BEDTIME STORY MO TO! BOOK2

By eizershottie

32.1K 810 341

Alam kong bitin ang lahat sa kwento ni Sab at Eizs Kaya minarapat kong ipagpatuloy ito at panandaliang iwanan... More

Bedtime story mo to! Eizs&Sab1
EIZS&SAB2
I wanna hear from you...
EIZS&SAB4
EIZS&SAB5
EIZS&SAB6
EIZS&SAB7
EIZS&SAB8
EIZS&SAB9
Eizs&Sab 10
EIZS&SAB11
EIZS&SAB12
EIZS&SAB13
EIZS&SAB14
EIZS&SAB15
EIZS&SAB16
Eizs&Sab 17
EIZS&SAB 18
EIZS&SAB19
EIZS&SAB20
EIZS&SAB21
Commercial
EIZS&SAB22
EIZS&SAB23
EIZS&SAB24
EIZS&SAB25
EIZS&SAB26
EIZS&SAB27
EIZS&SAB 28
EIZS&SAB29
EIZS&SAB30
EIZS&SAB31

EIZS&SAB3

1.8K 24 3
By eizershottie

"Bezs, dito muna kayo o you guys wanna go with me?" Habang tumitingin sa kanyang orasan.

"Oras na..." bulong nito sa sarili.

Nagtitigan ang tatlo. Tumango si Nikki upang bigyan si Eizs ng hudyat na sasama sila.

Nanginginig ang kamay ni Eizs. Tila di nya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Kinakabahan sya na naeexcite. Na tila nagugutom na parang nasusuka sa busog. Di nya maunawaan. Ngunit matagal nyang pinaghandaan ang sandaling maghaharap sila ng nasabing babae. Dinampot ni Eizs ang kanyang pouch,phone at room key. Sabay lakad. Patungo sa pinto... patungo sa daan papunta sa kanyang kinabukasan. Malamig ang kanyang kwarto gayundin ang hallway ng hotel, napakasimple lang naman ng kanyang suot na t-shirt at maong pants na ripped at puting driving shoes ngunit nararamdaman nyang pinagpapawisan sya. Isang akbay ang nagpakalma ng kanyang kaba.

"Okay lang yan. Just be honest. Walang mawawala." Si Nikki na mula sa likuran ay sumabay ng lakad kay Eizs.

"Oo brad,hayaan mo lang. Makikita nyang sinsero ka. Tsk. Sanay tayo dyan..." si Marc na sumabay din sa kanya ng lakad. Nauna ng konti si Nikki na tila may tinatawagan.

"Marc, palagay mo?" Si Eizs na parang hinihingi ang affirmation ni Marc.

"Oo naman. Kaya mo yan." Si Marc habang patuloy na naglalakad. Sabay tapik sa balikat ng direktor.

"Shocks,i felt really nervous..." si Eizs habang papasok ng elevator.

Tila nagiging masyadong sensitive ang kanyang tainga na pati ang tunog ng elevator ay nakakadagdag sa kanyang kaba... slow motion ang galaw ng paligid.

-ting-

Tunog ng elevator ng sumayad ito sa hustong ground floor, biglang nag angat ng telepono si Nikki.

"Hi po. Okay, you're here na? We're here also in the entrance na po..." sagot nito sa kausap sa telepono.

Parang mabagal ang lakad ng mga tao sa paningin ni Eizs at nahuhuli sya sa kanilang tatlo, nakita nyang mya kabeso beso si Nikki na iniluwa ng entrada ng hotel. Nagbeso din si Marc.

"Finally in flesh direk...." bati nito kay Eizs.

Bumeso naman ang huli.

Sabay sagot...

"Finally..." si Eizs.

Isang sophisticated na babae na nasa pagitan ng 50-60 years old naka black na dress below the knee, stiletto at may hawak na pouch. Maputi at napakaganda ng mukha. May katabi itong mga nasa ganun ding edad, at mas matangkad ng kaunti. Naka black din ngunit short cocktail dress ito. Kapwa maganda ang dalawang ika nga nila ay TITA's of Manila.

Hinolding hands ni Olivia si Eizs, nagstop na nakangiti at nakatitig lamang sa nuo'y kinakabahang direktor.

"I'm happy. Very honest si Sab when she finally told me about you. I'm a single mom you know." Pagpapatuloy ng babae.

Nakalma ang puso ni Eizs.

"By the way,have you met my sister Letty?" Si Olivia, ang mommy ni Sab. Sabay turo sa katabi. (Wohoooo! @Mackys25!!! Tama ka!)

"The great Leticia Pineda....yeah..." Si Eizs sabay beso dito.

Ang tita ni Sab ay graduate din ng Highness Academy at ito ay kilala din sa eskwelahan. Ito at ang mommy ni Sab ay parehong Fan ng kanilang theater guild. Madalas nitong isinasama si Sab nung bata bata pa ito upang manuod ng play kasabay ng mga anak ni Leticia. Sya ang kilalang si Leticia Pineda. Kilalang modelo at Beauty Queen ng Highness Academy nuong panahon nya. Title holder ng Ms. Universe. Ang isa sa mga representante ng Pilipinas.

Nagmwestra naman si Nikki ng paglalakad papunta sa lugar na kanilang pagkakainan. Umangkla si Olivia kay Eizs at hindi tumigil magsalita.

"How was your flight?" Tanong nito.

"Okay naman tita. Nakakapagod. Matagal ang byahe.ilang oras kang nakaupo." Sagot ni Eizs.

"Yeah, i know... I have a lot of questions Eizs..." Sagot ni Olivia na nagpadagundong sa kahit papaano'y nakalma na ngang puso ni Eizs.

"Let's talk about it over dinner tita..." maiksing sagot ni Eizs.

Sa bulwagan ng Spiral buffet na bumungad kina Eizs ay ang magandang facade nito. Lalo na ng makababa ang lahat.

May sumalubong na usher sa kanila.

"Reservation for Eizs" sagot ni Nikki.

Ikinagulat ni Olivia ng makitang dalawang table ang nakareserve sa kanila.

"Oh? Are we gonna eat separately?" Si Olivia.

"Nope tita,we'll just talk first and then sasama tayo sa kanila in the main course..." sagot ni eizs.

"Ate it's okay. So you can talk privately,anyway, magdikit lang din halos ang table natin." Pagsalo naman ni Letty kay Eizs.

Umupo na ang dalawa at inalalayan pa ni Eizs si Olivia.

"Thank you." Si Olivia.

Pag upo nila ay may lumapit na naglagay ng white table wine sa tig isa nilang baso.

"So tita,you were saying?" Si Eizs.

"Okay,I've heard so much about you Eizs. I am very much impressed about your background,about your family,and accomplishment. But I am a straight forward person" sa tagpong ito,napalunok na si Eizs. Alam nyang hindi magiging madali ang lahat para sa kanya.

"I don't know how it works with lesbian thing. Is my Sab also a lesbian?" Gustong humagalpak mg tawa ni Eizs.

"Is that your main concern tita?" Si Eizs na lumagok ng wine.

"No naman,i just wanna know..." sagot nito.

"Well, it depends on her preference... I can't answer for her tita... sorry." Si Eizs.

"Oh,okay. Sab already told me everything... she told me na you and her did not enter in a serious relationship until such time na nakatapos sya. Sabi nya, decision mo daw yun dahil ayaw mo na maging kayo ng nag-aaral pa sya. I appreciated that gesture. Sabi nya rin na you asked her to enjoy her single life para pag kayo na...wala syang hindi nagawa? That I admire your trust to her." Pagpapatuloy ni Olivia.

"I can sense that you are a good man,a person with dignity. That is why, I allow Sab to be with you. What I really care about is how you guys will handle all the discrimination and judgement of your environment..." napayuko ang nanay ni Sab.

"Tita, I decided to be a lesbian right after elementary with regards to the discrimination and judgement,that I can handle. Need not to worry about Sab, I will protect her as long as I live. I will never allow anyone to hurt her for choosing me." Si Eizs.

"Tita, I asked a meeting with you to ask you personally that I like Sab to be part of me...not just in a relationship but to be a couple. A legal one." Si Eizs.

Napaangat ng mukha ang mommy ni Sab.

"How can that be possible?walang kasal dito?" Tanong ng mommy ni Sab.

Lumapit ang waiter para mag lagay ulit ng wine ng makita nitong wala ng laman ang baso nila.

"Thank you." Si eizs sa waiter.

"Actually,we have union celebration here in the Philippines but it is not legal. So I am planning to have it sa US." Tugon ni Eizs.

"When will it be?" Tugon na tanong ni Olivia.

"It's her call. Whenever she's ready." Si Eizs.

"Eizs,you know that Sab is my only child. Tama?" Si Olivia ulit.

"Yeah tita, i know po..." tila nabasa ni Eizs ang pag aalala ng mommy ni Sab.

"I don't have plans to bring her in the US to migrate. Just for the sake of marrying her." Si Eizs.

"I see..." Si Olivia.

"Is that a yes tita?" Tanong ni Eizs.

"Whatever makes her happy Eizs. Just let me ask you one thing. Kapag naisip mo ng hindi mo na sya mahal. Wag mo syang saktan... in anyways... mentally or physically... just give her back to me...and if the time changes you to her, i hope i will be the first person to know... that I will appreciate." Maiksi ngunit firm na salita ng isang ina.

"Walang pinaka masakit na pakiramdam sa isang ina,kundi makita mo ang iyong anak na masasaktan ng taong hindi nag alaga sa kanya ng bata pa sya,gayong ikaw... halos itinaya mo ang buhay mo maiiwas man lang ang nag iisa mong anak sa anumang sakit." Pahabol na salita nito.

"Very clear tita..." sagot ni Eizs.

"Mommy nalang..." sagot ni Olivia...

Muntik maluha si Eizs, sa tinuring ng nanay ni Sab. Maya-maya ay lumipat na sila sa kabilang table at ipinagpatuloy ang kwentuhan. Ipinaliwanag ni Eizs sa kanila ang plano nito at bakit hindi pa sya pwedeng magpakita kay Sab. Si Nikki na nagpaliwanag ng mga plano rin ay umaalalay kay Eizs at naglilista ng mga gagawin habang masayang nagtatawanan ang lahat sa mga pagbabalil tanaw nila sa mga panahon na nasa akademiya pa si Ms. Letty. At bakit nila paborito ang theater guild ng highness academy. Katabi sa upuan ni Eizs si Olivia ng bigla itong magsalita.

"In highness academy, i met inggo... Sab's Dad." Si Olivia.

"Inggo?parang pamilyar..." si Marc.

"Is it direk inggo?"tanong ni Eizs.

"Yeah..."matipid na tugon ni Olivia.

"Woaahhh... the great Inggo almanza? Oh my God! Tatay ni Sab? Now, I understand..."

Tahimik si Eizs. Ngunit nagulat din sya na ang isa sa mga pioneer ng theater guild nila ay ang tatay ni Sab.

Natapos ang dinner na mapayapa. Nakuha ng lahat ang kanilang kagustuhan. Si Olivia na mapaalalahanan si Eizs,habang si Eizs naman ay makuha ang pagsang ayon ng magulang ni Sab.

Inihatid na nila si Olivia at Letty sa sasakyan,at nagpaalaman na,bumeso si Eizs sa mommy ni Sab ngunit pagkatapos at niyakap sya nito.

"Thank you po tita..." sabi ni Eizs.

"Please call me mommy..." sabi na paalala ni Olivia.

"Eizs,thank you for the wonderful night. We had a great time..." si Ms. Letty.

"Kami din po..." sabi ni Nikki sabay beso nito.

"Eizs,welcome to the family..." sabi ni Letty.

"Another director..." pahabol pa nito.

"Take care po..." si Eizs. Sabay saludo sa driver ng dalawa.

Umalis na si olivia at letty. Umakyat na sila Eizs.

Nasa Veranda si Eizs at umiinom ng lapitan siya ni Nikki.

"Bezs,kamusta ka? Happy?" Tanong nito.

"Oo naman,pero kinakabahan..." si Eizs.

"Bakit?"

"Kasi nagtataka ko bakit parang ang smooth ng lahat?mas nakakatakot..." si Eizs.

"Ganun? Yung ibang lesbian,inaaway ng marami,kinukutya at hinuhusgahan... ikaw minamahal ng lahat...pero di parin kuntento?sakit na yan bezs..." sagot ni Nikki.

"Gago naman nito... hindi... kinakabahan lang ako...parang may mali..." si Eizs parin...

"Baka nanawa na ang destiny na pasakitan ka... napagod na ba?" Si Marc mula sa likuran ng dalawang nag uusap.

Napalingon ang dalawa.

" bakit mo pa kailangang kwestyunin direk? Hayaan mo lang ang puso mo na maging masaya...anyway,kapag naman may dunating na panibagong gusot,wala ka naman gagawin kundi harapin so why bother yourself? Ienjoy mo lang muna..."Si Marc parin.

"Ito ang problemahin mo..." sabay abot ng telepono ni Eizs.

"Nakasilent ka ata,siguro pang ilang tawag na yan...di mo nakikita." Inabot ni Eizs ang kanyang telepono at nakita nyang tumatawag si Sab.

"Hi hon..." sagot ni Eizs.

"What's wrong?" Si Sab sa kabilang linya.

"I've been calling you couple of times hindi mo sinasagot." May himig pagtatampo nitong sagot.

"Busy lang..." si Eizs at nagmwestra ng pagtahimik sa mga kasama...

"Di mo ba ko namimissed?" Tanong nito.

Tumayo si Eizs.

"Syempre namimissed. Busy lang...galing ako sa meeting. Medyo maraming inasikaso. Alam mo na..." Sagot ni Eizs.

"Anyway,tumawag ako kasi hindi ako makaalis kanina dahil di pa ko nakakapag paalam sayo. Biglaan kasing nagyaya sila ate jane manuod ng sine. Sabi ko,tatawag muna ko sayo. Sabi naman nya,sya na daw magpapaliwanag sayo...kaya napilitan na kong sumama..." pagsusumbong ni Sab.

Perks ng pagiging LDR ang honesty at pagpapaalam na napag kasunduan nila Eizs at Sab bago nila simulan ang relasyon.

"Ah ganun ba?andyan ba si Jane?kausapin ko nga..."si Eizs.

Iniaabot ni Sab ang cellphone kay Jane at sila ni Eizs ang nag usap.

"Hi Jane,kamusta?" Si Eizs

{ito,nililibang si Sab... as promised.} sabay kindat kay Sab,lumayo ng konti si Jane kay Sab. Dahil alam nitong nandito na ang kanilang direktor. Accomplice kumbaga.

{jane nasan kayo?} si Eizs

{manunuod kami ng sine dito sa glorietta. Fifty shades of grey. Bet mo?hahahahaha}

{baliw...sige. Ingat kayo...} si eizs

Iniabot na ni Jane kay Sab ang telepono nito.

{oh hon?pano?okay na?bye na. Love you...} si Sab na walang kaalam alam...

{love you too...} masuyong sagot ni Eizs.

Ramdam ni Eizs ang pananabik sa girlfriend. Di na sya makapaghintay sa tatlong araw,gusto nyang makita si Sab kahit sa malayo lang.

Ibinaba na ni Eizs ang telepono.

"Marc,pahiram ako ng kotse." Si Eizs.

"Bakit?san ka pupunta?ipagdrive nalang kita..." si marc.

"Baliw...kaya ko na... akin na susi mo." Si Eizs

"Sama kami direk...tara na." Si Nikki

Buo ang loob ni Eizs na titigan lang si Sab kahit sa malayo...
————————————————————————

Hi guys! ENJOY READING💋

Continue Reading

You'll Also Like

377M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
639K 11.2K 65
An innocent girl unexpectedly seduces her boss even though she doesn't know.
33K 782 32
Hospital. Sleep. Racing. That's where Sebastian Jesian's life runs. All his life, he's been a devoted doctor, pouring his knowledge and strength into...
23.4K 1K 27
Why me Attorney?