Mabilis na lumipas ang isang buwan matapos ng celebration ni Lola Milda. Bumalik na din sila kasama si Mica at Tita Gema pabalik sa ibang bansa. Nagtuloy na din ang semester namin matapos nun. Naging abala din uli ako sa pag-aaral kaya di ko namalayan na birthday ko na pala.
Nandito ako ngayon sa university kasama ang mga lokrita kong kaibigan. Palabas na kami ngayon papunta sa university. Si Pat ay iiba ng daan kasi nasa parking yung sasakyan niya. Rich kid kasi eh, sanaol. Si Larissa naman hindi ko alam pero hindi na siya nagkocommute nitong mga nakaraang araw. Yung kuya niya kasi di siya sinasabayan pauwi, ewan ko ba kung bakit. Kaya kaming tatlo lang nila Sab at Rhianne ang commute pero magkakaiba kami ng way.
"Oy, punta kayo ha. Lagot kayo sa nanay ko pagwala kayo dun." Sabi ko.
"Oo nga ate girl, paulit ulit naman po." Sabi ni Larissa habang nagtatype.
"Basta G lang ako dyan." Sabi ni Pat.
"Ako din, sayang Shanghai." Ani ni Sab.
"Sasama ako, wala din naman ako gagawin eh." Untag ni Rhianne.
Ngumiti ako. "Regalo niyo ha, pakihanda na."
"Ay ganun, pinapunta lang kami para sa regalo." Sambit ni Sabrina.
"Aba, ayun ang invitation niyo. Walang regalo, walang Shanghai." Biro ko. Aba syempre 'no, requirements yan kapag may handaan.
"Akala ko libre, G na sana ako eh." Turan ni Larissa.
"Next time nalang pala." Gatong ni Rhianne.
"Yuck, mga kuripot." Sabi ni Pat. "Anyways, bawal daw pala ako."
Pabiro ko silang inirapan, mga bwisit, paglibre on the way na. Tas pag ganto, next time nalang daw. "Tsh, mga kuripot."
"Wow, nagsalita po ang hindi." Bira ni Larissa.
"Nahiya naman po kami." Gatong ni Sab.
"Basta! Pumunta kayo mamaya, pag di kayo nagpakita... Nako!" Ani ko.
"Sirang plaka sis?" Usal ni Pat. "Sige na, dito na ako."
"Ako rin, sasabay ako kay Pat." Sabi ni Larissa. "Happy birthday uli, more Shanghai and Hotdog with marshmallow sa dulo to come!"
"Aning aning!" Sigaw ko.
Nagpaalaman pa muna kami bago maghiwa-hiwalay ng daan. Nag-abang ako ng jeep at may nakita naman ako. Kakasakay ko palang sa jeep may nagvibrate yung phone ko na hawak. Tinignan ko kung sino nagchat at si Kairus iyon.
From: Kairus
Happy bday! :))
Grabe naman po, nahiya ako sa shortcut ninyo.
To: Kairus
Thnx.
Pinatay ko na ang cellphone ko matapos ko magreply sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil binati niya ako o hindi dahil nahiya talaga ako sa shortcut niya. Pero maya maya pa ay nagbeep uli ang phone ko.
From: Kairus
Aw, cold reply :((
Napairap tuloy ako sa hangin dahil sa reply niya.
To: Kairus
Nahiya po kasi ako sa greet ninyo, sana po mas pinaiklian niyo pa.
From: Kairus
Happy birthday then.
Hay! Hindi na nga shortcut para namang pilit.
To: Kairus
Pilit?
From: Kairus
What? Of course not.
To: Kairus
K.
From: Kairus
Hey, Okay.
Happy Birthday to you, Briella Mayen Ortega ;)))
Napataas naman ang kilay ko, wow bumabawi ah. Pero maya maya pa ay may naalala ako na sasabihin sa kanya. Di ko pala siya nainvite, well magkaibigan naman kami kaya iiinvite ko na din.
To: Kairus
Salamat! Nga pala, punta ka sa bahay. Celebrate us hehe.
From: Kairus
Sure, what time?
To: Kairus
Mga 8 siguro.
From: Kairus
Okay then, 8PM.
Ngumiti ako at muling nagtipa sa cellphone ko.
To: Kairus
Regalo ko ha, di pwedeng wala.
From: Kairus
Haha, what do you want?
To: Kairus
Isang milyon sana, okay na saakin yun.
From: Kairus
Wait in front of your house and shout 'one million'.
Umirap ako, anlakas mambwiset ha.
To: Kairus
Bahala ka nga, sige na babye na. Nasa jeep ako.
From: Kairus
Okay, be safe.
Hindi na ako sumagot pa dahil bababa na ako ng jeep. Bumaba ako at tahimik na pumasok sa isa pang trycicle para pauwi. Nang marating ko ang bahay ay wala, simple lang. Pumasok ako at bumungad saakin ang mga abala na tao. Agad ay lumapad ang ngiti ko.
"Ay, ang birthday girl nandito na!" Sabi ni Mommy, talagang nagleave pa sila sa trabaho para lang sa birthday ko. "Happy birthday, anak!"
"Happy birthday." Bati naman ni Daddy. Bumati rin saakin si Kuya Shan at Ate Bianca. Nagleave din silang pareho sa trabaho para daw makapagcelebrate kami ng sama sama. Aww sweet.
"Salamat!" Masayang sabi ko.
"Oh sige anak, magbihis ka na." Sabi ni Mommy.
Tumango ako at umakyat na sa kwarto ko. Sobrang pagod ako ngayong araw kaya plakda agad ako sa kama ko. Ni hindi ko nga namalayan na nakatulog na ako duon. Nagising lang ako nang gisingin ako ni Mommy sa marahan niyang mga tapik. Nagmukat naman ako kaagad, mukhang madilim narin sa labas.
"Briella, gising na. Ala sais pasado na." Sabi ni Mommy.
Nagmulat naman ako at binalingan si Mommy. "Ah, sige po."
"Naku at magbihis ka na din. Mamaya maya ay nandito na yung mga kaibigan mo."
Tumayo ako at nag-inat inat. "Opo Mommy, maliligo na po ako."
"Osige, bababa na ako ha. Sumunod ka na saakin duon." Tango nalang ang isinagot ko at lumabas narin naman si Mommy mula sa kwarto ko.
Dumiretso ako sa cabinet ko at naghanap ng maisusuot. Gusto ko sana magdress kaso gusto ko din ng simple lang. Kaya ang napili ko is yung red wrap dress ko. Ito na yung pinakasimple na pula kong bestida. Well, diba pag birthday celebrant, usually nakapula? Ay bahala na. Naligo ako ng saglit lang at nag-ayos narin. Nilugay ko lang yung buhok ko at nag-apply ng light make-up. I don't wanna look pale and I don't want heavy make-ups rin so okay na siguro yan. Parehong mukha lang naman ang makikita ko.
Bumaba na ako at nagtungo sa likod bahay, dun kasi gaganapin yung birthday ko. Handa na ang lahat, 7:20 na kasi ngayon. Wala pa yung mga bruha dito, sila lang naman ang inimbetahan ko. And Kairus, in case I forgot. Halos lahat ay mga kilala nila Daddy at Mommy. Ganito naman palagi eh, pag may celebration kami halos ang bisita ay ka-officemate nila.
Maraming bumati saakin at mga nagpakilala kahit na hindi ko naman sila matatandaan lahat. Before, Mommy and Daddy would bring me to their office kapag free ako kaya medyo familiar ako sa iba. But now, hindi na talaga since bata pa ako 'non. May mga nagbigay din ng regalo and of course, I thanked them. Hehe, negeffert pe keye. Nagikot-ikot lang ako sa mga table nang maya maya pa ay dumating na ang mga lokrita.
"Happy birthday sis!" Bati agad ni Pat at nag-abot ng paper bag saakin. "Oh ayan, happy na ba? Patingin ng happy."
Natawa ako at mahina siyang hinampas gamit nung paperbag na bigay niya. "Tinotoo ni gaga." Sabi ko.
"Happy birthday, Bri!" Untag ni Larissa at nag-abot ng paper bag. "Eto na ha, di na ako nagkuripot niyan ha. Nakakahiya naman kasi at baka maging gate crasher pa ko."
"Wow, parang utang na loob ko pa ha." Biro ko, ngumiwi lang siya.
"Happy bornday sayo!" Sabat naman ni Sab at nag-abot din ng regalo. "Ayan, natakot kasi ako maubusan ng Shanghai eh."
"Salamat, kumuha ka na ng marami." Sabi ko
At ang huli ay si Rhianne. "Happy kaarawan saiyo kaibigan." At nag-abot din ng regalo. "Invited na ko ha."
Tumawa ako. "Ang mga gaga, takot na takot hindi makapasok."
Nagkwekwentuhan pa kami ng saglit bago ko sila ihatid sa uupuan nila. Bumalik uli ako sa pagpunta sa ibang table. Ganun parin naman, may bumabati, nagbibigay ng regalo at nagpapakilala kahit di ko alam kung maaalala ko sila kinabukasan. At nang sumapit na ang 8PM, nagpunta na ako sa table kung nasaan ang cake ko. Pero bago pa iyon, nagpray muna kami bago magsimula. At nang matapos na ay...
"Happy birthday uli, baby! Blow your candle now." Nakangiting sabi ni Mommy, tumango ako at ngumiti rin.
Ipinikit ko ang mata ko atsaka humiling. Sana wala nang sakit na mangyari saamin, long long life sa mga taong mahal ko, at masayang taon and less stress! Matapos kong humiling ay hinipan ko na ang kandila atsaka nagmulat. Pero pagtama nang mata ko ay tumama iyon sa pamilyar na tao. Nakawhite polo siya na nakatuck sa loob ng pants niya. Wala siyang hawak at nakatingin lang saakin habang nakangiti. Ngumiti rin ako sa kanya at nilapitan siya.
"Happy birthday." Agad na bati niya nang makapunta na ako sa kanya.
"Salamat." Nakangiting sabi ko, naglahad ako ng kamay. "Regalo ko?"
Ngumiti siya. "I told you to shout in front of your house right?"
Pabiro ko siyang inirapan. Ah, ano ako uto-uto? "Ewan ko sayo."
Tumawa siya. "Later, you'll see my gift for you."
Namilog ang bibig ko. "Wow, may surprise ka pa ha."
"Tch, I know you'll be truly surprised once you saw it." Ani Kairus.
Tumango ako. "Sige na, dun ka nalang sa table nila Pat. Ieentertain ka ng mga yun."
"Okay," Sagot niya. Naglakad kami papunta sa table ng mga kaibigan ko. Wala sila dito sa table nila dahil kumukuha ng mga pagkain yun malamang. I offered him a seat, tumango lang naman siya at nagpasalamat.
"Kukuha ka na ba ng pagkain?" Tanong ko.
"Nah, later." Sagot niya. Tumango ako at umupo sa silyang nasa tabi niya. "How about you, aren't you going to get your food?"
Umiling ako. "Mamaya na, busog pa ako."
"Hmm, is that so." Sabi niya.
At maya maya pa ay dumating na sila "Uy Briella, wala ba kayong Shanghai...?" Bigla ay nag-iba ang tono ni Sab nang makita si Kairus.
"Oh? Kairus!" Bati ni Patricia. "Wow, I didn't know that you're here."
"Well, I just arrived minutes ago." Sagot ni Kairus.
"Wow, I smell something fishy ha." Dinig kong tudyo ni Larissa at nagbigay pa ng makahulugang tingin.
"May ganitong ganap?" Tanong ni Sab.
"Lagi nalang akong late sa chika." Sabi ni Rhianne.
Napabuntong hininga nalang ako at niyaya si Kairus. Leche, sana pala hindi ko na pinaupo yung tao rito. "Tara, kuha nalang tayo ng pagkain."
"Okay, then." Sabi niya at tumayo.
Gaya nga yaya ko, kumuha kami ng pagkain. Panay ang lagay niya sa plato ko habang siya naman ay wala pa. Kaya ang ginagawa ko, naglalagay din ako ng pagkain sa plato niya. Matapos namin kumuha ng pagkain, bumalik na din kami dun sa table ng mga lokrita. Ang kanina na nagbubulungan, aba! Pero nanahimik at kumain nalang naman sila nang maupo kami. Ang malisya ha.
Bumuntong hininga ako. "Magsasalita kayo o magsasalita kayo?"
Tinignan nila akong lahat. "Huh?" Tanong ni Larissa.
"Tsh, kaninang wala kami rito nagdadaldalan kayo tas nung dumating kami naging maamo kayo?" Sabi ko.
"Hindi kaya." Tanggi ni Sabrina habang kumakain.
"Ewan ko sainyo." Sabi ko at binalingan nalang si Kairus na nakatingin na din pala saakin. "Pagpasensyahan mo nalang yung mga lokrita na yan, maissue kasi yan."
Ngumiti siya at bahagyang natawa. "It's fine."
Wala na uling nagsalita saamin, akala ko pa naman ay ieentertain ng mga bruha na 'to si Kairus kaya dito ko pinaupo pero hindi naman pala. Di rin nagtagal pa ay tinawag ako ni Mommy dahil may magpapakilala daw na officemate niya saakin.
"Hoy, ientertain niyo si Kairus." Bilin ko sa kanila.
"Sasayawan ba namin?" Biro ni Sabrina.
Bahagya ko siyang tinapik, siraulong 'to. "Buang. Kausapin niyo gaga." Pinanlakihan ko pa sila ng mata bago umalis duon.
Hindi ako natutuwa sayo Sabrina ha.
Nagpunta ako sa gawi ni Mommy at meron ngang nagpakilala saakin. Ni hindi ko nga sila kilala kahit first name man lang pero may regalo sila saakin. Well still, thank you hehe. Meron pa akong ibang table na pinuntahan dahil mga bagong rating. Lumingon ako sa gawi nila Larissa, nag-uusap na sila. Tignan mo nga naman, nung wala ako dun saka lang nagsalita. Pero mas nagtataka ako sa itsura nila, para silang gulat na ewan. Binalingan ko naman si Kairus, nakahalukipkip yung mga braso niya at tumatango tango. Natigil lang ako sa pag-iisip nang tawagin naman ako ni Daddy. Argh, kelan ba ako matitigil kakalakad?
Walang katupusan na pagpapakilala lang ang nangyari. Regalo, mag-gigreet, at unting usap. Nang matapos ay napagdesisyunan ko na bumalik sa upuan kung nasaan ang mga kaibigan ko. Pero nakatayo na sila na para bang uuwi na. Takteng yan, kumain lang talaga sila dito? Nauna pa silang natapos kesa saakin ah.
"Bri, uuwi na ko. Hanap na ako ng tatay ko." Paalam ni Sabrina.
"Ako din sis, hahatid ko pa sila eh." Pagdadahilan naman ni Patricia.
"Same here, Bri." Ani Larisa.
"Papagalitan ako pagnagtagal pa ako rito." Usal ni Rhianne.
Nakangiwi akong tumango. "Sige na, salamat sa pagpunta ha."
"Happy birthday uli sissy!" Muli nila akong binati. Yumakap pa sila saakin, as if naman di nila ako makikita next time. Niyakap ko naman lang din sila pabalik bago sila tuluyang umuwi.
Nilingon ko si Kairus na nakapamulsa na nakatayo. "Uuwi ka na din?"
"Yeah.." Sagot niya.
"Wow, uuwi ka na ng walang regalo saakin?" Biro ko.
Ngumisi siya. "Do you want to see my surprise now?"
"Pwede na." Sabi ko, unti nalang din kasi ang tao dito.
Naglahad siya ng kamay saakin na para bang inaaya ako. "Hmm?"
Tinignan ko ang kamay niya, "Tsh, aalis pa tayo rito? Baka hanapin ako---"
Pero di pa man din natatapos ang sinabi ko ay hinawakan niya na ang kamay ko at ngumiti. "Your mother knows this, she's part of it."