When You Realize

By Yelleydoodles

10.8K 212 96

More

When You Realize
Characters
Chapter 1 - Best friends
Chapter 2 - In Denial
Chapter 3 - Jealous of the Eye Candy
Chapter 4 - That Special Feeling
Chapter 5 - The What Ifs
Chapter 6 - The Dance Formal
Chapter 7 - Simplest but Sweetest Gestures
Chapter 8 - First Admission
Chapter 9 - What Happened in Valentine's Day?
Chapter 10 - The Painful Flashback
Chapter 11 - The Reason Why
Chapter 12 - Reading Between the Lines
Chapter 13 - Wedding Bells Went Kaput
Chapter 14 - Keeping Your Friends Close and Enemies Closer
Chapter 16 - Sparkplug
Chapter 17 - Confessions
Chapter 18 - The Start of Something New

Chapter 15 - What You Didn't Know

406 11 3
By Yelleydoodles

Sabado ng gabi…pagkatapos magdinner nina Tin ay naisipan niyang mag night out kasama ang kuya niya, si Martina at si Ivan…Ngunit, dahil nga inimbitahan ni Ivan si Slater ay sumama narin ito sa kanila…Napag usapan nila na iisang sasakyan na lamang ang dadalhin nila at ito ay ang sasakyan ni Slater dahil medyo malaki naman ito saka nasa iisang subdivision lang naman sila…Pilit na tumanggi si Tin pero dahil sa pakiusap ng kuya niya ay napapayag narin ito…Susunod na lamang raw si Ivan dun sa bar na pupuntahan nila… Bandang alas 9 ng gabi ng dinaanan ni Slater sina Tin sa bahay nito…bumaba ito ng sasakyan saka ng doorbell sa labas ng gate nina Tin…Nakatalikod ito dahil may sinilip siya sa may sasakyan niya nang marinig niyang magbukas ang gate..

“Good evening, nandiyan po si ------”  Biglang natameme si Slater nang makita kung sino ang nagbukas ng gate.. “Tin?” pagtatapos nito.

“Alam mo ang tagal mo. Baka kanina pa naghihintay si Ivan dun, nakakahiya naman. Tssss…” mataray na sabi ni Tin saka inayos ang buhok nito at tinalikuran si Slater para tawagin ang kuya nito. “Kuya, nandito na yung late friend mo…” Sigaw nito saka nilingon si Slater… “O, anong tinitingin tingin mo diyan?” dagdag nito.

Hindi mapigilang mapatitig ni Slater kay Tin…Suot ng dilag ay isang cottony black tube dress at black pumps na may gold lines…nakaplantsa lamang ang shiny black hair nito at medyo smokey eye make-up at nude lips…Bumalik lamang sa katinuan si Slater nang winave ni Tin ang black envelope bag niya kay Slater… “Hello? Roxas? Baka gusto mong tumabi para makadaan kami.” Pagtataray parin nito.

“Ah, eh sorry…” paumanhin ni Slater rito saka napakamot sa ulo…Pinagbuksan ito ng pinto ni Slater sa front seat pero dali dali itong sumakay sa back seat kung saan tinabihan naman ito ni Martina at saka naupo si Gab sa front seat…

Nang nakasettle na sila ay pinaandar na ni Slater ang sasakyan nila at saka nilakbay ang daan papunta sa Platinum Bar sa may Taguig.

“Tin, just let Ivan know that we are on our way.” Sabi ng kuya Gab nito.

“Done na…malapit na raw siya makarating…nakakahiya naman dun sa tao.” Pagsusungit ni Tin.

“Sorry ha, natagalan ako..” paghingi ni Slater ng tawad sa mga kasama…

“Next time kasi, kapag may usapan, dapat dumating on time…tsaka wag nang-iindian!” dagdag na sabi ni Tin…

Biglang napalingon si Gab sa likod saka tinignan ng masama si Tin. “Tin, please.” Pakiusap nito sa kapatid.

Ngumiwi naman si Tin sa likod at piniling manahimik…Nagkatinginan lamang sina Martina at Gab saka ibinalik ni Gab ang tingin nito sa daan habang tahimik na nagmamaneho si Slater…Paminsan-minsan ay tinitignan ni Tin kung nakatingin si Slater sa kanya pero nagkamali siya…Ni minsan ay hindi niya ito nakitang sumulyap sa kanya hanggang sa makarating sila dun sa parking area ng Bar…

Pagpatay ni Slater ng makina ng sasakyan ay agad itong bumaba saka pinagbuksan ng pinto si Tin…Agad naman na bumaba si Tin at sinabing, “Thanks.”

Binigyan lamang ito ng isang matipid na ngiti ni Slater saka tumango at agad na sinira ang pinto nang makababa si Tin samantalang sa kabila na bumaba si Martina kung saan pinagbuksan naman siya ni Gab.

Habang naglalakad papasok ay nauna si Slater na sinundan ni Tin at magkasabay sina Gab at Martina na pinaguusapan ang dalawa..

“Babe, sa tingin mo may pag asa pa yang dalawa?” aniya ni Martina kay Gab.

“I don’t know…It depends kung patatawarin ni Tin si Slater…and that would depend on how Slater will make his moves…Ano bang sabi ng kapatid ko?”  Tanong ni Gab rito.

“Wala naman…kung si Slater ay puro si Tin ang bukam-bibig, si Tin naman laging nagpapalit ng topic kapag binibring up ko si Slater…You know your sister, kapag ayaw niyang pag usapan, hindi mo mapilit.”   Sagot ni Martina sa kanya.

“Well, I think naman meron…Pero I think it will take time…I don’t think she (Tin) has fully recovered from what happened…kung ako nga medyo nahirapan rin, especially when I’m torn between my bestfriend and my sister…and I know ikaw rin, babe.” Sabi ni Gab.

“Ang hirap lang kasi bestfriend ko si Tin tapos close cousin ko si Slater…tapos fiancé pa kita…parang ang complicated naman ng story natin, Babe.” Malungkot na sabi ni Martina.

“Don’t worry Babe, I promise I won’t do that to you…” Nakangiting sabi ni Gab rito saka kinuha ang isang kamay ni Martina at hinalikan ito habang naglalakad sila papasok ng bar.

Pagdating nila sa entrance ay naroon na si Ivan at sinalubong sila..

“Hey guys, what’s up!” Bati nito kina Tin.

“Hello, Van!” bati ni Tin rito sabay beso… “By the way, I want you to meet my brother, Gab.” Pakilala nito sa kuya niya.

“Gab, pare. Heard madalas kayo magkasama ni Tin dun saSpain.” Bati ni Gab rito sabay kamay kay Ivan.

“Ah, yes…Well, slightly yes…just whenever we had the free time…I also got to hang out with your folks back inSpain…Cool parents.” Kwento ni Ivan.

“Hahaha Thanks! By the way, if you’re still here in two month’s time, we would like to have you on our wedding…” Imbita ni Gab rito.

Napangiti naman si Ivan sa narinig niya. “Well, I would love to. If nothing’s goes wrong with my schedule, I’ll definitely be there.” Sagot nit okay Gab.

Sa kalagitnaan ng kanilang usapan ay sumingit si Slater.. “Ehem, pasok na tayo, dumarami na ang tao..” Sabi ng naiinip na si Slater sa mga kasama…

Tumango sina Gab at saka sinundan si Slater papasok ng bar…May pagkasosyal ang VIP bar na ito…iilang tao lamang ang nakakapasok o nabibigyan ng privilege na makapasok rito dahil may pagka-exclusibo ito kaya ito ang isa sa favorite hang out places ng mga celebrities…Tamang tama lamang ang laki ng bar…Mayroon itong first floor at second floor…nasa first floor ang main dance floor at napapalibutan ito ng maliliit na sofa at tables…at exclusive area sa 2nd floor kung saan pwede kayong mag enjoy ng friends ninyo…Dahil close friend ni Slater ang may-ari ay nakuha nila ang pwestong ito…nang makaupo na ay agad sila ng order ng drinks…

“Borj!” tawag ni Slater sa waiter nila. “Pakilabas nung whiskey na naiwan ko rito last time.” Sabi niya rito. “Order lang kayo, on the house.” Sabi ni Slater sa mga kasama.

“Awesome! Whiskey would be nice..On the rocks.” Sagot naman ni Gab.

“Wow! Birthday mo ba? Hahaha!” natatawang sabi ni Gab rito.

“Sira!! Welcome party natin for Tin” nakangiting sabi ni Slater. “Kunin mo lang order nila, ako bahala.” Baling muli ni Slater sa waiter.

“Yes, boss!!” Sagot ng waiter rito. “Sa inyo po maam, anong order niyo?” tanong niya kina Tin at Martina.

“Strawberry Margarita for me, please.” Sabi ni Martina sa waiter.

Sasagot nasanasi Tin nang biglang sumabat si Slater. “Fresh strawberry shake yung isa, borj!” dagdag na order nito sa waiter.

Nagulat si Tin nang marinig iyon…Alam niyang para sa kanya ang inorder na strawberry shake ni Slater dahil ito ang paborito niyang orderin nung lumalabas sila…Since hindi naman pwedeng uminom ng alcoholic drinks si Tin ay fresh strawberry shake na lang ang inoorder niya…

Aalis nasanaang waiter nang biglang magsalita si Tin. “Wag na yung strawberry shake…make it two strawberry margaritas.” Nakangiting sabi niya sa waiter saka nilingon si Slater ng mabilis at ibinalik ang atensyon sa katabing si Ivan.

Sa kalagitnaan ng kanilang kasiyahan ay may lumapit na lalaki sa kanilang table kasama ang isang seksing babae…agad na tumayo si Slater nang makita kung sino iyon.

“Pare!! Long time no see!” Bati ni Slater rito.

Ngumiti naman ang lalaki saka kinamayan si Slater. “Slater, dude!! Bakit ngayon ka lang ulit nagbalik dito?” tanong nito kay Slater.

Napakamot sa ulo si Slater. “Ah, eh…sorry, medyo busy lang lately..anyway, I’ll introduce you to my friends..Guys, this is Jacob, a friend of mine and he owns the place. And this is his girlfriend Erica…” Pagpapakilala ni Slater rito at sa kasama niyang babae. Sabi nito saka isa-isang pinakilala ang mga kasama niya…huling pinakilala ni Slater si Tin…

“Tin? As in Christine Rodriguez?” Gulat na tanong ni Jacob kay Tin nang ipinakilala ito ni Slater.

Tila nagulat naman si Tin nang banggitin muli ng lalaki ang pangalan niya. “uh, yes? Bakit?” nagtatakang tanong nito.

Biglang napatawa yung lalaki. “Hahahaha! I didn’t think you’d come here…especially not with Slater.” Sabi nito kay Tin..

“Bakit naman?” tila natatawang tanong ni Tin.

Napapansin ni Slater na mukhang mabubuko ito ni Jacob kaya dali dali niyang iniba ang usapan… “Pare, uminom ka na lang…” binigyan ng shot glass si Jacob. “Erica, pagsabihin mo tong boyfriend mo, wag masyadong work-a-holic. Hahahaha!” biro niya rito.

“Hay naku, Slater…Kung alam mo lang..anyway Slate, we need to go na…there’s a reunion with old friends kasi downstairs…hiramin ko muna tong kaibigan mo..” paalam ni Erica rito.

“O sure…Pare, thanks again for the invites…” sabi ni Slater sa kaibigan niya.

Ininom ni Jacob yung inalok na alak ni Slater sa kanya saka nagsalita. “No problemo! Sabihan mo lang ako…anytime, pwede kayo rito. Sige preng, baba muna kami…Later!” Paalam niya kay Slater. “Enjoy the night guys, kung may kailangan pa kayo, tawagan niyo lang si Borj…And by the way Tin, nice to finally meet you.” Sabi nito kay Tin kasabay ang isang kakaibang ngiti.

Pagkaalis ni Jacob at Erica ay hindi mapigilang magtanong nina Gab.

“So, dito ka pala naglalagi ka. Di ka lang man nang iimbita.” Sabi ni Gab kay Slater.

“Hay naku Babe…Walang dapat pang hinayangan..Look at the girls, halos wala nang saplot…baka ma-poison pa yang mga mata mo.” Saway ni Martina sa fiancé niya.

“Sobra naman kayo…decent naman mga tao rito. Pero di talaga maiiwasan mga pasaway minsan…pero tolerable naman.” paliwanag ni Slater sa mga ito.

“If I know, ineenjoy mo naman..” biglang hirit ni Tin out of nowhere sabay sip sa kanyang drink.

Hindi na muling nagsalita si Slater at sa halip ay uminom na lang ng whiskey…Maya maya lamang ay nagyaya si Ivan na sumayaw…

“Guys, let’s dance!!!!” sabi nito sa mga kasama na agad namang pumayag sa alok nito…

Tanging si Slater ang nagpaiwan sa itaas dahil wala raw ito sa mood na sumayaw kung kaya’t pinanood na lang niya mula sa 2nd floor ang mga kasama habang sumasayaw…kitang kita niya na sobrang magkalapit sina Tin at Ivan habang sumasayaw ang mga ito at minsan niyang nakitang sumulyap sa kanya si Tin habang sinasayawan nito si Ivan…Lalong humigpit ang hawak nito sa kanyang baso nang sa di inaasahang pagkakataon ay na out of balance si Tin at napayakap ito kay Ivan…Tumalikod si Slater saka inubos ang laman ng baso niya at pilit na itinago ang kanyang pagseselos….

Samantalang pagkatapos ma out of balance ni Tin at napayakap ito kay Ivan ay inayos niya ang sarili, saka ito lumingon sa gawi ni Slater…Medyo kumirot ang puso niya nang makitang may babaeng lumapit at nakahawak sa braso ng dating kasintahan…Ilang minuto ring nakatitig si Tin sa gawing iyon nang mapansin ito ni Ivan.

‘Hey Tin….Tin, are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Ivan rito.

Biglang inalis ni Tin ang mata niya kay Slater at saka ngumiti kay Ivan. “Ah, Oo…nahilo lang siguro ako…” alibi ni Tin rito.

“Are you sure?” tanong muli ni Ivan.

“Yep…punta lang ako restroom, sandali.” Paalam ni Tin sa kaibigan saka nagtungo sa restroom…

Samantalang nagpasiyang bumalik sa table nila sa itaas si Ivan…Nakasalubong pa nito ang isang babae na kagagaling lamang sa may pwesto ni Slater…Nilapitan niya ito saka napahawak sa railings ng palapag na iyon..

“Enjoying the night, dude?” tanong ni Ivan rito.

“Yep. Booze.Friends.Music. What’s not to enjoy?” Simpleng sagot ni Slater rito.

“Yeah right…” matipid rin nitong sagot.

Ilang minuto ang lumipas nang muling magsalita si Slater.

“How well do you know Tin?” biglang natanong ni Slater rito.

“Well, we basically share almost everything…I mean…Not as much closeness as you’ve had before…But I’m happy with it.” Makahulugang sagot ni Ivan kay Slater.

“Dude---” magreresponde nasanasi Slater nang biglang magsalita si Ivan.

Humarap kay Slater. “I know what happened between you and Tin before…She told me everything she went through before and after that supposedly fairytale wedding…If you’re going to play the role of the psychotic ex-boyfriend who will do everything to make her life miserable, then I will tell you this. Don’t even think about it…You’ve done enough damage to her heart. To her life…Let her be happy with herself or with someone else. If you’re going to do something for Tin, make sure it something that would not hurt her because it wasn’t easy fixing the heart you left broken.”

Ito ang mga katagang tumagos sa puso at isipan ni Slater…Hindi niya akalaing may lalaking mas hihigit pa sa kanya para kay Tin…ito ang hindi niya na-realize nung panahong iniwan niya ang babaeng mahal niya sa ere nung araw ng kasal nila…ito ang hindi niya napaghandaan nung panahong iniwan na siya ni Tin at nakita niyang masaya ito ng wala siya.

Nasa kalagitnaan ito ng kanyang pag iisip nang bigla siyang tinapik ni Ivan para maupo na dahil bumalik na sina Tin, Gab at Martina sa table nila…

“Grabe, ang tagal kong hindi nakasayaw..hahahaha!!” Sabi ni Martina habang pinapaypayan ang sarili niya gamit ang kanyang kamay.

“Eh babe, kapag kinasal tayo, sayawan mo ako ha.” Nakangiting sabi ni Gab rito.

“Magtigil ka nga, baka marinig ka nila..” saway ni Martina sa fiancé niya.

“Kuya, kadiri ka!” Dagdag ni Tin rito.

“Tse!” sabi ni Gab sa kapatid sabay pinandilatan ito ng mata…

Ilang sandali lang ay nagpaalam si Slater na bababa raw muna ito…at ilang minuto rin ay nagpaalam narin si Ivan dahil kailangan niyang magising ng maaga bukas para samahan ang mamita nito na magsimba…Inihatid ito ni Tin sa labas ng main entrance ng bar…

“Are you sure kaya mo pang magdrive? Nakainom ka na..” Nag-aalalang tanong ni Tin kay Ivan.

“Yep…I’m still sober no…I’ll just text you when I get home…also, let me know when you do…take care, okay?” sabi naman ni Ivan rito..

“Hehehe I will..Byeeee” Nakangiting paalam ni Tin

“Bye Tinney! And tell Slater I left na…and say thank you to him forme.” Hirit ni Ivan saka hinalikan si Tin sa pisngi at nagtungo na sa kanyang sasakyan…

Pabalik nasanasi Tin sa loob ng bar nang makasalubong nitong muli si Jacob na papasok rin sa loob…Tinawag nito si Tin…

“Hi Tin! How do you like the place? ” Bati ni Jacob rito.

“O, Jacob…Maganda…yung design ng club pati interiors…very homey and elegant…good job…” puri ni Tin sa bar nito.

“Well, thanks to your loverboy at na-achieve namin ang dream bar na ito…” sabi ni Jacob kay Tin.

“What do you mean?” Nagtatakang tanong ni Tin.

“Well, this is Slater’s design…and yung furnitures and other details ng bar, siya rin may gawa…not only that he has the best people but he also has a brilliant mind when it comes architecture interior design ideas…I’m surprised you didn’t know.” Kwento ni Jacob.

Tila nagulat naman si Tin rito…alam niyang magaling gumuhit si Slater dahil madalas nila itong gawin noon, pero nagulat ito nang malaman na pati ibang details ay kay Slater rin nanggaling…

“Anyway, I hope I see you more often here…I know you don’t drink much but I do hope you can drop by again soon.” Nakangiting dagdag ni Jacob.

“Wait…earlier, may sasabihin ka dapat pero hindi mo tinuloy…what was that about?” nagtatakang tanong ni Tin..

“Ah..wala yun…kalimutan mo na…baka magalit si Slater..Hahahaha!” natatatawang tanggi nito kay Tin.

“Hindi nga…Promise, I won’t tell him…we’re not in the best speaking terms anyway.” Pagpipilit ni Tin.

“Well…just don’t tell him I shared this one…But did you know this was his first project after you left the country? It took us almost a year before we finally convinced him to do this with us…He’d be here straight from work then comes home drunk but still manages to drive himself home without a scratch on the car…He’d party with different girls but never did he brought anyone home to meet her parents or even take someone on a real date or even to bed. For 2 straight years…on your supposedly wedding anniversary, he’d be on that same 2nd floor, drinking all by himself…He would never talk about it unless he gets drunk and none of our friends would ask him about you…Pinagsisihan talaga niya yung araw na yun Tin…and I think he was really sorry for what he did.”

Hindi alam ni Tin kung anong mararamdaman niya nung mga oras na yon…parang gustong tumulo ng mga luha niya pero pilit niya itong pinipigilan…hindi siya makapagsalita, hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya…Pilit niyang iniisip na kasalanan ni Slater ang lahat…na siya lamang ang nasaktan…na walang pinagsisihan si Slater….

Pero…..

Sa loob nito ay tila hindi pa niya nililimot ang pag-ibig na namagitan sa kanilang dalawa noon…kahit anong pagtanggi niya ay pilit na bumabalik sa kanya ang nakaraan…ang nakaraang pilit niyang kinakalimutan…

Bandang alas dose ng gabi nang magpasyang umuwi ng apat mula doon sa bar…Nakapagmaneho pa si Slater habang tulog na tulog sa backseat sina Martina at Gab…wala namang nagawa si Tin kundi maupo sa front seat dahil naunahan ito ng kapatid niya nung pasakay pa lang sila ng sasakyan ni Slater.

Binalot ng katahimikan ang naging biyahe nila pauwi…tila nagpapakiramdaman silang dalawa…marami silang gustong sabihin pero walang gustong magsalita hanggang sa makarating sila sa tapat ng bahay nina Tin…Bumaba si Slater para magpaalam sa mga kaibigan…Medyo nakainom na si Gab na siya namang inalalayan ni Martina…Papasok na sana ng sasakyan si Slater ng tinawag ito ni Tin.

“Roxas. Thank you for bringing us home.” sabi nito kay Slater.

“No problem.” Walang emosyon na sagot nito kay Tin.

Tatalikod nasanamuli si Slater nang magsalita ulit si Tin.

“And for the Pink Peonies.” Dagdag ni Tin rito saka dali daling pumasok sa loob ng bahay nila.

Tila natigilan naman si Slater nang marinig ang kaunting kalambutan sa tono ng pananalita ni Tin nang banggitin nito ang Pink Peonies na ibinigay niya bilang welcome gift kay Tin…Napangiti si Slater saka ito sumakay ng sasakyan niya at nagdrive pauwi sa kanila…

Ang hirap parusahan ni Kuya…Lalong lalo na kapag nakita mo na ang dimples niya at naalala mo ang sweet moments nila ni Tin…waaaaaaaaaaaaaah!!! Sana mapanindigan ni Tin ang feelings niya against Slater at anong gagawin ni Slater…titigilan na kaya niya si Tin o patuloy niya itong susuyuin…Abangan……. J

Continue Reading