Luna's POV
Kanina pa ako nakaharap sa salamin at kanina pa ako kinakabahan. Pinakiramdaman ko ang sarili at napatakbo na naman sa banyo. Ilang linggo na akong ganito. Pakiramdam na nasusuka. May pasok pa naman ako ngayon. At susunduin ako ni Jerry.
Napasandal ako sa pader nitong banyo at napapikit ng mariin. Sana lang hindi tama ang hinala ko kung bakit ako nagkakaganito.
"Luna? Nakaayos ka na ba?"
Napatayo agad ako nang marinig ang boses ni Jerry. Lumabas na ako ng banyo at mabilis na kinuha ang bag ko sa kama saka binuksan ang pinto nitong kwarto ko. Bumungad naman sa akin ang nakangiting si Jerry. Pero agad ring nawala ang ngiti nito.
"Are you okay? You looked pale."
Hinawakan niya ang noo ko atsaka leeg.
"Hindi ka naman nilalagnat. Ayos ka lang ba?"
Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.
"Ayos lang ako, babe. Tara na?"
Nagdadalawang isip man ang kaniyang mga mata, inakay niya na lang ako palabas ng bahay. Natatakot ako. Sobra ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Sana mali ang hinala ko.
Sumakay na kami sa kotse niya at hindi ko magawang magsalita. Masyadong okupado ang isipan ko ng mga posibleng dahilan kung bakit ako nagsusuka.
"Nalulunod ka na ba?"
Napatingin ako kay Jerry at kumunot ang noo. Tumawa naman siya at inilagay ulit ang tingin sa daanan.
"Lalim kasi ng iniisip mo."
Bumuntong-hininga ako at umiling. "Wala naman. Naiisip ko lang na malapit na tayong gumraduate."
"Oo nga. At ibig sabihin no'n, malapit na rin tayong magpakasal."
Nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi niya. Kasal? Mangyayari ba talaga 'yon kung malalaman niyang niloko ko siya?
Pasimple kong hinawakan ang tiyan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling buntis nga ako.
"Masakit ba ang tiyan mo?"
Kaagad ko namang tinanggal ang kamay ko sa tiyan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Wala namang kasiguraduhan kung buntis nga ako.
"H-Hindi."
Mabuti na lang at saktong nakahinto na ang kotse dito sa parking ng school.
Bumaba si Jerry at pinagbuksan niya naman ako ng pinto ng kotse. I just smiled at him.
Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad papasok ng school. Kilala dito sa school si Jerry at hindi naman din kasi maiaalis na gwapo ito. Kaya pati si Rein na itinuring kong kaibigan ay gumawa ng sobrang sama dahil lang sa gusto niyang makuha si Jerry.
"Take care, okay?" sabi nito at hinalikan ako sa noo.
I smiled, "Ingat ka din."
Ngumiti rin siya sa akin at sumama na sa mga barkada niya. Maaga pa naman kaya pupunta muna ako sa comfort room.
Kaunti pa lang din ang mga estudyante. Ngayon lang ako naglakad mag-isa dito sa campus. Madalas kasi na kasama ko sina Rein. Pero ngayon, hindi ko na sila gugustuhin na makasama pa o makasalubong man lang. Napakamalas ko lang dahil magkaklase kami sa lahat ng subject.
"Girls, look who's here."
Napatigil ako at tiningnan si Rein kasama sina Bianca, Thiana, at Lei. Nakaharang sila ngayon sa dadaanan ko papuntang comfort room.
"Pwede ba? Ayoko ng gulo."
"Anlakas naman ng loob mo na pumasok pa, Luna? Huhulaan ko, hindi mo pa sinasabi kay Jerry? Well, it's okay. Hindi rin magtatagal at ikaw na mismo ang maglalantad ng baho mo." nakangising saad nito.
Umalis na sila sa daanan at nanghina bigla ang tuhod ko. Pumatak na rin ang mga luha ko. No.. Hindi masisira ang relasyon namin. Matatanggap niya pa rin ako. Mahal ako ni Jerry.
Dumiretso na ako sa comfort room at nagkulong sa isang cubicle saka mahinang umiyak. Napakaemosyonal ko na this past few days. Paniguradong dahil 'yon sa sikretong hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasabi kay Jerry.
"Alam niyo na ba 'yong isyu ngayon?"
"Anong isyu?"
"May babae daw na nag-aaral dito ang kumakalat ngayon ang video. Having sex with a guy. Pero hindi naman daw malinaw 'yong video. Basta may nagpakalat na nag-aaral daw dito."
Napatigil ako sa pag-iyak dahil sa narinig ko. H'wag naman sanang ako ang sinasabi nila. Umaasa pa rin akong may katiting na konsensya sina Rein. Naging magkaibigan rin naman kami ng ilang taon.
Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ng cubicle saka lumabas ng comfort room.
Dumiretso na ako sa first subject ko at mabuti na lang at sabay lang kami ng prof na dumating. Nakita ko kaagad sina Rein na nasa dulo. Sa usual na upuan naming lima..dati.
Nang makita nila ako, inilagay agad ni Bianca ang bag niya sa upuan ko. Mas pinili ko na lang umupo sa tabi ng bintana. Hindi ko rin naman gustong makatabi sila.
Natapos ang klase na wala akong naintindihan. Walang pumapasok sa isip ko kundi ang pangamba sa lahat ng mangyayari.
Hanggang sa matapos lahat ng klase namin, parang lumilipad ang utak ko. Paano ako makakapagfocus kung sobrang laki ng problema ko?
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Jerry habang nakaupo kami dito sa loob ng canteen.
"A-Ahm, rice and chicken lang."
Ngumiti naman siya sa akin saka tumayo at iniwan ako. Palagi naman na siya ang umoorder kada tanghali para sa aming dalawa.
Hanggang tanghali lang ang klase ko samantalang mamaya pang 2 pm ang tapos ng kay Jerry. Hihintayin ko pa siya. Gawain ko na rin kasi na hintayin siya para sabay kaming uuwi.
"Here, babe."
Inilagay niya ang pagkain sa lamesa namin. Nagsimula na rin naman kaming kumain. Kuwento lang siya ng kuwento kung anong nangyari sa klase niya pero puro ngiti lang ang tugon ko.
Habang tumatagal, mas nararamdaman kong napakalaki ng pagkakamali ko kay Jerry.
"J-Jerry.. Gaano mo ako kamahal?"
Napatigil naman siya sa pagkain at humarap sa akin. Sobrang laki ng ngiti niya.
"Sobra.. Hindi ko kaya na mawawala ka sa akin. Ikaw ba? Gaano mo ako kamahal?"
"S-Sobra din. Mahal na mahal kita."
Hinawakan niya ang isa kong pisngi at mas lumawak pa ang ngiti.
I'm sorry, Jerry.
Natapos na kaming kumain kaya naman lumabas na kami ng canteen at dumiretso dito sa field.
"Wait for me."
Tumango naman ako. Hinalikan niya ako sa noo at saka patakbo ng umalis. Ilang minuto na lang kasi ay simula na ang klase nila.
Umupo ako sa damuhan at sumandal dito sa puno. Nakatingin lang ako sa mga estudyanteng naglalaro.
"A-Alistair! Please, pakinggan mo ako.."
Napatingin ako sa babaeng nakahawak ngayon sa braso ng isang lalaki. Namukhaan ko naman agad ang lalaki, sikat ito dito sa campus. Dahil na rin pagmamay-ari nila ang school na 'to. At dahil na rin sa angking kagwapuhan. Si Jerry ang itinuturing na pangalawa dahil sa lalaking ito na si Alistair Zaccaeus Clemonte.
"Shut the fck up, bitch." sambit nito sa babae at basta na lang itinulak sa damuhan. Napangiwi ako. Grabe naman ang ugali nito.
Wala namang nagawa ang babae at umiyak na lang habang madaming estudyante ang nagbubulungan dahil sa nangyari.
Nangunguna sa kagwapuhan pero nangunguna din sa kasamaan ng ugali.
-
PARA MAKASIGURADO, naisipan kong pumunta sa pharmacy ngayong sabado para lang bumili ng pregnancy test. Kailangan kong makasigurado. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa akin. Madalas na rin akong antukin kaya pati sa klase nakakatulog ako. Umaatake rin ang pagsusuka ko tuwing umaga.
Nang makabili, umuwi na rin ako. Napakunot ang noo ko nang makitang bukas ang apartment. Wala namang ibang may alam ng susi bukod kay Jerry. Pero sabi ni Jerry, may mahalaga siyang gagawin ngayon.
Pumasok naman kaagad ako pero nakita ko si Jerry. Kaagad ko namang inilagay sa bulsa ng short ko ang pregnancy test.
"Babe? Akala ko hindi ka makakapunta dito?"
Tumingin siya sa akin at namumula ang mga mata niya. Parang kagagaling lang niya sa pag-iyak. Nilapitan ko naman siya kaagad.
"Anong problema?"
"Hindi 'yon totoo diba?"
Nilukob ako ng kaba. Anong ibig niyang sabihin? Alam niya na ba?
"A-Alin?"
"Nananaginip lang siguro ako? Sabihin mo sa akin, Luna.. Panaginip lang 'to diba?"
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"L-Luna, w-wala na si daddy.."
Hindi ko alam kung makakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya o malulungkot. Pero natulala ako sa sinabi niya. Alam ko kung gaano sila kaclose ng daddy niya kaya hindi ako nagtataka kung bakit siya umiiyak.
Kaagad ko naman siyang niyakap.
"Ssshhh, andito lang ako."
"Masyadong biglaan ang nangyari.. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam."
Umiyak lang siya ng umiyak habang nakayakap ako sa kaniya. Maya-maya pa ay tumigil na siya at tiningnan ako.
"Kailangan kong umuwi sa probinsiya namin. Okay ka lang ba dito?"
Nginitian ko siya ng tipid. "Ayos lang. Mag-iingat ka ha? Hindi ako makakasama pero tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng kausap."
Tumango naman siya at hinalikan ako sa noo.
Tumayo na rin siya at niyakap niya ako bago lumabas ng bahay. Nang marinig ang papaalis na kotse, kinuha ko ang pregnancy test sa bulsa ko at huminga ng malalim saka dumiretso sa cr.
Ilang minuto akong naghintay hanggang sa kinain ako ng kaba. Nahulog ko rin ang pregnancy test. Nag-unahan din sa pagpatak ang mga luha ko. This can't be..
Pinulot ko ulit ang pregnancy test at positive talaga ang nakalagay.
Nanghihina na napaupo ako sa kama. Napahawak ako sa tiyan ko at umiling-iling. Hindi 'to pwede. Anong gagawin ko?
Kung itatago ko 'to, malalaman rin nila. Lalaki at lalaki ang tiyan ko.
Buntis ako at hindi ko pa alam kung sinong ama nito. Napahiga ako sa kama at humagulgol ng iyak.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Cale, kaibigan ko na nag-aaral sa ibang school pero dito rin sa Manila. Hindi lang kami madalas nagkakausap dahil hindi sila nagkakasundo ni Jerry.
"Hey, Moona."
Moona ang tawag niya sa akin dahil buwan daw ang ibig sabihin ng Luna.
"Cale.. I have a big problem."
"Huh? What is it?"
"Pwede ka bang pumunta dito sa apartment? Kung hindi ka busy."
"Just make sure na wala diyan si Jerry. Tss."
"Wala siya dito. Namatay ang daddy niya, umuwi siya ng province nila."
I feel bad for Jerry. Tapos dadagdagan ko pa ang problema na meron siya. Hays.
"Okay, I'll be there."
Binaba ko na ang tawag at bumangon. Hihintayin ko na lang sa salas si Cale.
Ilang minuto lang ang lumipas at narinig ko na ang kotse sa labas. Nakabukas naman ang gate at pintuan dito kaya nanatili na lang ako dito sa salas.
"Moona."
I smiled at him and hugged him. Sobrang tagal rin noong huli kaming nagkita. Walang nagbago sa lalaking 'to. Gwapo pa rin. Matagal kaming hindi nagkita dahil ayaw sa kaniya ni Jerry kaya wala akong magawa. Pero ngayon, siya lang ang mapagkakatiwalaan ko.
Umupo kami sa sofa at huminga ako ng malalim.
"Anong problema, Moona?"
"I-I...am pregnant."
Nag-iba naman ang reaksyon niya at halatang galit siya.
"What? Akala ko ba nirerespeto ka ng Jerry na 'yan ha? Bakit nabuntis ka niya?!"
"Huminahon ka.."
"Paano ako hihinahon?! Alam na ba 'yan nina tita?! Alam na ba 'yan ng gagong lalaking 'yon?"
Nagsimula na akong umiyak saka umiling.
"H-Hindi siya ang a-ama, Cale.."
Napanganga si Cale at tiningnan ako ng hindi makapaniwala.
"What? You cheated on him?"
"Hindi ko 'yon ginusto, Cale.. Maniwala ka.. Sina Rein, s-sila ang may kasalanan ng lahat ng 'to. Pumunta kami sa bar dahil birthday ni Rein and they betrayed me.. K-Kaya nangyari 'yon.."
Napahilamos sa mukha si Cale. Itatakwil niya na ba ako bilang kaibigan?
"Kahit anong mangyari, kaibigan mo pa rin ako. Hindi kita sinisisi sa nangyari. Alam mo ba kung sinong ama niyan?"
I shooked my head. "Hindi.."
"Alam na ba ni Jerry?"
"Hindi rin.."
"Hindi mo 'yan matatago, Moona. Kailangan mong sabihin sa kaniya."
Mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niya. Kapag sinabi ko, paniguradong magagalit siya sa akin. Masisira ang relasyon namin.
"P-Paano kung iwanan niya ako? Mahal na mahal ko siya, Cale."
"Kung mahal ka niya, matatanggap niya 'yan."
Lumapit sa akin si Cale at niyakap ako.
"Don't be afraid. If that guy really loves you, then he should accept your baby."
"T-Thank you.."
Tama, kailangan ko ng sabihin kay Jerry pero saka na kapag maayos na siya. Dahil nagluluksa pa siya ngayon.