The Fairest of them All (Comp...

By xoxoxxbelle

30.8K 2.3K 198

"You love me and that's all I want from you now. Love me forever, that's all you have to do to make me the ha... More

Prologue
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
Epilogue

1

1.7K 131 7
By xoxoxxbelle

"MARAMING salamat sa tulong, Kuya Caleb," sabi ni Zane habang kausap sa telepono ang kapatid. Pinasasalamatan niya si Kuya Caleb sa tulong na hiningi niya para sa mga kaibigang sina Kent Lauro at Justienne. Nabiktima ng matinding cyber bullying si Justienne at kinailangan nilang malaman kung sino ang nagpasimuno ng lahat.

Estong and Blu took care of things. Nais sana niyang sumama ngunit hindi pumayag ang dalawa.

"Masyado kang malambot para sa mga ganitong bagay," sabi ni Estong nang magpumilit si Zane. Inilihim ng dalawa sa lahat ang plano kaya wala siyang ideya kung paano inayos ng mga ito ang gusot. Kahit na sina Kent Lauro at Justienne ay wala ring ideya kung ano talaga ang naganap.

Imbes na ma-offend at magdamdam, hinayaan na lang ni Zane sina Estong at Blu. Alam naman niya na gagawin ng dalawa ang tama. He trusted them to do the job well. Hindi na marahil manggugulo ang mga taong iyon sa kanyang mga kaibigan.

"No, problem, baby boy. Hindi naman ako gaanong nahirapan."

Bahagyang napasimangot si Zane sa itinawag ni Kuya Caleb. Noong bata siya ay wala iyong kaso, ngunit iba na ngayong malaki na siya.

"So how're you?" tanong ni Kuya Caleb bago pa man niya masaway sa pagtawag sa kanya ng "baby boy." "Is everything good? Bumili ako ng album n'yo noong nakaraang linggo. Pinakikinggan ko araw-araw. Great music."

"Thanks, Kuya. Yeah, everything's good. I'm doing great."

"Masaya ka sa ginagawa mo, baby boy?"

Pinalampas uli iyon ni Zane. "Yes, Kuya. I love what I'm doing." Sa kanilang magkakapatid, masasabing siya ang nalihis ng landas.

Lahat ng kanyang mga kapatid ay ginustong magsilbi sa bayan. Nasa AFP sina Kuya Lucas at Kuya Jefferson. Nasa PNP naman sina Kuya Antonio at Kuya Miguel. At parehong nasa NBI sina Kuya Caleb at Kuya Gabriel.

Bata pa lang si Zane ay alam niyang naiiba na siya sa mga kapatid. Alam niya na hindi siya katulad ng mga ito. Tuwing Halloween, nakasuot siya ng Michael Jackson o Elvis Presley costume, samantalang ang mga kapatid ay mga pulis at sundalo. Masyado rin siyang malambot kompara sa kanyang mga kuya. Madalas na sabihin sa kanya ng ina na dito siya nagmana at masaya ito dahil doon.

Hindi naman lampa si Zane, kung tutuusin. He was physically strong. Kaya niyang makisabay sa sparring sa kanyang mga kuya. He was good with guns. Alam lang niya sa sariling hindi siya magiging masaya sa pagiging sundalo, pulis, o NBI agent.

He tried though. Nakapasok siya sa Philippine Military Academy. Everyone expected so much, him being William Montero's youngest son. Masyadong malaki ang expectation dahil lahat ng nakatatandang kapatid ay kilala sa pagiging pinakamahuhusay sa larangang napili. But Zane had to quit. He was not happy.

Hiyang-hiya siya sa kanyang ama. Hindi niya alam kung paano ito haharapin noon...

"I'm so sorry, Daddy," hiyang-hiyang sabi ni Zane habang nakayuko. His eyes stung. He blinked rapidly to stop the tears from falling. He did not want to disappoint him. He knew how much his father loved him. Kapag nasa bahay sila, hindi gusto ng ama na tinatawag nila itong "Sir." Hindi umaabot hanggang sa bahay ang authority ng ama. At home, his father was simply a loving father and husband. He let their mother have the authority in their household.

He was such a great father, that was why it was heartbreaking to let him down.

Nanigas si Zane nang tapikin ng ama ang kanyang balikat. "It's okay, son."

Gusto nang bumigay ng kanyang mga luha. Alam niyang iyon ang sasabihin ng ama. Mas gagaan marahil ang loob niya kapag pinagalitan siya nito.

"I-it's n-not. It's not okay." Napahiya ang kanyang ama. His youngest was a quitter. Isa siyang kahihiyan sa pamilya.

"'Wag mong isipin ang sasabihin ng mga tao," anang ama na tila nababasa ang mga tumatakbo sa kanyang isip. "Hindi sila mahalaga. Hindi mahalaga ang mga pangungutya ng iba dahil hindi ko naman sila anak. Hindi sila ang mahihirapan. It's okay. Don't beat yourself up over it. Gawin mo ang kahit na anong gusto mo. Hanapin mo kung ano ang makakapagpasaya sa 'yo. Hindi kita pipilitin, anak. Ganoon din ang mga kuya mo. Palagi kaming nakasuporta sa 'yo kahit na ano'ng mangyari. We're family."

Doon na bumigay ang mga luha ni Zane. Kaagad niya iyong pinahid. "I'll make you proud, Daddy," pangako niya. "Someday, I'll make you very proud of me."

Nginitian siya ng ama. "I've always been proud of you, son."

Hindi nga siya pinabayaan ng kanyang pamilya. Sinuportahan siya ng mga ito nang magdesisyon siyang mag-aral ng musika—napakalayo sa larangang kinabibilangan ng kanyang pamilya. Hindi niya alam kung kanino niya namana ang hilig sa musika. Sa kanilang pamilya, siya lang ang may magandang tinig. Siya lang ang nagkainteres na mag-aral tumugtog ng mga musical instrument.

Music made him happy. While he was in music school, Zane realized that he wanted to be a performer. Nais niyang magpasaya ng mga tao. Hindi niya direktang masabi iyon sa kanyang pamilya ngunit alam niyang alam ng mga ito.

Zane had been regularly uploading some of his home videos in YouTube. Madalas siyang purihin ng kanyang ina sa kanyang mga performance. Parami na rin nang parami ang subscribers at followers niya. Aktibong-aktibo siya sa social media. He loved the attention, hindi siya magsisinungaling. Aminado siya na tumataba ang kanyang puso sa mga papuring ibinabato ng netizens. He was a fast rising Internet celebrity when the Lollipop Boys found him.

Hindi makapaniwala si Zane nang makatanggap ng mensahe galing mismo kay Vann Allen. He wanted to set up a meeting with him. Napanood daw nito ang kanyang mga video at interesado ito sa kanyang talento. Noong una, ayaw niyang pumatol. Hindi niya sigurado kung si Vann Allen nga ng Lollipop Boys ang nagpadala ng mensahe. Baka may nanloloko lamang sa kanya. Ngunit hindi rin siya mapakali. May tumubong pag-asa sa kanyang kaibuturan. Paano kung iyon na ang pagkakataong hinihintay niya?

Zane decided to meet the guy. Sa Sounds, isang recording studio, ang meeting place. Nang pumayag siya ay sinabihan siya ni Vann Allen na maghanda ng isang song piece. Doon na siya kinabahan. Malakas ang kanyang pakiramdam na mas audition ang pupuntahan niya kaysa meeting.

Labis ang kaba ni Zane. Uploading videos on the Internet was a lot easier. Hindi niya nakikita ang kanyang audience kaya hindi siya gaanong kinakabahan. Kung totoong si Vann Allen ang kakaharapin niya, baka panghinaan na siya ng loob bago pa man makakanta.

Muntikan nang umurong si Zane. Sigurado siyang hindi niya kakayanin ang pressure. Ngunit tumuloy pa rin siya, naisip na walang mangyayari sa kanyang buhay kung hindi siya kikilos. Kung hindi siya aalis sa kanyang comfort zone, hanggang doon na lang siya. Malaking oportunidad na ang dumating sa kanya at tanga siya kung palalampasin niya iyon.

Tinipon ni Zane ang lahat ng lakas ng loob na kailangan at nagtungo sa Sounds. Hindi lang si Vann Allen ang nakilala niya kundi ang lahat ng miyembro ng Lollipop Boys. For a while, hindi niya alam ang sasabihin at gagawin dahil sa pagka-starstruck. Halos hindi rin niya namalayan ang mga sumunod na pangyayari. Tila wala sa loob na sinagot niya ang mga tanong ng bawat miyembro. Nang hilingin ng mga ito na kumanta siya ay kumanta siya.

Lalo siyang nawala sa sarili nang sabihin ni Vann Allen na nais nitong mapabilang siya sa binubuong grupo.

It took Zane two days to process everything. At heto siya ngayon, miyembro ng The Charmings.

Inihanda silang maigi ng Lollipop Boys bago inilunsad sa publiko. Hindi siya nagkamali sa pagsali sa grupo. Noon lang siya nakadama ng ganoong uri ng kaligayahan at matinding satisfaction. He finally found his place under the sun. Maligaya siya sa ginagawa.

Zane found good people and good friends. Iba ang na-develop na friendship sa pagitan nila ng mga kasama sa grupo. Masaya rin siya sa suportang ibinibigay ng kanyang pamilya. Naging masaya ang mga ito sa kanyang pasya. They were proud of him. Hanggang sa kaya ay nanonood ng mga live show ang kanyang mga magulang.

Ayon sa kanyang ina, hindi raw pinalalampas ng kanyang ama ang kanilang sitcom tuwing Linggo ng gabi. His father even bought a thousand copies of their album and distributed most of them to his friends and staff.

Everything was perfect in Zane's life. Napakasuwerte niya dahil biniyayaan siya ng mapagmahal na pamilya. Biniyayaan din siya ng Panginoon ng talento. He should be happy and content.

"Have you heard from Jay?"

Awtomatikong napapitlag ang puso ni Zane nang marinig ang pamilyar na pangalan. "Nope," aniya sa pilit na pinakaswal na tinig.

Sandaling natahimik ang kabilang linya. "Hindi pa rin ba kayo nagkakaayos ni Baby Girl?"

"I have to go now," ani Zane sa halip na sagutin ang tanong ni Kuya Caleb. "May practice pa kami, Kuya."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kapatid. "She's coming home next month."

Si Zane naman ang natigilan at natahimik. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa telepono. "G-great." Tumikhim siya. "That's great. 'Have to go. 'Bye." Bago pa man makatugon ang kapatid ay pinutol na niya ang koneksiyon.

Marahas siyang napabuga ng hangin. Jay Ann was coming home. Pagkatapos ng dalawang taon, uuwi na ito sa Pilipinas.

"I'm in love with you!"

"I'm sorry."

Dalawang taon na ang nakalipas ngunit tila kahapon lang nangyari ang lahat. Ramdam pa rin ni Zane ang kirot. Bukas at sariwa pa rin ang sugat sa kanyang puso. Kinatatakutan at kinasasabikan niya ang pagbabalik ng babaeng pinakamamahal. Isang babaeng mahal siya tulad ng pagmamahal nito sa kanyang mga kuya. Minamahal siya ni Jay Ann bilang isang kapatid.

"Practice time, Zane!"

Binura na niya sa isip si Jay Ann. Ayaw muna niyang alalahanin ang dalaga. Saka na niya ito poproblemahin kapag nasa Pilipinas na uli ang dalaga.

NILAPITAN ni Jay Ann ang isang babae na madalas na sa Skype lang niya nakikita at nakakausap. Nasa labas ito ng coffee shop at nagbabasa ng libro. She was very lovely. Noong teenager siya, ninais niyang magkaroon ng gandang katulad ng sa babae. Ibibigay niya ang lahat upang magkaroon ng malakremang balat katulad nito.

To some people, it was not easy to accept that they were different from the norm. It had been not easy for her to love herself.

Nag-angat ng mukha ang babae pagkaupo ni Jay Ann sa upuang nasa tapat nito. Kaagad na napangiti nang matamis ang babae. Mas tumingkad ang kagandahan nito. Her eyes were glowing in admiration.

"I can't believe you're in front of me, Jay. Oh, my God."

Gumanti ng ngiti si Jay Ann. Hindi na bago sa kanya ang ganoong klase ng reaksiyon, ngunit nakakagulat pa rin tuwing nanggagaling sa isang tulad ni Trutty Charles Madrigal. Ang mga babaeng may gandang tulad nito ay nilibak siya noon. Ngunit hindi naman tamang itulad niya si Trutty sa mga babaeng nang-api sa kanya noong elementary at high school siya. Totoong mabait si Trutty. May hinala siya na hindi nang-api ng kahit na sino sa buong buhay nito ang babae.

"Thank you so much for agreeing to see me."

"No, ako dapat ang magpasalamat sa 'yo. I'm a huge fan!"

Hindi rin iyon ang unang pagkakataon na sinabi iyon ni Trutty. Nang kontakin niya ang babae ay iyon kaagad ang sinabi nito sa kanya. Mahirap paniwalaan na hinahangaan siya ng isang katulad nito. Hindi lang effortless beauty ang taglay ng babaeng kaharap. She had heard so much about her. Sa batang edad, malaki na ang napatunayan ni Trutty sa fashion industry. Napakahusay din nitong negosyante.

"Magpapasalamat pa rin ako sa tiwala, Trutty."

"Sus, parang malaking bagay naman ang hinihingi mo sa 'kin. I'm always ready to help out my friends."

"Hindi pa rin madaling magtiwala sa isang estranghero ngayon. Malay mo naman kung stalker lang pala ako ni Zane kaya ko ito ginagawa."

Trutty laughed. She glowed beautifully. Ang akala ni Jay Ann ay wala na itong igaganda pa. Some girls simply had all the luck in the world. "Stalker? Ikaw, magiging stalker? You're an international beauty queen, an international model."

"And The Charmings is the fast-rising boy band in Asia."

Tumango-tango si Trutty. "Well, I trust you. Isa pa, sapat na sa 'kin ang mga picture na ipinakita mo. I can always call Zane's brothers to verify."

Bahagyang namilog ang kanyang mga mata. "You haven't called them for verification?" Inasahan na niyang hindi nito basta-basta na lang tatanggapin at paniniwalaan ang kanyang mga sinabi sa Skype. Inakala niya na hindi magiging sapat ang pagiging former beauty queen at model niya.

"I trust you," walang anumang tugon ni Trutty.

"Ikinukuwento ba ako ni Zane sa inyo?" Base sa mga picture na nakikita niyang ipino-post ni Zane sa Internet, masasabing malapit ang binata kay Trutty. Palagi siyang nakakaramdam ng inggit at selos sa dalaga. She used to be the most special girl to Zane. She was his best friend, his twin, and his baby girl.

Natigilan si Trutty at tila hindi alam ang itutugon sa kanyang tanong. "Yeah... minsan," anito habang nakayuko.

Napangiti nang malungkot si Jay Ann. "You're a terrible liar, Trutty. He never told you anything about me. Hindi ka pa rin ba naghihinala sa 'kin?"

Inabot ni Trutty ang bag na nasa isang bakanteng upuan at may kinuha na kung ano. Inabot nito sa kanya ang isang susi at papel. Tinanggap niya ang mga iyon. Nakasulat sa papel ang security code ng bahay.

"Do you really want to give these to me?"

Tumango si Trutty. "I trust you. Ang sabi ng mga magulang ko, mahusay akong kumilala ng tao. Magaan ang loob ko sa 'yo at alam ko na wala kang gagawing hindi maganda. I also have this feeling that you're a special girl to Zane. Anuman ang dahilan ng pagkakagalit ninyo, alam kong maaayos din ang lahat."

Hinawakan ni Jay Ann ang kamay ni Trutty at banayad na pinisil. "Thank you so much."

"'Welcome. 'Always happy to help a friend."

Hindi niya sigurado kung magiging masaya si Zane na makita siyang muli. Sa loob ng dalawang taon ay tinikis siya nitong hindi makita at makausap. Nananalangin siya na sana kahit na paano, lumipas na ang anumang sama ng loob na mayroon ito sa kanya.

"Actually, there's a tiny favor I want to ask," ani Trutty sa nahihiyang tinig.

"Anything."

"I want to dress you up. Please let me." Nakikiusap pati ang mga mata ng dalaga.

Kaagad na tumango si Jay Ann. Trutty was a fashion designer. She owned a clothing line. She had been a model. Kung kailangan ng dalaga ang kanyang serbisyo, malugod niyang ibibigay. Inasahan na rin niyang iyon ang hihingin nitong kapalit sa pabor na kanyang hiningi.

Hindi naman basta-basta ibibigay ni Trutty ang susi ng bahay kung saan nakatira ang pinakasikat na boy band sa Pilipinas nang ganoon kasimple.

"Draw up a contract and I'll sign it."

Nagsalubong ang mga kilay ni Trutty. "Contract? Ah, no. I just really want to dress you up. Bibigyan lang kita ng mga damit na puwede mong isuot. Kung hindi papasa sa panlasa mo, okay lang kahit na hindi mo isuot. Gusto lang talaga kitang bihisan."

"Bibihisan mo 'ko? No pictorials or fashion shows? No endorsements?"

"I'd love to have you as an endorser kaya lang ayoko namang isipin mo na sinasamantala ko ang sitwasyon."

"So, ano talagang pabor ang hihingin mo sa 'kin?"

"Tanggapin mo ang mga ibibigay kong damit sa 'yo?"

"'Yon lang? Hindi 'yon pabor, Trutty, it's an honor." Nagsisimula nang gumawa ng pangalan sa international fashion industry si Trutty. "Hindi mo talaga ako aalukin na maging endorser mo? I can do your fashion show for free."

"Let's talk about that some other time. Saka ko na iisipin ang negosyo. Sa ngayon, hayaan mo muna akong maging fan girl."

Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa dalagang kaharap. "You're too good to be true," ani Jay Ann. "Alam mo bang ang mga kasingganda mo ang nagparamdam sa 'kin na pangit ako noong elementary at high school?"

"You're beautiful, Jay. Very. You're also exotic. Girls like me, we're boring."

"No, you're not." Inabot ni Jay Ann ang kamay ni Trutty. "Thank you talaga."

--

From the Author: Thank you for reading. I hoped you've enjoyed it. If you did, please kindly take the time to vote and follow.

Facebook Page: BELLE FELIZ

FB Group: Belle Feliz's Happy Friends

IG: belle.feliz

Booklat: belle feliz

xoxo

Continue Reading

You'll Also Like

42K 1.3K 10
Starr hated Jerry. Dahil sa sobrang inis niya rito ay tumakbo siya bilang presidente ng student council ng engineering upang kalabanin ito. Sa lalong...
11.3K 1K 58
Ivo and Ember had a lovely history. They had each other at their 'best.' They had an expiration date and they both knew that from the very beginning...
49.9K 1.6K 11
*UNEDITED* *WATTPAD VERSION* Despite Jedric's infamous image at SCU, Pearl was still in love with him. Pero hindi nito gustong tugunan ang damdamin n...
32.3K 1K 10
THIS IS THE UNEDITED VERSION. Ebook (edited version) is available at preciouspagesebookstore.com.ph Ashlee might be impertinent and harsh but she was...