I'm LIVING with POPULARS (fou...

By pilipinang_manunulat

5.1K 565 207

Wirdo, nilalayuan, kinatatakutan, laging mag isa at tahimik na namumuhay. Ganito ang buhay ni Princess, hang... More

PABATID
ILWP
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75

49

20 3 0
By pilipinang_manunulat

Eroz P.O.V

"Wala ba kayong napapansin kay halimaw ngayon?" Tanong ko sa tatlo kong kaibigan.

Kakatapos lang nami kumain at kasalukuyan kaming nasa garden ngayon, habang pinag sasaluhan ang mainit na tea sa ilalim ng liwanag ng buwan.

Hay! Ang sarap talagang uminom ng tsaa pagka tapos mong kumain. Nakaka gaan sa pakiramdam.

Mabuti na lang din at ipinag hahanda kami nito palagi ni Princess.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Hiro habang nakatingala sa langit. Nakasandal ang ulo niya sa sandalan ng upuan. "Wala naman akong masyadong napapansin sa kanya maliban sa napapa dalas na siyang lumabas ng bahay ngayon."

"Kaya nga.Bukod don,wala na." Sagot naman ni Dricks habang hinihimas ang pisngi niyang naka tikim ng sampal!

Baliw din kasi ang isang ito eh! Masyadong inaabuso ang pagiging magandang lalaki niya.

"Wirdo pa rin siya madalas at umaatake pa din ang pagiging creepy niya." Habol pa nito. "Hay! Kung alam niyo lang, gusto ko talaga siyang ilibing ng buhay dahil palagi akong nabubuking ng mga chika babes ko ng dahil sa kanya!"

"Kasalanan mo yan!" Sagot ni Lay sa sinabi ni Dricks. "Isipin mo na lang na si Princess ang karma mo pagdating sa pagiging babaero mo." Tumawa pa ito at tsaka ako nilingon. "Bakit naman natanong mo kung may napapansin kami kay Princess?"

"Ha?" Napamaang ako at nag iisip ng sasabihin. "Wala lang.Napansin ko kasi na marunong na siyang maki halubilo ngayon.Kanina nakita ko siya na nakikipag tawanan na din sa atin."

Pumanga-lumbaba ako sa mesa at nilingon ko ang bahay.

Nakikita ko si Princess sa likod ng clear glass wall. Bumubuka ang bibig niya habang nakaharap kay Noi.

Tila may pinag uusapan ang dalawa sa loob.

"At tingnan niyo ngayon," Napa tingin na din sila sa direksyong tinitingnan ko. "Mukang komportable makipag usap si panget kay Noi." Natawa pa ako.

Pero saglit din akong natahimik habang binubuo ang mga bagay bagay sa utak ko.

Para sa akin, talagang malaki na yata ang ipinag babago niya.

Ikatutuwa ko kung talagang babalik na siya sa normal niyang buhay kung meron nga talaga.

Pero kung hindi naman, bakit kailangan pa niyang pilitin ang sarili niya?

Hindi naman na mahalaga kahit ano pa ang itsura niya. Basta mabuti siyang tao.

Aaminin ko naman na hindi naman talaga masama ang ugali ni Princess. At sa una ka lang talaga matatakot sa kanya.

Ewan ko ba, sanay na lang siguro talaga ako sa kanya.

Maya maya ay napalingon kami ng may maramdaman kaming prisensya mula sa likod namin.

Nakita namin si Noi na naka ngiting palapit sa pwesto namin.

May nakuwento sa amin si Ysabelle na matalik na kaibigan daw ni Princess si Noi noong mga bata pa sila.

Hindi na siguro nakapag tataka na unti unti na ulit nabubuo ang samahan nila.

"Noi,ikaw pala.Dito ka na sa tabi ko."

Napailing ako. Umiral na naman ang pagka ninja nitong si Dricks.

"Hindi na. Gabi na din kaya kailangan ko ng umuwi."
Nakangiting sagot ni Noi.

Maganda siya at madami din ang nagkaka gusto sa kanya sa school. Kung nasa isip ko nga lang ang mag nobya, baka niligawan ko na siya.

Malas nga lang dahil wala sa isip ko iyon. Sakit lang ng ulo ang mga babae.

"Uuwi ka na agad? Maaga pa naman, tsaka wala naman tayong pasok bukas." Sabi pa ni Dricks na ayaw talagang sumuko.

"Baka hinahanap na din kasi ako ni Mommy sa bahay."

"Kung ganon-"

"Ihahatid na kita."

Napatigil si Dricks sa sasabihin niya at sabay sabay kaming napatingin kay Lay ng tumayo siya sa kinauupuan niya.

Hinawakan niya ang braso ni Noi. "Gabi na kaya ihahatid na kita."

"Ha?"

Hindi na naka tutol pa si Noi dahil inakay na siya ni Lay.

Nakasunod lang ang tingin namin sa kanila hanggang sa gate at sa tuluyan silang mawala sa pangin namin.

Bigla namang sumipol si Hiro sa hangin. "Mukhang naunahan ang isang bata diyan." Pang aasar pa niya kay Dricks.

"Hindi ah. Ang dami dami kong reserba diyan!"

Ako naman ay tumayo na. "Ligpitin niyo yang mga pinag inuman natin ha?" Utos ko. "Baka naman iutos niyo pa kay panget iyan. Wag niyo na siyang hayaang lumabas ng bahay."

"Matutulog ka na?"

"Maaga pa."

"May praktis pa ako bukas. Gusto ko na din magpahinga."

---

Maaga akong nagising at madaling araw pa lang ay lumabas na ako ng bahay para magpa-pawis.

Pinag hahandaan ko kasi ang paparating sa basketball championship sa school.

Malakin din kasi yung paprempyo na makukuha kaya kailangan maipanalo ko ang team namin.

Malaking bagay iyon para makabayad kami sa renta ng bahay at sa iba pang gastusin.

Mas gusto ko na kasing maghirap na lang sa pagbabayad kaysa mag hirap gawing matinong babae si Princess na halimaw.

Pagka tapos kong mag-jogging ay bumalik na ako agad sa bahay at naligo. Maaga pa, pero ayoko naman ng matulog.

"Hoy halimaw." Napalingon sa akin si Princess. Nakita ko kasi siya na nag bubukas ng pinto.

"Saan ka pupunta?"

"Halimaw ka din." Sagot niya at tinalikuran lang ako pero agad ko siyang sinundan.

"Saan ka sabi pupunta?"

"Bakit ba?" Nanlilisik ang mga matang balik tanong niya.

"Sasama ako."

Mukhang hindi makapaniwala si Princess sa nadinig niya.At napa awang lang ang bibig niya.

"Sasama ako sayo." Ulit ko. "Ano? Tara na. Tatayo ka na lang ba diyan at tititigan ang kagwapuhan ko?"

---

Nag punta kami ni Princess sa palengke. Pero parang abnormal naman siya dahil bumalik pa kanina sa kwarto niya para kumuha ng pantakip sa mukha niya.

Mukha tuloy siyang muslim ngayon na mata lang ang nakikita.

Baka daw kasi pagka guluhan na naman siya kapag nakita siya ng ibang tao na may kasamang magandang nilikha.

Napaka wirdo talaga.

Kasalukuyan siyang namimili ng mga gulay ngayon.

"Wag ka ng bumili ng carrots. Ayoko niyan." Sabi ko dahil nag lalagay siya ng carrots sa isang plastik. Pero ni hindi ako nilingon.

"Wag na rin yang kalabasa, ayaw ni Hiro yan."

"Para kay Lay 'to at hindi kay Hiro." Sagot niya pero hindi naman ako nilingon. Kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Oh, bitbitin mo yan!"

Iniabot niya bigla sa akin yung ibang plastik ng pinamili niya kaya wala akong nagawa kundi tanggapin.

Ayos to ah.

Sinundan ko pa din siya hanggang sa mag punta siya sa bilihan ng mga karne. Habang tinitingnan ko siya ay mukhang napaka eksperto niya sa pag bili ng mga dapat bilhin.

Dumadami na din yung mga pinamili namin kaya padami na din ng padami ang bitbit ko.

"Kaya dapat maagang namamalengke para konti pa lang ang tao." Sabi niya habang naglalalad kami.

May nadaanan kaming bilihan ng prutas kaya huminto din siya. Ako naman napahinto na din sa gilid.

Medyo napapagod na ako kaya hindi ko na siya nilapitan sa bilihan ng prutas.

Maya maya ay nakita ko na may lumapit na isang lalaki sa kanya.

"Miss, ang sexy mo ha." Sabi nito kay Princess.

"Lumayo ka sakin." Sagot naman niya.

Iniwan ko muna ang mga dala ko at naglakad ako palapit kay Princess.

Tumalikod na si Princess sa lalaki pero pati ako ay nagulat at nanlaki ang mata ng bigla na lang hawakan ng lalaki ang pwet ni Princess.

Sinampal niya yung lalaki sa sobrang inis niya at malamang ay dahil pagka gulat.

"Bastos ka!!" Malakas na sigaw ni Princess sa kumag na iyon!

Nakita ko na nag angat ng kamay yung lalaki at bago pa niya iyon maidampi kay Princess, agad na akong naka harang at napigilan iyon.

"Subukan mo kung gusto mong mata mo lang ang wag magkaroon ng latay!"

Humanda ka dahil hindi ko palalagpasin kung ano ang nasaksihan kong ginawa mo kay Princess!

***

Continue Reading

You'll Also Like

810 123 17
Mikha, a fierce and disciplined bodyguard captain, and Aiah, her alluring ex-lover. Will Aiah's charms make Mikha crumble-or will Mikha finally see A...
361K 6.2K 50
Y/N grew up in the South Pole as long he can remember. alongside his two best friends Katara and Sokka During the 100 year war Y/N lost someone clos...
7.1K 249 52
Synopsis Faye's lives happily with her family and her younger sister. Her younger sister has a heart disease and Faye has nothing else to ask for but...
11.6M 337K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...