandoon nga siya sa harap ng stove at nagbantay. Sinabi kong maupo muna siya at hintayin iyong kumulo pero ayaw niya. Parang takot na takot na pumalpak ang sinaing niya.



"Ulam? May ulam na ba?"tanong niya at umiling lang ako habang nanonood sa TV.


Hindi ko na alam ang ginagawa niya nang may kinuha siya sa plastik na pinang grocery niya kanina. Nalaman ko nalang, nagluluto na pala siya ng adobo!



"Marunong ka?"kabadong tanong ko. Dinungaw ko ang kaldero at nakitang maluluto na ang niluluto niya!


Nalaglag ang panga ko sa bango non. Ganitong luto ng adobo ang gusto ko! Iyong tuyo ang sabaw at malangis!



"I asked Maricris what's your favorite food. Sabi niya, adobo." Tinusok niya ang isang karne gamit ang tinidor at nilahad sa akin. "Have a taste,"


Pawisan na siya dahil sa pagluluto. Bigla bigla nalang kasi itong nagluluto. Akala ko'y nagbabantay lang siya ng sinaing!


Nilapat ko sa aking bibig ang karne pero napaatras dahil napaso ang labi ko.



"Tsk." Iritadong binawi ni Abrys ang tinidor sa akin. Tinapat niya iyon sa kaniyang labi at marahan niya iyong hinipan.


Parang hinaplos ang puso ko sa ginawa niya. Hindi ko maiwasang mapangiti sa ginagawa niya habang siya'y inirapan lang ako at binalik sa akin ang tinidor na mukhang ligtas ng kagatin.


Isang kagat lang, ang lambot na ng karne! At ang sarap!



Pumalakpak ako isang beses. "Panalo!"puri ko.


Mayabang niya akong tiningnan. "Told you, that was a piece of cake."



Inangat ko ang aking palad. "Galing mo!" Binigyan naman niya ako ng high five.


"Masarap ba talaga?"tanong niya, nawala ang pagyayabang at talaga palang nag-aalala sa lasa ng niluto.

At nag-aalala pa talaga siya! E' ang sarap nga! Ganito ang pilit naming ginagaya ni Ate na pagluto pero hindi talaga namin makuha. Kung hindi maalat, matigas naman ang karne. Itong luto niya, panalo talaga.


Pabirong umiling ako at ngumiwi pa. Sinamaan niya ako ng tingin kaya malakas na humalakhak ako.


Kaya naman sobrang ganado kami nang dumating ang tanghalian. Si Marineth, Mariton tapos kami ni Abrys. Sa gitna ng kainan namin, dumating na rin si Maricar kaya sumabay na siya sa amin.

"Ang sarap mo pala magluto, Kuya Abrys!"puri ni Marineth. "Ano pang kaya mong lutuin?"



Sinulyapan muna ako ni Abrys bago sumagot. "Adobo lang 'tsaka... kanin."



Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi niya. Kung ganoon, hindi pala talaga siya marunong magluto. Tinanong niya si Ate kung anong paborito kong ulam kaya siguro niya inaral ang pagluluto ng adobo. Tapos... ngayon lang siya natutong magluto ng kanin.


Now, I wonder what are the things he can't do! Parang macha-challenge akong alamin kung ano ang hindi niya kayang gawin ngayon.


"Imposible! Ang sarap mong–" Natigilan si Maricar sa pagsasalita nang tumigil ang bentilador sa pag-ikot.


Pinukpok niya 'yon. "Ibabato ko na talaga ito kapag-"



"Wait, wait. I got this."ani Abrys na pinindot ang number 2 sa electric fan tapos pinukpok ng dalawang beses ang electric fan.


Natakot pa ako dahil halos masira ang electric fan dahil sa pagpukpok niya. Nagkatinginan kami ni Maricar at nakahawak siya sa kaniyang dibdib na para bang natakot din sa ginawa ni Abrys.



At 'yon! Gumana ang electric fan. Mukhang natutunan niya iyon sa ginawa ni Marineth no'ng nakaraan.



Natawa si Abrys habang pinapanood ang pag-ikot ng electric fan. "Ayos. 'Di na kailangan ng technician."



Napangisi ako at umiling na lamang.

Sa mga sumunod pang mga araw, halos tumira na si Abrys sa bahay. Madalas nga'y gigising ako't nasa sala na agad siya at nagluluto. Talagang tinatakbo ko ang CR para maligo. Ayaw ko namang humarap sa kaniyang may muta pa, 'no!



Pati nga sila Ate ay nasasanay na sa presensya niya. Natutuwa nga sila. Pag-alis ni Abrys, laging tinatanong sa akin ni Ate kung nanliligaw na raw ba. Wala akong naisasagot.



Kahit ako nga'y hindi matukoy kung bakit ito ginagawa ni Abrys. Wala rin naman akong lakas ng loob para itanong sa kaniya. Wala rin naman yata siyang balak sabihin.



Sapat na sa akin ang ganito. Kung ayaw niya ng mas higit pa rito, ayos lang din sa akin. Hindi na ako maghahangad pa at magpapasabay nalang sa agos.



"Good morning,"


Nagulat ako nang makita si Abrys sa sala habang ako'y nakabihis na't paalis na ng bahay.



"G-Good morning. N-Nandito ka..." Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin.


Sinabi ko sa kaniya kagabi na 'wag na siyang pumunta dahil aalis ako at magtutungo sa school para kumuha ng modules. Maghahanap na rin ako ng maa-apply-an ngayon. Napag-usapan na namin ito kagabi!



He shifted his weight. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Naka blue blazer at pants siya. Iba sa madalas niyang suot na simpleng tshirt at maong kapag bumibisita siya rito.


"A-Ah. Dumaan ka lang ba? Galing kang trabaho?"hinuha ko.


Umiling siya at bumaba ang tingin sa hawak kong maliit na bag. Agad niya iyong kinuha. "Sasama ako sayo. Boring sa Guineverial." Humikab pa siya tapos nagtungo na diretso sa pinto na parang wala lang.


Nagtataka ko siyang tiningnan. Kahapon lang ay sinabi niyang magiging busy siya. Ang gulo naman talaga ni Abrys Libral.



"Ano? Tara na!"aya niya kaya sumunod na ako sa kaniya.



Paglabas namin, halos mabali na naman ang leeg ng mga matatandang chismosang nakatambay sa labas.


"Diba't sabi mo'y busy ka?" Hinarap ko si Abrys na ngayon ay sisipol sipol habang naglalakad.



Nilingon niya ako. "Busy nga."


Mas lalo lang nangunot ang noo ko. Naalala ko ang sinabi niyang busy lang daw siya kapag kasama ako. Iyon siguro ang tinutukoy ng lalaki na 'to.


Wala na akong nagawa. Pagkalabas namin ng eskinita, nagulat ako nang ngumisi sa kaniya ang mga kabataang lalaki doon at sumaludo. "Ingat kayo, boss!"


Napaawang ang labi ko at kuryosong tiningnan si Abrys na tumango lang sa kanila.



Tumagal ang tingin ko doon sa mga lalaki. Ito 'yong mga lalaking nagbutas ng gulong ni Abrys no'ng nakaraan. Close na ni Abrys? Kinausap ba niya? Kinompronta? Binigyan ng suhol?

Humarang ang katawan ni Abrys sa line of vision ko kaya natigil ang pagtitig ko sa kanila. "Don't stare at them. You makin' me jealous."sabi niya nang pagbuksan ako ng pinto at marahang tinulak ang balikat ko para makasakay na.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Parang pumunta lahat ng dugo ko sa aking pisngi dahil doon. Napailing siya at mabilis na umikot para makasakay na sa driver's seat. Tumikhim ako at umayos ng upo. Umaktong walang nangyari.


Bwisit, Abrys! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo!


Tahimik na nagmaneho siya habang ako'y nakatanaw lang sa labas. Iniisip ko pa nga kung sasamahan ba niya akong pumila o ihahatid niya lang ako. Sigurado akong maiinip lang siya kapag sinamahan niya pa akong pumila.

Tumunog ang phone niya sa gitna ng aming byahe. Nakatayo iyon sa dashboard kaya pinindot niya lang. Parehas naming narinig ang nasa kabilang linya dahil nakakonekta sa speaker.


"What is it?"tanong ni Abrys.


"Are you with Oasis?"maliit na boses ng babae, halos pasinghal ang boses.


Napataas ang kilay ko at nilingon si Abrys na ngayo'y sumulyap sa akin na para bang naalarma at pinanood ang reaksyon ko.


Napahalukipkip ako. Sino ito? Si Issa? Kinukutuban sigurong may ibang babae si Abrys kaya tumawag! Nag-iwas ako ng tingin kay Abrys at umaktong normal kahit nag-aalab na ang inis sa akin.


Tumikhim si Abrys. "Nah. I'm with my girl. Why?"


Nag-umpisang mamatay ang natutupok na inis sa akin. Napaawang ang labi ko sa gulat at pagkamangha dahil doon.

Nilingon ko siya pero humarap na agad siya sa kalsada na para bang iniiwasang magkatinginan kami. May ngising namutawi sa kaniyang labi na para bang natutuwa sa reaksyon ko.


Nagwala ng husto ko ang puso ko habang tinitingnan siyang ganoon ang ayos. Shit ka, Abrys. Paano kita makakalimutan kung pag ngisi mo palang, nababaliw na ako?

"What?"anang sa kabilang linya. "Ang choppy mo, tanga!"


"Hindi ko kasama si Oasis!"natatawang ani Abrys. "Para kayong tanga. Naghahanapan, amputa."

"Hinahanap niya ako sayo?"gulat na utas ng nasa kabilang linya.

"Hindi. Joke lang."pilyong ani Abrys.

Hindi ko na maproseso pa ang ibang bagay dahil namutawi na sa utak ko ang sinabi niya. He's with his girl daw. Ako 'yon. I'm his girl daw.

Pulang pula ang mukha ko nang matapat kami sa school. Ambang bababa na ako pero nakalock ang pinto. Nilingon ko si Abrys.



"Stay here. May gagawin lang ako."aniya at kinuha sa backseat ang maliit na bag na naglalaman ng modules ko.

Hindi ko na natanong pa kung ano ang gagawin niya. Dinungaw ko nalang siya na lumapit sa gate ng eskwelahan. May mga nursing student na nagbulungan at nagtulakan dahil sa kaniya. Wala siyang kaide-ideya roon.


Parang may hindi nakikitang spotlight sa kaniya kapag naglalakad. Ang tangkad niya at kapansin-pansin ang ganda ng katawan kahit na anong isuot. Lalo na kapag nakita ang mukha, parang ang sarap pakasalan!


Lumapit lang siya sa guard na lalaki tapos inabot ang bag na naglalaman ng modules. Iyong guard naman ay inabot sa kaniya ang makapal na mga papel. Nanlaki ang mata ko nang matantong mga modules 'yon!


Hindi na kami pipila at nagawan niya na pala ng paraan!

Naglakad na siya pabalik sa sasakyan pero may babaeng lumapit sa kaniya. Napaayos ako ng upo at pinanliitan sila ng mata. Hindi ako halos kumurap para lang makita ko ang gagawin niya.

Nagpa-cute at kinausap siya nito pero may sinabi lang siya at tinuro ang sasakyan. Umayos ng tayo ang babae at tumango tapos bagsak ang balikat na bumalik sa grupo ng mga babae na pinapanood siya.

Nabasa ko ang paggalaw ng labi ng babae. "May girlfriend raw,"

Natutop ko ang labi dahil doon. Namula ang pisngi ko dahil sa nasaksihan. Bentang benta ang araw na 'to sa akin ngayon!

"All set,"ani Abrys at nilapag ang mga modules sa likuran ng sasakyan.

Tinitigan ko siya saglit habang siya'y mabilis na pinamaneho ang sasakyan na para bang nagmamadali.

Tumikhim ako at hinarap ang tingin sa kalsada. 'Wag ka ngang masyadong naglalaway sa kaniya, Marigold! Nakakahiya!

"Saan tayo pupunta?"kaswal na tanong ko.

Hindi siya umimik. Napansin ko ulit ang mabilis niyang pagmamaneho. May pinaplano ito, sigurado ako. Kahapon, tinanong niya kung anong oras ako aalis. Tinanong din niya kung anong gagawin ko sa school at paano ko kukunin ang mga modules. Sinabi kong pipila ako at ngayon, nagawan niya na agad ng paraan. May pinaplano ito...

"Kila Zach."aniya at bumuga ng hininga na para bang excited sa mga mangyayari.


Naestatwa ako. At ngayon, parang alam ko na ang balak niya. Tiningnan ko ang kalsada at nakitang nasa malayong parte na kami.


"Uuwi nalang ako, Abrys. 'Wag mo na itong ituloy,"seryosong sabi ko.

Para siyang walang narinig at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Iyon nga lang, mas binilisan niya ang pagpapatakbo na para bang gusto ng makarating agad kila Zach para hindi na ako makapalag pa.


"Saglit lang tayo."tanging sabi niya.

"Bumalik nalang tayo, please. 'Wag mo ng ituloy 'tong binabalak mo."sabi ko pa.


"Saglit lang tayo. Hindi tayo magtatagal doon."pamimilit naman niya.


Patuloy ang pagsabi ko na umuwi nalang kami pero paulit-ulit lang niyang sinasabi na saglit lang kami hanggang sa makarating na talaga ng tuluyan sa mansyon ni Sir Zach.

Bumaba kami sa kaniyang sasakyan. Nakita ko kaagad ang excited na mukha ni Kikay na para bang alam na paparating ako. 'Tsaka ko lang nakumpirma na talagang pinlano ito lahat ni Abrys!

Nang mamataan ako'y agad niyang binitawan ang walis. Sinalubong ko ang pagtungo niya sa akin.

Nakita ko kaagad ang pagkinang ng mata niya sa luha nang makalapit na siya ng tuluyan. "Ano ba 'yan! Ang dumi ko. Paano ako makakayakap-"


Dinamba ko na siya ng yakap bago pa niya matuloy ang sasabihin. Bigla ay nangulila ako sa malaking mansyon na ito. Namiss kong magsuot ng apron dress. Namiss kong matapilok. Namiss kong makipag-asaran kay Kikay. Ang dami kong namiss kahit na isang linggo palang naman akong nawawala!


"Namimiss na kita!"malungkot na aniya sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya. "Ako rin! Sobra na kitang namimiss!"amin ko.

Kung pupwede lang na tangayin ko siya palagi, gagawin ko. Ang bait bait sa akin ni Kikay. Totoo siyang tao sa akin. Minsan nalang makakilala ng taong gaya niya sa panahon ngayon kaya talagang pinapahalagahan ko siya.

"Nandoon sila Sir Zach sa loob. Hinihintay ka na nila."



Nalaglag ang panga ko. Hinihintay? Bakit naman nila ako hihintayin? Nilingon ko si Abrys para sana magtanong pero nagpatay-malisya lang siya, walang balak na sagutin ako.

Iginiya niya na agad ako sa loob. Nakasunod si Kikay sa akin. Si Abrys ay nasa gilid ko at hawak ang balikat ko habang naglalakad. Nang makapasok kami, una kong nadatnan ay ang umiiyak na si Mam Helena at si Lana na nakaluhod sa sahig.

Lalo akong nagulantang sa nakita. Si Sir Oasis ay nasa couch at walang pakialam sa nangyayari. May ka text yata at madiin ang mga daliring nagtitipa doon na para bang may kaaway. Si Sir Zach na nakatayo sa harap ng mag-ina, may sinasabi rito pero nang mamataan kami'y umayos ng tayo at lumapit para salubungin kami. Si Mam Milicent naman ay naka halukipkip at masama ang tingin sa dalawa.


Bumaling sa akin si Sir Zach. Para akong tinakasan ng dugo sa katawan nang magtama ang mata namin. Ngayon ko nalang ulit nakita ang nakakatakot at maotoridad niyang aura.

Binitawan ni Abrys ang balikat ko. "Umupo ka muna roon,"duro niya sa couch. Sinunod ko ang gusto niya.

Napasulyap si Sir Oasis sa akin. Tumango lang siya at tipid na ngumiti lang ako.

Si Sir Zach at Abrys ay magkausap na ngayon habang kami naman ni Kikay ay tahimik na nakaupo lang sa couch at pinapanood ang mga nangyayari.

Tumango si Abrys kay Sir Zach at nilingon ang mag-ina. Tinapik ni Sir Zach ang balikat ni Abrys habang si Abrys ay lumapit na sa mag-ina.

Bigla ay kinabahan ako. Hinawakan ni Kikay ang kamay ko na para bang binibigyan ako ng suporta.

Huminga ng malalim si Abrys at pinanood ang dalawa na humahagulhol. Tumabingi pa ang ulo niya na para bang sinusuri ang dalawa.

Umupo siya sa harap ng dalawa para makalebel ang mga ito. Narinig ko agad ang mga iyak ni Lana.

Tiningnan ni Abrys ang umiiyak na babae na para bang naaawa pero sarkastiko iyon. Kumalabog pa lalo ang puso ko, naiisip na baka makita ko ang bayolenteng personalidad niya ngayong araw.


"I'm giving you the chance to admit your wrongs. Anong ginawa niyo kay Marigold?"malamig na tanong ni Abrys sa mga ito.

Madilim ang kaniyang mukha na bang sasaktan niya ito. Hindi ko nakita ang ganitong hitsura niya kahit sa akin noon. Hindi ko akalaing may igagalit pa at ikadidilim pa ang ekspresyon niya!

Tumayo siya at nagpamulsa. Inaantay ang mga itong magsalita. Sinulyapan niya ako isang beses pero agad ding binaba ang tingin sa dalawa.

"S-Sir, m-maniwala po kayo."umiiyak na anang matanda. "W-Wala po talaga kaming ginawa sa kaniya. Talagang pagtatrabaho lang at pagdidisiplina sa mga kasambahay ang ginawa ko. H-Hindi namin siya ginawan ng masama."

Humikbi si Lana. "O-Opo, Sir. Gumagawa lang ng kwento si M-Marigold. Nagpapaawa lang po 'yon–"

Halos mapatayo ako nang biglang inipit ni Abrys ang magkabilang pisngi ni Lana gamit ang kaniyang kamay dahilan kung bakit natigil ito sa pagsasalita. Kung hindi lang ako napigilan ni Kikay ay baka tuluyan na nga akong napatayo! Malakas na umiyak si Lana sa takot at mas lalo lang akong nangilabot.

Sa iyak palang ni Lana, alam kong nasasaktan siya dahil sa ginagawa nito. Gusto ko siyang awatin pero natatakot din akong makisali at baka sa akin naman niya ibaling ang galit niya!

"Rys, calm down."ani Sir Oasis na napansin ang takot na ekspresyon ko.

"You're so brave to talk shit about her in front of me."galit na utas ni Abrys at marahas na binitawan ang mukha ni Lana. Tatawa-tawa niyang tiningnan ito. "Hanggang saan kaya ang tapang nito?"

Tumindig ang balahibo ko dahil doon. Humigpit ang hawak ko kay Kikay na ngayon ay kabadong kabado rin.

"Check the CCTV."utos ni Sir Zach sa dalawang lalaking purong itim ang suot kaya naman agad agad itong kumilos.

"Dapat pahirapan hanggang sa umamin sa kasalanan. Para naman may thrill!" Humalakhak si Mam Milicent.


Mas lumakas ang iyak ni Lana. "S-Sir, sorry po.. Sorry po..."

"Pack their things. I don't wanna see them again."ani Abrys sa malamig na boses. Hindi umimik si Sir Zach na para bang sinang-ayunan nalang ang pasya ng kaibigan.


Imbis na matuwa, naaawa ako sa dalawa. Mali ang ginawa nila sa akin pero hindi ko rin talaga kayang pagtawanan sila dahil sigurado akong mahihirapan sila. Mahihirapan sila dahil itong bahay lang ni Sir Zach ang natutuluyan nila. Dito sila kumakain at ito na talaga ang tirahan nila dahil nga walang asawa si Mam Helena.

Nakayuko at nakaluhod ang dalawa. Siguradong hindi pa nila ako napapansin. Kaya rin siguro wala silang balak na sabihin ang totoo.


Lumapit sa banda ko si Mam Milicent. Matalim na tiningnan niya ako tapos pabirong umirap. Alam kong naiinis na naman siya ngayon dahil hindi ako nagsumbong. Napanguso ako at nag-iwas ng tingin. Tumabi lang naman siya sa akin tapos kumapit sa braso ko.


"Ito na ang clips ng mga ginawa nila sa loob ng isang linggo, boss."anang lalaking tauhan ni Sir Zach na bumaba mula sa hagdan hawak hawak ang isang laptop.


Umayos ng tayo si Abrys at agad na kinuha ang laptop. Si Sir Zach ay nagtungo din sa kaniya para tingnan 'yon.

"Deleted ang original clip, boss. Mukhang dinoktor. Buti at naayos ni Ison kaya na recover pa."

Nagkatinginan kami ni Kikay. Sigurado akong si Mam Helena rin ang gumawa non! Talagang gusto nilang palabasin na nag resign lang ako at panatilihing malinis ang image nila!


"Mmm." Napatango-tango si Sir Zach. "Pinakialaman ang CCTV. You violated two rules in one week. Congratulations!" Humiyaw ito at pinalakpakan ang mag-ina na para bang hangang hanga sa dalawa.


"What's that? Porn?"si Sir Oasis na siniko lang ni Mam Milicent, sinasaway.


Sa sobrang kuryoso niya'y tumayo na rin siya at dinamay pa si Mam Milicent para makita ang nandoon kaya naman iniwan muna kami ni Mam Milicent para makiusyoso.



Nilingon ako ni Kikay. "Galit na galit si Sir Abrys no'ng pumunta rito nung nakaraan. Sinampal niya si Lana."mahinang aniya sapat na para marinig naming dalawa.

Nanlaki ang mata ko. "S-Sinampal?"


Kahit kailan, hindi ko naisip na magiging bayolente si Abrys. Kahit alam ko kung ano ang trabaho niya, natatakot pa rin akong isipin na kaya nga niyang gawin ang maging bayolente sa iba. Natatakot ako sa mga kaya pa niyang gawin!


Tumango siya. "Kasi... sinabi ni Lana na kusa ka raw na umalis. Tapos bagay lang daw sayo 'yon dahil wala ka naman daw naitutulong dito."

Napaka walanghiya talaga ng Lana na 'yan. Walang naitutulong? Nilagnat na nga ako't lahat-lahat dahil sa paglilinis, wala pa rin akong natutulong?


"What the fuck?"si Sir Oasis. "Whole day? Ulitin n'yo nga. Hindi siya nagbe-breaktime?"

"Obviously! Tingnan mo. 12 o'clock to 3, nandoon pa rin siya sa part na 'yon. Hindi siya pinagbe-breaktime!"si Mam Milicent.

"Maybe that's why she had a fever, Rys."ani Sir Zach kay Abrys. Mukhang ikinwento na ni Abrys sa kaniya ang pagkakasakit ko.

Naalala ko na naman tuloy kung gaano kahirap ang dinanas ko rito no'ng mga araw na 'yon. Iyon talaga ang mga oras na talagang pakiramdam ko'y mamamatay na ako sa pagod. At ayoko na uling maramdaman iyon!

"Gago!"gulat na utas ni Sir Oasis habang nakatingin sa laptop. "Sinampal. Sino ba 'yan? Si Marigold pa rin 'yan?"


"Can you shut the fuck up? Nanonood, putak ng putak."iritadong ani Mam Milicent sa kaniya at bumaling ulit sa laptop.


Mukhang pinapanood na nila 'yong sinampal ako ni Lana. At susunod n'yan, ihuhulog ako sa pool.


Tinitigan ko ang seryoso at galit na ekspresyon ni Abrys. Nakaramdam ako ng kaunting takot sa kaniya. Paulit-ulit ang paggalaw ng panga niya dahil sa pagtatangis ng kaniyang bagang sa galit. Nakakatakot!


"Lana?! B-Buksan nyo naman itong pinto, o. Magpapahinga na ako. Masama ang pakiramdam ko. Maawa naman kayo sa akin!" Narinig kong tunog mula sa laptop.

Kinagat ko ang aking labi. Para akong nabalik sa mismong sitwasyon na 'yon  ngayong naririnig ko ang pangingiusap sa aking boses. Nangilid ang luha sa mata ko at agad akong yumuko.

Ngayong naaalala ko ang mga ginawa nila, naisip ko tuloy na dapat ko ba talagang kaawaan ang mga 'yan? Hindi nila deserve ang simpatya ko dahil hindi naman nila ako pinakinggan no'ng mga panahong sobra akong nagmamakaawa.

"Mam, please naman po. Hindi naman po tama 'to!"


Tumulo ang luha sa mata ko habang naririnig ang sarili kong pangingiusap at paghagulhol. Bigla ay nakaramdam na naman ako ng awa sa aking sarili.

Hindi ko matanggap na umabot pa talaga sa puntong sobra akong naghirap. Ang tanga tanga ko't hinayaan ko silang maltratuhin ako ng ganoon. Dapat pala ay lumaban ako kung sa huli'y aalis din pala ako sa trabaho!

Pinunasan ko ang aking luha at inangat ang tingin. Nakita ko ang nag-aabang na tingin sa akin ni Abrys na animo'y pinapanood ako. Seryoso ang mga mata niya at may kaunting sakit akong nakita roon.


"M-Mam Helena... M-Mag..reresign na po ako..."

Nangilabot ako sa malakas na paghagulhol ko. Nag-iwas ng tingin sa akin ni Abrys at pagpikit niya na para bang nagtitimpi. Nagtangis ang bagang niya at iritadong sinara ang laptop.

"That was something you shouldn't let pass, Rys. Kung ginawa 'yan sa girlfriend ko, there will be no hope for the man. I swear to God, I'll raise hell."tatawa-tawang ani Sir Oasis.

"Kahit naman hindi mo girlfriend, basta si Maizee."pang-aasar ni Mam Milicent na pabirong siniko pa siya.

"What's your plan?"baling ni Sir Zach kay Abrys. "I don't really care about them. You can dispose them."

Mukhang alam ni Sir na malalim na ang galit ni Abrys at binibigay na sa kaniya ang karapatan. Parang gusto ko tuloy na pigilan siyang pagdesisyunin si Abrys. Natatakot ako sa gagawin niya!

Mam Milicent raised her hand. "I suggest torture!"excited na aniya.

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Kumalabog ang puso ko sa kaba. Pati si Kikay ay mukhang naalarma. Torture? Torture ang ibabawi? Dahil lang doon?

"Pwede ring iupo sa electric chair."si Sir Oasis.

Lumakas ang pag-iyak ng mag-ina. Niyakap ang isa't-isa at takot na takot. Panay ang pag-uusap nila at pagsabi kung gaano kamahal ang isa't-isa na para bang namamaalam.

Kumirot ang puso ko sa nakikita. Lumakas ang iyak ni Lana at umiling sa ina. "H-Hindi. Hindi, Ma. Sir! 'Wag naman po!"nangingiusap na sigaw niya.

"Lana!"umiiyak na awat ni Mam Helena. "'Wag kang sumigaw. 'Wag kang mag-ingay!"

Para bang takot siyang marindi sila Abrys dahil sa pag-iingay niya at mapaaga pa ang pagkawala niya.

Bumuhos ang luha sa mata ko habang pinapanood sila. Lalo lang akong nawiwindang. Tiningnan ko si Abrys na nakatingin lang sa dalawa at mukhang nag-iisip ng malalim. Mukhang nag-iisip na siya ng gagawin. At sa hitsura niya, mukhang hindi siya papayag na hindi maghirap ang dalawa!

Gusto kong umapila at kontrahin ang binabalak nila pero parang nagkanda-buhol buhol na ang dila ko.

"What about lethal injection–oh. That's boring."si Mam Milicent. "We can chopped their body from foot to head para mas maganda."

Bumabaliktad na ang sikmura ko sa mga naririnig kong salita mula sa kanila. Hindi ko alam kung totoo bang gagawin nila iyon pero sa galit ni Abrys, mukhang oo!

"Stop that, you two."natatawang ani Sir Zach at sinulyapan ako. "Namumutla na si Marigold dahil sa mga sinasabi ninyo."


Dahil sa sinabi ni Sir Zach, lumingon ang mag-ina sa akin na para bang nakakita ng liwanag at pag-asa.

"Marigold! Marigold!" Nag-unahan sila sa pag gapang.


Napatalon ako sa gulat at takot dahil sa pagiging agresibo ng kilos nila. Napatayo ako at agad na umiwas. Si Kikay din ay napatayo na mukhang naalarma din. Humalakhak si Sir Oasis sa reaksyon ko.

"M-Marigold. Please! Tulungan mo kami!" Akmang hahawakan ni Lana ang hita ko at yayakapin iyon pero agad akong sumampa sa couch para lang makaiwas sa kanila.

Akmang tatayo sila para maabot ako pero kinuha na sila ng mga tauhan para maiwas sa akin.


Mas lalong humagulhol si Lana nang tuluyang maibalik sa dating pwesto. Naiwan naman akong nanlalaki ang mata at sobrang kinabahan dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung na trauma na ba ako sa kanila o sadyang nakakatakot lang ang pagiging agresibo nila ngayon.

Hinawakan ako ni Kikay sa kamay at pinabalik ako sa pwesto kaya nanginginig na binalik ko ang sarili sa pagkakaupo sa couch.

Inangat ni Lana ang tingin sa akin. "Marigold, please. Patawarin mo na kami! Hindi naman kami ganoong kasama sayo–" Natigil si Lana sa pagsasalita nang marahas na sinipa siya ni Mam Milicent na halos ikauntog ng ulo niya sa sahig.

Napatili ako sa takot at tiningnan si Lana na namilipit at humagulhol sa iyak. Napasigaw si Mam Helena at agad na niyakap ang anak.


"Mili, stop it!"awat ni Sir Oasis.

"Hindi ganoong kasama? Dumb bitch!"

Lalo pa akong natakot nang akmang kukunin ni Mam Milicent ang baril na nasa gilid lang ng laptop pero agad siyang pinigilan ni Abrys.


"Mili!" Dumagundong ang malakas na boses ni Abrys para lang maawat si Mam Milicent sa gusto nitong gawin.


Nanginginig na ang kamay ko sa mga nangyayari. Humigpit ang hawak ni Kikay sa akin na ngayon ay tensyonado na rin.

Hindi ko akalaing masasaksihan ko ito ngayong araw. Para akong mahihimatay sa mga nangyayari.


"Calm down, Milicent!"utos ni Sir Zach.


"Huy! Teka nga."si Sir Oasis na agad kinuha ang baril na hawak ni Mam Milicent. "Kumalma ka muna. Hayaan mo si Abrys!"

"E' nakakaasar! Bwisit! Ang pangit pangit na nga, gan'yan pa ang ugali!"iritadong ani Mam Milicent na hinawi pa ang buhok.

Hindi siya ganoong kagalit at iritado lang siya pero bumunot na siya ng baril at sinipa niya na si Lana! Paano pa kung galit na siya?! Hindi ko alam kung anong mga kaya pa nilang gawin at sa nakikita ko ngayon, ayaw ko ng malaman pa!

"I can't believe you guys talaga. Si Zach, hindi manlang masaktan si Ari noon kahit na galit na galit na. Ikaw naman, hindi makapanakit dahil kay Marigold! Where the fuck are my bestfriends?" Tumingin siya sa paligid na para bang may hinahanap.

"Well, I'm still here. Loverboy kasi ang dalawa na 'yan-"

"Isa ka pa! Leche. Puro Maizee, puro Maizee! Gosh!"putol ni Mam Milicent kay Sir Oasis. Umirap siya sa ere. "Sa taas nga muna ako at ang baho ng atmosphere dahil sa mag-inang 'yan."

Para akong nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi niyang 'yon. Nanlalamig ang kamay ko sa nerbyos. Ayaw kong makakita ng taong pinapatay sa harap ko!

Gusto kong itigil na nila. Sana pala'y pinilit ko pa kanina si Abrys para lang hindi kami matuloy. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari. Hindi ko ito gusto. Hindi ko talaga inakala na ganito pala talaga sila!

"Where's their things?"tanong ni Abrys sa dalawang tauhan na nandoon.

Tinuro nito ang dalawang malaking maleta na nasa gilid lang namin ni Kikay.

Nakaramdam ako ng awa para sa dalawa. Tiningnan ko si Abrys. Umaasa na magtatagpo ang mata namin pero madilim ang mga mata niya sa dalawa at mukhang desidido ng paalisin ito.

"Acting like a superior isn't allowed here. Ako lang ang nag-iisang superior dito."tatawa-tawang ani Sir Zach.


"Sige na at ilabas na sila."si Abrys.

Padarag na tinayo ang mag-ina kaya agad na rin akong tumayo na punong-puno ng pag-aalala sa dalawa. Si Mam Helena ay nakahawak sa kaniyang dibdib at nahihirapan na sa paghinga.

Lalo akong natakot para sa kanila. Paano nalang kung atakihin si Mam Helena sa puso? Paano si Lana? Saan pupulutin si Lana? Saan sila kakain? Saan matutulog?

Nagtama ang mata namin ni Lana at may pangingiusap at pagsisisi sa kaniyang mga mata. Nakaramdam ako ng matinding awa at guilt.


Nangyayari ito sa kanila dahil sa akin. May kasalanan sila pero... pero imbis na ma satisfied ako'y sumasama lang ang timpla ko. Pakiramdam ko'y araw-araw akong makokonsensya at mag-aalala para sa kanila.

"D-Dahan dahan naman po sa paghatak sa.. kanila... Manong." Hindi ko na mapigilang magsalita.

"Marigold,"mariing tawag sa akin ni Kikay, sinasabing 'wag akong makisali.

Tumigil saglit ang dalawang lalaki para lingunin ang pwesto nila Abrys, nagtatanong kung susundin ba nila ang utos ko.


Lumakas ang iyak ni Lana na para bang nanghihingi ng tulong sa akin sa paraan ng pag-iyak.

Nakita ko ang dugo sa noo ni Lana at ang mga kalmot sa kaniyang pisngi na mukhang gawa ni Mam Milicent bago pa ako makarating.

"Ilabas nyo na,"si Abrys kaya nilingon ko siya.


Nagtama ang mata namin at nakita ko ang malamig niyang tingin. Natakot ako at baka sa akin naman niya ibuntong ang apoy ng galit niya. Umiling siya sa akin, sinasabing 'wag akong maawa sa mga taong iyon.

Umiling ako pabalik. Bahala na! Nag-iwas ako ng tingin at agad na hinabol ang dalawang tauhan na hinihila palabas ang mag-ina.


"Marigold!"awat ni Kikay pero hindi ko 'yon ininda.

Hila-hila ng dalawang lalaki ang mag-ina at halos kaladkarin. Nadapa si Lana at nakita ko ang pagtutok sa kaniya ng baril no'ng lalaki at sinigaw ang, "Tayo!"

Binalutan ako ng matinding takot at mabilis na lumapit pa. Agad kong dinaluhan si Lana. Mas lalo siyang humagulhol nang hilahin ko ang braso niya at inilayo sa dalawang lalaki. Ganoon din si Mam Helena.

Mabilis na tinago ng lalaki ang baril nang makita ako. Bumuhos ang luha sa mata ko. Nanginginig si Lana sa takot dahil sa nangyari. Gusto ko siyang yakapin at aluin pero maski ako'y talagang takot rin!

"Marigold!"nambabantang tawag ni Abrys sa aking likuran.

Hinarap ko si Lana at nakita ko ang malala at malalim na sugat sa kaniyang pisngi pati na rin ang tuloy-tuloy na pagdurugo ng kaniyang noo.

"Talk to her first, Rys."mahinahong ani Sir Zach sa likuran. Mukhang sinundan nila ako.

"Sorry. Sorry... Tulungan mo kami. Please. Please, Marigold." Umiiyak na ani Lana sa akin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko na para bang doon kumukuha ng lakas.


Si Mam Helena ay paulit-ulit ang pagsinghap na para bang nahihirapang huminga. Mas lalo lang bumuhos ang luha ko sa takot at pag-aalala.

Nilingon ko ang paligid. Tumigil ang tingin ko sa garbage bag na nakabukas pa at nakita doon ang paper bag.

"K-Kikay, pakikuha naman no'n." Pati sa boses ko'y halatang halata ang nerbyos.

Nagdadalawang-isip man, agad niya rin namang sinunod.

Hinarap ko si Mam Helena. "Akin na po ang kamay nyo,"natatarantang sabi ko.

Hindi ko na alam ang uunahin ko. Si Lana ba o si Mam Helena!

Binitawan ko si Lana na ngayon ay hinarap din ang ina. Mukhang ngayon lang niya napansin ang komplikado nitong ayos.


"U-Upo muna tayo! Teka. Teka. Hawak kayo sa akin." Mas lalo akong nataranta dahil namumutla na siya at nanlalamig!


Agad ko silang iniupo sa bench. Hindi ko ininda ang tatlong lalaki na nanonood at nagtataka sa ginagawa ko.

"Eto na, Marigold." Inabot sa akin ni Kikay ang paper bag.


Hinilot-hilot ko ang mga daliri ni Mam Helena habang si Lana ay ganoon din ang ginawa sa kabila nitong kamay. Paulit-ulit ang pagsinghap niya sa hangin at nagiging kulay violet na ang labi niya.

Bumuhos ang luha sa mata ko. "H-Hinga lang po, Mam. Hinga lang po..."

Nilapat ko sa bunganga niya ang paper bag. Bumaling ako kay Kikay. "P-Pakihawak naman nito, please." Mabilis kong pinalis ang luha ko at binalik ang hawak sa kamay ng matanda nang hawakan na ni Kikay ang paper bag.

"May asthma siya?"tanong ko kay Lana habang hinihilot namin ang ina niya.

Tumango siya at umiiyak na pinaypayan ang ina gamit ang kaniyang kamay.


"She have a good heart,"rinig kong ani Sir Oasis.


"Call an ambulance."boses ni Abrys.

Continue Reading

You'll Also Like

38.1M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...