"How about 'yong kaibigan mo?" pangalawang tanong ko sa kaniya.
"Charlie," sagot niya.
Ang ganda naman ng name. Ang swerte rin ng babaeng 'yon dahil sa may lalaking tutuparin ang pangako. Saan pa kaya ako makakilala ng lalaking ganiyan.
"Andito na tayo," saad niya kaya naman hininto ko ang kotse. "Dito lang muna ako. 'Di pa ako ready na makita ang lola ko."
Tumango ako sa kanita at lumabas sa kotse. Naglakad ako papunta sa nag-iisang bahay lang at kumatok ako sa pintuan. Bumukas ang pintuan at ang isang matanda na may gulat na nakaguhit sa kaniyang mukha.
"Pasok ka ija," sabi ng matandang babae na sinasabi ni Lexus na lola niya. "Bakit ka nga pala naparito? May hinahanap ka ba? Naliligaw ka
ba?"
"Ah hindi naman po pero..."
"Kumain ka muna parang wala ka pang kain at saka alas singko na nang hapon ngayon." Naghanda ang lola ng pagkain sa mesa na nasa harapan ko.
Ngumiti na lang ako at kumuha ng tinapay. Nagsalita ulit ang lola at sabing, "Pwede ba akong magkuwento? Wala na rin kasi akong kakuwento dito sa bahay simula ng umalis ang apo ko at ang asawa ko."
Tumango ako. "Opo, pwede po kayong magkuwento. Handa po akong makinig."
"May apo ako, si Lexus. May naging kaibigan siya na si Charlie. Ang babaeng bata na si Charlie ay nawala lamang dito sa bukid kaya naman ay nakita siya ni Lexus, dinala dito sa bahay." Tumingin ako pintuan kung saan nakasandal sa pintuan si Lexus.