Kanina pa ako tahimik habang pinagmamasdan si Travis na nakikipag kwentuhan sa kanila Dave at Jay.
Mahilig din kasi pala si Jay sa music. May banda raw siya at tumutugtog sila sa isang maliit na bar. Si Dave naman mahilig mag basketball, ayun yung mga similarities nila ni Travis kaya sila nagkakasundo ngayon.
Parang kanina lang takot na takot sila kay Travis ngayon parang nalimutan na nila na leader ng Blue Fire ang kaharap nila.
Kanina pa ako out of place sa kanila pero ayos lang naman. Masaya akong nakikita si Travis na napapalapit sa mga taong malapit din sa akin.
"Fate sagutin mo na si Boss Travis" Napatigil ako sa pagnguya ng kinakain ko ng sabihin ito ni Jay.
" Ayos lang Jay, hindi naman ako nagmamadali. Saka alam kong sa akin pa rin siya babagsak" Nakangiting sabi ni Travis habang nakatingin sa akin at habang itinitaas baba ang kilay niya.
" Naman boss bagay Kayong dalawa" Sabi ni Dave habang punong puno pa rin ng pagkain ang bibig niya.
"A Badboy who fallen in love with a good girl"Sabi ni Jay.
" Parang Devil and Angel ganun!" Sabat ni Dave.
Napatigil sila sa pagtawa ng biglang napalakas ang pag bitaw ni Travis sa tinidor niya. Seryoso ang mukha niya habang kagat kagat ang ibabang labi niya.
Nagkatinginan kami nila Jay, sigurado akong pareho ang iniisip namin.
Galit ba sa Travis dahil sa sinabi ni Dave?.
Nakatingin silang dalawa sa akin na parang humihingi ng tulong.
" B-Boss h-hindi k-" Napatigil si Dave sa pagsasalita ng sumenyas si Travis.
Agad ko naman siyang hinawakan sa balikat.
" Ikaw kasi!" Bulong na sabi ni Jay at siko kay Jay.
" Hmmm.. I like it! A Devil Fallen in love with an Angel" Nakangiting sabi ni Travis.
Sabay na nakahinga ng maayos sina Dave at Jay. Pati na rin pala ako, saka ko na realize na kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga ko dahil sa kaba.
" Maganda diba?" Tanong ni Travis.
" Ahh.. Oo hehehe" Sagot ni Jay.
" Ako nakaisip nun boss." Sabi naman ni Dave. Sabay punas sa noo niyang namamawis kanina dahil sa kaba.
" Thanks Dave" Sabi ni Travis.
Napatingin ako sa kanya, Thanks? Nag thank you sa ng ganun nalang?. Akala ko wala rin yun sa vocabulary niya.
" Hey Bestfriend!! Your handsome Bestfriend is here! Miss me?" Napalingon kami sa nagsalita.
" Sino ka naman para mamiss namin?" Sabi ni Travis.
Kita mo na, kanina ang bait bait ngayon ang sungit sungit.
" I'm talking to Fate not on you Travis Lawrence" Sagot nito kay Travis.
" I miss you Bestfriend Andrew" Nakangiti kong sabi.
" Tsss.." Rinig kong sabi ni Travis.
" I miss you too Bestfriend" Sagot ni Andrew habang aakmaing yayakapin ako.
" Stop!" Sabi ni Travis sabay bitaw ng hawak niyang kutsara at Tinidor.
" What!?" Naguguluhan na tanong ni Andrew.
" You don't need to hug her! Sapat na yung sinabi niyang namiss ka niya." Sabi ni Travis.
" Hmm.. Someone is Jealous huh!" Nakangising sabi ni Andrew.
" Hi! I know you already know me" Sabi ni Andrew kila Dave at Jay.
Agad naman silang nakangiting tumango.
" Ang yabang tss.." Sabi ni Travis.
" Hey Bestfriend Fate" Sabi ni Gray mula sa malayo. Agad ko ring natanaw si Mark nang bigla siyang umakbay kay Gray.
" Gray can you stop shouting! Nasa restaurant tayo. Baka malugi kami dahil sayo." Sabi ni Andrew.
" Drew, presence ko palang sa restaurant niyo nakaka swerte na" Sagot ni Gray.
" Hi Bestfriend miss you" Nakangising sabi ni Gray ng bumaling siya sa akin.
Sabay silang nag unahan ni Mark para yakapin ako ng humarang si Andrew.
" Ano ba Drew!?" Sabi ni Mark.
" Tumigil kayo, kanina pa umaapoy sa galit yang si Travis baka mag super saiyan na talaga yan." Sabi ni Andrew.
" Oh! Ow! Atras na tayo Mark" Sabi ni Gray.
" So, can we eat with you guise?" Tanong ni Gray.
" Actually tapos na kami Bestfriend" Sabi ko.
" Huhuhu! Hindi na nila tayo hinintay" Sabi ni Mark habang pinapalo si Gray sa balikat.
" We did not know you were here" Sabat ni Travis.
" Now you know hahah!" Sabi ni Gray.
" We're here for you Trav we need to talk" Sabi ni Andrew.
" Lets talk Daddeh!" Sabi ni Mark. Agad naman siyang tinapunan ni Travis ng masamang tingin.
" Oopss kumain na nga lang tayo" Sabi ni Mark sabay hila kay Gray papalapit sa bakanteng upuan sa tabi nila Dave at Jay.
" Can we sit?" Tanong ni Mark. Agad namang umuo ang dalawa.
Abat magalang na pala ang dalawang to. Dati naman umuupo na sila agad, pake nila sa mga taong nasa paligid nila.
" About what Drew?" Tanong ni Travis.
" Its about Serpent" Napatingin ako kay Travis na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.
Serpent ngayon ko lang ulit narinig ang pangalan na yun.
Umiba ang awra ng mukha ni Travis.
" Lets talk about it in my room! " Sabi ni Andrew.
Tumango naman si Travis.
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming tumayo.
" Gray, Mark lets go! " Tawag ni Andrew.
" How about them? " Tanong ni Mark.
" They will go with us. Don't worry i already know everything about them." Sabi ni Travis.
"Background check huh!" Sabi ni Mark.
Ngumiti ako saka sinenyasan sina Dave at Jay na sumunod sa amin.
Sa pinaka dulo or 7th floor ang kwarto ni Andrew. Hindi ko alam na may room pala siya dito sa Hotel and Restaurant nila.
Nakaupo lang kaming tatlo nina Dave at Jay habang nanonood ng Netflix. Sina Travis naman ay nasa isang mesa di kalayuan sa amin. Nakapalibot silang apat dito habang nag uusap. Si Gray ay nakaharap sa isang laptop, si Mark ay focus na nakatingin sa isang papel na hawak niya at sina Travis naman at Andrew ang nag uusap habang itinituro ang mga papel sa mesa.
" Ang cool nila no!" Sabi ni Jay sabay kuha sa popcorn na hawak ko. Ako yung nasa gitna nilang dalawa.
" Bakit cool?" Tanong ko sabay lagay din ng popcorn sa bibig ko.
" Para silang nasa movie yung mga gangster gangster tapos mag iisip sila ng mga plano para mapabagsak ang kalaban. Diba ang cool?" Sabi ni Dave.
Natawa nalang ako sa sinasabi nila.
Pagkatapos nilang mag usap ay umalis na din kami sa hotel.
Pansin kong hindi papunta sa bahay ang tinatahak namin.
" Trav may dadaanan ka pa ba?" Tanong ko.
" Punta muna tayo ng Mall" Sabi niya habang madalian akong tiningnan.
" Sasama ba kami boss?" Tanong ni Dave.
" Yes, of course" Sagot ni Travis dahilan para magsaya ang dalawang nasa backseat.
Ngayon ko lang na gets kung bat pinasabay ni Travis tung dalawa sa amin eh may mga motorcycle na naman sila.
Saka kung bat naka kotse na kami eh naka motor naman kami kanina.
Nakakapagod siguro mag trabaho para kay Travis, bigla bigla nalang tatawag para magpahatid ng sasakyan.
Pagdating namin sa mall ay agad kaming pumunta sa mga bilihan ng damit.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong andito din sina Gray at abalang pumipili ng damit kasama Mark at Andrew.
" Bestfriend!? Nandito rin kayo? What a coincident!" Sabi ni Mark.
" Akala namin uuwi na kayo?" Sabi ni Andrew.
" Shut up Gray at Drew alam kong nakasunod lang kayo sa amin" Sabi ni Travis.
" Opss.. Hahaha" Tumatawang sabi ni Gray.
" Namimis lang namin ka bond si Bestfriend Fate. Ang unfair mo naman kasi Trav gusto mo ikaw lang lagi kasama niya." Sabi ni Mark.
" Ttssss.." Rinig kong sagot ni Travis.
" Go get everything you want. I'll buy it for you" Mahinahong sabi ni Travis kila Dave at Jay.
Agad namang nagsitakbuhan ang dalawa patungo sa magagandang sapatos.
" Trav parang andami mo na atang nagasto sa araw na to." Sabi ko.
" Its ok Myloves, i have a black card" Sabi niya Sabay pakita ng black card niya at kindat.
" Wait! Did you just call her myloves?" Sabi ni Gray.
" Yup!" Sagot ni Travis.
" Hindi pa naman kayo ah!" Sabat ni Andrew.
" Magiging kami rin, that's our future callsign. Right Fea Myloves?" Tanong niya sakin.
" Ahmm tulungan ko lang sina Dave mamili ng damit" paalam ko sabay alis.
" Hahaha ang corny mo kasi Travis Lawrence" Natatawang sabi ni Mark.
" Take care myloves " Sigaw ni Travis napapikit nalang ako habang patuloy sa paglakad papunta kila Dave.
Ang daming binili nila Jay at Dave. Namili na rin ako para sa mga mama nila at kapatid na babae. Sana nga lang mag kasya sa kanila.
Pagkatapos naming mamiling tatlo ay bumalik na kami sa kung saan sila Travis namimili.
" I want to buy this one" Sabi ni Gray habang hawak hawak ang kulay black na shades .
" Bestfriend Fate i want to buy this for Katherine. What do you think?" Sabi ni Mark.
" Ang ganda Bestfriend! I'm sure she will like it" Sagot ko.
" Trav wala ka bang gustong bilhin?" Tanong ko.
" Wala akong gusto dito! Oh meron pala" Sagot niya.
" Asan? Bilhin natin." Sabi ko.
" Ikaw" Halos maubo ako sa sagot niya. Bat ba ako nabibilaukan sa sarili kong laway.
" Eh!? Ang cringe mo Travis Lawrence" Sabi ni Mark.
" Bestfriend hindi yan nagsusuot ng damit na nabibili lang dito" Sabat ni Andrew.
" Yup! Andrew is right. Mga damit niya galing lahat sa ibang bansa" Sabi ni Gray habang sinusukat ang isang shade.
" Wow! " Rinig kong sabi nila Dave at Jay sa likuran ko.
" Thats not true! Nagsusuot ako ng damit na nabibili dito!" Dipensa niya.
" Oh yeah! Pambahay nga lang." sabat ni Mark na hangang ngayon namimili ng damit para kay Kath.
" Ano? Pambahay mo lang ang mga damit na ganito!?." Gulat kong sabi.
" Yes, Told you nagsusuot pa rin ako." Sagot niya.
" Wow! Sa ibang bansa binibili mga damit niya" Sabi ni Dave.
" Bestfriend Gray sayo nato!" Sabi ko sabay abot ng polo na kanina ko pa hawak.
" Hindi ako bibili Bestfriend" Sagot niya.
" Ok lang nabayaran ko na yan." Sabi ko.
" What? You buy him clothes?" Medyo iritadong sabi ni Travis, hindi ko siya sinagot at nagtungo kay Mark para tulungang mamili ng damit para kay Kath.
" Fea how about me!?" Tanong niya ulit.
" Hindi ka naman kasi nagsusuot ng nabibili lang dito" Sabi ni Gray.
" Boss binili po talaga yan ni Fate kanina para sa inyo." Rinig kong sabi ni Dave.
Kahit kailan talaga to si Dave!.
" Narinig mo yun Gray its for me" Sabi ni Travis.
" Pero hindi ka nga kas-"
" Shut up Gray its mine" Pagpuputol ni Travis sa kanya.
" Ang sarap pikonin" Natatawang sabi ni Gray.
" Ok sayo na. Sana all sa inyong dalawa" Dagdag ni Gray.
" Thanks for this Fea!" Mahinahon na sabi ni Travis.
Lumingon ako sa kanya.
" Pero diba hindi ka naman nagsusuot ng ganyan bigay mo nalang kay Bestfriend Gray" Sabi ko.
" Hindi mo naman kasi yan masusuot sa bahay" Dagdag ko.
" What? No way. Binili mo to para sa akin" Sagot niya.
" Mabubugbog ako ng wala sa oras nito. Bat ba ako nadadamay." Rinig kong sabi ni Gray.
" Ayaw ko namang napipilitan ka lang Travis." Sabi ko.
" Hindi ako napipilitan Fea! I can wear anything kung galing naman sayo" Sagot niya.
" Weh? Kahit Panty pa yan?" Sabat ni Mark.
" Shut up Mark " Sagot ni Travis.
" I'm sorry!" Seryoso niya akong tiningnan.
Rinig kong sabay na naubo sina Mark, Drew at Gray.
" i will wear this i promise. From now on mag susuot na ako ng kahit ano." Sabi ni Travis.
" I'll buy you dress Trav" Sabat ni Andrew.
" Pero hindi pag galing sa inyo" Sagot ni Travis sa kanya.
" Hindi mo naman kailangan gawin yun Trav, kung mas comfortable ka sa mga damit na galing sa ibang bansa ayos lang sa akin. Hindi mo naman kailangan baguhin ang sarili mo." Sabi ko.
" You always change me for the better, kaya ayos na ayos lang." Sagot niya.
" Ahem. Bat ang drama na? " tanong ni Gray.
" Kung MMK lang to sigurado akong polo ang magiging title nito." Sabi ni Andrew.
Tinapunan sila ni Travis ng masamang tingin.
Pagkatapos naming mamili ay sabay sabay na kaming pumunta sa parking lot.
Andun na rin ang mga motorcycle nina Dave.
Nakita ko rin ang pitong mga lalake na naka suot ng jacket na may logo ng blue fire.
" Boss Travis maraming maraming salamat sa lahat" Nakangiti na sabi ni Jay.
" Sobrang salamat po Boss" Sabi din ni Dave.
" Welcome" Sagot ni Travis.
Kita ko yung paglaki ng mga mata ng mga Bestfriends ko habang pinipigilang matawa.
" Tamang tama Birthday ng papa ko bukas may pang regalo na ako sa kanya." Sabi ni Dave.
" Celebrate your fathers birthday in our restaurant. Pumunta ka lang dun i will tell the manager to assist you" Sabi ni Andrew.
" Talaga? Thank you boss Andrew" Masayang sabi ni Dave.
Tumango lang si Andrew.
Umalis na sila sakay ang kani kanilang motorcycle. Nakangiti akong kumakaway sa kanila.
" Uuwi na kami ni Fea, kayo di pa kayo uuwi?" Tanong ni Travis kila Andrew.
" Kila Fate kami matutulog ngayon" Sabi ni Mark. Dahilan para mapatingin kami ni Travis sa kanya.
" What? Ryan told us, kayo lang dalawa mamaya diba Bestfriend?" Tanong ni Mark.
" Oo out of town na naman sila Daddy saka si nanay Tising nasa probinsiya kasal ng anak niya." Sagot ko.
" Why didn't you tell me?" Tanong ni Travis sa akin.
" Sasabihin ko naman nawala lang sa isip ko." Sagot ko.
" Matutulog din ako sa inyo" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at lakad papunta sa kotse niya.
" Parang di ka na masyadong makakapag motor ngayon Trav ah! Akin nalang yun." Natatawang sabi ni Gray.
" In your dreams" Sagot ni Travis sabay bukas ng pinto ng kotse para makapasok ako.
30 minutes lang nakarating na kami ng bahay. Nagpaalam si Travis na magbibihis lang sa kanila kaya naiwan sa akin tung tatlong makukulit.
Nakadala na pala sila ng damit pantulog. Feel at home pa silang nag shower sa kwarto ni kuya. Masakit yung ulo ko kaya sabi ko if pede mag order nalang kami ng makakain pero nag presenta silang magluto.
Kaya raw nila at mag relax lang ako dito sa sala. Pero ewan ko sobrang kinakabahan talaga ako kasi kanina pa sila nagtatalo at sumisigaw sa kusina. Ayaw naman nila akong papuntahin dun.
" Mga Bestfriend baka kailangan niyo tulong ko?" Tanong ko sa kanila.
" Ayos lang Bestfriend kaya namin to don't yah worry" Sagot ni Andrew. Nakukuha na talaga niya kaingayan ni Mark at Gray.
Bumalik nalang ako sa pagkakahiga sa sofa ng may nag doorbell kaya agad ko itong binuksan.
" Hi Bestfriend " Salubong ni Kath sa akin sabay halik sa pisngi.
Sunod sunod silang bumeso sa akin, sina Kaden, Ziah ate love at pitik sa noo mula kay Kuya Ryan. Agad na umakyat ang mokong papuntang kwarto niya. Siguro ay magbibihis yun.
" B-bakit kayo nandito?" Tanong ko.
" Surprise! Your beautiful sochan is here!"Malakas na sabi ni Elyza habang papasok. Niyakap niya ako ng mahigpit saka umupo sa tabi nila Ziah.
" Anong meron? Bakit andito kayong lahat?" Tanong ko.
" Bonding! Ang tagal na natin tung di nagagawa" Nakangising sabi ni Ate Love.
Nagmamadaling lumabas si kuya habang sinusuot ang white T-shirt niya.
" Moo? Bat ka ba nagmamadali?" Tanong ni Ate Love.
"May pupuntahan lang ako sandali! Basta sa bahay lang kayo" Sabi ni Kuya sabay halik sa noo ni ate Kyesha.
Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang makalabas ng pinto.
" Mali kasi yan!!"
" Nasusunog na kasi kunin mo na!"
" Ayaw ko nga matamaan pa ng mantika ang gwapo kong mukha"
Nagkatinginan kaming lahat dahil sa mga sigawan na narinig namin mula sa kusina. Sabay sabay kaming pumunta roon, napatigil sila Andrew sa ginagawa nila.
Rinig ko ang pagpipigil ng tawa nila Kaden. Ang kalat kalat ng kusina at ang dungis dungis nila.
Dali dali kong pinatay ang stove at kinuha ang sunog na prito nilang isda.
" Ano nga ulit yun Bestfriend Drew? Don't yah worry!" Sabi ko.
Ngumiti lang siya saka nag peace sign.
" Cup cake stop! Wag mo nga kaming kunan ng litrato" Sabi ni Mark.
" Hahaha remembrance lang! Nakakatawa mga itsura niyo" Tumatawang sabi ni Kath.
" Maligo na nga kayo. Kami nalang magliligpit sa mga kinalat niyo" Sabi ni Ate Love.
" Gosh buti nalang di nasunog bahay nila sochan" Sabi ni Elyza.
" Kaya naman talaga namin magluto kung hindi lang tumatalsik yang mantika" Sabi ni Gray.
" So ano ang mantika pa mag aadjust ganun?" Tanong ni Ziah.
" Yan ang nagpapatunay na pati mantika gustong dumikit sa gwapo kong mukha." Sabi pa ni Gray.
" Inudnod kita sa kawali usto mo?" Inis na sabi ni Ziah.
" Grabeh ang gwapo nga" Natatawang sabi ni Kaden sabay pakita sa nakuha niyang litrato kila Gray.
" Parang pulubi" Natatawang sabi ni Elyza.
" Gwapong pulubi. " Sabi ni Drew at nauna ng umakyat papunta sa kwarto ni kuya.
Sa huli nagluto nalang ako kahit masakit ulo ko. Alam ko naman kasing gustong gusto ng mga to ang home made food. Nagluto ako ng torta favorite nila, pakbet saka adobong manok.
Hindi naman ako iniwan ng mga kaibigan kong babae. Sila yung taga prepare ng niluto ko. Yung iba sa kanila naglilinis ng kalat ng tatlo kanina.
Paglapag namin ng mga pagkain sa mesa ay tama tamang dumating na si kuya. May kaonting sugat si kuya sa braso niya.
Sumunod sa kanya si Travis halos manginig ako ng makita may gas gas siya sa tuhod. Kitang kita ko yun dahil napunit ang maong na suot niya, may sugat din siya sa labi.
Agad ko siyang nilapitan maluha luha ko siyang tiningnan gusto kong itanong kong anong nangyari sa kanya pero walang lumalabas sa bibig ko.
Hinila niya ako papalit sa kanya saka niya ako niyakap.
" Moo A-anong nangyari?" Rinig kong tanong ni ate love kay kuya.
Ako naman ay tahimik lang na nakayakap kay Travis.
" Ayos lang ako! Please wag kang umiyak." Sabi ni Travis.
Nasa kwarto ko kaming dalawa ni Travis ngayon. Nakapgbihis na siya ng damit na dala niya at ginagamot ko na ang sugat niya.
Nakatitig lang siya sa akin habang gingamot ko siya.
" Anong bang nangyari? Please wag kang magsinungaling." Sabi ko.
" Hindi ako magsisinungaling pero I'm sorry myloves hindi ko sasabihin" Sabi niya habang nanatiling nakatitig sa akin.
Bumuntong hininga ako.
" Irerespeto ko yan Travis pero please sana di na to maulit." Sabi ko sabay tatayo ng hinila niya ako papalapit sa kanya saka ako niyakap mahigpit.
" Sorry kung napag alala kita"
Ang lakas lakas ng kabog ng puso ko ngayon parang gusto niyang magwala.
" Please sana di na to maulit!" Sabi ko sabay lingon sa kanya.
" Please Trav lumayo kana sa gulo" Dagdag ko.
Nakatingin lang siya sa akin saka ako hinalikan sa noo.
" Ahem! Kakain na raw" Napalingon kami kay Gray na nakasilip sa pinto.
" Takte ka talaga Gray!!" Inis na sabi ni Travis.
" Opxs.. Inutusan lang ako. Bilisan niyo gutom na kami" Sabi niya.
Katulad ng dati ay nag aagawan pa rin sila sa torta. Kahit kailan talaga hindi na nagkakasundo tung si Gray at Ziah. Paano kaya kung mahulog tung dalawa sa isat isa.
Pagkatapos naming kumain sina ate love na ang naghugas ng pinggan. Ang mga boys naman ay nagkekwentuhan sa sala. Inaantok man ako ay pinili kong makipag kwentuhan sa kanila.
Nakahiga si Andrew sa mga paa ko. Nasanay na ako na ganyan sila sa amin. Saka ayos na rin sa akin na maging ganito sila ka lambing sa akin, alam ko naman na nirerespeto at talagang kaibigan ko sila.
Pansin kong lahat sila ay nagtatawanan liban lang kay Andrew na nakapikit at parang natutulog habang nakahiga sa paa ko at kay Travis na hindi ko matindihan kong anong nasa isipan.
"Guise may mangga kaming dala gusto niyo?" Sabi ni Kaden.
" Mangga sa gabi? Iba talaga trip niyo" Sabi ni Mark.
"Mga babae talaga di maintindihan" Sabi ni Gray habang umiiling.
" Ayaw niyo di wag! Ang dami pang sinasabi." Sabi ni sochan.
" May dalaw ka ba Elyza? Bat ang init ng ulo mo." Tanong ni Kuya.
" Shut up Ryan!" Sabi ni Elyza sabay abot ng kustilyo kay Travis.
" Pakibalatan nga Trav." Sabi niya walang imik na kinuha ni Travis ang kutsilyo at nagsimulang magbalat ng mangga.
" Ganyan ba pag umiinit ang ulo may dalaw?" Tanong ni Gray.
" Yeah kaya wag kaayo magulo pag may monthly period ang babae" Sabi ni Ate love habang inilalapag nila ang sawsawan ng mangga.
" talaga? So ibig sabihin araw araw may dalaw si Ziah?" Tanong ni Gray.
Agad napatingin sa kanya si Ziah.
" Ikaw kanina ka pa!" Sigaw nito habang tumatayo. Agad ng tumakbo si Gray papalayo sinundan naman ng naiinis na si Ziah.
" Pupusta ako magkakatuluyan yang dalawa." Sabi ni Mark.
" Palagay ko rin" Sabi ko.
" Bat tahimik yang si Andrew?" Tanong ni Katherine.
" Bestfriend ayos ka lang ba? " Tanong ko habang hinahawakan ang noo niya.
" Ayos lang Bestfriend, pagod lang ako" Sagot niya .
" Sige pahinga ka lang" Sabi ko.
" Omg Trav may dugo!" Sabi ni Kaden.
" Gosh nasugatan siya." Sabi ni Kath.
Nakuha nila ang atensyon ko agad kong sinundan ng tingin ang kamay ni Travis. May sugat nga siya sa hintuturo.
" Bakit kasi si Travis pinag slice niyo eh may sugat pa nga sa tuhod at labi yan." Sabi ni Mark.
" Sorry naman mark! Oh ikaw na mag slice wala ka namang ginagawa" Sabi ni Sochan.
" Sorry Trav ha!" Dagdag niya.
" Its fine! Excuse me" Sagot nito sabay lakad papunta sa kusina.
" Psst" Napalingon ako kay kuya.
" Di mo susundan yun? Sundan mo bilis!" Sabi nito.
" Hayss ang manhid" sabi ni Kath. Habang umiiling at nakatingin sa akin.
Hindi ko sila maintindihan pero sinunod ko nalang sila.
" Drew excuse muna ako ha!" Sabi ko.
Tumango lang siya sabay kuha sa unan na inaabot ko.
Nadatnan ko si Travis na hinuhugasan ang nasugatan niyang daliri.
" Trav ayos ka lang?" Wala akong narinig sa kanya na sagot.
Agad akong lumapit sa kanya saka hinawakan ang kamay niya para makita ang sugat niya.
" Hayss nadagdagan na naman sugat mo " Sabi ko.
" Halika lagyan natin ng band aid." Dagdag ko.
" I'm fine fea!" Sagot niya.
" Hindi yan ayos tara na" Sabi ko.
" I said I'm fine" malamig niyang sabi.
" M-may problema ba? " tanong ko.
" Wala! Bumalik ka nalang dun" Sagot niya.
Alam kong meron pero ayaw ko nalang na mas tumaas tung pag uusap namin na parang mapupunta sa pagtatalo.
" O-okay!" Sabi ko.
Binitawan ko na ang kamay niya sabay talikod at lakad ng hinila niya ako pabalik. Niyakap niya ako ng mahigpit.
" Trav, ayos ka lang ba talaga?"
" I'm sorry nagseselos lang ako" Sabi niya.
" Kanino ka nagseselos? " Tanong ko.
" Sa inyo ni Andrew"
" S-sa amin? Pero wala naman akong ginagawa na masama diba?" Tanong ko.
" Yes, wala! Sadyang hindi ko lang kaya nakikita kang malapit sa iba." Sagot niya.
Kumawala ako sa yakap niya saka ko siya tiningnan.
" Wag ka na ulit magseselos ha! Wag ka na ulit magiging masungit sa akin"
" Hindi ko kaya na magtalo ulit tayo" Dagdag ko.
" I'm sorry myloves" sabi niya sabay halik sa kamay ko.
" Can i ask a favor? "
" Ano yun?" Balik kong tanong.
" Pwede bang wag kang lumayo sa akin at sa tabi lang kita" Sabi niya.
Mahina akong natawa saka ako tumango.
" Okay" Sabi ko.
" Tara na" Dagdag ko sabay hila sa kanya.
" Oh guise i forgot to tell you" Sabi ni kaden. Napatingin kami sa kanya ni Travis habang sabay na umuupo.
Humiga siya sa paa ko, sinusuklayan ko ang buhok niya gamit ang kamay ko habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Kaden na ngayon ay ngumunguya pa ng mangga.
Kita kong napatingin si Kath at kuya Ryan sa akin saka sila nag ngitian.
" Its about Samantha" Sabi ni Kaden sabay tingin sa akin. Silang lahat ay na sa akin ang tingin pati na si Travis.
Napaupo ang kaninang inaantok na si Andrew.
" Tuloy ba ang kasal nila?" Tanong nito.
" Hindi" Kami namang lahat ang nakatingin kay Kaden.
Naramdaman ko ang paghawak ni Travis sa kamay ko.
" Her dad is in Jail because of Drugs" Sabi nito habang kalmang kumakain.
" D-drugs? Paano siya nasangkot sa drugs?" Tanong ni Gray.
" Maya na kasi pagkain Kaden naghihintay kami" Sabi ni ate love.
" Drug lord ang daddy niya. Isa sa pinaka malakas at makapangyarihang drug lord sa pilipinas, manood kasi kayo ng news." Sagot nito.
" Owemji, so ngayon tanggal na ang kayabangan ng Samantha na yan" Sabi ni Katherine.
" Lahat ng investors nila nag pull out na sa company nila, kaya wala rin silang matutulong sa company namin like what mommy's plan kaya gusto niya ipakasal si kuya kay samantha."
" Saka ayaw din naman ni dad madamay sa ganoong issue kaya agad silang umurong sa kasal" Dagdag nito.
" O-okay!!" Sabi ni Mark.
" How about Samantha anong nangyari sa kanya? " Tanong nito.
" I don't know and i don't care." Sabi nito sabay kain ulit ng mangga.
" Kawawa naman si Samantha" Sabi ko.
" Gosh Seriously Sochan? after what she have done to you!" Sabi ni sochan sa akin.
Napatigil kami ng marinig naming may malakas na pagbato mula sa labas.
Agad tumayo si Travis kaya tumayo din ako. Nauna ng lumabas si Gray kuya drew at Mark.
" Drew, Mark maiwan kayo stay with the girls" Sabi ni Travis.
Agad naman silang tumangong dalawa.
Sa likuran pumunta si kuya Ryan si Gray naman ay sa may pool. Si Travis naman ay patungo sa may gate.
" Fea sa loob ka lang" Sabi nito.
" Ayaw ko" Sagot ko sa kanya.
" Baka mapahamak ka"
" Diba sabi mo hindi ako lalayo sayo, kaya dito lang ako." Sabi ko sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niya ng napaka higpit. Napabuntong hininga nalang siya.
" Basta wag kang lalayo hawakan mo lang ang kamay ko" Ngumiti ako saka tumango.
Sabay kaming lumabas ng gate, tahimik ang labas at wala namang tao.
May lalaking tumalon mula sa pader namin kaya agad itong hinabol ni Travis palabas hanggang sa daan. Pero agad itong nawala sa madilim na parte ng daan. Hindi na ito sinundan ni Travis dahil sa sumisigaw akong wag na.
Hinihingal niya akong nilingon
" Please bumalik ka na dito" Sigaw kong sabi, medyo malayo na kasi siya.
Kita ko ang pagbuntong hininga niya habang naglalakad pabalik sa kinatatayuan ko.
Malayo na siya sa akin habang ako nanatili lang naghihintay sa kanya sa harap ng gate namin.
Nanlaki ang mga mata ko ng may kulay itim na kotse ang humaharorot patungo ko kay Travis.
Nanginginig akong tinitingnan siya gusto ko mang ituro pero hindi makagalaw ang mga kamay.
" M-may kotse!!" Nauutal kong sabi.
Agad lumingon si Travis sa likuran niya pero huli na.
A/N
Hi purples I'm back again
Sorry po talaga sa slow updates so busy sa college life huhuh. Purples thank you for supporting my stories
8k reads na tayo, yeyyy magdiwang!
Please keep voting po every chapter of my story. 12 chapter left nalang yiie😁
Pagsusumikapan ko makapag update agad. Keep safe purples BORHAE💜GOD BLESS.
P.S Sorry for typo unedited pa to, saka ko nalang i eedit pag natapos ko na lahat😊