Sealed With A Kiss

By solarisLuna

196K 2.4K 154

Nakapagsulat ka na ba ng love letter para sa crush mo? And by some twisted fate ay nabasa ito sa harap ng buo... More

Luna's Note
Chapter 1: The Countdown Begins
Chapter 2: Stalker Meeting
Chapter 3: Mio's Futile Attempt
Chapter 4: WORST DAY EVER!!!
Chapter 5: Heartbreak
Chapter 6: For no reason, at all..
Chapter 7: Change of Feelings
Chapter 9: Closer To You
Chapter 10: Z's Lovelife
Chapter 11: The Curse of the Motorbike
Chapter 11.5: The Curse of the Motorbike 2
Chapter 12: Me, Jealous?
Chapter 13: I'm Jealous Too!
Chapter 14: Zaydie's Honey
Chapter 15: Girl Bestfriends
Chapter 16: NONE.
Chapter 17: Again and again
Chapter 18: MV's Birthday
Chapter 19: I Don't Understand Her
Chapter 20: Home Alone
Chapter 21: Calling Doctor Kit
Chapter 22: Visiting Hours
Chapter 23: Together
Chapter 24: Collide
Chapter 25: Review Date
Chapter 26: Contest-First day!
Chapter 26.5: Good night, Mio.
Chapter 27: Contest-Second day!
Chapter 28: Contest-Last day!
Chapter 29: Bad Girls!
Chapter 30: Maid Cafe?!
Chapter 31: Preparation
Chapter 32: School Festival 1
Chapter 33: School Festival 2
Chapter 34: Finally!
Chapter 35: I Stepped Aside
Chapter 36: Operation Help Build Orphanage
Chapter 37: The New Girl
Chapter 38: Hospitalized!
Chapter 39: My Smiling Face
Chapter 40: First Date-Part 1
Chapter 40.5: First Date-Part 2
Chapter 41: Six Days Before Christmas!
Chapter 42: Gift-giving Blues
Chapter 43: Let Go
Chapter 44: I'm Dead Serious
Chapter 45: Three Words
Chapter 46: Sparks
Chapter 47: I was about to say YES
Chapter 48: Merry Christmas ~ KitIo
Chapter 49: Merry Christmas ~ ZayLee
Chapter 50: Merry Christmas ~ Revelation
Chapter 51: With You
Chapter 52: He's Back
Chapter 53.1: Back Together 1
Chapter 53.2: Back Together 2
Chapter 54: HAL ko.. <3
Chapter 54.5: In a Relationship
Chapter 55: It's You
Chapter 56: Kade's Plan (CAMEO: Seth)
Chapter 57: Secrets Revealed
Chapter 58: A Plan Gone Wrong
Chapter 59: If this was a movie
Chapter 60: The Witch's Pov >:]
Chapter 61: Coping
Chapter 62: Under a lot of STRESS
Chapter 63: Kade's Girlfriend?
Chapter 64: Until That Day
Chapter 65: Sick
Chapter 66: She's Evil
Chapter 67: Unmasked
Chapter 68: Forgiven
Chapter 68.5: Forgiven (Continuation)
Chapter 69: Our Future Decisions
Chapter 69.5: Our Future Decisions (Continuation)
Chapter 70: The Day We Part Ways
EPILOGUE Part 1
EPILOGUE Part 2
Sealed With A Kiss Says Goodbye
SolarisLuna's Invitation
S.W.A.K. Facts

Chapter 8: Forgotten

3K 38 0
By solarisLuna

Luna's Note:

Dahil Chapter 8, sa'yo ito nakadedicate..

Rhyme no? Haha..

BTW, Lee's picture. :)

Enjoy reading..

**********
Chapter 8
**********

I ran.. literally.

And I saw her.

Still waiting for me.

For three hours.

Is she.. crying?

Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Alam niyang siya ang may kasalanan, but ayaw niyang mag-apologize..

Isa pa, kasalanan din naman niya kung bakit nasa ganitong sitwasyon silang dalawa.

Kung hindi ba naman kasi siya nagsumbong--

Nakita na siya ni Mio.

Tumingin lang ito sa kanya tapos nauna na itong maglakad.

Sumunod na lang siya dito.

***

Badtrip na lalaki 'to!

Nakalimutan ba talaga o nananadya lang ito?

Dapat pala umuwi na lang siya..

Kanina pa kasi niya balak umuwi, kaso.. di niya magawa.

Wala man lang ba itong balak magexplain? O magsorry?

Mag-eeight na, hindi pa siya nakakagawa ng assignments niya..

Pumara siya ng dyip at sumakay. Sumakay din si Kit.

AT TUMABI PA TALAGA SA KANYA HA?

Pumaling na lang siya sa kabilang tabi, para hindi nito makitang pugto ang mga mata niya..

Ano ba 'to? Isang linggo ba siyang balak paiyakin?

Maawa naman sa eyes niya.

Ayan! Dito na siya bababa..

Pumara na siya. Hindi niya kasi alam kung papara si Kit..

Bumaba na siya.

Mahaba-habang lakarin pa..

Sa dulo pa kasi yung bahay nila.

Umuna na ulit siyang maglakad, hindi niya ito tiningnan kung bumaba din ba siya.

Bumaba din ba siya?

Hmmm..

Grabe, nacucurious siya kung nasunod pa din si Kit sa kanya..

Hay naku Mio! Dapat itigil na niya ito!

Sige na nga, isang lingon lang..

Ahh, nasunod pa--

*TUUGGSSHH!*

ARAY!

Napaupo siya sa kalsada..

Natapilok siya dahil sa pagka-chismosa niyan

Sabi na MALAS siya e!

Nakakainis, wa poise talaga.

Naramdaman niyang lumapit si Kit sa'kin. Iniwas niya ang tingin dito dahil sakl kahihiyan.

''Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!'' galit na tanong nito sakin.

Aba, bat siya nagagalit? Siya ba ang nadapa?!

Tutulungan sana siya nitong tumayo. Nagpumiglas siya.

Pagkatapos siya sigawan, tutulungan siya?!

Wag na uy! Keri pa rin niya 'to!

Pero nung sinubukan niyang tumayo.

Aray! Hindi niya maigalaw yung kanang paa niya!

Muntik na siyang bumagsak ulit pero hinawakan siya ni Kit. Sa kamay at sa bewang..

Parang tumigil ang tibok ng puso niya.

Wag nga siyang mahawak-hawakan nito!

Bad trip pa siya sa kanya..

Kaso hindi pa talaga niya kayang ilakad ang paa niya..

MAMA! PAPA! HELP ME!

''Sprain 'to..'' sabi ni Kit habang hinahawakan ang paa niya.

Hindi niya matingnan si Kit. Tiningnan na lang niya ng masama yung boteng nakatalapid sa kanya..

Kasalanan ng bote ang lahat ng to!

Nagulat naman siya ng tumayo at tumalikod si Kit sa kanya bigla..

''Sakay..'' utos nito sa kanya.

''H-ha?'' nagulat siya. ''Ayoko no!''

Tiningnan siya nito ng masama.

Nakakatakot pala itong si Kit.

"Sasakay ka ba or gusto mong buhatin pa kita?"

Wala na din siyang nagawa dahil ito na mismo ang nagbuhat sa kanya sa likod nito.

Ah, GRABE!

Nakakahiya..

***

Hindi kami nag-imikan habang naglalakad kami.

Wala naman kaming paguusapan e.

Hinatid ko si Mio sa kanila. Hanggang sa  may labas lang ng gate nila. Hindi man lang siya pinapasok nito. Hindi din man lang din ito nag-thank you.

Pero mukhang hiyang-hiya si Mio sa kanya. 

Ang engot kasi..

Nang pumasok na si Kit sa bahay, nakasimangot sa kanya ang kanyang Mama..

''Grounded ka di ba?'' masungit na tanong nito ng dumaan siya.

''Kakahatid ko lang po kay Mio..'' sagot niya diti.

''Ayyiieee!'' irit ng Mama niya. ''Nag-date kayo? Ang ganda pala nung batang iyon ano, tapos--''

Naririndi siya..

Kinuha na lang niya yung kahon sa ibabaw ng cabinet nila at palabas na ulit ng pintuan ng harangan siya ng Mam niya..

''Hep!'' para sa kny nito.. ''Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang GROUNDED, anak?''

''Pupunta po ako kina Mio..''

Napanganga ang Mama niya sa sobrang gulat. Nang maka-recover ito ay hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at ngumiti.

''Papa!'' sigaw nito. ''Magbihis ka aakyat na tayo ng ligaw kina Mare--''

*BLAG*

Sinarado na niya ang pintuan..

Nakakarindi talaga.

Pwede namang hindi sumigaw.


***

"Pakopya ng assignment!" sigaw ni Zaydie sa kabilang linya.

''Wala pa din akong nasasagutan..'' sagot niya habang binubuklat ang Math book nila.

"I HATE MATH.."

''Humihirap pala ang mga assignment pag tumataas ang section..'' napagtanto niya habang tinititigan ang isang equation.

"Hay.. Oo nga.." pag sang-ayon ni Zaydie.

''Nakakabaliw!'' bigla na lang niyang naisigaw ng maalala niya ang mga nangyari kanina.

"Ha? Bakit?"

''Kasi--''

*Creeek*

Halos mapaigtad na siya sa kwarto ng bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok si Kit. Napigilan naman siya ng biglang pagkirot ng paa niya.

Aray!

''A-anong ginagawa m-mo dito?'' gulat na gulat niyang tanong kay Kit.

Aba! At dire-diretso lang talaga?

Bawal kumatok?

"Ha?! Sinong nan--" sigaw ni Zaydie sa speaker ng cellphone niya.

*Beep*

Hala!

Sa sobrang gulat niya, na-end call pala niya.

Sorry, Zaydie.

Umupo si Kit sa kama niya.

Hindi makapaniwalang nakatingin lang siya dito..

Ano bang ginagawa nito dito?

Naghahallucinate lang ba siya?!

''Akin na..'' sabi nito ng inilahad ang kamay nito sa kanya. Tinitigan niya ang palad ni Kit.

Akin na ang alin?

Bumuntong hininga si Kit at dahan-dahang kinuha ang paa niya.

''Ano bang--'' pag poprotesta niya.

''Huwag kang malikot..'' seryosong sabi nito.

Nakakatakot talaga ito.

Hindi na nga siya iimik..

May kinuha itong ointment sa kahong dala at ipinahid sa paa niya.

Haru jusko! Bakit ang lamig?!

''Tiisin mo lang.. Malamig talaga yan..'' sabi ulit nito ng makita ang itsura ng mukha niya.

Oo na nga po.

Pinanood niya si Kit habang hinihilot nito ang paa niya. Feeling naman niya ay pulang pula na ang mukha niya sa sobrang hiya. Tapos ay binendahan nito ang paa niya..

Napaiwas siya ng tingin ng mag-angat ng tingin sa kanya si Kit.

''San ang CR mo?'' tanong nito bigla.

''Ha? B-bakit?'' gulat na tanong niya.

Bumuntong hininga si Kit. ''Maliligo ako..'' walang kagana-gana nitong sagot.

''HA?!'' sigaw ko.

Tinitigan sni Kit ang gulat na gulat na mukha niya at napailing na lang.

''Sira, maghuhugas ako ng kamay.'' matamlay pa ding sabi nito. ''Para mawala yung amoy nung ointment.''

''Ahh..'' nakahinga siya ng maluwag. ''Doon oh.'' turo niya sa pinto ng CR niya.

Pumasok naman agad ito doon at isinara pa ang pinto..

Napatingin naman siya sa paa niyang binendahan ni Kit.

Pumunta ito dito para.. gamutin siya?

Bigla siyang nakaramdam ng kilig

Mabait naman pala itong si Kit kahit papaano..

Hinawakan niya ang pusi niya at huminga ng malalim. Sobrang bilis ng tibok. Laging ganito ang nararamdaman niya kapag nasa paligid lang si Kit.

Napatingin siya ng lumabas si Kit. ''Fiesta?'' tanong nito ng may kakaibang ngiti sa labi.

''Ha?'' tanong niya dito.

''Sa banyo mo, fiesta..'' sabi ulit nito.

Ano bang sinasabi nitong fiesta?

''May bandaritas..'' sabi ulit nito. ''Iba-iba pang kulay..''

BANDIRITAS?!

Yung.. yung mga pinapatuyo niya duon sa b-banyo, n-nakalimutan niyang kunin!

''WAAAAAAA!!!!!'' sigaw ni Mio.

BAKIT NIYA NAKITA YUN?!

JUS-MIO!!!




***

Happy reading too, stay tuned..
-- Luna <3

Continue Reading

You'll Also Like

116K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
221K 12.5K 24
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
40.9K 903 38
Paano kung ang masayang pamilya ay biglang nagkawatak watak? Are you willing to solve the missing puzzles? After 20 years ay muli kayong nagkakak...
159K 6.9K 72
Paano kung ang taong mahal mo Ay ang taong bestfriend mo Paano kung di ka niya mahal Paano kung may mahal siyang iba Lalayuan ka kaya niya kung malam...