My Destiny is A Werewolf! [ON...

By Lady_Nayd

1.1K 57 4

Nakatingala ako sa bilog na buwan. Nakakatitig lamang ako sa buwan habang naririnig ko ang paghampas ng tubi... More

Prologue
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
9.
10.
11.
12.
13. Flashback Chapter 7 Pt. 1
14. Flashback Chapter 7 Pt. 2
15. Flashback Chapter 7 Pt. 3
NOT AN UPDATE!
16. Flashback Chapter 7 Pt. 4
17. In the Present Time
18. Continue of Flashback: The Prophecy
19. The Black Siren Kingdom
20. Prinsesa Ornisa

8.

61 2 0
By Lady_Nayd

Desmond POV

"Oceania!" Tawag ko dito bigla. At niyakap pabalik.

Anong ginagawa nya rito?

Bakit sya nandito?

Eto na ba yung tanong ni Dive sa akin?

Kelangan ko na bang mamili para makasama ko sya?

"Queen Aquarius bakit mo kayakap ang kuya ko?" Tanong na bigla ni Desi.

Queen Aquarius?

So it's her. Sya nga pero bakit hindi nya sinabi nung una palang na magkita kami?

"She's my mate Desiree!" Na kinagulat nilang lahat.

"Sagutin mo ang tanong ko Aquarius. Anong ginagawa mo dito? Hindi ka maaaring umalis ng karagatan. Hindi ka papayagang umalis ng karagatan ng matagal. Kelangan mo nang bumalik ng dagat ngayon rin!" Mahabang alintana ni Dive.

"Pinayagan ako ng dagat umalis. Wag kang mag aalala walang tsunami na mangyayari. Hindi ako hahabulin ng dagat." Sagot naman dito ng mate ko.

Na hanggang ngayon ay hawak ko pa din.

Wala na itong sinabi pang iba. Nakatingin lang si Dive sa amin ng seryoso.

"Umalis na kayo. At mag usap na." Sabi naman ni Dive. Utos nito na para bang alam na alam na may dapat kaming pag usapan.

Kaya naman dinala ko sya sa kwarto ko.

Oy ha! Wala kaming gagawing iba. Mag uusap lang. Mga utak ngayon ng mga readers iba din.

Umupo sya sa may dulo ng kama. At ako umupo sa sahig para mayakap ko sya sa bewang nya. Na hindi naman nya ako pinigilan.

"Hindi ko inaakala na kasama na kita. Alam kong panandalian lang ito." Sabi ko sa kanya.

"Wag na muna tayong mag isip ng ibang bagay. Ang mahalaga sa ngayon ay tayo. Ang isipin na muna natin yung ngayon na magkasama tayo. Kahit sandali lang gusto muna kitang makasama." Sabi nya sa akin. Habang hinahaplos ang buhok ko.

"Sa ngayon my mate. Magpahinga ka na muna. Halata sayo na pagod na pagod." Hiniga ko na sya sa kama. At wala pang minuto nakatulog na agad sya.

Nakatingin lang ako sa kanya. Habang natutulog na sya. Hindi pa din ako makapaniwalang andito na sya sa tabi ko.

Tumabi na rin ako sa kanya upang matulog na.

Kinabukasan agad agad mabilis ang timeline sa storya na ito. Wag na kayong magtaka.

Nagising ako na may nakayakap sa akin. Kaya bigla akong napamulat. Oo nga pala kasama ko na nga pala mate ko.

Unti unti syang nagigising.

"Good morning mate" bati ko sa kanya.

Ngumiti naman ito sa akin.

"Morning too!" I kissed her. Good morning kiss.

And she blushed.

Ang ganda nya talaga.

"Stop that. Let's have breakfast! I'm hungry. Maliligo lang ako." Paalam nya.

After nyang maligo i did the same too. I did my morning routine at sabay na kaming bumaba. Magkahawak ang kamay.

Pagdating namin sa dining. Andito na ang pack members ko na biglang nanahimik pagdating namin. Mukhang kumalat na sa pack ang pagdating ng mate ko.

"Good morning wolves!" Bati ng mate ko sa lahat. Napaka humble nya. Hindi mo aakalain na isa syang reyna.

"Ahm good morning too Queen Aquarius!" Bati nilang lahat.

"Stop that. Please don't call me Queen. Hindi kayo mga sireno o sirena para tawagin akong queen. Just Aquarius is enough." Sabi pa nya sa lahat.

"It's a way of respect to you my mate." Sagot ko bigla sa kanya. Of course, ngayon lang naman kami nakaantala ng isang reyna.

"I know pero mas gusto ko kung Aquarius nalang ang itatawag nyo sa akin." Ngiti nya sa aming lahat.

"Luna na lang po ang itatawag namin sa inyo." Sagot naman ni Arman

Tumango nalang ang mate ko at saka ngumiti sa kanila.

Ginaya ko naman sya sa upuan para makakain na kami.

Ng makauopo na kami. Hinainan ko naman sya.

"Ang tahimik nyo naman. Namimiss ko tuloy ang kaingayan ni Clave." Biglang komento ng mate ko.

"Hindi lang sila sanay na kasabay nila akong kumain ng umagahan." Sagot ko naman sa kanya.

"Kasi may inuuna mo pa ang trabaho mo kesa sa pagkain." Nagtaka naman ako paano nya nalaman.

"Wag ka ng magtaka. Alam ko lahat pagdating sayo. Mas uunahin mo pa pack mo kesa sa sarili mo." Sabi pa nya.

That's true. Basta para sa pack ko lahat ay gagawin ko.

"Kumain na tayo. Para mailibot na kita sa buong pack." Pagkasabi ko noon magana naman syang kumain at excited sa kung saan man kami pupunta ngayon. Ililibot ko lang naman sya e.

"Good Morning everyone!" Biglang bati ng mga bagong dating.

Walang iba kung hindi sina Dive.

"Morning Ate Aqua!" Bati ni Desi sa mate ko na ikinangiti lang nito.

Umupo na rin sila.

Umupo si Desi sa harap ni Aqua. Nag uusap lang sila ng kung ano ano. May mga tanong si Desi na sinasagot naman ng mate ko.

Dahil sa pagdating ni Desi nagsi ingayan na ang mga pack members na andito na. Alam ko naman na ginagamay lang nila ang mate ko kung paano nila pakikitunguhan.

"So kuya anong balak nyo ngayon ni Ate?" Tanong bigla sa akin ni Desi.

"Ililibot ko lang sya sa buong pack! If you want sumama kayo sa amin." Aya ko pa sa kanila.

"Nah! Hindi kayo makakapagsolo kapag sumama kami sa inyo." Birong sagot nya sa akin.

Biglang tumawa sina Dive and Aquarius.

"Uuwi na muna ako sa Oceana, Aquarius. Nasisiraan na ng bait si Clave." Biglang pagpaaalam ni Dive sa kanyang reyna.

"Mabuti pa nga. Pwede mong isama si Desiree para hindi ka mainip at biglang bumalik dito ng wala sa oras. At baka lalong masiraan ng bait si Clave." Sabi pa ng mate ko.

"Pwede akong sumama? Ate wala akong buntot.  Hindi ako makakahinga sa ilalim ng dagat." Sabi pa nya pero halata sa boses na excited.

"Kaya kong gawin kang sirena kung gugustuhin ko." Sagot naman ng mate ko sa kapatid.

"Ahm walang kapalit ate?" Tanong bigla ni Desi.

"Kapalit?" Kunot noong tanong ng mate ko.

"Yung katulad ni Ariel sa Little Mermaid? Ipinalit nya yung boses nya para sa mga paa nya." Sagot naman ni Desi.

Napatawa naman sa kanya yung dalawang taong dagat.

Sumimangot lang kapatid ko.

"Walang ganon sa amin desi. Hindi na kailangan ng kahit anong kapalit basta magsabi ka lang sa reyna. Tutuparin na nya kahilingan mo. Basta ba wala kang hangarin na masama." Sagot naman ni Dive sa kapatid ko.

Iiling iling na lang si Aqua.

"Pwede kaming sumama kapag nagpalit anyo na sila Luna? Gusto sana namin makita kung paano kayo nagpapalit anyo." Tanong ni Archie.

"Oo naman!" Magiliw na sagot ng mate ko.

"Ngayon na kayo umalis at mababaliw na si Clave. Kapag nagtagal pa kayo." Sabi pa nito.

Kaya naman mga ilang oras lang ang lumipas inihahatid na namin sila sa falls.

Hinawakan lang ni Aqua si Desi at umangat lang ang kapatid ko sa ere at naging sirena na ito.

Mangha naman kaming mga nanunuod.

"Wow! Second time ko palang to ginawa." Biglang komento ng mate ko.

"Second time?" Tanong ko sa kanya.

"Yup, sa kababata ko unang ginamit ang kapangyarihan kong ito." Sagot nya sa akin.

"Kay Clarence?" Tanong ko pa dito.

"Hmmm kay rencie. Pwede ba natin syang bisitahin. Hindi ko pa ulit sya nakikita eh. Si Arthuro na kita ko na nung nakaraan. Baka magtampo yun kapag nalaman na nagkita kami ni Arthuro tapos sya hindi, okay lang ba?" Paliwanag nya pa.

"Sige. Ipakilala na rin kita sa iba ko pang kaibigan. Kina Alpha Brent tayo para malapit sa dagat. Kung saan tayo unang nagkita."

Sumang ayon naman sya sa akin. Pinagpatuloy na namin ang paglilibot sa pack. Pinakilala ko na rin sya sa pack members as my Luna. At masaya naman nilang tinanggap ang mate ko.

Clave's POV

Andito ako ngayon kasama ang mga palace guards ng biglang may tumawag sa akin.

"Clave!" Pagtingin ko sa tumawag sa akin. Si Dive kasama ang destiny nya.

"Dive anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito.

"Ako na muna ang bahala dito. Ililibot ko lang din Desi sa buong Oceania. Pwede ka munang umalis. Habang andito pa kami."

Hindi na ako sumagot at umalis na nga ako. Baka magbago pa ang isip nun. Kaya nagmamadali na akong umalis pumunta sa dalampasigan kung saan ko unang nakita ang destiny ko. At walang duda tama nga ako dun ko ulit sya makikita.

"Kailan kaya ulit kita makikita Clave?" Biglang sabi nya sa kawalan. Nakita ko namang bigla syang tumalikod para sana ata umalis na.

"Pwede naman ngayon mo na ako makita Clarisse." Sagot ko naman pabigla dito.

Gulat na gulat na humarap ito sa akin.

"Paanong? Wala namang tao sa paligid. At hindi ko naramdaman na may parating." Tanong nya sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya.

Someone's POV

"Malapit na akong makaalis sa katawan mong ito mahal na hari! HAHAHA!" Sabi ng isang boses sa aking utak.

"Hinding hindi kita hahayaan na makaalis kung nasaan ka man. Hindi ako makakapayag! Gulo ang dala mo sa nakakarami." Sagot ko naman dito.

"Wala kang magagawa. Ngayong hawak ko na ang katawan mo mapapadali na ang lahat. Bibigay ka rin kapag na patay ko na ng tuluyan ang destiny mo." Pagbabanta pa nito.

"Hindi mo magagawa ang bagay na iyan. Matagal mo ng napatay ang babaeng pinakamamahal ko."

"Hindi mo ko malilinlang batang sireno. Alam ko lahat. Magagawa ko rin ang mga naudlot kong plano.HAHAHAHHAA!"

HINDING HINDI KITA HAHAYAAN NA MANGYARI IYAN.

KAHIT BUHAY KO PA ANG NAKATAYA.

GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA HINDI MANGYARI ANG GUSTO NYANG MANGYAYARI.

"Magsimula ka na. Nagsisismula na sya." Sabi ko sa sirenang kausap ko ngayon sa tubig.

"Kahit hindi mo sabihin nagsisimula na ako. Sa pagbabalik ko sa karagatan isang digmaan ang magaganap. Gagawin ko lahat para mailigtas ka." Sabi pa ng babaeng ito. Sya na lamang ang pag asa ko.

"Kahit wag na ako. Ang sya nalang ang iligtas mo. Mas mahalaga sya kesa sa buhay ko." Sagot ko pa dito.

"Hindi pareho kayong dalawa ang ililigtas ko. Hindi man ako nangangako pero gagawin ko ang lahat."

Continue Reading

You'll Also Like

72.6K 2K 33
Simula: A girl with regal beauty like a goddess will capture the heart of every human .. Or not. Clea Seraphine Gloom. A girl with a majestic beauty...
472K 14.8K 65
「COMPLETED」「UNEDITED」 Eyes is what we used to see everything. Ngunit sa panahon ngayon ginagamit ang mata upang manlait lang ng kapwa. Maraming tao a...
1.8M 53K 56
Isang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan par...
17.4M 766K 53
Everyone in Parsua Sartorias loves and admires Lily Esmeralda Gazellian, a vampire princess. But what happens when the almost flawless princess falls...