Caught By Your Arms(EDITING)

By 4intherain

6.4K 575 291

Martinez Siblings Series #1: "I will still choose you even if the destiny against us" -Aella Swayze Bullying... More

Caught By Your Arms
BLURB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4

Chapter 27

92 9 1
By 4intherain

Chapter 27: Heart

Pagkagising ko ay medyo masakit ang ulo ko dahil pumunta rito kagabi sila Kezy, Chrisna, Ashley, Buwan, Lia, Yen, at Ara. Hindi ko alam kung saan naka-sagap ng balita sila Buwan, basta ang sabi nila sa akin ay do'n daw sa malapit na kaibigan niya.

Pinilit nila akong uminom para pambawi ko raw kila Ash kung dahil hindi ako nag-paalam sa kanila bago ako umalis at hindi ko sinabing buntis ako. Ngayon ko lang maranasang uminom ng alak, mabuti nalang at high tolerance ako kun'di, ewan ko nalang.

Napa-tingin ako sa pintuan nang maka-rinig ako ng sunod-sunod na katok."Mommy! Wake up, now, we're going to pasyal-pasyal, right?"

Tumawa ako ng mahina atsaka tumayo para buksan ang pintuan, napa-taas ang kilay ko ng makitang bihis na bihis na siya."Ayos ng pormahan natin ah? Saan punta mo?" Nang-aasar kong tanong, naka-sneakers at naka-dress siyang black habang naka-sumbrero pa at naka-shades.

Tinalo ako ng anak ko ah, ngumuso siya."Mommy!" Suway niya sa akin.

Tumawa ako atsaka ginulo ang buhok niya."I will just eat, and then take as shower," sabi ko."Na saan kuya mo?"

"He's nasa down na po," magalang na sagot niya.

Tumango ako."Kumain ka na ba?"

Tumango siya."Of course! I'm an early bird," masiglang sinabi niya.

"Come on," aya ko sa kanya.

Humawak siya sa kamay ko na ikina-ngiti ko, sabay kaming bumaba. Nadatnan ko si Raid na nanonood ng Cars 2, napa-iling-iling ako, paborito talaga niya ang mga sasakyan.

Humiwalay sa akin si Hera para sumama sa kakambal niyang manood, mag-kakambal sila pero ang tawag ni Hera kay Raid ay 'kuya'. Pero ang unang lumabas sa kanilang dalawa ay si Hera pero gusto ni Hera na may tatawagin siyang kuya, kaya't simula noon ay kuya na ang tawag niya kay Raid.

Pag-pasok ko ng kusina ay naroon si mama habang nag-huhugas ng pinggan, kakatapos lang siguro nilang kumain."Goodmorning, Ma," bati ko.

Napatingin siya sa akin atsaka ngumiti pabalik."Gising ka na pala, nilutuan kita ng sopas para sa hang-over mo," sabi ni mama.

Tumango nalang ako atsaka nag-hugas ng kamay bago umupo, may plato ng nakahanda sa lamesa kasama ng mga kubyertos at baso. Sumandok ako ng kanin atsaka kumuha ng sopas, nag-dasal muna ako bago kumain.

Habang kumakain ako ay biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kahapon, sa titig pa lang niya ay mukha akong estranghero na parang hindi niya pa ako nakikita. Pero noong kumunot ang noo niya ay parang namukhaan niya ako, mabuti nalang at may tumawag sa amin.

At noong pagkasalo niya sa akin ay bumilis kaagad ng tibok ang puso ko, ilang taon ng naka-lipas. Natayo ko na ulit ang pader na nasira pero bakit... bakit noong sinalo niya ako ay tumibok ang puso ko? Naka-move on na ako sa nangyari.

Simula noong nang-yari 'yun ay lagi ko ng napapaginipan si kuya at siya, hindi ko alam kung anong ibig sabihin no'n. Kaya't tuwing gigising ako ay puno ng luha ang aking mga mata, pati ang unan ko ay basa.

Iniling-iling ko ang ulo ko, move-on na nga di'ba? Ba't ko pa binabalikan? Napatigil ako sa pag-iisip ng may tumawag sa akin, pumasok si Raid at Hera na naka-ngiti.

Kinunootan ko sila ng noo."Oh? Anong tingin 'yan?" Tanong ko sa kanila.

Lumapit sila sa akin atsaka umupo sa magkabilang upuan."Mommy..." malambing na sinabi ni Raid.

Tinaasan ko sila ng kilay."Mommy, you're so ganda po," sabi ni Hera.

At kailan pa ako sinabihan ng maganda nito? Napa-ngisi ako sa aking isipan ng ma-gets ang galaw nila."Alam ko binabalak n'yo, what it is?"

Sumigla ang mata ni Hera."I want Strawberry shortcake doll house, and also toys!" masiglang sinabi niya

"I want cars!" sabi ni Raid.

Tinaasan ko sila ng kilay."Madami na kayong laruan, ah?"

"Oh! And also power rangers suite, mommy," sabi ni Raid.

Tumango-tango si Hera."Yes! I love it talaga power rangers, I'm the pink ranger!" nag-pose pa si Hera na parang power rangers.

Tumayo si Raid sa upuan."And I'm the red ranger! I am the leader," sabi ni Raid.

Tumawa ako ng mahina atsaka umiling."Pick one, masyado na kayong maraming laruan," sabi ko.

Nagkatinginan silang dalawa, napa-kunot ang noo ko ng mag-usap silang dalawa gamit ang tanguan. Saan na naman nila natutunan ito? Buti at na-ge-gets nila ang isa't-isa, minsan nagtataka na ako sa dalawang ito.

Kung ano-ano kasing pinapanood na cartoons, natandaan ko noong nanood sila ng spy kids ay halos mag-ala spy na silang dalawa. Naka-itim sila pareho at may mask pang-suot-suot.

"Power rangers!" Sabay nilang sinabi.

Ngumiti ako atsaka tumango."Mommy, will wash lang okay?" Tumango silang dalawa atsaka tumakbo papalabas.

Tumayo ako habang hawak-hawak ang pinag-kainan ko, inilagay ko 'yun sa lababo. Ngayon ko lang napansin sa lumabas na pala si mama, kumuha ako ng baso atsaka nag-salin ng tubig.

Pagkatapos kong uminom ay hinugasan ko lahat ng ginamit ko at pagkatapos ay umakyat na ako sa itaas para maligo dahil mukhang excited na excited na ang dalawa. Naka-porma na silang dalawa na animoy ay pupunta sa mamahaling mall.

Sinuot ko ang t-shirt ko dati noong nag-punta kami ni baby at— basta, noong pumunta kami sa amusement park atsaka itim na pantalon at nag-sneakers na rin ako para terno kami.

Dala-dala ko ang mini backpack ko, puro laman no'n ay 'yung pamalit nila at pamunas dahil sobrang kulit nila kapag bumibili ng paborito nilang laruan.

"Let's go," aya ko sa kanila pagkababa ko.

Kaagad silang bumaba sa sofa atsaka dali-daling pinatay ang TV, napa-iling-iling ako. Pag-dating sa galaan lagi silang nagmamadali, akala mo ay hindi lagi nakakalabas, kanino kaya sila nag-mana?

"Come on, mommy! You're so bagal talaga," reklamo ni Hera.

Napa-taas ang kilay ko."Kanina pinupuri mo ako tapos ngayon sinesermunan mo na ako? Aba, hindi kita bibilhan," sabi ko.

Humagikgik si Hera atsaka lumapit sa akin para yakapin ako, hanggang bewang ko lang siya."I was just joking po, you're beautiful but I'm the most beautiful," sabi niya atsaka humiwalay sa akin.

"And I'm the most handsome!" Singgit ni Raid.

Inikot ko ang mga mata ko atsaka tumawa ng mahina."Pag-pagandahan at pa-gwapuhan hindi kayo magpapatalo noh? Ang hahangin n'yo parehas, buti ako chill lang," sabi ko atsaka hinawi ang buhok ko.

Pumasok si mama mula sa pintuan."Ipapasyal mo na sila?" Tanong ni mama.

Tumango ako."Oo, Ma. Nagpupumilit na kasi sila," sabi ko, lumapit ako sa kanya atsaka nakipag-beso."Mauna na kami ma, gagamitin ko nalang ang kotse," sabi ko.

Tumango si mama."O'sya, mag-ingat kayo ah?" Tumango ako sa sinabi ni mama atsaka nauna ng lumabas, nagkipag-beso pa sila Hera kay mama bago sumunod sa akin.

Binuksan ko ang passenger seat, pumasok na sila sa loob."Huwag kayong malikot ah? Iiwan ko kayo sa Edsa kapag nag-kulit kayo," banta ko sa kanila.

Tumawa silang dalawa."Mommy, if you do that, you will lose a magandang anak," sabi ni Hera.

"If you do that, I will find my way to come home again," sabi ni Raid.

Tumawa ako ng mahina."Gan'yan Hera! Tularan mo ang kuya mo,"

Ngumuso si Hera."I was just saying the truth," sabi niya.

Napa-iling-iling ako."Maldita talaga, manang-mana sa akin," bulong ko, umikot ako para sumakay sa driver seat."Put your seat belt on, ma'am, sir," magalang sa sinabi ko.

Gan'to kami palagi kapag sasakay ng kotse, na para bang ako ang piloto nila habang sila ang pasahero ko. Sinunod naman nila ang sinabi ko.

"No one should stand up while the plane is getting ready, gadgets like cellphone, tablet, and computer should be turn off. This is captain Aella Swayze, ready for take off," ipinaandar ko na ang sasakyan. Natatawa silang tumingin sa akin na ikina-tawa ko rin, napa-iling-iling ako sa kabaliwan namin.

"You're very professional, mom!" Puri sa akin ni Raid.

Ngumuso si Hera."I wish we could ride a plane again, and you will be our flight attendant," sabi niya.

Humagikgik ako."I am already retired, baby," paalala ko rito.

"But why did you retired mom? I mean, ang ganda na po ng trabaho mo," sabi sa akin ni Raid.

Tumango-tango si Hera."I want to sakay-sakay again in plane," nakanguso nitong sinabi.

"Can you stop being conyo? Na-iirita ako sa accent mo, palibhasa tamad mag-aral ng tagalog," pang-aasar ni Raid kay Hera, tumingin ako sa rear-view mirror at nakita kong iritado ang mukha nito.

Inikot ni Hera ang mga mata niya."Why did you care? Atleast I can salita slight tagalog," pagmamayabang ni Hera.

Tumawa ako ng mahina."Stop it," suway ko sa kanila, inirapan nila ang isa't-isa.

Napa-iling-iling ako, tinuturuan ko sila noon ng tagalog. Si Raid ay laging nakikinig sa akin, minsan ay tutok siya sa libro na hiniram niya sa akin para mag-aral ng tagalog. Habang si Hera ay lagi akong tinatakasan para makipag-laro sa mga kaibigan niya.

Napakatigas ng ulo ni Hera, mabuti nalang at kaya kong kontrolin siya. Kun'di ewan ko nalang, hindi ko alam na mag-mamana siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang huminto ang kotse sa harapan namin, mabilis kong inapakan ang brake.

Halos masubsob ako sa steering wheel, bumilis ang tibok ko. Tinanggal ko ang seat belt ko atsaka tumingin sa likod."Okay lang ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko sa kanila.

Hindi sila nag-salita, na para bang gulat na gulat sa nangyari."M-mommy..." nanggigilid ang luha ni Hera na para bang kinakabahan.

Nanataling nakatulala si Raid."D'yan lang akyo, huwag kayong baba, maliwanag?" Dahan-dahan silang tumango, bumaba ako sa kotse atsaka kinatok ang bintana nang nasa harapan namin.

Umatras ako ng bumukas ang pintuan, na-estatwa ako kung sino ang lumabas."I'm sorry, here's the money, if I damaged your car," iniabot niya sa akin ang pera.

Na-iyukom ko maigi ang kamao ko, anong tingin niya sa akin? Mukhang pera? "I'm not here for your money, I'm here because I have a kids inside of my car. Paalala ko lang sa'yo, kung gusto mong huminto, 'wag dito sa gitna," sabi ko, itinuro ko ang katabi sa side walk."Doon ka huminto, hindi rito,"

Tatalikod na sana ako ng makita kong bumaba si Hera mula sa sasakyan."Hera—" nilagpasan niya lang ako, nagulat ako ng hampasin niya si Ryder.

"What the—"

"I hate you! I hate you! You didn't even say goodbye to us before leaving us, and now you almost killed us!" Sigaw ni Hera.

Nang-gilid bigla ang luha ko, mahinang hinatak ko si Hera."Hera, stop it," suway ko sa kanya."Get in the car," utos ko sa kanya, humahagulgol siya habang tumatakbo pa-sakay sa sasakyan.

Tumingin ako sa kanya, nanatiling naka-tingin siya roon sa sasakyan."I'm sorry in behalf of my daughter," sabi ko, hindi ko na hinintay siyang mag-salita pa atsaka tumalikod na ako at sumakay sa sasakyan.

"M-mommy, I hate, daddy. H-his bad, he almost killed us," sumbong sa akin ni Hera, namumula ang pisngi at ilong niya habang pinapatahan siya ni Raid.

"Come here, you two," utos ko sa kanila, lumapit sila sa akin atsaka yinakap ako kaagad. Hinagod-hagod ko ang likod ni Hera."Don't hate him for a simple reason, hate him when the simple reason turns to lie,"

Himihikbi lang si Hera habang si Raid ay tahimik lang habang yakap-yakap ako, I feel so sorry, hindi ko alam kung tama bang sinabi ko sa kanila ang tungkol kay Ryder.

"Hush now, we'll go home na, tita Chrisna will buy you guys a power ranger," sabi ko.

Napahiwalay sa akin si Hera habang nagniningning ang mga mata."Woah! Really? Will tita bring kuya Ky?"

Napatawa ako ng dumaing si Raid."He again? When will you stop dreaming about him?" Iritado niyang sinabi.

Tumawa ako ng mahina."Kyson is busy with his schools, and you're still young Hera. Your kuya is right, stop dreaming about him, someday you will realize what real love mean is," sabi ko.

Ngumuso si Hera."You always not support me when it comes to my crush, mommy, and I don't care about what kuya's opinion, he's just jealous that I liked Yso much more than him," maarteng sinabi ni Hera.

Tumawa ako atsaka umayos ng upo, nag-seat belt na ako atsaka ipinaandar ang kotse."Put on your seat belt," utos ko kay Hera.

Umirap si Raid."And I don't care if you liked him so much, atleast I have a crush too, Annel is much better to me," mayabang na sinabi ni Raid.

Pag-tingin ko sa rear-view mirror ay masama ang tingin ni Hera."You really liked that girl? I hate her! She destroy my toys,"

Tumawa ako ng mahina."Anong klaseng usapan 'yan? Ang babata niyo pa crush-crush kaagad, ako nga noon ay wala akong crush ni-isa eh," singgit ko.

Napatingin sila sa akin."Then why did you have sex with daddy?" Natapakan ko ang brake sa tinanong ni Raid.

Tinignan ko siya ng masama."Language, Raid," banta ko sa kanya.

Nagtatakang tumingin sa amin si Hera."What is that word?" Inosenteng tanong niya.

Umiling-iling ako."It's nothing, you will learn it when you grow up," sabi ko, pina-andar ko ulit ang sasakyan.

Saan ba nila nalalaman ang mga ito? Napa-buntong hininga ako, panigurado akong narinig nila ito sa amin kagabi habang nag-iinuman.


SA condo muna kami tumuloy dahil tumawag si mama nawala siya roon, wala pa naman akong susi ng bahay kaya't sa condo nalang muna kami. Ito ang condo na inuupahan ko noong pag-dating namin kahapon dahil akala ko ay walang matutulugan sa bahay.

At sabi ni mama ay baka roon matulog ang mga nag-i-istay sa bahay, hindi ko alam na nagpapaupa na pala si mama. Ang sabi niya ay matanda na raw at gusto niyang may kasama siya sa bahay, mababait naman daw ang mga tenant.

Nag-tratrabaho na kasi sila Adem at si mama naman ay laging nasa bahay lang, hindi ko alam pero nakakaramdam akong may boyfriend na si Farrah o baka lang alam na nilang lahat at ako nalang ang hindi.

Nag-luluto ako ngayon ng caldereta dahil nagugutom na kami, nag-practice talaga akong mag-luto para hindi puro take-out at delivery ang kinakain namin.

"Mommy! Ninang is here na," tawag sa akin ni Hera.

Tumingina ko sa kanya."Paki-sabi hintayin ako sa sala," sabi ko, tumango siya atsaka lumabas.

Isinalin ko muna ang caldereta sa tasa atsaka tinakpan bago lumalabas ng kusina. Nadatnan kong prenteng naka-upo si Chrisna sa sala habang kumakain ng cookies, binigyan siguro ni Hera.

"Na saan na?" Tanong ko.

Napatingin siya sa akin atsaka iniabot sa akin ang plastik."Oh, ang mahal n'yan ah, mabuti nalang at sobra ang binigay mong pera. At dahil ako bumili at nagpakapagod para mag-hanap n'yan ay sa akin na ang sobrang pera," sabi niya.

Inirapan ko siya atsaka umupo sa tabi niya."Gago, 15,000 ang binigay ko sa'yo. Akin na 'yung 2,000, 3,000 nalang 'yung sa'yo," sabi ko.

Inikot niya ang mga mata niya atsaka inabot sa aking ang dalawang libo."Oh, 'yan na. Napaka-kuripot mo talaga,"

Tumawa ako."Ipon-ipon din pag may time, ikaw kasi laging gumagastos. Naiiyak 'yung pera sa'yo ni Kent," saad ko.

Tumawa siya atsaka kumuha ulit ng cookies."Nag-rereklamo nga siya eh, bakit daw puro sa shopee ako bumibili," aniya."By the way, hindi ba't nag-hahanap ka ng trabaho?"

Tumango ako."Oo, saglit lang. Papakainin ko lang sila," sabi ko atsaka tumayo, pumunta ako sa kuwarto nila.

Nadatnan kong nag-lalaro si Hera nang kanyang laruan habang si Raid naman ay nanonood ulit ng Cars 2, napa-iling-iling ako. Nagiging adik na siya d'yan, kakahanga kay Lightning Mcqueen, dapat pala ipinangalan ko sa kanya ay 'Lightning'.

"Kakain na," sabi ko na ikinatingin nila sa akin."Caldereta ang ulam,"

Nagningning ang mga mata ni Hera."Really?! Yehey! Caldereta, my favorite food," masiglang sinabi ni Hera atsaka mabilis na lumabas.

Napataas ang kilay ko ng hindi pa tumatayo si Raid, lumapit ako sa kanya."Raid," tawag pansin ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin."Po?"

"It's time to eat," sabi ko, tumango siya atsaka pinatay ang TV at lumabas na.

Sinarado ko ang pintuan atsaka sumunod sa kanila, sinenyasan ko si Chrisna na pumunta siya sa loob ng kuwarto ko para doon kami mag-usap. Pag-pasok ko ng kusina ay naka-upo na sila sa stool  habang naka-nguso naman si Hera.

Napataas ang kilay ko."Oh, anong nginunguso mo r'yan?" Tanong ko, kumuha ako ng dalawang pinggan, dalawang baso at kubyertos.

Inilapag ko sa harap nila ang kanilang pinggan atsaka nilagyan sila ng kanin."I want to go to the mall," naka-nguso niyang sinabi.

Tumawa ako atsaka hinimas ang buhok niya."I already told you that your ninang bought you guys a power ranger suits," sabi ko.

Umiling siya."I want to eat ice cream," sabi niya.

Napataas ang kilay ko."Ice cream lang naman pala, eh ba't kailangan pang sa mall? Sosyal ka masyado," iiling-iling kong sinabi.

Tumawa si Raid."I told you, mom. Feeling mayaman, akala mo naman anak mayaman," pang-aasar sa kanya ni Raid.

Inirapan siya ni Hera."Why do you care? Atleast mommy is gonna buy me ice cream," bumaling ito sa akin atsaka nag-puppy eyes."Right, moma?"

Tumawa ako ng mahina."Feeling mayaman ka talaga, bibili nalang akong ice cream bukas sa supermarket kapag naka-pag-apply na ako," sabi ko.

Ngumiti si Hera atsaka bumaling kay Raid, binelatan niya ito."I told you, mommy will buy me ice cream," pang-aasar niya rito, sinamaan lang siya ng tingin ni Raid.

Napa-iling-iling ako, akala ko pagkakambal laging sweet sa isa't-isa, akala ko lang pala."Tumigil na kayo at kumain na, remember to pray before eating," paalala ko sa kanila.

Tumango sila."Yes, moma!" Sagot nila.

Nginitian ko sila bago lumabas ng kusina, dumaretso ako sa kuwarto ko at nadatnan kong naka-higa roon si Chrisna habang nag-seselpon. Ka-chat niya siguro si Kent, napatingin siya sa akin.

"Tagal ah," sabi niya, umayos siya atsaka sumandal sa headboard.

Umupo ako sa kama atsaka sumandal din sa headboard."Anong pangalan ng kompanya?" Tanong ko kaagad.

"RNM Corporation," sabi niya."Maganda roon, maganda sahod kapag nag-sipag ka,"

Tumango-tango ako."Sigurado kang wala akong makaka-away r'yan?" Taas kilay kong tanong, like duh! Kung na saan ako ay meron lagi akong ka-away, ewan ko ba kung bakit gan'to.

Tumawa siya."'Yun ang hindi ko sigurado, ipinasa ko na ang mga requirements mo dahil kilala naman 'yun ni gagong barbie. Pramis hindi ka mag-sisising pina-apply kita rito," nakangising sinabi niya.

Tiningnan ko siya na parang na-wi-weirdohan ako."Bukas na 'yung interview di'ba?" Tanong ko.

Tumango siya."Huwag kang mag-susuot ng skirt, ayaw na ayaw 'yun ng boss," sabi niya, nag-kibit-balikat siya."Ewan ko nga kung bakit gano'n 'yun,"

Tumawa ako atsaka dumapa."Anong klaseng boss 'yun? Papasok sa opisina tapos hindi naka-skirt?"

Humagikgik siya, napatingin siya sa selpon niya ng may tumawag."Oh sige, una na ako ghurl. Kanina pa sabik na sabik sa akin asawa ko," natatawang sinabi niya.

"Sabik na sabik sa sex?" Natatawang tanong ko.

"I-de-deny ko pa ba? 'Yung etits kasi ni gagong barbie parang hindi napapagod," iiling-iling niyang sinabi."Sige, mauna na ako, isasama ko sa susunod si Yso para may kasama si Raid,"

Tumawa ako."'Wag, kung ayaw mong masira pag-kakaibigan natin. Paniguradong magagalit lang si Raid kay Yso, palibhasa masyadong over-protective kay Hera, akala mo naman aagawin," pabiro kong sinabi.

Napa-iling-iling siya."Ang gwapo talaga ng anak ko, crush ng bayan," sabi niya."Dati naman ayos lang sila tapos noong nakilala ni Hera si Yso, galit na si Raid kay Yso kasi crush daw ni Hera siya,"

Tumawa ako ng maalala ang nang-yari noon."Ka-miss balikan ang nakaraan," nagbuntong hininga ako.

Tiningnan niya ako na parang nanunukso ang mga mata."Pati ba nakaraan niyo, miss mo? Ayiee! Ikaw ah, sabi mag-mo-move on na pero anim na taon ng lumipas wala pa rin,"

Inirapan ko siya."Wala na akong feelings sa kanya," tinaasan ko siya ng kilay."Oh, anong ginagawa mo pa rito? Akala ko ba aalis ka na?"

Tumawa siya."Ito na nga, aalis na," tumayo na siya atsaka lumabas na ng kwarto.

Nag-bunting hininga ako atsaka umayos ng higa, kinuha ko ang laptop atsaka nag-search sa article about sa a-apply-an kong kompanya."Seventh ranked in business industry," basa ko rito.

Halos mamangha ako sa mga ginagawa ng kompanya, halos malapit na sa isa't kalahating milyon ang sinasahod niya at ang iba ay idino-donate niya sa mga batang langsangan. Halos manigas ako ng makita ang isang kwintas na naka-lagay roon.

Hindi ako nag-kakamali... ito ang kwintas na lagi kong tinitingnan noon kapag pupunta ako ng SM North Edsa. Ito ang kwintas na umagaw sa tingin ko, bibilhin ko na sana siya noon kaso ang mahal kaya wala akong nagawa kun'di tumingin-tingin lang.

"Meaning of RNM Corporation," basa ko rito, video ito. Pipindutin ko na sana nang pumasok sina Raid.

"Mommy! Look at us," sabi sa akin ni Hera."I'm pink of power rangers,"

Pumeywang si Raid."And I'm the red one!"

Napatawa ako ng makitang suot-suot na nila ang costume na ipinabili ko kay Chrisna, sinarado ko ang laptop atsaka lumapit sa kanila.

Pumantay ako sa kanila."Ang kyut n'yo!" Halos pang-gigilan ko ang kanilang pisngi.

Hinawi ni Raid ang kamay ko atsaka sumimangot."Can you stop pinching my cheeks, mom?" Iritado niyang sinabi.

Tumawa ako."Ay sus! Sige ka, kapag pumunta rito si Yso, siya nalang ang—"

"I love the way you pinched my cheeks, mom! Can you do it again?" Malambing niyang tinanong.

Tumawa ako ulit."Napakaseloso," iiling-iling kong sinabi.

"Mom! Let's take a picture," sabi ni Hera.

Tumango ako atsaka kinuha ang camera, lumayo ako sa kanila atsaka lumuhod. Umayos sila ng pose."Okay, 1,2,3, smile!" Tawa ako nang tawa habang kinukuhaan sila ng litrato.

Feel na feel talaga nila ang pagiging power rangers, hindi naman ako mahilig sa pictures pero ewan ko sa dalawang ito. Pinag-lihi ko ata sa camera, si Hera naman ay pose nang pose na animoy ay isang model.

Habang si Raid naman ay laging naka-fierce, minsan ay inaakbayan niya si Hera. Nang matapos kami ay inilipat ko lahat ng picture nila sa selpon ko atsaka pi-nost sa instagram.

Nasa sala silang dalawa, nanonood ng cartoons habang ako ay naka-upo sa kama. 'Feel na feel talaga nilang power rangers HAHAHA' 'yan ang caption ko, ilang minuto ay marami ng nag-comment at heart.

@chimakapagal: Aww! Ang cute naman ng mga pamangkin ko, nagseselos tuloy si Yso

@mimi_clementine: Miss ko na 'yung kambal🥺❤️

@quinnclelia17: Punta kami sa condo mo lahat bukas

@HeroSylmas: Wow si idol nagparamdam na, kailan ka pa nakauwi? Ang kyut naman ng anak mo! Ako ninong n'yan ah? Kapag hindi pinagpalad tatay nalang ng mga anak mo

Halos matawa ako sa comment ni Hero, maraming nag-reply sa comment ni Hero at tinutukso kami. Napa-iling-iling ako, napatigil ako nang biglang may mag-pop-up na notif sa itaas.

'rymartinez12 heart your post'

Halos manigas ako sa kinauupuan ko, napa-lunok ako ng ilang beses. I was about to click the profile when I heard Raid is calling me.

"Coming!" Sigaw ko, hindi pa rin mawala sa isip ko 'yun, s-siya ba talaga 'yun?

Continue Reading

You'll Also Like

158K 7K 31
May hiling ka bang nais matupad? gumanda? yumaman? maging matalino? o maging makapangyarihan? sa isang iglap mangyayari iyan... humiling ka lamang...
9.4K 1K 68
[ ONGOING ] KATHARRA WARNING : R18 || SPG || Mature Content ━━━━━━━━━━━━ " Hindi ko Kaya Na Mawala ka Sakin, Takot Akung Mapunta ka uli sa kanya' at...
28.7K 1K 22
Prince Zeneyd was living in another world called Fantasyland.. The world's that full of magic. The only heir of a whole Kingdom! But his life got rui...