A Glimpse of Heartbeat

By Miss_Sunnyberry

6 0 0

"Will I be able to see... a glimpse of heartbeat from him... that beats crazily for me? Hear me, oh so cruel... More

Prolouge
Author's Note
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI

Chapter I

0 0 0
By Miss_Sunnyberry

[ 1 - Bike ]

“Kung gusto mo, ipaglaban mo!”

Tahimik lang akong nakikinig sa video na pinapanood ko sa cellphone. Naghihintay akong magsidatingan sa faculty room ang iba pang kasapi ng SSG o Student Supreme Government para sa aming meeting.

“Eh paano mo naman ipaglalaban ang taong sa una pa lang ay ayaw na sa'yo?”

“Sa una lang 'yan. Malay mo, umihip ang hangin at sa pagdilat mo ulit, nasa piling mo na ang taong mahal mo. Kaya 'wag kang sumuko.”

Madrama akong bumuntong-hininga at nagulantang nang biglang bumukas ang pintuan. Napaayos agad ako ng upo nang mamataang si Guil ang pumasok.

“Nauna ka na pala, Veil!”

Patay malisya naman akong mahinang tumawa.

“Oo eh.”

Napatingin siya sa kanyang relo at sumulyap sa akin.

“Hintayin lang natin sila, ah.”

Tumango lang ako at napagpasyahang ipagpatuloy ang panonood. Pasulyap-sulyap lang ako sa kanya habang tinatanggal niya ang kanina niya pang suot na lab gown. Hinubad niya rin ang surgical gloves niya. Maayos niyang itinupi ang mga iyon at isinantabi sa kabinet sa isang sulok.

“Nag-experiment kayo?”

Palakaibigan kong tanong kahit na para na akong sinusunog dito sa kinauupuan ko.

“Oo eh. Ano lang, kung paano gumawa ng dishwashing liquid ganun.”

Nagpangalumbaba naman ako habang umupo siya sa tapat ko. Isang mahabang mesa kasi ang nasa pagitan naming dalawa.

“I see. In fairness, relatable sa atin ah kasi tayo 'yong pinagpahugas ng pinggan.”

Napatawa kaming dalawa.

“Oo nga. De bale, mamaya isasampal ko kay mama 'yong ginawa kong panghugas. Patunay lang iyon na buong puso akong nagpapaalipin sa mga pinggan.”

Sabay kaming napahalakhak dalawa.

Nang makabawi na ay napatitig ako sa mukha niyang may maamong mata. Hindi siya singkit ngunit madalas na nawawala ang mata niya kapag ngumingiti.

Sa kalagitnaan ng katuwaan namin ay nagsimula ng pumasok ang iba pang councils at representatives. Umayos na rin kaming dalawa ni Guil at bumalik na siya sa harapan. Ang katapat ko na ngayon ay ang matinik niyang pinsan na si Carl.

“Hi, Veil! Musta ka na, aking irog?”

“Yiee.”

Hiyawan ang naging reaksiyon ng mga myembro sa mapaglarong sinabi ni Carl. Pinandilatan ko lang siya at sinubukang apakan ang paa niya sa ilalim ng mesa.

“Ang sama mo talaga sa akin.”

“Hoy! Kung bored ka, pwede bang 'wag mo akong pagtripan?”

Mas lalo akong nainis ng kumindat pa siya sa akin.

“Ang kapal nito. 'Yong pinsan mo naman 'yong gusto ko. Hindi ikaw.”

Bulong ko sa sarili sabay baling ng atensiyon sa kanina pa palang naghihintay na si Guil. Naka-ekis ang mga braso niya habang ang mga mata ay nasa amin ni Carl.

“Ano? Tapos na kayong dalawa?”

Kumalabog ang dibdib ko sa tanong niya at hindi na lang kumibo. May halong panunuya ang tono ng boses niya.

“Hindi pa, bro. Pwedeng magskip na lang kami ng meeting at i-date ko na lang 'to si Veil?”

Napadaing ako sa narinig at pinakitaan ko ng kamao si Carl.

“Isa pa at makakatikim ka na talaga sa’kin!”

Pumalakpak ng tatlong beses si Guil at nagseryoso na kaming lahat. Wala ng ni isang nagsasalita at ang kaninang hindi magkamayaw na faculty room ay natahimik. Lahat ng atensiyon namin ngayon ay nasa harapan.

“Good afternoon to all SSG members. This meeting for today is all about the upcoming Intramurals on Harpier Institute Academy.”

Hindi ko mapigilang malasing sa bawat bigkas ni Guil sa mga salita. Ang sarap pakinggan ng boses niya.

Kung may lakas-loob lang akong magtapat sa kanya...

Kung may lakas-loob lang sana akong ipaglaban ang nararamdaman ko, kahit na mali...

Matagal ko ng pinapangarap ang natatanging atensiyon ng isang Guillever Axyl Fajardo, na mas kilala sa palayaw na Guil. Siya ang mahusay naming pangulo at ang lahat ay rumerespeto sa kanya.

Charismatic si Guil. Malakas ang presensiya niya 'yong tipong mapapalingon ka talaga. Lalaking-lalaki ang mga kilos, matangkad na payat ngunit hindi buto’t balat. Sakto lang. Moreno rin ang kutis niya. Matangos ang ilong, mapupula ang labi, at makapal ang kilay.

“We need to discuss on how to deal with the pageant. As always, we're assigned to deal with the process of the program again.”

Halos kaming lahat ang napa-angal. Natatanaw ko na ang pagpupuyat ulit namin sa unibersidad para lang paghandaan ang mga aktibidad. Kailangan talaga naming maglagay ng effort upang hindi madisappoint ang mga mag-aaral.

“Any suggestions?”

Napalingon lang ako sa mga kasamahan kong nahulog sa malalim na pag-iisip. Napasulyap ako kay Carl at pinagsisihan ko iyon dahil kanina pa pala siya nakatitig sa akin.

“Aw, man. Ang sakit nun!”

Pinigilan ko ang sariling matawa ng umikot sa buong lugar si Guil at sinapak si Carl ng nakarolyong cartolina.

“Kung wala kang maiambag dito, labas!”

“Oo na. Aayos na ako. Ikaw Veil, ano suggestions mo at susuportahan ko?”

Inirapan ko lang siya at nanatiling tahimik. Ilang sandali pa ay napabaling sa paligid ng maramdamang silang lahat ay nakaabang sa sasabihin ko.  Napakamot ako ng ulo bago tumayo at sinalubong ang nag-aabang na si Guil.

“Mister pres, I propose that the question and answer portion shouldn’t be scripted. In that way, the true intelligence of the candidates will be put and tested into the spotlight. But of course, the questions should also be aligned with the given curriculum.”

Natahimik silang saglit at ako naman ay umupo na pabalik. Maya-maya pa ay umingay na sila at sumang-ayon na sa sinabi ko. Lihim din akong napangiti ng makita ko kanina ang nakatulalang si Guil habang nagsasalita ako na para bang humahanga siya sa kung anumang lumalabas na salita sa bibig ko.

Ganito pala ang pakiramdam kapag na sa iyo ang atensiyon ng taong gusto mo.

Para kang komportableng nakahiga sa mga ulap.

Nagpatuloy pa ang meeting at nagbigay na rin ng suhestiyon ang iba pang mga kasali. Mga alas singko na sa hapon kami natapos at napagpasyahang umuwi na.

“Veil, hintayin mo ako!”

Tatarayan ko na sana ang sumigaw nun sa pag-aakalang si Carl. Natahimik lang ako ng makitang si Guil pala.

Sumabay siya sa aking paglalakad patungong gate ng unibersidad.

“Sa wakas, natapos din.”

“Oo nga.”

Pagsang-ayon ko sabay angat ng tingin sa papalubog na araw. Napatigil sa paglalakad si Guil kaya napatigil din ako.

“Sandali lang ah. Kukunin ko muna bike ko at iaangkas na kita.”

Nanlaki ang mga mata ko at nag-iwas ng tingin. Ito na naman ang pagkalabog ng dibdib ko. It's funny how simple gestures from someone you love means a lot to you.

Kinuha niya nga ito sa isang sulok at huminto siya sa tapat ko.

“Sakay na.”

Biglang umihip ang hangin sa pagitan namin kaya medyo nagulo ang buhok niya. Agad niya namang pinasadahan ito gamit ang kanyang mga daliri.

Dahan-dahan akong umangkas sa likod ng bike niya.

“Baka ma-flat to ah. Tas ako pa sisihin mo!”

Pabiro kong sabi mula sa likod. Yes, magaling akong magtago ng nararamdaman.

Humalakhak lang siya bilang tugon at nagsimula ng magpatakbo ng bike. Ako naman ay lihim na napapangiti sa kanyang likod.

Siguro, may pag-asa pa ako.

Naaninaw ko ang isang pamilyar na tao na naghihintay sa bench malapit sa gate. Kumakaway ito sa amin. Nang huminto kami ni Guil sa kinatatayuan ng babae ay nakilala ko siya kaagad.

“Ate...”

“Sis! Hinintay talaga kita. Nag-alala kasi ako nung wala ka pa.”

Napayuko naman ako sabay kalas ng braso sa bewang ni Guil.

“Hi, Yvonne.”

Bati ni Guil sabay kuha sa kamay ni ate at pinatakan ito ng halik. Agad akong nag-iwas ng tingin.

Tuluyan na akong umalis sa pagkakaangkas at inakbayan si ate na halatang kinikilig. Ngumiti ako nang matamis sa dalawa.

“Kayong dalawa ah. Naku! Sige na, ate. Angkas na kay Guil.”

Nagulat naman si ate at napatingin sa akin.

“Huh? Paano ka naman sis? Saan ka sasakay?”

Winagayway ko ang wallet ko.

“Magcocommute na lang ako. Sige na. Si Guil na ang maghahatid sa'yo sa bahay.”

Sumulyap ako kay Guil na ngayon ay mamula-mula ang tenga. Nag-iwas ulit ako ng tingin.

“Makakaasa ka sa akin, Veil. Hindi kita bibiguin kasi kapatid ka ng minamahal ko.”

That... hurts.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 100K 38
[Published Under LIB x Wattpad] PeΓ±ablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain A...
173K 4.7K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
35.1K 2K 51
Old title: Ms. Chubby "I'm just another promise you couldn't keep" --LECKZY ***** Love cannot be written on paper because paper can be erased. It i...
349K 14K 42
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.